You are on page 1of 12

KABANATA I

MGA SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.1 PANIMULA

"Doon sa kabundukan, kami'y isinilang. May sariling kulturang

kinagisnan, sa halip na turuan niloloko lamang. Kaming mangyan mga tao rin

naman may puso't damdaming marunong masaktan", isang awiting inialay ng

isang batang mangyan ukol sa sistemang pang-edukasyong natatamasa ng

kanilang pangkat. Maaaring mabatid mula sa awitin ng bata na ang edukasyon

ay may pinagbabasehang uri. Ito ay nakapunto depende sa katayuan, estadong

panlipunan, at kakayahan o abilidad ng isang tao. Noong ikalabing tatlo ng

hunyo taong dalawang-libot labing tatlo, naibalita na maglalalaan ang

pamahalaan ng halos isandaang milyong piso bilang pondo para sa edukasyon

ng mga indigenous people.Ang DepEd ang naghanda ng pondo upang mapalawak

ang edukasyon sa pilipinas, nakatuon ang nasabing pondo sa mga

‘’indigenous people’’. Nakapaloob ang pondo sa programang pang-edukasyon

ng deped na tinawag nilang Indigenous People Education Program (IPed).

Kung ang edukasyon ay para nga sa lahat, na lahat ng tao'y may karapatang

matuto't mahubog sa pamamagitan ng mga leksyong kaniyang matututunan,

bakit tila may mga napag-iiwanan? Totoo nga bang may pinagbabasehang uri

ang sistemang pang-edukasyon na umiiral sa bansang pilipinas?

Lahat ng tao ay may karapatang mag-aral at matuto, at upang mas

edukasyong pampaaralan sa buong bansa. Nakapaloob sa unang seksyon ng

nasabing batas na "dapat pangalagaan at itaguyod ng estado ang karapatan

ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyo ng 1987 konstitusyon (pang-


edukasyon) na obligasyon ng pamahalaan ang papalaganap ng angkop at maayos

na edukasyon sa bansa. Tungkulin ng estado na ilaganap ang edukasyon sa

mga mamamayan ng buong bansa ng walang pinagbabasehan,. Kung tungkulin ng

estado na ipalaganap ang edukasyon sa buong bansa, bakit hindi lahat ay

naaabot nito? Ito ba ay senyales na ang estado'y hindi tumutupad sa

tungkuling naiatang ng konstitusyon rito?

Hindi rin naman natin masasabi na hindi tumutupad ang estado sa

tungkulin nitong ipalaganap ang edukasyon, sa katunayan ay may mga ilan

itong mga programang ipinapatupad upang mas mapalaganap ang edukasyon sa

buong bansa, inilaan din ng pamahalaan ang malaking pondo ng bansa sa

sektor ng edukasyon. Ang kabuuang pondo ng pilipinas para sa taong 2018 ay

₱3.768 trilyong piso, halos ₱691.1 bilyong piso ang inilaan para sa

edukasyon, mas malaki ang halaga nito kumpara sa pondong inilaan noong

nakaraang taon na nagkakakhalaga lamang ng ______(insert pondo pang-

edukasyon 2017).Ang edukasyon ang may pinakalaking bahaging makukuha mula

sa pambansang pondo, mababatid mula rito na binibigyang pansin rin ng

pamahalaan ang pagpapalaganap ng edukasyon.

Isa sa pangunahing suliraning kinakaharap ng bansa ay ang kakulangan

sa edukasyon, maraming maaaring maging dahilan ng suliraning ito ngunit

ang pinaka-sinisising dahilan ay ang kahirapan. Ayon sa isang pag-aaral

humigit kumulang animnaput-anim na bahagdan lamang mula sa mga pumapasok

ng sa unang grado ng elementarya ang may pag-asang makatapos ng

elementarya, apatnaput-apat na bahagdan mula sa kanila ang may pag-asang

makapagtapos sa sekondarya, subalit dalawampung bahagdan lamang ang

makakatapos ng kolehiyo. Mababatid mula sa istatistika mula sa itaas na


malaking bahagdan ng mga pumapasok sa unang grado ng elementarya ang hindi

makakapagtapos ng kolehiyo.

Alam nating lahat na isa sa pangunahing suliranin ng ating bansa ay

ang kakulangan sa edukasyon. Maraming programa ipinapatupad ukol sa isyu

na ito. Pero ang malaking katanungan ng bawat isang Pilipino ay ‘’Bakit

hindi natin ito nararamdaman o nakikita man lang?’’ ‘’Ito ba ay para

talaga sa lahat gaya ng lagi nilang sinasabi o ito ay sa kanilang sariling

pang-interes lamang?’’ Gaya ng nabanggit na mga katanungan mula sa itaas,

ang edukasyon nga ba ay para sa lahat? Bakit tila hindi lahat naaabot ng

maayos at angkop na sistemang pang-edukasyon sa mga paaralan?

Marami pang dapat na pagtuunan ng pansin, ang mga kabataang salat at

tila pinagkakaitan ng edukasyon. Bakit hindi natin ito bigyang pansin at

gawan ng aksyon na naaayon at sa dapat na makikinabang nito. Ang sabi nga

ni Dr. Jose Rizal ‘’Ang kabataan ang pag-asa ng bayan’’ Ngunit paano na

ang kinabukasan ng bansang Pilipinas kung hindi naman lahat ng kabataan ay

nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral?

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay nakatuon sa isyung pang-edukasyon

na naglalayong madiskubre, matuklasan at malaman kung anong uri ng

sistemang pang-edukasyon na umiiral sa bansang Pilipinas. Pinapalawak din

nito ang magkakaibang kaisipan ng bawat mamamayang Pilipino.

Ang sumusunod na katanungan at kaisipan sa ibaba ay ang mga nais

bigyang tuon at kuhanan ng impormasyon ng mga mamananaliksik patungkol sa

pag-aaral na ito…
1. Anong Uri ng sistemang pang-edukasyon ang umiiral sa bansang Pilipinas?

2.Ano-ano ang mga programang ipinapatupad ng pamahalaan hingil sa

pagpapatibay ng sistemang pang-edukasyon sa bansang Pilipinas?

a. K-12 Kurikulum

b.4P’s

c. A L S (Alternative Learning System)

d. TESDA

e. IPed (Indegenous People Education Program)

3. May kakulangan ba ang Pilipinas pagdating sa usaping pang-edukasyon?

4. Kung karapatan ang edukasyon, bakit sa dami ng programang ipinapatupad

ng pamahalaan ay hindi pa rin ito nagiging sapat at may hindi pa rin

nabibigyang tuon sa maayos at angkop na edukasyon?

5. Sino ang may pagkukulang pagdating sa usapin ito? Ang pamahalaan na

siyang namumuno sa lahat, o ang mga mamamayang Pilipino na gustong mag-

aral subalit salat sa pangpinansyal kaya mas piniling wag na lang?


PAKINABANGAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay pumapaksa sa sistemang pang-edukasyon na

umiiral sa bansang Pilipinas. Ang parting ito ng pananaliksik ay pumapaksa

sa mga makikinabang sa mismong pananaliksik, ang mga ito ay ang mga

sumusunod na nakaayos ayon sa intensidad ng matatanggap na benipisyo sa

mismong pananaliksik:

Ang mga Kabataan

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalantad ng uri ng

sistemang pang-edukasyon na umiiral sa bansang Pilipinas, layunin nitong

ipahayag ang mga ilang nararanasan ng mga kabataang mag-aaral at kahit sa

mga kabataang natigil sa pag-aaral na Pilipino sa ilalim ng sistemang

isinasaliksik. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging batayan-papel ng

mga mag-aaral sa kani-kanilang proyekto, takdang-aralin at maging pagbuo

mismo ng bagong pananaliksik. Maaari rin ito gabay ng mga kabataan kahit

sila’y hindi nag-aaral upang malaman din nila ang umiiral na sistemang

pang-edukasyon sa bansa. Nakapaloob sa mismong pananaliksik na ito ang

ilan sa mga karapatan ng mga kabataan na dapat nilang malaman.

Ang mga Magulang

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalantad ng uri ng

sistemang pang-edukasyon na umiiral sa bansang Pilipinas. Maaring

makinabang ang mga magulang ng mga kabataan dahil ang pananaliksik na ito

ay naglalaman ng mga karapatan ng kanilang mga anak bilang isang kasapi ng

lipunan. Maaaring magbigay ng kalinawan ang mismong pananaliksik na ukol

sa uri ng sistemang pang-edukasyon na umiiral sa bansa.

Sa Pamahalaan
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalantad ng uri ng

sistemang pang-edukasyon na umiiral sa bansang Pilipinas. Naglalaman rin

ito ng mga karanasan ng mga kabataan sa ilalim ng pamamahala ng gobyerno,

mapabuti man ito o masama. Naglalaman din ang pananaliksik na ito ng ilang

rekomendasyon upang mas mapagbuti ang kanilang pamamahala sa mismong bansa,

at upang mas mapagbuti ang kalagayan ng mga kabataan na naghahangad ng

maayos at angkop na edukasyon.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalantad ng uri ng

sistemang pang-edukasyon na umiiral sa bansang Pilipinas. Makakatulong ang

mga punto na nilalaman ng msimong pananaliksik sa mga nais bumuo ng baong

pananaliksik na may kinalaman sa pag-aaral na ito. Maaari nilang magamit

ang mga kaisipan o ideya at mga impormasyong nakalap na nakapaloob sa pag-

aaral ng may pormal na kredito.

Sa mga Pilipino

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalantad ng uri ng

sistemang pang-edukasyon na umiiral sa bansang Pilipinas. Ang mga kaisipan

o ideya dito ay maaaring magsilbing batayan ng mga mamamayang Pilipino

patungkol sa uri ng sistemang pang-edukasyon na umiiral sa bansang

kanilang pinananahan. Nakapaloob din dito ang ilang mga batas ukol sa

karapatan ng mga kabataang gustong mag-aral na maaaring maging batayan

nila sa pagpasok ng eskwelahan.


BALANGKAS KONSEPTUAL

Ang edukasyon ay napakahalaga sa bawat indibidual, ito’y isang

pondasyon upang mabuo at mahubog ang kanya-kanyang kakayahan. Ito’y isang

kayamanan din ng lahat, isang natatanging bagay na maipagmamalaki ng bawat

isa.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, matutunan at masasalamin ng

bawat estudyante kung gaano kahalaga ang eduskayon kahit ito’y parang

pinagkakakitaan naman ng karamihan.

Ipinapakita sa larawan kung paano binuo ng may paglalantad

hingil sa pag-aaral na ito…

INPUT PROSESO OUTPUT


 Kabataan  Pag-aaral at pangagalap  Kabaliktaran sa
ng impormasyon hingil inaasahan ng mga
sa uri ng sistemang mananaliksik.
 Guro pang-edukasyon meron Naging negatibo
ang bansang Plipinas. ang
 Paggawa ng tanong at pagsasalarawan at
 Magulang pagsarbey patungkol sa pagbibigay
opinion ng bawat opinion ng bawat
mamamayang Pilipino. tao patungkol sa
 Iba pang sector  Pag-aaral sa mga kung anong uri ng
ng lipunan nakuhang datos at sa sistemang pang-
nagging resulta ng edukasyon meron
sarbey. ang bansang
Pilipinas.

Larawan 1
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

“Kabataan ang pag-asa ng bayan” ito ang sabi ni Dr. Jose Rizal.

Layunin ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa mismong uri ng sistemang

pang-edukasyon na umiiral sa bansang Pilipinas at sa pinagmulan nito. Ito’

y upang malaman at mapalawak ang kaisipan ng mga mananaliksik at higit sa

lahat ng mga mambababasa kung anong ibig sabihin ng salitang “edukasyon”.

Ang edukasyon ay isang sa pinakamahalagang bagay at kayamanan ng isang tao

hanggang sa pagkamatay nito. Ito’y isa sa mga nagiging batayan ng bawat

tao kung gaano sila ka-edukado. Ito’y isang paaran din ng bawat tao upang

maiahon ang pamilya sa lugmok na buhay. Nais din ng mga mananaliksik na

ipaalam sa bawat isa ang mga batas, programa at karapatan ng bawat

mamamayang Pilipinong gustong mag-aral. Ang pananaliksik na ito ay

nakatuon din sa mga positibo at negatibong kaisipan at opinyon ng bawat

mamamayang Pilipino, ito’y hindi nakabasi lamang sa iisang perspektibo ng

tao kundi sa pangkalahatan. Upang maiwasan ng mga mananaliksik na maging

“bias” sa iisang sitwasyon, ang mga nakapaloob na impormasyon sa

pananaliksik na ito ay ayon lamang sa mga nakuhang datos at sa sari-

sariling kaisipan, pagsasalarawan, obserbasyon at paniniwala ng bawat

mananaliksik.

Isang layunin din nito ay ang pagmulat hindi lamang sa iisang

tao kundi sa bawat mamamayang Pilipino na nangangarap ng maayos at angkop

na edukasyon. Pinagtitibay din ng pag-aaral na ito ang mga impormasyong

nakuha ng mga mananaliksik na nanghihikayat sa mga mambabasa na tuklasin

at alamin patungkol sa kung anong uri ng sitemang pang-edukasyon at kung

may kakulangan nga ba ang Plipinas pagdating sa isyung ito na kahit sa


dami ng programang ipinapatupad ng pamahalaan ay hidni pa rin ito nagiging

sapat.

Napakahalagang pag-aralan ang isyung hanggang ngayon ay

nararanasan pa rin sa kasalukuyan. Sapagkat dito nila mababasa, malalaman

at mapapatunayan kung anong uri ng sistemang pang-edukasyon nga ba ang

meron sa bansang Pilipinas. Dito din nila masasabi na “Ang edukasyon nga

ba ay para sa lahat?” at “Kung ito’y karapatan o isang pribilihiyo

lamang!”

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mismong uri ng sistemang

pang-edukasyon na umiiral sa bansang Pilipinas. Ang mga programang inilaan,

estado upang mas mapabisa ang emplementasyon ng edukasyong pampaaralan sa

bansang Pilipinas. Mga positibo at negatibong epekto ng mga inilaang

programa ng pamahalaan sa ilang bahagi sa Pilipinas lalong-lalo na sa mga

mag-aaral. Nakapaloob din sa pananaliksik na ito ang ilang impormasyon ng

pag-usbong nitong uri ng sistemang pang-edukasyon sa bansang Pilipinas.

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon sa ilang

sector ng lipunan tulad ng; guro, mga kabataang mag-aaral at mga natigil

sa pag-aaral, mga magulang at iba pa. Nakapaloob sa mga nakalap na

impormasyon ang kanilang opinion kung sila ba’y sang-ayon o di sang-ayon

sa mga tanong at katagang binigyang tuon ng mga mananaliksik; “Ang

edukasyon ba ay para sa lahat?” “Kung karapatan ang edukasyon, bakit

napagkakaitan pa rin ang karamihan?” . Binigyan din nila ng sariling


pangkahulugan ang salitang “edukasyon”. Ang ilang sa mga datos mula sa

mga nakalap na impormasyon ay nagamit sa pananaliksik na ito.

BATAYANG THEORITIKAL
Nakapaloob dito ang ilang mahahalagang konsepto at teoryang

binuo ng ibang mananaliksik o piloso na may kinalaman sa pananaliksik na

ito.

Ang mga sumusunod na teorya o paniniwala ng mga kilalang tao sa

ibaba ay nagsisilbing batayang-papel ng mga mananaliksik sa pagbuo sa pag-

aaral na ito:

Dr. Jose Rizal – “Tanglaw ng Bayan”

Ang edukasyon para sa kanya ay ang “Tanglaw ng Bayan”. Ang

edukasyon ay nagsisilbing tanglaw o ilaw ng isang indibidwal upang makita

niya ang daang paroroonan. “Hangad ko ang kaniyang kabutihan, kaya ako

nagtatayo ng mga paaralan. Hinahanap ang kanyang kabutihan sa pamamagitan

ng pagtuturo, sa paghakbang. Kung walang liwanag, walang landas”. (Noli Me

Tangere, Kabanata 51).

p
Pinasidhi pa ni Rizal ang kaniyang pilosipiya sa pamamagitan ng

kanyang sulatin:

“Baga ang isang amang nagbigay sa isang anak ng kaniyang tanglaw

sa dilim. Paningasin nila ang liwanag sa ilaw, alagaang kusa at huwag

papatayin, dala ng sa ilaw ng iba, kundi magtulong-tulong, sa paghahanap

ng daan. (Kababaihang Dalaga ng Malolos, 1899)


Noel Clemente – “Edukasyon bilang pananga sa pang-aabuso ng mga

Kastila”

Noong mga panahong sinakop ng mga kastila ang bansang Pilipinas

ay nawalan ang ilan sa mga Pilipino. Hindi lahat ay nabigyan ng

pagkakataong mag-aral,natatakot ang mga kastilang pag-aralin ang mga

Pilipino sapagkat natatakot silang baka matuklasan ng mga ito ang mali

nilang pamamalakad. Nais din nila panatilihin ang kanilang paniniwala ang

mga Pilipino ay isa lamang “indio”.

Apolinario Mabini – “Kung ibig palagiin ng mga espanyol ang kanilang

paghahahari, kailangan pamalagiin nila ang kamangmangan at kahinaan ng mga

Pilipino”

Aristotle – “Ang tao bilang tabula rasa”

Ayon naman kay Aristotle, ang bawat isa ay isang “tabula rasa”

o isang blankong tablet (tipak ng bato o luwad) na inuukitan ng mga letra

noong mga kapanahunan nila. Nangangahulugan lamang ito na ang tao ay

isinilang noong kapanahunan na walang alam sa mga bagay-bagay sa mundo.

Nagkakaroon lamang ito ng kabatiran sa mga bagay-bagay kapag ito’y dumaan

na sa limang sentido; pandinig, panlasa, pakiramdam, paningin at pang-amoy.

Plato – “Mundo ng nga ideya”

Ayon kay Plato, ang ideya ng mga bawat bagay-bagay ay nasa utak

na na isang sanggol noong siya ipinanganak. Nangangahulugan lamang ito na

ang kaalaman ay nakadikit at taglay na ng isang taong kahit ito’y bagong

silang pa lamang.
Mark at Engles 1964 – “The communist manifesto, ten-point program”

Nakapaloob sa ika-sampung bilang ng programa na dapat gawing

libre ang edukasyon sa lahat ng mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Ang edukasyon ay hahaluan ng mga leksyong may kinalaman sa kultura,

industriya at iba pa.

You might also like