You are on page 1of 3

I.

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG – AARAL

1. Introduksyon

Sa tahanan simulang nahuhubog ang katauhan ng isang tao. Ang paaralan, bilang pangalawang
tahanan ng mga estudyante ay ginagampanan rin ang tungkuling ito. Kapag sinabing paaralan,
kadalasang naiisip ay ang lugar kung saan nag-aaral at natututo ng mga bagay-bagay ang tao.
Ngunit hindi lamang puro impormasyon tungkol sa matematika, siyensa, o wika ang natututunan
ng mga estudyante sa paaralan. Mayroong mga organisasyong maaaring salihan ang mga mag-
aaral depende sa kanilang hilig. Ang mga organisasyong ito ay may mga gawaing maaaring
humubog sa iba pang aspeto ng katauhan, at ito ang tinatawag na ekstrakurikular na mga
gawain. Ito ang dahil kung kaya’t hindi lamang pang-intelektwal ang nalalaman o nakukuha ng
mga mag-aaral sa pagpasok sa paaralan, nahahasa rin ang kanilang talento at kakayahan.

Ang ekstrakurikular na gawain ay kahit anong gawain na hindi saklaw ng kurikulum ng paaralan,
ngunit ang mga gawaing ito ay kadalasang ginagawa sa loob ng paaralan. Ang oras na inilalaan
dito ay labas sa oras ng aktwal na ‘pag-aaral’ ng mga mag-aaral. Sa kadahilanang ito, maaaring
magkaroon ng epekto ang mga ekstrakurikular na gawain sa buhay akademiko ng mag-aaral,
nakasasama man o benepisyal.

Sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas ay mayroon ding mga organisasyong pang
ektra-kurikular. Ito ay tulad ng Nursing Central Board of Students (NCBS) na may kinalaman sa
pamumuno ng kolehiyo, Red Cross at Medical Missions Inc. (MMI) na patungkol naman sa
kalusugan, Pax Romana na may kinalaman sa Katolisismo, at ang mga organisasyong patungkol sa
sining ng pag-arte, pag-awit at pagsayaw tulad ng Nursing Dance Troupe at Nursing Chorale at
ang organisasyong paborito ng nakararami, ang Varsity, na may kinalaman naman sa mga larong
pampalakasan.

Nararapat lamang mabigyan ng impormasyon ang mga mag-aaral sa kolehiyo ukol sa mga
ekstrakurikular na gawain ng mga organisasyon lalo na iyong mga nagbabalak pa lamang sumali
sa organisasyong kanilang napiling salihan.

2. Mga Layunin
Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong matuklasan ang epekto ng mga ekstra- kurikular na
gawain sa mga kolehiyong mag – aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing. Dito
ay sinubukang tuklasin ang mga bunga, mabuti man o masama, sa mga respondenteng mag –
aaral. Ang papel pananaliksik na ito ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa ekstrakurikular na
gawain sa kolehiyo at layuning masagot o matugunan ang sumusunod na tanong:

1. Bakit sumasali ang mga mag-aaral sa mga ekstra-kurikular na gawain?

2. Anu-ano ang mga benepisyo ng pagsali sa organisasyon?

3. Anu-ano ang epekto ng pagsali sa organisasyon sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

4. Nakatutulong ba ang mga ekstra-kurikular na gawain sa pagkakaroon ng mataas na


marka? O nakasasama ba ito sa pag-aaral?

5. Kung nakabubuti o nakatutulong ito sa pagbuti ng pag-aaral o pagtaas ng marka ng mag-


aaral, paano ito nagagampanan ng pagsali sa ekstra-kurikular na gawain?

6. Kung nakapagdudulot ng hindi mabuti sa pag-aaral o pagbaba ng marka ng mag-aaral


ang pagsali sa ekstra-kurikular na gawain, ano ang posibleng solusyon dito?

At higit sa lahat, nais din ng mga mananaliksik na mapatunayan ang epektibong gamit ng “Time
Management” sa paghawak ng kanilang mga responsibilidad bilang mga mag – aaral na lider o
miyembro ng mga organisasyon.

3. Kahalagahan ng Pag – aaral

Sa panahon ngayon, napakaraming mag-aaral ang nawiwiling sumali sa mga programang pang-
ekstra kurikular sa kani-kanilang mga paaralan. Maraming naidudulot na epekto sa pag-aaral ang
pagsali sa mga nasabing programa—Ito ay maaaring maging maganda dahil ito ay nakatutulong
sa pag-aaral o di kaya’y maging masama dahil kung minsan ay nakalilimutan na ng mag-aaral na
iyon ang kanilang mga prayoridad sa pag-aaral at dahil dito, napapabayaan na niya ang kanyang
mga responsibilidad sa akademiko.

Mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman ng mga mag-aaral, lalo na iyong mga kasapi sa
organisasyon at gumagawa ng mga ekstrakurikular na gawain, ang mga epekto ng mga nabanggit
sa kanilang pag-aaral.
Matutulungan rin ng papel pananaliksik na ito ang mga dean’s listers na sumasali rin sa
ekstrakurikular na gawain ng kanilang organisasyon dahil malalaman nila kung nakatutulong ba
at sa kung anong paraan nakatutulong ang mga gawaing ito sa kanilang sitwasyon bilang dean’s
lister.

Maaari rin itong maging gabay sa mga mag-aaral na balak sumali sa mga organisasyon.
Malalaman nila kung ano ang mga benepisyo ng pagsali sa mga ekstrakurikular na gawain ng
isang organisasyon at kung ano ang maidudulot ng mga gawaing ito sa kanilang pag-aaral at
maaaring hanggang sila’y makatapos na.

Kung may makikita mang negatibong epekto sa pag-aaral ang mga ekstrakurikular na gawain ng
organisasyon, ang pag-aaral na ito ay may mga posibleng solusyon ukol dito.

Sa pamamagitan ng papel pananaliksik na ito ay mabibigyan ng kaukulang impormasyon ang


mga mag-aaral sa kolehiyo tungkol sa ekstra-kurikular na gawain at relasyon o epekto nito sa
performance sa akademiko o pag-aaral.

You might also like