You are on page 1of 18

1

ALIKABOK SA KUSINA
Dulang may Isang Yugto
ni Joem Antonio

ANG TAGPO:
Sa ilalim ng waiting shed, sa gitna ng bagyo.

MGA TAUHAN:
RICK- Comic strip writer
CLAIRE- Comic strip illustrator

ANG ENTABLADO:
Mesa at dalawang upuan.

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


2

ANG DULA:

[Nakaupo si CLAIRE sa harap ng isang mesang makalat; puno ito ng mga papel, pencil at pen.
Mayroon pang mga styrofoam na food packages sa mesa. Susubukan ni CLAIRE na
magdrawing pero hindi niya itutuloy. Titingin siya sa kanyang relo. Bubuksan niya ang isa sa
mga food packages at susubukang kumain. Ibabalik niya ang pagkain sa mesa. Maghihintay
siya. Papasok si RICK.]

CLAIRE That was awkward.

RICK Pagpasensyahan mo na lang ‘yung nangyari kanina.

[Tahimik.]

RICK Oo nga pala, [may ipapatong na pencil case sa mesa.] Nahanap ko na rin
‘yung pencil case mo. [Patlang.] Actually, si Lisa ‘yung nakahanap.

CLAIRE Saan?

RICK Sa ilalim ng throw pillows.

CLAIRE Paano siya napunta d’on?

RICK Ikaw ang magsabi sa akin. [Patlang.] Shall we get back to work?

[Uupo si RICK. Patlang.]

RICK Saan nga ba tayo tumigil?

CLAIRE Bago nung drama niyong dalawa?

[Magtititigan sina CLAIRE at RICK. Titingin muli si CLAIRE sa papel niya.]

CLAIRE Last panel. Ang sabi ni Pepe, “May schedule ang mga basurero,”

RICK Tama. [Patlang.] Nakalimutan ko ang punch line.

CLAIRE Isip ka ng bago.

[Mahabang katahimikan.]

RICK Pasensya na. Wala akong maisip.

[Patlang.]

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


3

RICK Pagkalipas ng tatlong taon ng pagsusulat ng “Pepeng Matinik”,


nagwriter’s block pa ako ngayon.

CLAIRE Mag-break time muna tayo.

RICK Ayokong maghabol ng deadline, alam mo ‘yun. Kailangang tuluy-tuloy


ang flow ng comic strips. Two minutes. May maiisip ako niyan.

CLAIRE Actually, I don’t feel like drawing today either.

[Patlang.]

RICK Dahil ba ‘yan kay…

CLAIRE Oo.

[Patlang.]

RICK O.A. lang si Lisa. Wala naman tayong ginagawang mali.

CLAIRE Alam ba ni Lisa ‘yun?

RICK Dapat naman.

CLAIRE Alam ba niya?

RICK Sa palagay mo, anong pinag-aawayan namin minsan?

CLAIRE At nakita pa niya ako ngayon sa kusina mo.

RICK Nagtatrabaho tayo at okay na workplace ang kusina ko. Tahimik, libre
ang kape at meryenda… at hindi ko naman tinatago na nandito ka.

CLAIRE Kaya ka nga napahamak, ‘di ba?

[Patlang.]

RICK Gusto mo bang magsinungaling ako kay Lisa?

CLAIRE Wala akong sinasabing ganyan.

RICK Huwag mong sabihing sa e-mail na lang natin trabahuin ang paggawa ng
comic strips na ito. [Patlang.] Alam mo namang hindi lang kita
illustrator…

CLAIRE …ako pa ang editor mo. Huwag mong gasgasin.

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


4

RICK At mahirap magpa-edit kung kailangan mo pang i-scan ang drawings mo


para matignan ko lang. Sayang sa momentum.

CLAIRE Tulad ng momentum na nasayang kanina?

RICK Hoy, isang beses lang ako masosorry para kay Lisa. Mabait siyang tao
kahit ganun siya minsan.

CLAIRE Ganun?

RICK For lack of a better term? Medyo psycho.

[Patlang.]

CLAIRE How can you talk about your girlfriend like that?

RICK Hindi mo ba narinig ang sabi ko? Ang sabi ko…

CLAIRE Medyo psycho. Narinig kita.

RICK Ang sabi ko, “for the lack of a better term”. Ilagay mo naman sa context.

CLAIRE Pero kahit na…

RICK Pwede ba? Ayokong pag-usapan ‘to. Huwag ngayon.

CLAIRE Malas mo. Kailangan natin itong pag-usapan.

RICK Problema ko ito.

CLAIRE Dinamay mo na rin ako e.

RICK Sa ibang araw na lang natin pag-usapan ito, pwede? May trabaho pa
tayong kailangang tapusin.

CLAIRE Sige. [Patlang.] Kelan ba natin pag-uusapan?

RICK Alam mo, halos magkapareho lang kayo ni Lisa.

[Patlang.]

CLAIRE Ako naman ngayon ang medyo psycho, ganun ba?

RICK Teka…

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


5

CLAIRE Ewan, baka masaya kang pinapaligiran ka ng mga medyo psycho na tao.

RICK Tama na ‘yan. Hindi kita tinawag na psycho.

CLAIRE Akala ko ba kapareho ko na si Lisa. Sabi mo medyo psychotic si Lisa…

RICK E di psycho ka na nga! [Patlang.] Alam mo ba kung anong tawag dito?


Selective hearing. Ang sabi ko, “for lack of a better term, medyo psycho
minsan si Lisa. Anong naalala mo? “medyo psycho.” E ‘yung sinabi
kong “for lack of a better term”? O ‘yung “minsan”? [Patlang.] Bahala
ka na nga.

[Maglalakad-lakad si RICK.]

RICK Nagseselos sa wala si Lisa. Akala ko ba, malinaw rin sa iyo ‘yun?

[Tahimik.]

RICK May problema na ako sa isang babae, okay, huwag kang dumagdag.

[Tahimik.]

CLAIRE First time ‘to a.

RICK Ang alin?

CLAIRE Na tinawag mo akong babae. Napansin mo rin.

[Patlang.]

RICK Anong pinararating mo?

CLAIRE “Oy pare”, “Oy dud”, “Dehins tsong”… Hindi mo ba nahahalata?

RICK Weird ba?

CLAIRE Malamang.

RICK Ayun. E di wala ngang nangyayari sa ating dalawa.

[Titingin sa malayo si CLAIRE.]

RICK Balik na tayo sa trabaho.

[Patlang.]

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


6

CLAIRE Ano ang punch line?

[Tahimik.]

RICK Sasabhihin ni Pepe, “…tignan mo ang schedule”.

[Tahimik.]

RICK Well?

[Patlang.]

CLAIRE Mas nakakatawa pa ang aso ko.

RICK Idaan mo na lang kaya sa drawing. D’un ka naman magaling e.

CLAIRE Walang magagawa ang drawing sa corning punch line.

RICK Pahirap ka talaga.

[Tahimik.]

RICK Magiging basurero si Pepe.

[Patlang.]

CLAIRE Deus ex Machina?

RICK Sasabihin ni Pepe, “sorry, nakalimutan ko ang punch line…”

CLAIRE No.

[Patlang.]

RICK Baka wala lang tayo sa comedic mood natin. Baka…

CLAIRE No.

[Tahimik.]

CLAIRE E kung…

RICK Bakit ba gusto mong pag-usapan kung anong nangyari sa amin ni Lisa? E
di clingy ngayon si Lisa. Lahat, nagdadaan diyan. Kulang pa sa maturity
si Lisa, ‘yun lang.

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


7

CLAIRE At ikaw?

RICK Ano tungkol sa akin?

CLAIRE Kulang sa maturity si Lisa. Anong kulang sa iyo?

[Patlang.]

RICK Pinapanigan mo ba siya?

CLAIRE Bakit ko ba siya papanigan? Bakit ako papanig?

RICK Bakit ba ang kulit mo? Hindi mo naman…

CLAIRE Hindi ko ‘to relationship. Relationship mo, alam ko.

RICK Pwede na ba tayong magtrabaho?

CLAIRE May punch line ka na ba?

RICK Hindi ako makakaisip ng punch line sa kakulitan mo.

[Patlang.]

RICK Kaya walang nanliligaw sa iyo, e.

[Tahimik.]

RICK Hindi ‘yun ‘yung gusto kong sabihin.

[Tahimik.]

RICK Sorry.

[Patlang.]

CLAIRE Forgiven.

[Patlang.]

RICK Walong taon na tayong magkakilala at ngayon pa tayo mag-aaway. Dahil


pa sa babae.

CLAIRE That didn’t…

RICK …didn’t sound right.

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


8

CLAIRE Right.

RICK Tama.

[Patlang.]

RICK Balik na sa trabaho?

CLAIRE Nasimulan na nating pag-usapan ang issue mo. Sayang ang momentum.

RICK Napakakulit mo. Bakit ba ayaw mo akong tigilan?

CLAIRE Girlfriend mo ang pinag-uusapan natin. Mag-aaway kayo sa harap ko,


tapos parang wala lang sa iyo…

RICK Wala akong sinabing wala lang ito…

CLAIRE Ipinapakita mong parang wala lang lahat! Pag-usapan nga natin ito,
“pare”!

[Tititig lang si RICK.]

CLAIRE Sige, kulang pa sa maturity si Lisa, pero…

RICK Pero?

[Patlang.]

CLAIRE Ikaw.

RICK Ako?

CLAIRE Kung may best boyfriend pageant, talunan ka.

[Patlang.]

RICK Tinitignan mo pala ako bilang boyfriend material?

CLAIRE Sige, mangarap ka pa.

RICK Ipaliwanag mo. Anong ibig mong sabihing talunan ako sa “best boyfriend
pageant”.

CLAIRE Dalawang tao lang: Michelle at Karen.

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


9

[Patlang.]

RICK Oy. Foul na ‘yan.

CLAIRE Hinde, may punto ako.

RICK Ang sinasabi mo, tama pala sina Michelle at Karen na iwanan ako?
Kasalanan ko pa ngayon?

CLAIRE Hindi kita sinisisi. [Patlang.] Matagal na tayong magkakilala, ‘di ba?
Nakita ko ang mga simula’t wakas ng mga relationship mo. Parang
telenovela nga e. Two seasons. Sabihin na lang natin, ayokong makakita
ng third.

RICK Sino ka para bigyan akong advice? In the first place, SSB ka.

CLAIRE At hindi ka babae.

[Patlang.]

RICK Sige. Bakit sumasablay ang mga relationship ko?

[Patlang.]

CLAIRE Hindi ba halata?

[Mahabang katahimikan.]

RICK Tama. Psycho ka nga.

CLAIRE Maging seryoso ka nga!

RICK Eight years. May nangyari ba sa atin? [Patlang.] Eight years. Ganito na
ang ginagawa natin, bago pa dumating si Lisa. Bago pa dumating at
umalis sina Karen at Michelle. Kung merong nangyayari sa atin, e ‘di
kasal na siguro tayo ngayon! At hindi dahil pangit ka o anuman, ‘di ba?

CLAIRE Wala ring problema sa iyo. Masaya na tayong gumagawa ng comics.


Alam ko na ‘yun.

RICK ‘Yung nga ‘yung sinasabi ko—nagseselos si Lisa sa wala.

CLAIRE Ang nakikita ni Lisa, may kausap kang ibang babae. Ako.

RICK Ang sinasabi mo ngayon, porke’t kausap ng isang lalaki ang isang babae,
automatically, nililigawan na niya ang babae? Sexist ‘yan a.

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


10

CLAIRE Hindi ‘yun ‘yung sinasabi ko.

RICK Anong sinasabi mong ikaw ang problema?

CLAIRE Bawat linggo, nakakaapat na oras tayong nagpaplano at nagdodrawing,


tayong dalawa lang, sa kusina mo. Ilang taon na natin ginagawa ito?
Anong…

RICK Anong iisipin ng ibang tao? Wala tayong ginagawang masama!

CLAIRE At wala naman akong sinasabing gan’on!

RICK E di walang dapat pagselosan si Lisa! [Patlang.] At hindi ikaw ang


dahilan kung bakit ako iniwanan nina Michelle at Karen. Huwag mong
sabihing nakalimutan mo.

RICK Kunyari nakalimutan ko.

[Patlang.]

RICK Hindi talaga mahilig si Michelle sa komiks. ‘Yun na ‘yun.

CLAIRE Alam na niya na hilig mo na ang comics bago pa kayo magkita. Nagdate
pa rin kayo.

RICK Hindi makaconnect si Michelle sa trabaho ko, okay? Sinubukan niya.


Nangyayari ‘yun. Stop theorizing. [Patlang.] Subukan mo kayang
makipagdate.

CLAIRE Hindi mga issues ko ang pinag-uusapan natin.

RICK Talaga? Pag-usapan rin natin, one time. Para patas naman.

[Patlang.]

CLAIRE At si Karen?

[Patlang.]

RICK Ah. ‘Yun pala ‘yun. Ang assumptions mo batay nung kami ni Karen.

CLAIRE Hindi mo masabi?

[Patlang.]

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


11

RICK Nakipagkita sa iba si Karen. ‘Yun! Nasabi ko na. No big deal.

[Patlang.]

CLAIRE No big deal?

[Patlang.]

RICK Hindi na siya big deal ngayon.

CLAIRE Siyempre. Niyaya mo lang naman ako na makipagdate sa iyo pagkatapos


ka niyang iwanan.

[Patlang.]

RICK Alam mo, next time na lang natin ituloy ito. Balik na tayo sa trabaho.

CLAIRE Awkward ba?

RICK Oo.

CLAIRE Malas mo. Hindi ka puwedeng umalis at lugar mo ‘to. At hindi mo ako
pwedeng itapon palabas dahil babae ako.

[Beat.]

RICK Kung ang punto mo ay psycho ako, sige na. Psycho si Lisa, psycho ako,
pareho kaming psycho. Bagay kami.

CLAIRE Ang tanga mo talaga.

RICK Paliguy-ligoy ka pa e. Ano ba ang punto mo?

CLAIRE Nakikipagkita si Karen sa iba. Tayo, anong ginagawa natin?

[Patlang.]

RICK Nakikipagkita si Karen sa iba. Tayo, nagkikita lang. Para magtrabaho.

CLAIRE Nanananghalian tayo, tayong dalawa lang. Sa kusina mo pa.

RICK May special meaning ba sa iyo ‘yung lunch na iyon?

CLAIRE Wala.

RICK Wala rin sa akin.

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


12

CLAIRE Para kay Karen, pwedeng meron. Kay Lisa, meron talaga.

RICK Kalokohan na ‘yan. Bakit, bakla ba ako kapag nananghalian ako kasama
ang ibang lalaki? Narcissist ba ako kung kumain akong mag-isa? Malaki
ang pagkakaiba ng date at ng lunch!

CLAIRE Malaki nga ba?

RICK Don’t act coy.

CLAIRE Ikaw nga mismong nagsabi, ikaw ang mas experienced sa relationships.

[Patlang.]

RICK Noong niyaya kitang makipagdate… pagkatapos nung kay Karen…


Naaalala mo pa ‘yun?

CLAIRE Nilibre mo ako sa dinner, sa sine… ‘Yun na ‘yun? ‘Yun ang date?

[Patlang.]

RICK Dapat…

CLAIRE Kung ang dates ay puro panlilibre…

RICK Kaya hindi natin tinuloy.

CLAIRE So ano ang date? [Patlang.] Kailangan ba ang holding hands ‘dun?
Malalagkit na tinginan? Romantic candle lights? Background music?

[Patlang.]

CLAIRE Naalala ko nga ano, sinubukan mo ngang hawakan kamay ko. Parang…

RICK Ang punto ko ay nagkakaiba sa connection.

CLAIRE Tulad nung nagholding hands tayo?

RICK Tigilan mo na nga ‘yang holding hands holding hands na ‘yan! [Patlang.]
Hindi ‘yung connection natin, siyempre. ‘Yung… [Patlang.] Basta!
Alam mo na ‘yon.

[Patlang.]

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


13

CLAIRE Sorry. Hindi ko alam. Ikaw, alam mo. Ikaw ang nakikipagdate.
[Patlang.] Hindi pa ako nakikipagdate. Hindi ko alam.

RICK Ba’t ayaw mong makipagdate?

CLAIRE Don’t change the topic.

[Patlang.]

CLAIRE Hindi naman tayo pwedeng magsabit ng sign na hindi tayo nagdedate
every time na magkasama tayo, ‘di ba?

RICK Nagtatrabaho tayo. At iniimbita ko rin naman si Karen na sumabay sa


atin. At sumasabay siyang mananghalian.

CLAIRE Pakinggan mo nga ang sarili mo: sumasabay si Karen sa atin. Sumabay sa
atin. Dapat ako ang sumasabay sa inyo. Kung dapat mang sumabay.

RICK Masyado mo namang nilalagayan ng malisya.

CLAIRE Naaalala ko ‘yung mga tanghaliang ‘yon. Sino ang talagang nag-uusap?
Tayo, ‘di ba? Pangiti-ngiti lang si Karen.

RICK Siyempre ngingiti-ngiti lang si Karen. Hindi naman siya…

[Patlang.]

RICK Oh.

[Patlang.]

CLAIRE Gan’on rin ‘yung nangyari kay Michelle. [Patlang.] Natatawa tayo sa
parehong biro, asar tayo sa parehong mga bagay… We finish…

RICK …each other’s sentences.

[Patlang.]

CLAIRE At pinapabayaan mo akong iiwan ang pencil case ko dito. [Patlang.] Ano
ang iisipin ng ibang tao?

[Patlang.]

CLAIRE At huwag mong sabihin na kapatid ang turing natin sa isa’t isa. Hindi tayo
magkapatid. Nakita ni Karen ‘yun. Ni Michelle. Ni Lisa.

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


14

[Patlang.]

CLAIRE At ‘yung ibang mga boys.

[Pause.]

CLAIRE Kung lamok ang ibang lalake, mosquito repellant ka.

[Patlang.]

RICK Hindi mo ito kinukuwento sa akin.

CLAIRE Bakit ko naman ikukuwento?

[Patlang.]

CLAIRE Masaya na ako. Wala akong pakialam kung anong isipin ng ibang lalaki.
[Patlang.] Ikaw. Ikaw ang may problema. Ikaw ang may girlfriend.

[Patlang.]

CLAIRE Dati ko pang gustong sabihin sa iyo. Ayaw mo lang makinig.

[Tahimik.]

RICK Salamat.

[Tahimik.]

RICK Paano na ngayon?

[Patlang.]

CLAIRE E ‘di tatapusin natin ang comic strip. Malamang.

[Patlang.]

RICK Balik sa trabaho…

CLAIRE No. Tatapusin natin ang series.

[Patlang.]

RICK Para kay Lisa?

CLAIRE Oo.

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


15

[Patlang.]

RICK Sobra naman ‘yan.

CLAIRE Sobra?

RICK Oo! Ilang taon rin tayong naghintay bago tayo nalagay sa diyaryo? At
nakakatatlong taon na tayo! Malapit na tayong magrelease ng first
anthology ng “Pepeng Matinik”, ang comic strip na ito…

CLAIRE Baby natin? Kaya ka napapahamak e.

[Patlang.]

CLAIRE Sa iyo na si Pepe. Maghanap ka na rin ng bagong illustrator. O turuan mo


si Lisa kung paano magdrawing. [Patlang.] Good luck na nga lang.

[Patlang.]

CLAIRE O ibigay mo na lang sa akin si Pepe. Hahanap na lang ako ng bagong


writer.

[Patlang.]

CLAIRE Grabe, parang nagdedebate tayo for child custody.

[Tahimik.]

RICK Bakit parang wala lang ito sa iyo? Walong taon! Hindi ka ba…

CLAIRE Apektado ako, oo.

[Magkakatinginan si RICK at CLAIRE. Hindi magpapakita ng emosyon si CLAIRE.]

CLAIRE Pero nakapagdesisyon na ako. Ikaw, dapat magdesisyon ka rin.

[Patlang.]

RICK Don’t put me on a spot.

CLAIRE Hindi ko ginagawa ‘yon.

RICK Pero…

CLAIRE Kung hindi ka magdedesisyon, si Lisa ang pipili para sa iyo.

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


16

[Patlang.]

RICK Hindi siya gan’on kasimple.

CLAIRE Hindi ba?

RICK Dahil ‘yun talaga ang sinasabi mo, ‘di ba? Na huwag na tayong magkita
para sa comic strips? [Patlang.] Pwede naman nating idaan sa e-mail…

CLAIRE At kapag tinignan ni Lisa ang account mo… o may mga itatago ka na ba
mula sa kanya?

[Patlang.]

CLAIRE Naku naman, ginagawa mo naman na parang break up ito e. Sinong


psycho ngayon?

RICK Maging seryoso ka nga.

CLAIRE Comic strip lang ang meron tayo. We can start that with anybody.

RICK Makinig ka nga.

CLAIRE Ang mahalaga, kayo ni Lisa. Ako, makakapagdrawing pa rin ako, ikaw,
makakapagsulat. Ayos naman e.

RICK Hinde.

CLAIRE “Pepeng Matinik” lang ‘yan.

RICK Hindi lang ‘yan tungkol kay “Pepeng Matinik”! Ang akala mo, titigil lang
tayong magtrabaho para hindi magselos si Lisa. [Patlang.] Pero hindi
‘yan titigil diyan. Hindi na tayo pupunta sa mga comic conventions, at
kapag nagkausap tayo, mag-iingat tayo kung anong sasabihin natin sa isa’t
isa. Hindi magtatagal, baka hindi na nga tayo mag-usap.

[Patlang.]

RICK Naisip mo ba ‘yon?

[Patlang.]

RICK Falling out ang hinihiling mo.

[Tahimik.]

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


17

CLAIRE Ano ngayon kung ‘yon ang hinihiling ko? Hindi ko naman sinasabing
magkagalit tayo. If we fall out, e ‘di fall out. [Patlang.] Mangyayari at
mangyayari naman talaga ito e. Isang araw, kapag hindi ka nagpropose
kay Lisa, makikusap siya na magpropose ka na sa kanya. At dapat mo
namang gawin ‘yon. [Patlang.] Ayoko lang hintayin na magtatanong ang
mga magiging anak mo kung bakit laging magkasama ang tatay at tita
nila.

[Patlang.]

RICK Masyado mo namang pinag-iisipan ‘yan.

CLAIRE Masyado ba? Hindi ba, d’on kayo dapat patungo ni Lisa? ‘Di ba, dapat
pinag-uusapan niyo na ‘yan? Para saan pa ba ang pakikipag-girlfriend
mo?

[Patlang.]

CLAIRE Bagay kayo ni Lisa. Kahit sabihin mo pang medyo psycho siya minsan.
[Patlang.] Ayusin mo nga ang trato sa kanya.

[Patlang.]

CLAIRE Sa atin, ilang comic strip ng “Pepeng Matinik” ang kaya nating isulat?
Pagkatapos n’on, ano? Hanggang d’on na lang at maraming salamat.

[Patlang.]

CLAIRE Eto, kasalanan mo ito.

[Pupunas-punasan ni CLAIRE ang kanyang mga mata. Lalapit si RICK kay CLAIRE, pero
sesenyasan siya ni CLAIRE na huwag lumapit. Hindi galit, pero seryoso.
Okey na ulit si CLAIRE.]

CLAIRE Maglinis ka nga ng kuwarto. Buti na lang, matiyaga si Lisa sa iyo.

RICK Hindi mo kailangang magmatigas.

CLAIRE Pwede ba? Hindi na nga madali, papahirapan mo pa.

[Patlang.]

RICK Parang biglaan lang.

[Patlang.]

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com


18

CLAIRE Dati pa dapat ‘to.

RICK I’ll…

CLAIRE Huwag.

RICK Tama.

CLAIRE Tumpak.

RICK Sorry.

CLAIRE Salamat.

[Mahabang katahimikan.]

CLAIRE So.

RICK So?

CLAIRE Balik sa trabaho?

[Patlang.]

RICK Balik sa trabaho.

DILIM.

If you'd like to stage this play, publish it, discuss it in class, or use it in any other way apart from individual reading,
please secure written permission from the author before doing so.

©2014 Joachim Emilio Antonio. All Rights Reserved. joemantonio.com

You might also like