Magandang babae, maraming katangiang kaibig-ibig at mabutinganak. Iyan si
Aniway, isa sa mga dalagang ipinagmamalaki ng kanilangtribu. Pihikan sa pag-ibig ang dalaga kaya wala pang nobyo. Isa lang anglagi niyang dinadasal. Na sana ay makatagpo siya ng karapat-dapat nalalaki na magmamay-ari ng kanyang puso.Mula sa malayong tribu ang binatang si Maru. Nang Makita ng binatasi Aniwa ay hindi na tinigilan ng panliligaw. Inamin ni Aniway na kaiba samga lalaking nanligaw sa kanya, malapit agad ang loob niya kay Maru.Makaraan ang kulang isang taon ay tingggap niya ang pag-ibig ng binata.Maligayang-maligaya si Aniway lalo nang sabihin ni Maru na uuwi itosa kanilang tribu para sunduin ang mga magulang. Ibig na raw kasi nito namagpakasal sila. Ipinangako ng binata na babalik sa susunod na pagbilogng buwan.Subalit lumipas na ang dalawang pagsikat at paglubog ng buwan, nianino ni Maru ay hindi na nakita ni Aniway. Ang masama ay ginamit ng isasa mga karibal ni Maru ang sitwasyon para siraan ang binata. Ikinalat nitona nag-asawa ng iba si Maru at hindi na babalik kay Aniway.Inakalang totoo ang kumalat na balita, sa labis na sama ng loob atkahihiyan ay nagkasakit ng malubha si Aniway. Bago namatay ay walasiyang nausal kundi ³Isinusumpa kita!... sumpa kita!´ Ang mga salitang ³Isinusumpa kita!... sumpa kita!´ ang tangingnaiwan ni Aniway kay Maru, na dinapuan ng sakit kaya hindi agadnakabalik.Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha niMaru ang puntod ni Aniway. Hindi matanggap ni Maru na namatay angdalaga na masama ang loob sa kanya.Ilng lingo makaraan ay may tumubong halaman sa libingan ni Aniway. Nang mamulaklak iyon ay ubod ng bango. Tinawag iyong Sumpa kita, ang huling salitang binigkas ni Aniway bago sumakabilang buhay. Ang sumpa kita ay nagging sampaguita .