Voters Educ

You might also like

You are on page 1of 2

Ang Pilipinas ay pinapatakbo ng pamahalaan na ang namumuno ay ang taong ating

binoboto upang maihalal sa posisyon at ang magpatuloy sa pamamalakad ng ating bansa. Malaki
ang halaga ng boto ng bawat pilipino dahil dito nakasalalay kung anoman ang maaaring
mangyare o maging pagbabago sa ating bansa. Noong mga nakaraang nga taon, maraming mga
pulitika ang gumagamit ng pera at binabayaran ang mga tao para makuha nila ang loob at boto
ng mga tao, ngunit ito ba ay ikakaganda at ikakaunlad ng ating bansa? O akala natin ay magiging
pag-asa ng ating bansa na ang katotohanan ay linagay lang natin ito lalo sa kapahamakan?
Kapakanan ng bansa at ng mga taong naninirahan sa Pilipinas ang maaapektuhan, kaya
kailangan nayin mag-isip ng mabuti kung sino nga ba ang karapat-dapat na manalo at mapunta
sa puwesto

Ang mga lasalyano ay nagkaroon ng Voters Awareness Forum sa ika-16 ng abril ng taong 2019,
sa Ugnayang La Salle sa Dela Salle University - Dasmariñas. Ito ay isinagawa upang ang mga
baguhang butante ay magkaroon ng mas malawak na kaalaman at pag-iintindi kung ano ang
mga dapat isaalang-alang sa panahon ng botohan ng mga kandidato. Ang kanilang pangunahing
madla ay ang mga kabataan na tinatawag rin na "millenials". Ito ang naging daan upang
mahikayat ang mga kabataan na bumoto, gamitin ang kanilang karapatan at huwag sayangin
ang libreng pagkakataon. Pinapaalalahanan nila ang mga kabataan na sa mga botong ito, sa
aming mga kamay, sa amin nakasalalay ang kinabukasan ng nga Pilipino. Sinasabi rito na kaming
mga kabataan ay dapat na kumilos at gamitin ang aming boto sa tama, dahil ang isang boto ay
malaking epekto upang manalo kung sini ang karapat-dapat sa puwesto. Kanilang ipinahayag na
ang mga butante ay dapat tandaan na "vote wisely", dapat kilalanin ang mga kandidato at
alamin ang mga katangian ng isang mabuting kandidato. Kung may "think before you click", sa
panahong ito tayo ay dapat "think before you vote", sabi ng isang tagapagsalita sa seminar na
ito.

Ang pagsasagawa nila ng ganitong usapin ay nakakatulong sa mga kabataan upang mabuksan
ang kanilang usapan at gumawa ng aksiyon para sa pagbabago ng Pilipinas o sa hinahangap na
pagbabago ng ating bansa. Para sa akin hindi lamang ang kabataan ang dapat nilang binibigyang
pansin at binibigyan ng ganitong pagkakataon na matuto na magkaroon ng kamalayan sa
pagboto, nararapat lang na pati ang mga matatanda ay marinig ito dahil alam natin na sa
panahon noon ang mga pilipino na matanda na ngayon na walang sapat na edukasyon ay isa sa
mga naging biktima ng vote buying o ang wala masyadong kamalayan kung ano ang tunay na
pagkatao ng kanilang gustong iboto. Para sa mga kabataan na sinasabing pag-asa ng bayan at sa
henerasyon namin ngayon, ito ay malaking tulong upang ito ay matutunan naming mabugyan
ng pansin. Ang pamimili sa nararapat na tao upang magpalakad ng Pilipinas, kilalanin muna ng
maigi bago iboto ay masasabi kong isa sa mga bagay na itinatatak ng kabataan sa kanilang nga
isipan. Paghahanap ng mga datos at impormasyon tungkol sa tao upang malaman kung siya ba
ay mabuti ang isa sa mga dapat na ginagawa ng bawat butante, matanda man o bata, at hindi
dapat natin ibinoboto ang tao dahil lamang siya ay sikat o narinig natin aa ibang tao na siya ang
dapat na iboto. Ang pagboto sa kandidato ay hindi biro, isa itong malaking responsibilidad na
ang lahat ng tao ay madadamay. Ang pagboto ay dapat na pinag iisipang mabuti, inuusisa at
binoboto kung sino ang nasa tama. Para sa akin, hindi tayo dapat bumoboto ng basta basta o
"wisely" dahil lang may benepisyo tayong nakukuha sa kandidatong iyon kahit na alam natin na
hindi pasok ang kaniyang mga katangian para ipamalakad ang ating bansa. Para sa akin tayo ay
dapat bumoboto "conscientiously" dahil ito ay nakabatay sa moral at kung ano ang tama at mali
ay dapat nating inaalam kapag tayo ay boboto, hindi ibig sabihin na dahil hindi tayo binigyan ng
pera o mga pagkain ay di na siya mabuting tao dahil ang tunay na mabuting kandidato ay ang
mabait na tao na nasa kalooban, may katotohanan, pinangangatawanan ang mga binitawang
salita, may pagmamalasakit sa mamamayan at hindi pakitang tao lamang.

You might also like