You are on page 1of 12

Mary Karen T.

Beato Fil 20 -S

2015-00857

Kabanata 6

Synopsis:
Nagkaroon ang pangunahing tauhan ng isang nakakabagabag na bangungot kung saan
siya ay nagbabasa ng tungkol sa walang matang kuto na may matalas na pandama upang mahuli
ang kanyang mga biktima at pagkatapos nitong kumain ay magpapakarami na lamang ito.
Nagising siya dahil sa malakas na pagkatok ni Kawamoto. Nagpunta sila sa Kneipe para
mananghalian at mag-cervaza. Napagusapan nila ang kaibahan sa direksyon ng paglalakad ng
iba’t-ibang lugar depende sa laman ng kanilang isipan. Matapos nila magceveza ay napadaan at
napagusapan din nila ang kinilalang pinakamataas na gusali sa buong daigdig, ang Sankt Nikolai
Kirche. Pagkadating sa Störtebeker-Strass, nagpagalaman nila Rolf at Kawamoto na pareho pala
silang may interes sa ajedrez. Naglaro sila ng ajedrez at sa mga torneo nila ay panay si
Kawamoto ang nakalalamang. Nang sumunod na araw ay naglaro naman sila ng bulag na ajedrez
tsaka lamang si Rolf nagkaroon tyansa at nanalo laban kay Kawamoto. Kahit na natalo ay
natuwa si Kawamoto sa kanilang laro. Inihayag din ni Kawamoto na ang ajedrez ay
nangangailangan ng kapwa arte and ciencia upang maganap ang perpeksyon at di lamang
pibilisan, pataasan at palakihan. Ipinagmalaki din ni Kawamoto ang larong Go na sinaad niyang
mas perpekto pa sa ajedrez. Nabanggit din niya na masasabing walang taglay na espiritu ng Go
ang mga manlaarong Europeo. Ibinahagi ni Rolf ang kanyang hinuha na darating ang panahon na
matutuklasan ng siyensa ang mga lihim sa likod ng mga laro at makakagawa ng makina na hindi
matatalo ninoman. Pinatutungkulan niya dito ang di natapos na makina na ginawa ni Carlos
Babbage na binansagang ‘Analytical Engine’. Isinaad din niya na ayon sa isang akda ni Babbage
na may magagamit na may pitong hakbang na magagamit ang automaton upang makapaglaro ng
larong pag-uutakan tulad ng ajedrez. Inisa-isa ang mga ito ni Rolf ngunit may problema pa si
babbage sa ganitong paraan dahil maaring magkarron ng lohikal na kontradiksyon na pipinsala at
wawasak sa mekanismo na ito. Agad naman niyang sinabi na may solusyon dito at iyon ay ang
memoriya ng makina kasunod nito ay ang pagmungkahi niya na magagawa nila ang automaton
ng larong ajedrez nang sa ganon ay mapapawi na ang panghuhula at malalabong intuicion ng
mga Gran Maestro. Pinabulaanan ni Kawamoto ang ideya na ito dahil mawawalan na ng
gagawin ang tao sa laro na ajedrez. Matapos makauwi si Rolf at Kawamoto ay dumapo sa isipan
ng pangunahing tauhan na galawin ang kahon ng makina sa sulok ngunit naisantabi ito dahil
pagkaidlip niya ay nagkaroon siya ng pambihirang panaginip. Sa kanyang panaginip siya labis na
pagod, nakasuot ng uniporme na pangsundalo at nakasakay sa puting kabayo. Naglalakbay sila
sa isang gubat at nakarating sa isang mataas na puting bakod na sa loob ay may malaking bahay
na bato. Pumasok siya sa bahay at may nakita siyang tatlong tao na tiala magkakapamilya, isang
matndang babae, isang dalaga at isang binata. Napagtanto niya na sila ay kilala nya at sa huli ay
may sinabi sa kanya ang dalaga. Inisip nya ang kahulugan ng panaginip o may kahulugan ba ito.
Anotasyon:
Panaginip

Ang panaginip ay serye ng pagiisip o damdamin na nangyayari habang natutulog.


Kadalasan ay nagaganap ito habang nasa parte ng pagtulog na mabilis nag galaw ng mata o REM
(“panaginip”, 2019). Pinaniniwalaan ng mga eksperto ay nakakabit lamang ang panaginip sa
pagproseso ng nakuhang impormasyon, paggawa ng alaala at paggawa at siyang pagdami ng
kemikal sa katawan na tulad ng serotonin na nangayari sa REM sleep. Bukod dito ay may mga
teorya ang nabuo na siyang maaring mapaliwanag ng mekanismo ng pananaginip. Dalawa sa
mga ito ay ang teorya ni Sigmun Freud at ni Carl Jung. Una ay ang Wish-fulfillment theory ayon
kay Sigmun Frued. Si Sigmund Frued ay isang sa mga pinakakilalang sikolohista at siya ay
naniniwalang ang panaginip ay isang porma ng pagpapakita ng pagtupad sa mga bagay na
hinihiling ng isang tao ngunit hindi makakamit sa totoong buhay o kapag siya ay gising. Ang
malaking problema dito ay may mga panaginip na nagoaoahiwatig ng mga di magagandang
karanasan o kaparusahan na maihahalintulad sa bangungot na naranasan ni Pilipino dito sa
ikaanim na kabanata ukol sa mga kuto. Sa nakabuo ng theory si Frued na nagsasabing ang
panaginip ay manipestasyon ng mga gawain ng utak na hindi nakokontrol at nalalaman ng tao.
Kabaliktaran ito ng paniniwala ni Carl Jung kung saan ang panaginip ayon sa kanya ay direktang
ekspresyon ng utak sa pamamgitan ng simbolo at metaphor na mahirap maintindihan ng normal
na lengwahe na ating gamit tuwing tayo ay gising (Bernstein, 2016). Dito masasabi na ang
panaginip ay may ibig sabihin o may ipinapahiwatig di lamang simpleng rekoleksyon ng mga
imahe o pangyayari sa utak. Maari itong mensahe ng utak na hindi nakokontrol sa indibidual o
manipestasyon ng tunay na ninanais ng isang tao.

Sa kabanatang ito ang panaginip ay nagkaroon ng dalawang porma. Isa ay isang


bangungot na isang panaginip na nagpapakita ng masamang pangyyari na nakakabahala at ang
isa ay serye ng kaganapan na mistulang nagpapakita ng simbolo at metaphor na pamilyar kay
Pilipino. Ang bangungot na pagbabasa ukol sa kuto na may mahusay na kakayahang mahuli ang
kanyang biktima at saka ay magpapakarami ay maihahalintulad ni Pilipino sa mga kuto na mali
sa instruccion niya sa crocodillo na siyang nagpapabagal sa mekanismo nito. Sa panaginip na ito
ay maaring binibigyan na si Pilipino ng kanyang utak ng ideya na may mga kuto siya sa kanyang
pilosopiya o buhay na dapat niyang hulihin upang maging madulas ang pagtakbo nito. Ang
kanyang sumunod na panaginip ay mistulang isang mensahe na puno ng simbolo at metaphor na
direktang ekspresyon ng kanyang utak tulad ng nasa teorya ni Carl Jung.

Isa pang paniniwala sa panaginip ay ito ay isang mensahe na maaring mula sa Diyos
kung saan ay bibigyan ka niya ng ideya sa mangyayari sa hinaharap. Pwedeng ito ay babala o
simpleng paraan lamang ng pangungusap ng Diyos sa tao. Sa Bibliya ilang beses ginamit ang
panaginip upang mangusap ang Diyos sa tao. Halimbawa nito ay ang kay Joseph kung saan
ipinakita sa kanya ang mangyayari sa kanyang hinaharap. Sa ganitong paraan din ginagamit ang
panaginip sa maraming pang akda.

Sa huli masasabi na ang panaginip ay may maraming kahulugan. Maari itong


manipestasyon ng tunay na kagustuhan ng isang tao, mensahe mula sa Diyos, premonisyon ng
maaring mangyari o direktang ekspresyon ng utak. Sa dami ng maari nitong kahulugan
nakadepende sa kung sino at ano angkonteksto ng interpretasyon. May posibilidad din na wala
talaga itong ibig sabihin at tanging ang mga tao lamang ang nagbibigay kahulugan dito.

Kuto

Ang kuto ay insekto na maliliit na kulisap, insektong walang gulugod, na walang pakpak
at namamahay sa katawan at buhok ng tao (“kuto”, 2019). Sa kabanatang ito ang kuto ay
nabanggit sa isang panaginip ni Pilipino kung saan siya ay nagbabasa ng revista cientifica at may
isang parte na sadyang tumatak sa kaniya at ito ay ang parte naglalarawan sa kuto. Ayon sa
artikulo ang kuto ay walang mata ngunit nahahanap niya ang torre de guardia sa tulong ng
kanayang pandamang liwanag sa balat. Matalas din ang pandamang amoy nito upang madama
ang paglapit ng kanyang biktima dahil sa amoy ng butirikong asido na umaalingasaw mula sa
kanyang biktima at ito rin ang senyas upang ito ay bumaba mula sa kanyang torre. Gamit din ang
kanyang pandamang-init at pandamang-bagay ay nakukumpirma niya na siya ay nasilo na ng
kanyang biktima at makakasipsip na ng mainit na dugo. Binigyang diin din na matapos ng
kanyang pagkain ang kuto ay magpapakatihulog at mangingitlog ng libu libo. Ang kuto dito ay
nagpapahiwatig ng isang bagay na kabahabahala at kakilakilabot na maaring pangitain ng isang
bagay o pangyayari na kakilakilabot at madaling dumami o lumala.

Nabanggit na din ang kuto sa ibang kabanat ng nobelang ito. Sa ikawalong kabanata ay
nabanggit na may malilit na kuto ang mahirap hulihin at siyang dahilan kung bakit hindi maduas
ang pagpapagana sa crocodillo. Inihlintulad ito sa mga mali sa instruccion na ipinapasok sa
crocodillo upang makakuha ng solusyon. Sa kontekstong ito masasabi na inilalarawan ng kuto
ang isang bagay o pangyayari na mahirap malusutan at syang nakakapigil o gambala sa pagkamit
ng nananais na tagumpay. Ganito din ang kadalsan naiisip ng mga tao kapag nabanggit ang kuto
sa totoong buhay. Maaring itong tao tulad ng pagsabi ng kutong-lupa sa isang tao na
nagkakahulugang peste, kawalan ng kwenta o nanggagambala pa imbes na nakakatulong. Ang
pagkakaroon din ng parasitikong kuto sa ulo o buhok ay nagpapakahulugan sa mga Pilipino ng
kawalan ng kalinisan kaya pinandidirihan ng mga kalaro kapwa na tila ba ay kasalanan nila na
sila ay nadapuan ng parasitikong ito.

Masasabi na ang kuto sa konteksto ng nobela na ito at nagpapahiwatig ng di magandang


pangitain o di kaya naglalarawan ng di magandang bagay. Kapareho ng ipinapahiwatig nito sa
kultura ng mga Pilipino. Ang kuto ay parasitiko at pinandidirihan ng mga tao. Sa kabuan ay
negatibong bagay ang inilalarawan at pinapakahulugan ng kuto maging sa literatura o sa totong
buhay.

Anarquista
Isang tao na nagtataguyod ng anarkismo. Ang anarkismo ay isang teoryang politikal na
may paniniwalang hindi kailangan ng anomang porma ng autoridad ng pamahalaan at naglalayon
ng pansariling pamamahala ng mga komunidad base sa pagkukusa at pagkikiisa
(“anarchist”,2019). Ang “anarchy” ay galing sa salitang griyego na “anarchos” na
nagkakahulugang walang autoridad. Ito ay isang politikal na pilosopiyanh na kumokondina sa
sapilitang pamamahala ng gobyerno na pumipilit din sa komunidad na sumunod sa alituntuning
dinikta ng gobyerno. Ayon sa pilosopiyang ito ang komunidad ay may kakayahang magkaroon
ng kaayusan nang walang autoridad dahil ang mga tunay na batas sa lipunan ay walang
kinalaman sa awtoridad dahil ito ay nag-ugat sa likas ng lipunan. Si Pierre-Joseph Proudhon ay
unang anarkista. Iminungkahi niya ang pagkakaroon ng “spontaneous order” kung saan ang
lipunan ay may kaayusan nang walang sentral na namamahala. Naniniwala din siya na ang
pagkakaroon ng pagmamay-ari ay isang pagnanakaw (Rosemont et. al., 2019).
Ang anarkismo dito sa kabantang ito ay isang bagay na hindi masyadong binigyang
pansin ni Pilipino kahit na makikita na interesanteng paksa ito para sa kaibigan nyang si
kawamoto na makikita din dahil sa madalas na pagbanggit ng anarkismo ikalawang kabanata. Sa
parehong paraan ay kadalasan wala ding ideya ang mga Pilipino sa pilosopiya ng anarkiya. Ayon
sa aking mga kapwa estudyante na tinanong ko ukol sa kanilang opinion hingil sa anarkiya ay
wala silang ideya.
Sa opinyon ko ang anarkiya ay isang pilosopiya na malabong manaig sa bansang
Pilipinas. Lalo pa ngayon na ang mga tao ay masyadong nakadepende sa presidente at handang
protektahan ang anumang desisyon nya kahit na may mga sektor na maapektuhan. Ang
anarkismo ay mistulang lason sa isang nasyon na ang kalahati ay nakadepende sa awtoridad o
gobyerno samantalang ang natitira ay nasasakal sa mga batas na di naayon sa kanilang
pilosopiya. Ang magiging resulta nito ay isang lipunan na walang kaayusan at koordinasyon.

Guerra

Ang giyera ay kasingkahulugan ng digmaan; tungalian ng mga grupong politikal na may


alitan na maaring nagtatagal nang mahabang panahon (“digmaan”,2019). Sa kabanatang ito, sa
isang panaginip ni Pilipino ay nagmistula siyang galing sa giyera na nagkakahulugan ng labis na
pagod na kanyang nadarama at dumi ng putik at dugo sa kanyang damit. Base sa kanyang
paglalarawan ay isa siyang sundalo at inaantay ng kanyang pamilya na naiwan nang siya ay
sumabak sa giyera. Sa huling parte din ng panaginip ay binigyang diin na matagal na siyang
inaantay ng kanyang pamilya at tila may labis na kalungkutan na kakabit ang kanyang pagdating.

Ang giyera at paglaban sa giyera ay isa sa mga paksa na nagpapatakbo sa buong nobela.
Nababanggit ito sa nobela ni Pilipino pati na rin ni Kawamoto dahil sa interes niya sa siyensya
militar. Ayon sa ikapitong kabanata, naabanggit na ang giyera ay walang iba kundi pagtataguyod
ng politika sa ibang paraan. Sinabi din dito na ang layon ng bawat panig sa giyera ay pasunirin
ang kabilang panig sa kanilang kalooban sa pamamagitan ng dahas. Sa kontekstong ito ay
masasabi na isa sa mga puwersang binanggit sa huling kabanata na tumutulak sa mga nakatira sa
maliliit na bahay ay ang puwersa ng digmaan.

Sa lipunan ngayon ang pinakamalapit na giyera na aking naalala ay nag giyera ng


gobyerno laban sa droga. Ngunit ang giyera na ito ay hindi nagmumukhang giyera ng gobyerno
laban sa droga kundi giyera ng mayayaman laban sa mahihirap na walang kalabanlabang
pinapatay basta mapagbintangan na sangkot sa droga. Kapag ikaw ay napagbintangan na sangkot
sa droga ay biglaang nawawala ang iyong halaga sa lipunan na para bang isa kang kuto ng
lipunan maliban na lamang kung may makapanyarihang tao o angkan ang sumosuporta sa iyo at
agarang mawawalan ka ng sala. Sa isang nasyon na walang matinong sistema ng hustisya amg
giyera ay palaging mahihirap at mahihina laban sa makakapangyarihan at mayayaman at sa
giyerang ito di na kailangan ng dahas upang tanggalan ng kakayahan makalaban ang kabilang
panig dahil walang wala na sila at tanging kamatayan lamang nila ang resulta ng digmaang ito.

Kahit anong ang aking gawin ay parang mga patak ng mercurio ang memoria nila na hindi
mahuli ng aking mga daliri at hindi magagap ng aking mga kamay

Ang linya na ito ay ginamit sa paglalarawan sa isang bagay na kahit anong pilit ay kahit
kalian man ay hinid makakamit. Sa panaginip ni Pilipino sa dulo ng kabanata ay ginamit ang
ekspresyon na ito nang sinubukan niyang alalahanin ang mga tao na kanyang kaharap sa bahay
na bato na tingin nya ay kakilala niya ngunit di nya mahalukay ang kanilang alaala sa kaniyang
utak. Ang paggamit ng merkuryo imbis na tubig bilang isang bagay na hindi mapirmi sa kamay
at hindi mahawakan dahil tila ito ay sumasayaw sa ibabaw ng kamay nag tao ay pagbibigyang
diin sa kung paano kahirap at lubos nakakabagabag ang kawalan ng rekoleksyon sa kanyang
alaala ukol sa mga taong iyon.

Sa buong nobela ang linyang ito ay makakapaglarawan sa perpektong instruksyon na


maaring ibigay ni Pilipino sa crocodrillo upang makuha nag perpektong sulusyon na
makakapagpanalo sa kanya sa sungka o tjongklak laban kay Waruno o sinumang granmaster na
sa sungka. Lalo pa at ninakaw ang crocodrillo na syang nagbawas ng tsansa na mabuo ang
solusyon na kanyang layunin.

Sa opinyon ko bilang isang Pilipino ang isang bagay hirap na hirap tayo na makuha at
nakakabagabag dahil hindi natin makamit ay ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan ng ating lahi
na nakabaon sa puso ng bawat isa sa ating nasyon. Ang pagkakalinlang na ito ay ang masisiga ng
pagmamahal sa mismong nasyon at hindi lamang sa simbolo ng nasyon. At ang pagkakalanlan
na ang nasyon natin ay binubuo ng tao at hindi ng pangalan ng bansa at mga bagay na
sumisimbolo dito. Ang pagkakakilanlan din na ito ang bubuhay sa ating bansa sa pamamagitan
ng pagkakaroon na ng dahilan upang pangalagaan ang kapakanan ng lahat at di lamang ng sarili
o angkan na kinabibilangan.

Ajedrez-Chess sa Ingles ay isang larong pangdalawang tao na gumagamit ng labing-anim na


piyesa sa ibabaw ng tablero. Ito ay ginagamitan ng stratehiya na ang layon ay ma mate ang
haring piyesa ng kalaban (“ahedres”, 2019)

Nakakabagabag- pakiramdam ng lubhang abala at kasingkahulugan ay nakakagambala o


nakakabahala (“bagabag”, 2019)

Bangungot- nakakatakot o di kaaya-ayang panaginip (“bangungot”, 2019)

Revista cientifica – sa ingles ay Scientific Journal na koleksyon ng mga artikulo tungkol sa


siyensya na may layong magpalawig ng kaalaman. Maaring naglalaman ng bagong impormasyon
mula sa bagong pananaliksik, pagpapatibay sa naunang pananaliksik, o pagsusuri sa naunang
data mula sa isang pananaliksik. ("What Are Scientific Journals?", 2019)

Torre di guardia- Sa ingles ay watchtower ay isang tore na ginagamit sa pagobserba kahit sa


malayo (“torre di gurdia” ,2014)

Butiricong asido- Isang klase ng asido na may masangsang na amoy at karaniwang makikita sa
taba ng mga hayop o langis ng halaman ("Butyric acid", 2019)

Hayop na mainit ang dugo- mga hayop na may kakayahang magpanatili ng temperatura ng
katawan kahit pa ano ang temperatura ng kapaligiran (Snakin, Prisyazhnaya & Kovács-Láng
,2001)

Inspiracion- pwersa o impluwensya upang magtulak sa pag-gana pagiisip o damdamin


(“inspiration”, 2019)

Cocodrillo- makina na pangcalcula na kabilang sa naiwang gamit ni Don Arturo.

Kalyeng Reeperbahn – Isa sa pinakasikat na lugar sa distrito ng St. Pauli sa Hamburgo. Sa


kasalukuyan ay sikat ang lugar bilang pasyalan at aliwan ng mga turista (“Reeperbahn Nightlife
District”, n.d.)

Barcelona- pangalawa sa pinakamalaking siyudad sa Espanya. Ito rin ay kapital ng automous


community ng Catalonia. Kilala ito sa magagarang arkitektura halimbawa na lamang ang La
Sagrada Familia ni Antoni Gaudi. (“Barcelona”, n.d.).
Kneipe- Sa ingles ay pub. Isang pampublikong lugar kung saan maaring uminom ng alak at
maari ding kumain. (“pub”, 2019).

Cerveza- kasingkahulugan ng serbesa na isang alak na mula sa malt (“serbesa”,2019)

Abrigo- kasingkahulugan ay balabal. Ito ay kasuotan na pansanggalang sa lamig. (“abrigo”,


2019)

Manuscrito- isang aklat o artikulo na sulat kamay at maari ding teksto ng isang manunulat na
hindi pa nailalathala (“manuscrito”, 2019)

Schanapps- Isang uri ng matapang na alak na ginawa sa pamamagitan ng pagburo ng katas ng


prutas kasama ang alak. (Graham, 2018)

Cemmercio- kasingkahulugan ng kalakalan; Gawain ng pagpapalitan, pagbili o pagbenta ng mga


produkto (“kalakalan”,2019)

Madrid- Ang pinakalaking siyudad sa espansya at ito rin ang kapital ng espanya at ng
communidad de madrid. Kilala ito sa mga kultural at malikhaing pamana tulad ng Museo ng El
Prado (“Madrid”, n.d.).

Sankt Nikolai-kirche- Ang simbahan na ito ay pang-apat sa


pinakamataas na Gothic na simabahan sa mundo. Dinisenyo ito ni George
Gilbert Scott na isang Briton at inumpisahan itong itayo noong 1846 na
natapos noong 1874. Kinilala itong pinakamataas na gusali sa buong
daigdig noong 1874 hanggang 1876. Ang malaking parte ng gusaling ito
ay nasira noong ikalawang digmaang pandaigdig kaya nagkaroon ng
restorasyon ng gusaling ito at sa kasalukuyan ay ito na ang anyo nito
(tignan ang larawan sa gilid) (Emporis GMBH, n.d).

Handbuch des schachspiels- Sa ingles ay Handbook of Chess ay isang


libro tungkol sa chess na inilathala noong 1843 ni Tassilo von Heydebrand und der Lasa. Ito ay
naglalaman ng komprehensibong impormasyon na siyang naging pangunahing pinaguukulan sa
pagbuo ng mga teorya sa Chess. (“Handbuch des Schachspiels”, n.d.)

Tassilo von Heydebrand und der Lasa – Siya ay isang sa pinakaimportanteng


Grand master sa ajedrez, historyan at isa sa mga bumubuo ng teorya ukol sa ajedrez.
Isa siyang miyembro ng Berlin Chess Club at nagtayo ng Berlin Chess School
(“Tassilo von Heydebrand und der Lasa”, n.d.).
Anderssen- Ang buo niyang pangalan ay Karl Ernst Adolf Anderssen. Siya ay
isang mahusay na alemang Grand master sa Chess. Itinuring siyang isa sa
pinakamagaling na manlalaro ng ajedrez noong panahon niya (“Adolf
Anderssen”, n.d.).

Zukerfort – Ang kanyang buong pangalan ay Johanners Zukertort. Isa siyang


grand master at itinuring din na isa sa pinakamagaling ng kaniyang panahon.
Sinasabing siya ay tinalo si Steinitz. Siya rin ay naging sundalo, musikero,
dalubwika, manunulat at political na aktibista (“Johannes Zukertort”, n.d.)

Steintzt- Ang kanyang buong pangalan ay Wilhelm Steinitz. Siya ay isang


amerikanong shess master. Siya ay naging kampeon ng ajedrez sa buong
daigdig mula 1886 hanggang 1894. Isa rin siyang maimpluwensyang manunulat
at tagapagbuo ng teorya sa ajedrez (“Wilhelm Steinitz”, n.d.)

Go- Isang pandalawahang laro na pinaninwalaang mula sa


bansang china at sinimulang laruin noong tatlong libong taon
na ang nakararaan. Pinaniniwalaan din na ito ang
pinakamatandang board game na nilalaro pa hanggang sa
kasalukuyan. Dito ay gumagamit ng piyesa na kulay puti at
itim na siyang nilalagay sa table na may grid katulad ng
ajedrez ay gumagamit din ito ng stratehiya ngunit dito ang layon ay magkaroon ng mas malawak
n teritorya kesa sa kalaban(“Go (board game)”, 2017). .

Oskar- Ang kaniyang buong pangalan ay Oskar Korschelt. Siya ay aleman na


chemist at inhinyero na nagpakilala ng larong go sa Austria at Aleman. (“Oskar
Korschelt”, n.d.)

El Turco- sa ingles ay The Turk ay isang automaton na dinesenyo ni Wolfang


von Kempelen upang maglaro ng ajedrez. Ito ay sumikat sa buong Europa at amerika dahil sa
natalo nito ang ilan sa pinakasikat na manlalaro ng chess ngunit kalaunan ay nadiskubreng peke
dahil ang naglalaro pala ay isang human chess master na nagtatago sa makinarya [“The Turk
(1770-1854)” n.d.].

Carlos Babbage- Isang ingles na matematiko, pilosopo, imbentor at


inhinyero. Sa kanya nagmula ang konsepto ng digital programmable
computer. Itinuring din siyang father of the computer dahil sa kanyang
imbensyon na mechanical computer na siyang nagpaumpisa ng paggawa ng
mas kumplikadong makinarya (“Carlos Babbage”, n.d.).
Analytical engine- Isang mekanikal na computer na may panglahatan
na gamit.Ito ay gumagamit ng lohikal na aritmetik, kundisyonal na
branching at loop at meron din itong memorya. Inimbento ito ni Carlos
Babbage ngunit hindi natapos (“Analytical engine”, n.d.).

Automaton- Isang makina o mekanismo na sumusunod sa naitakdang


serye ng utos at kondisyo upang paganahina ng sarili (“automaton”, 2019).

Ada Lovelace – Ang kanyang orihinal na pangalan ay Augusta Ada Byron. Isa siyang Ingles na
matematiko at kasama ni Babbage. Siya ay tinagurian ding unang computer programming ("Ada
Lovelace Biography & Facts", 2019)

Bilang ni Bernoulli- pagkakasunod-sunod ng rational na numero na importante sa teorya sa


numero at analisis (“Weisstein”, n.d.)

References

abrigo (2019). Diksiyonaryo.ph. Retrieved 15 March 2019, from


http://diksiyonaryo.ph/search/abrigo

Ada Lovelace Biography & Facts. (2019). Encyclopedia Britannica. Retrieved 17 March 2019,
from https://www.britannica.com/biography/Ada-Lovelace

Adolf Anderssen (n.d.). Revolvy.com. Retrieved 17 March 2019, from


https://www.revolvy.com/page/Adolf-Anderssen

ahedres (2019). Diksiyonaryo.ph. Retrieved 15 March 2019, from


http://diksiyonaryo.ph/search/aheders
Analytical Engine (n.d.). Revolvy.com. Retrieved 17 March 2019, from
https://www.revolvy.com/page/Analytical-Engine

anarchist (2019). Merriam-webster.com. Retrieved 17 March 2019, from https://www.merriam-


webster.com/dictionary/anarchist

automaton - Diksiyonaryo. (2019). Diksiyonaryo.ph. Retrieved 15 March 2019, from


http://diksiyonaryo.ph/search/automaton

bagabag (2019). Diksiyonaryo.ph. Retrieved 15 March 2019, from


http://diksiyonaryo.ph/search/bagabag

Bernstein, R. (2016). The Psychology of Dreams: Inside the Dream Mind. Retrieved from

https://online.brescia.edu/psychology-news/psychology-of-dreams/

Butyric acid. (2019). Retrieved from https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/butyric_acid

Carlos Babbage (n.d.). Revolvy.com. Retrieved 17 March 2019, from


https://www.revolvy.com/page/Carlos-Babbage

digmaan (2019). Diksiyonaryo.ph. Retrieved 15 March 2019, from


http://diksiyonaryo.ph/search/digmaan

Emporis GMBH (n.d.). Ruine St. Nikolai, Hamburg | 109352 | EMPORIS. Emporis.com.
Retrieved 17 March 2019, from https://www.emporis.com/buildings/109352/ruine-st-
nikolai-hamburg-germany

Oskar-Korschedt (n.d.). Revolvy.com. Retrieved 17 March 2019, from


https://www.revolvy.com/page/Oskar-Korschelt

Go (board game) (2017). Newworldencyclopedia.org. Retrieved 17 March 2019, from


http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Go_(board_game)

Graham, c. (2018). Exactly What Is Schnapps? Retrieved from

https://www.thespruceeats.com/what-is-schnapps-759917

Handbuch des Schachspiels (n.d.). Revolvy.com. Retrieved 17 March 2019, from

https://www.revolvy.com/page/Handbuch-des-Schachspiels

inspiration (2019). Merriam-webster.com. Retrieved 17 March 2019, from https://www.merriam-


webster.com/dictionary/inspiration

Johannes Zukertort (n.d.). Revolvy.com. Retrieved 17 March 2019, from


https://www.revolvy.com/page/Johannes-Zukertort.

kalakalan (2019). Diksiyonaryo.ph. Retrieved 15 March 2019, from


http://diksiyonaryo.ph/search/kalakalan

kuto (2019). Diksiyonaryo.ph. Retrieved 15 March 2019, from


http://diksiyonaryo.ph/search/kuto

Madrid (n.d.). Wikitravel.org. Retrieved 17 March 2019, from https://wikitravel.org/en/Madrid

manuscrito (2019). Diksiyonaryo.ph. Retrieved 15 March 2019, from


http://diksiyonaryo.ph/search/manuscrito

Tassilo von Heydebrand und der Lasa (n.d.). Revolvy.com. Retrieved 17 March 2019, from

https://www.revolvy.com/page/Tassilo-von- Heydebrand-und-der-Lasa

Weisstein, E. (n.d.) "Bernoulli Number." From MathWorld--A Wolfram Web Resource.

http://mathworld.wolfram.com/BernoulliNumber.html

Wilhelm Steinitz (n.d.). Revolvy.com. Retrieved 17 March 2019, from


https://www.revolvy.com/page/Wilhelm-Steinitz

panaginip (2019). Diksiyonaryo.ph. Retrieved 15 March 2019, from


http://diksiyonaryo.ph/search/panaginip

pub (2019). Merriam-webster.com. Retrieved 17 March 2019, from https://www.merriam-


webster.com/dictionary/pub

Reeperbahn (2019). Reeperbahn Nightlife District. hamburg.de. Retrieved 17 March 2019, from
https://www.hamburg.com/must-sees/11747384/reeperbahn/
Rosemont F. et.al. (2019). Encyclopedia Britannica. Retrieved 26 March 2019, from
https://www.britannica.com/topic/anarchism/Anarchism-in-the-arts#ref224802

Snakin, V., Prisyazhnaya, A., & Kovács-Láng, E. (2001). Material and Energy Exchange in
Ecosystems. Soil Liquid Phase Composition, 175-243. doi:10.1016/b978-044450675-
7.50007-1

torre di guardia (2019). Dictionary.cambridge.org. Retrieved 17 March 2019, from


https://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/italian-english/torre-di-guardia

The Turk (1770-1854) (n.d.). Musichess.com. Retrieved 17 March 2019, from


https://musichess.com/project/the-turk-1770-1854/

What Are Scientific Journals? (2019). Retrieved from

https://www.apa.org/advocacy/research/defending-research/scientific-journals

You might also like