You are on page 1of 1

Mga Mensahe ng Mahal na Obispo

PARA SA KWARESMA
Mapagpalang araw sa inyong lahat! Ito po si Bp. Jack ng Diyosesis ng Urdaneta na nag-aanyaya
sa inyo na buong-pusong makiisa sa mga paanyaya ng Simbahan ngayong panahon ng Kwaresma.
Sa pagpasok natin sa panahong ito ngayong Miyerkules ng Abo, nawa’y tumugon tayo sa tawag
na muling buuin ang ating relasyon sa ating mga sarili, sa ating kapwa, at, higit sa lahat, sa Diyos.
Baka naman masyado nang mabigat ang iyong puso dahil sa galit o mga pangambang matagal mo
nang dinadala? O baka naman ito’y parang wala nang laman ‘pagkat hindi mo na maramdaman
ang presensiya ng Diyos sa buhay mo? Kung gayon, ito na ang panahon upang magsimulang
magpatawad o humingi ng tawad, makahanap ng kapayapaan sa iyong kalooban, at magmahal
muli.

PARA SA MAHAL NA MGA ARAW


Mapagpalang araw po sa inyong lahat. Ito po si Bp. Jack ng Diyosesis ng Urdaneta. Ngayong
papasok na po tayo sa mga Mahal na Araw, nais ko pong pagnilayan natin, namnamin natin, ang
mga salitang ito: “Iniibig tayo ng Diyos.” Iniibig. Ginugusto. Sa kabila ng ating mga kasalanan at
kakulangan. Sa kabila ng katigasan ng ating mga ulo at puso, patuloy pa rin Niya tayong iniibig.
Sabi nga sa kanta:

“Iniibig kita, Manalig ka sana.


Ako’y kapiling mo kahit ikaw pa ma’y mapalayo.
Kailan magwawakas ang iyong pagtatago? Ako’y naghihintay sa ‘yo.
Lumapit ka lamang, ang puso Ko’y hagkan, pag-ibig Ko’y walang hanggan…”

Matagal ka nang hinihintay ng Diyos na magbalik-loob sa Kanya. Hindi mo kailangang matakot o


mangamba na baka masyado ka nang makasalanan. Magtiwala at manalig ka sa walang-
hanggang awa at pagmamahal ng Diyos para sa iyo. Hindi ka Niya bibiguin.

PARA SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY


Mapagpalang araw po sa inyong lahat. Ito po si Ito po si Bp. Jack ng Diyosesis ng Urdaneta. Bago
ang lahat, isa munang pagbati ng Happy Easter! Noong mga Mahal na Araw ay pinagnilayan natin
ang pinakadakilang kwento ng pag-ibig: ang pagbubukas ng ating Panginoong Hesus ng Kanyang
mga bisig upang mamatay sa Krus at iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ngayong panahong ito
naman ay ipinagdiriwang natin ang pagtupad ng pinakaaasam at pinakadakilang pangako: na sa
ikatlong araw, Siya’y muling mabubuhay at nang sa gayo’y tayo ay magkaroon ng buhay na
walang hanggan. Ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ang pinakamahalagang bahagi ng ating
pananampalataya sapagkat kung walang Muling Pagkabuhay, walang kaligtasan. Sa panahon
natin ngayon na tila ba puro na lamang pagdurusa, kaguluhan, at hidwaan, nawa ang Pasko ng
Muling Pagkabuhay ay muling maging paalaala na sa kabila ng lahat, sa huli, pag-ibig at pag-ibig
pa rin ang mananaig. Kailanma’y hindi tayo binigo ng Panginoon sa Kanyang mga pangako.
Patuloy tayong umasa at manalig sa Kanya. Muli, Happy Easter po sa inyong lahat!

You might also like