You are on page 1of 4

Angellica: Magandang gabi po.

Kami po ay mga estudyante mula sa Unibersidad ng Santo


Tomas. Ako po si Angellica Velasquez.

Michaila: Ako po si Michaila.

Mariel: Ako po si Mariel.

Julia: Ako po si Julia.

Dianne: Ako po si Dianne.

Alexis: Ako po si Alex.

Gng. Ida: Hello good evening ako naman si Ida Adela Panopio.

A: Ayun po, hingin ko rin po ang pahintulot ninyo na makuhanan po sana naming kayo ng video
habang ginagawa namin ang panayam. At binibigyan din po naming kayo ng assurance na
kung ano man po yung mga impormasyon na makukuha namin sa panayam na ito ay para lang
sa akademikong pangangailangan sa school.

A: Sisimulan po naming yung pagtatanong base po sa mga karanasan ninyo bilang isang
certified public accountant. Unang una po gusto po naming malaman kung gaano katagal
na po kayo bilang isang CPA?

G: Nagtrabaho ako simula noong 2003 so that means mga labing-anim na na taon this year na
nagtatrabaho in the accounting profession.

A: Sa tinagal-tagal niyo po sa propesyon ninyo ano po yung karanasan na talagang


tumatak po sa inyo bilang isang CPA?

G: Siguro ‘yung naging trabaho ko bilang department head of a general accounting group or
team kasi doon talagang, it’s really yung accounting concepts, basic accounting concepts as in
accounting 101 so kailangan yung basic palang alam mo ‘yung ibig sabihin, kung paano
magaccount, magdebit o magcredit kasi ‘yun yung foundation mo para maging successful sa
larangan ng accountancy.

A: So ngayon naman po tutungo po tayo sa pinakapunto po ng panayam kung saan


irerelate po ‘yung wikang filipino sa mga salitang ginagamit sa disiplina ng accountancy.
Para po sa unang tanong, sa kahabaan ng inyong karera, meron po ba kayong jargons sa
inyong disiplina na bago po sa inyo?

G: Iba’t ibang industry kasi or industriya o trabaho, ibat ibang words or jargons. So nagsimula
ako from a public auditing firm and then in the industry of oil and gas and then, pitong taon ako
doon sa oil and gas tsaka ako nagstart magbangko. Doon nagsimula mula 2011 hanggang,
around 8 years. So from oil and gas iba’t iba yung termino nila against sa banking industry.
When it comes to basic accounting or basic tax, tax kasi yung naging basic profession ko from
the start, so hindi naman madaming pagkakaiba in terms of tax terminologies kasi whether
Philippines ‘yan or other countries pareho rin naman, income tax, withholding tax although
maiiba lang siguro yung sa ibang bansa like sales and use tax ‘yung sa U.S., tayo naman value
added tax so ganon siya pero in terms of jargons as to oil and gas tsaka banking madami siya
kung hindi tax ang paguusapan like sa oil and gas, mahalaga sa atin ang litro, ang imbentaryo.
Sa bangko naman mahalaga ang pera, investments, loans, ‘yan mga ganoon, securities ganyan
so maraming pagkakaiba so ‘yun siguro ‘yung mga jargons na naging bago sa akin nung
nagbago ako ng field or industry ng propesyon ko.

A: Yung mga jargon po na ‘yon, ano po yung naging kahalagahan noon sa pananatili
ninyo sa bawat industriya na napasukan ninyo?

G: Dun palang kasi sa basic, dun palang sa dapat alam mo yung basic, mahalaga na alam mo
siya eh kung ano ibig sabihin. Kung asset siya, asset siya diba? Kung part of the capital dapat
alam mo rin na dun siya so very important na yung mga words na ito. Alam mo yung ibig sabihin
kasi nga bawat entrda mo sa libro ng isang kumpanya dun ka magdidecide kung debit ba ng
cash kung credit ba ng ganito so very important ‘yung mga accounting terms.

A: Ano naman po, dun sa pananatili niyo po dun sa industry gumagamit po ba kayo ng
Wikang Filipino?

G: Honestly, very seldom. Well, ‘yung ordinary communication among colleagues, ganoon diba?
Magkakalase kayo diba ang kwentuhan niyo naman Tagalog sometimes in English or Taglish
so ganoon siguro. Pero in terms of when you discuss business especially that madaming
companies multinational firms na diba so most often than not Ingles talaga yung komunikasyon.

A: Sa inyong palagay po if ever magagamit po ‘yung Wikang Filipino dun sa mismong


transaksiyon na hinaharap niyo po sa industriya ano po ‘yung mga pagkakataon na
iyon?

G: Ulit, ulit. Sorry.

A: Kung sa tingin niyo po na maari po sanang magamit ‘yung Wikang Filipino dun sa
mga transaksiyon na nagaganap po doon sa…

G: sa actual transaction?

A: Opo. Sa ano pong mga pagkakataon po kaya iyon magagamit?

G: To be honest di ko maimagine how kasi parang naiisip ko lang is that madaling magexplain
sa kapwa Filipino kung kunyari in Tagalog na. “Oh, ganto ba’t ka ba nagdebit? Kasi yung
transaskyon ganito,” pero kung sa actual transaction like in a bank sasabihin mo doon sa
depositor mo, ‘ni hindi nga natin alam ang Tagalog ng debit, meron na ba?

Lahat: Wala pa po hahaha.

G: Diba parang “Magababawas po ako ng pera sa inyong deposito ito po ay…,”siguro I mean in
some ways pwede naman. Magaadjust lang ang mga Pilipino pero ‘yung mga hardcore terms
kunyari derivatives paano mo gagawing Tagalog or securities, available for sale securities, held
to maturity securities. Kaya naman siyang isalin sa Wikang Filipino pero siguro malaki ‘yung
adjustment and parang malaki ‘yung effort kung paano mo siya isasalin sa Filipino pero kung
possible naman, why not? Kaya lang to be practical, ang laki ng effort na gugugulin para isalin
ito sa Wikang Filipino. Lalo na ngayon diba kailangan natin ang mga bata na simula palang sa
pinakamababang taon or pinakamaagang taon ng buhay nila sinasanay na sila ng magulang
nila sa Ingles because we want to be globally competitive. ‘Yun parang ganoon parang
challenging lang.

A: Kung sakali po na kunwari po magkaroon ng pagkakataon na maisalin ang mga jargon


na ‘yon o mga salita na ‘yon, ano po yung sa tingin ninyo magiging epekto po sa mga
susunod na henerasyon na dadaan sa propesyon na ‘yon?

G: Siguro yung isa challenge natin is makipagkomunikasyon sa ibang mga nasyon kasi hindi
lang naman Pilipinas yung inaaddress nung accounting natin eh. Diba? Nagfofollow nga tayo sa
Internationally Accepted Accounting standards so pano ‘yun? Kung isasalin sa Tagalog ang
accounting in the Philippines so ngayon magsasalin ka nanaman sa Ingles kasi kailangan mo
magreport sa IFRS diba? So yun lang siguro kakayanin siya ng susunod na henerasyon na
mag-adapt sa Tagalog na akawntansiya pero in terms of managing ‘yung kunyari ‘yung mga
foreigners. Ang dami na kasi natin na foreigners na employees sa Pilipinas kasi we are
attracting outsourcing business diba? So paano mo siya ieexplain in Tagalog, “Ganito po ang
nangyari sa mga transaksiyon ngayong buwan na ito,” diba globally competitive na ang mga
Pilipino eh so I don’t, di ko naiisip na it would be less of us being a Filipino kung gagamit tayo ng
Ingles sa isang larangan. Pero kung merong isang sangay ng pamahalaan na
magkoconcentrate para isalin sa Tagalog ang lahat ng subjects sa education siguro ‘yun lang
kailangan mo uli isalin in English because globally competitive ang mga Filipino eh ‘yun parang
ganon.

A: Sa tingin niyo po kung magkaakroon talaga nang pagsasalin, sino po yung magiging
target na mambabasa kung hindi po yung mga tao na nasa propesyon na po?

G: Yung mga target talaga niyan, first is yung mga estudyante palang kasi you will be the
foundation kung isasalin siya sa Wikang Filipino. Kayo unang makakaaral noon kasi kami
maapektuhan kami definitely, pero actually ag laki ng adjustment sa amin kasi yung transaction
kasi natin as whole in English na so if nirequire ng pamahlaaan, “Ay, hindi tagalog na ito para sa
mga estudyante,” magaadapt din ang mga businesses, ang business community which is, of
course, employs the accounting professionals so target din naman siya nun. Kailangan niya rin
basahin.

A: Sa kabuuan po, ano po talaga yung pananaw ninyo sa pagsasalin ng mga salitang
gingamit sa accounting patungo sa Wikang Filipino?

G: Para sa akin hindi nakakabawas ng pagka-Filipino na ang subject na inaaral natin ay hindi
naka-Tagalog so the accounting profession or the academe can stay in English pero yung
pagiging Filipino ko stays the same. Kasi for me as a working professional, parang na ngayon
na talaga nararanasan ko na simula nung nagaaral ako hanggang nagtatrabaho ako, speaking
in English, knowledgeable in English is not just a plus it’s a requirement already. “Ay when when
you speak in English it sounds good,” hindi na eh kasi kahit sa bank of, ay sorry, kuyari sa
isang bangko, di porke naitatag siya sa Pilipinas, Pilipino lang ang kanyang clients or
customers. Worldwide palagi ang vision ng isang institution. Lagi yang how to be globally
competitive hindi lang locally competitive.

A: So bilang panghuli po bonus nalang po ano po yung maiaadvice or matitip ninyo para
sa aming mga estudyante palang sa pagkuha ng kursong accountancy?

G: Ay hindi na in Tagalog?

A: Opo.

G: Well, ‘yun nga para sa akin napakaimportante ng foundation so basic accounting, accounting
101, or prac 1 it’s very, very important so dapat dun palang you felt na kung bakit ba ko nandito.
Ba’t ba ako nagaccounting, gusto ko ba talaga yung inaaral ko kasi otherwise hindi mo
maappreciate yung pahirap ng pahirap as the year goes on and Tagalog man ‘yan or English it
doesn’t matter as long as yun nga gusto mo intindihin yung inaaral mo and you see yourself
growing in this profession in the future.

A: Maraming Salamat po!

Lahat: Thank you po!

You might also like