You are on page 1of 4

 Layunin: Sa pagtatapos ng talakayan ang mga bata ay inaasahang:

1. Nakikilala ang iba’t-ibang uri ng emosyon ng tao.


2. Nagagamit ang emosyon sa pang araw-araw nilang buhay.
3. Napapahalagahan ang bawat ng emosyon ng tao.

 Paksang Aralin
1. Iba’t-iban uri ng Emosyon
2. Sanggunian: BFSSAG 3, Aklat sa Wika pp. 222-227
3. Kagamitan: Panturong Biswal, mga larawan, chalk at eraser.
4.
 Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paunang Gawain
Panalangin
- Magsitayo ang lahat para sa
panalangin (Magtatawag ang
guro ng estudyante)
- Helvert pangunahin mo ang
panalangin - Helvert: Sige po

- Amen - Amen

Pagbati
- Magandang umaga sa lahat! - Magandang umaga po
Binibining Ana

- Magsiupo ang lahat - Salamat po.

Pagtsek ng Attendance
- May lumiban ba ngayon?
- Magaling! - Wala po Ma’am!

Balik-Aral
- Ano ang tinalakay natin
kahapon? (Magtatawag ang
guro ng isang estudyante) - Ako po Ma’am!

- Yes, Joan - Ang tinalakay natin


kahapon ay tungkol sa
mga uri ng halaman
katulad ng gulay, prutas
at iba pa.

- Magaling!

Pagganyak
- Magsitayo ang lahat at
mayroon tayong kakantahin .
- Kakantahin ko muna at
pagkatapos ay kayo naman - Opo
- “Awit ng Emosyon”
Pag ikaw ay masaya tumawa
ka ha! Ha! (2x)
Pag ikaw ay masa puso mo
ay sisigla, kung ikaw ay
masaya tumawa ka ha! Ha!
- Kayo naman! - “Awit ng Emosyon”
Pag ikaw ay masaya
tumawa ka ha! Ha! (2x)
Pag ikaw ay masa puso
mo ay sisigla, kung
ikaw ay masaya
tumawa ka ha! Ha!
- Magaling! Nag enjoy ba kayo? - Opo Ma’am!

B. Panlinang na Gawain

Pagsasanay
- Ngayon ay magkakaroon tayo
ng pagsasanay. Hahatiin ko
kayo sa apat na grupo. Ang
gagawin ninyo ay iuugnay
ninyo ang lawaran ng
emosyon sa tamang salita
nito. Isulat sa isang malinis na
papel ang sagot ng bawat - (Inaasahang sagot sa
grupo. bawat grupo)
Masaya
Masaya
Nagulat
Nagulat
Malungkot
Malungkot
Gutom
Gutom
Galit
Galit
Pagod
Pagod

Pagsusuri
- Mga batasa ginawa nating
pagsasanay, ano an gating - Ang ating talakayan ay
aralin o talakayan? tungkol sa iba’t ibang
uri ng emosyon
- Magaling!
- Ang emosyon ay isang uri ng
damdamin ng tao na nakikita
sa pisikal na aspeto katulad
ng pagkatawa, pagkalungkot
at iba pa.
- Magbigay ng iba pang
halimbawa!
(Magtawag ang guro) - Nagulat, Nagalit, Naiinis
- Marco, magbigay ng
halimbawa
- Magaling!
- Kaya dapat irespeto natin ang
bawat damdamin ng tao. - Huwag inisin at
- Paano natin irerespeto pag damayan kung ano
malungkot ang tao? man ang problema.

- (Magtatawag ang guro)


- Magaling!

Paglalahat
- Okay, mga bata naiintindihan - Opo Ma’am!
niyo ba ang aralin natin - Ang emosyon ay isang
ngayon? damdamin ng tao na
- Ano ang emosyon? nakikita sa physical na
aspeto!

- Magaling mga bata! - Nagagamit poi to sa


- Nagagamit ba ang emosyon araw-araw dahil araw-
sa pang araw-araw? araw din tayong
nakadama ng emosyon
gamit ang ating
pandama.

- Magaling! Kaya bawat


emosyon ng tao ay dapat - Opo Ma’am
nating pahalagahan,
maliwanag ba mga bata?

Paglalapat
- Dahil alam niyo na ang ating
talakayan, gagawa tayo ng
pangkatang Gawain na
maipapakita ng iba’t ibang uri
ng emosyon. Hahatiin ko kayo
sa apat na grupo. Ang
gagawin ninyo ay isadula o
gawin ang ibinibigay kong
mga emosyon.

Pangkat 1 - Masaya
Pangkat 2 - Malungkot
Pangkat 3 - Galit
Pangkat 4 –Nagulat

Pagtataya - (Inaasahang Sagot)


- Indibidwal na gawain. Piliin at 1. Si Ana ay natuwa nang
salungguhitan ang emosyon nakakuha siya ng malaking
sa loob ng pangungusap. marka.
1. Si Ana ay natuwa nang 2. Nalungkot si Jose noong
nakakuha siya ng namatay ang tatay niya.
malaking marka. 3. Nagulat ang bata nang
2. Nalungkot si Jose noong nahulog ang baso.
namatay ang tatay niya. 4. Napagod si Mark sa
3. Nagulat ang bata nang trabaho.
nahulog ang baso. 5. Ang bata ay umiyak.
4. Napagod si Mark sa
trabaho.
5. Ang bata ay umiyak.

Takdang Aralin
- Gumupit ng mga larawan ng
iba’t ibang emosyon ng mga
tao.
- Ilagay ninyo sa bond paper at
ipasa bukas.

You might also like