You are on page 1of 3

Song: Amazing Love

> The Divine Exchange: Barabbas vs Jesus

 May 3 krus. Para sa 2 magnanakaw, at para kay Barabbas. Thursday hinuli, Friday
9am execution, 3pm died
 Rebelde, kalaban ng gobyerno, walang sinasanto, walang makakontrol, pasaway,
salot, bastos, nabubuhay sa sarili.
 Di kay Jesus, surprise criminal
 Natanaw ni Barabbas ang 3 krus. Mukang oras ko na.
 Narinig nya may sinisigaw - Barabbas! 3x
 Tapos - Ipako! 3x
 Maya-maya dumating ang mga sundalo at sinabi... malaya ka na.
 Joke? Baka biglang sibatin? Palayo nang patalikod dahil duda.
 Naglakad at tumakbo. At nagpunta sa nagkakagulo sa Golgotha
 Sino yun? Si Jesus, karpintero, ang Mesiyas, ang walang kasalanan.
 Lahat tayo ay Barabbas

Ano ang nangyari nang ipako si Kristo bilang kapalit natin?


> Powerpoint: Enumeration of benefits of the cross

TRANS: Tayo ay nakalaya, napatawad, naging anak, pinagaling, etc. Ngunit ano ang
naging kabayaran? Masdan nyo ang pagmamahal ng Dios. Masdan nyo ano ibig sabihin
na maging sakripisyo.

> THE PASSION

 Walang nag-utos, walang namilit. Di pako ang nagpanatili kay Jesus sa krus.
Pagmamahal sa atin ang nagpanatili sa Kanya.
 Di mo pa iniisip ang Dios, inisip ka Niya. Di mo pa siya kilala nang husto, minahal ka
niya. Wala ka pang pakialam sa kanya, nagsakripisyo na sya sayo. Ginawa Niya ang
lahat ng iyon para sayo.

> PAKO

 Mas malaki ang pako niya. 6x bigger. At sa pagtingkayad niya, dama niya ang sakit
sa mga kamay at paa, habang kumakaskas ang likod sa magaspang na kahoy ng
krus.
 Alam mo saan galing ang lahat ng sugat na yan? Sayo. Bawat kasalanan mo, sugat
sa katawan niya. Ang matindi pa, di ka karapat-dapat sa sakripisyo na yan. Grasya
lang.
 Habang nakabitin siya, ikaw ang nasa isip nya. Sa bawat sugat/pako/dugo/latay
niya, kapakanan mo ang pakay nya, kalayaan mo, kagalingan mo, kaayusan mo,
etc.

> DIPA

 Hirap ka na ba? Suko ka na ba? Hinarap ni Kristo lahat yan, 6 oras (Mark 15:25, 33-
34).
 Habang naroon siya, iniwan ng karamihan sa mga disipulo. Yung isa pa nga, si
Hudas, naging daan para mapunta sya doon.Higit sa lahat, iniwan siya ng Ama niya,
mag-isa lang (Diyos ko, bakit mo ako iniwan?). Wala na Siyang kakampi. Hinarap pa
rin nya. Samantalang tayo konting hirap lang reklamo na. Di lang napansin ng konti,
tampo na. Di lang napagbigyan, dabog na. Napagsalitaan lang, sama na ng loob.
 Nang mamatay si Jesus, nawalan ang Ama ng Anak. Nawalan ka ba ng mahal sa
buhay? Nawalan ka ba ng importante sa'yo? Nawalan ka ba ng reputasyon? Huwag
mong sabihing di nararamdaman ng Dios ang mga sugat mo. Di sumuko si Jesus
upang gawin ang tama. Huwag kang susuko, kahit anong mangyari. Ang Panginoon
na sinasamba mo at sinusundan mo ay di sumuko. Wag kang papatalo sa
emosyon mo.
 Pinahirapan: Sa puso, sa espiritu, sa katawan. Hihudas, inalipusta, hiniya.
Kamatayan. Hinarap lahat yan ni Kristo. Ngayon mo sabihin wala siyang pakialam.
Ngayon mo sabihin na di ka mahal ng Dios. (tried also saying this after Luhod)
 Ginawa nya lahat iyan PARA SAYO. Di nya yun kailangan.

> Luhod
Kung di ka pa talagang lubos na nakahingi ng tawad sa lahat ng ginawa mo sa kanya, ito
na ang pagkakataon mo. Kung di mo pa siya napasalamatan nang taos puso, simula mo
na ngayon.

Di lang luha mo ang hinahanap ni Jesus, kundi pananampalataya mo. Kung nais mo
Siyang kilalaning Hari, isuko mo ang buhay mo. At kung may gusto kang ipangako,
ideklara mo. Ikaw ang susundin ko. Ikaw ang sandigan ko wala nang iba. Ikaw lang
uunahin ko. Ikaw lang ang sasambahin ko.

Di sa krus natapos ang lahat. Sa kabila ng lahat ng ito, kalayaan/tagumpay/pagkabuhay.


Si Jesus ay nabuhay na muli, upang patunayan sa atin, sa kabila ng lahat, di pa tapos
ang kwento, may pag-asa, the best is to come.

> Akap ng counselors


Ipadama lang natin ang pagtanggap, pagmamahal ng Dios.

> Lord's Supper


Song: Amazing Love

You might also like