You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Region IV-A (CALABARZON)


Department of Education
Division of Calamba City
LECHERIA NATIONAL HIGH SCHOOL
Lecheria, Calamba City

Resource Management Delivery- Feedback Report

SY 2018-2019
I. INTRODUKSYON
Isa sa mga importanteng reporma sa ating basic education ay ang decentralization.
Nakasaad sa Republic Act 9155 of 2001 ang mga responsibilidad ng mga school head at isa na
rito ang pagsasalin ng authority na mamahala sa lahat ng resources ng kanyang paaralan.

Ang MOOE- Maintenance and Other Operating Expenses- pondo o perang


ipinagkakaloob ng gobyerno sa paaralan bilang suporta sa operasyon at pagmimintina ng
paaralan ay maayos na nagagasta.

Ang DepEd Order No. 13, s. 2016 ay nagsasaad naman ng mga patakaran kung paano
ibinibigay sa paaralan ang MOOE at kung paano ito gagamitin. Layon ng departamento na
mapahusay ang paghatid ng pangunahing serbisyo sa mga mag-aaral upang tumaas ang
learning outcomes. May sampung gamit ang MOOE na kung saan ang 70% ay para sa mga mag-
aaral at guro at ang 30% naman ay para sa mga gastusin gaya ng mga repair sa paaralan,
elektrisidad, tubig at communication, kasama na rin dito ang pasweldo sa janitor at mobility ng
security services. Nakabatay sa bilang ng mag-aaral sa paaralan ang MOOE. Sa bagong formula,
isinama na rin ang mga factors gaya ng bilang ng teachers, classrooms, bilang ng graduating at
completing students pati na rin ang fixed amount para sa basic needs ng paaralan.

HUMIGIT-KUMULANG na dalawang dekada nang simulan ng Department of Education


(DepEd) na pagkalooban ang mga paaralan ng Maintenance and Other Operating Expenses
(MOOE) sa pangangasiwa ng mga punong-guro.

Layunin ng MOOE na maiangat ang kakayahan ng mga eskuwelahan na magbigay ng


school supplies, masuportahan ang mga programang pang-edukasyon, maipagkaloob ang ligtas
at malusog na kapaligiran sa mga mag-aaral maging ang mga school personnel.

Itinalaga ang mga punong-guro ng bawat paaralan upang i-monitor ang Special
Education Fund, Parent-Teachers Association, canteen, alumni association, renta o collection
fees at iba pa.

Ang mga punong-guro na siyang direktang nangangasiwa sa pondo ng MOOE ay may pa-
nanagutan sa pagiging totoo at tapat sa kanilang nasasakupan, lalo na sa nakikinabang nitong
mga mag-aaral.

Lahat ng kanilang mga pagpapasya ay nagpapakita ng integridad sa kanilang tungkulin at


kabutihan sa iba kaya hindi ito dapat ipinagsasawalambahala.
Malaki ang paniniwala ng mga guro maging ang mga magulang na ang MOOE ay
malaking tulong at biyaya para mapunan ang mga pangunahing pangangailangan sa edukasyon
ng mga bata.

Mapatutunayan ito base sa magiging resulta ng antas at kalidad ng kaalamang


matatanggap ng mga batang mag-aaral pagdating ng panahon kaya gamitin nang husto at
maayos ang pondong ito dahil nakasalalay dito ang makabuluhang karanasan ng bawat
kabataan.

II. Layunin
1. Hangad mga guro at mga kinauukulan na magkaroon ng malinaw at bukas na paggamit
ng pondo ng MOOE upang makapagpanatili at magdulot ng kabuuang pagtitiwala sa
paghawak nito. Sa tulong ng tapat at maayos na pakikipagtulungan sa Commission on
Audit (COA), magiging posible ito.
2. Ang pamunuan ng paaralan ng Lecheria ay naglalayong magkaroon ng malinaw na
pagpapakita ng pinansyal na ulat sa lahat ng stakeholders.
3. Ang lahat ng stakeholders ay magkaroon ng sapat na kaalaman sa pondo ng paaralan ng
Lecheria National High School.
III. Ebalwasyon
Ang ebalwasyon ay may dalwang bahagi: (1) Ang kaalaman sa pondo ng MOOE (2) Ang maayos
na ulat pinansyal ng bawat organisasyon na sakop ng paaralan.

Gumamit ng “ five-point Likert-type scale”sa pagmamarka 5 ang pinakamataas at 1 ang


pinakamababa.

Ang mga stakeholders ng paaralan ng Lecheria NHS ang respondents ng ebalwasyon.

Gumamit ng “adjectival rating equivalencies” upang masuri kung saang kategorya makikita ang
kahusayan ng paguulat pinansyal ng paaralan.

ADJECTIVAL RATING EQUIVALENCIES

RANGE ADJECTIVAL RATING

4.500-5.000 Excellent(Napakahusay)

3.500-4.499 Very Good (Mahusay)

2.500-3.499 Good( Katamtamang Husay)

1.500-2.499 Poor( Hindi Mahusay)

below 1.499 Needs Improvement ( Paunlarin pa)


Talahanayan 1. Distribusyon ng mga kasagutan at mean score ng pagpapakita ng ulat
pinansyal ng MOOE.

Aytem Mean Interpretasyon


1. Nakikita sa transparency board ang 3.395 Katamtamang Husay
ulat pinansyal ng MOOE.
2. Nakikita at napapakinabangan ang 3.763 Mahusay
donasyon ng stakeholders ng
paaralan.
3. Nakikita at nagagamit ang bawat 3.632 Mahusay
proyekto ng ibat-ibang
departamento ng paaralan.
4. Ibinabahagi ng paaralan ang 3.421 Katamtamang Husay
kaalaman sa mga stakeholders ukol
sa pananalapi
5. Pangkalahatang Kaalaman sa 3.395 Katamtamang Husay
pananalapi
Kabuuan 3.521 Mahusay

Ang talahanayan na ito ay nagpapakita ng kaalaman ng stakeholders ng Lecheria National High


School pagdating sa ulat pinansyal ng MOOE. Ang statement na nakakuha ng pinakamataas na
mean score na 3.763 na mayroong interpretasyon na mahusay ay “ Nakikita at
napapakinabangan ang donasyon ng stakeholders ng paaralan.”Makikita sa paaralan kung
papaano napapakinabangan ng mga magaaral at guro ang donasyon mula sa stakeholders. Sa
kanilang pakikipagugnayan sa paaralan,nalalaman nila ang mga pangangailangan ng bawat
magaaral. Ang sunod sa pinakamataas ay ang statement na “Nakikita at nagagamit ang bawat
proyekto ng ibat ibang departamento ng paaralan” na nakakuha ng mean score na 3.632 at
may interpretasyon na mahusay. Inilalahad dito na ang bawat departamento ay nagplaplano
ng maayos at masusi nilang pinagaaralan kung papaano makakatulong ang proyekto sa mga
magaaral. Ang pangatlong statement na “Ibinabahagi ng paaralan ang kaalaman sa mga
stakeholders ukol sa pananalapi “ ay nakakuha ng 3.421 na mean score na may
interpretasyon na katamtamang husay. Ipinapakita dito na kailangang magkaroon ng
consistent na ugnayan ang stakeholders at paaralan upang magkaroon ng sapat na kaalaman
ang stakeholders sa paggamit ng pondo ng paaralan. Ang huling statements na nakakuha ng
pinakamababang resulta ay “Nakikita sa transparency board ang ulat pinansyal ng MOOE at
Pangkalahatang Kaalaman sa pananalapi”ay nakakuha ng mean score na 3.395 na may
interpretasyon na katamtamang husay. Ipinakikita dito na hindi pa sapat ang kaalaman ng mga
stakeholders pagdating sa pondo ng paaralan( MOOE) at sa kabuuang salapi ng paaralan.
Nararapat na susunod taong pampaaralan na umpisa pa lang ng taong panuruan ay magkaroon
ng pagpupulong ang mga magulang at paaralan ukol sa pananalapi upang ito ay maging
malinaw sa kanila kung saan ito nangaling at kung paano ito ginagastos.

Ang kabuuang ulat pinansyal ay nakakuha ng meanscore na 3.521 na may interpretasyon na


mahusay. Ang kabuuang resulta ay pagpapakita na kailangan pa ng paaralan ng gumawa ng ibat
–ibang hakbang upang matugunan ang kaalaman ng stakeholders ukol sa pananalapi ng
paaralan.
Talahanayan 2. Distribusyon ng mga kasagutan at mean score ng kaayusan na pinansyal na
ulat ng bawat organisasyon na sakop ng paaralan.

Aytem Mean Interpretasyon

1. Malinaw at maayos na paglalahad 3.711 Mahusay


ng ulat pinansyal ng kantina.

2. Malinaw at maayos na paguulat 3.526 Mahusay


pinansyal ng MOOE.

3. Malinaw at maayos na paglalahad 3.684 Mahusay


ng ulat pinansyal ng bawat
departamento ng asignatura.

4. Malinaw at maayos na paglalahad 3.763 Mahusay


ng ulat pinansyal ng PTCA ng
paaralan.

5. Pangkalahatang Kaalaman sa 3.658 Mahusay


pananalapi

Kabuuan 3.668 Mahusay

Ang talahanayang ito ay nagpapakita ng kaayusan ng ulat pinansyal ng bawat organisasyon na


nasasakupan ng paaralan. Ang statement na “ Malinaw at maayos na paglalahad ng ulat
pinansyal ng PTCA ng paaralan ay nakakuha ng pinakamataas na mean score na 3.763 na
mayroong interpretasyon na mahusay. Ito ay pagpapakita na ang bawat PTCA ng bawat
seksyon ay maayos na ugnayan hingil sa pananalapi na kung saan sila ang nagplano at nagkaisa
upang bumuo ng proyekto na kung saan ay makakatulong sa mga magaaral upang sila ay
ganahang pumasok at making sa kanilang mga guro. Ang sumunod na statement na nakakuha
ng mean score na 3.711 na mayroong interpretasyon na mahusay ay “Malinaw at maayos na
paglalahad ng ulat pinansyal ng kantina. “Inihahayag nito na ang kantina sa pamumuno ng
canteen manager at mga tauhan nito ay may maayos na operasyon na kung saan ay
nakakatulong ang kinikinita nito sa ibang expenses ng paaralan. Mahalaga ang maayos na
sistema at pagpapalakad sa kantina upang ito ay lumaki ang kita. Ang statement na “Malinaw
at maayos na paglalahad ng ulat pinansyal ng bawat departamento ng asignatura ay
nakakuha ng mean score na 3.684 na mayroong interpretasyon na mahusay. Ang bawat
departamento taon –taon ay nagkakaroon ng proyekto na kung saan ito ay naka-angkla sa
pangangailangan ng bawat mag-aaral. Ang bawat proyekto ay masusing pinagaaralan upang
alamin kung magkano ang kabuuang magagastos at kung saan mapupunta ang kita nito lalo na
kung ito nangalap ng pera. Ipinapakita sa resulta na ang bawat organisasyon ay naglalahad ng
pinansyal na ulat ukol sa salaping nalikom buhat sa mga activities ng school. Ang statement na
Pangkalahatang Kaalaman sa pananalapi ay nakakuha ng mean score na 3.568 na mayroong
interpretasyon na mahusay. Ang may pinakamababang resulta na statement ay” Malinaw at
maayos na paguulat pinansyal ng MOOE” na may mean score na 3.526 at may interpretasyon
na mahusay. Ito ay pagpapakita na hindi pa lubos naiintindihan ng stakeholders ang MOOE ng
paaralan at kung paano ito ginagastos ng paaralan.
Sa kabuuan, batay sa datos na nakalap ang resulta ng mean score ay 3.668 na mayroong
interpretasyon na mahusay.

IV. Mungkahi/ Suhesyon/Komento ng mga Magulang


1. Palawakin pa at isa-ayos ang mga pangangailangan ng mga studyante at
paaralan sa tulong ng pondo ng paaralan.
2. Lumawig pa ang kaalaman ng bawat stakeholders ukol sa pananalapi ng
paaralan.
3. Magkaaroon ng malaking lugar para sa kantina ng paaralan.
4. Maging maayos ang sistema sa lahat ng transaksyon sa paaralan ukol sa
pananalapi.
5. Maglunsad ng ibat- ibang paraan upang mabatid ng lahat ng stakeholders
ang kaalaman sa pananalapi ng paaralan.

Talasanggunian

https://www.bulgaronline.com/single-post/2018/11/06/Dapat-malinaw-at-tama-ang-
paggastos-sa-pondo-ng-eskuwelahan

https://www.teacherph.com/integridad-ng-mooe/

You might also like