You are on page 1of 3

Flow of Orientation

Salubong

Pakilala

Maligayang pagdating sa barrio Pulang Tandang

Mabuti’t Nakadalo kayo sa pista

Pero hindi lamang ito isang ordinaryong pista, mayroong magaganap na himagsikan pagkatapos
ng gabing ito.

Akoý isang katipunero at kami ngayon ay palihim na naghahanap ng makakasama pa sa


himagsikan.

Handa ba kayong sumapi? (kailangan sumagot ng oo)

Kung gayon narito ang inyong gawain.

(Iabot ang game card)

Hindi basta-basta ang pagiging katipunero

Kayo ay dapat dumaan sa mga pagsubok

Nakatala sa papel na iyan ay ang mga gawaing kailangan ninyong gawin.

Kailangan ninyong pamarkahan ang bawat isa sa akin kapag itoý natapos nyo na.

Mayroong kategorya ang bawat gawain.

Nariyan ang mag-isa, pares, at grupo. Kapag isa ang nakalagay, isa lamang ang magpapamarka,
kung pares naman ay dalawa, at kung grupo ay kailangan lahat.

Kung hindi ninyo alam ang sagot sa mga tanong na nakatala sa inyong papel ay pumunta sa
batalan, upang maghanap ng kasagutan.

Kung hinahanap ninyo naman ay dekalogo at lihim na mensahe, makikita ninyo ito sa ibang
tauhan sa dula.

Sa lahat ng gawain, kailangan ay gumawa kayo ng ebidensya na patunay na natapos at nagawa


ninyo ang gawain.

Maaari ninyong gamitin ang inyong mga telepono upang kumuha ng litrato o bidyo.
Subalit kailangan ninyong mag-ingat. Narito ang alituntunin ng dulang ito.

(iabot ang alituntunin) (explain ang alituntunin isa isa)

Batas Militar ang umiiral dito sa Pulang Tandang dahil sa mga sunod-sunod na patayang
naganap. Ayon kay Hermano Mayor, magpapadala raw si Kapitan ng mga guwardya sibil na
manghuhuli sa mga kahina-hinala.

Lahat ng mahuhuli ay ikukulong sa Katapunan (ituro).

May mga bituing nakasabit sa Katapunan, simbolo ito ng bagsik ng mga Guwardya Sibil. Kapag
isa, mahinahon palamang sila. Kapag dalawa, hahanapan na kayo ng Cedula. Hanggang sa
umabot na iyan sa anim kung saan wala na silang habas sa panghuhuli.

Ngayon, narito ang pangunang barya na magagamit ninyo sa dula. (iabot ang initial coins)

4 na centimo ang tubos sa lahat ng mahuhuli ng guwardya sibil. Ngayon kung kayo ay naubusan
na ng barya, maaari kayong magpalago sa perya. (ituro ang perya)

Kapag naubusan na talaga kayo ng pera, maaari kayong magpapalit ng sarili ninyong pera kay
Corazon (ituro si diana).

Magagamit din ninyo ang baryang iyan sa pagbili ng mga agimat na maaaring pangotra niyo sa
Guwardya sibil. Lapitan niyo lamang si Mang Beng. (ituro si mang Beng)

Ngayon kapag natapos na kayo sa inyong gawain at namarkahan ko na itong lahat. Hanapin si
Sebastian at siya ang maghuhusga base sa aking marka kung kayo ay makakapasok sa
sagradong bahay kung saan magaganap ang sagradong inisasyon ng pagiging katipunero. (ituro
ang bahay).

Tandaan, hindi lahat ng gawain na nakatala sa papel na iyan ay kailangan ninyong gawin, ang
iba ay kailangan pagisipan kung kailangan bang gawin o hindi. Kapag sa tingin ninyo ay hindi
kailangan gawin, lumapit lang kayo sa akin at sabihing hindi ninyo ito gagawin.

Handa na ba kayo? Maaari na kayong magsimula, kung mayroon kayong katanungan ay lumapit
lang kayo sa akin.
Alituntunin

1.Bumuo ng pangkat na may anim na miyembro.

2. Siguraduhing nasa iyo ang Sedula mo.

3. Bawal ipakita ang game card sa hindi mo kagrupo.

4. Bawal magsama-sama ng higit sa tatlo,kundi makukulong kayo.

5. Sa parte ng perya lamang kayo hindi maaaring mahuli.

6. Hanapin ang mga pangalang nakasaad sa game card.

7. ‘Pag nilapitan ang mga tauhan sa dula na hinahanap, tanungin muna ang pangalan.

8. ‘Pag tinanong ka kung bakit mo hinahanap ang pangalan sa game card at saka sabihin ang
password (Kaibigan ko Si Rizal)

9. Bawal magpahalatang sumasali ka sa Katipunan, dahil baka hulihin ka ng Gwardiya Sibil.

10.Magpapalit sa money changer (no return,no exchange)

11.Magpalago ng pera sa laro sa pamamagitan ng paglalaro sa perya.

12.Maaaring bumili ng mga Talisman at Powerups para manalo.

13.Gawin ang mga tasks nang buong galing at husay.

14.Kumpletuhin ang mga tasks. Ang hindi makakatapos ay palalabasin.

15.Maging Katipunero!

You might also like