You are on page 1of 5

KABANATA I

Epekto at Sanhi ng Stress sa piling mag aaral ng Junior High School ng GIST

PANIMULA

“Ang Edukasyon ay susi ng Tagumpay”. Ito ang mga katagang madalas na naririnig ng
mga tao mula sa mga Indibidwal na nagnanais na manghikayat na sila ay magsikap sa pag-
aaral upang maging matagumpay sa buhay. Edukasyon ang isang bagay na hindi mananakaw
ng kahit na sino pa man. Tila isa itong sandata na kayang gamitin upang labanan ang bawat
hamon ng buhay. Maari nitong mabago ang kapataran ng isang indibidwal kahit pa ang
pinakahikahos sa buhay.

Bago makamit ang Edukasyong pinapangarap ng karamihan, napakaraming pagsubok


ang pagdaraanan ng bawat mag-aaral. Mahabang pasensya, sakripisyo at malaking gastos ang
ginugugol upang sa huli ay makuha ito. Bukod sa mga nabanggit isa pa ang “Stress” sa mga
nakakahadlang upang mapagtagumpayang marating ang tagumpay.

Para sa mga mananaliksik ang “Stress” ay isa sa mga pangunahing salik na


nakakaapekto sa pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magpapaliwanag ng mga Epekto at Sanhi
ng “Stress” sa mga mag-aaral. Kasama na rin ang mga saloobin ng mga mag-aaral ukol ditto.

Para sa mga mananaliksik, ang Stress ay may malaking epekto sa pagkamit ng


tagumpay ng mga mag-aaral. Nakakabahala na ito ay madalas na nagiging sanhi ng kawalan
ng interes at gana ng mga mag-aaral. May mga taong ng tila bihasa sa paglagpas sa mga
Stress na dumarating sa buhay nila, mayroon din namang tila kinain na ang buong sistema ng
kanilang Stress na nagiging dahilan ng pagtigil at pagsuko sa kanilang mga pangarap.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin ng mga mananaliksik na magkaroon ng bahagi sa matagumpay na pag “Cope-


up” ng mga mag-aaral sa anumang Stress na dumating sa sa panahon ng kanilang pag-aaral.
Adhikain din ng pag-aaral na ito, na mas maunawaan ng mga guro at mga magulang ang mga
pinagdaraanang Stress ng kanilang mag-aaral. Bukod dito hinahangad ng mga mananaliksik na
maunawaan ng mga mag-aaral na ang Stress ay hindi lamang sagabal ngunit isa ring salik
upang mas mapatibay pa nila ang kanilang mga sarili. Nais iparating ng mga mananalisik na
maaari pa ring magtagumpay sa kanilang pag-aaral ang mga taong dumaraan sa Stress.
Layunin din ng pag-aaral na ito na buksan ang isipan ng bawat isa na marami isipan ng mga
taong nakakaranas ng Stress. Ang tagumpay ay hindi basta basta nakakamit ng walang hirap o
Stress na pagdaraanan. Nais ipaunawa ng pag-aaral nito sa mga mambabasa na ang Stress ay
makapagpapatag sa bawat indibidwal sa pagharap sa mas mahihirap pang yugto na darating sa
buhay nila.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Mga Sanhi at Epekto ng “Stress” ay dapat mapag-aralan dahil sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral: Sa pag-aaral na ito ay malalaman nila kung sila ay dumaraan sa Stress at
magkakaroon ng ideya upang malampasan ang bawat Stress na kanilang nararanasan.
Mapapakita ng pag-aaral na ito sa bawat mag-aaral na ang bawat Stress na pinagdaraanan nila
ay normal lang sa napagdaraanan din ng ibang tao. Masasalamin dito ang realidad na
kailangang harapin at tanggapin ng mga mag-aaral upang mas harapin pa ng buong tatag ang
mga Stress ba kanilang nararamdaman.

Mga Guro: Mahikayat sila na maging daan upang mapagaan ang stress na pinagdaraanan ng
mga mag-aaral. Hangad din ng apg-aaral na mas mapalalim pa ang pag-unawa ng mga guro at
alamin ang mga pangangailangan ng bawat mag-aaral upang maging matagumpay sila sa
kanilang pag-aaral. Magkakaroon sila ng Repleksyon ukol sa wastong pamamalakad o
pakikitungo sa mga mag-aaral. Mapupukaw ang kamalayan nila na iba-iba ang mga paraan ng
kanilang mag-aara lsa pagkatuto at mas malalaman nila kung ssang aspeto sila maaaring
makapag-ambag sa para kanilang tagumpay.

Mga Magulang: Mabigyang ideya ang mga magulang kung paano mas mabibigay ang
atensyon at pangangailangan ng kanilang mga anak at upang mas lumaki ang kanilang bahagi
sa paglutas ng mga suliranin mg kanilang mga anak. Mas mapalawak ang kanilang kaalaman
tungkol sa mga pinagdaraanan ng kanilang mga anak at mabahagi rin ang kanilang mga paraan
na maaaring makatulong sa kanila. Maipakita na ang totoong pagdamay at hindi pagtuligsa sa
kanilang mga anak ang pinakamabisang paraan upang mas magsumikap pa sila sa buhay at
pag-aaral.

Mga Susunod na Mananaliksik: Makakuha ng batayan upang mas maging malalim at kapaki-
pakinabang ang kanilang gagawing pag-aaral na maaari pang magamit sa mga darating pang
mga panahon. Mabigay ang mga angkop at napapanahong mga pag-aaral at datos na
makakatulong din sa kanilang pag-aaral. Mabahagi sa kanila ang mga makatotohanang ideya at
impormasyon na sumasalamin sa reyalidad tungkol sa Stress na pinagdaraanan ng mga mag-
aaral. Sa gayon, mas maging angkop din ang mga mababahagi nila sa iba pang mananaliksik.
Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang mabigyang kasagutan ang mga


sumusunod na mga katanungan.

1. Anu-ano ang mga Sanhi at Epekto ng Stress?


2. Anu-ano ang mga paraan ng mga mag-aaral upang malampasan ang Stress na
kanilang nararanasan?
3. Paano makakatulong ang mga Guro at Magulang upang maibsan ang bawat mag-
aaral ang stress na kanilang pinagdaraanan?
KABANATA II

Kaugnayan ng Pag-aaral at Literatura

Ang bahaging ito ay nagpapakita at napapaliwanag ng kaugnayan ng pag-aaral at


literatura na ginagawa ng iba pang mananaliksik upang malaman ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng bawat pag-aaral.

Kaugnayang Pag-aaral

Ang mga sumusunod na pag-aaral na nakalap ng mga mananaliksik ay nagbibigay ng


mahalagang bahagi at datos para sa kasalukuyang pag-aaral na naglalayon na makabuo ng
mas angkop na mga ideya tungkol sa paksa. Sa karagdagan ang mga pag-aaral na ito ay
nagbibigay ng mga konsepto at impormasyong may koneksyon sa pag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Arien Vander Merwe, isang eksperto sa Stress, ang katawan
ng isang tao ay gumagawa agad ng napakaraming Neurochemical at Hormon na mabilis na
dumadaloy sa buong katawan sa sandaliang ito ay nasstress. Inihahanda nito an gang bawat
sistema at sangkap ng katawan sa pagharap sa Emergency. Naniniwala ang mga nanaliksik sa
kasalukuyang pag-aaral na dahil sa Stress ay hindi natin namamalayan na nagagawa na pala
natin ang mga bagay na akala natin ay imposible nating magawa.

Sa pag-aaral nina Gordon Edlin at Eric Golarty, tinatalakay nila na ang “Stress” ay ang
relasyon sa pagitan ng isang tao at kanyang kapaligiran. Ito ay bahagi rin ng konsepto mg
kasalukuyang pag-aaral na kung saan ay naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang
epekto ng kapaligiran ng isang tao sa pagkakaroon niya ng Stress. Ang sanhi nito ay ang pang
araw-araw na suliranin na nararanasan ng nilalang.

Ang stress na nararanasan ng tao ay parang tensiyon sa kuwerdas ng isang biyolin:


kapag kulang, ang tunog ay walang buhay at garagal; kapag sobra naman, ang tunog ay
masyadong matinis o madaling mapatid ang kuwerdas. Ang Stress ay pwedeng makamatay o
kaya’y makapagpasaya sa buhay. (American Psychological Association) sa kasalukuyang pag-
aaral, naniniwala ang mga mananaliksik na ang Stress ay hindi lamang nakakasama ngunit
maaari ang makabuti sa isang indibidwal depende kung ano ang pananaw ng indibidwal tungkol
dito.

Ang Stress ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay para sa maraming tao. May


antas ng Stress na hindi naman nakakapanira. Ang katamtamang lebel nito ay nakakatulong sa
katawan at isipan na harapin ang mga hamon ay mahihirap na suliranin at tuwing oras ng krisis.
Kaugnayang Literatura

Matapos ang masuring pagsasaliksik at pagbabasa ng iba pang lathala, ang mga
mananaliksik ay nakabuo ng kaugnayang literature. Ang mga literaturang ito ay nakapagbahagi
ng mga mahahalagang impormasyon sa mga mananaliksik bilang gabay sa kasalukuyang pag-
aaral.

Ang pagkahapo o Stress ay hindi na bago sa buhay ng isang tao. Ito ay nararanasan ng
lahat ng indibidwal, lalo na ang mga taong nagtatrabaho at mga mag-aara, sa magkaibang
antas at kadahilanan.

Ang Stress ay isang sitwasyon, kung saan ay nakakaranas ng isang matinding


damdamin ng pag-alala, o mayroong nararanasan na hindi umaayon sa iyong naisin. Ang
Stress ay maaaring dala ng sobrang kagipitan, problema o Isyu at kaganapan sa buhay na
nagdudulot sa atin ng kawalan ng pokus. Pwede rin itong magmula sa mga simpleng bagay
bagay ng mga proyekto na nakapatong-patong dahil hindi alam kung kalian matatapos ito.
Maaari rin tayong mastress sa mga taong nakapaligid satin.

Kapag nakararanas ng Stress, napapagana ng utak ang “Nervous” at “Endocrine


System” na tumutulong upang labanan at makayanan ang Stress. Kapag nagyari ito, may mga
kemikal sa loob ng ating katawan na naglalabas na nagpapataas ng metabolism, pagtaas ng
presyon ng dugo ata mas mabilis na pagtibok ng puso at iba pang “Psychological Effects” na
maaaring makapinsala sa ating kalusugan.

Maraming Sanhi ang Stress at ito ay nagka-iba sa iba’t ibang indibidwal: Ang iyong
tinuturing nakakahapo ay depende rin sa maraming dahilan kabilang na ang iyong
personalidad, abilidad sa paglutas ng problema at ang mga taong nandyan para sumuporta.
Ang isang bagay na nakakahapo sa iyo ay maaaring nakakatuwa pala sa iba.

You might also like