Rosary o

You might also like

You are on page 1of 9

1

ROSARYO

ARMAMENTO, CATHERINE

BROSAS, EJ

DANDOY, KENNA

ERANISTA, ANGELA

FAJARDO, KENNETH

GUEVARRA, RACHELLE

ORDILLO, JOCELLE

VEGA, ALFRED
2

Working Title:

TRT: 3-5 minutes

I. FLASHBACK.EXT.SA DAMUHAN.HAPON

Tumatakbo si ROSA na tila ba may humahabol sa kaniya,


madadapa siya at didilim ang paligid.

II. INT.INTERROGATION ROOM.UMAGA

Makikita ang mga panayam ng mga sangkot sa nasabing


pagpatay. Lahat sila ay mariing tinatanggi ang kanilang
pagkakadawit. Mauuna si LIAM, na noon ay nanggigigil sa
paratang. Mapapasigaw nalamang siya sa inis. Ganoon din sina
ETHAN,EMILY,MALLORY na sumunod sa kaniya.

LIAM:
Hindi nga ako!

ETHAN:
Hindi ko magagawa yun!

EMILY:
I can’t do that!

MALLORY
Sa tingin mo ba kaya kong gawin yun?

III.INT.INTERROGATION ROOM.UMAGA

Nang kumalma na sila ay sunod naman silang nagpakilala para


linawin ang relasyon nila sa biktima at para mapatunayan na
inosente sila. Mauuna si LIAM at kalmado itong
magpapaliwanag.Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang
bibitawan bago magsalita.

LIAM:
Ako si Liam, kasintahan ko si Rosa.
3

Isa akong supervisor habang siya nagtuturo.


Masaya naman kami lagi.
Napakamasayahin niya at makadiyos.
Pero sa kabila ng lahat,
di ako makapaniwalang mangyayare sa kaniya to.

Sumunod namang nagpakilala si ETHAN. Tahimik lamang ito at


nakayuko lang pero bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.
Nakatingin lang ito sa isang bagay bago magsalita.

ETHAN:
Ako si Ethan, student assistant ako ni Maam Rosa.
Lagi niya akong katulong sa mga gawain sa klase.
Favorite teacher ko siya, as in gustong gusto ko siya!

Mapapatigil si ETHAN nang bahagya, tsaka titingin sa kamera.

ETHAN:
kaya imposibleng may kinalaman ako sa nangyare sa kaniya.

Sunod naman na magpapakilala si EMILY. Halata ang pagkastrikta


sa itsura nito. Sosyal din ito kung manamit. Iirap muna ito bago
magsalita.

EMILY:
I am Emily,I’m her co-teacher.
But we are not close to each other.
Honestly, naiinis talaga ko sa kaniya.
Sa pagiging unfair ng supervisor namin
dahil may relasyon sila.
Pero hinding-hindi ko magagawa yun!

Susunod namang sasalang si MALLORY. Bakas sa kaniyang mukha ang


pagkawalang bahala sa sitwasyon. Walang emosyon itong
magsasalita.

MALLORY:
Ako si Mallory, ako yung tipo ng estudyante
na inaayawan niya pero di bale na
4

ayaw ko rin naman sakaniya.


Inaamin kong ginulo ko yung crime scene
kase inisip kong ako ang mapagbibintangan,
bakit gagawin niyo rin naman yung ginawa ko hindi ba?

IV. INT.INTERROGATION DAY.UMAGA


Sa pangalawang pagkakataon magbibigay uli ng pahayag ang mga
sangkot kung saan lahat sila ay may inamin.

LIAM:
Inaamin ko, ako ang huli niyang kasama.
Nag away kami. Pero di pa rin yun sapat
para patayin ko siya! Mahal na Mahal ko yun e!

ETHAN:
Inaamin kong nakita sa crime scene
yung regalo na binigay ko sa kaniya.
Pero mali namang sabihin na
may kinalaman na agad ako dun diba?
Kase gustong gusto ko sya.
Higit pa sa pagiging guro.

Mapapahinto sa pagsasalita. Biglang mag-iiba ang emosyon.

ETHAN:
Niregaluhan ko siya kase akala ko
magugustuhan niya yun,
na magiging akin siya!
Gustong gusto ko talaga siyang makuha.
Kaya kung hindi ko man magagawa yun.
Mas mabuti nalang siguro yung nangyare sakanya!

EMILY:
I admit, I was envious about anything about her.
I honestly have this plan to kill her
pero hindi yun natuloy!
So would you please stop blaming me?

MALLORY:
Ayaw ko talaga sa kaniya sa totoo lang.
5

Lagi niya nalang kase akong pinapagalitan


at napakapapansin niya pa!
Pero hindi naman ibig sabihin na dahil
ako ang unang nakakita sa kaniya
kagagawan ko na, hindi ba?

V. INT.INTERROGATION ROOM.UMAGA

Makikita uli ang mga panayam ng mga sangkot sa nasabing


pagpatay. Gaya lang noong una. Lahat sila ay tinatanggi ang
kanilang pagkakadawit.

LIAM:
Hindi nga ako!

ETHAN:
Hindi ko magagawa yun!

EMILY:
I can’t do that!

MALLORY
Sa tingin mo ba kaya kong gawin yun?

Pagkatapos nilang magsalita ay didilim ang paligid. May


magsasalita habang may dilim.

ROSA:
Nag-iisa lang ang katotohanan.

VI. FLASHBACK.INT.SCHOOL.UMAGA

Christmas Party ng mga estudyante. Makikita ang mga parol na


Nakasabit at ang Christmas Tree. Mamaya pa ay makikita si
Rosa na nakatayo lalapitan naman siya ni ETHAN at magbibigay
ng regalo.Walang tunog ang kanilang pag-uusap. Ang tanging
makikita lang ay ang kanilang mga ngiti. Maya-maya ay aalis
na si ROSA. Maiwan naman si ETHAN na nakasulyap kay ROSA.

Didilim ulit ang paligid. May magsasalita uli sa dilim.


6

ROSA:
At ako, ako lang ang nakakaalam.

VII. INT.BAHAY NI ROSA.HAPON


Pagkauwi ni ROSA sa bahay niya. Ilalapag niya ang mga
regalong natanggap at aayusin niya ito hanggang sa nakita
niya ang regalo ni Ethan. Mapapangiti siya at tsaka
bubuksan ang regalo. Nagulat siya sa kaniyang nakita.
Rosaryo ang laman nito. Nagbalik sa kaniya ang lahat.

VIII.FLASHBACK.SA SIMBAHAN. UMAGA


Nakaupo ang 14 anyos na si ROSA sa may upuan ng simbahan.
Nang may lumapit sa kaniya.

LALAKI:
Halika Rosa sumama ka sa akin.

Mahahatak siya ng lalaki. Mabilis ang sumunod na mga pangyayare.


Siya ay nagahasa. Maririnig ang mga sigaw ng dalagitang si ROSA
sa labas ng silid, sa simbahan. Nang natapos iyon maiiwan si
ROSA na mag isa sa labas ng simbahan. Nang magawi siya sa isang
salamin, kung saan nakilala niya si ROSARYO sa pamamagitan ng
salamin na iyon.

ROSARYO:
Hello ROSA? Ako nga pala si ROSARYO.
Napakapakipot mo naman.. na parang
hindi mo ginusto yung mga nangyare kanina.

Tatawa si ROSARYO sa salamin. Habang si ROSA ay hindi


makapaniwala sa nakikita. Nanlalaki ang mga mata niya sa takot.
Mapahawak nalamang siya sa ulo niya. Mapapailing bago magsalita.

ROSA:
Hindi yan totoo!
Hindi ka totoo!
Umalis ka na Rosaryo!

ROSARYO:
Habang nabubuhay ka
7

ako ang maglalabas


ng tunay mong anyo Rosa!

Tatawa ng nakakaloko si ROSARYO sa salamin. Sasakit yung ulo ni


ROSA. Mapapahawak siya sa ulo niya at mapapasigaw siya. May
makakarinig sa kaniya at lalapitan siya ng isang babae at
ipapaliwanag niya ang nangyare sakaniya. Mapapaiyak na lamang
siya. Walang tunog ang kanilang pag-uusap. Maya-maya pa ay
kukupkupin siya ng babae at ilalayo sa simbahan.

IX. INT.SA BAHAY NI ROSA.HAPON


Babalik ang ulirat ni ROSA na hawak niya pa rin ang rosaryo.
Matatapon niya ang rosaryo at pagkatayo niya ay mapapalingon
siya sa salamin. Lalapit siya dito nang dahan-dahan.
Mangiyak-ngiyak siya ng makalapit siya sa salamin. Nauutal
Siya nang magsalita.

ROSA:
Ro…. saryo?

ROSARYO:
Kamusta ka na? Rosa.
Naaalala mo pa ba
yung huli nating pagkikita
sa simbahan?

Tatawa si ROSA nang nakakaloko sa salamin. Mapapasigaw si ROSA.


Sasabunutan niya ang sarili.

Rosa:
Tama na tumigil ka na!

Matatabig ni ROSA ang isang santo na nakatalikod. Mapapatingin


siya dito. Titignan niya ito nang nakakatakot na tingin nang
hawakan siya ni LIAM sa braso.

LIAM:
Mahal, anong ginagawa mo?
ba’t mo tinitignan nang masama yang santo?
8

Takang pagtatanong ni LIAM. Nang bigla siyang itutulak ni ROSA.


Duduruin siya nito at sisigawan.

ROSA:
Lumayo ka sakin!
Wag mokong hawakan hayup ka!

Magugulat si LIAM. Pero nagbalak parin siyang lapitan si ROSA.

LIAM:
Teka Rosa,
anong nangyayare sayo?

Sisigawan ni ROSA si LIAM. Wala na ito sa sariling katinuan.

ROSA:
Sabing wag kang lalapit sakin
Demonyo ka!

Mapadako ang tingin ni ROSA sa isang kahon. Dali-dali niya itong


isisilid sa bag at maiiwan si LIAM na gulantang pa rin sa mga
pangyayare.

X. EXT.SA BAHAY NI ROSA HANGGANG SA KALSADA AT DAMUHAN.HAPON


Lumabas ito ng padabog dala ang kaniyang bag. Masusulyapan
naman siya ni EMILY sa bintana na noon ay nag titimpla ng
kape na may lason. Nasa kalsada na si ROSA ng madapa siya
matatapon ang rosaryong hawak niya kanina. Kukunin niya ito
at may maaalala na naman siya.

XI. FLASHBACK.INT.SA SIMBAHAN.HAPON


Maririnig ang iyak ng dalagitang si ROSA habang may
pinapakitang rosaryo na hawak ng isang lalake at may mga
santo sa gilid nito unti-unting maaninag ni ROSA ang mukha
nang humalay sa kaniya at si FATHER- si FATHER ang may
gawa.

XII.EXT.SA DAMUHAN.HAPON
Babalik si ROSA sa kaniyang ulirat. At biglang lalaki ang
kaniyang mata. May makikita si ROSA mula sa malayo magugulat
9

siya at matatakot. Mangiyak-ngiyak siya at iiling-iling. At


dito sya magsisimulang tumakbo. Tumatakbo siya para di siya
maabutan.

ROSA:
Tigilan mo na ko!
Tama na! Ayoko na!

Mapapahawak si ROSA sa ulo niya dahil sumasakit ito. Mapapasigaw


siya.

ROSA:
Tama na!

Iiyak na si ROSA. Palingon-lingon pa rin siya sa paligid kung


saan siya may nakita.

ROSA:
Tama na! parang awa mo na!

Madadapa si ROSA at aatras. Paa niya lang ang makikita habang


siya ay umaatras. Garalgal na ang boses niya.

ROSA:
Ayoko na, pakiusap.
Tigil naaaaaa!

Tataas ang camera. Makikitang itututok ni ROSA ang baril sa ulo


niya. Mag-iitim ang paligid kasabay ng pagputok ng baril. Maya-
maya pa ay may magsasalita sa dilim.

ROSA:
Rosaryo, magsasama na
tayo hanggang dulo.

You might also like