You are on page 1of 4

Kabanata I.

Ang Suliranin At Kaligiran Nito

INTRODUKSYON

Taong 2011, naipatupad na rin ang matagal na ring pinaplanong pagbabago sa


progrmang pang-Edukasyon ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na tinatawag na K
to 12 Program.

Gamit ang programa ng mga kanluraning bansa bilang modelo, ang bagong learning scheme na
ito ay ang K to 12 basic education program. Maraming miyembro ng Akademiya, mga
estudyante at mga magulang ang unang tumatanggi sa pagbabagong ito kahit noon pa lamang
iminumungkahi ito. Para sa mga magulang at mga estudyante, dagdag gastos ito dahil tatagal
ang ilalagi ng isang bata sa eskwelahan. Para sa mga administrador ng mga paaralan, napakalaki
at napakalalim ng kakailanganing reporma at pagsasaliksik para matugunan ang requirements
ng K to 12 program. Sa kabila ng mga pagtutol at pag-aagamagam, naituloy rin ang mahalagang
pagbabagong ito sa Philippine Education.

Ang DepEd ay nagpapatupad at namamahala ng edukasyong K to 12 simula nang pormal


itong itinalaga noong 2013. Sila ang may eksklusibong pamamahala sa mga pampublikong
paaralan, at regulasyon para sa pribadong paaralan. Mula sa 10 taong basic na edukasyon—6
na taon sa elementarya at 4 na taon para sa high school—mula taong 1945 hanggang 2011, ang
implementasyon ng programang K–12 ng DepEd at kasunod na ratipikasyon ng Kindergarten
Education Act ng 2012 at Enhanced Basic Education Act ng 2013, naging 13 taon na ang basic
education ngayon. Isang taon ang para sa kindergarten, 6 na taon para sa elementarya, 4 na
taon para sa junior high school at 2 taon para sa senior high school, para sa mga mag-aaral
mula edad na 5 hanggang 17 taong gulang. Nitong 2017 lamang naisapatupad ang
implementasyon ng Grade12.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ayon sa pamunuan ng DepEd, dumaan sa masusing pag-aaral ang pagbabagong ito sa


programa ng edukasyon sa Pilipinas. Sinasabing isa sa mga kabutihan na dulot nito ay ang
pagbibigay ng pagkakataon para sa mga estudyante na mahasa sa mga iba’t ibang larangan ng
espesiyalisasyon tulad na lang ng animation.

Ang pag-aaral sa kindergarten at 12 taon ng basic education ay layong magbigay ng


sapat na panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga konsepto at
skills na kinakailangan para sa tertiary education o kolehiyo at unibersidad, pati na sa
pagtatrabaho at pagnenegosyo.

Ayon sa DepEd, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asya na nagpapatupad pa ng 10-
taong basic education. Ang 13 taong programa ay sinasabing pinakamabisang haba ng panahon
para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga bata. Ganito na rin kasi ang programa sa mga
bansang maunlad sa buong mundo.

Ang K to 12 program ay nahahati sa Kindergarten, Primary Education, Junior High


School, at Senior High School.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Una, pinapatibay at pinapahalagahan ang Early Childhood Education sa Kindergarten.


Ang unang 6 na taon ng isang bata ay ang mga kritikal na taon para sa brain development.

Ikalawa, idinagdag sa curriculum ang makabuluhang life lessons tulad ng pagbubukas ng


diskusyon at pag-aaral tungkol sa Disaster Risk Reduction, Climate Change Adaptation, at
Information & Communication Technology (ICT), na sadyang mahalaga sa mga mag-aaral na
Pilipino.

Ikatlo, may integrasyon at Seamless Learning o Spiral Progression—ang pag-uulit ng pag-


aaral ng mga konsepto at aralin mula pinakasimple hanggang sa pinakakomplikado, sa bawat
grado o baitang. Inaayon ito sa edad ng mga mag-aaral, kaya’t higit na naiintindihan at naaalala
ang bawat aralin.

Ika-apat, itinuturo ang mga aralin gamit ang sariling wika, o tinatawag na Mother
Tongue-Based Multilingual Education sa unang 3 baitang, bago ituro ang ikalawang wika tulad
ng English. May 12 mother tongue languages na sinimulang gamitin sa pagtuturo noong 2012-
2013: Bicolano, Cebuano, Chavacano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Maguindanaoan,
Maranao, Pangasinense, Tagalog, Tausug at Waray. Idinagdag din ang Aklanon, Ibanag, Ivatan,
Kinaray-a, Sambal, Surigaonon at Yakan ng sumunod na taon.

Ika-lima, may pitong learning areas at tatlong specialization na maaaring pagpilian ang
mga mag-aaral para sa senior high school, ang 2 taon ng specialized upper secondary
education. Ang Core curriculum learning areas ay languages, literature, communication,
mathematics, philosophy, natural sciences at social sciences.

Ika-anim, itinuturo ang information, media at technology skills, learning at innovation


skills, communication skills at life at career skills, para lumaking handa sa lahat ng pagsubok lalo
na bilang isang adult.

SAKLAW AT LIMITASYON

Junior High School ang tawag sa dating 4 na taon ng high school. Ang Senior High School
naman ang ika-11 at ika-12 taon, na naghahanda sa mga kabataan para sa kanilang
pagtatrabaho. Ito ang specialized upper secondary education, na base sa kakayahan at interes
ng isang mag-aaral.
Maaari na silang mag-apply ng TESDA Certificates of Competency (COCs) at National
Certificates (NCs) para makapagtrabaho ng ayon sa kakayahan nila. May technical, vocational at
entrepreneurship courses sila. Kung nais pa nilang magpakadalubhasa, maaari nilang
ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Sa tulong ng Commission of Higher Education (CHED),
magiging sapat ang kaalaman at kakayahan ng isang mag-aaral na nakatapos ng Senior High
School, para makapagtrabaho na ng bokasyonal o magnegosyo, o magtuloy ng pag-aaral sa
kolehiyo.

May mga maaaring piliin para sa specialization, o "specific tracks” o patutunguhan ng


espesyalisasyon:
Academic (para sa kolehiyo): Accountancy, Business & Management (ABM), Humanities &
Social Sciences (HUMSS) Science, Technology, Engineering & Mathematics (STEM), General
Academic Strand (GAS).
Technical-Vocational-Livelihood, ang para sa technical at vocational learning. Kasama ang Home
Economics, Industrial Arts, Agricultural at Fishery Arts, Information, at Communications
Technology,
Arts and Design
Sports
At ang bagong dagdag na Maritime.

Ang K to 12 ang sinasabing naghahanda sa bawat Pilipinong mag-aaral para sa mas


mabuting kinabukasan dahil mas matibay ang pundasyon nito. May mga certification na
maaaring kunin ang mga mag-aaral sa bawat baitang pagkatapos ng elementarya, na
nagsasanay at naghahanda sa kakayahang pang bokasyonal at may specialization, tulad ng
Certificate of Competency (COC) sa Grade 9 at 10, halimbawa.

Halos 6 na taon na ang nakalipas mula ng sinimulang ipatupad ang bagong sistemang ito
sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Pilipinas. Maraming sumalungat noon pa
lamang, ngunit sa ngayon, may karamihan na rin ang may nakikitang kabutihan at positibong
resulta ang programang ito.

Ayon sa mga guro at mga mag-aaral na rin na nagsimula na ng K to 12 program sa


kanilang mga paaralan, isa sa mga kabutihan nito ay ang pagkakaroon ng mga asignatura at
araling praktikal at nagagamit ng mga mag-aaral sa araw-araw na pamumuhay. Ang mga aralin
ngayon ay may practical application na, ika nga. At dahil nga mas maraming taon ang pag-aaral
at paghahanda, nagiging competitive ang Pilipino kapag nag-aaply sa ibang bansa. Sunod na kasi
sa education requirements na pang-international, na higit sa 10 taon, base nga sa programa sa
mga mauunlad na bansa.

Para sa mga gurong matagal nang nagtuturo, sinasabi nilang hindi sapat ang panahon ng
paghahanda para mapatupad ng tuluyan ang programang ito. Pakiramdam pa rin ng mga guro
na napakarami pang problemang at balakid para makamit ang primary goal ng DepEd para sa K
to 12 program. “Iba kasi ang nagiging produkto, dahil hindi pa naman handa para sa
implementasyon,” kwento ng isang guro na 20 taon nang nagtuturo sa Public School. Hindi daw
kumpleto ang mga materyal, wala pang textbooks, at hindi pa makasabay sa requirement ng
programa lalo na sa Public school dahil wala namang internet, computer at telebisyon. Kaya ang
resulta, hindi pa nila tuluyang nararamdaman ang pagbabago, kahit 6 na taon na itong
pinapatupad.

Malayo pa nga siguro ang tatahakin ng programang pang-Edukasyon ng Pilipinas bago


tuluyang marating ang ninanais nitong progresibong sistema para sa ating mga kabataan.
Marami ang naniniwala na simula ito ng magandang kinabukasan. Kailangan lang talagang
paigtingin at pagsikapan ang pagsasaliksik at patuloy na paghahanda para maging mas
makabuluhan ang pagbabago.

Kabanata II. Mga Kaugnay Na Pag-aaral At Literatura

You might also like