Bishop Jack ng Diyosesis ng Urdaneta. Bago ang lahat, isa munang pagbati ng MALIGAYANG PASKO NG MULING PAGKABUHAY! Noong mga Mahal na Araw ay pinagnilayan natin ang pinakadakilang kwento ng pag-ibig: ang pagbubukas ng ating Panginoong Hesus ng Kanyang mga bisig upang mamatay sa Krus at iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ngayong panahong ito naman ay ipinagdiriwang natin ang pagtupad ng pinakadakilang pangako: na sa ikatlong araw, Siya’y muling mabubuhay at nang sa gayo’y tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ang pinakamahalagang bahagi ng ating pananampalataya sapagkat kung walang “Muling Pagkabuhay,” walang kaligtasan. Sa panahon natin ngayon na tila ba puro na lamang pagdurusa, kaguluhan, at hidwaan, nawa’y ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ay muling maging paalaala na sa kabila ng lahat, sa huli, pag-ibig at pag-ibig pa rin ang mananaig. Kailanma’y hindi tayo binigo ng Panginoon sa Kanyang mga pangako. Patuloy tayong umasa at manalig sa Kanya. Muli, Happy Easter po sa inyong lahat!