You are on page 1of 4

Ako bilang isang bagong Guro

Analyn I. Lacap

Guro, sino nga ba sila? Ang mga Guro ay ang pinaka mahalagang parte ng ating
lipunan.Layunin nila ay hindi upang lumikha ng mga mag-aaral sa kanilang sariling
imahe, ngunit upang bumuo ng mga mag-aaral na maaaring gumawa ng kanilang
sariling imahe. Ngunit hindi madali ang pagiging Guro dahil maraming sakripisyo,
responsibilidad at tungkulin na dapat gawin ang isang Guro.Sa kabila ng malaking
responsibilidad na nakaatang sa isang Guro ito ang aking pinili bilang propesyon.

Mainit init pa mula sa kolehiyo, sariwa pa sa aking kamalayan ang lahat ng kaalaman
na natutunan sa paaralan, mga makabagong pamaraan at istretehiya sa pagtuturo, mga
hakbangin sa paglikha ng lesson plan at mga pagsusulit ng mga mag aaral at iba pang
bagay na aking natutunan sa pag aaral.

Hindi lingid sa aking kaalaman na napakalaki ng responsibilidad ng bawat


guro saan mang panig ng mundo at lalo na sa mga mag-aaral. Aking
napagtanto na ako ang magsisilbing tulay sa kaalaman ng bawat mag-aaral at
ng mga kaalamang magagamit ng mga mag-aaral sa bawat hamon ng buhay.
Inaasahan na ako bilang isang guro ang gagabay sa ating mga mag aaral sa
pagkamit ng kanilang mga pangarap. Isang guro na magbibigay sa kanila ng
walang katumbas na pagmamahal at pag-aaruga na handang umagapay ng
walang hinihinging kapalit. Naisip ko din na ako ay tatayong isang ina, ama, at
kapatid sa loob ng paaralan o silid- aralan. Handa na ba ako sa lahat ng ito?
Ito ang katanungang unti unting nasasagot sa araw araw na pagsakay ng
Bangka sa pagpasok, araw araw na pagtaas ng high tide na pumapasok sa
aming silid, mga di- inaasahang brownout kung saan nagiging invisible ang
aking mga estudyante at nagiging heater ang aming silid. Lahat ng ito ay
aking narananasan ngunit walang makakapang anumang pagsisisi na ito ang
aking propesyon sapagkat hindi matatawaran ang ngiti ng bawat estudyante
na ibinibigay sa akin sa bawat kaalman na aking ibinabahagi.

Sa napakalaking respopnsibilidad na nakaatang sa isang guro, nararapat


lamang na bigyang pagpapahalaga ang kayang gawin ng bawat guro. Ang
impluwensiya ng isang Guro sa lipunan at sa paghubog ng kakayahan ng
mga mga-aaral ay hindi matatawaran kailanman.
Delubyong dulot ni Yolanda mauulit nga ba?
Ito ang laging ibinabalita sa telebisyon, radyo, maging sa mga
pahayagan ngayon ang binabantayan bagyo na nanggaling sa Guam at
tinutumbok ang ating bansa na bugbog na ng habagat at nagdaang sama ng
panahon.
“Nanay, sino ba si Yolanda”? tanong ko. Hindi sino, ano “? Ang
sagot ng nanay. Ayon sa kanya ito raw ang super bagyong tumama sa
Tacloban noong November 8, 2015, na naging dahilan ng pagkasira ng mga
bahay at ari-arian at pagkamatay ng maraming tao.
“Noong mga bata pa kami marami na ring bagyong dumaan sa
atin pero hindi ganyan kalalakas” ang sabi ng nanay. Kaya ang tanong ko sa
sarili ko, bakit nga ba nagkaganito?
Ayon sa aking guro sa Agham epekto daw ito ng Climate Change o ang
pagbabago ng klima sa mundo.
Pagdami ng bilang ng bagyo, mas malalakas kaysa dati, mga
buhawi, El Nino at La nina, ilan lamang iyan sa mga mararanasan natin dahil
sa pagbabago ng klima. Ang kagandahan lamang ay pwede nating malaman
kung may mga namumuong sama ng panahon,saan ito patungo,gaano
kalakas at kailan ito lalabas ng bansa, ang mga impormasyong ito ay
maibabahagi sa atin ng PAGASA kaya makakapaghanda tayo sa mga ganitong
kalamidad.

Ang mga sumusunod ay mga paghahandang dapat natin


sundin bago pa dumating ang bagyo para maiwasan nating ang pinsalang
dulot ng kalamidad na ito.
Suriin ang tirahan kung may dapat ayusin lalo na ang
bubong,bintana, kumpuniin ito habang maaga,mag imbak ng tubig, pagkain
lalo na yung mga de lata na hindi na kaylangang lutuin para madali itong
makain, flashlight,posporo at gamot. kung kayo ay nakatira sa mababang
lugar alamin kung saan ang mga evacuation center para madali na itong
mapuntahan.

Sa kasalukuyan, ayon sa balita hindi pa rin nagbabago ang


direksyon at patuloy pa itong lumalakas dahil na rin sa pagdaan nito sa dagat.
Mauulit nga ba ang trahedyang kumitil ng maraming buhay at sumira ng
maraming ari-arian? Ang Panginoong Diyos lamang ang nakakaalam.
Baha,baha , Kailan ka mawawala?
Kahit saan ka tumingin mapa upland o coastal man iisa lang ang
makikita mo pagbaha,hindi na daw bago ang nararanasan nating ito ayon sa lolo
ko maliit pa lamang siya may maga pagbaha na siyang naranasan hindi nga lang
daw ganito kadalas at kataas. Bakit nga kaya nagiging madalas ang pagbaha at
patuloy ding tumataas ang lebel ng high tide?
Ayon sa aming napag –aralan sa Agham, maraming dahilan kung bakit
nagiging madalas ang pagbaha, una dahil sa global warming o pag init ng mundo
unti-unting natutunaw ang yelo sa mga polar region, ang altitude o kinlalagyan ng
ating lugar na mas mababa sa lebel ng dagat, ang hindi mapigilan na pagdami ng
basura na nagiging sanhi ng pagkabara ng mga daluyan ng tubig at mga kanal.
Sa mga nabanggit na dahilan , kaylangan na siguro nating sanayin ang ating
sarili sa mga ganitong sitwasyon. “Baha, hindi na mawawala”. Kaya tandaan na
lamang natin ang mga sumusunod para tayo ay maging ligtas sa mga masamang
epektong dulot nito.
Una, iwasan ang paglalaro sa baha. Maraming sakit na dala ang pagbaha
gaya ng nakamamatay na Leptospirosis na galing sa ihi ng daga, mga alipunga.
Pangalawa, kung hindi maiiwasan ang paglusong magsuot ng bota, kung masyado
ng mataas ang tubig at hindi na pwedeng gamitin ito sabunin ng mabuti ang mga
paa para iwas sa mga mikrobyong nagdadala ng sakit. Pangatlo, pakuluin ang tubig
na ating iniinom na nanggagaling sa mga posong nalubog sa tubig baha upang
maging ligtas sa diarrhea, sakit ng tiyan.
Alagaan natin ang ating mga sarili. Bawal magkasakit

You might also like