You are on page 1of 2

Malaya at matapang

Ako’y tumapak nang walang takot na nararamdaman

Kumukutob ang puso

Bago mahulog sa kawalan

Tumingin sa himpapawid

May nagsasabi sakin na wag matakot sa panganib

Isang tingin sa baba

Segundong tila parang buhangin

Kakayanin pa ba

takot ang sumasalin sa akin

Maya maya, san ka pupunta?

Kayumanging ganda, itim na mata

Lumalaya, siya’y nawawala

Di mahanap ang kapamilya

Tingin tingin sa iyong likod

Baka ang panganib ay sumipot

Maya maya, asan ka na?

Lumikod nang kaonti

Lumingon, umatras

Nabakla sa liwanag

Sa iyong munting ganda

Umayaw, dumistansya

Naligaw ang landas

Umiiyak ang aking puso,

Luha ay tila dugo


Takot ang nandito

Sa kanyang ulo

Di niya kaya to

Lumipad, maya maya

Wag matakot sa kanyang ganda

Sumulong sa pagibig

Tumingin sa aking mga mata

Maya maya, san ka pupunta?

Kayumanging ganda, itim na mata

Lumalaya, siya’y nawawala

Di mahanap ang bahay niya

Tingin tingin sa iyong likod

Baka ang panganib ay sumipot

Maya maya, asan ka na?

Lumipad ang maya maya,

Nakita, ang kanyang ganda

Hinahanap ang kanyang pamilya

Pero tila, siya na pala

You might also like