You are on page 1of 81

Author's Note: Hey everyone! Ito na po yung TAKE TWO: LET'S START AGAIN.

Yan po
yung buong title niya. But anyway, this story's the sequel to A Place in Time:
We'll end we're we started. Pwede niyo pong simulan dito yung pagbabasa.. pero
since this is a sequel... it's better kung nabasa niyo siguro yung A Place in Time
for a better understanding. I can assure you there'll be stuff in here that you
won't be able to understand unless you've read the first one. Anyway.. thanks a
whole lot!!

***INTRO***

"Terrence naman eh! Nakakainis ka na! Pinapagod mo ako masyado!" naiinis na


pagkasabi ko kay Terrence pero mahina lang.

Kahit na nakakainis si Terrence, mahal na mahal ko naman yan. Kaya nga siguro
nandiyan ako parati sa tabi niya para alagaan siya. Kanina lang, parang sinasadya
niya na inisin ako. Pero ngayon tignan mo nga naman at patawa-tawa pa sa mukha ko.

"Tapos ngayon tinatawanan mo lang ako? Mapang-asar ka talaga. Pasalamat ka cute


ka." sabi ko sa kanya at nakitawa na lang din ako, "Matulog ka na ah! May pasok pa
ako bukas pinuyat mo na naman ako. Maawa ka naman kay ate."

Si Terrence, ang 3-month old baby brother ko. He was born last March the 2nd. I
will never ever forget that day kasi yun yung day na naghalu-halo na yung emotions
ko.

I'm only 16, a senior in high school, and I've never been afraid to tell everybody
na nagmahal na ako. Or should I say nagmamahal pa rin. The thing was, it didn't
actually go well. I named my baby brother after the guy I fell in love with. Si
Terrence Kelvin Quintero.

I've never met anyone like him. Older brother siya ng bestfriend ko na si Tjay.
Short for Maria Teresa Jayne. Nung una hindi kami nag-uusap ni Terrence. We
probably did know each other sa mukha lang, but other than that wala na talaga.

But things change nga sabi nila. Naging close kami at may mga bagay-bagay na
nagpalapit sa aming dalawa. I fell in love with him. And sa tinagal-tagal ko na
siyang kilala, he kept a secret from me all the while. He never did tell me. Kahit
yung sarili kong bestfriend hindi sinabi sa akin. Kahit ganun naman, naiintindihan
ko. Si Terrence daw kasi ang may gusto nun. I was fed up by the idea na he was just
an ordinary guy who happened to have an asthma gaya ng iba.

Pero nagkamali ako. At magaling din yung ginawa niyang pagtatago sa akin nun. Kaya
nga siguro nung malaman ko the first time, hindi ko talaga matanggap. Hindi ko
talaga mapaniwalaan. At lalung-lalo na hindi ko talaga maiwasang hindi masaktan.

It was the night of our Prom. Tinawagan ako ng Papa ko. Kasi yung Mama ko daw eh
nagkakaroon ng pains sa abdomen niya. February kasi due ang Mama ko, so hindi mo
talaga alam maya-maya na lang pwede na siyang manganak. False alarm, pero hindi na
siya pinaalis ng doctor sa hospital. Mas maganda na raw na safe na siya.

Palabas na sana ako ng hospital. Nasalubong ko nun si Tjay na umiiyak na naman. But
that time, kinabahan ako. I knew it would be different that time. Nandun na kasi
yung pakiramdam na alam mo, something was up. Nakagown pa siya nun, yung make-up
niya eh nag-smudge na sa mukha niya. Hindi ko rin napigilan, niyakap ko na lang
siya.

Hindi na rin siguro nila kaya pang itago sa akin. Terrence told me the truth. It
wasn’t a simple asthma. May congenital heart disease si Terrence kung saan may
butas ang puso niya. There were times na hindi siya makahinga. All those time akala
ko dahil sa asthma niya, yun pala dahil sa sakit niya.

Hindi na siya umalis sa hospital after nun. Hindi na siya nirelease ng doctors
dahil unfortunately, lumaki na yung butas sa puso niya at marami nang blood ang na-
pumped sa lungs niya. Sinubukan kong samahan niya hangga’t kaya ko. Kaya lang
dumating yung day na nagpumilit din siyang lumabas ng hospital kahit hindi pa
pwede, at pinagbigyan na lang siya.

He became weaker and weaker. Eight days after nung Prom, nung nakaupo kami parehas
sa simbahan, he was leaning his head over my shoulder, he finally gave up and went
away.

I was having an emotional breakdown when that happened. Hindi ako makapagsalita.
Lahat kami umiiyak. A few minutes after losing Terrence, my mom finally gave birth.
Delayed na siya nun. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako that time. Nalilito ako sa
pakiramdam ko nun. I gained one, but I lost one. All along I wanted a baby sister,
and now may baby brother na ako, I thought it’s the best thing that happened to me
so far. So pinangalan ko si Terrence sa kanya. And I know he’ll be great just like
he was. He ultimately became the new part of our family, si Terrence Kelvin
Jimenez.

Although nalulungkot ako, sinusubukan ko nang mag move on. Besides, alam kong yun
din naman ang gusto ni Terrence na gawin ko.

Haaay sa wakas nakatulog na rin yung kapatid ko. Puyatin daw ba ako! Past-6 na ng
umaga. Hindi na rin naman na ako makakatulog. Naman! Aantukin na naman ako sa
school nito eh.

Iyak kasi ng iyak si Terrence tuwing madaling araw. Dahil kwarto ko ang katabi ng
kwarto niya, ako ang nagigising at ako ang nag-aalaga. Puyat tuloy ako madalas.
Pero kapag binubuhat ko naman titigil siya sa pag-iyak tapos tatawa ng tatawa. So
kung dapat maiinis ka, matutuwa ka na lang sa kapatid ko eh.

Dumeretso na lang ako sa banyo dahil hindi naman na ako makakatulog. Magre-ready na
lang ako na pumasok sa school. Saglit lang din nung nasa banyo na ako, narinig ko
na nagising na si Mama at si Papa. Maaga kasi ang pasok ni Papa sa work niya. Si
Mama naman, ayun typical Mom pa rin. Medyo chubby siya ngayon dahil sa pagbubuntis
niya kay Terrence, pero unti-unti na namang pumapayat.

Nakalipat na pala kami ng bahay. Hindi na kami nakatira doon sa lumang bahay na
malapit sa bahay nila Tjay. Maliit kasi yun eh. Kailangan kasi namin ng four-
bedroom house dahil nga dalawa na kaming anak nila. 4 dahil tig-isa kamin
magkapatid, isa sa parents namin, at yung isa kung may bisita. Nakahanap naman
kami. Nung una ayaw ko pang umalis, pero usapan naman namin ni Tjay walang
magbabago. Isa pa nagkikita rin naman kami sa bahay nila o kaya sa school.

We moved here last month. And up until now, hindi ko pa kilala ang neighbors ko
dahil nagkukulong lang ako sa kwarto ko for the past 3 months. Dahil na rin siguro
sa nalulungkot ako.

It feels weird to be back in school. Parang nakakatamad na hindi mo maintindihan.


Wala ka na kasing Terrence na makikita na pakalat-kalat sa school. Well kung
nabubuhay pa naman siya tiyak freshman na siya sa college. Pero iba pa rin kasi
yung alam mong nandiyan lang siya kapag kailangan mo, hindi yung alam mong wala na
siya kahit anong paghihintay pa ang gawin mo.

“Shay! Ang tagal mo naman dumating kanina pa kita hinihintay eh!!!” narinig ko na
may sumigaw nun kaya lumingon pa ako para hanapin kahit alam ko naman na kung sino.
“Oh ang aga mo yata?” tanong ko naman dahil hindi naman sobrang aga pumapasok si
Tjay.

Mas mabilis nakarecover sa akin si Tjay. Just like me, iyak din siya ng iyak nun at
hindi niya rin matanggap yung nangyari. Pero unlike me, mas mabilis niyang
naintindihan ang lahat kaysa sa akin. Siguro dahil mas matapang siya. Kung tutuusin
nga dalawa ang load niya. At kinaya niya yun.

Aside from losing her brother, I know’s she’s also missing Ran. Si Ran ang favorite
na pinsan ko. Nag-stay siya sa amin for how many months at dito siya nag-aral.
Syempre a matter of events na lang nung nagkagusto sila sa isa’t isa. Alam naman na
ng lahat na mahal na mahal nila ang isa’t isa. Sasagutin na nga sana ni Tjay si Ran
nung Prom nun, but you know what happened. Then after grumaduate ni Ran ng high
school, kinuha na siya ng Mom niya sa States. He said he’ll be back, pero hindi
namin alam kung kalian.

Kaya nga humahanga talaga ako kay Tjay. She’s missing two important guys in her
life.

“Natanggap mo na?” pambungad niya sa akin kaya lang hindi ko naman alam kung ano
yung sinasabi niya.

“Ang alin?” tumigil kami doon sa gilid.

May kinuha siya na envelope na puti sa bag niya na may stamp na bilog na kulay
purple.

“Ito. Tinatanong ko kung nakuha mo na ba ito.” Tinaas pa niya yung kamay niya nun
kaya lalo lang akong na-puzzle.

Inagaw ko yung envelope sa kanya. Bukas naman na kaya madali ko namang nakuha yung
letter sa loob. Ewan ko kung bakit masyadong seryoso si Tjay nun.

Congratulations!

We would like to inform you that Maria Teresa Jayne Quintero has been qualified to
get half the scholarship that was given to Terrence Kelvin Quintero. The other half
would be given to another student nominated.

It is a very high privilege to get this scholarship wherein you get to go to one of
our outstanding High Schools. We’ll pay half the expenses for your tuition fees on
the high school of your choice.

Don’t miss this chance! It is better to grab this opportunity now. We would like to
hear from you. So if you have any questions regarding the matter, please contact us
at…

Hindi ko na tinapos yung letter. Tumingin lang ako kay Tjay. Parang umurong yung
dila ko. Hindi ako makapagsalita.

Ibubuka ko na sana yung bibig ko kaya lang nag-ring yung cellphone ko.

“Hello? Ma.. mamaya na lang busy ako eh!” sabi ko naman dahil usually kapag
tumatawag yan nagpapabili lang ng diapers para kay Terrence pag-uwi ko.

“Ano ka ba anak, nakita ko lang na may dumating kang sulat dito. Eh ang sabi eh
nakakuha ka daw ng scholarship eh hindi ko naman alam na nag-apply ka pala…”
“Dumating???” hindi talaga ako makapaniwala nun, “Ma, pakitabi yung letter ha. Sige
na pala may klase na kami. Usap na tayo mamaya.”

Binaba ko na yung phone. Humarap ako kay Tjay nun at nagtinginan lang kaming
dalawa.

“Paanong---“ hindi ko matuloy yung sinasabi ko. Wala sa aming dalawa ang nag-apply
sa scholarship. Ngayon naman meron na kami.

“He was thinking beforehand. Siguro alam na niya na may possibility na…” hindi niya
matuloy yung sinasabi niya rin, “Kaya ayun.. nilagay niya yung pangalan natin as
nominations just in case.”

Terrence has always been like that. Nagpla-plano beforehand. Noon pa lang iniisip
niya na darating at darating yung araw na iiwanan niya kami. Ayaw niyang mag-
college nun. Akala ko dahil gusto na niyang pumasok sa real world, pero yun pala
sinasabi niya na wala ring point sa kanya na pumasok pa sa college dahil sa sakit
niya.

Takot rin siya magmahal. At takot rin na may magmahal sa kanya. Sinabi niya ayaw
lang niya na masaktan lang sila parehas. Kaya rin wala siyang niligawan.

Tapos ngayon eto naman. About a year ago, nag-apply si Tita Jayne, Mama niya, ng
scholarship para sa kanya para sa college niya. Kahit ayaw ni Terrence dahil
magiging useless lang din naman daw, pinagbigyan na niya yung Mama niya.
Kinailangan niya ng certain hours ng Community Service, kaya nag-volunteer siya sa
Day Care kasama ko. Parehas naming hindi alam ni Tjay na nilagay niya yung pangalan
namin parehas doon sa scholarship na kung makukuha niya at hindi na niya magagamit,
eh ibigay na lang sa amin. We both have good grades and standing sa school, and I
guess that helped na ma-pass yung nomination.

“Ano tatanggapin ba natin?”

Nagsimula na naman kaming maglakad nun. Nagiisip-isip ako. Although maganda yung
inooffer nila, senior na ako, at mahirap naman nang magpalit ng school para
magsimula uli ngayon pang last year na.

“Ewan ko. Senior na tayo parehas eh. Pag-isipan muna natin.” Tinignan ko siya at
seryosong-seryoso na kami parehas, “Nakakainis na talaga yun si Terrence! Lagi na
lang niyang iniisip yung ibang tao! Bakit hindi naman niya isipin yung sarili
niya??? ‘Di ba???” nagsisimula na naman akong umiyak nun dahil naalala ko siya.

Niyakap naman ako ni Tjay ng mahigpit.

“Hey, it’s been 3 months. Sa tingin ko naman masaya na siya kung nasaan siya
ngayon. Pero mas magiging masaya siya kung makikita niya tayo na masaya rin ‘di ba?
Sa tingin mo anong mararamdaman niya na pare-parehas tayong umiiyak dahil sa
kanya?”

Naiintindihan ko naman yun. Ang dali kasing sabihin na magpakasaya ka na, pero ang
hirap gawin.

“Kaya tayo tumatanda parehas kasi panay tayo problema eh. Say what, bakit hindi
tayo magpakasaya naman. Gala tayo sa mall mamaya! Kaimutan natin lahat!”

That sounds fun. Kaya ayun, tumango na lang ako kay Tjay.

Kakayakap niya sa akin, parang may nalukot sa bulsa ko kaya umalis na kaming dalawa
sa pagkakayakap. Naramdaman niya rin, kaya tumingin siya nung kinuha ko.
“Ano yun?”

Pinakita ko sa kanya yung isa sa sketch ni Terrence nung nandito pa siya. Sketch
yun ng isang lalaki na hindi namin alam kung sino. Sinabi niya na kaibigan daw niya
yung lalaki sa sketch, pero hindi naman namin alam yung pangalan. At isa sa sinabi
niya nun, he’s a great guy para maging kaibigan.

“Nasa iyo pa rin yang si Nathan?”

Dahil wala ngang pangalan yung guy sa picture, binigyan na lang namin ni Tjay.
Nathan ang napili namin na name. Ewan ko rin kung bakit yun, pero nakasanayan na
rin eh.

Pumasok na kami sa klase nun. Dahil nga first week pa lang, wala pa kaming
masyadong ginagawa. Tama lang yung plano naming na pumunta sa mall. Walang
masyadong homeworks, Friday night pa, at tiyak makakatulong sa amin parehas. Ang
tagal na rin kasi naming hindi lumabas na kami lang talagang dalawa.

Our school’s still the same. Kaya lang medyo iba pa rin sila kung kausapin kami ni
Tjay. Alam kasi nila na deep down sa puso namin, nasasaktan pa rin kami. So medyo
nag-iingat sila na magbanggit sa amin ng kahit ano mang may kinalaman kay Terrence.

As soon as tapos na yung school namin, umalis na kami ni Tjay at sumakay na kami
papunta ng mall. Tawa pa nga kami ng tawa dahil may katabi siya na natutulog at
nakanganga pa. Ang sarap nga sa pakiramdam eh, after 3 long months, natututo na
naman akong tumawa.

Siguro nga dapat kong i-mark sa calendar yun eh. Tjay and I went to the mall…

Hey, that’s a new start!!!

Kakapasok lang namin eh dumeretso kami sa National Book Store. Wala naman kaming
bibilihin pero gusto lang naming magtingin-tingin. Besides may mga cute din na kung
anu-ano roon.

Nung lumabas kami doon, bumili kami ng ice cream doon sa stall sa labas. Then nag-
decide kami na pupunta kami sa Watsons dahil may mga ‘Try Me’ sila na mga cologne
doon. Sa taas nga lang yun kaya kailangan mag-escalator pa kami.

Sobrang daming tao sa mall. Kaya nga nung nasa escalator na kami, ang daming tao na
sumunod sa amin. Hindi malaking-malaki yung mall sa amin ‘di kagaya sa SM, pero
okay lang naman. Pwede na bang pagtiyagaan.

Nagtutulakan pa kami ni Tjay nun pero pabiro lang nung nasa escalator kami. Kaya
lang nung in the middle na kami, napalingon ako doon sa mga taong pababa naman ng
escalator.

Feeling ko tumigil yung puso ko sa nakita ko. Tinitigan ko yung isa sa kanila.
Hindi pwede…

“Anong problema?” tinanong ako ni Tjay dahil napansin niya siguro yung itsura ko.

Gusto ko sanang bumaba. Kaya lang maraming tao sa likuran ko na papaakyat din.
Malapit na siya sa baba nun. Ako naman eh malapit na sa taas.

It’s now or never. Yun na lang ang naisip ko.


“Tjay… saglit lang.. tatawagan kita okay??" pakatapos nun eh tinulak ko yung ibang
mga tao na nasa harapan ko para makaakyat ako ng mabilis.

“Shay! Shay saan ka pupunta?”

Hindi ko na siya nilingon. Nung nakaakyat na ako, kinuha ko naman uli yung pababang
escalator para habulin siya. Yung iba nagalit pa nga sa akin dahil talagang
pinagilid ko sila para makadaan ako.
Hinihingal na ako sa ginawa ko. Hindi ako pwedeng magkamali.. siya… siya yung
nakita ko.

Nung nakababa na ako, hinanap ko naman siya. Hindi ko makita. Sa dami ng tao hindi
ko alam kung saan na siya nagpunta. Nakatayo lang ako doon at hinahanap ko kung
saan siya nagpunta.

Nasaan na siya???

“Uhmm.. no. Huwag niyo pong lagyan ng nuts, allergic ako.”

Napalingon ako uli doon sa pinagbilihan namin ng ice cream ni Tjay. Doon, nakita ko
siyang nakatayo. Yung bag niya eh nakasabit sa kanang balikat niya, may earphone sa
tenga, at nakapolo siya dahil galing siguro sa isang school.

It couldn’t be…

Tinitigan ko pang mabuti. Mas mahaba lang yung buhok niya. But… it’s him.
Nananaginip ba ko?

Pinikit-pikit ko yung mata ko pero nandun pa rin siya. Hindi, hindi ako
nananaginip. And I’m seeing him right now, at this very moment…

Nathan??

***1***

"Shay!" narinig ko na tinawag ako ni Tjay nun kaya lumingon naman ako. Nakita ko na
tumatakbo na siya papunta sa direksiyon ko at hinihingal-hingal na siya.

Huminto naman siya sa tabi ko at hawak-hawak niya yung dibdib niya sa sobrang pagod
na rin sa kakahabol sa akin. Nung nakakahinga na siguro siya ng kaunti, saka lang
siya nagsalita uli.

"Ano ka ba naman? Bakit tumakbo ka na lang bigla-bigla?!?"

Ako naman eh mabilis yung tibok ng puso ko nun. Hindi dahil sa pagod ko sa
kakatakbo, kung hindi dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Humawak naman ako sa magkabilang balikat niya.

"Tjay nakita ko na siya! Nakita ko na siya!"

"Sinong nakita mo?" puzzled naman yung itsura ni Tjay.

"Si Nathan! Nakita ko na si Nathan!" sobrang excited ko nun kaya shinashake ko si


Tjay.

Halata kong nagulat din siya.


"Saan? Nasaan siya?"

Humarap ako doon sa stand kung saan kami bumili ng ice cream. Kaya lang pagtingin
ko, wala na si Nathan doon. Yung babae na lang na nagtitinda ang nakatayo doon at
inaayos yung toppings na nasa harapan ng stand niya.

Tumayo naman ako doon sa harapan nung stand kung saan nakatayo si Nathan kanina.
Tinuro ko naman yung sahig.

"Dito. Nandito siya nakatayo kanina." sabi ko naman at pinaghinaan ako ng loob
dahil nawala siya.

"Wala naman eh." halata mong hindi naniniwala si Tjay sa akin. Pero hindi ako
pwedeng magkamali, nakita ko siya.

"Nakita ko talaga siya! May bag pa siya na itim na nasa isang balikat niya, naka-
polo siya saka may earphone sa magkabilang tenga." tumingin ako doon sa nagtitinda,
"Hindi po ba ate? May isang lalaki na bumili dito kanina na mga ganito katangkad.."
then tinaas ko yung kamay ko, "Tapos sabi niya allergic daw siya sa nuts. 'Di po
ba???"

"Ahh yung binata kanina?" nag-isip naman yung babae, "Kaalis-alis lang. Doon
nagpunta."

Tinuro niya yung direksiyon papalabas ng mall. Ako naman eh hindi na ako tumingin
kay Tjay, tumakbo na rin ako papalabas.

"Shay! Shaylie ano ba?" humahabol din si Tjay sa akin nun.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Siguro nga marami akong nabanggang tao
para lang makalabas. Pero hindi ko na napansin. Nag-sorry na lang ako sa hangin.

Si Nathan.. may totoong Nathan.

Pagkalabas na pagkalabas ko, nakita ko uli yung figure ni Nathan. Nandun na siya sa
kabilang side ng street at hindi naman ako makatawid dahil maraming sasakyan.
Gustung-gusto kong tumawid, kaya lang hindi ko magawa.

Nahabol naman ako ni Tjay. Hinawakan niya ako sa braso ko para pigilan ako na hindi
tumawid. Ewan ko kung bakit, pero parang gusto kong umiyak. Bakit kasi hindi ko pa
siya nilapitan???

Nandun pa rin siya. Nakatayo doon sa kabilang side.

"Nathan!!!" alam kong hindi makakatulong yun dahil hindi naman siguro Nathan ang
pangalan niya, "Nathan!!!"

Hindi pa rin ako makatawid. Saglit lang nakita ko na sumakay na siya ng jeep paalis
doon sa kinatatayuan niya. Sinundan ko ng tingin yung jeep, saka lang ako humarap
kay Tjay.

"Tjay maniwala ka, si Nathan yung nakita ko." naluluha na ako nun, "S-sabi ni T-
terence.. s-sabi niya..."

Isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya at nagsimula na naman akong umiyak.


Naalala ko na naman si Terrence.

"N-nakita ko na s-siya. M-maniwala k-ka. N-nakita k-ko talaga s-siya."


Hinimas-himas lang ni Tjay yung likod ko. Hindi ko alam kung sinira ko ba itong
lakad naming dalawa. Dapat hindi ko na isipin si Terrence at kahit anong may
kinalaman sa kanya, pero anong ginagawa ko?

"Naniniwala ako Shay. Huwag ka nang umiyak. Makikita mo pa siya."

Napatigil din naman ako ni Tjay sa pag-iyak. Kaya lang nung tumigil ako, parang
wala na ako sa mood na mag-mall kaya umupo na lang kami sa isa sa mga benches at
kumain na lang kami. Hindi talaga mawala sa isip ko yung nakita ko. Paano kaya
kung... paano kung kinausap ko siya? Magugulat kaya siya kapag binanggit ko si
Terrence? At gaano ba niya kakilala si Terrence kung magbestfriend sila?

"Tjay.." humarap ako sa kanya at hawak-hawak ko lang yung hotdog sandwich ko na


wala pang bawas, "Bakit ganun? Sabi ni Terrence bestfriend niya si Nathan, pero
bakit hindi mo siya kilala?"

"Yun na nga eh. Kahit kailan talaga wala akong nakilalang bestfriend niya. Kaya nga
nung sinabi mo sa akin si Nathan, nagulat din ako. Isa pa hindi ko pa siya nakikita
kaya imposible namang bestfriend nga siya ni Kuya. Wala naman siyang dinadala sa
bahay." halata mong nag-iisip din si Tjay nung mga oras na iyon, "Ang nagtataka
lang ako, bakit naman sasabihing bestfriend siya ni Kuya kung hindi naman? Kuya ko
talaga ang daming palaisipan eh." nginitian naman niya ako, "Saka na nga yan!
Kumain ka na lang malamig na yang hotdog mo."

Umuwi na rin ako nun. Naghiwalay na kami ni Tjay ng sakayan dahil hindi na
magkalapit yung bahay namin. Hanggang sa makauwi ako eh iniisip ko pa rin yung
nangyari. Kaya lang nung nakarating na ako napagisip-isip ko na tama rin naman si
Tjay. May chance pa naman siguro na makita ko pa uli si Nathan.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa bahay at kumatok ako eh ang nanay ko at ang


kapatid ko ang bumungad sa akin. Panay kalat yung bibig ni Terrence.

"Ma ano ba yan?!?" tinignan ko si Terrence nun at ang dungis-dungis ng mukha,


"Anong kinain niyan?"

"Yung binili ng Papa mo naka-box."

Mukhang chocolate yata na kung ano man yun. Nagulat na lang ako nung may inabot sa
akin si Mama na letter. Bubuksan ko na sana kaya lang pinakarga niya sa akin si
Terrence.

"Linisan mo muna yang kapatid mo at bago ka umakyat sa kwarto mo." tapos tinuro
niya yung letter na hawak ko, "At paano ka nakakuha niyang scholarship na yan?"

Yumuko naman ako nun.

"Kay Terrence po."

Hindi na ako tinanong ni Mama nun. Ako naman eh biinaba ko lang yung bag ko at
dinala ko na si Terrence doon sa banyo namin. Kumuha ako ng bimpo at binasa ko ng
maiinit na tubig. Ayaw ko naman nang paliguan yung kapatid ko, baka magkasakit lang
kasi. Isa pa malinis naman yan, malagkit nga lang yung kamay at bibig. Pati yung
didbdib pala saka yung braso. Saka may konti na rin sa paa.

Naman itong batang 'to oh! Ang kalat kumain!

"Ikaw ha kapag kumain ka sa bibig ang lagay hindi sa paa..." sabi ko habang
pinupunasan ko siya, "Ayan ka na naman dadaanin mo na naman ako sa patawa-tawa mo
Terrence."

Yung kapatid ko minsan maiinis na yata ako sa mga ginagawa, pero kapag nginitian na
niya ako nakokonsensya naman na akong magalit sa kanya.

Nung nalinisan na siya, binigyan lang siya ng dede niya at yun nakatulog din naman
kaagad. Dala-dala ko na yung letter nun at pumasok na ako sa kwarto ko. Nung
nakapj's na ako at lahat-lahat, tinitigan ko yung letter na kaparehas na kaparehas
nung kay Tjay.

Ewan ko ba, senior na ako at hindi siguro practical na umalis pa kami ni Tjay ng
school. Isa pa running for valedictorian si Tjay, salutatorian ako, at masasayang
lang lahat ng yun kung aalis pa kami.

Pero kung tatanggapin naman namin, ano nga kayang mangyayari sa amin sa bagong
school? Paano kung magustuhan naman namin? Paano kung mas maganda yung
opportunities na dumating?

Ano ba naman yan nalilito na ako. Hindi naman siguro ako magwowonder kung anong
mangyayari kung susubukan namin 'di ba? Isa pa... pinaghirapan ni Terrence yung
scholarship. Ibinigay niya sa amin. Hahayaan ko lang ba na masayang?

Sobrang tahimik ko mag-isa doon kakaisip kaya naman napatalon siguro ako sa gulat
nung bigla na lang nag-ring yung phone ko. Nabitawan ko pa yung letter. Nung
tinignan ko kung sino yung tmatawag, si Rae lang pala.

"Hello?!?"

"OH MY GOD!!!" nailayo ko kaagad yung phone sa tenga ko sa sobrang lakas ng boses
niya, "Sa Trinity na lang! Please Shay sa Trinity na lang!"

"Huh?!?"

Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. At kapag kausap ko itong si Rae, she
reminds me of Tjay a lot. Masayahing tao kasi sila parehas.

"Nabanggit sa akin ni Tjay yung scholarship and eligible kayo na mag-aral sa isa sa
mga finest schools ng city 'di ba? Sa Trinity High na lang kayo para magkakasama
tayo nila Carlo! Please!!!"

Wala akong maisip na sasabihin. Isa pa, hindi pa talaga maliwanag sa akin yung
decision ko. Mahirap kasi yun. Buong high school ko hindi ako lumipat ng school.
Kung kailan naman senior na ako.

"Ewan ko Rae ah.. kasi alam mo na senior na rin kami."

"Oh, yeah." narinig ko na tumahimik din siya nun, "Oo nga sayang nga pala yun."
then huminga siya ng malalim, "Anyway, hindi naman kita kinokonsensya or what, pero
ninominate kayo ni Terrence. Sayang naman yung opportunity."

Yan din yung iniisip ko kanina. Sayang lang yung ginawa niya para sa amin.

"Alam ko mahirap lumipat ng school kung kailan last year niyo na. But then look on
the bright side, baka magandang idea yun para makamove-on ka na kay Terrence. At
least sa Trinity High walang nakakapagpaalala sa iyo sa kanya."

Lalo akong napaisip nun. Nag-bye na lang sa akin si Rae at sinabi niya na pag-
isipan ko daw mabuti at sabihin ko na lang kay Tjay yung desisyon ko.
The next two days, pinag-isipan ko talagang mabuti. Nung medyo sigurado na ako sa
desisyon ko, tinawagan ko si Tjay kaagad at sinabi ko yung plano ko. Tinawagan na
rin namin yung sumulat sa amin, at sana maging ok na rin lahat.

***

It's been a week. Medyo kinakabahan pa ako sa naisip ko na gawin. Magkasabay kami
ni Tjay na pumasok sa loob. Hindi namin alam parehas kung ano ba yung pinapasok
namin.

Hindi namin maiwasan ni Tjay na magulat sa laki ng Trinity High. Kumpara sa school
namin, ang ganda-ganda talaga nung school nila.

Pumasok kami doon sa room kung saan kami pinapapasok. Tinulak ko si Tjay dahil
nahihiya ako na ako ang mauna. Binuksan naman niya yung pinto at bumungas sa amin
yung maraming mga seniors na nakatingin doon sa pintuan nung binuksan namin yung
pinto.

"Ok class, may bago tayong mga transferees. Mga scholars sila ng school." sabi nung
teacher at tumayo lang kami doon sa gilid, "Sana i-treat niyo sila ng maayos. Ito
nga pala si Maria Teresa Jayne.."

"Tjay na lang." sabay singit naman ni Tjay saglit.

"At ito naman si Shaylie.."

Tumango na lang ako at wala akong sinabi. Nung natapos na yung pagpapakilala,
sinabihan kami na umupo na kami.

Kaibahan lang sa Trinity High at sa school namin, may assigned seats sila. Kaya
ayun hindi rin kami magkatabing dalawa. Naiinis nga ako dahil bago pa lang kami,
pinaghiwalay pa.

Si Tjay eh sa bandang harapan naupo. Ako naman eh tinuro nila sa likuran doon sa
may bakanteng upuan doon. Wala akong katabi dahil tatlo yung upuan doon at walang
tao. Feeling ko tuloy loner ako. Wala man lang tuloy akong kausap.

Nung breaktime na laking pasasalamat ko dahil lumapit sa akin si Tjay at ganun din
naman si Rae. Classmate na namin siya. Hinihintay nila ako dahil sabay-sabay kaming
tatlo na kakain.

"Okay ka lang dito sa likod Shay?" tinanong ako ni Rae dahil napansin niya siguro
na ang lungkot ko doon at walang katabi, "Di bale kapag pumasok na si Carlo may
kausap ka naman na."

"Nasaan pala si Carlo?" inunahan ako magtanong ni Tjay.

"May sakit eh. Simula last week pa yun wala sa school. Pero nung tinext ko baka
babalik na siya next next day."

Mukhang okay naman pala kung si Carlo ang katabi ko. At least kasundo ko naman
siya. Baka kasi kung bago lang yung katabi ko, baka mailang lang ako.

Kaya lang napansin ko na nasa gitna nga pala yung upuan ko.May isa pang tao na
nakaupo doon sa kanan ko. Kaya ako naman eh tumingin dun sa upuan, at tinuro ko.

"Eh dito naman.. sinong nakaupo?"

Ngumiti lang si Rae tapos parang umarte parang walang pakialam.


"Wala siya ngayon eh. Nasa school trip. Bukas pa siya papasok. At huwag mong
pansinin yun, sobra-sobra na pansin sa katawan. Mamimeet mo din yung ewan na yun
bukas. Si Cappy..."

"Captain actually. Si Jian yung nakaupo diyan. Captain ng basketball team ng


Trinity High."

***2***

I've heard of the name Jian before. And certainly I've heard of the Captain of
Trinity High's basketball team. Magaling nga daw siya magbasketball eh.

So they say.

Anyway, I remember being so interested on him dahil nga sabi nila ganun na lang
siya kagaling sa basketball. But that time, ni-hindi man lang ako naging excited sa
pag-mention sa kanya. Siguro dahil may nakapag-paalala na naman sa akin about kay
Terrence. Nakalaban kasi siya ni Terrence nung championship game. And that night,
sinugod din si Terrence sa hospital.

Okay naman sa Trinity High. Para sa first day namin ni Tjay, hindi naman masama.
Nakilala na rin namin yung iba naming classmate, yun nga lang hindi ko pa masaulo
yung mga pangalan sa dami nila. Yung barkada naman ni Rae ang hindi pa namin
nakikilala, sabi niya ipapakilala na lang daw niya sa amin kung kumpleto na sila.
Yung iba daw kasi nasa school trip pa, at kasama na nga doon yung Jian.

Dumaan din naman ako sa school namin para kumustahin yung mga classmate namin.
Siyempre nagulat din sila sa amin dahil bigla-bigla na lang kaming lumipat. Si
Arwyn nga nakita pa ako na nandun sa harapan ng gate ng school namin, at nagulat na
lang ako nung niyakap niya ako bigla-bigla.

"Shay!!!" sabi niya at ang higpit-higpit ng hawak niya, "Miss na kita. Bakit hindi
mo sinabi sa akin na lilipat ka pala ng school?"

Ang OA naman ni Arwyn. Isang araw pa lang namana ko nawala.

"Oh hey Arwyn... kumusta naman sa school?"

Saka lang siya umalis nung dumating si Tjay. Nakatayo siya doon at nag-puppy dog
look.

"Nag-practice ka ba sa salamin?" tinuro ko naman yung mukha niya.

"Medyo." tapos ngumiti na siya uli, "Alam mo mamimiss kita. Sana pala lumipat na
rin ako ng Trinity High para kasama pa kita uli. Kaya lang naisip ko nandun yung
mayabang na Captain nila, eh tatalunin ko pa yun sa susunod na laban." then lumapit
si Arwyn na para bang mag ibubulong sa akin, "Teka nga na-meet niyo na ba yung tao
na yun?"

Umilling naman ako. Hindi pa naman talaga namin siya namimeet.

"Hindi pa eh. Nasa school trip daw siya. Baka bukas siguro makikilala namin." sabi
ko naman kay Arwyn tapos nilagay ko yung kamay ko sa balikat niya, "Huwag kang mag-
alala Arwyn, mahal pa rin namin yung team natin."

Natawa na lang siya nun. Ito naman si Tjay eh sumingit.


"Katabi nga pala ni Shay sa upuan yun..." tapos siniko niya ako, "Di ba Shay?"

Nakakaloko yung ngiti niya. Ewan ko kung sinasadya ba niya o ano, pero hindi naman
nakagaan sa pakiramdam ko yun. Siguro sinusubukan lang ni Tjay na pagaanin yung
loob ko, siguro para makamove on pa lalo sa pagkawala ni Terrence.

"Ow. Yeah." yun na lang ang nasabi ko.

Nagpaalam na rin kami kay Arwyn nun at sinabi ko na uuwi na rin kami. Mas malayo na
kasi yung bahay ko ngayon. Si Tjay lalakarin lang niya. Kaya ayun, sinabi ko mauuna
na ako at baka gabihin pa ako ng uwi. Matapos ang mahaba-habang pagyakap na naman
ni Arwyn sa akin, pinauwi niya rin ako sa wakas.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay eh si Mama na naman at ang kapatid ko ang


bumungad sa akin. Habit na nga nila yun eh. Sa totoo lang nakakatuwa rin kahit
papaano na hinihintay nila ako na umuwi. And thank God talaga at malinis yung
kapatid ko ngayon. Naku hindi ko na alam ang gagawin ko kung panay chocolate na
naman yung mukha nun.

Dumating din naman si Papa nung bandang 7 na. Kumain na rin kami ng dinner at si
Terrence na kapatid ko eh buhat-buhat ni Mama at may dinedede na naman. Ang takaw
talaga ng batang yun. Nagtataka na nga lang ako bakit hindi siya tumataba eh.

"Kumusta naman yung first day mo?" tanong sa akin ni Papa pero hindi siya
nakatingin sa akin kung hindi doon sa pinggan niya, "Ayos naman ba yung school?"

"Okay naman po. Mabait naman sila." uminom lang ako saglit, "Maganda talaga yung
school nila kung ikukumpara sa school ko. Kaya naman pala ganun kamahal yung
tuition dun."

"Eh malamang mahal, panay anak ng mga may pera yung pumapasok diyan. Kaya ikaw
pagbutihin mo para sa college makakuha ka uli ng scholarship."

"Papa naman eh!" hindi naman ako naiinis sa kanya, grabe namang pressure yun, "Sa
dinami-dami ng matatalinong tao, swerte ko na lang kung makakuha pa ako ng
scholarship para sa college."

Wala naman kaming ginawa. Ako kasi wala akong homework kaya nakisali na lang ako
doon sa living room namin at nakihiga doon sa kapatid ko. Naglatag kasi ng malaking
foam si Mama kung saan madalas silang nakahiga ni Terrence habang nanonood ng tv.
Sa totoo lang namiss ko rin makibonding kina-Mama. Simula kasi nung nawala si
Terrence, madalas nakakulong na ako sa kwarto ko. Bihira na ako lumabas.

Naeenjoy ko na manood ng tv at nasa bandang ulo ko nakahiga yung kapatid ko.


Dumedede pa rin kasi siya nun. Saglit lang naramdaman ko na parang basa yung ulo
ko. Napahawak naman ako doon sa ulo ko pero hindi ko tinignan.

"Ma! Ma! Natapon yata yung dede ni Terrence." sabi ko pero tuloy pa rin ako doon sa
panonood at ramdam ko na basa na yung buhok ko.

Si Mama naman eh nasa kusina nun at lumapit sa amin.

"Naku anak ko!" narinig ko sabi ni Mama at binuhat si Terrence, "Umihi ka na


naman!"

Napatayo akong bigla sa pagkakahiga ko nun. Tinignan ko si Mama at si Terrence na


buhat-buhat niya. Saka ako napagawak uli sa buhok ko.

"MA?!? Ano ba naman yan!!!" tumayo ako at lumapit ako kay Terrence, "Paluin kita
diyan! Sinong maysabi na ihian mo ko???"

Nag-init talaga yung ulo ko nun. Nakita ko na namumula na yung mukha ng kapatid ko
at humihikbi na. Saglit lang, umiyak na siya ng tuluyan.

Parang natauhan ako nun. Naawa ako na hindi ko maintindihan. Kapag umiiyak kasi si
Terrence, usually kapag nandiyan si Mama at kung gutom siya at may kailangan.
Umiiyak lang kapag madaling araw. Pero kapag sa akin, madalas siyang nakatawa. Yun
yung unang beses na umiyak yung kapatid ko sa harapan ko mismo.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko, saka ko lang siya niyakap at hinimas ko ng
hinimas yung likod niya. Humihikbi pa rin siya.

"Sorry na Terrence. Tahan na pala.." tapos tinapat ko yung ulo ko, "Ikaw kasi bakit
hindi ka nag-diapers? Kung iihi ka doon sa banyo ha huwag sa ulo ni ate."

Ewan ko ba kung naiintindihan ba niya yung sinasabi ko o ano, malamang hindi, pero
tumatawa na naman siya. Yun lang ang nakakatuwa sa kapatid ko kahit baby pa.. akala
mo nakakaintindi na. Kahit kailan talaga ang hirap magalit sa kanya.

Umakyat na ako mag-isa at naligo na lang ako uli. Pinatuyo ko lang yung buhok ko,
saka ako natulog uli. Pagtingin ko doon sa gilid, nakita ko na naman yung mga
sketch ni Terrence. Nung pinikit ko yung mata ko, naramdaman ko na tumulo na naman
yung luha ko.

***

Medyo puyat ako nung nagising ako kinabukasan. Pakiramdam ko nga mala-late na ako
nun kaya binilisan ko na lang yung pagbibihis ko. Ni-hindi na nga ako nakakain ng
breakfast eh. Ikaw ba naman kasi tanghaliin ka ng gising.

Tinawagan ko si Tjay kung magkikita ba kami sa tapat ng dati naming school para
sabay kaming pumasok. Kaya lang sinabi niya na kanina pa siya nandun sa Trinity.
Akala daw niya kasi sa schoool na lang kami magkikia. Ako naman dahil kung malalate
man ako eh wala akong kasama, tumakbo na ako hanggang sa sakayan. Malay ko kung
nag-amoy pawis na ako nun eh ang aga-aga.

Hindi pa ako sanay sa bago kong routine. Unang-una sumasakay na ako ng jeep.
Nagkamali pa ako ng binayad dahil kulang. Makikipag-argue pa sana ako doon sa
driver kaya lang naalala ko na sa Trinity na nga pala ako papasok. Mabuti na lang
hindi dahil nakakahiya talaga.

10 minutes before 7 nung nasa harapan na ako ng school. May mahabang pila doon kaya
ewan ko kung para saan yun. Iniisip ko may kung ano na program or what, kaya
nilagpasan ko silang lahat at dumeretso ako doon sa gate.

"Hoy pumila ka naman!" sumigaw yung isang babae na nakauniform din ng Trinity
kagaya ko.

Akala ko may program or kung ano. Kaya ayun napapila ako sa pinakalikuran.
Nakakahiya naman na masigawan. Second day ko pa lang eh hindi ko alam ang ginagawa
ko.

Wala naman akong mapagtanungan sa likuran ko dahil ako nga yung nasa pinakalikod.
Sinubukan kong tignan kung ano yung nasa harapan, kaya lang yung nasa harapan ko na
lalaki eh sobrang tangkad kaya hindi ko makita kung anong nangyayari. Kakalabitin
ko na sana, kaya lang nagbago yung isip ko. Baka sabihin niya ang ewan ko naman at
wala akong alam.
Nung malapit na ako sa bandang gate, may mga tao na rin na nasa likuran ko na mas
nahuhuli sa akin. Tinanong ko sila kung para saan yun, sabi nila ipapakita mo daw
yung i.d. mo sa guard bago ka makapasok. Humaba lang daw yung line nun dahil nag-
iisa yung guard nung araw na iyon at yung dalawa pa eh absent daw yata. Nagtaka ako
kung bakit 'di namin ginawa ni Tjay kahapon yun, pero naisip ko dahil nga may
kasama kaming teacher na nag-guide sa amin kahapon, kaya ayun hindi na kami
hinanapan ng i.d.

Nakarating naman yung lalaking matangkad doon sa gate. Hindi niya suot-suot yung
i.d. niya kung hindi nandun lang sa front pocket ng polo niya. Nilapag niya doon sa
table ng guard yung i.d., tapos pinagmasdan siya.

Ako naman hindi ko siya makita, pero sinubukan ko na tignan yung nasa i.d. niya.
Kaya lang ayun, no such luck eh. Nag tip toe pa ako para makita yung i.d. niya..
pero sa tangkad niya balewala.

Nagdire-diretso yung lalaki doon sa loob. Yung guard naman eh tinawag siya kaya
napahinto siya.

"Psst, naiwan mo yung i.d. mo."

Lumingon naman siya nun at bumalik. Para wala pa siya sa mood na naglakad papalapit
doon sa guard, at ini-snatch niya yung i.d. sa kamay niya. Kaya lang ako naman
pagtingin ko...

Teka lang...

"Nathan!! Nathan sandali lang!"

Nilagay na naman niya yung earphone niya sa tenga niya. Naglakad na siya papasok
doon sa school at pinilit ko na naman siyang habulin. Kaya lang yung guard naman
eh pinigilan ako, kailangan daw tignan niya muna yung i.d. ko.

I went to all that trouble na ipakita yung i.d. ko. Pagpasok ko hindi ko rin naman
na naabutan si Nathan. Sa laki ba naman ng Trinity High, swerte ko na lang kung
mahanap ko pa siya.

Ang liit nga naman ng mundo. Taga Trinity High din pala siya. Yung babae na nasa
likod ko kanina eh tinignan ako na parang naweweirduhan sa akin. Tapos napataas
yung kilay niya sabay sabing.. 'Sinong tinatawag mo na Nathan?' tapos nag-smirk
siya sa akin.

Hindi ko na lang pinansin. Wala namang mangyayari sa akin kung papatulan ko pa.

Binilisan ko naman yung pagtakbo ko sa classroom namin. Ayaw ko kasi na ma-late, at


syempre excited na naman ako na sabihin kay Tjay yung nangyari. At least kung taga
Trinity High si Nathan, maniniwala na siguro si Tjay sa akin kung makikita niya
siya.

Pagkadating ko doon sa tapat ng classroom at bubuksan ko na yung pinto, narinig ko


na may tumawag sa akin.

"Shay! Tara dito!"

Paglingon ko eh nasa garden si Tjay. Tinuro ko yung pintuan ng room namin. Alam ko
na may class kami, so anong ginagawa niya doon?

Hindi class skipper si Tjay kaya umikot na lang ako para pumunta sa garden.
Nagtatatakbo ako na parang bata at humawak ako kay Tjay at tumalon ng tumalon.
"Tjay! Tjay may balita ako sa iyo!"

Siya rin eh mukhang excited at hawak niya rin yung kamay ko.

"Ako rin may balita. Alam mom ba---"

Hindi na natuloy yung sinabi ni Tjay dahil si Rae eh sumingit sa amin. May mga
kasama siya na mga tao na hindi ko kilala.

"O siya mamaya na iyan. Ito si Tjay, pinsan ko, at ito naman si Shay yung
bestfriend niya.. mga scholars sila dito." sabi ni Rae at nakaharap siya doon sa
isang guy at isang babae sa likod, "Ito nga pala si Abby.." tinuro niya yung babae,
"Si Carlo wala. At ito si.. Billy." tapos lumingon-lingon si Rae sa likuran niya at
sa paligid ng garden, "San si Jian? Akala ko dumating na yun?"

Hinila-hila ni Tjay yung sleeves ko. Nairita namana ko kaya inalis ko yung kamay
niya.

Kaya lang nanlaki siguro yung mata ko nung may pumasok na lang bigla at may
binatong coke in can doon sa Billy. Naupo siya na nakataas yung isang paa sa bench.

"Nandito na ko Rae. Yan ka na naman."

"At ito naman si Jian. JIroh ANderson kaya naging Jian." tapos ngumiti siya sa
amin, "Siya yung captain ng basketball team. Magbabarkada kami."

Hindi ako makapagsalita nun. Si Tjay naman panay ang sabing.. 'Siya yung balita ko!
Siya!'

Nakatulala lang ako sa kanya. Tapos tinignan niya kami ni Tjay na parang 'di siya
interesado dahil umiinom siya ng coke kahit na sobrang aga pa lang.

"Oh." yun lang ang sinabi niya pero tinignan siya ng masama ni Rae, "Jiroh na
lang."

Napalunok ako nun. Hindi ako makakilos. Nararamdaman ko yung bilis ng tibok ng puso
ko nun.

"Nathan?!?" yun na lang ang nasabi ko, "It's nice to finally meet you." tapos
lumapit ako sa kanya at shinake ko ng shinake yung kamay niya.

Napakunot yung noo niya. Tapos inalis niya ng bigla yung kamay ko sa kamay niya.

"It's Jiroh. Hindi Nathan." tapos sinimangutan niya ako.

"Are you broken or what?" tapos nun, tinalikuran niya ako.

**3***

Nung sinabi sa akin ni Nathan yun eh lumapit naman kaagad sa akin si Tjay at hinila
ako sa bandang likod. Ngumiti lang siya ng nag-aalangan nun.

"Pasensya na kay Shay. Medyo, uhmmm.. makakalimutin lang siya sa pangalan."

Dinala ako ni Tjay doon sa gilid. Bumulong naman siya sa akin at yung itsura niya
nun eh seryosong-seryoso na. Pinatong niya yung dalawang kamay niya sa magkabilang
balikat ko. Ako naman eh panay ang tiptoe ko para makita ko pa si Nathan lalo, kaya
lang hinawakan ako ng mahigpit ni Tjay at dineretso niya ako.

"Shay! Ano ba?!?" mukhang naiinis siya sa akin nun, "Tandaan mo, hindi niya tayo
kilala. Si Kuya ang kilala niya kaya huwag mo siyang bibiglain. At pwede ba,
tigilan mo yung pagtawag sa kanya ng Nathan. Isipin pa nila siraulo ka kung sinu-
sino tinatawag mo ng pangalan na yan. Jiroh kung Jiroh, Jian kung Jian. Basta huwag
Nathan."

Narinig ko naman yung sinabi ni Tjay pero hindi pa rin ako ganun ka-focus sa kanya.
Tinititigan ko pa rin si Nathan na umiinom ng coke doon.

"Hoy nakikinig ka ba?!?"

"Tignan mo.." sabi ko ng mahina kay Tjay, "Kamukha niya yung nasa sketch! Tignan mo
Tjay.. ang galing ni Terrence 'di ba? Kamukhang-kamukha niya. Tignan mo..."

Inagaw sa akin ni Tjay yung sketch na hawak ko at ayaw na niyang ibalik sa akin.
Pinanghinaan ako ng loob ko nung makita ko na nilukot niya yung sketch at tinapon
niya doon sa gilid.

"Eto na naman tayo eh. Shay, 3 months nang wala si Kuya. Tanggapin mo na."

Tinignan ko lang si Tjay nun. Hindi ko aakalain na gagawin niya yun. Ewan ko kung
anong pumasok sa isip niya.

Lumuhod na lang ako bigla. Kahit na madumi doon at panay lupa, lumuhod pa rin ako
para abutin yung papel na may drawing ni Terrence.

Saka na naman ako nagsimulang umiyak nun.

"Wala akong pakialam. B-basta.. lahat ng may kinalaman sa kanya.. itatago ko.
Itatago ko Tjay..."

Nadumihan na yung kamay ko nun pati yung palda ko. Kakayuko ko doon sa may lupa,
nakita ko na tumulo na lang yung luha ko doon.

Itinayo ako ni Tjay nun. Hindi ko na naabot yung drawing. Kaya ako naman niyakap ko
na lang siya. Saka naman nagsitayuan yung barkada ni Rae at lumapit sa amin.
Pinakahuling tumayo nun eh si Billy at si Nathan. Tapos nung napansin nila yung
kinatatayuan ko doon.. nag-puzzled look lang si Nathan.

"Bakit siya umiiyak?"

Narinig ko na sinabi naman ni Rae sa kanya. Nakita ko na natawa siya.

"Ow--kei. Akala ko naman kung ano na." pagkasabi niya nun, bumalik na siya sa
pagkakaupo niya.

Nung hindi na ako umiiyak, naupo na lang ako doon at nanahimik. Tinitignan ko pa
rin si Nathan mula doon sa pagkakaupo ko. Naisip ko lang kung siya yung bestfriend
ni Terrence, siguro marami siyang alam tungkol sa kanya. I wonder... I wonder kung
anu-ano yung mga alam niya.

Alam ko na napansin niya na kanina pa ako nakatingin sa kanya. Tumingin siya from
the corner of his eye. Halata ko na naiilang din siya siguro kaya tinalikuran niya
ako. Habang nakaupo kami doon kasama ng barkada nila, wala akong naintindihan sa
pinag-usapan maliban na lang nung sinabi kung bakit wala kaming pasok ng 1st
period.
Nung dumating yung second period, lahat kami eh dumeretso na sa classroom namin.
Katabi ko nun si Nathan at kung tinitignan ko siya kanina, tinititigan ko siya
ngayon. Nasa tabi ko lang siya. It doesn't feel real...

Nangongopya kami ng requirements nun sa board at seryoso lang siya na nagsusulat.


Not once na kinausap niya ako. Ni-hindi rin siya tumingin sa gilid niya para tignan
ako. Samantalang ako...

"Ang ganda no..." sabi ko na lang bigla-bigla.

Napatingin siya sa akin na halata kong nagulat dahil biglaan na lang akong
nagsalita. Tinignan niya na naman ako nung usual na irritated na look, pero sumagot
naman siya.

"Ang alin?" tapos yumuko siya uli doon sa ginagawa niya.

"Yung araw." saka lang ako sumandal uli, "Hindi mainit na mainit, hindi rin
malamig. Tama lang."

Narinig ko na huminga siya ng malalim.

"Oh? I didn't notice."

Pagkatapos nung pag-uusap na iyon, hindi na niya ako kinausap the rest of the
morning. Kaya nga nung lunch break, sinusundan ko siya habang naglalakad siya sa
hallway at papunta na siya ng cafeteria. Ewan ko ba kung bakit ako sunud-sunod sa
kanya, siguro dahil iniisip ko kung anong meron basta may kinalaman kay Terrence.

Ewan ko pero siguro nainis siya sa akin kasi bigla na lang siyang huminto at
humarap sa akin. Nasa likuran niya ako na sumusunod sa kanya kaya ako rin eh
napahinto. Yung mukha niya nun eh medyo namumula na.

"May problema ka ba? Kanina mo pa ko sinusundan.. tinitignan... ano?!? Kung may


gusto kang sabihin, sabihin mo na hindi yung sinusundan mo ko buong umaga."

Napalunok ako nun. Medyo galit siya siguro, pero hindi naman sumama yung loob ko
nun.

"K-kilala mo ba si Terrence?"

Nagsalubong yung kilay niya. Tumingin siya doon sa gilid tapos sa akin uli.

"Sino?!?"

"S-si..." hinawakan ko yung strap ng bag ko, "S-si Terrence Kelvin. Naaalala mo ba
siya?"

"As far as I know wala akong kilalang Terrence. Ngayon kung yun lang yung reason
mo para sundan ako, well siguro naman nasagot ko na. Huwag mo na akong susundan
uli."

Tatalikod na sana siya uli nun para umalis, kaya lang hinawakan ko siya sa braso
niya para pigilan ko siya na umalis. Kaya nung humarap siya uli eh inalis ko yung
kamay ko, pero nginitian ko lang siya.

"Paano mo siyang makakalimutan..." mabagal na yung pagkakasabi ko, "Eh mag-


bestfriend kayo 'di ba?"

This time, yung mukha niya eh nag-iba na yung expression. Kung kanina gulat lang
siya, ngayon yung tingin niya may ibig sabihin na.

Tumawa naman siya ng malakas.

"Bestfriend? Kailan pa?" tapos tinapik niya ako sa balikat ako, "Are you on crack?
Kasi kung may bestfriend ako, mas alam ko yun kaysa sa iyo 'di ba?"

Umalis na siya ng tuluyan. Iniwan niya ako na nakatayo doon mag-isa. Now that's
very odd.. bakit hindi niya kilala si Terrence? Hindi ba sinabi ni Terrence...

No way. There's no way na sasabihin ni Terrence yun kung hindi niya kilala yung tao
na iyon. And imposible namang pinulot lang niya yung mukha niya kung saan. Grabeng
coincidence na iyon.

I won't give up just like that.

Nakita ko na malapit na siya doon sa likuan papunta ng cafeteria.

"Nathan!" hindi naman siya lumingon nun para tignan ako uli, "Thank you! Thank you
talaga!"

Huminto siya nun pero hindi pa rin lumilingon. Alam ko narinig niya yung sinabi ko.
Siguro nagtataka siya kung bakit ako nagthathank-you sa kanya.

That made me feel good.

Terrence, nakapagthank you na ako sa kanya.

***

Hindi na ako umuwi ng bahay at naisip ko na sa cafeteria na lang ako kakain ng


lunch kagaya ni Nathan. After all sabi ni Terrence kilalanin ko daw siya. So siguro
naman dapat kilalanin ko siya sa mga ginagawa niya.

Pumasok ako sa cafeteria nun. Sobrang laki nun kumpara doon sa dati naming school.
Airconditioned pa sa loob, kaya nalamigan talaga ako. Nagtiptoe na naman ako dahil
hinahanap ko kung saan nakaupo si Nathan, pero ang hirap talaga nung una. Kaya lang
saglit lang may narinig ako na tumatawang mga lalaki na sobrang lakas doon sa
bandang dulo, at pagtingin ko eh nakaupo doon si Nathan kasama yung mga lalaki na
hindi ko naman kilala.

Nawala yung ngiti niya nung nakita niya ako. Isinandal niya yung braso niya doon sa
table na kinakainan nila at yumuko siya ng kaunti.

Ako naman eh lumakad ako papalapit sa table nila. Hindi pa ko nakakarating eh


narinig ko na sinabi niya...

"Yuko lang pare, kunwari hindi mo nakita." sabi ni Nathan doon sa isang kasama
niya, "Itaas mo yung paa mo sa upuan baka umupo siya diyan!" then nakita niya ako
sa harap ng table nila kaya ngumiti siya nun na halata kong pilit naman, "Hey,
sup?" tapos eh uminom na siya uli nung kung ano man yung nasa cup.

Tinignan lang ako nung dalawang kasama niya. Hindi ko nga sila kilala. So ayun
humarap ako sa kanila.

"Hello!" kumaway ako doon sa dalawa.

"Hey." sabi nung isa na nasa gilid malapit doon sa salamin. Yung isa naman eh hindi
sumagot.
Humarap naman ako kay Nathan this time.

"Nathan.. ok lang ba yung lunch mo?"

Hindi niya ako tinignan. Dumeretso lang siya sa pagkain niya at hindi ako pinansin.
Nakatayo lang ako doon na walang sumasagot sa tanong ko.

Finally yung lalaki na hindi sumagot kanina at malapit sa akin ang nagsalita.

"Nathan? Bakit mo siya tinatawag na Nathan?"

Nginitian ko lang siya. Ewan ko ba, medyo cheerful na ako nun.

"Nakasanayan ko lang kasi."

Binaba naman nung isa yung kutsara niya at tinaas yung tinidor para panturo sa
akin. Parang nag-iisip yung itsura niya na hindi ko maintindihan.

"Parang nakita na kita before.."

Binagsak ng malakas ni Nathan yung kamay niya. Tinignan niya ng masama yung lalaki.

"Malamang gutom na siya at gusto na niyang umalis.." tumingin siya sa akin, "Hindi
ba?!?"

"Oh." nagulat din ako, "Oo nga pala. Sige pala. Bye sa inyo." sabi ko doon sa
dalawang lalaki, "Bye Nathan."

Walang sumagot sa akin nung umalis ako. Ewan ko ba, hindi ko makuhang magalit sa
kanya. Siguro dahil naaalala ko si Terrence sa kanya. Si Terrence kasi may
pagkamasungit din noon, pero 'di nagtagal nalaman ko na mabait naman pala siya.
Kaya lang sa kaso ngayon, mas mukhang mas masungit si Nathan.

Kumain na lang ako mag-isa. Wala pa kasi akong kakilala maliban kay Tjay at sa
barkada ni Rae. Kaya lang wala naman sila parehas doon dahil umuwi sila ng lunch
para kumain. Kaya ayun solo flight tuloy ako. Mabuti na lang kita ko pa sa inuupuan
ko nun si Nathan.

Nung nag-1 na ng hapon, umalis na rin ako doon at pumasok na ako sa classroom
namin. Late pa nga si Nathan nun, pero hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Ang
alam ko lang nauna siyang umalis sa akin sa cafeteria, yet late pa rin siya.

"Hey..." sabi ko nung naupo na nama siya, "Late ka ha."

"Alam ko." sagot niya tapos nilapag niya yung bag niya doon sa upuan niya.

May teacher doon sa harapan pero hindi pa naman nagsisimula yung klase kaya hindi
na lang niya pinansin yung late. May binubuklat siya na libro doon at hinahanap
niya siguro kung saang part na kami ng libro. Tinitignan ko pa rin si Nathan nun,
pero siya talaga eh kung hindi sa board nakatingin, nakayuko lang sa libro niya.
Hindi talaga siya tumitingin sa direksiyon ko.

Nung in between na ng classes, umingay na naman at umupo si Billy doon sa upuan sa


harapan ni Nathan. Medyo worried yung mukha niya at seryoso siya.

"Jiroh.. may problema tayo.."

"Ano?!?" kung seryoso si Billy, mas seryoso yung mukha ni Nathan.


"Aalis na si Abby eh. Babalik na naman siya sa States. Magbabakasyon yata sila doon
as usual. So for the mean time, wala tayong manager."

Tumingin si Nathan doon sa bintana dahil nag-iisip yata siya. Saglit lang, binalik
niya yung tingin niya kay Billy.

"Eh si Rae? Hindi ba pwede naman siya ang pumalit???"

Naririnig naman ni Rae yung pinag-uusapan nila. Kasi sumagot siya kahit nandun siya
sa bandang harapan.

"Ayaw ko nga Jian! Sinong maysabi gusto kong maging manager ng basketball team???"

So... kailangan nila ng bagong manager???

"Eh di mag-post na lang tayo sa bulletins. Maghanap na lang tayo ng papalit kay
Abby.." suggestion naman ni Billy.

"Ano ka ba, alam mong ayaw ko ng hindi ko kilala."

Biglaan na lang pumasok sa isip ko yung idea. Kahit wala akong alam sa basketball,
hindi naman siguro masama na subukan ko 'di ba? After all, nandun si Nathan. Baka
kung saka-sakali magaan na yung loob niya sa akin, makilala ko na siya. Katulad nga
ng sinabi ni Terrence.

"Ako! Ako na lang!" tinaas ko yung kamay ko as if gusto kong mag-recite, "Ako na
lang ang magiging manager!"

Sabay tumingin si Billy at si Nathan sa akin. Bumulong naman siya sa gilid kaya
lang narinig ko..

"Bakit kasi sinabi mo pa ngayon yan??" sinisi naman niya si Billy.

"Pero---"

Nagulat na lang ako nung naupo si Rae doon sa bakanteng upuan sa harapan ko naman.
Naka-todo ngiti pa siya nun.

"Ano Jian? Ayan na.. solve na problema niyo. May bago na kayong manager.." then
tinapik ako ni Rae sa balikat ko.

Sumimangot nun si Nathan. Parang hindi niya gusto yung idea. Iniwas niya yung
tingin niya sa amin.

"Then great!!!" sabi niya sarcastically...

"Now we have a weirdo of a manager."

***4***

Ako na nga yung naging bagong manager nila. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong
gawin, pero tinanggap ko pa rin yung idea. Halata ko na badtrip talaga si Nathan
nun, pero naisip ko na baka lumamig din yung ulo niya. Kaya nga nung the rest nung
araw na iyon eh hindi ko na talaga siya kinulit.

Alam ko na siguro sumobra ako sa pangungulit sa kanya. Siguro dahil sobrang excited
ako, at siguro may namimiss akong tao ng dahil sa kanya. Ewan ko ba, pero parang
nakikita ko si Terrence sa kanya kahit papaano. Siguro naiimagine ko lang, pero
kahit konti may similarities din sila.

Nung uwian na namin nun, sumama ako kay Tjay dahil sabay kaming gagawa ng homework.
Medyo naninibago nga ako nun kahit papaano dahil mahigit tatlong buwan na rin akong
hindi nakakarating sa street na iyon. Pakiramdam ko tuloy, bumabalik ako sa
nakaraan.

As usual, si Tita Jayne na naman ang nagbukas ng pinto. Halos parehas pa rin yung
bahay nila nung huli kong nakita, except green na yung kurtina nila ngayon at hindi
na orange. Pinaupo ako ni Tjay doon at tumakbo siya sa kusina dahil kukuha lang daw
siya ng makakain namin.

Umikot ako sa bahay nila. Medyo weird yung pakiramdam. Naninibago ako nun. Without
Terrence, the house looks empty. Kahit na hindi pala-labas ng kwarto si Terrence
nun, iba pa rin yung alam mo na may tao na nakakulong behind nung door.

Naglakad ako papalapit doon sa dating kwarto ni Terrence. Nung una nandun lang ako
sa harapan at hindi ko mabuksan. Tuwing hahawakan ko yung door knob, saglit lang
aalisin ko yung kamay ko.

Finally nag-decide ako na pumasok sa loob.

Pagkabukas na pagkabukas ko eh bumungad sa akin yung kwarto ni Terrence na hindi


nagbago nung huli kong nakita. Pati yung mga gamit niya eh nandun pa. Yung cd
player.. computer.. mga damit.. lahat-lahat.

Nakita ko yung damit na huling sinuot niya nung nasa simbahan kami. Hindi ko
mapigilan yung sarili ko at umupo ako doon sa kama at hinawakan ko yung damit niya.
Naaamoy ko pa rin yung pabango niya, kaya talaga namang pinigilan ko yung sarili ko
na huwag umiyak.

Matagal din akong nakaupo doon at walang ginagawa. Pinagmamasdan ko lang yung
kwarto niya. Ayaw ko kasing kalimutan. Alam ko darating at darating yung araw na
hiindi na magiging ganito yung itsura ng kwarto na ito, kaya't hangga't maaga pa eh
gusto ko nang tandaan yung itsura.

Siguro kakaikot ko ng paningin ko doon sa buong kwarto, may nakakuha ng atensiyon


ko.

Isang malaking pile ng video tapes na may ribbon at may pangalan ko.

Umupo ako doon sa sahig at inabot ko yung isa sa mga tape. Walang nakalagay na kung
ano kung hindi date lang. Kukunin ko na sana sa pagkakalagay nun, saka naman
biglang pumasok si Tjay.

"Hoy!" sabi niya nung nakita niya ako doon sa kwarto ni Terrence, "Tara na ready na
yung pagkain."

Tinignan ko lang siya. Hawak-hawak ko na yung mga tapes nun at parang ayaw ko nang
bitawan. Napansin din naman ni Tjay yung hawak ko, kaya kahit hindi pa ako
nagtatanong... sumagot na siya kaagad.

"Nakita ko nga rin yan nung naglinis kami dito ni Mama.." ang hina ng pagkakasabi
ni Tjay, "Ibibigay ko nga sana sa iyo yan sa school, kaya lang nakakalimutan ko
parati dalhin. Siguro... gusto niya naman sigurong mapasa-iyo yan dahil may
pangalan mo naman. Kung gusto mo kunin mo na."

Tinitigan ko yung pile ng video na hawak-hawak ko. Hindi ko inalis yung ribbon, at
mabilis kong nilagay kaagad sa bag ko. Hindi na ako nagsalita nun at sumunod na
lang ako kay Tjay. Gumawa na lang kami ng homework nun na para bang walang
nangyari. Nung gumabi na nun, nagpaalam na ako sa kanila at sinabi ko na uuwi na
ako. Mahirap kapag ginagabi ako sa daan, hindi mo alam kung sinu-sino na ang tao na
nasa paligid ngayon.

Nung nakalabas na ako ng bahay nila, tinignan ko uli yung kwarto ni Terrence. Alam
ko na hinding-hindi ko makakalimutan yung parte ng bahay nila na iyon.

***

Nung sumunod na mga araw eh ganun pa rin kami ni Tjay. Pakiramdam namin bago pa rin
kami sa Trinity High kahit ilang araw na kamin pumapasok doon. Hindi pa nagsisimula
yung duty ko sa basketball team dahil wala pa naman daw silang practice, kaya hindi
pa ako sumasama sa kanila. Hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakausap ni Nathan ng
matino maliban na lang sa mga one-liner niya. Madalas napipilitan pa siya kapag may
lesson kami na kailangan mo ng partner.

Bumalik na rin si Carlo. That seemed to cheer me up a little. Kahit na ilang araw
na kaming magkaklase, isang beses lang niya binanggit sa akin si Terrence. Siguro
dahil na rin sa ayaw niyang may magpaalala sa akin sa kanya. Sa lahat nga siguro ng
guys na classmate namin, si Carlo na siguro ang pinaka-close ko.

I'm still the same pag may kinalaman si Nathan. Sinusundan ko pa rin siya, pero
unlike dati patago naman. Ewan ko ba kung nakakahalata siya, pero paminsan-minsan
habang naglalakad siya at nasa likod ako, tumitingin siya kahit nakatago ako. Pero
saglit lang nagdidire-diretso na siya ng lakad. Minsan nga kung saan siya dadaan,
doon din ako dadaan. Madalas pa nga ginagaya ko siya, kaya ayun galit na galit sa
akin si Tjay sa akin.

Nung isang araw nga eh nag-stay ako doon sa classroom namin afterschool dahil may
tinatapos ako na report. Sa school lang kasi magagawa yun dahil yung system nila na
may program nun eh nasa isa sa mga computers nila. Ginabi na namana ko ng uwi nun,
kaya medyo natakot na rin ako. Nag-decide na ako umuwi nung napansin ko na medyo
wala nang tao doon sa school.

Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay, sermon talaga ang abot ko kay Mama.

"Bakit ngayon ka lang umuwi??? Hindi ka nagpaalam sa akin! Mag alas-8 na!"

"Ma maaga pa!" sagot ko naman sa kanya ng naiinis.

"Maaga-maaga ka pa.. ni-hindi ka man lang tumawag! Anong malay ko kung nawawala ka
na?"

"Hindi nga ako nawawala... tinapos ko lang yung report ko."

"Report report.. eh para saan yang cellphone na yan kung hindi mo gagamitin? Tawag
ako ng tawag sa iyo! Si Papa mo kanina pa nagagalit. Kung hindi lang maaga ang alis
nun bukas malamang gising pa yun!"

Hindi ko na lang pinansin si Mama. Mabunganga kasi yan kapag galit sa akin. Bihira
naman magalit yan, kaya kapag natiyempuhan mo na galit nga eh nakakairita talaga.

"Magbihis ka na at bumaba ka kaagad. Dalhin mo ito doon sa kapitbahay." tapos


tinuro niya yung nakatakip na tupperware doon sa lamesa.

Napakunot noo naman ako.


"Ma... para saan yan?" tinuro ko yung sinasabi niya.

"Ulam doon sa kapitbahay. Sila yung nag-welcome sa atin nung bagong lipat tayo
dito. Pinagluto ko lang para makapagthank you."

"Welcome? Ni-hindi nga tayo winelcome eh." sagot ko naman sa kanya kaagad.

"Hindi mo alam dahil hindi ka lumalabas ng kwarto mo. Bilisan mo na..."

"Ayaw kong lumabas..."

"Bakit hindi ka na ba pwedeng utusan ngayon Shaylie? Ano ka anak-mayaman na wala


nang ginagawa dito?!?"

Ayaw ko nang makipatalo sa kanya kaya naisip ko na sundin ko na lang siya. Tutal
dadalhin lang naman.

Nung nakapagbihis na ako eh sinabi ni Mama na yung katabing bahay lang naman. Pare-
parehas ang itsura ng bahay dito sa lugar namin. Kaya nga siguro kapag gabi
nakakalito talaga.

May ilaw pa naman na nanggagaling doon sa bahay kaya alam ko na gising pa sila. Ako
naman eh tumawag ako doon sa labas ng gate nila.

"Tao po!"

Ang tagal-tagal ko doon pero wala pa ring nagbubukas. Sumigaw na ako ng sumigaw
doon eh ang tagal pa rin. Saglit lang narinig ko na may tsinelas na paparating,
kaya tumayo ako ng diretso.

Pagbukas niya eh...

"Sino po bang---"

Nanlaki yung mata niya nung nakita niya ako. Kung nagulat din siya, mas lalo akong
nagulat.

Sumimangot siya kaagad.

"Anong kailangan mo?!?" ang rude talaga ng pagkakatanong niya na yun, "Huwag mong
sabihin hanggang dito sa bahay ko sinusundan mo ako?"

Napa-atras ako nun at umiling ako ng umiling sa kanya.

"Ahhh h-hindi. H-hindi talaga." tumingin ako doon sa dala ko at ini-stretch ko para
iabot ko sa kanya, "Pinabibigay nga pala ng Mama ko. Sabi niya Thank you daw sa
pagwelcome niyo sa amin."

"Kayo yung bagong lipat?" tinuro niya yung bahay namin na katabi lang nung kanila.

Tumango naman ako.

"Just my luck." halata mong inis talaga siya.

Kinuha lang ni Nathan sa akin yung dala-dala ako at pagkatapos nun eh sinarahan
niya ako ng pinto sa mukha ko. A minute or two na yung nakalipas eh nakatayo pa
rin ako doon sa harap ng gate nila at hindi ako kumilos. Nung natauhan siguro ako
doon sa nangyari, saka lang ako naglakad pabalik doon.
Alam ko naman for the most part kasalanan ko rin naman na he's all weird out sa
akin. Pero sa totoo lang, ginagawa ko naman yun dahil I found him quite intriguing.
Ewan ko kung anong meron sa kanya at kaibigan siya ni Terrence. Pero dahil ayaw
naman niya akong kausapin, parang mahirap naman yata malaman yun.

I don't get it. I don't know why Terrence was so fond of him. He's actually
quite... rude.

Hindi ko na lang pinansin yung nangyari. Pumasok na ako sa bahay at wala nang
sinabi si Mama sa akin. Tulog na yung kapatid ko nun kaya hindi na ako nag-ingay at
baka magising pa.

Umakyat na ako sa kwarto ko nun. Nagpalit na rin ako ng Pj's ko nun para makatulog
na ako. Kaya lang, hindi talaga ako makatulog. Naalala ko yung mga tape na binigay
sa akin ni Tjay. Hindi ko pa kasi pinapanood yun.

Sa totoo lang, natatakot talaga ako na panoorin yun. Alam ko kasi hindi ko
mapipigilang hindi maiyak, kaya ayun madalas tinitignan ko lang yung mga tape,
tapos ibabalik ko na doon sa ribbon niya.

Dahil hindi nga ako makatulog, lumabas ako doon sa terrace ng kwarto ko. Nasa taas
kasi ako, tapos pinakaharap pa ng bahay namin. Naupo ako doon sa terrace, at
nagpahangin na lang ako. Ang tahimik doon at ang sarap lang ng hangin.

"In these eyes more than words


More than, anything that I've spoken
As the sky turns to gray my heart
Just about to crack open"

Naiiyak ako nun. Huminga ako ng malalim at pakiramdam ko hindi ko na maituloy yung
kanta.

"So the story goes


there's something you should know
Before I walk away and I blow ending."

Isinandal ko nun yung ulo ko sa dalawang tuhod ko. Nakatingin ako paitaas nun.

"I never wanna' be without you..."

Napahinto na lang ako. Hindi ko na kaya.

Madali lang pala sabihin na magmove on. Mahirap palang gawin.

"TERRENCE!!! MISS NA MISS NA KITA!" sumigaw ako doon ng malakas sa taas namin,
"NARIRINIG MO BA KO?!? SABI KO MISS NA MISS NA KITA!!!"

Nagsisimula na naman akong umiyak nun. Nakatingin lang ako sa langit nun pero wala
akong nakikita kung hindi yung usual na moon at stars kapag gabi.

Umiyak na lang ako mag-isa doon. Kaya lang saglit lang, narinig kong may gumalabog
doon sa kabilang terrace kaya nagulat pa ako. Pinunasan ko yung luha ko at tinignan
ko kung ano yung nahulog.

Kaya lang narinig ko...

"Ouch!"

Tinitigan kong mabuti kung sino yun. Nakita ko na nakahiga na si Nathan doon sa
semento nila at hawak-hawak niya yung ulo niya.

"Nathan?!?"

Napahinto siya sa paggalaw niya nun. Siguro ayaw niyang makita ko siya na nandun
din sa terrace nila, pero alam ko naman na nandoon siya.

"Kanina ka pa ba diyan?"

Tumayo na siya nun dahil no choice naman na at nakita ko na siya. Yung itsura niya
nun eh parang inis pa rin sa akin. Although he seems irritated, there's this
expression on his face that actually looks so... calm.

"Nakaupo ako dito ang ingay-ingay mo!" hindi naman niya sinagot yung tanong ko, "Sa
susunod nga huwag kang mag-iingay hindi lang naman ikaw ang tao." tapos nun eh
tinalikuran niya ako at hawak pa rin niya yung ulo niya na tumama yata doon sa
terrace nila, "Papasok na ako sa loob."

Tinignan ko lang siya. Kahit na magkalapit lang yung terrace namin at terrace nila
hindi ko siya masyadong makita nun.

"Nathan! Good night!"

Hindi siya lumingon nun pero huminto lang siya.

"Night." yun lang ang sinabi niya at pumasok na siya sa loob.

Nakaupo pa rin ako doon kahit wala na siya. Nakatitig pa rin ako sa malayo nun nung
makita ko na bumalik siya at sumandal doon sa terrace nila at nakaharap pa sa akin.

"Nice voice by the way."

Kahit na umalis na siya ng tuluyan pagkatapos nun at kahit alam ko na ayaw niya
talaga ako as a person.. nakaka-lift talaga ng spirit.

It actually made me smile.

***5***
Nung mga huling araw eh busy kami sa Trinity High. Madalas kapag 9 ang classes
namin, 9 din ang may homeworks. Nakakapagod nga lalo pa doon sa Research class
namin. May ibibigay sa iyo na topic at may certain areas lang ng dapat mong i-
tackle. Kaya ayun gabi-gabi eh nakaharap ako sa computer at piles ng encyclopedias
namin. Hindi naman pwedeng mag slack-off kami ni Tjay. Mahirap na at baka mawala
ang scholarship namin. Pero eto.. madalas tuloy kulang sa tulog.

Umalis na rin si Abby papuntang States kaya ako naman ang pumalit sa kanya bilang
manager ng team. Nung una dahil hindi ko pa alam ang dapat kong gawin eh
orientation lang ang ginawa namin. Sinabi lang nila kung ano ang responsibilities
ko. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Iniisip ko na ang
manager yung tagabayad ng kung anu-ano at taga organize ng mga bagay-bagay. It
turned out ako pala yung parang alalay nilang lahat. Tagadala ng mga gears nila,
tagabili ng pagkain.. you get the idea.

Nakakapagod talaga, considering gabi na ako nakakauwi. Tapos kapag gabi pa ginagawa
ko yung homeworks namin. Hindi na talaga nakakapagtaka na kulang ako sa tulog.

Nung isang araw nga eh napansin yata ni Carlo na antok na antok ako dahil nanliliit
na siguro yung mata ko. Hindi pa dumarating yung English teacher namin nun.

"Shay okay ka lang ba?" tinanong niya ako nun, "Mukhang antok na antok ka ah."

Tinignan ko naman siya. Pakiramdam ko nun ipikit ko lang yung mata ko eh


makakatulog na ako. Pero siyempre hindi ko magawa dahil nasa school ako.

"Okay lang." tapos nag thumbs up na lang ako kay Carlo nun.

Si Nathan eh ganun pa rin sa akin. Hindi naman nagbabago yun kahit na mahigit isang
buwan na rin kaming magkaklase. Hindi pa rin niya ako pinapansin maliban na lang
siguro kung kailangan na kailangan lang. Pero nitong mga huling araw, sa sobrang
pagod at antok ko na rin siguro sa klase eh hindi ko na rin siya makulit. Tingin ko
nga naninibago siya kasi tuwing lalabas siya kapag in-between classes, madalas
nakikita ko siya na nakatingin sa akin habang nakasandal ako sa desk. Siguro
nagtataka siya kung bakit hindi ako nangungulit sa kanya, pero dahil siguro
nahihiya siya magtanong, wala siyang sinasabi.

Nung breaktime eh sinubukan kong lumabas ng mabilis para masundan ko si Nathan. Si


Carlo at si Tjay nun eh sinusundan ako. Wala kasi si Rae at si Billy dahil may
meeting sila doon sa former na teacher nila.

Siguro dahil nga pagod lang ako nung mga huling araw eh mabagal akong kumilos.
Saglit lang nun eh nawala na sa paningin ko si Nathan.

"Shay alam mo dapat magpahinga ka eh." sabi ni Tjay sa akin na nasa likod ko lang,
"Halata kong pagod ka na rin eh. Ako nga homeworks lang ginagawa ko puyat na ako at
pagod, ikaw pa kayang manager ng basketball team, volunteer sa Day Care, choir sa
church at may 4 month-old na kapatid ka na inaalagaan? Mabuti pa siguro patayin mo
na lang yang sarili mo."

Narinig ko yung sinabi ni Tjay pero hindi ko na lang sinagot. Siguro dahil masyado
lang occupied yung utak ko nung mga oras na iyon.

Nasaan na ba si Nathan???

Humarap naman ako kay Carlo nun.

"Carlo, alam mo ba kung saan kumakain si Nathan lately?"

Napakunut-noo si Carlo sa akin nun na parang nagtataka. Lumapit naman siya sa akin
at hinawakan ako sa braso ko.

"Shay.. no offense ha.." seryoso naman siya nun, "Alam mo ba.. you're acting very
very strange."

"Oo nga!" sabat naman ni Tjay sa akin, "Ilang beses ko nang sinabihan yung babae na
iyan. Sunod ng sunod, Nathan ng Nathan."

This time, tumigil ako sa pagtiptoe ko at humarap ako sa kanilang dalawa.


Particularly kay Tjay.

"Tjay alam mong kaibigan siya ni Terrence.." sabi ko ng mahina, "Hindi mo ba gusto
siyang maging kaibigan din?"

"Eh sa ginagawa mong yan.. hindi mo siya magiging kaibigan. Lalo ka lang niyang
lalayuan."

Halata mong naguguluhan si Carlo nun. Confused na kasi yung itsura niya.
"Hey hey hey.." tinaas naman niya yung kamay niya para patigilin kami, "Wait.
Magkaibigan si Terrence at si Jian?"

Naupo kami nun sa gilid at inexplain namin ni Tjay yung situation. Sinabi namin na
si Terrence eh mahilig mag-sketch nun ng mukha ng isang lalaki na hindi namin
kilala na pinangalanan naming Nathan. Ipinakita din namin yung isang sktech na lagi
kong dala-dala sa bulsa ko.

Nagulat naman si Carlo. Nanlaki yung mata niya eh.

"Whoa.." tinitigan pa niyang mabuti, "Si Jian nga."

Ibinalik din naman niya sa akin yung sketch. Sinabihan namin siya na huwag na huwag
niyang sasabihin kahit kanino yung tungkol doon. Nangako naman siya kaya
pinagkakatiwalaan naman namin siya.

Nung uwian na nun eh dumeretso ako sa gym dahil may practice pa yung team. Ginabi
na nga rin kami. Inaantok pa rin ako as usual, kaya ang bagal-bagal kong magligpit
nung mga bola nun. Hawak-hawak ko yung malaking lalagyan ng mga bola nila.

Hindi ko pa nakikita si Nathan nun dahil lumabas siya ng gym. Ako naman eh
pinagtanung-tanong ko siya doon sa mga kasamahan niya sa team.

"Nathan? Sinong Nathan?" tinanong ako nung nauna kong pinagtanungan.

Bumulong sa kanya yung isang kasamahan niya. Bigla na nga lang siyang tumawa tapos
tumingin siya sa akin.

"Ahh si Jiroh pala." natatawa pa rin siya nun, "Wala eh.. lumabas. Babalik din yun
maya-maya."

Nakayuko pa rin ako nun at pulot pa rin ako ng pulot nung bola na nakakalat sa gym
at ginamit nila. Nung isa na lang yung natitira at aabutin ko na para ilagay ko na
doon sa lalagyan, nagulat na lang ako nung may umapak doon sa bola.

Tumingala naman ako para tignan kung sino yung umapak. Yun pala eh yung
pinagtanungan ko kanina.

"Ang bagal mo naman kumilos weirdo." sabi niya sa akin na parang natutuwa pa siya
na asarin ako.

Nagulat na lang ako nun sinipa niya ng malakas yung bola sa kabilang side ng gym.
Wala na lang akong nasabi dahil ayaw ko naman silang patulan. Isa pa, ako yung bago
doon.

"Pulutin mo doon yung bola. Sundan mo sa kabilang side ng gym. Tutal doon ka naman
magaling di ba.. ang sumunod???"

Nagtawanan sila nung mga lalaki na kaibigan niya siguro. Pagod na rin ako nun.
Papunta na sana ako doon sa kabilang dulo ng gym para pulutin yung bola nung
maramdaman ko na may humihila nung bag na pinaglalagyan ng lahat ng bola.

Sumunod na lang na alam ko eh ibinaliktad niya yung bag at hinulog niya lahat ng
bola. Siguro mga mahigit na 20 na bola yung nandun. Tumalbog lahat sa gym at
kumalat na naman. At hindi pa iyon, isa-isa niyang sinipa ng malakas sa loob ng gym
sa iba't ibang direksiyon.

Pero this time, hindi na yung lalaki ang may gawa. Si Nathan.
"Ikaw kaya ang magpulot nung mga yun.." sabi niya doon sa lalaki na sumipa nung
unang bola, "Tignan natin kung magustuhan mo."

Hindi nakasagot yung lalaki sa kanya. Siguro dahil iniisip niya na siya pa rin
naman yung Captain, kaya dapat siya pa rin ang masusunod.

Hindi na ako nakasalita. Hinila na lang ako ni Nathan papalabas ng gym. Ang higpit
nga ng pagkakahawak niya doon sa wrist ko, at binitawan lang niya nung nasa labas
na kami.

"Hindi ka ba marunong ipagtanggol yung sarili mo o tinatanggap mo lang lahat ng


insulto sa iyo?" yung sound ng boses niya nun eh may halong inis na, "Umuwi ka na.
Mukhang kailangan mo ng pahinga."

"Pero---"

Hindi ko natuloy yung sasabihin ko. Mangangatwiran pa sana ako na hindi naman ako
pagod, pero binato na lang niya bigla sa akin yung bag ko.

"Umuwi ka na."

Tinalikuran na niya ako pagkatapos nun at pumasok na siya sa gym. Ako naman eh
nakatayo pa rin doon at tinitignan ko siya na umalis.

Hindi ko alam kung yun ba yung typical Nathan na masungit at walang pakialam.. o
yun na ba yung Nathan na kahit papaano eh may concern din naman kahit papaano.

Either way, it felt great.


Kahit na nauna ako na umalis nung gabi na iyon kaysa sa mga players ng team eh
hindi rin naman ako nakatulog ng maaga. Gabi na rin ako nakauwi at past 10 na
talaga nung totally na nakapalit na ako ng pantulog ko. Yung kapatid ko nun eh iyak
ng iyak sa madaling araw kaya madalas ako pa ang tatayo para patahanin siya. Tapos
puyat rin talaga ako dahil kinailangan kong gumisng ng maaga ng sabado dahil may
Day Care duty pa ako.

Wala ring pinagkaiba ng Sunday. Usually kailangan dumating ako doon ng maaga bago
magsimula yung mass dahil nagpa-practice pa kaming kumanta nun. Ang aga ko pang
dumating sa simbahan at wala pa yung mga kasamahan ko. Pumasok nga si Kuya na nag-
organ sa amin at tinignan niya ako kaagad.

"Oh, mukha ka yatang may sakit." yun kaagad ang bungad niya sa akin.

Umiling naman ako sa kanya. Inaantok siguro ako o kaya pagod, pero wala akong
sakit. Kasi kung may sakit ako, dapat giniginaw na ako sa ngayon kung may lagnat
man ako or what.

Dahil dalawa pa nga lang daw kami doon, sinabi niya na kami na lang muna ang mag-
practice. Sinimulan namin doon sa kanta na 'Hesus' kaya ako naman eh naupo ako ng
maayos at nag-ready ako sa pagtugtog niya.

"Kung nag-iisa at nalulumbay


Dahil sa hirap mong tinataglay
Kung kailangan mo ng karamay
Tumawag ka at Siya'y naghihintay."

Siguro nga wala na ako sa sarili ko dahil sumunond na lang eh naghalu-halo na yung
lyrics sa isip ko.
"Siya ang dapat tanggapin
At kilanlin---"

Hindi ko na tinuloy yung kanta dahil biglang tumigil si Kuya at nakatingin sa


akin.

"Shay sa second verse yan eh. Doon pa lang tayo sa part na, 'Siya ang iyong
kailangan, Sandigan...' doon pa lang.." sabi niya sa akin ng mabilis.

Tumugtog siya uli nun, kaya kumanta na naman ako.

"Siya ang iyong kailangan


Sandigan, kaibigan mo
Siya noon bukas ngayo--- "

Hindi na naman tumuloy dahil tumigil uli si Kuya. Natatawa na siya nun.

"May sakit ka nga siguro dahil nagkakamali ka." tumayo siya sa pagkakaupo niya,
"Dito ka lang pala at ikukuha kita ng tubig... baka maging okay yung pakiramdam
mo."

Hindi ako nag-react nun. Nakaupo ako doon at nakatingin lang ako sa mga paa ko.
Nung na-realize ko na aalis si Kuya para kumuha ng tubig, tumayo naman ako nun at
tinawag ko siya. Nandun na siya malapit sa pintuan papalabas ng gilid ng simbahan.

"Kuya... a-ako na lang po yung kukuha"

Lalakad na sana ako nun kaya lang nakaramdam ako ng hilo. Umikot yung paningin ko
nun kaya napaluhod ako at napahawak ako doon sa kahoy na upuan ng simbahan.
Pakiramdam ko nun masusuka ako na hindi ko maintindihan.

Hindi na ako makatayo. Tuwing iaangat ko yung ulo ko nahihilo ko.

"Shay!!"

Si Kuya pa rin yung narinig ko. Hindi ko na siya nakita nun.

"Joseph! Tara tulungan mo ako kay Shay..."

Joseph? Bakit parang pamilyar yung pangalan? Saan ko na ba narinig yun?

Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang alam ko, hindi ko na kayang tumayo sa
sarili ko lang. Gusto nang pumikit ng mata ko.

Ewan ko kung sa sobrang pagod lang ba o dahil nahihilo ako kaya kung anu-ano na
nakikita ko. Yung Joseph na tinawag ni Kuya at bumuhat sa akin sa sahig, eh parang
nakilala ko.

Bago pa pumikit ng tuluyan yung mata ko...

Parang si Nathan yung Joseph na nakita ko.

***6***
Medyo masakit pa yung ulo ko nung nagising ako. Pagdilat nga ng mata ko eh puting
kisame yung bumungad sa akin.

Nasaan ba ko???

"Ayan na gising na siya.." narinig ko na may nagbubulungan nun sa may kwarto.

Pagtingin ko doon sa gilid eh may mga 6 na tao ang nakatingin sa akin. Nagulat nga
ako kaya napatayo akong bigla. Nakakahiya yun na nakakailang na hindi ko
maintindihan. Ikaw ba naman tignan ng mga tao ng ganun na para bang may spotlight
ka.

Yung isa naman eh nakita ko na nakaupo doon sa sulok na couch at nakayuko ng


kaunti. Napakunut-noo ako dahil hindi ko makita kung sino. Narinig ko naman si
Sister na nandun.

"Oh Shay, okay na ba ang pakiramdam mo?"

Tumango naman ako. Meydo okay naman yung pakiramdam ko kahit na inaantok-antok pa
rin ako. Kung matutulog man ako, hindi naman siguro tama na doon na ako sa lugar na
nakikita ako ng lahat.

"Thank you po ah.." sabi ko na lang sa kanila at sinubukan kong isuot yung sapatos
ko, "Sorry po kung naabala ko pa kayo. Uuwi na lang po ako para makapagpahinga."

Si Kuya na madalas kong kasama sa choir practice eh tumingin sa akin at nginitian


lang ako. Then napansin ko na lumingon siya doon sa lalaki na nakaupo doon sa
sulok.

"Joseph!"

Saka lang inangat nung lalaki yung ulo niya. Nung mamukhaan ko kung sino, saka ko
naalala na nakita ko nga si Nathan kanina.

Hindi ako nagkamali, siya nga.

Usually kapag nakikita ko siya hindi na ako titigil ng kaka-Nathan ko. Pero that
time, nanahimik lang ako. Tumingin lang siya sa akin ng mga 2 seconds, pero iniwas
din niya yung tingin niya.

"Joseph.." sabi ni Kuya sa kanya, "Siya yung gusto kong ipakilala sa iyo before.
Isa sa choir members natin. Siya si---"

"I know her." pinutol niya yung pagsasalita ni Kuya, "We've met."

Humarap naman si Kuya sa akin.

"Magkakilala kayo???"

Sasagot na sana ako kaya lang pumasok naman si Father doon sa loob. Nag-aalala nga
yung mukha niya, pero nung nakita niya na nakatayo na ako, medyo nag-relax naman
yung mukha niya. Lumapit naman siya doon sa hinigaan ko kanina.

"Okay ka na ba anak?" tinanong niya ako at hinawakan pa niya ako sa likod ko.

"Okay naman po Father." ngumiti ako para hindi na siya mag-alala, "Napagod nga lang
po siguro ako."

"Ikaw naman kasi dapat nagpapahinga ka." hinimas-himas ni Father yung likod ko,
"Bakit hindi ka na lang umuwi at magpahinga ka sa inyo?"
"Yun na nga po yung gagawin ko. Hindi na po siguro ako makaka-attend ng mass."

"Naku ayos lang yun bata ka. Ipagdadasal namin na gumaling ka na." umupo siya doon
sa couch din.

"Sino na bang katulong mo sa Day Care ngayon?" tinanong ako ni Kuya uli.

Si Sister naman ang sumagot na wala nga akong katulong kung hindi ako lang.
Siyempre dati si Terrence ang kasama ko, pero dahil nga... ayun... ako na lang sa
ngayon.

"Oh anak.." lumapit siya doon kay Nathan, "Bakit hindi mo tulungan si Shay tuwing
sabado sa Day Care?"

"P-pero h-hindi po..." magdadahilan pa sana siya kaya lang na-realize niya siguro
na si Father ang nagtatanong sa kanya, "S-sige po."

"O sige na pala Joseph.." sabi ni Kuya, "Bakit hindi mo na ihatid si Shay sa bahay
nila? Mahirap na baka sa daan pa siya mahilo."

Halata mong naiinis na siya dahil sa kanya na lang ang bagsak ng lahat. Mukhang
ayaw niya yung Day Care duty, tapos ngayon siya pa yung maghahatid.

Siguro nga no choice na lang din siya kaya tumayo na lang din siya. Wala namang
expression yung mukha niya nung paalis na kami. For some reason parang natanggap
niya rin na kailangan niya rin akong ihatid.

Ang bagal-bagal ko pang maglakad nun dahil feeling ko baka matumba ako. Siya naman
eh nauunang maglakad dahil ang bilis niya. Hindi man lang ako hintayin.

Huminto naman siya para hintayin ako pero hindi siya lumingon. Nung kasabay ko na
siya saka lang siya naglakad uli pero yung tingin niya eh diretso pa rin.

"Than--"

"Huwag kang magthank you, dahil wala akong ginawa para sa iyo." ang bilis niyang
sinabi as if alam na niya yung sasabihin ko.

"Thank you pa rin."

Nilakad naman namin simula sa simbahan papunta doon sa sakayan ng jeep. Medyo
malayo na kasi yun sa bagong bahay namin. Sumakay kami, pero hindi naman niya ako
pinansin nung nandun kami.

Bumaba kami doon sa street namin parehas. Wala pa rin siyang sinasabi. Maglalakad
pa kami dahil sa kabilang dulo pa ng street yung bahay namin.

Tinignan ko naman siya. Mukhang wala siyang balak na pansinin ako.

"B-bakit Joseph yung tawag nila sa iyo?" nakatitig ako sa kanya nun pero parang
wala lang sa kanya. "Hindi naman yun ang pangalan mo 'di ba?"

"Hindi naman Nathan ang pangalan ko pero yun din naman ang tawag mo sa akin 'di
ba?"

Talagang halata kong ayaw niya akong kausap. Pakiramdam ko nun ayaw ko na ring
magsalita. Kung kausapin niya ako madalas, parang galit siya sa akin.
Naglakad na lang ako nun at nanahimik. Baka kasi lalo lang siyang mainis sa akin
kung mangungulit pa ako. Kaya nga siguro hindi ko inaasahan na magsasalita siya.
Kaya nagulat ako.

"Joseph Jiroh Anderson ang buong pangalan ko. Jiroh at Jian ang madalas kong
ginagamit. Joseph ang pangalan ko sa simbahan." tinignan niya ako nun, "I hate that
name. Pero dahil nga nasa Bible yung name na yun, they prefer to call me Joseph. So
hindi ko na lang pinapansin."

"Kaya pala hindi ko nakikita na ginagamit mo yun. Kahit sa mga papers mo sa school
eh."

Natuwa naman ako dahil kahit papaano eh kinausap niya ako. At least may nalaman ako
tungkol sa kanya na sinabi niya talaga sa akin. Hindi dahil tinanong ko sa kanya.

Nung malapit na kami doon sa bahay eh naisip ko naman na magkwento. Baka kasi
gumaan yung pakiramdam niya sa akin kung magkukuwento ako ng tungkol sa akin. At
least baka maintindihan niya kung bakit ganito ako.

"Alam mo ba, nung una hindi ko alam kung magandang idea ba na lumipat kami dito.
Doon kasi sa lumang bahay namin malapit sa bahay nila Tjay. Tapos siyempre
nakakalungkot din na---"

"Hindi ako interesado."

Hindi niya ako pinatapos. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Talagang wala siyang
pakialam sa bagay na iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Talaga bang ganito
siya?

Yumuko na lang ako at hindi na ako nagsalita. Saka ko lang naiisip na wala ring
magagawa yung pagsunud-sunod ko sa kanya kung hindi naman niya ako binibigyan ng
atensiyon. Nasasayang lang lahat ng ginagawa ko. Siguro nga.

Nakita ko na tumingin siya sa akin nung hindi na ako nagsasalita. Wala naman siyang
sinasabi.. pero hindi niya inalis yung tingin niya sa akin. Nakarating naman kami
doon sa bahay namin.

"Dito na ko." tinuro ko yung bahay ko.

Lumabas naman yung Mama ko nun sa gate namin buhat-buhat yung kapatid ko. Sabay pa
kaming lumingon nun.

"Shay anak akala ko nasa simbahan ka?" tumingin naman siya kay Nathan, "Oh Jiroh,
magkasama kayo ng anak ko?"

Hindi naman hinintay ni Mama yung sagot ni Nathan dahil binalik niya yung atensiyon
niya sa akin.

"Oh, tumawag si Randrei kanina. Hinahanap ka. Eh international call kaya sinabi ko
na tumawag na lang siya mamaya para hindi na siya magbayad ng mahal na tawag."
ngumiti naman si Mama kay Nathan nun, "O sige na pala papasok na ako at may
niluluto pa ako."

Tinignan ko si Nathan nun at nakatingin siya sa akin na parang ngayon lang niya ako
nakita. Ewan ko ba, nagulat din ako eh.

"Yeah... yeah!" tinuro niya ako, "That's why you look so familiar." tinuturo pa rin
niya ako nun, "Randrei Yu? Kilala mo si Randrei Yu?"
For some reason, hindi ako naging interesado sa kanya nung mga oras na iyon. Hindi
ko alam kung napagod ba ako or what, pero nginitian ko lang siya.

"Maraming Randrei Yu sa mundo. Kagaya ng maraming Nathan din na nasa paligid. What
are the odds na yung kilala mong Randrei at kilala kong Randrei, at yung kilala
kong Nathan at ikaw eh iisa? I don't see the point. Saka..." binuksan ko na yung
gate namin...

"Hindi ka naman interesado 'di ba?"

***7***
Hindi ko alam kung dapat ba akong makonsensiya sa sinabi ko sa kanya. Alam kong
nagulat siya sa sinagot ko dahil siguro sa hindi siya sanay na ganun na lang ako
kung magsalita. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko, siguro nagsisimula na
akong matauhan uli. Tama si Tjay, wala nga siguro ako sa sarili ko nitong mga
huling araw. Kung hindi niya kilala si Terrence, bakit ko ba pinagpipilitan? Isa
pa.. baka hindi rin naman magustuhan ni Terrence kung gagawin ko yun.

I want my old self back. Yung dating Shay. Baka nga sa sobrang dami na ng nangyari
sa akin, hindi ko na rin kilala yung sarili ko.

Hindi ako makatulog kinagabihan. For some reason, parang may gumugulo sa isip ko.
Hindi maalis-alis sa utak ko yung expression ng mukha niya nung sinagot ko siya ng
ganun, pakiramdam ko ang sama-sama kong tao.

Shay ano ba?!? Tama na nga ang pag-iisip sa ibang tao! Sarili mo naman ang isipin
mo.

"Anak..."

Narinig ko si Mama na nagsasalita sa labas. Kumakatok din siya pero ayaw kong
buksan yung pintuan. Baka mapansin pa niya ako na hindi pa ako tulog, makahalata pa
yun.

Aarte na lang ako na tulog.

Binuksan niya yung pintuan, pero dahil nakatakip ng kumot yung ulo ko, hindi na
niya tinuloy kung ano man yung gusto niyang sabihin.

Pagkatapos nun, sa wakas, nakatulog din naman ako.

***

"Grabe naman itong tao na ito oh!" nanlalaki na yung mata ni Tjay sa akin dahil sa
sobrang laki ng mga subo ko, "Hindi ka ba pinakain ng isang buwan at ganyan ka na
lang kung lumamon???"

"Ah-kho??" tinuro ko pa yung sarili ko habang punong-puno pa yung bibig ko, "Masaya
lang ako."

"Aba aba.. bago yata sa pandinig ko yun..." nag-lean siya sa table nun, "Ikaw
masaya? Eh ikaw nga itong mukmok ng mukmok ng matagal... tapos kung anu-anong
kabaliwan mo.. tapos ngayon bigla na lang..." napahinto siya ng kaunti, "Masaya
ka???"

"Bakit hindi na ba ako pwedeng maging masaya?" tinuro ko si Tjay, "Ito kamo. Parang
hindi kita bestfriend ah! Gusto mo pala umiiyak ako parati?"

"Hindi naman sa ganun loka ka! Naninibago lang ako. Nitong mga huling araw kasi
parang..." napakunut-noo siya, "Wala ka sa usual Nathan-crazed self mo. Alam mo
yun, natatakot lang ako kung may sakit ka na."

Nilagay niya yung kamay niya sa noo ko kaya tinapik ko naman bigla.

"Wala akong sakit.. ano ka ba!" yumuko naman ako ng kaunti at nilaro ko yung
pagkain sa harap ko, "Naisip ko lang naman... nakakapagod din na ipilit yung bagay-
bagay na hindi naman pala. Isa pa kung ako rin naman siguro yung nasa kalagayan
niya, baka ganun din ako." nginitian ko naman si Tjay nun, "Hindi ko na siya
guguluhin pa. Saka... gusto ko nang makalimot. 'Di ba dapat yun na ang gawin ko?"

"Wow Shay... natatakot na talaga ako sa 'yo. Bumabalik ka na ba talaga??"

"Ang kulit mo naman eh!"

Kumakain ako ng breakfast sa cafeteria nun dahil hindi ako nakakain sa bahay.
Naunang umalis si Tjay sa cafeteria dahil nakatanggap siya ng text kay Tita Jayne
na nakalimutan pala niya yung gym clothes niya at nasa gate na siya para ihatid.
Ako naman eh natapos na rin namang kumain, kaya naisip ko na mauna na ako sa
classroom. Isa pa, ayaw ko namang ma-late.

Papalakad na ako doon sa hallway kung saan ako madalas dumadaan. Pagkadating na
pagkadating ko doon sa pinakadulo eh napalingon ako sa kanan ko...

...nakita ko siyang paparating. Nasa tenga pa rin niya yung earphones niya, bukas
ang polo, kamay sa isang bulsa, at nakalingon sa kaliwang direksiyon niya.

Napaatras ako ng mabilis. Kung plano kong iwasan na yung mga ginagawa ko dati,
hindi na rin ako dapat dumadaan dito. Kaya lang naman ako dumadaan dito nun dahil
dito siya. Wala ng point.

Tinignan ko lang siya uli, tapos tumalikod na ako para dumaan sa kabilang side.
Kahit na alam kong mas malayo yung bago kong dinadaanan, mas gumaan yung pakiramdam
ko. At least sa ganoong paraan, wala siyang masasabi na sinusundan ko na naman
siya.

Na-late ako ng dating sa room dahil napalayo yung dinaanan ko. Nakakahiya dahil
pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan, nagtinginan lahat sa akin. Hindi naman
nagalit yung first period teacher ko, pero nag-sorry na pa rin ako.

As usual nakaupo pa rin siya doon sa upuan sa likuran. Absent na naman si Carlo
kaya siya lang ang nasa pinakalikuran. Magkatabi kami ng upuan, kaya hindi ko naman
maiiwasan na dumaan sa harapan niya.

Pagkadating na pagkadating ko doon sa dulo, napahinto ako nung napatapat ako doon
sa upuan niya. Umatras ako ng kaunti, at lumingon ako sa likuran ko. May bakante
pang upuan sa kabilang row, kaya umikot naman ako... at doon ako naupo.

Napatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung nagulat ba siya, pero alam kong
tinignan niya ako nung maupo ako sa kabilang side na malayo na sa kanya.

Nag-seryoso na rin ako sa klase ko. Pinilit kong mag-aral ng mabuti at alisin lahat
ng mga naging problema ko. Alam ko namang walang mangyayari sa akin kung mag
papatuloy ako ng ganun.

Tumabi sa akin si Tjay nung 2nd period. Napansin nung teacher namin na wala kami sa
assigned seats namin, kaya lang pinilit namin siya na doon na lang kaming dalawa..
kaya pumayag na rin at pinagtabi kami. Ang saya ko nga dahil at least kahit
papaano.. katabi ko na si Tjay.

"Oi ano namang drama mo at dito ka na nauupo?"

"Wala lang." sagot ko naman ng mabilis sa kanya, "Gusto ko lang na nasa pinakalikod
ako."

"Eh likuran na rin naman na yung upuan mo doon ah!" tinuro niya yung side na dati
kong upuan. "Ayaw mo bang katabi si Jiroh? Ano bang meron? May body odor ba???
Mabaho ang hininga? Ano??"

"Ano ka ba... wala." lilingon sana ako sa side niya, pero hindi ko na ginawa,
"Gusto ko lang ng bagong upuan. Isa pa matangkad si Arnie sa harapan ko, hindi ko
makita yung board."

"Wooosshhooo! Palusot ka pa eh! Sabihin mo umiiwas ka lang!"

Wala namang nangyaring maganda nung umaga. Bored nga ako ng nagklase kami, pero
parang wala na lang nung malapit na mag-uwian ng lunch break. Lumapit sa akin si
Rae nun, tapos naupo na naman sa harapan ko.

"Shay.." sabi niya ng mahina, "Nag-away ba kayo ni Jian?"

"Huh?" nagtaka naman ako sa tanong niya, "Hindi. Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang.. naninibago lang kasi ako. Hindi kayo nag-uusap tapos lumipat ka pa ng
upuan. Feeling ko kasi nag-away kayo."

"Hindi..." hindi ko alam kung matatawa ba ako nun o ano, "Magpinsan nga kayo ni
Tjay. Siya rin kanina pa ko sinasabihan na naninibago siya sa akin." ngumiti ako sa
kanya, "Hindi kami nag-away. Lumipat lang ako ng upuan pero hindi ibig sabihin nag-
away kami. Saka ano namang nakakapanibago na hindi kami nag-uusap? Dati naman nag-
uusap kami, pero bihira. So.. parang ganun pa rin naman." tinaas ko yung blue ko na
pen, "Teka ano yung nakasulat sa board?"

"Tama na nga yan..." hinila niya yung pen ko pababa, "I know what you're doing.
Iniiwasan mo siya."

"Hindi ko siya iniiwasan."

"You are!"

"Hindi nga!"

"Iniiwasan mo!!" sinigaw talaga ni Rae yun, "Hindi mo lang inaamin pero yun yung
ginagawa mo." tinapik niya ako sa balikat ko, "Pero ikaw bahala, kung tutuusin rude
din naman talaga siya sa iyo."

"Hindi ko siya iniiwasan..." yumuko lang ako, "Naisip ko lang wala namang
mangyayari kung susundan ko siya parati. Saka..." tumingin ako sa side niya, "Hindi
naman siya si Nathan."

Tumayo ako sa pagkakaupo ko nun. May hawak-hawak akong list ng mga pangalan ng mga
basketball team members na may numbers na gusto nila para sa jerseys nila. Ako ang
manager, kaya ako ang naka-assign doon.

Lumapit ako sa direksiyon ng dati kong upuan. Napatingin lang siya sa paa ko, pero
nagulat siya nung makita niyang ako yung nakatayo sa harapan niya.

Inalis niya yung earphones niya.

"Hey uhh.."

Ini-stretch ko yung kamay ko sa harapan ko hawak-hawak yung papel na para bang


inaabot ko na sa kanya. Napatingin siya doon sa papel, pero hindi naman niya
binasa.

"Ano 'to???"

"Captain..." sabi ko kaagad at lalo kong inabot yung papel sa kanya, "Yan na yung
listahan ng mga pangalan saka yung mga jersey numbers. Kumpleto na.."

"Huwag mo akong tawaging Captain. Tatawagin mo lang akong Captain kung may game,
nasa practice, o nasa gym tayo. Pero kapag nandito tayo.." inikot niya yung
paningin niya sa buong classroom, "Classmates tayo."

Tumango lang ako nun.

Nakita ko na binabasa na niya yung listahan. Ako naman eh nakatayo pa rin doon sa
harapan niya, at nung napansin ko na medyo natapos na niyang basahin, saka lang ako
nagtanong uli.

"May na-miss ka na isa. Pero okay lang ako na lang magtatanong sa kanya."

"Wala ka na bang ipapagawa sa akin... Jiroh?"

Nakatingin pa rin siya sa listahan nun at seryosong-seryoso na binabasa niya yun.


Panay ang turo niya doon sa mga pangalan, kaya hindi siya masyadong nakikinig sa
akin.

"Sa ngayon wala pa pero mamayang uwian sa practice sasabihin ko na la---" napahinto
siya ng biglaan nun.

Tumingin siya sa akin na para bang ngayon lang niya ako nakita. Kakaiba yung tingin
na iyon, ewan ko ba pero parang nadisappoint siya sa akin na hindi ko maintindihan.
Yumuko rin siya at parang umiwas siya na tumingin sa akin.

"Sasabihin ko na lang mamaya."

"Ok." sagot ko naman kaagad sa kanya "Sige pala mauuna na ko. Uuwi pa kasi ako."

Kinuha ko yung bag ko nun sa kabilang row. Papalabas na sana ako ng room nun, kaya
lang tinawag niya ako uli.

"Hey!"

Lumingon naman ako sa pagtawag niya. Parang hindi siya mapakali nun na hindi ko
maintindihan.

Napansin niya siguro na hinihintay ko yung sasabihin niya, kaya napilitan din siya.

"Ano eh..." hinawakan niya yung likod ng ulo niya, "Tinawag mo kong Jiroh?"
Ngumiti ako nun sabay tumango ako. Parang sa kaloob-looban ko, alam ko na itatanong
niya rin yun.

"Yeah. Napagisip-isip ko kasi na ayaw mong tinatawag kita ng ibang pangalan. Isa
pa, nagkamali nga siguro ako noon pa man nung makita kita. Sorry. Sorry talaga."
yumuko ako nun ng matagal bago ako tumayo uli ng maayos, "Huwag kang mag-alala..."

"Hindi na kita tatawaging Nathan kahit kailan."

***8***
Busy pa rin ako. Pero hindi katulad nung mga nakaraang araw na nakakalimutan kong
magpahinga madalas, nakakatulog naman na ako ng maayos ngayon. Nakakapagod pa rin
naman yung mga ginagawa ko, pero alam ko na habang tumatagal makakasanayan ko rin
naman iyon.

Nagkaroon sila ng practice ng basketball. Ginawa ko pa rin yung mga pinapagawa nila
sa akin. Ako yung bumili ng pagkain nila, nagbigay ng towels, nagpulot ng bola, at
yung usual na utus-utusan ng mga guys. I don't mind at all. Isa pa, kung tinanggap
ko itong responsibility na ito, dapat lang siguro na pangatawanan ko 'di ba?

"Ano ba?!" sumigaw yung isang lalaki na kasamahan nila sa team, "Ano bang
problema?"

"Oo nga. Kanina ka pa parang wala sa sarili mo diyan!" dagdag naman nung isa pa.

Napalingon na ako nun. Nasa gilid kasi ako nun at nilalagyan ko ng refill yung
Gatorade bottles nila.

"Huwag mo nga akong pinapansin." binato niya yung bola na pinasa sa kanya, "Lahat
na lang pinapakelaman niyo."

Yumuko ako nun para hindi niya nanonood ako sa nangyayari. Tinuloy ko na lang yung
paglalagay ko ng Gatorade doon sa bottles nila.

Dumere-diretso siya ng lakad at alam mong bad mood na siya. Iniwas ko talaga yung
tingin ko nung napadaan siya sa gilid ko para hindi niya mapansin na kanina pa ako
nakikinig sa kanila.

"Jian!" sumigaw naman si Billy na nasa kabilang side ng gym, "Hindi ka na


maintindihan! Bakit ba parang wala ka sa sarili mo?"

Hindi pinansin ni Jiroh si Billy. Malapit na siya doon sa exit ng gym. For some
reason, yung view na papalabas siya ng gym at nasa bad mood eh may pinapaalala sa
akin.
Pero ano?!?

"Sige huwag kang makinig! Kaya tayo natalo sa championship dahil sa ganyan ka eh!
Huwag kang makinig. Laking tawa ko lang kung kailan Senior ka na, saka ka pa
magloloko!"

Parang balewala yung pangongonsensya ni Billy sa kanya.


"JIAN!!!"

Ewan ko ba kung anong nangyari sa mga iyon. Basta sumunod na lang na alam ko eh
parang lahat eh nasa masamang mood na. Sumugod lahat sa side ko, kumuha ng iinumin,
hinagis yung mga towels, at saglit lang iniwan nila na nakakalat lahat. Ako lang
tuloy yung naiwan sa gym na nagliligpit nung mga kinalat nila.

Mga lalaki nga naman tignan mo oh...

Pero bakit ba parang wala sa magandang mood si Jiroh? Anong problema niya? Saka
bakit parang... bakit parang yung scene kanina na papalabas siya sa gym eh parang
nakita ko na dati? Napanaginipan ko na ba? Kasi parang yung inarte niya parang
si....

---Terrence.

"Hoy!" bigla na lang may tumapik sa balikat ko.

Sa sobrang gulat ko, napasubsob ako ng kaunti kaya nai-lean ko yung tuhod ko sa
sahig. Paglingon ko naman, siya lang naman pala.

"San na sila?"

Tinaas ko yung dalawang balikat ko. Anong malay ko kung nasaan na yung team mates
niya. Umalis-alis siya tapos hahanapin niya sa akin? Siguro naman umuwi na.

"Bakit ikaw na lang ang nandito?"

Siyempre naman, tinatapos ko pa ito. Manager pa tawag, alalay lang naman pala ang
dating.

"Nililipgpit ko lang ito." tinuro ko yung mga bola, at yung iba-iba pang kinalat
nila sa gym.

Inisa-isa kong pulutin lahat. Alam ko gabi na nun. Pagod na pagod na rin ako at ang
dilim na sa labas. Kami na lang ni Jiroh yung natitira sa loob. Nakaupo siya doon
sa gilid at pinupunasan niya yung ulo niya.

"Bakit nandito ka pa? Hindi ka pa ba uuwi?" tinanong ko siya dahil nandun lang siya
sa may upuan sa gilid.

Parang nagulat siya na tinanong ko siya. Huminto siya saglit na parang nag-aalangan
na sagutin ako, pero saglit lang eh bumuka naman yung bibig niya para magsalita.

"Ikaw na lang yung nandito, anong gusto mong gawin ko?" tinaas niya yung isang
kilay niya, "Iwan kita dito?"

"Okay lang." sagot ko naman ng mabilis, "Okay lang ako. Mauna ka nang umuwi."

Imbis na kumilos siya papaalis doon sa bench, tinaas niya yung dalawang paa niya at
nahiga siya. Yung kanang braso niya eh inangat niya papunta doon sa mata niya na
parang matutulog na siya.

"Gisingin mo na lang ako pagtapos ka na."

Tingnan mo nga ito. Pinapauwi ko na nga tapos ngayon diyan pa matutulog. Tapos
kapag ginabi kami ng ginabi, sisisihin pa niya ako na mabagal akong kumilos. Ang
gulo nga naman ng mga tao.
Siguro inabot pa ng another 20 minutes bago ko na-clear yung gym. Hindi ko naman
kasi alam na sobrang hirap palang buksan nung room nila sa mga sports gear nila.
Ang bigat-bigat na nga, ang sakit pa sa kamay buksan.

Shina-shake ko pa yung kamay ko sa sobang sakit hanggang sa makaabot na ako upuan


kung saan natutulog si Jiroh. Umupo lang ako doon sa may gilid niya na halos
malapit sa mukha niya. Hindi ko makita yung mata niya dahil natatakpan, pero
kitang-kita ko naman yung ilong niya. Ang tangos. Tapos....

Ano ba ko? Gisingin na nga kung gigisingin yung tao.

"Hey..." ginamit ko yung isang daliri ko para tusukin yung biceps niya, ang
tigas... "Tapos na ako."

Nung nakita ko na nag-move na siya, saka ko na kinuha yung bag ko at lumabas na


ako. Hindi naman siguro kami magsasabay umuwi 'di ba?

"Tara na nga sabay na tayo." nginitian niya ako, "Akin na yung bag mo."

Nagtaka naman ako nung kinuha niya yung bag ko. Sasabay siya sa akin?

"Uhmmm hindi na lang. Okay lang, uuwi na lang ako mag-isa." kinukuha ko uli yung
bag ko sa kanya, "Kaya ko naman na sarili ko."

Hindi niya ibinigay yung bag ko sa akin. Instead, nagsimula siyang maglakad na
parang hindi niya narinig yung sinabi ko. Ako naman dahil hindi ko naman makuha,
nagsimula na lang akong malakad kasabay niya. Tinignan ko siya saglit dahil
nakakapanibago naman, pero inalis ko rin naman agad yung tingin ko. Siguro ganyan
lang siya dahil magkatabi lang naman yung bahay namin. Wala namang masamang
magsabay kami.

Hindi ako nagsalita nung naglalakad na kami. Sumakay naman na kami ng jeep at kahit
doon, nananahimik din siya na parang naiilang sa akin na hindi ko maintindihan.
SIya pa nga ang nagbayad nung pamasahe namin, at nung babayaran ko na sa kanya,
ayaw namang tanggapin. Sabi niya sa susunod na lang daw ako bumawi sa kanya.

Pagkababang pagkababa namin eh nagsimulang bumilis yung paglakad ko. Ewan ko ba,
nakasanayan ko na siguro dahil sa ang hilig kong sumunod sa kung sinu-sinong mga
tao. Nagulat na lang ako nung humawak siya sa kamay ko, kaya lumingon ako sa
kanya.

"Hey..." mahina na yung boses niya, "Takot ka ba sa akin?"

Nagtaka naman ako doon. Bakit naman niya ako tatanungin kung takot ako sa kanya?

"Huh? Bakit mo naman natanong?"

Bumitaw na rin siya sa kamay ko. Yung itsura nun eh nalilito na hindi ko
maintindihan.

"Wala lang. Pakiramdam ko kasi takot ka sa akin kaya ang bilis mong maglakad."

Natawa ako nun. Ganun lang naman ako. Hindi pa ba niya napansin yun???

"Hindi. Mabilis lang talaga akong maglakad." naglakad naman akong patalikod, "Habit
na siguro."

Nakarating naman na kami kaagad sa bahay ko. Huminto naman siya at inabot niya yung
bag niya sa akin. Sa bintana namin, nakita ko na nakatayo si Mama sa harapan ng TV
at karga-karga yung kapatid ko. Napansin ko na nakatingin din siya sa tinitignan
ko. Hinawakan niya yung back ng ulo niya at nagsimula siyang umiling habang
tumatawa.

"Your Mom's cool." tinuro niya si Mama sa bintana, "Sabi niya kailangan mawala daw
yung fats niya. Tinanong pa niya kung meron daw ba siyang mahihiram na pang
exercise sa room ko."

"Nakakahiya talaga si Mama..." napakunut-noo naman ako, "Anyway, sige pala mauuna
na ako ah. May homeworks pa kasi tayo 'di ba?"

"Oh." sabi niya na parang nakalimutan niya yung bagay na yun, "Right."

Papasok na sana ako sa loob ng bahay namin nung makita ko na nakatayo pa rin siya
doon sa harapan ng gate namin at hinihintay yata niya na makapasok ako. Hindi naman
ako pumasok dire-diretso, Instead, bumalik ako sa direksiyon niya at ini-stretch ko
yung kamay ko sa harapan ko.

"Hindi pa yata tayo nagkakakilala ng maayos." halata mong nagtataka na siya sa akin
nun, "Shaylie Jimenez."

Nung una eh hindi pa niya malaman kung makikipag-shake hands ba siya sa akin o
hindi. Nung naisip niya rin siguro, kinuha niya rin yung kamay ko pero wala naman
siyang sinabi.

"Pasensiya nung mga... yung alam mo na---" iniwas ko saglit yung tingin ko,

Ano na bang gagawin ko? Wala naman siyang sinasagot sa akin. Hindi ko tuloy alam
kung nagmumukha na ba akong ewan dito at nakatingin lang siya sa akin. Inalis ko
naman na yung kamay ko, at tumalikod na ako.

Bakit ba ayaw niyang magpakilala???

Hawak-hawak ko na yung doorknob ng pintuan nung tumawag naman siya sa akin.

"Shaylie!"

Paglingon ko, nakangiti na siya sa akin. Tinaas niya ung kamay niya, at gumawa siya
ng peace sign. At least, yun yung alam kong ginawa niya.

"Nathan nga pala," nginitian niya ako, "Matagal na tayong magkakilala 'di ba?"

***9***

Hindi ko inaasahan na tatawagin niyang Nathan ang sarili niya. Akala ko ba ayaw
niya sa pangalan na iyon? Bakit ba ang labo naman niyang kausap?

Tinignan ko lang siya ng may halong pagtataka. Tumalikod na ako, lumingon uli, at
dumeretso na akong pumasok sa bahay namin. Ewan ko ba, sumasakit na naman yung ulo
ko kakaisip.

Minsan nga sa school, madalas ko na ring napapansin na parang wala rin siya sa
sarili niya. Nagulat na nga lang ako dahil isang araw ganito yung scene sa room
namin:

“Jiroh, pinapatawag ka sa office.” Sabi nung isang lalaki na lagi kong


nakakalimutan yung pangalan.
Hindi pa rin siya lumingon. Parang wala nga siyang narinig eh.

“Jiroh. Wui!”

Wala pa rin.

“NATHAN!”

Parang natauhan siya nun. Kung wala siya sa mundo kanina, parang nagbalik siya nung
mga oras na iyon.

“Huh? Ano sabi mo?”

“Tignan mo ‘to… kapag ibang pangalan pala…” tinapik siya nung lalaki sa braso niya,
“Pinapatawag ka sa office. Bilisan mo magta-time na.”

Dumaan siya nun sa harapan ng lahat. Napansin ko pa nga na lumingon siya sa


direksiyon ko. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako, o totoo ba yung
nakiita ko.

Nung free period namin, umupo sa tabi ko si Rae. Ang cute-cute nga niyang tignan
kasi maraming nakalagay na kung anu-ano sa buhok niya.

"Shay, nagawa mo na homework natin sa Research? Pakopya naman oh." sabi niya sa
akin kaagad nung kauupo pa lang niya. "Gabi na kasi kami nakauwi ni Daddy, kaya
ayun hindi ko na nagawa. Antok na antok na kasi ako."

"Oh." inabot ko sa kanya yung research ko, "Hindi ko nasagutan yung number 4,
mangopya ka na lang sa iba."

Nagsimula naman nang mangopya si Rae sa homework ko. Paminsan-minsan, hihinto siya
at titingin sa akin, then sa labas, tapos sa akin uli. Ang gulo nga niya,
nakakailang tuloy. Napahinto akong bigla sa binabasa ko na libro at tinignan ko na
lang din siya pabalik.

"May... dumi ba ko sa mukha?"

Parang hindi niya narinig yung tanong ko. Instead, bigla na lang niyang sinabi
eh...

"Napansin mo ba na iba ang kinikilos ni Jian lately? Papansin masyado no?" tapos
tumingin siya sa kisame, "Tapos nung tinawag siya na Nathan kanina.. lumingon na
rin. Ang landi ng tao na yun! Gusto rin naman pala niya."

"Hindi naman. Baka kakapilit ko kasi sa pangalan na iyon sa kanya baka nasanay lang
siya na naririnig niya."

"OA niya naku..." panay pa rin ang sulat niya doon sa notebook niya, "Kung hindi ko
pa alam nagkakagusto na sa iyo yun."

"Hey, wala namang ganya---"

Hindi ko naman natapos yung sasabihin ko dahil sumingit naman si Tjay. Naupo naman
siya doon sa upuan sa harapan ni Rae.

"Ang bilis naman!" nginitian niya ako ng nakakaloko, "Pero sabagay okay lang. Cute
naman yung Jiroh na yun."

Inaasar pa ako nung dalawa na iyon kay Jiroh. Hindi naman ako natutuwa dahil
nakakahiya. Baka isipin pa niya na may gusto nga ako sa kanya. Ang dami pa ngang
nakakarinig, kaya yung iba tumingin na sa akin.

Kasama na tuloy ako doon sa kung ano mang fans club meron siya.

Eksakto namang pagpasok na pagpasok ni Jiroh, saka nagsitahimik sa loob ng


classroom namin. Halata kong napansin din iya na nanahimik nung pumasok siya, dahil
huminto siya at tumingin sa paligid niya.

"Anong problema niyong lahat?!?"

Wala namang sumagot sa kanya. Lumakad na lang siya uli nung wala siyang nakuhang
sagot kahit kanino. Yumuko na lang ako at binasa ko na lang uli yung libro na
hawak-hawak ko.

Papadaan pa lang siya sa harapan namin nung sumigaw si Rae ng...

"JIAN!"

Hindi naman huminto si Jiroh. Narinig niya pero nagdire-diretso lang siya.

"WOI! Babatukan kita kapag hindi ka lumingon."

"ANO???" finally, lumingon din siya.

"Huwag kang aanu-ano diyan..." sabi naman ni Rae, "Ikaw... deretsahan..." tinuro
niya ako, "May gusto ka ba kay Shay?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya nahulog yung siko ko sa gilid ng desk ko. Ano ba
namang klaseng tanong yan Rae? Kailangan bang ipahiya ako ng ganito???

Lalong nagsi-ingay sa loob ng room namin na parang nag-aasaran na. Gustung-gusto


kong itago yung mukha ko. Ayaw ko lang ipahalata na hiyang-hiya na ako doon sa
kinauupuan ko.

Lumapit naman si Jiroh doon sa side ko. Sa mismong harapan ko. Magkahaparap yung
dalawang mukha namin.

"Oo... may gusto ako sa iyo---"

Napalunok ako nun. Saka naman nanahimik yung mga tao uli. Hindi ko alam ang
sasabihin ko.

"---Rae." sabay binaling niya yung tingin niya, at niyakap niya si Rae.

***10***
Siguro nga hindi na dapat ako nagulat sa ginawa ni Jiroh. Matagal na silang
magkaibigan ni Rae, at napakabait at ang ganda naman niya. Isa pa, isa na siya
siguro sa mga pinaka-the-best ang personality na babae na makikilala mo sa Trinity
High. Not that I know a lot of people, pero so far, Rae's great.

Nagulat na lang ako nung sa pagkakayakap niya, sinuntok ni Rae sa tiyan si Jiroh
kaya nasikmuraan yata,. Umubo-ubo pa si Jiroh nun na hindi ko alam kung nagloloko
ba o ano. Ako naman eh nag-iinit pa rin yung mukha ko dahil medyo napahiya naman
ako doon.

"Ikaw yung mga biro mo, hindi maganda ah." sabi ni Rae sa kanya sabay tulak ng
konti, "Seryoso akong nagtatanong kung may gusto ka dito.." tinuro naman niya ako,
"Tapos ganun ka na lang mamahiya? Ang sama ng ugali mo."

Tinignan naman ako ni Jiroh. Seryoso naman yung mukha niya pero wala naman siyang
sinabi pagkatapos nun. Hindi ko alam kung disappointed ba siya at natutukso siya sa
akin, o disappointed siya dahil sa ibang bagay.

Naupo naman siya at nanahimik na lang doon sa upuan niya.

The rest of the day eh hindi na siya nagsalita at nanahimik na lang siya doon sa
upuan niya. Medyo awkward nga eh, pero hindi ko na rin siya pinansin. Isa pa,
pinapangatawanan ko na hindi ko na siya masyadong guguluhin. Kapag nagtanong pa ako
sa kanya kung may problema siya, baka lalo pang mapasama.

Nung dumating yung lunch, naisipan ni Tjay na mag-stay na lang sa school at sumabay
sa akin kumain. Sinabi niya na gusto daw niyang tapusin yung isang report namin at
kapag umuwi pa daw siya eh mauubusan siya ng oras. Kaya ayun, habang nasa cafeteria
kami eh bukas lahat yung notebook niya at nag-aaral habang kumakain.

Pinapanood ko lang si Tjay nun. She seems fine.

"Tumawag si Ran recently..." bigla ko na lang sinabi kaya napahinto si Tjay doon sa
pagbabasa niya, "Nalimutan ko lang sabihin sa iyo."

Tumingin sa akin si Tjay nun pero parang ang tamlay niya. Hindi ko maintindihan
kung bakit parang nalungkot siya.

"Kumusta naman daw siya?" binalik niya yung tingin niya doon sa notebook niya,
"Okay naman ba?"

"Hindi ko alam eh." sagot ko naman, "Hindi ko kasi siya nakausap. Na-miss ko yung
call."

Tumango lang si Tjay pero nanahimik. It was very odd. Usually si Tjay eh madaldal
kapag may kinalaman kay Ran. I wonder kung silang dalawa ba eh okay lang.

"May problema ba kayo ni Ran?" tinanong ko naman siya dahil nagtataka din naman
ako.

"Wala."

"Eh bakit parang ang tamlay mo yata?"

Tumingin si Tjay sa akin. Nginitian naman niya ako na parang napipilitan lang.
Sinalaksak niya yung sandwich na kinakain ko sa bibig ko para hindi na ako
makapagsalita. Mabuti na lang hindi ako nabulunan nun.

"Kumain ka na nga lang. Dami mong tanong eh."

I guess she was trying to avoid the topic, kaya hindi ko na pinilit pa. Best friend
ko nga si Tjay, pero kung ayaw niya sigurong pag-usapan yun, eh 'di siguro dapat ko
na lang respetuhin. Hihintayin ko na lang siguro kung kailan niya gustong ikuwento
sa akin yung nangyari.

Hay. Sana lang okay silang dalawa.

Mabilis naman natapos yung afternoon classes namin. Siguro pre-occupied lang ako
kaya piling ko eh mabilis na natapos yung hapon. Kung nandoon pa ako sa lumang
school namin, malamang siguro eh papauwi na ako ngayon. Pero dahil manager ako ng
team ng basketball nila dito, kailangan kong mag-stay after school.

Minsan hindi ko nga alam kung pinagsisisihan ko ba na sumali or what. It takes so


much of my time. May times na ang hirap maghanap ng study time dahil gabi na kami
nakakauwi. Ang masaklap pa, kahit na slave ako ng mga basketball players nila,
they're not fond of me. To them, I'm just... there. I wonder kung yung lumang
manager na si Abby eh ganito din nila tratuhin.

Nakaupo lang ako doon sa gilid at umarte ako na mala-Tjay. Nilabas ko yung notebook
ko para makapag-aral habang naghihintay ako na matapos yung practice nila. Wala pa
naman akong ginagawa, so I guess ayoko namang magsayang ng oras na mukha akong ewan
doon.

Pagkabukas na pagkabukas ko nung notebook ko, isang sketch na naman ng mukha ni


Nathan yung nakita ko na nakaipit doon. Hinawakan ko yung papel at tinaas ko ng
konti. Kamukhang-kamukha talaga ni Jiroh yung lalaki sa sketch. Ang hindi ko lang
maintindihan, kung bakit hindi niya kilala yung nag-drawing nito.

Ang sakit talaga sa ulo mag-isip.

"Hoy!" narinig ko na may sumigaw doon sa may gitna ng court, "Manager Weird!"

Pagtingin na pagtingin ko eh yun yung lalaki na sumipa ng bola dati sa gym para
pahirapan ako na pulutin. He's not very nice. Mukhang dahil laking yaman at sikat
din siguro sa school, panay yabang din sa katawan. I'd take Arwyn any time over
this guy. At least si Arwyn presko lang, this guy is just plain rude.

"Bakit?"

"Wala ka namang ginagawa diyan 'di ba?" lumapit siya at pinupunasan niya yung mukha
na panay pawis na, "Bilihan mo nga ako ng frapuccino sa Parrot Ice. Ito yung pera
oh..." inabot naman niya sa akin yung pera niya.

Tumayo naman ako at pupunta na sana ako doon sa pintuan ng gym. Napansin ko na nasa
gitna pa si Jiroh at nagsho-shoot ng bola. Seryosong-seryoso siya na parang walang
tao sa gym. Hindi ko ba alam kung galit siya or what.

For a basketball player na magaling, wala siyang ma-shoot nung time na yun. Lahat
na-miss niya.

"Jian! May gusto ka ba ipabili kay weirdo?" sigaw naman nung lalaki.

That guy talks like I wasn't there. Parang wala siyang pakialam kung masaktan man
niya yung feelings ko or what.

Hindi natinag si Jiroh doon. Panay pa rin ang shoot niya. Galit kaya siya kung
kanino?

"Jian!"

Wala pa rin. Nandun lang siya at parang walang pakialam sa amin at parang walang
naririnig.

"Hayaan mo na nga. Mukhang badtrip na naman yata eh." tinignan niya ako uli,
"Anyway, gusto ko ng Caramel okay?"

May tatlo pang nagpabili sa akin ng kung anu-anong flavors ng snow cones sa Parrot
Ice. Sinabi ko na isa-isa lang dahil baka hindi ko naman makayang bitbitin ang
lahat. After all, dalawa lang naman ang kamay ko at hindi anim.
Unlike sa old school ko na may kalayuan yung Parrot Ice, malapit naman yun sa
Trinity. Nilalakad lang kaya hindi naman masama. Habang naglalakad pa nga ako nun
eh iniisip ko pa kung paano ko bibitbitin lahat ng orders, then naisip ko na may
cup holders nga pala si na maramihan. In the end, na-order ko naman ang lahat at
nabitbit ko ng walang kahirap-hirap.

Medyo natutunaw na yung snow cones nung pabalik ako. Ang init-init kasi nun. Medyo
dumidilim na rin, pero nakabalik din naman ako sa school. Kaya lang pagkadating na
pagkadating ko doon sa gym, lahat ng basketball players eh nakapaligid doon sa
bench na inuupuan ko kanina at parang may tinitignan.

Nagsalita uli yung lalaki na nakakainis.

"Creeper alert." sabi niya nung nasa pinto na ako ng gym.

Saka nag-open yung circle nila para tignan ako. Nandoon sa gitna si Jiroh at
magkasalubong yung kilay niya na parang galit na galit. Hindi ko naman malaman kung
ano ang dapat niyang ikagalit sa akin dahil wala naman akong ginagawa. Kaya lang
napansin ko na may hawak siya sa kamay niya.

Isang papel.

"Stalker ka ba or what?!" unang pasabi niya nung makita niya ako sa gym, "Ano???"

Kinabahan ako nun. Hawak-hawak niya yung sketch ni Terrence. Sa sobrang higpit ng
pagkakahawak niya, nalulukot na yung papel.

"J-jiroh..." nagulat na lang ako nung nanginginig na yung boses ko, "J-jiroh,
ingatan mo yung sketch please."

Lumunok ako ng lumunok nun. Parang gusto ko namang umiyak doon pero pinipigilan ko
lang.

"Saan mo nakuha 'to?!?" tinaas niya yung sketch na hawak niya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko nun. Sinubukan kong maglakad papalapit, pero hindi ko
makuhang lumapit ng tuluyan sa kanya.

"P-please... ingatan mo yung sketch. Nakikiusap ako, ibalik mo naman sa akin oh."

Galit pa rin siya nun. Hindi ko malaman kung bakit nag-uumapaw na lang yung galit
niya. Wala naman akong ginagawang masama. At least, I don't think I did anything
wrong.

"Ang weird mo talaga no?! Akala ko pa naman okay ka na!" lumapit siya sa akin at
napatingala ako para tignan ko yung mukha niya, "Ano sinusundan mo na naman ako
para i-drawing mo naman ako ngayon?! Ano bang gusto mo ha?!?"

Hindi ako makasagot nun. Yumuko ako at napaluha na lang ako doon.

"P-pakibalik naman yung sketch sa akin..." tinignan ko siya kahit na blurry na yung
paningin ko sa pag-iyak ko, "Nakikiusap ako, akin na yung sketch."

Umatras siyang bigla at tinaas niya yung sketch sa kamay niya. Dahil basketball
player siya at matangkad siya than most, malabong maabot ko pa yun sa kamay niya.

Nung napansin niya siguro na umiiyak ako doon, medyo nag-iba yung mukha niya. Hindi
na siya mukhang galit, pero halata mong naiinis pa rin siya sa akin.
"You're fired." mahinang sabi niya habang nakatayo siya sa harapan ko.

Nanahimik pati yung mga basketball players. Hindi siguro nila inaasahan na mauuwi
sa ganun yung practice.

"Take your stuff and then leave." inabot niya yung bag ko sa akin, kasama nung
sketch na hawak-hawak niya.

Aabutin ko na sana, kaya lang inagaw nung lalaki na inutusan akong bumili sa Parrot
Ice at winagayway niya yung papel. Inaasar-asar pa niya ako nun.

"May crush ka pala kay Jian kaya pala sunod ka ng sunod ah!"

Si Jiroh naman nun, parang asar na asar na.

"Ibalik mo na." from the sound of his voice, I know he meant it, "Sabi ko... ibalik
mo na."

Tinignan lang niya si Jiroh. Siguro out of respect na rin sa Captain, lumapit siya
sa akin at ini-stretch niya yung kamay niya para isoli sa akin yung sketch.

Nung aabutin ko na, bigla na lang niyang nilukot at pinunit yung papel.

"Ano ka ba!" sumigaw si Jiroh nun at hinawakan niya yung kasama niya.

"Huwag!! Please! Ano ba!"

Lumuhod ako doon sa sahig para kunin ko yung napunit na sketch. Wala akong ginawa
kung hindi umiyak ng umiyak doon. That was the last sketch of Nathan na meron ako.

Kinukuha ko pa nung bigla na lang may tumayo sa gilid ko, at inalalayan ako tumayo.

"You guys are such assholes!" narinig ko na sinigaw niya doon sa gym.

Paglingon ko, nakatayo doon si Carlo sa may gilid. I've never seen him so mad.

Lumapit siya doon sa lalaki na ngingisi-ngisi pa na nagpunit ng sketch ni Terrence.


Tumayo si Carlo doon, at nagulat na lang ako nung sinuntok niyang bigla.

Nagkagulo doon sa gym. Hinawakan nun si Carlo at yung lalaki dahil mag-aaway na
sila. In the end, binitawan din naman nila si Carlo. This time, kay Jiroh naman
siya lumapit.

Hinawakan niya sa jersey si Jiroh at parang mag-aaway na talaga sila. Ang sama ng
tingin ni Carlo sa kanya, kaya ako eh nanginginig doon sa kinatatayuan ko.

"C-carlo..."

Narinig yata ako ni Carlo dahil lumingon siya ng konti sa direksiyon ko. Binitawan
niya yung pagkakahawak niya sa jersey ni Jiroh.

"You know what, hindi na dapat akong mag-bother." tinaas ni Carlo yung chin niya
para mapantayan niya yung mukha ni Jiroh, "Even if you knew what that picture
meant...you will not be half as great as the guy who drew that..."

Hinawakan naman ako ni Carlo at dinala niya yung bag ko.

"Tara na Shay. You're better off without them."


Bago pa ako umalis doon kasama ni Carlo, nakita ko yung mukha ni Jiroh na nakatayo
doon na parang na-shock na hindi ko maintindihan. But mostly...

He looked puzzled and hurt more than anything.

***11***
Inalalayan naman ako ni Carlo papalabas ng gym nun. Wala akong ginawa kung hindi
umiyak na lang ng umiyak dahil tumulo na lang ng tumulo yung luha ko. Pakiramdam ko
nun eh nakatingin ang lahat sa amin ni Carlo dahil nanahimik lahat ng nasa
basketball team ng Trinity. Pero kahit ganun pa man, hindi na ako lumingon uli.

Hawak-hawak ni Carlo yung balikat ako at halata mong concerned naman na siya sa
akin. Medyo hinapit niya yung pagkakahawak sa akin dahil siguro sa umiiyak ako,
kaya sumandal na lang ako ng konti sa kanya. Buti pa ito eh, ang bait sa akin.

Matagal-tagal din akong sumandal sa kanya, pagkatapos eh naabutan na lang kami ni


Tjay na nakatayo doon. Akala ko eh umuwi na siya dahil gabi na rin, hindi ko alam
na nag-stay pa pala siya ng after hours. Medyo nag-aalala naman yung mukha niya,
kaya bigla na lang siyang tumingin kay Carlo.

"Hoy anong ginawa mo kay Shay ha! Bakit mo pinapaiyak yung bestfriend ko?"

"Hindi ako Tjay ah..." umiling-iling naman siya, "Si... Jian."

Nanlaki naman yung mata ni Tjay. Hindi ko alam kung hindi ba siya makapaniwala na
si Jiroh yung may gawa nun. Ako naman eh tumingin lang ako kay Tjay, at hindi ako
nagsalita.

Finally, tumayo ako sa harapan niya at tinaas ko yung kanang kamay ko na may hawak
na papel.

"Pi--" hindi ko matuloy yung sinasabi ko, "W-wala na Tjay. W-wala na. P-pinunit na
n-nila."

Umiyak na ako ng umiyak nun. NIyakap na lang ako ni Tjay, at hindi ko alam kung
gaano kami katagal na nakatayo doon bago ako tumahan sa kakaiyak.

***

I spent the whole night crying. Minsan hindi ko alam kung talagang wala na ako sa
sarili ko dahil wala na akong ginagawa kung hindi ang umiyak. Miss na miss ko na si
Terrence. Parang pakiramdam ko, umiikot na yung mundo ko sa kanya. Parang huminto
talaga yung mundo ko nung nawala siya. As bad as that sounds, I have to admit na
yun yung totoo. Yung inipon kong lakas na magpakasaya nitong mga huling araw eh
nawala dahil lang sa pagpunit nila ng sketch ni Nathan.

Pumunta naman ako sa Day Care nung Sunday. Para akong nanghihina na hindi ko
maintindihan dahil ito yung ginagawa namin noon nung nag-Community service si
Terrence. Parang naiimagine ko pa rin siya na naglalakad na parang hindi interesado
sa gagawin niya, at pangiti-ngiti lang kung minsan.

Ngiti na hindi ko na makikita kailan man.

Kasama ko naman si Tjay nun. Bored daw siya kaya medyo nag-volunteer na ihahatid
daw niya ako doon sa simbahan. Mahirap na daw na mag-isa lang ako doon na mag-
aalaga sa mga bata lalo pa't wala ako sa sarili ko. Tingin ko kaya ko naman na yun
mag-isa. Si Tjay naman, tutol na ako lang yung nandoon.
"Naku, 'wag ka nga diyan. Kanina lang nakatulala ka diyan mag-isa. Eh kung may
nawala diyan sa mga bata na yan?" tinapik-tapik niya ako sa pisngi ko para magising
ako, "Oh ngayon pa lang wala ka na sa sarili mo eh."

Naglalaro naman yung mga bata doon sa damuhan kaya hinayaan namin sila. Mukhang may
sarili naman silang mundo doon at walang pakialam kung may ginagawa man kami ni
Tjay o wala. Kitang-kita ko pa si Betty sa kinauupuan ko na may hawak-hawak na
stick na galing pa yata doon sa lupa.

"Nasaan na ba yung si Jian?" hininaan naman ni Tjay yung pagkakabanggit niya ng


pangalan ni Jiroh just in case na ma-offend ako or something, "Hindi ba dapat
kasama mo siya dito?"

Yumuko naman ako doon. Kahit na nagalit sa akin yung tao na iyon, hindi ko makuhang
magalit sa kanya in return. Sinigawan man niya ako, hindi naman siya yung may gawa
ng pagpunit nung sketch.

"Hindi ko alam eh. Baka hindi na yun pupunta." sagot ko naman kay Tjay.

"Hay naku. Hayaan mo nga siya. Kahit huwag na siyang pumunta. Baka mas makabuti pa
iyon sa iyo."

Narinig ko na lang na may bumukas na gate sa bandang likuran ko. Sabay pa kaming
tumingin ni Tjay nun. Parang may natamaan pa yung pumasok na kung anu-ano dahil
maraming nahulog at nag-cause pa ng commotion. Dahil sa ingay, pati yung mga bata
na naglalaro eh nagtinginan din naman.

And to my surprise...

"Speaking of the devil...."

"Tjay ano ka ba!" pinagbawalan ko naman siya. After all, nasa simbahan pa rin naman
kami.

"Totoo naman 'di ba?" tumayo naman siya at humarap kay Jiroh, "So... ano namang
ginagawa mo dito? Aawayin mo na naman ba si Shay?"

Nailang naman si Jiroh nun. Parang nahiya siya na hindi ko maintindihan.

"Uhmm actually..." tumingin siya sa akin, and then kay Tjay, "I'm just here for the
service. Kailangan daw nila ng helper so... I'm here."

Ang sama pa rin ng tingin ni Tjay sa kanya. 'If looks can kill' nga daw ika-nila,
nakapatay na siguro si Tjay. Hindi siya talaga natinag dahil galit talaga siya kay
Jiroh. Dati-rati lang medyo kumakampi pa siya doon sa tao. Pero dahil siguro
bestfriend niya ako, ayun...

"Sa susunod na malalaman ko na papaiyakin mo uli yung bestfriend ko.. tatamaan ka


sa akin!" binantaan naman niya si Jiroh na umatras ng kaunti, "Kapag ako hindi
nakapagtimpi, ako mismo ang susuntok sa iyo. Wala kang alam, kaya huwag kang nag-
iinarte! Akala mo kung sino kang gwapo!"

This time talaga, hinawakan ko na si Tjay nun. Mukhang makakasakit pa siya ng tao
kung hindi ko pa siya aawatin.

"Tjay tama na nga yan---"

Pero ayun, nagtuluy-tuloy pa rin siya.


"Hindi lang ako ang mananakit sa iyo naririnig mo ako? Kung nandito lang si Ran
makaka---"

Napatigil si Tjay nun. Napansin ko na nag-iba na yung expression ng mukha niya na


parang may sensitive topic siyang nasabi.

"Okay ka lang?"

Tumango naman siya sa akin at hindi makasagot. Nilayuan naman niya si Jiroh at
sinubukan niyang ngitian ako. Kaparehas na naman yun nung pinakita niyang pekeng
ngiti sa akin nung nasa cafeteria kami at nabanggit ko na tumawag si Ran.

"May nangyari ba sa inyo ni Ran? Para kasing lagi ka na lang namumutla pag
nababanggit siya eh."

"Ahh.. h-hindi. Ano ka ba..." this time nilayuan naman ako ni Tjay, "Uuwi na ako.
Tutal may kasama ka naman na..." tinignan niya uli si Jiroh ng masama, then balik
sa akin, "Tawagan mo na lang ako pag tapos ka na okay?"

"Hoy! Tjay! Halika nga dito at magkuwento ka! Hoyyy!"

Bago ko pa siya mahabol uli eh tumakbo naman si Tjay at hindi ko na nakita. Mukhang
may iniiwasan nga siya. Ano kayang nangyari sa kanila ni Ran? Ang huli ko ang alam
nun eh bago umalis si Ran eh dapat magiging sila na dahil nanliligaw si Ran,
pagkatapos ang pagkakaalam ko eh lagi silang magkausap online o kaya tinatawagan
siya ng pinsan ko. Pero bakit ngayon parang wala yata akong alam kung ano nang
sitwasyon nila? Am I really that self-absorbed kaya hindi ko na napapansin yung
bestfriend ko? Focused na lang ba ako sa mga naging problema ko?

Wala na naman yata ako sa sarili ko, kaya nagulat na naman ako nung may narinig ako
na boses na nagtatanong sa akin ng, 'Okay ka lang?'

Natauhan naman ako nun. Nalimutan ko na nasa harapan ko pala itong si Jiroh.

"Nakakatakot naman si Tjay...." sabi niya sa akin na parang sinusubukan niyang


maging friendly, "Bantaan daw ba ako ng ganun?"

So kinakausap niya ako ng normal? Hindi ba galit siya sa akin?

Sasagot na sana ako sa kanya, kaya lang may maliit na boses na sumagot para sa
akin. Or at least, nagsimula ng conversation.

"Sino ka ba?"

Nakita ko na nakatayo si Noli sa tabi ko. Magkakunut-noo pa siya na parang curious


na curious kung sino yung bagong lalaki na kasama ko sa Day Care.

"Oli, ito pala si Kuya..." nag-hesitate pa ako na sabihin yung pangalan niya,
"Jiroh. Siya yung bago nating kasama dito."

Hindi nakatingin si Noli sa akin. Instead, nakatitig pa rin siya kay Jiroh at
nakahawak sa legs ko.

"Ayaw ko sa iyo." hinigpitan niya yung hawak niya sa legs ko, "Ayaw ko sa iyo.
Hindi ikaw si Kuya Terrace ko."

Napatingin ako kay Oli bigla-bigla. Hindi ko inaakala na sasabihin niya na lang
yun. At hindi lang iyon yung masama, lahat ng bata doon eh lumapit at naki-usyoso
kung anong nangyayari.

"Ato rin ayaw 'to sa iyo. Mat gusto ko pa rin si Kuya T-cake." sabi naman ni Betty
na tumayo sa tabi ni Oli.

Hinila ko naman silang lahat. Naaawa naman ako kay Jiroh nun. Kanina lang si Tjay,
ngayon naman eh pinagtutulungan naman siya ng mga bata. Nakisali naman si Gaille at
tumayo malapit sa akin at nagcross arms na akala mo eh matandang babae.

Tinignan ko yung reaksiyon ni Jiroh nun. Nakatayo lang siya doon at nakikinig sa
pagsigaw at pagrereklamo ng mga bata na hindi siya kasing gwapo ni Terrence, hindi
kasing bait, hindi kasing puti, talino.. at kung anu-ano pang gustong ikumpara nung
mga bata.

For some reason, he just looked so calm. Akala ko magagalit na naman siya, kaya
lang tinitigan lang niya ako saglit. Pakiramdam ko nun eh pinag-aaralan niya ako,
kaya iniwas ko ng konti yung tingin ko. Nakakailang talaga.

Nakita ko na lumuhod siya at nakipag-level siya ng mukha doon sa maliliit na mga


bata. Ang tangkad talaga niya. Mas matangkad pa siya kay Terrence.

"Awww hindi niyo pa ako kilala ayaw niyo na sa akin? Malungkot na ako niyan." sabi
niya doon sa mga bata na nanahimik na sa kakaaway sa kanya. "Sino ba si Kuya
Terrence?"

"Kuya ko! Nag-iisang Kuya ko!" mabilis naman na sagot ni Oli pero magkasalubong pa
rin yung kilay niya. "Yung mabait na Kuya Terrace ko."

"Nasaan ba yung Kuya mo?" tanong naman ni Jiroh.

HIndi ko alam kung dapat ko bang ihinto yung usapan nila. I can't believe pinag-
uusapan nila si Terrence sa harap ko. Parang gustong sumabog ng puso ko nung mga
oras na iyon sa sobrang kaba ko.

"Wala na si Kuya eh... umalis na."

Tumango-tango naman si Jiroh nun. Hindi ko alam kung ano bang balak niya at
dumating pa siya dito.

"I've been hearing he's a great guy...." sabi niya doon sa mga bata na nasa harapan
niya, "Gusto niyo kong kuwentuhan tungkol sa Kuya niyo?"

Halata mong interesado yung mga bata nun. Lahat sila eh naupo doon sa harapan ni
Jiroh na para bang handa na silang makipagkuwentuhan sa kanya. Ako naman, parang
gusto ko nang umalis doon sa spot ko. Hindi naman na siguro ako kailangan na
nakatayo pa doon na parang tanga.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko at nung nagsimula na akong maglakad, naramdaman ko


namang may humila na lang sa kamay ko.

"You too." binitawan naman niya yung kamay ko nung nakita niya na tinitigan ko yung
pagkakahawak niya sa akin, "Please stay."

Tinignan ko naman siya nun. He seemed very sincere, pero hindi ko inaasahan na
interesado siya..

"Tell me who he is. Maybe then if I know him a bit, I can try to be half as great."

Pagkatapos niyang sabihin yun, niyakap niya ako at nag-sorry sa akin.


***12***

Nakakagulat nga nung nag-sorry siya sa akin. Minsan nga, nalilito na ako sa kanya
kung anong gusto niyang mangyari. Minsan magagalit, tapos ngayon nagpapakabait.
Hindi ko na tuloy alam kung ano yung dapat kong paniwalaan eh.

Okay naman siya. Kahit na ayaw sa kanya nung mga bata, nandun pa rin siya at
sinubukan niyang makilaro. Unti-unti naman, medyo nakikilaro naman na yung iba.
Kaya lang kapag naimpluwensiyahan na ni Oli tungkol kay Kuya Terrace niya na hindi
na mapapalitan daw sa puso nila, nagsisilayuan na uli yung mga bata sa kanya.

Naglaro na lang ng bola doon sa gilid si Jiroh. Hindi ko naman siya kinakausap,
kaya umupo ako sa tabi niya at pinapakain ko siya nung grapes na dala-dala ko
kaninang umaga. Tumingin naman siya sa akin, tapos ngumiti lang ng kaunti.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong niya sa akin ng deretsahan.

Huminga naman ako ng malalim. Hindi ko naman kaagad sinagot yung tanong niya. Sa
totoo lang, hindi ko rin naman kasi alam kung anong sagot sa tanong niya. Galit nga
ba ako sa kanya?

"Uhmm..." nag-contemplate pa ako sa isasagot ko, "Sa totoo lang, hindi ko talaga
alam."

"Fair enough." sagot naman niya sa akin, "Hindi naman ako magtataka kung galit ka
sa akin. I've given you a hard time haven't I?"

"Medyo." nginitian ko naman siya, "Pero parang karapatan mo naman. Siguro sa


sobrang inis mo na lang sa akin."

Nakaupo lang kami parehas doon. Para tuloy akong sira doon. Ang dami naming awkward
silences, kaya hindi ko alam kung tama bang magsalita na lang ako ng magsalita.
Mukhang hindi rin naman siya pala-salita eh. Ewan ko ba....

"Ayaw ko ng magpasikut-sikot pa..." sabi naman niya sa akin ng mahinahon tapos


humarap siya sa akin, "To be honest, I don't really get you. Bakit ka may sketch ng
mukha ko? Ang gulo kasi. Care to exp---"

Hindi pa niya tapos yung sasabihin niya, pinutol ko naman siya kaagad.

"May naging kaibigan ako na nag-drawing ng mukha mo." Is that an understatement?


May naging, 'kaibigan?'

"And do I know this friend of yours?"

Nakakalito naman talaga. Sinadya kaya ni Terrence na malito kami pare-parehas sa


mga palaisipan niya?

"The last time I checked, sinabi mo... hindi eh."

Napakunut-noo naman si Jiroh. Halata mong litung-lito na talaga siya na parang


gustong sumakit ng ulo niya. Nakakasakit din yung mga sinabi niya sa akin paminsan-
minsan, pero... hindi ko rin naman maiwasang sisihin siya. Ikaw ba naman siguro
malito ng ganyan?

Naglakad naman si Oli sa kinauupuan namin at may inaabot sa akin na papel. Hindi ko
pa nga alam kung ano yun, kaya pinilit abutin ni Jiroh. Kaya lang sinimangutan siya
ni Oli, tinalikuran, at sa akin naman lumapit.

"Ate Shay..." lumapit siya sa akin sabay hawak niya doon sa kung ano man yung
inaabot niya, "Nahulog mo yata kanina."

Bago pa umalis si Oli nun, isa na namang masamang tingin ang binigay niya kay
Jiroh, tapos sumali na uli doon sa mga batang naglalaro.

Si Jiroh naman, na-curious doon sa inabot sa akin. Picture lang pala ng baby
brother ko yung inabot ni Oli. Ayun, nahulog ko nga yata.

"Sino yan?" tinuro ni Jiroh yung picture na hawak ko.

"Terrence. My.. baby brother."

Nanlaki naman yung mata niya sa akin. This time talaga, parang lalo na siyang
naguluhan.

"Terrence.. as in yung paborito ng mga bata? A... baby?"

"No. I named my baby brother after Terrence."

Tumayo naman siya at lumapit naman sa akin.

"So where is he?"

Yumuko naman ako at pinaglaruan ko yung picture ng baby brother ko. Finally,
sinagot ko naman siya.

"He's dead."

Hindi ko na tinignan kung ano yung naging reaksiyon niya. Basta ang alam ko lang,
nanahimik lang siya doon sa kinauupuan niya.

Pakiramdam ko naninikip na naman yung dibdib ko. Ito yung kauna-unahang sinabi ko
na wala na si Terrence out loud, sa lalaki pa na dapat eh kinakagalitan ko ngayon.

"I'm sorry. Hindi ko alam." sabi niya naman nung nakita niya na nakayuko ako,
"Sorry talaga."

"You know what, hindi mo naman kailangang mag-sorry eh." tinignan ko na siya this
time, "Hindi naman siya maibabalik ng sorry 'di ba?"

"Alam ko pero..." mukhang nalulungkot naman talaga siya, "Still... I'm sorry."

Tumango na lang ako sa kanya. Siguro nahiya na rin siya sa akin dahil ganun ko
sinimulan yung pagkukuwento ko sa kanya kaya hindi na siya nagtanong. Malamang
siguro ang gulu-gulo na ng utak niyan. Kung kanina lang gusto niyang liwanagin yung
mga tanong niya, ngayon naman hirap na siyang magtanong.

Paano ba kinakausap yung mga taong iniwan ng mahal nila 'di ba? Kung ako rin naman
siguro, hindi ko rin alam. Gusto mo silang makalimot, pero kapag nagagawi sa ganung
usapan... nalulungkot na naman sila.

Nung natapos yung duty namin doon sa Day Care, sinundo naman na lahat ng mga bata.
Kami na lang ni Jiroh yung nakatayo doon sa harapan, at nagpaalam na rin ako. Ang
sama nung tingin ni Oli kay Jiroh, pero wala na akong magagawa doon. Ayaw talaga
nung bata sa kanya. Sa lahat-lahat naman kasi ng inalagaan namin, si Oli ang
pinakanaging mapalapit kay Terrence. Kumbaga kailangan mo munang pumasa sa kanya
bago mo mapalitan yung Kuya Terrace niya.

Paglakad na paglakad ko nung nakauwi na lahat, sabay na sabay pa kami kaya


nagkatamaan yung braso namin.

Napatingin lang ako sa kanya. Ang awkward na naman. Nalimutan ko, kapitbahay ko
lang pala siya.

"Sabay na tayo?" tanong niya sa akin.

Ang bait nga nito sa akin eh. Ewan ko ba. Bipolar yata ito eh. Mabait, masungit,
mabait, tapos masungit.

Sumakay naman ako kasabay niya para makauwi na rin ako. Hindi naman kami nag-usap.
Nung huli ko siyang tinignan, nakapikit lang yung mata niya na para bang natutulog
siya. Ano naman kayang iniisip niya? And surprisingly, bakit naman ako interesado?

Naglakad naman na kami doon sa street namin. Kung tutuusin, hindi naman niya ako
kailangang ihatid sa bahay ko dahil katabi lang naman ng bahay niya. Pero ayun,
huminto naman siya doon sa harap ng gate namin. Si Mama naman, nakatayo doon sa
labas at buhat-buhat yung kapatid ko.

"Hello Terrence..." sabi ko naman sabay buhat ko doon sa kapatid ko.

Panay na naman ang tawa niya.

"Wow, kailangan ko palang sanayin yung sarili ko diyan..."

Napalingon ako sa kanya. Ano bang sinasabi nito?

Nakita niya siguro yung itsura ng mukha ko, kaya bigla na lang niyang dinagdagan
yung sinasabi niya.

"I mean... naiisip ko kasi na Terrence eh yung kaibigan mo. Kailangan sanayin ko
lang na Terrence din yung kapatid mo..."

Si Mama naman, nakisali naman sa usapan.

"Naku sabihin mo pa. Sanayan lang yan..." hinimas-himas naman niya ako sa balikat
ko, "Itong si Shaylie na lang yata ang hindi masanay-sanay sa pangalan na yan.
Naiisip niya kasi yung boyfriend niya kapag naririnig niya yung pangalan na yan..."

Ang bilis kong nilingon si Mama nun.

"Ma! Ano ba!"

Napakunut-noo naman si Jiroh nun.

"Boyfriend?" mukhang gulat na gulat talaga siya, "Your boyfriend passed away?"

Lumingon siya sa gilid niya, huminga ng malalim at binalik niya yung tingin niya sa
akin.

"Now I really do feel like a jerk now."


***13***

Nakatayo lang si Jiroh doon at hindi na siya mapakali. Feeling niya siguro,
napakainconsiderate niya at ang sama-sama niya sa akin the whole time. Kung ako rin
naman at malaman ko na ganun, baka mamaya sumama rin naman yung loob ko.

But it doesn't matter. Bottom line is, Terrence never became my boyfriend. Yun nga
lang, hindi niya alam yun.

I could tell na nagtatalo yung isip niya kung magtatanong pa ba siya ulit or what,
pero inunahan ko na siya at sinabi ko na papasok pa ako. Wala kasi ako sa mood
makipag-usap about Terrence.

Terrence. Terrence. Terrence. Hindi kaya naririndi na mga tao sa akin?

Hindi naman masama yung pakiramdam ko nung gabi na iyon. I think, isa sa na siguro
iyon sa pinakarelaxing na gabi ko. Wala akong ginawa kung hindi gumawa lang ng
homework, makinig sa music, at kumain ng kumain. I didn't feel as depressed,
surprisingly.

Nung gumabi naman na, ang aga-aga kong naligo at nagbihis. Nakapajamas na nga ako
nung humiga ako at isinandal ko yung ulo ko sa unan ko. Kakapikit ko pa lang ng
mata ko eh...

...nag-ring yung phone ko. Timing is great.

Tinignan ko naman kung sino yung tumatawag. Oh, what a surprise.

"Hello?" sagot ko naman at hinihintay ko siya na magsalita sa kabilang linya.

"Hello Shay? Aba mabuti naman at gising ka pa!" mukhang excited naman yung boses
niya, "Namimiss ko na kasi yung boses mo eh. Alam mo---"

"Arwyn." sabi ko naman ng mahina, "Arwyn, ang ganda talaga ng timing mo lagi."

"Alam mo talaga yung pagkagwapo-gwapo kong boses no? Ikaw talaga... sinasabi ko na
nga ba na may konting crush ka rin sa akin."

Ang presko talaga nito. Dahil siguro kahit konti eh namimiss ko yung dati kong
school, kaya ko namang i-tolerate si Arwyn ngayon.

"Well... that too." natawa naman akong bigla.

Wow. I laughed sincerely.

"'That too?' Eh ano yung isa pa?"

"Naka-save yung number mo sa phonebook ko.

I heard he sighed, kaya natawa ako uli. Para talagang bata ito na hindi
nagmamature. Nakakamiss din na naging katabi ko siya noon, kahit na bwisit na
bwisit ako sa kanya nung mga araw na iyon. I guess I'd take that day over any day
right now.

"Nangungumusta ka lang ba?" inasar ko naman siya kasi napakarandom na tawag naman
yun, "Oh may business ka na kailangan?"
"Well, nangungumusta na rin at saka... alam mo na... pupunta kami sa Trinity High
sa susunod na linggo. May practice kami doon."

"Oh wow. Sa susunod na linggo na pala yun?" I totally missed that. Na-ready na kaya
nila Jiroh yung kailangan nila? After kong matanggal as their manager, sino na
kayang gumagawa nun?

"Oo naman! Kaya dapat nandun kayo ni Tjay para makapagpasikat naman kami."
nagyabang na naman ito, "I-cheer niyo kami ah instead doon sa mayabang na Captain
ng Trinity.

"He's not so bad."

Bakit ko ba pinagtatanggol si Jiroh?

"Anyway, matutulog na ako. Pagod kasi ako today eh. Nag-volunteer kasi ako sa Day
Care kaya na-drain lang ako. Tawagan mo na lang ako uli bukas kung gusto mo okay?"

"Ay ganun ba. Kawawa naman si Shay ko..." nag-symphatize pa na boses, "O sige na
pala. Matulog ka na. Mwah mwah.. kiss kiss po..."

Hay naku Arwyn manahimik ka nga diyan! Itulog mo na yan. Bye."

Tawa naman siya ng tawa sa kabilang linya.

"Bye Shay.

Pagkababang-pagkababa ko nung phone, parang nawala tuloy yung antok ko. Ang tagal-
tagal kong nakatitig sa kisame at hinihintay na pumikit na lang yung mata ko sa
pagod. May sense of hyperness pa pala ako sa katawan ko after a long day of
volunteering.

Talking to Arwyn was a bit refreshing. Iba pa rin pala yung may connection ka sa
dati mong school. At least I know, that part of me existed before.

Pinikit ko yung mata ko at inimagine ko yung dati kong school. Naalala ko si Johnny
na lagi akong hinihintay sa garden, yung napakagulong cafeteria, mabahong gym...

Oh God, gym. I knew he didn't like participating sa gym class, pero I never fully
asked him kung he'd rather do it if he can. Bakit ba hindi ko siya tinanong?

Yung imagination ko eh masyado yatang malawak. Susunod na lang na alam ko,


naglalakad ako sa isang lugar na hindi ko malaman kung saan. Basta maliwanag, pero
walang tao. Parang namumukhaan ko yung lugar... pero hindi ko maisip kung saan.

Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta. Bakit ba wala akong maalala?

Nawawala nga siguro ako sa sarili kong pag-iimagine. Pwede pa lang mangyari yun?
Sino bang pwedeng matanong dito at hindi ko na alam kung saan ako pupunta? Meron
ba?

'BIBLE GIRL!'

Bumilis yung tibok ng puso ko. Alam ko yung boses na iyon. Kilala ko kung sino ang
tumatawag sa akin ng ganun...

Pero saan? Nasaan ka?

'Psstt! Hoy! Bingi ka talaga...' naramdaman kong humawak siya sa kamay ko.
Napatulala na lang ako sa kanya. Nandito siya... nakaputing t-shirt at
nakapantalon. Hawak-hawak niya yung kamay ko at hindi niya ako tinitignan.

'Tara na! Kanina pa kita tinatawag eh. Hindi ka na naman nakikinig sa akin.'

Hila-hila niya yung kamay ko. Wala akong magawa kung hindi tumitig lang sa kanya.

"S-saan tayo pupunta?" mahina namang tanong ko sa kanya, "S-saan m-mo ako
dadalhin?"

Huminto naman siya ng hindi nakatingin sa akin. Binitawan niya ng mabilis yung
kamay ko at hinila niya ako ng malapit sa kanya. Hawak-hawak niya yung magkabilang
balikat ko.

'You trust me right?'

Wala akong magawa kung hindi ang titigan siya. I can stare at him all day.

Dahil naghihintay siya sa sagot ko, tumango ako sa kanya.

'Good. Tara na.'

Hinila naman niya ako ng hinila. Nagulat na lang ako nung bigla siyang tumakbo ng
mabilis, pero hawak pa rin niya yung kamay ko. Saka lang ako nakaramdam ng kaba
nung napansin ko na tumatakbo siya.

"Teka... hindi ka ba mapapagod? Maglakad na lang tayo pwede?" ninenerbiyos na


talaga ako nun, "Baka makasama sa iyo eh. Lumakad na lang tayo."

Tinignan niya ako at tumawa siya ng kaunti. Iniling-iling lang niya yung ulo niya
sa akin na para bang naa-amuse siya sa akin.

I don't understand.

Tumakbo kami ng tumakbo ng malayo. Habang lumalayo yung pagtakbo namin, lalo lang
akong kinakabahan. Ayaw kong may mangyari sa kanya kaya hinihila ko yung kamay
niya, para huminto kami.

Pagkahintong-pagkahinto ko, it all stopped.

I was breathing hard, at pawis na pawis din ako na para akong tumakbo ng malayo.
Pinilit kong umupo na lang sa kama ko at tinakpan ko yung mukha ko ng dalawang
palad ko.

That was the first time I dreamt of Terrence since he left.

***13***

Nakatayo lang si Jiroh doon at hindi na siya mapakali. Feeling niya siguro,
napakainconsiderate niya at ang sama-sama niya sa akin the whole time. Kung ako rin
naman at malaman ko na ganun, baka mamaya sumama rin naman yung loob ko.
But it doesn't matter. Bottom line is, Terrence never became my boyfriend. Yun nga
lang, hindi niya alam yun.

I could tell na nagtatalo yung isip niya kung magtatanong pa ba siya ulit or what,
pero inunahan ko na siya at sinabi ko na papasok pa ako. Wala kasi ako sa mood
makipag-usap about Terrence.

Terrence. Terrence. Terrence. Hindi kaya naririndi na mga tao sa akin?

Hindi naman masama yung pakiramdam ko nung gabi na iyon. I think, isa sa na siguro
iyon sa pinakarelaxing na gabi ko. Wala akong ginawa kung hindi gumawa lang ng
homework, makinig sa music, at kumain ng kumain. I didn't feel as depressed,
surprisingly.

Nung gumabi naman na, ang aga-aga kong naligo at nagbihis. Nakapajamas na nga ako
nung humiga ako at isinandal ko yung ulo ko sa unan ko. Kakapikit ko pa lang ng
mata ko eh...

...nag-ring yung phone ko. Timing is great.

Tinignan ko naman kung sino yung tumatawag. Oh, what a surprise.

"Hello?" sagot ko naman at hinihintay ko siya na magsalita sa kabilang linya.

"Hello Shay? Aba mabuti naman at gising ka pa!" mukhang excited naman yung boses
niya, "Namimiss ko na kasi yung boses mo eh. Alam mo---"

"Arwyn." sabi ko naman ng mahina, "Arwyn, ang ganda talaga ng timing mo lagi."
"Alam mo talaga yung pagkagwapo-gwapo kong boses no? Ikaw talaga... sinasabi ko na
nga ba na may konting crush ka rin sa akin."

Ang presko talaga nito. Dahil siguro kahit konti eh namimiss ko yung dati kong
school, kaya ko namang i-tolerate si Arwyn ngayon.

"Well... that too." natawa naman akong bigla.

Wow. I laughed sincerely.

"'That too?' Eh ano yung isa pa?"

"Naka-save yung number mo sa phonebook ko."

I heard he sighed, kaya natawa ako uli. Para talagang bata ito na hindi
nagmamature. Nakakamiss din na naging katabi ko siya noon, kahit na bwisit na
bwisit ako sa kanya nung mga araw na iyon. I guess I'd take that day over any day
right now.

"Nangungumusta ka lang ba?" inasar ko naman siya kasi napakarandom na tawag naman
yun, "Oh may business ka na kailangan?"

"Well, nangungumusta na rin at saka... alam mo na... pupunta kami sa Trinity High
sa susunod na linggo. May practice kami doon."

"Oh wow. Sa susunod na linggo na pala yun?" I totally missed that. Na-ready na kaya
nila Jiroh yung kailangan nila? After kong matanggal as their manager, sino na
kayang gumagawa nun?
"Oo naman! Kaya dapat nandun kayo ni Tjay para makapagpasikat naman kami."
nagyabang na naman ito, "I-cheer niyo kami ah instead doon sa mayabang na Captain
ng Trinity.

"He's not so bad."

Bakit ko ba pinagtatanggol si Jiroh?

"Anyway, matutulog na ako. Pagod kasi ako today eh. Nag-volunteer kasi ako sa Day
Care kaya na-drain lang ako. Tawagan mo na lang ako uli bukas kung gusto mo okay?"

"Ay ganun ba. Kawawa naman si Shay ko..." nag-symphatize pa na boses, "O sige na
pala. Matulog ka na. Mwah mwah.. kiss kiss po..."

"Hay naku Arwyn manahimik ka nga diyan! Itulog mo na yan. Bye."

Tawa naman siya ng tawa sa kabilang linya.

"Bye Shay.

Pagkababang-pagkababa ko nung phone, parang nawala tuloy yung antok ko. Ang tagal-
tagal kong nakatitig sa kisame at hinihintay na pumikit na lang yung mata ko sa
pagod. May sense of hyperness pa pala ako sa katawan ko after a long day of
volunteering.

Talking to Arwyn was a bit refreshing. Iba pa rin pala yung may connection ka sa
dati mong school. At least I know, that part of me existed before.
Pinikit ko yung mata ko at inimagine ko yung dati kong school. Naalala ko si Johnny
na lagi akong hinihintay sa garden, yung napakagulong cafeteria, mabahong gym...

Oh God, gym. I knew he didn't like participating sa gym class, pero I never fully
asked him kung he'd rather do it if he can. Bakit ba hindi ko siya tinanong?

Yung imagination ko eh masyado yatang malawak. Susunod na lang na alam ko,


naglalakad ako sa isang lugar na hindi ko malaman kung saan. Basta maliwanag, pero
walang tao. Parang namumukhaan ko yung lugar... pero hindi ko maisip kung saan.

Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta. Bakit ba wala akong maalala?

Nawawala nga siguro ako sa sarili kong pag-iimagine. Pwede pa lang mangyari yun?
Sino bang pwedeng matanong dito at hindi ko na alam kung saan ako pupunta? Meron
ba?

'BIBLE GIRL!'

Bumilis yung tibok ng puso ko. Alam ko yung boses na iyon. Kilala ko kung sino ang
tumatawag sa akin ng ganun...

Pero saan? Nasaan ka?

'Psstt! Hoy! Bingi ka talaga...' naramdaman kong humawak siya sa kamay ko.

Napatulala na lang ako sa kanya. Nandito siya... nakaputing t-shirt at


nakapantalon. Hawak-hawak niya yung kamay ko at hindi niya ako tinitignan.

'Tara na! Kanina pa kita tinatawag eh. Hindi ka na naman nakikinig sa akin.'
Hila-hila niya yung kamay ko. Wala akong magawa kung hindi tumitig lang sa kanya.

"S-saan tayo pupunta?" mahina namang tanong ko sa kanya, "S-saan m-mo ako
dadalhin?"

Huminto naman siya ng hindi nakatingin sa akin. Binitawan niya ng mabilis yung
kamay ko at hinila niya ako ng malapit sa kanya. Hawak-hawak niya yung magkabilang
balikat ko.

'You trust me right?'

Wala akong magawa kung hindi ang titigan siya. I can stare at him all day.

Dahil naghihintay siya sa sagot ko, tumango ako sa kanya.

'Good. Tara na.'

Hinila naman niya ako ng hinila. Nagulat na lang ako nung bigla siyang tumakbo ng
mabilis, pero hawak pa rin niya yung kamay ko. Saka lang ako nakaramdam ng kaba
nung napansin ko na tumatakbo siya.

"Teka... hindi ka ba mapapagod? Maglakad na lang tayo pwede?" ninenerbiyos na


talaga ako nun, "Baka makasama sa iyo eh. Lumakad na lang tayo."

Tinignan niya ako at tumawa siya ng kaunti. Iniling-iling lang niya yung ulo niya
sa akin na para bang naa-amuse siya sa akin.
I don't understand.

Tumakbo kami ng tumakbo ng malayo. Habang lumalayo yung pagtakbo namin, lalo lang
akong kinakabahan. Ayaw kong may mangyari sa kanya kaya hinihila ko yung kamay
niya, para huminto kami.

Pagkahintong-pagkahinto ko, it all stopped.

I was breathing hard, at pawis na pawis din ako na para akong tumakbo ng malayo.
Pinilit kong umupo na lang sa kama ko at tinakpan ko yung mukha ko ng dalawang
palad ko.

That was the first time I dreamt of Terrence since he left.

***14***

Dapat ba akong matakot? Siguro. Pero wala akong naramdaman kung hindi magtaka.
Magulat. O kaya naman... simpleng ma-miss lang siya. Ano ba ang ibig sabihin ng
panaginip? Sa pagkakaalam ko, sabi nila kapag nanaginip ka... bunga daw yun ng
subconscious mind mo. Dahil ba sa namimiss ko siya kaya napapanaginipan ko siya?

Sabi naman ng iba, kapag nanaginip ka tungkol sa isang tao na wala naman na sa dito
sa mundo, minsan eh talagang dinalaw ka niya. Talaga bang dapat akong matakot? Pero
bakit hindi ko maramdaman yun? Ano ba yung gusto niyang sabihin sa akin?

Ginusto kong matulog ng maaga, pero dahil na rin siguro doon, hindi na yun
mangyayari. Sino ba naman ang makakatulog pagkatapos ng isang panaginip na iyon?
Balak ko pa man din sanang magpahinga, pero eto ako ngayon... bukas na bukas ang
mga mata at wala nang balak matulog.

Naupo na lang ako doon sa computer ko at nag-check na lang ako ng kung anu-ano. Sa
ganitong oras naman na, wala naman akong maisip na gawin. Wala naman akong
classmates na gising pa. Baka yung mga yun, ang sarap na ng tulog.

Nilaro-laro ko na lang yung ballpen na nasa desk ko. Naka-lean na lang ako doon at
wala talaga akong maisip na gawin.

...until it finally caught my eye.

Dali-dali kong hinila yun sa bulletin na nakasabit sa harapan ko. Ngayon ko lang
uli nakita iyon, at hindi ko natandaan na nasa akin pala.

Mabilis akong pumunta doon sa website. Wala talaga akong alam dito. Basta ang
instruction lang, mag-log in ako.
AND BOOM.

Kung anu-anong lumabas sa harapan ko. May pop ups, non stop messages, at kung anu-
anong tabs. I was overwhelmed. On top of that, I thought it was a bit...
unorganized.

It was my fault. Ang tagal ko kasing hinintay bago ko tinignan ito. Lahat ng nandun
mga taong nagva-violate na ng rules. Rules na... matagal pinangalagaan ni Terrence.

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. May 'To do list' siya sa gilid, unfinished
codes, at kung anu-ano na nagpass lang sa head ko. How? How does he do it?

Napansin ko doon sa gilid na may sinulat siya. Mabuti na lang, hindi computer
jargon.

'Clean database.
Finish Tags.
Johnny Lange?'

Teka... Johnny Lange? As in Johnny? What about him? As in Johnny... my friend


Johnny?

Sinubukan kong buksan yung messages niya. Hindi naman siguro masama na tignan ko
'di ba? Isa pa, binigay naman niya sa akin yung log-in. I don't think I should feel
guilty if I read it.

Inisa-isa ko yung messages. Karamihan panay mga galit na members at kung anu-anong
request. Yung iba pa nga nagtatanong kung sino siya, at karamihan ng mga babae eh
gusto daw siyang makaeyeball kung lalaki man siya. It was very... entertaining in a
sense.

Just like your typical Terrence, it was ignored.

Wala naman na siyang 'Sent' messages. Siguro nalinis na niya. But I saw he had a
bunch of 'Drafts.' Mga saved, unsent messages.

I don't know kung dapat pa ba akong masorpresa nung makita ko kung kanino siya
dapat nagsusulat: daisies_23.

I felt excited, pero kinabahan ako at the same time.

To: daisies_23
Subject: Hoy!
Bible girl, baki

And that was it. Hindi na niya natapos kung ano man yung pinakalumang message na
sinusulat niya sa akin. I clicked on the second one. Kagaya nung isa, maikli lang
siya.

To: daisies_23
Subject: Hoy!
Bible gi

I guess he was trying to type Bible girl. Ang nakakapagtaka lang, bakit hindi niya
ma-send sa akin? I remember talking to him sa chat, but never on private messages.

How I missed that voice. Of him calling me 'Bible girl.'


The subsequent messages weren't any different. Lahat sila maiikli. It went up to
'Bible' tapos naging 'Sha' all the way up to 'Shay.' The last drafted message, ni-
walang body. All it had was this simple subject:

To: daisies_23
Subject: I love you.

And that was it. I couldn't go around looking anymore. That was my first glimpse of
Terrence's life as an administrator. Wala akong naintindihan, at wala rin akong
kayang gawin. Hindi ko alam kung bakit sa akin niya iniwan ito.

My heart hurts.

***

Mabilis na pumasok yung linggo. I feel a little better, but for some reason... si
Tjay eh wala sa sarili niya.

I feel bad na ako na lang lagi yung pinoproblema niya, kaya tinanong ko na. Hindi
naman kasi siya normal. Tjay is usually energetic. Lately, napaka-weird niya at
laging parang malungkot.

"Okay ka lang?"

Parang nataranta pa siya nun. Kung anu-ano yung pinagsususulat niya sa notebook
niya which ultimately didn't make sense. Parang sinusubukan lang niyang magsulat
para i-avoid na makausap ako.

Sinara ko ngang bigla yung notebook niya.

"Tanong ko, okay ka lang?" tinitigan ko talaga siya para malaman ko yung totoo.

Tumango lang siya at iniwas niya yung tingin niya sa akin. Para nga siyang naiiyak
nung nakita ko. Pinipigilan niya lang. Ano bang nangyayari?

"Sa akin ka pa nagsinungaling? Sa akin mo pa ayaw sabihin? Ano bang problema?"

Ang tagal niya bago sumagot. Hindi niya talaga ako makuhang tignan. For some
reason, lalong bumigat yung dibdib ko. Kapag si Tjay ang nalungkot, it has to be
something big.

Nagulat na lang ako nung bigla na lang siyang humarap sa akin, at humagulgol na
siya ng pag-iyak.

"Hindi na babalik si Ran. S-shay h-hindi na babalik si R-ran."

"HA??? San mo naman nakuha yan?"

Niyakap ko siya ng mabilis at umiyak siya doon sa uniform ko. Wala na akong
pakialam kung mabasa man yung blouse ko. Saka ko lang nakita na umiyak si Tjay ng
ganun. Kahit nung funeral ni Terrence, hindi siya masyadong nagpakita ng emosyon
niya.

"Halos dalawang linggo na nung huli niya akong tinawagan. S-sabi n-niya, h-hindi na
daw siya babalik. W-wala na daw akong.... wala na daw akong dapat hintayin."

Hinawakan ko si Tjay sa ulo niya at hinimas-himas ko yung buhok niya. Anong


nangyari sa pinsan ko? Lumabas na naman ba yung pagka-player niya?
I hate him right now.

"ANO? Sinabi ba niya kung bakit? Ang sabi niya sa akin..."

Umiiling lang si Tjay nun at hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko na parang
alam na niya. I don't understand. I like them both. I love them together.

"Sabi niya yun na daw yung desisyon niya. Ayaw na niyang bumalik dito." lumalim ng
lumalim yung paghinga ni Tjay, "Nung una si Kuya na ang hindi babalik.. ngayon si
Ran naman." humikbi siya ng humikbi doon.

I couldn't help but feel so bad. Hindi ko alam yung gagawin ko. I just felt so
sorry.

"I-ikaw b-ba... iiwan mo na rin ako?"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

"Never." pagkatapos kong sinabi yun ay nginitian ko siya at pinisil-pisil ko yung


pisngi niya, "Kaya ikaw huwag kang mag-drama diyan okay? Iwan ka na ng lahat, ako
hindi. I promise."

Sinubukan naman niyang tumawa. She was still crying, pero at least tumawa na rin
siya. I didn't know she was holding all this in her.

"Bakit tinago mo sa akin? Kung tutuusin, pwedeng-pwede mo namang sabihin sa akin


yun 'di ba?"

"Malungkot ka na nga, dadagdagan ko pa?"

I swear, she's a strong young lady. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa. Siya
nga nga itong maraming dinadala rin, ako pa rin yung iniisip.

On the other hand, I need to talk to Ran.

Tumigil naman siya sa pag-iyak niya, which was good. Hindi kasi ako magaling
magpatahan ng mga tao. Most of the time, hindi ko alam ang sasabihin ko. I guess
siguro medyo alam ko, kasi at least tumahan naman si Tjay.

Sumandal naman siya doon sa upuan niya. Sinubukan niyang i-regain yung composure
niya dahil magsisimula na yung next period namin. Nginitian niya ako uli, and this
time, alam kong totoo na.

Nag thumbs up na lang ako sa kanya at tumayo na ako to let her know na babalik na
rin ako sa upuan ko. Kahit na nasa bandang likuran ako, may perks din naman kung
ayaw kong makinig.

Pumasok na yung teacher namin. Ito yung period na pinakaayaw ko eh. Pinapasulat
kasi kami ng pinapasulat. Kulang na lang, ipakopya na yung buong libro.

Nakatingin pa ako doon sa kanya nung sinubukan kong hilahin yung notebook ko sa bag
ko. It was then nung makita ko yung nasa harap ng desk ko: wrinkly na punit-punit
na sketch ni Nathan. It was that one sketch na pinunit nung isang basketball
player.

It was just.. there.

Inikot ko yung panginin ko pero wala namang malapit na tao doon. Tumingin ako sa
kabilang side kung saan nakaupo sina Carlo. Hindi naman siya nakatingin sa akin
kaya... ewan ko ba.

Hawak-hawak ko yung sketch. It looked really poor and ugly, pero sumaya ako na
makita siya na buo kahit hindi naman in great condition. Ang bait talaga ni Carlo.

"Hindi siya natulog kagabi just to tape it back together." narinig ko na lang na
sinabi sa akin sa harapan ko.

Si Rae lang pala.

"He kept the pieces and taped it back. Medyo tumagal dahil maliliit daw yung mga
papel. Pero at least, nabuo naman niya."

"Sino? Carlo?" I can't help it. Para akong tanga doon na pangiti-ngiti sa sobrang
saya ko.

It supposed to be an ugly sketch in a really poor condition. Pero sa opinyon ko,


I've never seen it so... perfect.

Tumingin siya sa kabilang side ng row kaya napatingin din naman ako.

And to my surprise, I didn't find Carlo.

I found Jiroh, soundly sleeping sa desk niya sa kabilang row.

***15***

I was smiling like an idiot the rest of the period. Hindi ko maiwasan na hindi
tumingin sa kabilang row wishing na sana gumising na siya at tumingin man lang sa
side ko. Kaso the whole time talaga, natulog siya sa klase. Mabuti nga hindi
pinagalitan nung teacher namin eh.

Carlo looked once, tinaas ko yung sketch at pangisi-ngisi pa ako. Nagkunut-noo lang
siya dahil sinusubukan niyang tignan kung ano ba yung pinapakita ko. In the end,
binigyan niya lang ako ng facial expression as if tinatanong niya kung paano ko
nakuha yun.

Pagkatapos na pagkatapos nung klase namin, ginising naman siya nung isa naming
classmate.

"Jian... hoy!" tinapik-tapik pa siya nung isang lalaki na nakaupo malapit sa kanya,
"Gising na! Tapos na yung klase!"

Natawanan naman yung mga malalapit sa kanila. The irony--wake up when the class is
over. Anyway, hindi na ako mapakali nun at hindi ko alam kung dapat ko ba siyang i-
approach. A part of me wanted to go directly para mag-thank you, pero a part of me
was wishing na sana lumapit siya sa akin at sabihin niya.

But that didn't happen. Pagkagising na pagkagising nga niya eh mukhang wala pa siya
sa sarili niya. Kinuha niya yung backpack niya without really looking at anyone,
and off he went. Ganun lang, umalis na siya ng classroom.

Hay Shaylie. Magta-thank you ka na nga lang, hindi mo pa nagawa.

***
Nung natapos yung school ko at papauwi na ako, I was surprised to see Oli sa labas
ng schol na naghihintay sa akin. Nagsisisigaw pa siya ng "Ayun si Ate Shay! Ayun si
Ate Shay ko!" at hinila niya yung kasama niya. Obviously may kasama siyang isang
babae na older sa kanya, hindi ko pa nakikilala, pero it turned out na babysitter
daw pala siya.

"Fritz." pakilala niya sa akin at nakipagkamay pa siya, "Shay, 'di ba?"

"Oo eh." tinignan ko naman si Oli na excited na excited na makita ako, "O Oli,
nadayo ka yata dito?"

Hinimas-himas ko yung ulo niya dahil natutuwa rin naman ako na makita siya. Pero
siyempre, out of the blue naman yata yun kaya tinanong ko na lang yung babae.

"Inutusan lang ako na dalhin siya sa 'yo. Iyak kasi ng iyak. Gusto daw niyang
makita yung... Kuya Cake niya?" hindi pa siya sigurado sa sinabi niya.

Napatingin naman ako kay Oli nun. Nabaling na yung atensiyon niya sa iba. Ewan ko
kung anong gusto niyang gawin. Paano niyang makikita si Terrence? He's... long
gone.

"Sigurado ka? Kasi..." tumigil lang ako ng konti, but I was actually brave enough
to say it, "Kaibigan ko kasi si Terrence na nag-volunteer sa Day Care. At saka...
wala na siya. He passed away a couple of months ago. So, hindi ko alam kung
pano...."

I was trailing my words. Yung babae naman eh nagulat yata kaya nanlaki pa yung mata
niya tinakpan pa niya yung bibig niya as if may nasabi ako na nakakatakot.

"Oh my God! Gusto niyang makita eh... patay na?"

For some reason, natatawa ako sa reaksiyon niya even though the whole bit about
Terrence's is a sad thing. Yung idea lang kasi na may natatakot kay Terrence, is
something really funny.

Hindi ko napigilan, natawa na talaga ako.

"Okay lang yan. I don't think mumultuhin ka naman nun." hinila kong bigla si Oli sa
tabi ko, "Ako ng bahala kay Oli. Iuuwi ko na lang siya sa kanila."

"Sure ka? Kasi kung hindi, sasabihin ko na lang sa Mommy niya..."

Nginitian ko naman siya. I'm glad someone's taking care of Oli na mukhang concerned
talaga.

"Oo naman. Iuuwi ko siya ng safe. Salamat pala."

"O sige. Nice to meet you pala!" ngumiti naman siya at nagpaalam na kay Oli.

Umalis naman yung babae at sumakay na ng tricycle na pinara pa niya. Ito namang si
Oli, mukhang hyper na hindi ko maintindihan. For someone na iyak daw ng iyak, medyo
mukhang cheerful naman siya ngayon.

Naglakad naman kami side by side.


"Gutom ka na ba Oli?" tinanong ko siya nung naglalakad na kami. Nakalagay pa yung
kamay niya sa loob ng bulsa niya.

Para talagang matanda itong bata na ito.

"Hindi po eh. Kumain kasi ako kanina."

"Sabihin mo lang kapag gutom ka na okay?" hinila ko naman siya malapit sa side ko,
"Narinig ko kay Ate Fritz mo na gusto mo daw makita si Kuya Terrence. Oli, alam mo
naman 'di ba na hindi pwede?"

"Alam ko." sagot niya ng mabilis sa akin. "Pero pwede naman natin siya dalawin 'di
ba?"

Tumango naman ako. That's true. Ni-hindi ko pa nadadalaw si Terrence ever since his
funeral, at yung few days after that. I stopped for a while.

Medyo maggagabi naman na nun, pero hindi pa naman all the way na madilim. Okay pa
naman siguro na pumunta 'di ba?

"Sige na nga. Payag na ko." sagot ko naman sa kanya, "Pero saglit lang tayo ah!
Maggagabi na kasi. Kapag nakapag-hi ka na kay Kuya mo, uuwi na tayo. Saka lalakad
lang tayo dun, nalimutan ko na kulang pala pera ko sa pamasahe. Ikaw kasi pasulput-
sulpot na lang bigla."

Ang laki-laki ng ngiti niya sa akin nun. I'm glad he's happy.

Lakad lang kami ng lakad nun at nag-uusap na lang kami. Panay ang kwento niya sa
akin nung paborito daw niyang cartoon ngayon, at kung ano ang ginawa nila sa
school. Ang daldal na, pero matalino naman. Siya kasi yung type na madaldal na
hindi naman nakakairita.

Nung naglalakad kami, napansin ko na dumidilim na talaga. Pero panay ang martsa ni
Oli eh, kaya hindi ko naman basta-basta pwedeng sirain yung mood niya.

Walang katao-tao nun, kaya medyo nakaramdam din ako ng takot. Parang yung sinasabi
ni Fritz eh pumapasok na sa ulo ko. Not the thought of Terrence haunting me, more
like, yung ibang nakalibing doon 'di ba?

I mean, sementeryo pa rin naman yun eh.

"Oli, gumagabi na. Saka na lang kaya tayo pumunta? Uwi na tayo?"

Tinawanan naman ako ni Oli. Itong batang 'to...

"Si Ate Shay natatakot!!!"

"Hoy hindi ako takot no!" tinulak-tulak ko naman siya pero hindi naman malakas,
"Iwan kita diyan sige."

Niloloko ko lang naman siya at hindi ko naman totohanin yun. At pagkasabing-


pagkasabi ko, nagmalaki pa na kahit iwan ko daw siya doon eh kaya naman na niya
yung sarili niya.

Pagkatapos yung asaran namin dalawa, nung narinig ko yung tunog. Nagtinginan kami
ni Oli, at halata mong natakot na siya. Humawak pa siya sa palda ko.

"Narinig mo yun?" tanong niya sa akin ng mabilis, "Hindi ba..."


There again. Humigpit yung pagkakahawak ni Oli sa akin.

"Hindi ba sa horror movies yun? Yung tunog?" hinila=hila niya yung palda ko, "Yung
asong awoo ng awoo.. 'di ba?"

I know he meant like a wolf howl, pero hindi ba imposible naman yun? I usually
don't believe on that pero, nakakaramdam na rin ako ng takot nun.

For pete's sake nasa sementeryo lang naman kami. Papasok pa lang kami sa loob para
bisitahin si Terrence, dito pa lang naginginig na ako sa takot.

"Oli... this time natatakot na ako." sabi ko naman sa kanya ng mabilis, "Gusto mo
bumalik na lang tayo?"

Tumango naman siya sa akin. Halata mong takot na rin siya kasi nawala yung
pagkadaldal niya.

Paglakad na paglakad namin, may mga gumalaw doon sa mga halaman sa gilid. Lalong
humawak si Oli sa akin, at ako naman eh hindi ko alam ang gagawin ko. May hayop
kaya doon? Yun ba yung sound na narinig namin?

Buhatin ko na kaya si Oli at tumakbo?

Nakatitig kami parehas doon sa side na yun and then nagulat na lang ako nung....

"HAAAAAALAAAAAAAAAA! MULTO!"

Sa sobrang gulat at takot ni Oli, tinago niya yung ulo niya sa palda ko at umiyak
na siya. Ako rin nagulat ng sobra-sobra, feeling ko aatakihin ako sa puso ko.

It was one horrible joke.

"Ang lakas talaga ng tama mo! Bakit ka nananakot?"

Si Jiroh. Of all people, si Jiroh.

And earlier today I was thinking to myself na ang bait niya. Then this.

"Sorry!" sabi niya na may halong biro, "Hoy bata!" tinawag-tawag niya si Oli doon
pero ayaw tumingin ni Oli, "Niloloko lang kita. Wala naman mumu."

"Hay naku." hinawi ko naman yung kamay niya, "Ano bang ginagawa mo dito? Bakit
nandito ka rin?"

Nawala naman yung ngiti niya as if I hit a hard spot

"Well, nakita ko kasi na naglalakad ka. Eh hindi naman pauwi ng bahay so.. na-
curious ako."

"And sinundan mo ko." tinapos ko naman yung gusto niyang sabihin.

"Parang ganun na nga." sabi naman niya na parang nahihiya, "I mean come on. Babae
ka, tapos kasama mo itong midget na ito... sa tingin mo ba safe na naglalakad kayo
sa dilim ng kayo lang?"

He has a point. But still...


"Alam mo, pagbibigyan kita ngayon lang pero ikaw..." tinuro-turo ko siya, "Huwag
mong uulitin yun ah."

Tinignan ko naman si Oli. Umiiyak pa rin siya.

"Hoy bata... sorry na!" sinubukan naman niyang umupo para magpantay yung mukha
nila, "Ililibre na lang kita okay?"

"Ayaw ko sa 'yo!" sigaw naman ni Oli sa mukha niya.

Tumingin si Jiroh sa akin na para bang sinasabi niya na 'Oh well," at tumayo naman
agad. It's weird. I'm having this conversation with him as if matagal na niya akong
kakilala.

"Saan ba kayo pupunta at nandito kayo?"

Hinila ko naman siya. Nagulat pa nga siya nung hinawakan ko yung polo niya at
tinitigan niya yung kamay ko.

"Nandito ka na lang din, sige sumama ka na." sagot ko naman sa kanya. "It's time
for you to meet Terrence."

Mukhang nalilito pa siya nun, pero hindi naman siya nagreklamo at sumama naman siya
sa amin ni Oli. I won't deny, may katangkaran ako sa isang babae. Terrence was
barely taller than me, mas matangkad ako kay Carlo, and this guy... he's just
really tall. Siguro nga, born to be a basketball player na.

Medyo may kalayuan na talaga yung nilakad namin at medyo sumasakit na yung legs ko.
Si Oli naman, dire-diretso pa ring nagmamartsa na para talagang gustung-gusto na
niyang makarating. Sa totoo lang, kung ako lang siguro yung mag-isa na dadalaw, I
wouldn't dare do it. Although, hindi ako sure kung naniniwala ba ako sa ghosts.

"Related ka ba dun kay midget?" tanong niya sa akin para ma-break yung silence.

"Hindi eh." mahinang sagot ko sa kanya, "Pero parang kapatid ko na rin si Oli.
Lumaki-laki na rin yan na alaga ko."

"I see..." tumango naman siya sa akin, "Ang blood-brother mo lang pala talaga eh
yung baby? 'Di ba?"

Nangiti naman ako. Paano ko ba ito ieexplain?

"Hindi rin." sabi ko ng mabilis sa kanya, "But he IS my brother. Kung nagets mo


ibig sabihin ko." inemphasize ko sa kanya yun.

Why am I telling him this? Usually naman hindi ko shina-share yung pagiging ampon
ko.

Hindi ko alam kung nilito ko ba siya or what. I mean, Terrence is my baby brother.
Pero hindi ko siya blood-brother. Siyempre ganun naman talaga.

"Oh I get it." sagot niya pero hindi siya nakatingin sa akin, busy sa kakalakad
niya nung nakapasok ng gate, "Don't worry, I was adopted too."

Casual na casual yung pagkakasabi niya as if it's not a big deal. Hindi pa nga siya
nagpapay-attention kung anong naging reaksiyon ko. As in, wala lang sa kanya.

Napahinto ako nun habang naglalakad yung dalawa. Nakita ko na lang yung likod niya
at nagdire-diretso na sila sa loob.

...Adopted din siya. Go figure.

Napalingon naman siya at hinanap ako nung napansin niya na wala na ako sa tabi
niya.

"Hoy, bakit huminto ka diyan?" tinawag niya ako at nagwa-wave siya sa akin,
"Papakita mo sa akin yung friend mo 'di ba?"

Lumakad naman ako nun at binuksan ko yung gate. Hindi naman kalayuan doon yung
pupuntahan namin. Saglit lang, we finally reached the spot.

Yung spot na matagal ko ng hindi nadadalaw.

There it said:

In loving memory of

TERRENCE KELVIN QUINTERO

~may you fly with the angels~

Tinitigan ko lang as if hindi ko pa nakikita yung puntod niya. The good part about
going this time, hindi na ako emotional 'di katulad ng ibang times na nagpunta ako
dito. This time, I just felt like, Shay. Neutral lang.

"Ate si Kuya T-Cake!" nagtatatalon naman itong si Oli doon sa gilid, "Ang tagal
matulog!"

Natawa naman ako nun. In addition to that, natuwa lang ako na masaya si Oli. I'm
sure he misses him as much as I do. Naupo siya doon sa gilid at panay ang kwento
niya doon.

"Kuya Cake, kailan ka ba pupunta sa Day Care? Hindi ka na ba dadalaw?" narinig ko


na nagtanong si Oli doon sa gilid sa sagot na hindi naman niya makukuha, "Sinabi
kasi ng Mommy ko, natutulog ka daw. Mahabang-mahabang pagtulog. Baka daw hindi kita
mahintay."

Hinayaan ko na lang si Oli na magkaroon ng moment niya. Hindi ko naman kasi alam
kung paano ko aalisin yung pagka-miss nung bata doon sa kanya. Kung pwede lang
hilingin sa kanya na bumalik kahit isang araw lang, ginawa ko na.

Kaso hindi naman pwede.

Jiroh stood there really quiet. Wala naman siyang sinabi dahil hindi naman niya
kilala si Terrence. Hindi ko alam kung may tumatakbo sa isip niya or what.

"Ito pala si Terrence, yung nag-sketch ng mukha mo." paliwanag ko naman sa kanya,
"Terrence, si Jiroh. Nahanap ko na siya oh..."

"I don't know how I feel about... a person who's not here drawing my face." nagbiro
naman si Jiroh, "In a sense, it's a bit creepy but yeah. Hindi ko rin alam kung
paano niya ako kilala, or kung ako nga ba yung dino-drawing niya. Malay mo ibang
tao pala yun. Kamukha ko lang pala."

Impossible. Kamukhang-kamukha niya yung sketch. Anyway...

"Hindi mo narerecognize yung name niya 'di ba?" tinanong ko siya uli,
nagbabakasakali na baka yung sagot niya dati eh bunga lang ng init ng ulo.

Umiling naman siya. Hindi daw niya talaga kilala.

"Ano bang kinamatay niya?" careful na careful pa yung pagkakatanong niya sa akin as
if ayaw niyang saktan yung feelings ko.

I was on the verge to say, VSD. Pero parang may nagsabi sa akin na hindi dapat.
Kung nandito si Terrence, iba naman ang sasabihin nun.

"A-asthma. Complication ng asthma."

"Wow. That's... rare."

It's weird having him there. Alam kong wala na si Terrence doon, pero dahil nandun
si Jiroh, it felt like a part of him was there. Ano kayang reaksiyon ni Terrence
kung nagkaharap sila ng ganito kung nandito pa siya? Magkakaalaman na ba kung ano
talaga yung mga reasons niya? Yung sketch? Kung bakit bestfriend ang tawag niya kay
Jiroh?

Napansin ko na nakatulog na si Oli doon sa gilid ng puntod ni Terrence sa sobrang


pagod na siguro. Nakita ko na may luha pa siya doon sa mata niya na halata mong
umiiyak siya ng mag-isa at ayaw iparinig sa amin. Bubuhatin ko na sana si Oli, kaya
lang inunahan ako ni Jiroh.

"Ako na lang, mabigat siya yata eh." sabi niya sa akin ng pabulong.

Lumuhod naman si Jiroh doon sa gilid ng puntod ni Terrence bago niya binuhat si
Oli. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko seeing him there. Narinig ko na
lang kay Jiroh...

"Hindi kita kilala, at alam ko rin na hindi na tayo magkakakilala. Hindi ka naman
sikat, or anak ng kung sinong dapat kong makilala. Pero these past few days, para
kang artista kung mag-iwan ng ingay sa buhay ko. I hear your name... everywhere."
dahan-dahan niyang pagkakasabi doon.

Binuhat niya si Oli at nilagay niya yung ulo sa balikat niya. Hindi naman nagising
yung bata.

"Weird thing to say is that, kahit hindi kita nakilala, I feel like I have known
you my whole life." tumingin siya sa akin as if binibigyan niya ako ng signal na
dapat umuwi na kami, "Pero sinasabi ko sa sarili ko, I wish I did, kasi sayang
naman yung pagkakataon. So I'll leave you with one thing just to satisfy the
thought na sana at one point, nag-krus yung landas natin..."

Hinawakan niya ako sa kamay ko, but not to the point na parang sinadya niya to be
romantic or anything. More like, gusto niyang hawakan ako for my safety dahil gabi
na nga.

"Nice to see you again, bro." And with that, I stared at Jiroh the rest of the way
out.

***16***
It was weird going back home.

Hindi naman sa weird dahil nakakakilabot or anything. Weird lang kasi, for some
reason... may laman yung sinabi niya. Imposible naman na may laman yun 'di ba?
After all, hindi nga niya kilala si Terrence. Minsan nga iniisip ko na sana
maggive-up na lang ako sa idea na connected sila. Baka nga ino-over think ko na
yung mga bagay-bagay.

Hindi naman na nagising si Oli. Paminsan-minsan, inaangat niya yung ulo niya at
ididilat niya yung mata niya, pero babagsak siya uli sa pagtulog. Antok na antok
nga talaga yung bata. Malapit na kami sa bahay nila Oli nung narinig ko yung
pagsabi ni Jiroh na...

"Oh no..." tumingin siya doon sa balikat niya kung saan naka-lean yung ulo ni Oli,
"What the--"

Nakita ko yung mukha niya na parang nandidiri na hindi ko maintindihan. Hindi ko


maiwasan na hindi tumawa dahil nakakatawa naman talaga yung itsura niya.

"Bakit ganyan yang itsura mo?" tinuro-turo ko pa yung mukha niya na parang inaasar
ko siya. "Hindi na yata maipinta."

"He drooled on my shirt!" sagot niya sa akin ng mabilis, "Basa na yung t-shirt ko."

Lalo lang akong natawa ng malakas nun. Lalo pa silang magiging magkasundo ni Oli
yan lalo pa ngayon na may atraso na naman si Oli sa kanya. Come to think of it,
equal naman na sila. Tinakot niya si Oli kanina, ngayon naman eh gumanti lang yung
bata. All is fair.

Nakarating naman kami doon sa bahay nila Oli. Lumabas lang yung Mommy niya at
binuhat naman na si Oli galing kay Jiroh. Natuwa pa nga yung Mommy ni Oli na makita
ako. Nagulat lang siya na kasama ko si Jiroh, kaya pinakilala ko pa.

"Boyfriend mo Shay?" tinuro niya si Jiroh at nakangiti pa, "Ke-gwapo at ke-tangkad


mo namang bata ka."

Nahiya yata si Jiroh nun at hinawakan niya yung likod ng ulo niya. Saka naman siya
sumagot ng... "Ahhh opo."

Tinignan ko naman siya nun. Anong ino-opo nun sa Mommy ni Oli?

"I-I mean... opo na matangkad ako at gwapo na rin siguro..." ngumiti pa siya nun na
parang nanloloko lang naman, "But no, hindi po niya ako boyfriend."

"Ay ganun ba? Naku akala ko naman..."

Matatanda nga naman ngayon. May kasama ka lang na lalaki, boyfriend na lagi ang
title nung tao. It was a bit awkward after that, pero parang wala naman pakialam si
Jiroh.

Nagpaalam na kami sa Mommy ni Oli at hinimas ko lang sa ulo yung bata. Knock out na
talaga eh. Sana lang huwag niyang hanapin si Kuya T-cake niya paggising niya.

Lumakad naman na kami ng lumakad ni Jiroh. Dahil magkatabi naman yung bahay namin,
parehas lang naman kami ng direksiyon na lalakaran. I didn't mind him being there,
gabi na rin kasi at ayoko naman na mabastos pa ako sa daan.

And then it started.

"Nakausap ko si Rae kagabi tungkol sa inyo ni Tjay. Well, more like sinesermonan
niya ako how mean I am and all that." huminto siya saglit, and then dinagdag niya,
"Na-mention niya rin yung isang bagay na nalimutan ko na. Hindi ko alam kung
matatandaan mo rin."
Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Nalilito pa nga ako nun dahil wala namang
details yung sinasabi niya.

"Huh?" yun lang yung nasagot ko sa kanya.

"Ibig kong sabihin eh... paano ko ba ie-explain 'to? Uhh..." nag-isip pa siya nun
na para bang hinahanap niya yung tamang words, "Last year kasi, kinausap ako ni Rae
about this blind date thing. Humihingi daw ng tulong yung pinsan niya."

Okay, so now I know what he's talking about. I think.

"She asked me to go kasama ni Carlo dahil yung pinsan niya at yung bestfriend ng
pinsan niya eh kailangan ng tulong. I thought it was a whole load of bull--, I
mean... hindi kasi ako naniniwala sa blind date." medyo naasar pa siya nun na hindi
ko maintidihan, "Besides, interesado na ako sa isang girl nun and it was upsetting
that I'm being pushed to go with someone else. Alam mo yun?" tinignan niya ako
saglit pero yumuko naman siya, "Hindi ako pumayag nung last minute. I made up an
excuse na may practice ako just so I didn't have to go. Masama na siguro kung
masama yung ugali ko, but I really didn't want to go."

Fair enough naman para sa akin yung reason niya. Kung ako rin naman siguro, I don't
think I'd agree to a blind date. Yung reason lang na pumayag ako nung mga panahon
na iyon eh dahil nakipag-bet si Tjay. But let's not go into that.

"I felt bad nung araw na iyon na hindi ko nga sinipot yung "supposed" date ko. I
texted Carlo kung nasaan siya at the time at kung masaya naman ba. I didn't dare
ask about doon sa date ko dahil ayaw ko namang isipin niya na wala nga talaga ako
sa practice. I found out kung nasaan siya, and then nagpunta ako."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. If he was the guy na nagsoli ng cellphone ko nun,
akala ko naman eh nagkataon lang na nandun siya. I didn't know he purposedly went.

"Ang laki nung grupo. Sinusubukan kong hanapin kung sino yung girl na dapat ka-
date ko but everyone seemed to be partnered up." nagkunut-noo siya as if
sinusubukan niyang maalala yung nangyari nung araw na iyon, "Naisip ko, it's either
she turned out fine and found a date, or she didn't go at all. Sinubukan kong i-
convince yung sarili ko na nakahanap siya ng date, dahil kung hindi, I would have
felt horrible."

Ngumiti naman ako. I didn't know he cared so much na pumunta pa siya para lang
alamin kung ano yung nangyari. He's not this super tough mean guy he shows himself
to be.

"Okay lang siya. Nakahanap naman siya ng date." sabi ko naman sa kanya para gumaan
naman yung pakiramdam niya, "But I'm sure she'll appreciate the gesture na pumunta
ka."

"Hindi naman niya malalaman..." umiling-iling pa siya nun but mukha namang na-
relieve siya na may date nga yung ka-date niya.

"I turned out fine.. and I know." sagot ko naman sa kanya, "No need to feel bad."

Nanlaki siguro yung mata niya sa akin nung sinabi ko yun. Nagulat nga yata siya na
ako yun, or maybe naghihintay lang siya ng confirmation.

"May hunch na ako... I kinda' figured na ikaw pero..." huminto siya at tinitigan
lang ako, "It was you."
"Yup." sabi ko naman sa kanya pero masaya naman ako, "Okay lang."

"I'm sorry." nag-apologize pa siya sa akin, "Sorry kung hindi ako sumipot."

"Okay lang talaga." tinapik ko siya sa balikat niya, "Ang tagal na nun! Sus!"
natawa naman ako, "Isa pa, binalik mo naman yung cellphone ko sa akin nung araw na
iyon."

"Yeah... I remember. Merong nagnakaw nun. I was so worried na makikita ako ni


Carlo. May isang guy nun na pinagbigyan ko ng phone. Hindi ko na maalala."

Terrence. Good old Terrence.

I realized na nasa tapat na pala kami ng bahay namin after namin mag-usap ng mag-
usap. Medyo nalibang pa nga ako at napansin ko na lang na huminto na siya sa
paglalakad niya.

"Say what..." dinagdag niya nung nasa harap na kami parehas ng gate n amin, "I'll
take you out next time. Para bumawi lang ako."

"Huwag na... hindi naman big deal na."

"Please."

Ang seryoso-seryoso niya na para bang gustung-gusto niya talaga akong dahil
somewhere. Hindi ko alam kung anong isasagot ko at parang ang rude naman kung bigla
na lang akong hihindi.

I found myself saying...

"Sure. Next time then." pagkatapos nun, pumasok na kami parehas sa bahay namin.

***

The next time na may pasok kami ng school eh hindi ko naman masyadong nakita si
Jiroh na pakalat-kalat sa school. Si Tjay ang madalas ko na nakasama that day, at
si Rae na panay ang tingin kay Carlo. Busy daw yata yung mga basketball players ng
Trinity High. Nagre-ready daw yata sa basketball season.

Imbitado naman yung mga estudyante na gustong manood sa practice nila nung hapon na
iyon. Narinig ko na may pre-play practice daw yung school namin dati, at yung
Trinity.

Isa lang ang ibig sabihin nun, darating sina Arwyn sa school.

Hindi naman ako close kay Arwyn, pero parang excited ako na makita siya na mag-
basketball sa school. Isa pa, makikita ko rin yung ibang players ng team namin na
matagal ko na ring hindi nakikita. Iba pa rin yata yung school ko dati. May
natitira pa rin akong school spirit para sa kanila.

Kasabay ko si Tjay na naglalakad papuntang gym. Malungkot pa rin siya at hindi pa


rin siya nakakaget-over na hindi na babalik si Ran. I felt bad, pero wala naman
akong magawa. Hindi ko pa nakakausap si Ran. Tuwing tumatawag naman ako paminsan-
minsan sa Mommy niya sa States, laging may reason kung bakit hindi ko siya dapat
makausap.

Pagdating na pagkadating namin sa gym, isang malaking away pa yung naabutan namin.

"F*ck you Jian! Pagsisisihan mo ito!" nagulat na lang ako dahil sa sobrang harsh
nung pagkakasabi niya. Ang dami ng estudyante na nagtinginan sa direksiyon nila.

"Highly doubt it, so umalis ka na!"

Yung nalulungkot na si Tjay, nagulat din at tinaas niya yung ulo niya.

"Anong nangyayari dito?"

May isang babae na nanonood doon sa away na lumingon kay Tjay nung narinig niya
yung sinabi niya at sumagot naman ng, "Inalis nung Captain sa team yung isang
player kaya nag-aaway sila."

"Sino?" tanong uli ni Tjay as if interesado talaga siya.

Sinubukan naman lumabas nung isang player na galit na galit doon sa dami ng tao na
nakapalibot na sa kanila. Nagsitabi naman yung mga tao at huminto siya sa harapan
ko at binigyan niya ako ng masamang tingin.

Siya yung lalaki na nagpunit ng sketch ni Nathan.

Umalis din naman yung lalaki at nakita ko na napansin na ni Jiroh na nakatayo ako
doon. Iniwas naman niya yung tingin niya sa akin, at bumalik siya sa side nung
ibang ka-team niya at inalis na yung jersey niya.

Dumeretso naman kami ni Tjay doon sa bleachers matapos ang mahaba-habang


pagtatanong ni Tjay kung bakit daw ba ako binigyan ng masamang tingin nung lalaki.
Ang hirap pa man ding mag-explain, at parang sumama tuloy yung pakiramdam ko.

Kung ako man yung reason kung bakit siya inalis ni Jiroh sa team, now I feel
horrible.

"SHAYYY! TJAYYY!" narinig ko na may tumawag ng pangalan namin sa kabilag side ng


gym, "HOYYY!

Hinanap ko pa kung sino yung tumatawag sa akin. Saglit lang, nakita ko si Arwyn na
nakangiti ng sobrang laki doon sa side niya.

"ARWYNNN!" sinigaw ko rin naman yung pangalan niya, "GALINGAN MO!"

Si Arwyn naman, ginawa yung double fist sa dibdib niya, tapos tinuro ako.
Nakakatawa nga na nakakahiya. Baka isipin ng mga tao boyfriend ko siya or niligawan
niya ako. Huwag naman sana.

Malapit kami sa side nila Jiroh nung lumapit na lang si Jiroh doon sa kinauupuan
namin.

"Nagchi-cheer ka sa kabilang team? Sa Captain ng karibal natin na team?" tinanong


niya ako na parang nasaktan pa siya na hindi ko maintindihan, "Some school spirit
you have."

"Hoy, kaibigan ko rin naman yung mga nasa kabilang team. Sinusuportahan ko naman
lahat."

Nakasimangot naman siya sa akin nun. Mukhang badtrip pa rin siya at wala sa mood
after nung away nila nung isang player.

"Sean! Akin na yung jersey ko!" sumigaw siya doon sa isang ka-teammate niya.

Mukhang nalito naman yung kasama niya for some odd reason tapos sinabi na lang,
"Akala ko ba hindi ka maglalaro?"

"I am now."

Pumunta siya sa gitna ng court at nagwarm-up siya doon. Nag-dribble siya ng nag-
dribble ng bola at tumakbo siya ng mabilis.

And then he made a shot.

Humarap siya sa akin from the middle of the court, did the double fist thing that
Arwyn did, and then...

He pointed at me.

***17***

So that didn't go well.

First off, Jiroh played hard. And when I said hard I meant...

"35-6?!? Yan lang ang kaya mo Arwyn? Nagchi-cheer pa naman ako! Nakakahiya naman."
side-comment ni Tjay doon sa gilid habang nanonood kami doon sa gym, "School ko ba
talaga kayo dati? Bakit hinahayaan mong talunin ka ni Jian ha?"

Medyo nang-aasar lang naman si Tjay but I was so relieved na hindi naman naririnig
nila Arwyn yun. Siyempre naman, nakakababa naman ng self-esteem yun.

Jiroh's really really good in basketball, I'm not gonna' lie. Para sa isang high
schooler, parang siya ang may-ari ng court. Ang gusto ko lang sa kanya, he's like a
free-spirit kapag naglalaro. Super focused na parang nakakalimutan niya lahat ng
nasa tabi niya. Para bang siya lang at yung laban ang nasa mata niya.

The second reason about the game not going "too well" was that, half time pa lang
eh tumakbo si Jiroh sa side namin uli ni Tjay at humarap sa akin. Ako pa ang
kinausap niya at hindi yung team niya, which was very random I may add. Medyo
nakaramdam ako ng init sa mukha ko na hindi ko maintindihan. For some odd reason,
parang nahiya ako sa lahat.

Tinitignan kaya nila ako?

Wala namang gusto sa akin si Jiroh, at least not like THAT, pero siyempre ang hirap
pa rin na palabasin na ganun sa harap ng ibang tao. After all, siya nga si Joseph
Jiroh Anderson ng Trinity High nila. Kumbaga ba, sa sikat points, I'm sure he's one
of the princes ng school.

For a prince like that to randomly walk to a girl who you wouldn't dare look twice
at after you happen to pass by... totally not acceptable. Pero ayun siya, lumapit
sa akin at kinakausap ako na para bang hindi siya yung guy na nagagalit sa akin sa
pagka "weirdo" ko daw ba. He was there like a total friend.

If I didn't know any better, he was jealous I was cheering kay Arwyn. Pero bakit ko
naman iisipin yun?

I would say the only time na medyo na distract siya eh nung pumasok si Carlo sa gym
kasabay ni Rae. After that, medyo parang nawala sa sarili kasi nakuha yung bola sa
kanya.

The game wasn't pretty after that. Nag-catch up na sina Arwyn sa points. Nanalo pa
rin naman ang Trinity High, pero hindi katulad nung una, dalawang points lang yung
lamang ng team nila Jiroh pagkatapos na pagkatapos ng game.

Tapos ayun na, inalis niya yung jersey niya.. and he disappeared from the court.

***

Lahat nagrereklamo na naman. Ang lakas-lakas ng ingay sa classroom at lahat parang


ayaw yung bagong project namin. Ako rin naman ayaw ko, pero hindi ko na lang
nilabas yung pagrerebelde ko. Halos lahat sa klase ko, ayaw talaga. Mangilan-ngilan
lang na babae yung medyo excited doon sa project.

"Ballroom... salsa.. tango... kayong mga bata kayo..." sabi nung teacher namin na
parang natutuwa pa na medyo nare-reject ng mga classmates ko yung gusto niyang
assignment, "Ang dali nga ng project na yan! Gusto niyo ba paper exam pa na
magsasaulo pa kayo? O etong sasayaw lang kayo at may grade na kayo?"

Parang mas gugustuhin ko na yata yung paper exam kaysa naman sumayaw pa ako sa
harap ng maraming tao. Hindi mo ako mapipilit sumayaw eh. Hindi kasi kaaya-ayang
tignan.

"So kailangan ng partners?" tanong naman ni Rae doon sa teacher namin na nasa
harapan pa rin ng klase.

"Kailangan ng partners. Ayaw ko ng babae sa babae... lalaki sa lalaki..."


nagtawanan yung ibang mga lalaki doon sa gilid, "Gusto ko babae at lalaki. Kung
kinakailangan kong i-reserve yung dance room para sa inyong lahat para mag-practice
kayo after school, gagawin ko. This is worth 50 points."

Nagsilakasan na naman yung mga boses. Fifty points. Seriously... fifty points?
Mapapahiya na nga ako, hindi pa maganda ang grade ko. Double the trouble naman
itong project na ito.

"Dibs on Carlo!" sigaw naman ni Rae na narinig pa doon sa buong classroom.

Lumingon naman si Carlo nung marinig niya yung pangalan niya. Medyo confused pa nga
nung una, pero nakacatch-up naman na siya afterwards.

"Partners tayo okay?" nakangisi pa na sabi ni Rae doon.

"Okay." mahinang sagot ni Carlo sabay tango lang.

Nag-iisip pa lang ako kung sinong magiging partner ko na hindi naman magiging
awkward sa akin masyado yung practice... nung bigla na lang tumayo si Jiroh ng
mabilis doon sa upuan niya sa kabilang row at nagtinginan lahat sa kanya. He looked
kinda'... out of it. Pati yung teacher namin eh tinitigan lang siya.

"May problema ba Mr. Anderson?" tanong nung teacher namin sa kanya.

"Wala." medyo may halong galit pa yung pagkakasabi niya, "Ang init dito sa room.
Nasu-suffocate ako. Lalabas lang ako at magpapahangin."

He didn't even wait sa teacher namin para payagan siya o bigyan siya ng permission
na lumabas. Basta kinuha niya yung bag niya at nagmadali siyang umalis. Nung sumara
yung pinto, saka lang nagtinginan yung mga tao.

Nanahimik talaga lahat.

Ang pinakasad-part eh, hindi na pumasok si Jiroh doon sa afternoon classes namin.
Ang hula ng maraming tao, may sakit daw at umuwi na lang. Tutal nung umaga naman,
hindi naman daw siya makahinga.

I didn't believe na yun yung rason kung bakit siya umalis na lang. He didn't look
sick to me. Mukhang, wala nga lang sa sarili niya.

I think Rae had the same hunch as me, kaya nung hapon eh panay ang hanap niya kay
Jiroh.

"Nakita mo ba siya Billy? Tinatawagan ko pero naka-off yung phone niya eh." sabi
naman ni Rae doon, "Nag-skip kaya talaga ng class yun? Babatukan ko yun eh!"

Halata mong worried din naman siya kay Jiroh pero hindi naman niya masyadong
binibigyan ng big deal. Humarap naman siya kay Carlo.

"Hanapin kaya natin siya Carlo mamayang uwian? Mukhang wala na naman sa mood eh."
nakakunut-noo pa siya nun, "Nung huling beses na ganun yun... medyo... alam mo na."

Tumango lang si Carlo na parang naintindihan naman niya kung ano yung tinutukoy ni
Rae. Siguro nga may nangyari na before na hindi ko naman malaman kung ano.

I felt kind of uneasy. Hindi ko alam kung normal lang ba mag-worry ng ganun-ganon
na lang sa classmate. I don't know if it was normal for him na bigla na lang
nawawala.

"Ang weird ni Jian no..." sabi ni Tjay nung naglalakad kami papalabas ng classroom
namin, "Akalain mo yun... parang mysterious kuno na hindi mo maintindihan na aalis
na lang? Parang ewan."

Tinignan ko naman siya nun. I don't know how to react to that.

"Pero infairness, mukhang problemado naman siya. Usually kasi medyo parang bakal
yun na hindi mo mababali eh. Kanina parang gusto niya talagang umalis dun dahil may
mangyayaring hindi maganda."

"Sana huwag naman. Wala pa namang nakakaalam kung nasan siya."

"Uuuyyy!" siniko-siko naman ako ni Tjay nun, "May concerned dito."

"Shush." binigyan ko naman siya ng masamang tingin, "Ikaw ba hindi ka concerned?"

Nag-isip naman si Tjay. Binilisan naman niya yung lakad niya na parang natataranta.

"Selfish na kung selfish, pero marami pa akong problema na dapat kong isipin kaysa
naman problemahin ko pa yung problema ng ibang tao. Sana okay lang si Jian."
nagseryoso naman siya sa akin, "Uuwi na pala ako. I-kiss mo na lang ako sa inaanak
ko ah!"

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Naghiwalay din naman kami ng daan afterwards.
Nawala na rin ako sa sarili ko at hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi ng bahay.
Minsan nga, nakakagulat na lang kung paano ko pa namamanage umuwi ng walang galos o
walang kung anu-ano dahil madalas hindi ko matandaan kung paano ako nakakauwi.

Inalagaan ko naman si Terrence nun. As usual, happy baby pa rin naman siya. Panay
ang gapang doon sa sahig namin. Ang masaklap lang, nakakuha pa na naman siya ng
marker at sinulat-sulatan yung dingding namin. May sarili tuloy kaming artwork doon
na hindi ko naman malaman kung maganda ba or what.

I went upstairs after nung dinner. Nandun ako sa terrace ng bahay namin at nakaupo
lang ako doon. Hindi na naman ako makatulog that night kaya naisip ko na doon na
lang muna ako mag-stay. Medyo bothered pa rin naman ako.

Tinext naman ako ni Rae after a while.

'umuwi n b c jian?
d p rin xa mahanap eh.
sbi mom niya d pa xa umuuwi cmula umaga."

I felt kind of alarmed. Nakapajama na ako nun at ready na dapat ako matulog na.
Saan naman pupunta yun? May nangyari kaya dun? Past 12:00 na ng gabi.

Mangunguha na sana ako ng pera at cellphone ko para maghanap-hanap sa kapitbahay


namin, when I finally heard a glass breaking.

...and there he was. Sa tapat ng street namin na nakahiga doon sa daan. Parang
magic na hiniling ko at nahulog sa daan.

Mabilis akong nanguha ng hoodie at tsinelas ko para lumabas. Sinubukan kong hindi
mag-ingay para hindi magising sina Mama at Papa, at lalung-lalo na yung kapatid ko
na si Terrence. Successful naman ako, kaya nakalabas na ako at lahat-lahat hanggang
doon sa gate namin.

Nandun pa rin siya sa daan at nakahiga. May nagkalat na basag na bote doon malapit
kung saan siya napunta.

"Jiroh!" sumigaw na lang ako nung nakita ko siya. Hindi pa rin siya tumatayo doon
sa daan.

Tumakbo naman ako doon sa tabi niya. Nakahiga pa rin siya at mapungay pa rin yung
mata niya. Tumawa-tawa pa siya doon na parang ang saya-saya niya.

That's when I realized what was going on.

"Lasing ka ba?" tinanong ko siya habang nakaluhod na ako doon kung saan siya
nakahiga, "Saan ka ba nagpunta ha? Maraming nag-aalala sa iyo ah! Tapos ngayon uuwi
ka na... lasing?"

"Hindi..." ang bagal pa niya magsalita nun, "Ako..." sinubukan pa niyang buksan
yung mata niya, "Lasing."

"Right." sabi ko naman sa kanya, "Tara na nga. Susubukan kitang tumayo okay? Para
makapagpahinga ka na. Iuuwi na kita para maging okay ka na."

After kong sinabi yung word na 'okay,' I think that's when he had it.

He just randomly blew up.

"OKAY? OKAY BA KAMO???"

Nagulat na lang ako nung bigla siyang tumayo at hinawakan niya ako sa magkabilang
balikat ko. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa akin, and he just pinned me
on the ground.

"WHO ARE YOU TO SAY NA MAGIGING OKAY ANG LAHAT HUH? IKAW YUNG DAHILAN KUNG BAKIT
NAMAN NAGKAGULO-GULO ANG LAHAT! MANHID KA BA?"

Sinubukang kong umalis doon sa pagkaka-pin niya sa akin. He looked really scary.
Hindi ko alam kung si Jiroh pa ba yung nasa harapan ko. He looked really... mad.
And hurt.

"J-jiroh paalis--"

"MAHAL NA MAHAL KITA RAE! GINAWA KO NAMAN LAHAT PARA SA IYO 'DI BA? ALAM MO NAMAN
YUN 'DI BA?" sigaw pa rin siya ng sigaw sa akin. Si Rae? "BAKIT SI CARLO?!? ANONG
MERON SI CARLO?!?"

"Jiroh lasing ka lang eh. Paalisin mo nga ako ano ba?!?" tinutulak ko siya nun pero
masyado siyang mabigat at malakas para maitulak ko.

"AKO NA LANG SANA! AKO NA LANG YUNG PILIIN MO."

I saw him crying. I could have sworn umiiyak na siya sa harapan ko. At hindi ko
alam kung anong gagawin ko. There's this guy na lasing at umiiyak sa harapan ko.
Much worse, he thinks I'm someone else.

Pagkatapos nun, I didn't expect what he did next.

He leaned and forcedfully....

I was caught by surprise. Nung una hindi ako nakapag-react. Afterwards, saka ko
siya sinubukang itulak, sampalin at sipain.

I can't believe this. He just forcedfully kissed me. Mistakenly as someone else.

"Jiroh!!! Ano ka ba? Si Shay 'to!" naiiyak na ako nun dahil parang pakiramdam ko
ang laki ng nawala sa akin, "J-jiroh paalisin mo na ko..."

Kakaiyak ko doon, saka lang siya tumigil at nag-iba yung expression ng mukha niya.
Nawala yung galit niya at tinitigan lang niya ako. Parang nagulat pa siya sa ginawa
niya at nung narealize niya kung sino yung nasa harapan niya.

"S-Shay..." narinig ko na lang na sinabi niya.

Humawak siya sa pisngi ko, tinitigan lang ako ng mga ilang segundo, and then he
kissed me gently.

Just like that.

And then he passed out on top of me.

You might also like