You are on page 1of 1

Ano ang ABC?

Mahuhulaan mo ba ang ABC? Ang ABC ay American Born Chinese, ang karaniwan na tawag sa
mga tao ay ang magulang ay tsino subalit ipinanganak at lumaki sa America. Paano nga ba ang
buhay ng isang ABC? Nararanasan nito ang kultura ng dalawang bansa, mahusay gumamit ng
ingles na maaaring gamitin sa kapwa ABC.

Napakahalaga ng pamilya sa mga Tsino. Hindi tulad sa mga purong Amerikano sa gustong
manirahan mag-isa o bumukod sa kanilang pamilya sa pagsapit nila sa tamang edad. Ang mga
Tsino ay hindi basta-basta humihiwalay sa pamilya kahit na may asawa at mga anak na sila.
Kapag may ipinagdiriwang okasyon tulad ng Chinese New Year, kasalan, graduation, kaarawan o
kapag may bisita sila ay naghahanda ng sampu hanggang labindalawang putahe. Hindi rin
mawawala ang mga sariwang prutas. Sa ganitong pagkakataon naiilalabas ang pinakamgandang
gamit sa kainan at may tamang pagkakasunod-sunod sa paghain ng mga putahe.

You might also like