You are on page 1of 7

**40***

Hindi ko na maipagkakaila pang nalungkot ako nung umamin sa akin si Terrence.


Wala akong magawa kung hindi sumandal sa balikat niya at nag-iiiyak na lang
ako. Siya naman eh hinawakan na lang ako. Dati-rati alam ko kung anong
gagawin ko kung may mga problemang dumarating sa akin. Pero ngayon wala
akong maisip na gawin, at wala ring makakatulong sa akin.

I felt totally helpless.

That same moment, I realized I'm not half as strong as Terrence. Kung siya
kinaya niyang harapin yung bagay na iyon buong buhay niya, ako hindi ko man
lang magawa.

Then I thought, if the two of us are in a race against time, I'd rather spend the
remaining time with him. Make the most of it. After all, nag-iisa lang si Terrence.
At alam ko na wala na akong makikilala pang katulad niya.

Lagi na rin akong pumupunta sa simbahan before school, lunch break, and after
school. I'm hoping and praying na sana may mangyari na pabor sa amin. Alam
ko naman na walang makakapagsabi kung ano ang mangyayari. But I won't lose
hope.

The next two days palagi pa rin akong dumadalaw kay Terrence at kay Mama. Si
Mama, ayun mataba pa rin dahil buntis nga. Hindi pa rin siya nanganganak,
that's for sure. Mas kinakabahan pa nga yata ako sa kanya. Please.. please..
please.. let it be a baby sister!!! Gusto ko kasi talaga ng kapatid na babae.

I'm back to my old self, sort of. Syempre sinusubukan kong huwag malungkot.
Pero deep inside me, syempre nandun pa rin iyon. The least I can do for
Terrence is to be happy myself. At least kapag alam niyang masaya ako, hindi
siya masyadong masasaktan. After all, ako naman lagi yung iniisip niya. It's time
na ako naman yung mag-isip para sa kanya.

Alam na sa school yung condition ni Terrence. Katulad ko, maraming nagulat.


Nagpadala na yung doctor ng medical statement sa school kung bakit hindi siya
pumapasok. Kaya ayun, tuwing nasa school ako at si Tjay eh pinapaulanan kami
ng tanong. Lagi lang naman naming sagot eh nagpapagaling pa siya.

Funny thing was that nung isang araw, may limang babae ang dumating sa
hospital para dalawin si Terrence. May dala silang bulaklak at basket din ng
fruits. It turned out, admirers pala ni Terrence yung mga babae. He was all weird
out kasi may dala silang isang malaking scrapbook na punong-puno ng pictures
ni Terrence simula sa pagkain ng hotdog sa cafeteria, hanggang sa naka t-shirt
na si Terrence from Prom. Tawa nga ako ng tawa nun kaya tinignan ako ni
Terrence ng masama na may halong biro. Si Tjay naman eh seryosong-seryoso
doon sa mga pictures at nanghingi pa siya ng isa.

Umalis din naman yung mga babae, kaya ayun kami na lang uli yung natira sa
loob. Nakikipag-agawan pa nga si Terrence doon sa picture na hiningi ni Tjay,
pero hindi naman siya makaalis sa bed niya dahil nga naka-dextrose siya.
Terrence lost weight na rin, and mukhang nanghihina rin siya paminsan-minsan
kaya inaalalayan pa namin.

"Ano ka ba ang cute mo nga sa picture eh! Natutulog ka sa desk ng teacher mo."
tinaas naman ni Tjay yung picture, "Maipakita nga kay Mama at Papa para
malaman nila kung anong pinaggagagawa mo sa school."

Wala namang pakialam si Terrence. Kasi after sinabi ni Tjay yun, hindi na siya
nakipag-agawan. Alam naman niya na may paka-childish naman talaga yung
kapatid niya.

Lumabas din naman di Tjay dahil tinawagan siya ni Ran at may pupuntahan pa
raw sila. Inasar ko nga siya na may date na naman silang dalawa. Iniwan niya
ako at si Terrence doon sa hospital room niya. Ayaw ko naman siyang iwan mag-
isa dahil wala pa si Tita Jayne.

Hinintay lang ni Terrence na makaalis si Tjay bago pa siya nagsalita. Siguro


ayaw niya munang magsabi ng kahit ano kung nandun pa si Tjay dahil baka
asarin lang kaming dalawa. Kaya lang nung nakaupo na kami doon, may inabot
sa akin si Terrence na papel na nakatupi. Akala ko naman kung ano na, yun pala
eh may log in and password doon sa school website namin.

Nagtaka naman ako doon.

"Teka, bakit mo binibigay sa akin?" tinanong ko siya sabay taas ko nung papel na
binigay niya.

"Walang nag-manage nun ngayon 'di ba? Bakit hindi mo subukan?"

"Ako??" tinuro ko yung sarili ko, "Ano ka ba, wala akong alam sa ganyan mga
web hosting, designing saka kung ano pa man yan. Terrence maghanap ka na
lang ng ibang marunong."

Nag-lean siya papalapit sa akin.

"Pero ikaw nga lang nakakaalam na ako ang admin niyan." then sumandal siya
uli, "Saka tingin ko kaya mo naman. Mabilis ka namang matuto. Isa pa, lahat
naman ng mga bagay-bagay mababasa mo naman doon."

"Ewan ko ha.." kinamot ko yung ulo ko, "Wala talaga akong alam sa ganito eh.
Pero sige susubukan ko."
Hindi naman na ako naiilang kay Terrence. Siguro dahil nga alam kong may
sakit siya, saka ko naisipan na laging pumunta doon at maging masaya na lang.
Kasi alam ko hindi rin naman ako makakatulong sa kanya kung
magpapakalungkot ako eh.

Dumating din si Rae doon. Nung una nagsasalita pa siya about sa asthma ni
Terrence. Hindi pa niya kasi alam that time na alam ko na yun totoo. Nagtaka na
lang siya sa amin ni Terrence kung bakit ganun kami makatingin sa kanya kaya
natigilan siya.

"Teka nga..." tinignan niya ako, "Alam mo na no?"

Tumango naman ako sa kanya. Nagulat na lang ako nung nag-snap siya sa gilid.

"Sabi ko na nga ba eh yung mga tingin na iyan may ibig sabihin!" then lumapit
siya sa akin, "Sinabi ba sa iyo ni Terrence o na work out mo yung sinabi ko sa iyo
before?"

Napaisip ako. May sinabi ba siya sa akin before???

Napansin niya siguro na confused yung itsura ko kaya nagdire-diretso na lang


siya sa pageexplain.

"Well alam ko fed-up ka na sa idea na may asthma siya. Pero remember nung
may championship game at sinugod si Terrence sa hospital, sinabi ko sa iyo
scarred na siya dito.." tinuro niya yung puso niya, "Kaya ayaw na niyang
magmahal?" bigla na lang tumawa ng tumawa si Rae, "I was talking literally, pero
baka yung inisip mo eh baka may past si Terrence sa ibang babae... wala
naman."

"Rae ano ba!" sigaw naman ni Terrence.

Sa totoo lang, naalala ko nga yung sinabi ni Rae na iyon. Pero hindi ko inisip
literally. I was thinking may bad experience siya sa girls kaya ganun. If I'd known
na ganun pala...

"Si Tjay pala?" inikot ni Rae yung paningin niya sa loob ng hospital.

"Wala. Lumabas kasama nung pinsan niya." tinignan ako ni Terrence, "May date
yata."

"Ano ba yan pinsan napapagiwanan ka na! Nauunahan ka na ng kapatid mo! Buti


pa siya may experience na sa dating.. eh ikaw?"
"Shut up Rae. I've been on dates before. One of them, I had fun." sinimangutan
siya ni Terrence.

"Kanino naman?"

Hindi na sana ako magsasalita. Kaya lang nung tumingin si Terrence sa akin, so
as Rae.

Nailang tuloy ako. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako or what.

"Uhh... yeah. We've been on a date... once."

"ONCE???" biglang hinampas ni Rae si Terrence ng malakas sa braso niya,


"Mahina ka pala eh!"

"Just leave us alone Rae. Ang daldal mo masyado eh! Para kang si Tjay."

Nung nang-aasar si Rae doon, ako naman napaisip ako. Yeah, weve been on a
date once. By accident pa. Kung parehas siguro kaming may date nun, I doubt
na magkasama kami that day. Yes, he did ask me para kumain sa labas, but I
totally blew it. Kung titignan mo kaming dalawa ni Terrence, wala pa naman
talagang masasabing date between the two of us.

Salita ng salita si Rae nun. Naririnig ko na lang pero wala akong maintindihan.
Siguro occupied ako masyado nung mga iniisip ko kaya ganun. Naisip ko lang...

...maybe just maybe I can plan something for us 'di ba???

"HOY NAKIKINIG KA BA???"

Nagulat ako nun nung sinigawan ako ni Rae. Napatayo na lang ako bigla.
Kailangan ko namang umalis doon. May naisip na ako na gawin para kay
Terrence. Dahil may kasama naman na si Terrence doon, siguro okay naman na
iwanan ko na siya pansamantala.

I want to see Terrence happy. So dapat gawin ko ito.

"Sorry Rae, Terrence, aalis na ako. Bye!"

Siguro nagulat sila parehas kasi pagkasabi ko nun eh tumakbo na ako ng


mabilis. Hindi na ako lumingon pabalik. Kung gusto ko ng something special,
dapat paghandaan kong mabuti 'di ba? Kaya kailangan kong gawin ito.

Pinuntahan ko naman yung pinaka-main na plano ko. Parang pinanghinaan ako


ng loob dahil sinabi sa akin na 500 pesos daw isa. Hindi ko alam kung saan ako
kukuha ng 1,000 para sa aming dalawa. Pero bahala na. Mangungutang siguro
ako kay Ran or whatever.

Tinawagan ko naman si Tjay para alamin kung nasaan sila. Alam kong hindi
maganda yung ginagawa ko dahil baka nakakaistorbo ako sa date nila, pero
desperate lang talaga ako nun. Hindi kasi sinasagot ni Ran yung phone niya. Si
Tjay parang inis na inis yung boses.

"Malay ko dun! Umuwi na yata sa inyo! Iniwan ako! Hindi man lang ako hinatid.
Ewan ko ba dun hindi mapakali."

"Bakit ba anong nangyari?"

"Eh di ba sabi ko sa iyo nung Prom pa lang dapat sasagutin ko na siya? Eh si


Kuya nga inatake nung sakit niya, kaya hindi natuloy. Tapos lately tuwing
kumukuha ako ng bwelo para sagutin na siya, madalas naman wrong timing ako.
Ngayon sabi niya kailangan niyang bumalik dahil paalis na daw yung Mommy
niya. Bwisit talaga yun!!"

"Nagkakataon lang yun. Sana sinabi mo na lang ng mabilis."

"Hoy OA ka, gusto ko naman may feelings." then narinig ko tumawa siya, "Teka
bakit mo ba hinahanap si Ran?"

"Wala lang may importante kasi akong hihingiin sa kanya. Sige pala
nagmamadali ako eh. Hahanapin ko na lang siya sa bahay."

Sumakay na ako para makauwi. Tiyak nasa bahay na nun si Ran dahil flight na
nga pala ni Tita Marie bukas. Ni-hindi man lang siya aabot sa graduation ng anak
niya. Sabagay ganun naman na siya dati pa.

Hindi naman ako nagkamali. Pagkadating ko sa bahay eh nasa baba si Tita


Marie at nagluluto para sa aamin. Tinanong ko si Ran at sinabi niya eh nasa
kwarto na raw niya.

Ako naman eh umakyat ako sa hagdan namin at pumunta ako sa kwarto ni Ran.
Kumatok ako pero walang sumagot nung una. Nakailang katok ako wala pa rin.

"Ran? Si Shay 'to. Pwedeng pumasok?"

Wala pa rin. Ako naman hindi na ako makapaghintay, binuksan ko na lang kahit
hindi ako pinapapasok. Akala ko natutulog siya kaya hindi sumasagot, pero nung
makita ko eh nakahiga si Ran sa kama niya at nakatingin lang sa kisame.

"Ran may problema ba?"

Tinignan niya lang ako saglit. Pagkatapos eh tumingin na siya uli sa kisame.
"Wala."

Naupo ako doon sa edge ng kama niya. Kahit kailan talaga hindi magaling
magsinungaling si Ran. Malalaman at malalaman mo talaga kung may problema
siya.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari..." sabi ko ng mahina, "Pero nakakainis


ka na ah!" tinulak ko yung isang paa niya, "Hindi ko dapat sabihin sa iyo pero
dapat sasagutin ka na ni Tjay pero lagi ka na lang may excuse!! Gusto mo bang
sagutin ka niya? Ayusin mo nga!"

"Alam ko."

Ang ikli ng mga sagot niya. Hindi ganun si Ran.

"Ok ka lang?" nagtataka na talaga ako sa kanya.

Nagulat na lang ako nung tumayo ng mabilis si Ran. Kinuha niya yung basketball
model niya na nasa headboard ng kama niya. And next thing I know, binato niya
ng malakas doon sa wall kaya nabasag na lang bigla.

Napatingin ako kay Ran nun. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano.

"Ran anong nangyayari sa iyo?"

"OKAY LANG AKO!!!"

Sasandal na sana siya, kaya lang hindi niya itinuloy at bigla-bigla na lang niya
akong niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

"Shay... hindi ako okay. Hindi ako okay Shay."

Naramdaman kong nalulungkot si Ran. Hindi siya ganyan kapag normal self siya.
Pero ngayon...

"Mahal ko si Tjay! Seryoso ako sa kanya... at gusto ko siyang maging girlfriend


ko. Pero hindi pwede! Hindi niya ako pwedeng sagutin!"

Nakaupo lang ako at yung kamay ko nun eh nasa gilid ko. Bakit ba ganun sila?
Kailangan bang pag-isipin nila kaming mga babae?

"Bakit? Bakit hindi mo sabihin sa akin baka makatulong ako..."

Katulad ng ginawa ko nun kay Terrence, sinandal ni Ran yung ulo niya sa balikat
ko at nagsimula siyang umiyak. Doon ako kinabahan, dahil hindi umiiyak si Ran
ng ganun-ganon na lang.

"P-pagkatapos ng graduation.. aalis na ako. Hindi ko alam kung babalik pa ako


dito. Shay..."

"Sa States na ako mag-aaral."

You might also like