Girl: Bakit ba karamihan sa lalaki,manloloko? Boy: kasi karamihan sa babae paasa. Girl: bakit kasi hindi kayo maghintay? Boy: natatakot kasi kaming mawala pa kayo. Girl: hindi naman kayo gumagawa ng effort. Boy: gumagawa kami kaso binabalewala nyo lng. Girl: bakit parang lagi nalang kami ang mali? Boy: dahil ang aarte nyo.nirerelate nyo.ang buhay nyo sa mga teleserye. Magising kayo sa realidad Girl: nagpapaka tanga na nga kami sainyo tapos kayo'tong nakukuha pang maghanap ng iba . Boy: hindi kami naghahana, nagkataon lng na kusa silang dumadating sa mga panahon na nagtatampo kayo sa walang kwentang bagay. Girl: Nagtatampo kami kasi gusto namin ng lambing. Boy: nilalambing namin kayo pero puro kayo pakipot, pag galit kami mas galit kayo. Girl: syempre babae kami intindihin nyo yun. Boy: lalaki kami , intindihin nyo rin kami hindi sa lahat ng pagkakataon ay pagbibigyan kayo. Girl: hindi nyo ba alam na araw araw namin kayong iniiyakan? Pero anong ginawa nyo? Sumasama sa barkada at nagpapakasaya. Boy: wala kasi kayong alam pag nasasaktan kami lalo na pag kami ang dahilan nun. Hindi namin kailangan pang ipakita ang luha namin sainyo dahil nakakabakla yon. Girl: bakit ksi natatakot kayong ipakita ang luha nyo. Boy: ayaw kasi naming maging mahina sa paningin nyo. Yun kasi ang gusto nyo diba? Yung lalaking matapang kaya minsan hindi namin naipapakita ang totoong kami. Dahil mahal namin kayo. Girl: mahal nyo kami? Bakit hindi ninyo iparamdam? Boy: ayaw nyo kasing paniwalaan. Girl: kasi hindi nyo pinapatunayan. Boy: gusto mo patunayan ko? Girl: OO! Boy: pumakit ka. *** pumikit yung girl niyakap sya at hinalikan sa noo sabay bulong*** Boy: PAKASAL NA TAYO !!! END