You are on page 1of 6

Bahaghari ang kulay ng lakad ni Jude

1. Rampa ni Jude.
Ext. – Sa waiting shed – Day.
Isang makulit at mapaglarong tugtugin (maaaring pambungad na
bahagi ng awiting “Babae po ako” ni Tuesday Vargas).
Makikita si Jude. Isang batang lalaking nasa ika-apat na
baytang ng hayskul. Bakla. Naka-school uniform.
Ito ang pang-araw araw na ritwal ni Jude pagkatapos ng klase,
ang mag-sightseeing ng mga lalaki sa daan at sa social media.
Makikita siyang nakatayo. Tila naghihintay ng dyip. Nakatingin
sa kanyang cellphone. Makikita ang pagsulpot ng mga logo ng
iba’t ibang gay dating app (Blued, Grindr, Growler, Tinder,
Bumble, etc.) at mukha ng mga cute guys na sa kanya’y
nakapaligid.

Cut to:
[Int. - Sa bahay nila Jude - Day.]
Makikita si Ruel, ama ni Jude, na nagsa-sightseeing din sa
kanyang tablet. Sa paligid naman niya’y makikita ang pagsulpot
ng logo ng facebook, mukha ng mga babae, logo ng youtube,
vlogs tungkol sa mga bagong labas na modelo ng baril, video ng
huling laban ni Pacquiao, at iba pa.

Cut to:
[Ext. – Sa waiting shed – Day.]
Makikita ang pagdaan ng isang may itsurang lalaki.
Mapapatingin dito si Jude. Makikita na titignan din ng lalaki
si Jude at kikindat ito sa kanya.
Ngingiti si Jude.
Shot ng pagbukas ni Jude ng isang lollipop, kulay pula.
Makikita siyang maglalakad pauwi sa kanilang bahay.
Ito ang huling bahagi ng kanyang ritwal. Maglalakad siya na
tila isa siya sa mga kandidato sa paborito niyang tv series na
RuPaul’s Drag Race.

2. Ang Ikalawang Anyo


Int. Sa bahay nila Jude. Day.
Makikita ang pagpasok ni Jude sa kanilang gate. Wala na ang
lollipop sa kanyang bibig. Makikitang iko-close ni Jude ang
lahat ng app sa phone at ilo-lock niya ang nasabing cellphone.
Makikita ang pagbabago sa katauhan ni Jude. Siya ay tila isa
ng maton. Walang bahid ng kabaklaan sa kanyang ikalawang anyo.
Makikita ang pagpasok ni Jude sa pinto. Magmamano siya sa
kanyang ama. Babatiin niya ito, malamig ang tono. Makikita sa
mga susunod na imahe na tila naguusap sila…
Ruel: Hinapon ka na naman ng uwi, ilang babae na ba ang
naloloko mo?
Jude: Wala po, ‘tay. Nag-meeting lang po kami ng mga kaklase
ko para sa group project namin.
Ruel: In-add pala ako ng kaklase mo.
[Ipapakita ang tablet kung saan makikita ang facebook profile
o larawan ng babae.]
Jude: A, si Christel po ‘yan bestfriend ko. Bihis lang po ako.

Aakyat si Jude sa kanyang kuwarto.


Makikita ang dismaya sa mukha ng ama. Bigo ang kanyang
pagtatangkang makabuo ng isang makabuluhang usapan mula sa
kanyang anak.

Makikita ang ama na tinitignan ang imahe ng kanyang pamilya sa


tablet.
Ruel: Sabi mo mahal tutulungan mo ko kay Jude. Bakit kasi
nauna ka na?
Maluha luha ang mata ni Ruel.
3. Rebelasyon
Int. Bahay nila Jude. Day.
Isang mapaglarong musika. Maganda kung pang rampa.

Shot ng bahay nila Jude. Umaga na. Sabado.


Close up sa imahe ng kamay na bumubukas ng gripo.
Close up sa imahe ng bukas na shower.
Shot ni Jude na nakaharap sa salamin. May tuwalya sa kanyang
baywang at nilalagyan niya ng isa pang tuwalya ang kanyang
buhok.

Close up shot ng isang pambabaeng pabango.


Papabanguhan ang sarili.

Shot ng bihis ni Jude. Isang makulay na tank top at may


kaikliang shorts. A la Sebastian Castro ang look.

Lalabas siya ng kuwarto.


Magpapaalam sa ama.
Makikita ang pagtataka ni Ruel sa porma ni Jude.

Papasok si Ruel sa kuwarto ni Jude, may dalang walis. Makikita


niya ang cellphone ng anak sa lamesa.

Makikita niya ang pagsulpot ng isang notification sa isang


app.

Magtataka si Ruel.

Bubuksan niya ang cellphone. Alam niya ang password. Birthday


ng kanyang anak.
Makikita niya ang logo ng Grindr. Bubuksan niya at makikita
niya ang larawan ng mga lalaki.

Cut to sa shot ng pagbalik ni Jude sa main door. Tila may


nakalimutan.

Cut to maririnig ni Ruel ang mga yabag. Isasara niya ang phone
at ibabalik sa kanyang pinagkuhanan.

Magkukunwari siyang nagwawalis.

Makikita ang pagpasok ni Jude sa kuwarto. Magugulat siya sa


pagkakakita sa ama. Titingin sa phone.

Shot ng phone sa lamesa.

Kukunin ni Jude ang phone at aalis.

Maiiwan si Ruel sa kuwarto ng anak. Nagiisip.

4. Pakikipagusap sa isang Estranghero.

Int. Sa bahay ni Jude. Night.

Isang shot ng bahay nila Jude sa kalagitnaan ng gabi.

Sa kuwarto ni Jude.

Makikita siyang nakapantulog at nakahiga sa kama.

Bubuksan niya ang cellphone at bubuksan niya ang Grindr.

Lalabas ang mensahe ng isang lalaking walang profile pic.


Makikita ang kanilang kumbersasyon sa screen:

Lalaki: Hi

Jude: Hey

Lalaki: Good evening.


Musta ano gawa?

Jude: Nakahiga lang ako. Sama ka?

Lalaki: Malapit ka lang pala ano?

Jude: Oo nga e.
San ka ba?

Lalaki: Sa baba.

Jude: Ah dun sa babang lote?

Lalaki: Hindi. Dito lang sa baba.

Jude: Saang baba?


Send ka naman pic mo.

Lalaki: [Magsesend ng pic ng legs niya. Naka short lang


siya.]
Jude: Wala bang iba pa?
Lalaki: [Picture ng kalahating katawan niya.]
Jude: Daddy ka pala haha
Lalaki: Oo, tatay ako.
Jude: Nice.
Hot.
[Magsesend siya ng picture niya]
Lalaki: Hot ka rin.
[Picture ng tatay niya]
Close up sa reaction ni Jude. Maninigas.
Lalaki: Huwag kang magagalit, anak. Tanggap kita. Mahal
kita, sino man ang gusto mo.

Close up sa reaksiyon ni Jude.

Jude: Salamat pa. Mahal din kita.


Shot sa reaksiyon ng ama na nasa sala. Maluha luha sa galak.

Epilogo

Ang buong screen ay magmimistulang screen ng iphone. Makikita


ang camera screen kung saan andun si Jude, umaastang modelo.
Makulay ang suot. Makikita ang kanyang amang kinukunan siya ng
litrato habang tumutunog ang paunang bahagi ng “Babae po ako”
ni Tuesday Vargas.

Aangat ang camera palabas ng bahay paitaas tungong langit at


makikita ang kislap ng bahaghari.

WAKAS

You might also like