You are on page 1of 2

Parati kong naririnig ang mga katagang nagmahal, nasaktan, nagmahal ulit, nasaktan na naman

Sa bawat pag-inog ng mundo


Sa bawat pagtakbo ng panahon
Sa bawat oras na nilikha ng Panginoon
Iyon ang naging kalakaran

Sa laro ng pagmamahal, mayroon at mayroong nasasaktan


Mayroon at mayroong umaasa at nasusugatan
At sa larong ito, karamiha’y babae ang nahihirapan
Hindi ko alam! Hindi ko mawari kung bakit kailangan pang masaktan!
Kung bakit tinanong pa ni Basya kung “Puwede bang ako, Puwede bang ako ulit”
Kung bakit ang sakit ay paulit-ulit
Kung bakit hindi na lang nawala ang pait na dulot ng pag-ibig

At sa bawat pagsuyo, sa bawat pangako, sa bawat sandaling sinabi mong Mahal mo


pero hindi naman pala totoo
Naroon, naroon ang babaeng tinatanggap ang kasinungalingan mo.

alam ko na sa kaibuturan ng puso ni Maria


naroon ang pagpapatawad kahit nagdurugo na
Naroon ang mga ngiting pilit na sumisiksik sa labi niya
Naroon ang mga iyak na pilit na itinatago ng pagkatao niya
At naroon ang mga salitang nagsasabing “kaya ko pa”

Ngunit hindi pala lahat ay ganito


Naalala ko kung paano naghinagpis ang aking kaibigan, kung paano niya paulit-ulit na sisihin ang
sarili niya sa kasalanang hindi siya ang gumawa
Pinaniwala na siya ang may kasalanan
Siya ang dahilan ng pagsikip at paghihirap ng iyong mundo
-na ipinamukha mong wala na siyang nagawang tama, na wala nang silbi para siya’y mabuhay pa.

Siya na dating magandang bulaklak ay trinatong tulad ng isang ligaw na damo na salot sa iyong
mundo
Sapagkat sa iyong mapagpalalong kamay, siya’y nagmistulang isang damong binunot, binugbog at
tinapaktapakan,
Pinagpilitang gawin ang mga bagay na labag sa kanyang kagustuhan

Maliban doon, hinusgahan din siya ng mundo- hinusgahan nang magsimula siyang maniwala sa
pagmamahal na ipinangako-
Kaya pinili niyang ikulong ang sarili sa madilim na bahagi ng kuwartong larawan ng kawalan ng
tiwala sa sarili- damdaming di Malaya, at mga pag-asa’t paniniwalang giba.

Dumating ang araw na wala na siyang naramdaman


Ilang araw na tulala-hindi makakain, hindi makapagsalita
Palaging umiiyak,
Palaging iniisip kung ano ang mali sa kanya?
Kung bakit siya iniwan?
Kung bakit siya itong sinasaktan at pinapahirapan?
Kung tubig lamang ang sakit na nararamdaman niya
Malang nalunod na tayong lahat.

At sa isang gabing binalot ng katahimikan, umalingawngaw ang tunog na naghuhudyat ng


pagbubukas ng kadalamhatian
At sa di ko maipaliwanag na sandali kung bakit ako paroon at parito, at ang bawat pintig ng puso ko’y
binalot ng pangamba kasabay pala nito ang pag-ugong ng balitang wala na siya
Pinili niyang wakasan ang buhay niya at lisanin ang ibinigay mong mundo ng pagkukunwari,
panloloko, at pandaraya.
Lahat ay kanyang naranasan, lahat ng masasakit na damdamin ay kanyang pinagdaanan
Depresyon, maagang pagbubuntis, sirang pamilya, pag-asang giba, pagkagamit, at lahat lahat na
Sa mga sandaling iyon
Isipin mo na kayang kaya mo yang lampasan
Magtiwala ka lang sa sarili at lahat ay mapagtatagumpayan

Ngayon, para sa mga babaeng nagmahal, sinaktan, pinahirapan


Lagi ninyong tatandaan na kayo, kayo ay anak ng La Union
Nasa inyong anyo ang pagiging matatag
Representasyon kayo ng mga babaeng masisipag
Kaya bitawan mo na ang nagpapabigat sa kalooban mo
Tanggalin na ang makamandag na punlo na nakatarak sa iyo
Palayain mo na ang sarili mo sa mapagpalalong rehas na kumukulong sa’yo
Sapagkat ikaw, ikaw lang ang makakagawa nito.

Bumangon ka mga babaeng anak ng La Union


Ikaw ay magnda, matatag, at Malaya
Sa Bawat bagwis ng along nakasisira
Huwag mong hayaang ang tatak mo’y mawala

At sa huli, makikita natin sa kalawakan


Ang isang agilang naglalayag
Walang tatalo sa ganda ng kanyang pakikipagsabayan sa hangin
At sa puntong iyon- alam ko na siya ay bukod tanging representasyon ng babae sa La Union
Babaeng maganda
Babaeng Malaya!

-Babae ka, Bumangon ka!


PAMAGAT

You might also like