You are on page 1of 3

Buhay Kong Ka’y Kulit

Mula pagkabata
Lagging sinasabi nila
Ako’y iba sa aking mga ate’t kuya.

Kung sabagay ito’y may katotohanan


Sila’y pinanganak na mapuputi
Ako naman ay kayumanggi.

Ipinanganak akong may dalawang ngipin


Na tunay naming bihira mangyari
Kaya “Tootit” sa akin ang tawag.

Pansin ng marami
Habang ako’y lumalaki
Kaibahang ko’y lalong tumindi.

Mga guro ko’y nagsasabi lagi


Mga kapatid ko’y tahimik at mabuti
Ako nama’y kitikiti at di-mapakali.

Matatalino silang tatlo


Taon-taon umaakyat sa entablado
Pero ako’y di nagseseryoso.

Sa klase’y palaging napapagalitan


Hindi nakikinig at nakikipagdaldalan
Kaya minsan ay napapalabas sa silid-aralan.

Tinagurian akong pasaway


Paminsan-minsan ay napapa-away
Sa kaguluhanlaging nadadamay.

Sama ng loo bang dulot nito


Sa mga guro at pamilya ko
Lalo na sa mga magulang ko.

Sa kabila ng lahat, di ako binibitawan


Mga magulang ko’y patuloy akong sinusuportahan
Minamahal at ginagabayan.

Isang araw, eskwela ako’y naparusahan


Pinagbawalang makasali sa palakasan
Isang larangan na mataas ang aking kagalingan.

Unti-unti ako’y natauhan


Napagtanto ko ang aking kamalian
At nangakong bawasan ang kakulitan.

Pag-aaral ko’y aking nang pinagbubutihan


Pati na rin sa pinili kong palakasan
Dahil meron akong gusting patunayan.

Kung ako’y ikukumpara sa mga kapatid ko


Di man ako kasingtalino
May taglay na kagalingam din ako.

Kakaiba man ako sa paningin ninyo


Balang araw, makikita ninyo
Ipagmamalaki ninyo rin ako.

You might also like