You are on page 1of 1

Sikolohiyang Pilipino

Tristan Astrid A. del Rosario

Ang Aking Kultura

Ang Lambak ng Cagayan ay isang rehiyon sa Pilipinas at binubuo ito ng

limang lalawigan: Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino. Ang kabiserang

panrehiyon ay ang Tuguegarao. Iba pang mga wikang ay Ilocano, Ybanag, Ytawes at Malaueg.

Nakatira ako sa Lungsod Tuguegarao, at ang aking unang wika ay tagalog. Ang aking ina ay

isinilang dito at ipinanganak ang aking ama sa Nueva Ecija. Ang aking unang wika ay tagalog.

Alam ng aking ina kung paano magsalita ng Itawes ngunit hindi niya itinuro sa akin kung paano

makipag-usap gamit ang dialect na iyon. Ngunit natutunan ko kung paano maintindihan ito dahil

nalantad ako sa maraming mga tao na nagsasalita nito.

Ang pinanggalingan ng pangangalang Tugeugarao, Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng

maraming bilang ng puno ng “tarao” sa lugar. Sinasabi ring nanggaling ito sa katagang “garrao”

na nangangahulugan ng mabilis na pag-agos dahil sa Ilog Pinacanauan na matatagpuan dito.

Mayroon din namang nagsasabing hinango ito sa salitang “tuggui” na nangangahulugan ng apoy.

Ang pinakatanggap na pinagmulan naman ng pangalan ay ang “Tuggui gari yaw”, na

nangangahulugang “Tinupok ito ng apoy”, dahil sa mga pook kung saan ginagawa ang

pagkakaingin noong panahon ng mga Espanyol.

Ang bawat tao sa Tuguegarao ay may kanya kanyang ugali base sa iba’t ibang kultura nila.

Ang kapistahan ay isa sa mga paraan natin upang magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang ibinigay

niya sa atin o natatanggap natin at kultura ng mga Pilipino nuon hanggang ngayon. Upang

maipakita ang pasasalamat sa Diyos ay ipinagdiriwang ng Pavvurulun “Afi” Festival.

You might also like