You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY SA ARALING PANLIPUNAN

I. LAYUNIN

Matapos ang aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

a. Natalakay ang mga karapatang tinamo ng Pilipinas,

b. At naipakita ang kahalagahan ng mga karapatang tinamo ng Plilipinas

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Mga Karapatang Tinamo Ng Plilipinas

Sanggunian: Yaman ng Plilipinas, Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6, pg. 132-135

Kagamitan: Manila paper, pentelpen, cartolina

III. PAMAMARAAN (BEC)

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Paghahanda

Magandang umaga mga bata!

Magandang umaga po ma'am!

Handa na ba kayo sa ating talakayan ngayon?

Handa na po ma'am.

Pero bago tayo magsimula, gusto ko munang


ipaalam sa inyo ang mga patakaran na dapat
ninyong sundin.

Mga patakaran na naipaskil sa pisara;

M- Makinig

S- Sumagot

M- Matuto

Maliwanag ba mga bata?

Opo ma'am.
B. Panganyak

Ngayon hahatiin ko kayo sa anim na grupo. Bawat


grupo ay bibigyan ko ng papel na naglalaman ng
word puzzle kung saan kailangan ninyong punan
ang mga blangkong kahon para mabuo ang mga
letra gamit ang depinasyon na ibibigay ko sa bawat
grupo.

Ang unang makakompleto sa mga kahon sa


pagbuo ng mga letra at maipaskil sa pisara ay
siyang hihiranging panalo. Pero laging tandaan na
bawal ang maingay.

Malinaw ba mga bata?


Opo ma'am
(Ibibigay ng guro ang mga materyales na gagamitin
sa Gawain.)

Maari na kayong magsimula


(Ginagawa ng mga mag-aaral ang Gawain)

(Matapos ang Gawain)

Mga tanong ng guro:

Posibling sagot:

1. Karapatang mamahala sa mamamayan

2. Karapatang makapagsarili

3. Karapatang mag-angkin ng aria-arian

4. Karapatan sa pantay na pagkilala

5. Karapatang ipagtanggol ang kalayaan

6. Karapatang makipag-ugnayan
1. Ano-anong mga salita ang inyong nabuo at
naipaskil sa pisara?
• Patungkol ito sa karapatang pantao

• Karapatang tinamo ng mga Pilipino

• Karapatang tinamo ng Plilipinas


KRAYTERYA 4 3 2 1

Lahat ng ideya ay Halos lahat ng Kulang ang Walang ideyang


maayos at malinaw ideya ay maayos at ideyang naipapakita
Nilalaman na naipapakita. malinaw na naipapakita
naipapakita

Lahat ng ideya ay Halos lahat ng Kulang ang ideya Walang


angkop sa paksang ideya ay angkop sa na angkop sa kaangkupan sa
Kaangkupan tinalakay paksang tinalakay paksang tinalakay paksang tinalakay

Lahat ng detalye ay Hindi masyadong Kulang ang Ang paliwanag ay


naipaliwanag ng naipaliwanag ng paliwanag walang kaugnay
Paliwanag maayos mabuti

IV. EBALWASYON

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan lamang ang tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa isang kakayahan ng isang tao o mamamayan ng isang bansa na


magdesisyon at gumawa ng mga bagay na may kalayaan.

a. Kapangyarihan c. Karapatan

b. Kakayahan d. Kalayaan

2. Ang mga sumusunod ay ang mga karapatang tinamo ng Plilipinas, maliban sa.

a. Karapatang umibig c. Karapatan sa pantay na pagkilala

b. Karapatang makapagsarili d. karapatang makipag-ugnayan

3. Ito ay tumutukoy sa isang karapatang tinamo ng Plilipinas. Ang ang pagpapadala ng ating
bansa ng mga kinatawan o ambassador sa ibang bansa.

a. Karapatang makapagsarili c. Karapatang ipagtanggol ang kalayaan

b. Karapatang makipag-ugnayan d. Wala sa nabanggit

4. Ito ay tumutukoy sa ibang karapatan na kung saan pinangangalagaan ang basang


Plilipinas upang maiwasan ang pananakop ng ibang bansa.

a. Karapatan c. Karapatang mamahala sa mamamayan

b. Karapatang makipag-ugayan d. Karapatang ipagtanggol ang kalayaan


5. Ito ay tumutukoy sa isang napakahalang Karapatan ng bawat tao, kung meron ka nito,
walang gumagapos o pumipigil anumang inyong ninanais sa buhay.

a. Kalayaan. c. Kapangyarihan

b. Kakayahan. d. Wala sa nabanggit

Mga Sagot:

1. C

2. A

3. B

4. D

5. A

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Sumulat ng isang buod tungkol sa mga karapatang ating natalakay

You might also like