You are on page 1of 2

"When I grow up, I want to be a teacher" ito ang mga salitang aking nabanggit noong ako ay nakapagtapos

ng Kindergaten taong Dalawang libo, 20 yrs ago.


Ito ang pinanghawakan kong pangarap noong ako ay nagsisimula pa lamang sa aking pag aaral.
Noong ako ay tulad ninyo mga bata.. isa
lang akong simpleng mag-aaral noon. Tahimik, hindi pasaway at sumusunod sa utos ng aking mga guro at
magulang Ngunit sa kabila ng magagandang katangiang ito ako ay isang mag -aaral na hindi ganoon
katalino at kahusay hindi tulad ng iba. Dahil sakit pangangatawan at kalusugan ko noon.. ito ang naging
kalaban ko sa pagkamit ng aking mga pangarap.. Ako ay masasakitin at may roong asthma.... ito ang dahil
kung bakit ako ay laging lumiliban sa klase..
Noong Grade 2 ako, ako ay naospital at napilitang huminto para na rin sa aking kalusugan.. Ang
pangyayaring iyon ang nagpamulat sa aking sarili na kailangan kong pangalagaan ang aking kalusugan
nang sagayon ito ay hindi maging hadlang sa pagkamit ng aking pangarap.
Nagkaraon man ako ng ganitong pagsubok sa kabila ng aking kalusugan at kahirapan.. ginawa ko itong
inspirasyon. Hindi man ako Honors students noon naipamalas ko nman ang aking talento sa pagtula,
balagtasan, deklamasyon, Pagsulat ng balitang sport at pagguhit na naging ambag ko sa aking sintang
paaralan. Maraming salamat po saking mga naging Guro ( banggitin )
Sa inyo ko po natutunan ang mga kaalaman na dala ko hanggang ngayon..
Hindi man ako nagkaroon ng pagkakataong mapabilang sa mga nataanging mag aaral noong ako ay nsa
elementarya, nagsumikap at nagtiyaga p din ako na pagyamanin ang mga natutunan ko dito.. sa katunayan
noong ako ay nasa sekondarya napatunayan kong may igagaling pa pala ako at hindi ako nawala sa
mahuhusay na mag aaral noon at ng ako ay nasa kolehiyo natupad ko ang aking pinanghawakan na
pangarap na maging isang mahusay na guro at nakapagtapos ng may karalangan. Ito ay patunay lamang na
patuloy ang pagbabago habang tayo ay natututo, kaya mga magulang tulungan po natin ang nga batang ito
na matuklasan ang kanilang natatanging galing at kakayahan.

Tulad po ng tema ng ating moving up..


Pagkakaisa sa pag kakaiba iba: Kalidad na edukasyon para sa lahat:.....
(Message)

Sa mga mag-aaral, Upang makamit ninyo ang inyong mga pangarap, pagsumikapan ninyong mabuti ang
inyong pag-aaral, Matutong makinig at sumunod sa payo ng inyong mga magulang at guro. Pahalagahan at
makuntento sa mga bagay na mayroon kayo ngayon at huwag kalimutang magdasal upang magpasalamat
sa mga blessings at patuloy na humingi ng gabay sa ating mahal na Panginoon.

Sa mga magulang, Upang makamit ng inyong mga anak ang knilang mga pangarap at magkaroon ng
magandang buhay sa hinaharap, huwag kayong magsasawang suportahan ang knilang pangangailangan.
Pangangailangan Pisikal, Emosyonal, Intelektwal,Sosyal at Espiritwal. Gabayan sila at tulungan bumangon
kung may pagkakataong sila man ay madapa..
Sa pasimula ng knilang pagtahak sa mundo ng pag-aaral, naway kayo ang umunawa sa kanila kung
mayroon mang silang nagagawang kamalian itama sila ng naayon at sa magandang paraan. Alagaan,
mahalin at palakihin sila ng may disiplina sa sarili, may respeto sa kapwa, mapagkumbaba at higit sa lahat
may takot sa Diyos. Alam kong sila ang inyong kayamanan kaya naman sila ay inyong pakaingatan. Ang
kanilang tagumpay ay inyo din Tagumpay.

Sa mga guro,
Masasabi ko ring isang malaking gampanin ang nakaatang sa atin bilang kanilang pangalawang magulang.
Tayo ay may malaking parte sa paghubog ng kanilang pagkatao tungo sa magandang kinabukasan.
Ipagpatuloy ninyo ang walang sawang pag gabay ay pagtitiyaga sa mga kabataang ito. Saludo ako sa
inyong mahabang pasensya at pang unawa sa knila. Naway pagkalooban pa kayo ng malakas ng
pangangatawan upang patuloy nInyong magampanan ang sinumpaan ninyong tungkulin. sa kabila ng
madaming trabaho , mapanatili sana natin ang katatagan ng loob upang makapaglikha pa tayo ng mga mag-
aaral na maipagmamalaki ng ating paaralan at buong bansa. Isabuhay natin ang mga katagang iniwan ng
ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na ang kabataan ang siyang tunay na pag-asa ng ating
bayan.

You might also like