You are on page 1of 4

"Blessed are the peacemakers,for they shall be called children of God"

Clara ang babaeng lumaking may galit sa kanyang mga magulang dahil sa iniwan siya

bata pa lamang siya.Ang lola lamang niya ang kanyang kasama.Ngunit nang pumanaw

na ang kaniyang lola noong highschool pa lamang siya ay doon na siya nagsimulang

makipagbarkada,magbisyo at ang hindi pagpasok sa paaralan.Iniisip niya kasing wala

na namang mag-aalala para sa kanya dahil wala na yung kaisa-isang taong alam niyang

palaging nag-aalala para sa kanya.Walang iba kundi ang kanyang mapagmahal niyang

lola.Isang araw pagpasok ni Clara sa kanilang bahay ay may nadatnan siyang isang

babae at lalaki na nasa mid 30's..."Anak" sabi sa kanya nung babae.

"Sino kayo?"takang tanong niya."Anak,Clara kami ito.Ang mga magulang mo" masayang

wika nung lalaki.Nangunot noo naman si Clara.

"Anak" wika ulit nung babae. "Hindi niyo ako anak..."wika ni Clara na siyang ikinalungkot

ng babae at nung lalaki. "Anak ka namin at kami ang mga magulang mo" paliwanag

nung babae. "Hindi niyo ako anak at hindi ko kayo mga magulang.Matagal nang patay

ang aking mga magulang.Kaya pwede ba umalis na kayo rito." inis na wika ni

Clara sa babae at sa lalaki.Batid niyang sila nga ang mga magulang niya pero hindi

pagkasabik sa yakap ng mga magulang ang kanyang nararamdaman kundi galit...

Galit na galit siya sa mga ito dahil ngayon lang sila nagpakita pagkatapos ng mahabang

panahon. "Hindi kami aalis.Sasamahan ka na namin anak." sabi nung lalaki.

Akmang yayakapin nung babae si Clara ngunit umiwas lamang si Clara.

"Bahala kayo sa mga buhay niyo.Tsskk" wika ni Clara bago nagtungo

sa kaniyang kwarto.
Isang linggo na ang nakakalipas mula nung nagbalik ang kanyang mga magulang

ngunit mailap parin si Clara sa kanyang mga magulang.Hindi niya sila pinapansin

o kaya ay ang sumagot sa mga tanong ng kanyang mga magulang.

Palagi siyang ginagabi sa pag-uwi at palagi pang lasing.

"Anak saan ka na naman ba nanggaling?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina.

Hindi umimik si Clara bagkus ay nagtuloy lang siya sa paglalakad papasok sa kanilang

bahay na parang walang narinig mula sa ina. "Anak,sumagot ka naman.Nag-aalala kami

para sayo.Bakit ba parati kang ganyan?" naluluhang wika ng kanyang ina.

Tumawa ng mahina si Clara sa tonong sarkastiko.

"Kayo mag-aalala para sa akin?Wow ha.Such a big word." sarkastikong sambit niya.

"Tyaka,ano bang pakealam niyo kung ganito ako ha?Kayo nag-aalala sa akin?

If I know kahit kailan hindi kayo nag-alala o mag-aalala para sa akin.Iniwan niyo nga ako

nung bata pa lamang ako,di ba?So,don't act that you're a good parents...because you

we're never be a good parents to me.You left me..." wika ni Clara at hindi na niya

napigilan pang hindi maiyak. "Kung alam niyo lang kung gaano ako kainggit sa mga

taong nakikita kong masaya at kumpleto ang kanilang pamilya...I've been longing and

yearning for a parents love and care...I always celebrate especial occasion alone...

Because I don't have a parents to celebrate with..."wika ulit ni Clara.Napaiyak na rin ang

mga magulang niya."Anak,patawarin mo kami.Hindi namin ginustong iwan ka.Patawad

kung pinabayaan ka namin at palagi kang nag-iisa para icelebrate ang mga espesyal na

okasyon.Patwad sa lahat ng mga pagkukulang namin sa iyo bilang mga mahulang mo.

Kaya sana ay bigyan mo kami ng pagkakataong makabawi sa iyo.Iniwan ka namin noon

dahil nagpunta kami sa ibang bansa para magtrabaho para sa iyo ngunit minaltrato

kami ng aming amo kaya hindi na kami nakakatawag sa inyo noon.


Patawad anak kung ngayon lang kami nakauwi."wika ng kanyang ama.Sa sinabi

ng kanyang ama may parte sa kanyang puso ang kumirot dahil sa mga nakalipas na

panahon ay galit ang kanyang nararamdaman para sa kanyang mga magulang.

Inakala niya kasing siya ay binalewala na ng kanyang mga magulang kundi ay sila'y

nagtungo pala sa ibang bansa para magtrabaho para sa kanya.Hindi niya tuloy

maisip kung gaano naghirap ang kanyang mga magulang sa ibang bansa.

"Anak.Mahal na mahal ka namin...Sana ay mapatawad mo kami sa lahat-lahat

ng pagkukulang namin sayo" wika ng kanyang ina.

Agad niyakap ni Clara ang kanyang mga magulang. "Mahal na mahal ko rin po kayo.

Patawad rin po kung galit ang aking nararamdaman para sa inyo sa mga nakalipas

na panahon.Hindi ko po alam na kayo'y umalis para magtrabaho para sa akin.Patawad

po sa lahat ng masasakit na salita na sinabi ko sa inyo.Sana po ay mapatawad

niyo ako.Pangako po.Magbabago na ako para sa ikabubuti ko." wika ni Clara.

Tumango naman ang mga magulang niya at sila'y ngumiti.Muli silang nagyakapan.

"Peace" hindi lamang sa pangakalahatan o sa pagitan ng dalawang tao

nagyayari ang salitang kapayapaan kundi pati rin sa ating sarili.Paano tayo

magkakaroon kapayapaan sa ating sarili kung may dinaramdam tayong galit at sama ng

loob. Bilang isang tagalikha ng kapayapaan ay dapat ay kailangan mong tanggalin yang

galit at sama ng loob na iyong nararamdaman para sa iba......Sa pagkamit ng

kapayapaan sa iyong kalooban ay kailangan mong patawarin yung mga taong may sala

at humingi ka rin ng kapatawaran sa taong nasaktan mo o kaya'y nagawan mo ng

masama.

You might also like