You are on page 1of 7

Below is the LET Reviewer for General Education GENED: Filipino Part 1.

We encourage readers/
reviewees to use the comment boxes after the article for discussion.

1. Sinabi ni Carlos P. Romulo sa isa niyang akda, “Ang Pilipino ay may dugong maharlika.” Ano ang
kahulugan nito?
a. Ang Pilipino ay nanggaling sa malayang lahi
b. Ang Pilipino ay sadyang mabuti ang budhi.
c. Ang Pilipino ay galing sa mayamang lahi
d. Ang Pilipino ay madaling maipagbili

2. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?


a. Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan.
AdChoices
ADVERTISING
inRead invented by Teads

b. Ang kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at nagtatakbuhan sa lansangan.


c. Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi.
d. Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro.

3. Piliin ang gawi ng pagsasalita: Kasiyahan ko nang makitang kayo’y nagmamahalan.


a. Pangarap
b. Pagkontrol ng kilos
c. Pagkuha ng impormasyon
d. Pagbabahagi ng damdamin

4. Ang kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sa panitikang Pilipino ay


a. Nanatiling masigla ang diwang Pilipino
b. Nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino
c. Natutong lumabag sa batas at lumaban sa may kapangyarihan ang mga Pilipino
d. Naimpluwensyahan ang diwang alipin ng mga Pilipino

5. Laging UMUUKILKIL sa isipan ng ama ang nasirang pangako ng anak.


a. Sumasagi
b. Gumugulo
c. Bumubuhay
d. Sumasapi

6. Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ay gulong-gulo kapag may giyera sa ibang bansa.
Ano ang unang ginagampanan ng ambassador ng bansa?
a. Bilangin ang mga nasugatan at nasawi
b. Alamin ang mga tirahan ng mga Pilipino sa bayang iyon.
c. Ipunin ang mga maykaya at ipalipad pauwi.
d. Bayaang magsipag-uwian sa sariling sikap ang bawat isa

7. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Bumili ng bagong sasakyan si Angelo”?


a. Pokus sa direksyon
b. Pokus sa kagamitan
c. Pokus sa sanhi
d. Pokus sa aktor

8. Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taon-taon. Higit na marami ang maralitang
nangangailangan ng salapi at dunong. Ang nagsasalita ay
a. Kuripot
b. Matipid
c. Maramot
d. Praktikal

9. Nasa anong kaganapan ng pandiwa ang pangungusap?


Naglaro ng basketball sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan.

a. Sanhi
b. Tagaganap
c. Kagamitan
d. Ganapan

10, Sa aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung pinagpipilitang si Rose ang nakabasag ng
pinggan?
Hindi si Rose ang nakabasag ng pinggan.

a. Rose
b. Hindi
c. Nakabasag
d. Pinggan

11. Anong tayutay ang tinutukoy sa pahayag.


Durog ang katawang bumagsak sa semento si Miguel.

a. Pagtutulad
b. Pagbibigay katauhan
c. Pagmamalabis
d. Pagwawangis

12. Sino ang pinagkalooban ng karangalan bilang “Unang Tunay na Makata” noong 1708?
a. Jose dela Cruz
b. Felipe de Jesus
c. Francisco Balagtas
d. Jose Corazon de Jesus

13. “Magtatrabaho ako at ikaw ay mag-aaral upang makatapos ka ng pag-aaral.” Anong uri ng
pangungusap ito?
a. Payak
b. Tambalan
c. Hugnayan
d. Langkapan

14. Mag-aalas-singko na _____ umaga _____ magising siya.


a. ng – ng
b. nang – nang
c. ng – nang
d. nang – kapag

15. Ang butong tinangay ng aso, walang pagsalang nalawayan ito. Ang kaisipang ito ay tumutukoy sa
katotohanan ng ______.
a. Pagnanakaw
b. Pagtatanan
c. Pagpapakasal
d. Pakikipagkaibigan

16. Anong uri ng pagbigkas ang salitang “dambuhala”?


a. Malumi
b. Mabilis
c. Maragsa
d. Malumay

17. Ang katawagan sa pangngalan, pang-abay, pang-uri at pandiwa ay?


a. Palabuuan
b. Pangkayarian
c. Pangnilalaman
d. Palaugnayan

18. Ang panukalang inihain niya ay lubhang malalim at mahirap arukin.


a. Abutin
b. Unawain
c. Sukatin
d. Tanggalin

19. Ang wikang Filipino ay hawig sa mga wika sa Asya. Alin dito ang pinagmulan ng wikang Filipino?
a. Bahasa
c. Nihonggo
d. Mandarin
d. Malayo-Polinesyo

20. Ano ang katumbas ng “Dekalogo” ni Apolinario Mabini na nagsasaad ng aral sa Filipino?
a. Mosaic Law
d. Code of Ethics ni Kalantiaw
c. New Society ni Pres. Marcos
d. Code of Citizenship ni Pres. Quezon

21. Siya ay hinirang na taga-sensus ng bahay-bahay. Ano ang kanyang nalikom?


a. Ang bilang ng tao sa bahay
b. Ang kayamanan ng may-bahay
c. Ang datos tungkol sa mga bata sa bawat bahay
d. Ang datos tungkol sa mga naninirahan sa bawat bahay
22. Kami ang kabataang siyang magiging pag-asa ng bayan. Paano ginamit ang salitang may
salungguhit?
a. Pagtukoy
b. Pagpuri
c. Panghalip
d. Pagmamalaki

23. Walang tubig kahapon. Ito ay pangungusap na:


a. May paksa
b. Walang pandiwa
c. May panaguri
d. Walang paksa

24. Ipinagmamalaki mo siya, BAHAG naman pala ang kanyang BUNTOT. Ang ibig sabihin ng salitang
may malaking titik ay:
a. Kuripot
b. Traydor
c. Duwag
d. Mahiyain

25. Sabihin ang gawi ng pananalitang ito: “Bawal tumawid, may namatay na dito!”
a. Pananakot
b. Pagtukoy
c. Babala
d. Paalala

26. Pinakamahalagang nobelang Pilipino sa maraming taon na nalimbag noong 1906 at tumalakay nang
masinsinan sa paksang puhunan laban paggawa at sa sosyalismo ang _____.
a. Luha ng Buwaya
b. Banaag at Sikat
c. Ibong Mandaragit
d. Pangginggera

27. Ayon kay Balagtas, “ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad” kaya ang mga bata ay
a. jeproks
b. nag-aartista
c. nakapagtatapos sa pag-aaral
d. hindi sumusunod sa magulang

28. Noong taong 1962, ano ang pagbabago sa paglimbag ng diploma at sertipiko ng pagtatapos?
a. Pinahihintutan ang pribadong paaralan na maglimbag sa wikang Ingles
b. Nilimbag sa Tagalog ang diploma sa di-Tagalog na bayan
c. Nilimbag sa Filipino ang diploma ngunit may Ingles
d. Nalimbag sa Filipino ang diploma

29. Ang gintong panahon ng mga manunulat noong panahon ng Amerikano ay batid sa uring
a. Sanaysay
b. Nobela
c. Panulaan
d. Maikling kwento

30. Alin sa mga sumusunod ang may wastong gamit ng tinig ng pandiwa?
a. Ang hinog na papaya na kinuha sa puno ni Marie.
b. Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.
c. Kinuha sa puno ang hinog na papaya ni Marie.
d. Papayang hinog ang kinuha sa puno ni Marie.

Answers: 1A 2C 3D 4B 5B 6B 7D 8D 9D 10B 11C 12B 13D 14C 15B 16A 17C 18B 19D 20A 21D 22A
23D 24C 25C 26B 27D 28D 29D 30B

We encourage the readers/ reviewees to use the comment box after the article for discussion. Meanwhile,
answers are already incorporated below the questions.

1. Hindi totoo ang katapangan na ipinapakita ni Vincent sa harap ni Lalie sapagkat BAHAG ANG BUNTOT
niya sa harap ng paghihirap.
A. Matapang
B. Matiyaga
C. Duwag
D. Malakas ang loob

2. NAG-ALSA BALUTAN si Claudia dahil sa malimit umanong pananakit ni Reymar.


A. Lumayas
B. Nagtampo
C. Nagtago
D. Nagmaktol

3. Ang ________________ ng mga Nars ay dininig ng komite kahapon.


A. Pakiusapan
B. Pakikipag-usap
C. Ipakiusap
D. Pakiusap

4. Lumapit si Prink kay Eadji at sinabing, “ __________ mo si Landon ng pagkain sa kusina.”


A. Utusan
B. Kunin
C. Kunan
D. Hanapan

5. Nakatulog si Jana sa kanilang opisina dahil sa HIMINGTING ng kapaligiran. Ano ang kahulugan ng
salita na nasa malalaking letra?
A. Kaingayan
B. Kapayapaan
C. Lakas ng hangin
D. Katahimikan

6. Ang sentro ng pagdiriwang ng SENTENARYO ay sa Kawit, Cavite. Ang kasing-kahulugan ng salitang


nasa malalaking letra ay:
A. Ika-50 taon
B. Panghabang panahon
C. Ikasandaang taon
D. Ika- 25 taon

7. “Ang sinuman ay makabubuo ng matibay na lubid kung pagsasama-samahin ang sinulid.” Ang ibig
sabihin nito ay?
A. Ang lakas ng tao ay nasa pagkakaisa nila.
B. Kailangan magkaisa tayong lahat.
C. Magkakaiba ang mga tao kaya hirap magkaisa.
D. Nagkakaisa ang mga tao.
8. MALIIT ANG SISIDLAN ni Dian kaya iniiwasan siyang tuksuhin ng mga kasama. Ano ang ibig sabihin
nito?
A. Walang pasensya
B. Walang pagtitimpi
C. Walang galang
D. Walang lakas ng loob

9. Siya’y isang bulag ngunit kaya niyang gumuhit ng larawan. Siya’y isang ___________________
A. Imbentor
B. Manunulat
C. Dalubhasa
D. Pintor

10. Anong hukuman ang siyang _____________ ng mga kaso ng korupsyon.


A. Court of Appeals-manglilitis
B. Sandigan Bayan-naglilitis
C. Korte Suprema-maglilitis
D. Ombudsman-tagapaglitis

11. _________________ mo naman sa kanila na magdala ng mapagsasaluhan.


A. Usap-usapan
B. Usapin
C. Ipakiusap
D. Pakiusap

12. “Gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito ay may
tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.” (Luk 16:9)
Ano ang kahulugan ng sanlibutan?
A. Mga israelita lamang
B. Apostoles
C. Dukha
D. Katauhan
13. Ano ang pangungusap na dapat mauna?
I. Ngunit ang pagtatalo ay hindi dapat nauuwi sa pagkakagalit.
II. Natural lamang ang pagkakaroon ng magkakaibang pala-palagay ang mga tao.
III. Sa mga mag-asawa man ay hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng opinyon.
IV. Kahit sa magkakapatid, karaniwan na ang hindi pagkakasundo.
V. Upang maiwasan ito, nararapat lamang na maging bukas ang ating isipan sa paniniwala ng iba.

A. I.
B. II
C. III
D. IV

14. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang na kasingkahulugan ng salitang pala-palagay?
A. Opinyon.
B. Kuru-kuro
C. Paniniwala
D. Akala

15. May pera sa basura. Huwag mong pagtakhan iyan. Isa-isahin mo ang laman ng iyong basurahan.
Tiyak na may papel na walang sulat sa likod at maaari mo pa itong sulatan. Kung minsan, may mga papel
at notebook na may sulat pero pwede mo namang ipagbili. May mga bukas na lata na maaari mo rin
namang tamnan o kaya’y pwedeng balutin ng wrapping paper upang paglagyan ng lapis, bolpen, krayola,
aspile o kaya’y pako. Ang pinagbalatan ng sibuyas, patatas at saging, sanga ng kangkong, tira-tirang
pagkain ay maaaring maging pagkain ng baboy at maaari rin itong maging pataba sa lupa. Tunay na may
pera sa basura kung magtitiyaga lamang at magiging malikhan upang ang patapong mga bagay ay
maging kapaki-pakinabang. Anong uri ng texto ang seleksyong binasa?
A. Informativ
B. Argumentativ
C. Prosijural
D. Narativ

16. ____________ magtrabaho sina Fred at Jose.


A. Magkasinbilis
B. Magkasingbilis
C. Napabilis
D. Magkasimbilis

17. Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi maligaw.


A. kung saan
B. noong
C. ng
D. nang

18. Upang lalong maging ______________ ang patakaran ng Pangulo na mabago ang pamamalakad sa
bansa, ipinasya niyang magkaroon ng pagbabagong tatag sa lahat ng sangay ng pamahalaan.
A. marangal
B. mabisa
C. tanyag
D. malinaw

19. Nakalulungkot isipin na ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay ______________ sa masamang
bisyo.
A. nababalisa
B. nalalayo
C. nabubuyo
D. nababalot

20. ________ ng mga pulis ang kadena sa kanyang mga kamay.


A. Nalagyan
B. Nilagyan
C. Inilagay
D. Naglagay

Answers: 1C 2A 3D 4C 5D 6C 7A 8A 9D 10B 11C 12D 13B 14C 15A 16B 17D 18B 19C 20C

You might also like