You are on page 1of 2

Dimayacyac, Mary Cyndy D

BSMA 1-8

Kritiko sa Sistema ng Edukasyon sa Qatar

Ang Edukasyon ay napakahalaga sa isang indibidwal ngunit sa kasalukuyan marami ang


hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay pero madami ang naghahangad na
makapag-aral sapagkat ito ay importante sa buhay. Ang edukasyon ay magsisilbing ating
sandata sa pagharap sa realidad na kailangang magtrabaho kaya dapat natin itong
pahalagahan sapagkat ito ang bagay na hindi maaagaw saatin ng iba. Marami saatin
hindi naiintindihan ang tunay na halaga ng edukasayon at sinasabing hindi naman
magagamit sa buhay pero ang hindi nila napapansin na nakakatulong din ito sakanila
sapagkat kung walang edukasyon mananatili tayong mangmang sa nangyayari sa paligid
at wala ngayon ang mga teknolohiyang ating kinahihiligan. Kapag may edukasyon
marami pa tayong magagawang mga bagay para sa magandang kinabukasan.

Noon ang bansang Qatar ay walang pormal na edukasyon ngunit unti unti itong umunlad
at sa ngayon ang Qatar ay isa sa mga bansang may K to 12 at alam naman nating lahat
na ito ay napakatagal pero gusto nila ng kalidad kaya ito ang aking hinangaan sapagkat
kanilang pinahahalagahan ang edukasyon ngayon hindi tulad noong bago madiskubre
ang langis dahil wala silang pakialam sa kalidad ng edukasyon. Sa kanilang
sekondaryang lebel ng edukasyon malaya silang makakapili kung teknikal bokasyonal,
komersyal o pangrelihiyon na sa tingin ko ay napakaganda sapagkat may kakayahan sila
na mamili at hindi lamang ito limitado hindi tulad dito sa Pilipinas kaya dapat itong
maipatupad sa Pilipinas sapagkat sa mga panahong tayo ay nasa sekondarya malaya na
ng gusto natin para sa kolehiyo ay hindi na mahihirapan pa mamili. May mga paaralan
sila para sa mga mula sa ibang bansa na dapat maisagawa na maganda sana kung
maisasagawa din dito sa Pilipinas upang matutunan din nila ang kultura. Pagkatapos ng
sekondarya ay maaari na silang makapili kung magkokolehiyo pa o magtratrabaho na
lamang sapagkat may sapat na silang kaalaman na sa tingin ko ay nakapaakma sapagkat
marami ang gusto na makapagtrabaho dahil sa tagal ng pag-aaral at gusto mas maging
kapaki-pakinabang ang kanilang bawat oras.
Sa Qatar ang elementaryang edukasyon ay sapilitan na kailangan lahat ay makapag-aral
lahat ng bata na edad 6 hanggang 12 na dapat sana ay ganun din dito sa Pilipinas ngunit
dahil sa kahirapan marami ang hindi nakakapag-aral kahit sa pampublikong paaralan pa
yan ay may binabayaran pa din kaya sa tingin ko ay napakaayos ng sistema ng
edukasyon sa Qatar sapagkat wala sa kanila ang magiging mangmang. Sa
Pagkokolehiyo ay may talong taon para sa dalubhasa ng sining at dalubhasa ng agham
at isa o dalawanv taon sa masteral at sa tingin ko ito ay tama lamang dahil hindi naman
nasususkat sa haba ng edukasyon ang talino at kkakayahan ng isang taon hindi tulad
dito na napakahaba ng pag-aaral sa kolehiyo na inaabot ng 4 o 5 taon bago makatapos
sa dalubhasa ng agham at hindi pa kasama doon ang pagmamasteral.

Susumahin ko ang kritiko sa isang pasya na napakaganda ng sistema ng edukasyon sa


Qatar sapagkat hindi man nila napahalagahan noon ang edukasyon pagkalipas naman
ng ilang taon ay natuto sillang pahalagahan ang edukqsyon at patuloy pa din ang pag-
unlad ng kanilang edukasyon na natuto din silang makipagsabayan sa ibqng bansa dahil
dito. Mag-iiwan din ako ng aking salita na ang edukasyon sa Qatar ay dapat tularan dahil
sa pursigido sila na palawakin pa ang kanilang edukasyon na nakatutulong sa
pagpappaunlad ng kanilang bansa

You might also like