You are on page 1of 5

Isa ang crisis management sa mga importanteng konsepto na kailangan sa pagtataguyod ng isang

negosyo, maraming mga pag-aaral na napatunayan ng epektibo patungkol sa mga paraan, mga metodo
at modelong ginagamit ng mga malalaking negosyo. Ngunit hindi nabibigyang pansin ang mga isyu ng
mga maliliit na negosyo ayon sa isang artikulo ng “Journal for small business strategy” na sinulat ng
mga propesor na sina Frederic J. Hebert at Neil J. Humphreys ng East Carolina University at Longwood
College(respectively) kung saan pinamagatang “ Is your small business prepared for a crisis?”. Sa
artikulo ay ipinaliwanag kung bakit mas nabibigyang pansin pagdating sa literatura ang mga malalaki
kaysa maliliit na negosyo pagdating sa krisis at pamamahala nito. Isa na dito ang kadahilanang pag
maliit ang negosyo ay maliit din ang pupwedeng kita na mawala pag nakakaharap ng krisis hindi katulad
ng malalaking negosyo na malaking kita ang puwedeng malugi na hindi dapat gawing batayan dahil
maliit man kung titingnan ang mawawala sa mga maliliit na negosyo ay maaaring malaki na ito at ang
epekto nito na puwedeng makasira o makalugi ng tuluyan. Halimbawa na lang ay ang pagkakaroon ng
natural na krisis tulad ng sunog o baha na maaaring maging dahilan ng pagkakasara ng maliit na negosyo
hindi katulad ng pag sa malaking negosyo na maaaring maliit na bahagi lamang ng negosyo ang
maaapektuhan. Dahil dito ay wala masyadong mga pananaliksik at mga journal articles na nagbibigay
ng mga paraan at ideya sa mga may-ari, managers at iba pang empleyado kung paano ang gagawing
pamamahala ng mga maliliit na negosyo sa mga krisis na maaari nilang kaharapin.

Ayon kay Fink, ang krisis kung ihahambing sa negosyo ay isang babala:“runs thc risk of
escalating in intensity, falling under close scrutiny by the media or government, interrupting normal
business operations, jeopardizing the positive public image of a company, or damaging a company's
bottom line in some way(Fink,1986,pp.15-16)”. Na ang ibig sabihin ay para ang krisis ay mapamahalaan
ng maayos ay kailangan mapigilan ang krisis hindi pa man ito nagaganap, o sa ingles ay “prevention is
better than cure” na maaaring bago sa mga may-ari at mga managers ng maliliit na negosyo dahil kilala
ang mga ito na “here and now-type” na mga problem solvers na nalalayo sa dapat na “proactive type”.
Ang mga maliliit na negosyo ay dapat matutong kumilala at magresponde sa mga babalang ito para
maiwasan ang mga krisis na kakaharapin nito. Ilan lamang sa mga dahilan ng krisis na nangyayari sa
ating lipuan na mas nakakaapekto sa mga maliliit na negosyo kumpara sa mga malalaki ayun sa artikulo
ay ang: “news media's sensitivity and quick response, the public's expectations of ethical behavior,
increased business complexity, and the heightened threats of deliberate sabotage, and the rapid
increase in video, satellite, and cellular phone technology has increasingly amplified the media's ability
to report on developing crises.” Sa kadahilang mas malawak ang sakop at kakayahan ng mga
malalaking negosyo kumpara sa mga maliliit na negosyo na limitado lamang, halimbawa na dito ay ang
uri ng operasyon, ang kita sa lunes ay ang gagamiting puhunan pambili ng mga produkto at serbisyo sa
martes, o ang tinatawag na “hand-to-mouth operations”. Nangangahulugang importante at kritikal para
sa mga maliliit na negosyo ang “cash flow” at kung magkakaroon ng krisis na makakaapekto dito ay
malulugi talaga ang negosyo.
May iba’t ibang mga uri ng krisis na maaaring kaharapin ng mga maliliit na negosyo, ito ay ang:
“organizational, employee-related, external events, customer-related and personal.” Lahat ng mga
nasabing uri ng krisis ay magkakaugnay dahil direkta silang hawak at responsibilidad ng may-ari o ng
nagpapatakbo ng maliliit na negosyo o may interes sa negosyo na tinatawag na “stakeholders” maliban
na lamang sa external events, o sa madaling sabi, “tao ang pangunahing katalista ng mga krisis na ito”(
Mivoff, Pauchant, and Shrivastava (1989)). Ang organizational crises/ krisis pang-organisasyon ay
pangunahing maiuugnay sa mga kalagayang maaaring makagambala sa mga operasyon ng negosyo
lalong lalo na sa mga maliliit na negosyo dahil anumang krisis sa ilalim ng kategoryang ito ay
makakaapekto sa kabiguan ng negosyo. Sa nagawang serbey nina Mivoff, Pauchant, and Shrivastava
(1989) noong taong 1984 hanggang 1986 ay kanilang natala ang nangungunang apat na krisis pang-
organisasyon na kaugnay sa makina at produkto: mga depekto sa kagamitan at produkto, mga aksidente
sa kapaligiran at pagkasira ng mga kompyuter. Dahil sa mga panahong ito ang kasagsagan ng mga
makina, mga kompyuter at mas komplikadong pangkapaligirang regulasyon ay mas umaasa na sila sa
mga mapagkakatiwalaang makina at mga kagamitang ito na naging dahilan ng pagtaas ng pamantayan
ng mga negosyo sa kanilang empleyado. Accounting, marketing, financial, legal at iba pang mga
problema sa operasyon ang nasa ilalim ng krisis pang-organisasyon na siyang pundasyon ng kahit anong
negosyo na kailangang mas bigyang pansin ng mga maliliit na negosyo dahil pag hindi ay magreresulta
sa kabiguan ng negosyo. Ang mga halimbawa ng krisis pang-organisasyong ito ay ang mga problema
sa accounting, hindi mabuting pagpili ng mga produkto, problema sa serbisyo, mga pagkakamali sa
pag-aanunsiyo, pagkasira ng kompyuter, problema sa pagpepresyo , problema sa cash flow, pahirapan
sa pag-uutang, at mga legal na kabayaran. Isa pang pwedeng dahilan ng krisis pang-organisasyon ay
ang di pagkakatugma ng leadership style ng may-ari sa mga partikular na sitwasyon, iilan sa mga
halimbawa ng leadership styles ay autocratic, democratic, supportive at laissez-faire.

Ang employee related crises ay ang mga problemang may kinalaman sa mga taong nagtatrabaho
sa negosyo, o ang mga empleyado. Dahil nga sa natalang serbey nina Mivoff, Pauchant, and Shrivastava
(1989) ay mahalaga na matutunan ng mga may-ari ng negosyo ang importansya ng pagbibigay atensyon
sa mga kanilang mga empleyado, dahil bawat isa sa mga empleyadong sakop nila ay may importanteng
papel sa negosyo. Isa na dito ang mga empleyadong tinatawag na “firm’s key people” na may malaking
ginagampanang papel na kung may mga aksidenteng di maiiwasang mangyari ay malaki ang epekto na
pwedeng makasira sa operasyon ng negosyo. Dito kailangan ng may-ari na mamahala sa krisis na mag
“back-up” o magbigay ng suporta sa mga importanteng empleyado ng negosyo. Importante ring
makilala ng may-ari ng mabuti ang kanyang mga empleyado, magtayo ng malalim na relasyon at tiwala
sa mga empleyado, alamin ang mga ginagawa ng empleyado sa labas ng trabaho para maiwasan ang
mga iba’t ibang krisis na maaaring kaugatan ng iba’t ibang estado ng empleyado katulad pagkakaiba ng
single sa kasal na empleyado. Kaya importanteng piliin ng maayos ang mga taong kukunin bilang
empleyado, at bigyan sila ng karampatang training at cross-training para may mga kaalaman at
kakayahan sila kung paano pamahalaan ang iba’t ibang krisis sa iba’t ibang sitwasyon.

Ang external event crises ay ang krisis na nangyayari sa labas ng negosyo at kakayahan ng may-
ari ng negosyo, ang mga halimbawa nito ay ang mga natural na kalamidad tulad ng sunog, bagyo,
pagbaha, legal at zoning changes tulad ng highway relocations na maaaring makaapekto sa hinaharap
na paglago ng negosyo, kriminalidad at iba pang anyo ng karahasan na isa sa mga di maiiwasang
external events na nakakaapekto sa lahat ng negosyo kahit pa sa mga upscale areas. Hindi dapat umasa
ang mge negosyo lang sa insurance lalo na dito sa atin sa pilipinas, ang mas nararapat na gawin ng mga
may-ari ng negosyo ay ang maayos na pagpaplano para mapigilan o kung di man ay mabawasan ang
epekto nito sa operasyon ng negosyo.

Ang customer related crises ay isa sa sitwasyon na hindi masyadong hawak ng negosyo hindi
katulad ng ibang naunang kategorya sapagkat walang magagawa ang mga may-ari ng negosyo kung
ayaw bumili ng customer , o kung may hindi masaya sa kanilang produkto o serbisyo. Ang nararapat
na gawin ng may-ari ng negosyo ay magsumikap na pagbutihin pa ang customer service satisfaction,
bigyan ng atensyon ang mga tapat na customer sa pamamagitan ng kanilang mga promotions at business
activities para mapagtibay ang relasyon at tiwala dahil ang ikakaunlad ng negosyo ay hindi ang
pagkakaroon ng masaya o satisfied na kustomer lamang, kundi ang pagtatayo ng matibay na relasyon
sa mga tapat na customer, ang pinakamalaking pinagkukunan ng kita(Gabor, 1990). Dahil sa mga tapat
na kustomer na ito ay nagkakaroon ng mga panibagong kustomer ang negosyo na pandagdag kita sa
pamamagitan ng word-of-mouth sa mga kaibigan at kapamilya at kakilala ng mga ito na kalaunan ay
nagiging tapat din na customer kung mas pag-iigihan ng negosyo dahil sa panahon ng krisis, dahil sa
tiwala isa ang mga tapat na customer sa mga kasangga ng may-ari ng negosyo na susuporta at hindi
titigil sa pagtangkilik ng produkto o serbisyo.

Ang personal crises o personal na problema ng may-ari ay ang pinakamahirap at pinakahindi


binibigyang pansin sa mga kategorya ng krisis sapagkat sa pagpapatakbo ng isang negosyo kailangan
maging malakas at matibay ng may-ari kung kayat hindi na nya nabibigyang pansin ang kanyang sarili,
buhay at pangangailangan. Kakaonti lamang ang mga nagbibigay ng pansin na magsulat at pag-usapan
kung ano na ang mga nangyayari sa buhay ng may-ari ng negosyo kung kaya tang krisis na ito ay isa sa
mga nagiging dahilan kung kayat nagkakaroon ng mas malaking krisis na nakakaapekto sa kabuuhan
ng negosyo. Dahil dito ay hindi napipigilan ang gantong uri ng krisis, ang kailangan lang gawin ay
gumawa ng mga aksyon para mapagbuti ang personal na kalagayan ng may-ari. Kailangang kumunsulta
sa propesyunal ang sino mang nakakaranas ng krisis personal para hindi na lumaki pa ang pinsala.

Pagkatapos na makonsidera ng may-ari ng negosyo kung anong klase ng krisis na pwedeng


maranasan ng kanilang negosyo ay dito na papasok ang mga crisis management model na iprinesenta
sa artikulo. Mula sa ibat ibang modelo, konsepto at hakbang ng ibat ibang mga awtor sa pamamahal ng
krisis, risk at threats napaikli nila ito sa tatlong yugto; ang gagawin bago ang krisis(prevention),
gagawin sa panahon ng krisis(reaction), at gagawin pagkatapos ng krisis(education).

Ang unang yugto, prevention, ay naglalayon na paghandaan ang krisis at kung maaari ay
mapigilan ito na mangyari, katulad nga ng aking sinabi, sa pamamagitan ng pagiging “proactive” ay
maiiwasan ng negosyo ang mga krisis na posibleng mangyari. Ilan sa mga hakbang na kailangang gawin
ay ang pagkilala sa mga krisis na maaaring mangyari, kung anong sakop sa negosyo ito maaaring
mangyari, mga partikular na krisis sa partikular na negosyo, alamin ang mga babala, alamin ang mga
magiging epekto, pag-organisa ng mga taong tututok sa krisis na ito o crisis management team na
binubuo ng mga “key people” ng negosyo, mga konkretong pagpaplano, pagsasanay sa lahat ng
empleyado sa pagtugon ng ibat ibang krisis at pagtataguyod ng magandang relasyon sa mga taong
nakapalibot sa negosyo, stakeholders , gobyerno, komunidad at mga ibat ibang sangay ng media.

Ang pangalawa, reaction, ay naglalayon ng maayos at mabilis na pagtugon sa krisis,


pagpapahayag ng pag-aalala sa mga customer at publiko, mabawasan ang pagkawala o pagkalugi at
kung maaari ay maipagpatuloy ang operasyon ng negosyo. Ilan sa mga hakbang na kailangang gawin
ay unang una maayos at mabilis na komunikasyon sa gobyerno, media representatives, empleyado,
customer at iba pang mga may interes sa negosyo, ito ay mahalaga sa maayos at matagumpay na
pamamahala ng krisis sapagkat ang kakulangan sa komunikasyon ay malaki ang epekto sa paglaki ng
krisis, ipahayag sa publiko na may kakayahan ang negosyo na malutas ang kinakaharap na krisis,
personal na pagtugon ng may-ari ay importante ding magawa para sa ikagagaan ng loob ng mga
stakeholders ng negosyo, magawa ng maayos ang mga nakaplanong gagawin sa mga partikular na krisis
at kung maaari ay ipagpatuloy agad ang operasyon ng negosyo o di kaya ay mabigyan ang mga customer
ng kinakailangan nilang produkto at serbisyo.

At ang huling yugto, education, na naglalayon na matuto mula sa krisis na nangyari at kung ano
ang mga kailangang gawing pagbabago o mga makakapagpabuti para sa mga mangyayari sa
kinabukasan. Gaya nga ng sikat na mga katagang, “experience is the best teacher”, may sapat kang
kaalaman at natutunan mula sa krisis na nangyari na maaari mong magamit sa mga krisis na maaaring
mangyari sa kinabukasan.

Kaya importanteng magkaroon din ng mga pananaliksik na tumutugon sa mga krisis na


kinakaharap ng mga maliliit na negosyo katulad ng sa katapat na malalaking negosyo sa loob o labas
man ng paaralan dahil maraming mga partikular na krisis na kailangang matugunan ng mga maliliit na
negosyo gamit ang mga karampatang konsepto, ideya at mga preventive measures para maiwasan ang
pagkalugi ng negosyo lalo na at kakaonti at limitado lamang ang kanilang mga resources kaya
maiuugnay namin ang artikulong ito sa aming ginagawang pananaliksik.

Sanggunian:
 https://libjournals.mtsu.edu/index.php/jsbs/article/view/296/276

You might also like