You are on page 1of 2

Umuunlad ba ang Pilipinas?

Ito ang katanungan na kadalasan ay tinatanong ng mga Pilipino


ngunit, talaga bang umuunlad ang Pilipinas? Kung titignan natin ang GDP ng Pilipinas, ito nga ay
umangat ngunit kung itatabi natin ito sa ating karatig na bansa, sadyang nakakahiya dahil
sobrang laki ng tinaas ng kanilang GDP. Sa atin, may inangat nga ngunit kaunti lamang. Sinasabi
nga na ika-anim na sa mga lumalagong ekonomiya ang ating bansa. May katutuhanan dito at ito
ay makikita natin sa SONA ngunit babalik pa rin tayo sa Pilipinas mismo. Oo, may tinaas ang ating
ekonomiya ngunit paano naman ang mga Pilipino na nakikita natin sa gilid-gilid? Paano ang
Quiapo? Ang Rekto? Ang Divisoria? Oo, may mga pagbabago dito ngunit, malaki ba ang
pinagbago nito? Hindi naman, hindi ba? Sinasabi nga rin na ang Pilipinas ang “Next Rising Tiger”
ng Asya. Hindi ba isang kaunlaran iyon ngunit kung titignan talaga natin ang sarili nating bansa at
itatabi natin ito sa ating karatig na bansa sa Asya, tayo nga ba ang “Next Rising Tiger” ng Asya?

Ito ang aking opinyon. Oo, may inangat nga ating bansa. May pagbabagong nangyari maging
mabuti man ito o hindi, may pagbabago pa rin na nangyayari. Kaya, masasabi kong umuunlad
ang Pilipinas dahil sa mga sobrang maliliit na bagay na ito. Umaangat ang ating ekonomiya,
sinasabing “Next Rising Tiger” ng Asya ang Pilipinas, ito ay mga senyas na umaangat nga tayo.
Ngunit, kung malaki ba ang inuunlad natin, masasabi kong hindi. Ang mga Pilipino kasi, palagi
tumitingin sa negatibong ginagawa ng ating pamahalaan. Oo, marami nga silang mali na ginawa
o kahit ginagawa nilang “sugar-coat” ang kanilang sinasabi ngunit bakit hindi natin intindihin ang
kahit kauniting mabuti na kanilang nagawa. Palagi kasi tayong nakatuon sa mga masasama at
sinasabi nating korupt ang ating pamahalaan. Una sa lahat, ano bang nagawa mo para magsabi
ng ganyang mga salita? Nasa iyo ang aking respeto kung marami ka ng mabuting ginawa at wala
pa ring nangyayari pero kung puro salita ka lang, mahiya ka naman. Mga Pilipino kasi, boboto ng
hindi magaling na tao tapos sisisihin sa gobyerno ang lahat. Ang mga Pilipino naman, hindi
susunod sa mga batas at sasabihin na kasalanan ito ng gobyerno. Ang punto ng lahat na ito,
sinasabi ko lamang na kung magtutulungan ang lahat ng mga Pilipino at hindi lamang natin
iniiwan sa gobyerno ang lahat ng gawain, sasabihin ko na tunay na uunlad ang ating bansa. Ang
nangyayari kasi, ang gobyerno na natin ang gumagawa ng lahat kaya kaunting unlad lang ang
nakukuha natin gaya ng pagtaas ng ating ekonomiya at ang sinasabing “Next Rising Tiger” ng
Asya. Kung magtutulungan ang lahat ng Pilipino, mas uunlad pa tayo kaysa sa inunlad natin
ngayon.

Napansin ko lamang, ang malaking pinagkaiba ng Pilipinas sa Asya ay dahil ang mga Pilipinas ay
tamad. Isang halimbawa na ang pag-ayos natin sa Yolanda. Ang bagal nating kumilos. Makikita
din ito sa Quiapo, Rekto at Divisoria dahil hanggang ngayon, hindi pa masyadong unlad ang mga
lugar na iyon. Maputik pag umuunlad at maraming mga magnanakaw. Pero sa mga tao sa Asya,
sila ay mabilis at sinusunod nila ang kanilang gobyerno. Maliban na nga lang sa Hongkong dahil
may kaganapan na nangyayari sa kanilang pamahalaan ngunit kung titingnan natin ang
karamihan sa bansa sa Asya, ang mga tao ay sumusunod sa kanilang pamahalaan kaya mabilis
silang umaangat.

Kung ibubuod ko ang aking mga sinabi, oo, umuunlad ang Pilipinas ngunit kaunti lamang dahil
hindi tumutulong ang mga kapwa Pilipino. Ang ginagawa lamang ng mga Pilipino ay mangsisi,
mag rally at bumoto ng hindi magandang tao at sisihin lahat sa pamahalaan. Kung magsisimula
tayong tumulong sa isa’t-isa at sundin ang ating gobyerno, mas aangat tayo kaysa sa ating
sitwasyon ngayon. Kung ayaw naman natin sa gobyerno, dapat tayong mag-aral ng mabuti at
ibahin ang ating sistema. Hindi dapat tayo puro salita, dapat tayo ay may gawa din. Tandaan,
hindi kailanman huli para mag-aral ang isang tao.

You might also like