You are on page 1of 4

http://must.wikifoundry-mobile.

com/m/page/Noli+Me+Tangere+(short+play)

Noli Me Tangere (short play) - MUST

With only one-page plot as my basis I wrote a script for a short play in our Rizal class. The play was a huge
disappointment. Poor actors, can't even follow a sequence.

I begin the script with an image of a dawn to symbolize Ibarra's journey to Europe. The dawn represents hope, the
luster that education gives. I end the script with an image of a dusk to depict Maria Clara's journey to death, the
journey of Filipions themselves. The dawn and dusk images support the narration that every beginning has an end
but an end is not an end in itself but only a beginning.

Sa pagbubukangliwayway, kung kelan ang kinang ng araw ay unti-unting sumisibol, tinahak ni Crisostomo ang
landas tungo sa nagniningning na liwanag....

SCENE 1. Ang Pamamaalam

Crisostomo: Tutuloy na ho ako.


Rafael: Mag-ingat ka iho. Mag-aral kang mabuti doon at parati mong tatandaan na ang edukasyon mo ang tanging
kayamang maipamamana ko sa yo.
Crisostomo: Oho, pagbubutihan ko. [Magmamano]
Rafael: Sige humayo ka anak, lakbayin mo ang landas patungo sa liwanag. Ako ay narito lamang at maghihintay sa
iyong pagbabalik. [ magyayakapan]

At tinahak ni Crisostomo ang daan patungo sa liwanag—ang landas patungo sa Europa upang doon ay mag-aral.
Walang sinayang na oras at pagkakataon ang binata na tuklasin ang kayamanan ng mundo—ang
karunungan. Habang nasa Europa si Crisostomo, isang pangyayari ang hindi inaasahan. Aksidenteng napatay ng
kanyang amang si Rafael ang isang Kastilang kolektor ng buwis dahil sa pagtatanggol nya sa batang inaapi ng
nasabing Kastila. Si Rafael ay ikinulong. Dahil may prinsipyo hindi ito sumunod sa kagustuhan ng isang prayle na
siya'y mangumpisal. Sa kulungan na binawian ng buhay si Rafael Ibarra. Hindi na niya nahintay ang pagbabalik ng
kayang anak.

SCENE 2. Ang Pagbabalik


Tiago: Maligayang pagbabalik Crisostomo! Mahabang pitong taon din ang lumipas na ikaw ay nawalay sa aming
piling. [Magyayakap]
Crisostomo: Gayun na nga ho. Lubos akong nagagalak na muli kayong makita.
Tiago: Kumusta ang iyong biyahe. Alam kong pagod na pagod ka kaya halika pasok sa aking tahanan. Naghanda ako
talaga para sayo. Maria Clara..... [Maria Clara enters]
Maria Clara: Crisostomo...
Crisostomo: Maria Clara ... [nagkakahiyaan]
Maria Clara: Kumusta ka. Ako'y nasisiyahan sa muli nating pagkikita
Crisostomo: Ganoon din ako Maria Clara. Nasa akin ang karangalan. [hahalikan ang kamay] Tiago:
Amigos! [clicking the glass] Narito na ang pinakahinihintay nating si Crisostomo Ibarra, ang ating natatanging
panauhin.
Extras: Maligayan pagbabalik Crisostomo
Extra: Bienvenido iho...
Tiago: Inggay ihanda na ang mga pagkain sa lamesa. Halika Crisostomo naghanda ako ng paborito mong Tinolang
manok. [everybody's seated, eating]
Extra: Crisostomo, kung maari ay magkwento ka tungol sa pagaaral mo sa Europa.
Extra: Oo nga naman Crisostomo. Nais naming marinig ang makukulay mong karanasan sa mga lupang banyaga.
Crisostomo: Ito lang ang masasabi ko mga ginang at ginoo, ang Pilipinas ay malayong malayo kumpara sa
kaunlaran at kalayaan ng mga bansa sa Europa. Nakita ko ang liwanag kaya sa aking pagbabalik nais kong ibahagi
ang liwanag na aking nasilayan sa aking mga kababayang nabubuhay sa kadiliman.
Damaso: At bakit mu naman nasabing nabubuhay sa kadiliman ang mga Pilipino Crisostomo Ibarra? Porke bat
nakarating ka sa maunlad na mga bansa sa Europa ay may karapatan ka ngayong manghusga?
Crisostomo: Kagalang-galang na Padre Damaso, sinasabi ko lang ang aking natuklasan sa aking paglalakbay sa
kabilang parte ng daigdig kung saan hindi niyuyurakan ang karapatang pantao. Kung saan tulad ng mga ibong
lumilipad sa himpapawid ang mga tao ay may kalayaang ipahayag ang nilalaman ng kanilang puso't isipan. Huwag
nyo sanang masamain ang aking mga obserbasyon.
Tiago: Maiba tayo. Ano ngayon ang nararamdaman mo sa iyong pagbabalik iho.
Crisostomo: Kaligayan. Lubos na kaligayan at pag-asa. [nagkwekwentuhan pa rin]

Ang pag-asang ito ay bunga ng pagmamahal at poot. Pag-asang masisilayan din ng mga Pilipino balang araw ang
pagbubukang liwayway. At poot dahil Ikinuwento ng kanyang kaibigang si Gueverra ang nangyari kay Rafael
Ibarra. Namuo kay Crisostomo ang galit at pagnanais na mabigyang katarungan ang sinapit ng kanyang ama.
Binalot ng pagngingitnigt ang kanyang puso.

SCENE 3. Ang Pagtatangka

Crisostomo: Oo, pag-asang balang araw mararating ng mga Pilipino ang ulap ng tagumpay at kasaganahan.
Damaso: Sobrang matayog ang iyong mga pangarap Ibarra. Grandioso! Huwag naman sanang lumaki ang iyong ulo.
Tandaan mo isa ka pa ring Pilipino. Lakbayin mo man ang daigdig ang dugong nananalaytay sa iyo ay Indio at yan ay
hindi magbabago. Nunca!
Crisostomo: Huwag nyo sanang masamaing mangarap ako ng mataas para sa aking mga kababayan—isang bagay
na pinagkait ng Espanya sa kanila!
Damaso: Wala kang pinag-iba sa iyong ama!
Crisostomo: Hindi ho ba kaibigan nyo ang aking ama?
Damaso: Mentira! Hindi ko siya kaibigan! Hindi ko kaibigan ang isang mamatay tao, ang isang pilisbustero! [all
shocked...bulung-bulungan]
Crisostomo: [tumayo at sinakal si Damaso] Bawiin nyo ang sinabi nyo!!! Bawiin nyo!!! Hindi mamatay-tao ang
aking ama!!! Hinde! [Damaso matutumba]
Maria Clara: [pipigilan si Crisostomo] Crisostomo! Crisostomo! Huwaag. Maawa ka Crisostomo... Hwag! Crisostomo
huwwaag!! [Crisostomo mahihimasmasan, Damaso choking] Tiago: Panginoon kong Diyos. Dios perdino
santo [magsign of the cross]...Ipagpaumanhin nyo Padre Damaso, ipagpaumanhin nyo ang pangyayari... Patawad
patawad...
Damaso : [tatayo] Ingrato!!! Wala kang utang na loob. Utang na loob mo sa Espanya ang kung ano man ang meron
ka! Magmula ngayon ikaw Crisostomo Ibarra ay isa ng excomunicado!!! Inuulit ko excommunicado!! [looks at
Tiago] Huwag na huwag mong pahihintulutang muling makita ni Maria Clara ang taong ito!! Sa ngalan ng Diyos,
ipinaguutos ko!! [Crisosto leaving] Maria Clara: Crisostomo... Crisostomo....[Tiago pipigilan]

Muli, lumisan si Crisostomo. Ngunit ngayon tinahak nya hindi ang liwanag kundi ang karimlan. Lumisan siyang dala
ang poot sa kanyang dibdib. Subalit hindi siya nilubayan ng liwanag—ang pangarap nyang itayo ang mga Pilipino
sa kanilang pagkakadapa gamit ang edukasyon. Bago naganap ang pagtatangka ay nakapagpatayo siya ng
paaralan sa bayan. Sa pagpapatayo ng paaralan ay muntik ng mamatay si Crisostomo dahil sa sinadyang
pangyayari. Ngunit siya ay nailigtas ni Elias na minsan na rin nyang tinulungan sa oras ng panganib. Subalit hindi
dito nagtatapos ang panganib sa buhay ni Crisostomo Ibarra...

SCENE 4. Ang Pagdakip

Extra : Oo si Crisostomo Ibarra ang utak at galamay ng rebelyon. Pera nya ang ginamit sa pag-aalsa! Siya at ang iba
nya pang mga kasama.
Crisostomo: Hindi totoo yan. Yan ay kasinungalingan. Panong ang isang alagad ng Diyos na tulad mo ay
namumugad sa kasinungalingan!
Extra: Hulihin nyo siya! Siya ang salarin. Ipagtanggol nyo ang Espanya mula sa mga manlulupig! [huhulihin]. Huwag
nyong hayaang mabahiran ng dugo ang bayang ito.
Crisostomo: Wala akong kasalanan! Bitiwan nyo ko! Wala akong kasalanan!

Ikinulong si Ibarra kasama ang iba pang pinaghihinalaang kasabwat nya. Ang nasabing pangyayari ay nakarating
kay Maria Clara kaya kaagad nitong nilapitan si Padre Salvi at ang mga opisyal.

SCENE 5. Ang mga Sulat

Maria Clara: Padre Salvi narito ang mga sulat ni Crisostomo.


Padre Salvi: Narito ang para sayo...
Maria Clara: Narito ang mga sulat sakin ni Crisostomo habang siya ay nasa Europa. Narito ang ebidenysang siya'y
tapat sa Espanya. Maniwala kayong wala siyang kasalan.
Opisyal: Sinasabi nyo bang sinungaling silang mga alagad ng Diyos at nagsasabi ng totoo si Crisostomo Ibarra na
anak ng isang pilisbustero?
Maria : Hindi ho iyan ang nais kong sabihin. Ang tanging pakiusap ko lang ay basahin nyo ang sulat at imulat ang
inyong mga mata sa katotohanang hindi ninais ni Crisostomo na pabagsakin ang Espanya. Siya ay tapat sa
Espanya!

Sa kabila ng pagsusumamo ni Maria Clara, sa kabila ng katotohanang nakakubli sa mga sulat, hinatulang may sala
si Crisostomo. Siya ay nanatiling nakakulong. Samantala, tinanggap ni Maria Clara galing kay Padre Salvi ang mga
sulat ni Padre Damaso na ipinagpalit nya sa mga sulat ni Crisostomo. At sa mga sulat na ito nagkukubli ang isang
lihim—ang lihim na siya'y anak ni Padre Damaso.

SCENE 6. Ang Pagtakas Sa tulong ni Elias nakalaya sa piitan si Crisostomo Ibarra. Tumakas sila kasama si Maria
Clara. Tinungo nila ang lawa at tinahak ang kadiliman. [Setting: lake, namamangka]

Maria Clara: Crisostomo.... ipagpatawad mo ang aking nagawa. Ipinagpalit ko ang iyong mga sulat sa mga sulat ni...
Padre Damaso. [no reaction: Crisostomo]
Maria Clara: Gusto ko lang na mapawalang-sala ka....At may nais din akong tuklasin... Crisostomo: Alam ko...Alam
ko Maria Clara. Huwag ka ng magpaliwanag. Huwag kang mag-alala pinatatawad na kita... Ikaw na siyang tanglaw
ko sa aking kadiliman..
Elias: Yuko!! Ang mga patrol konstabularyo!! [putok]

Sandaling nabalutang ng liwanag at dagundong ang madilim at payapang paligid. Mabilis ang mga pangyayri.
Nagkahiwahiwalay ang tatlo at inakala ni Maria Clara na nabaril ang kanyang pinakamamahal na si Crisostomo
Ibarra. Binalot ng labis na hinagpis at kalungkutan ang puso ni Maria Clara. Lumipas ang mga araw ng walang
liwanag. [Flashback.]..

SCENE 7. Ang Kasunduan


Damaso: Kapitan Tiago, gusto kong makilala ni Maria Clara si Alfonso Linares.
Alfonso Linares: Buenas noches señor.
Tiago: Bueñas noches....Kung yan ang inyong kagustuhan masusunod padre.
Damaso: Alam mo namang ang kanyang kaligayan at kalagayan ang tangi kong iniisip Tiago: Alam ko padre..
Damaso: Gusto ko silang makasal. At ayaw ko ng makita pa ni Maria Clara ang ingratong si Crisostomo Ibarra.

Ang kasunduan ay hindi naisakatuparan. Tumanggi si Maria Clara na magpakasal sa lalaking hindi nya iniibig.
Tinangka nyang tumakas at tumungo sa kawalan ngunit siya ay napigilan ni Padre Damaso. Tinangka nya ring
tapusin ang kanyang buhay ngunit napakiusapan siya ng nasabing pare na pumasok na lang sa kumbento.

SCENE 8. Ang Katapusan Ang lahat ng simula ay may katapusan ngunit ang katapusan ay hindi ang wakas, ito ay
isa lamang bagong panimula. [Maria Clara, walking along the aisle, nakatakip ang mukha ng puti] [background:
chorale--Ave Maria]

At sa pagsapit ng takipsilim, kung kelan unti-unting nagkukubli ang liwanag sa mga yakap ng kalangitan, tinahak
ni Maria Clara ang landas patungo sa natitirang liwanag....

You might also like