You are on page 1of 6

Chapter I

A. Panimula: Sariling Karanasan

Ang pag-aaral na ito ay hango sa sariling karanasan kung kaya’t malapit sa aking puso
ang bawat ideya, teorya at bungang praktika ng pag-aaral na ito. Maging ang struktura ng
pagsasaliksik na ito ay naaayon sa nais kong maabot at maiambag sa larangan ng edukasyon
partikular na sa Kristyanang Edukasyon.

Malaki ang bahagi ng Kristyanang Edukasyon sa aking pagkakahubog, paglinang at


pagkatuto. Maituturing na isang mahalagang sangkap ito sa aking kabuuang pagkatao. Mula sa
karanasan na ito, nabuo ang pagtatasa ukol sa paraan ng pagtuturo ng Kristyanang Edukasyon.

Karaniwan sa isang Children’s Sunday School, naka-upo pabilog ang mga bata kasama
ang kanilang guro. Nakikinig ng mga kwento tungkol sa pagkalikha ng mundo, sa Diyos, sa mga
karakter sa bibliya, kay Hesus at ang kanyang mga talinghaga. Ito ay kadalasan idinadaos sa isang
kwadradong silid na nakahiwalay sa mga magulang. Ganito ang aking karanasan simula ng ako’y
magkamalay bilang bata. Malayang nakakapagtanong ng mga di pangkaraniwan, malayang
maka-ikot sa paligid ng mga kasamang bata at makapamili ng makakatabi, malayang nakakapag-
awit at nakakapagsayaw. Isang payapa at malayang espasyo para sa mga batang nagsisimulang
matuto sa mundong ginagalawan, at magsuri ng paniniwalaan.

Naglaho ang paraan na ito nang lumawak mula sa isang silid ang espasyo na
kinagagalawan ng bata. Sa aking pagkamulat sa mas malawak na realidad ng buhay sa loob ng
simbahan ay tila mas naging makitid ang espasyong payapa at malaya. Ang lahat ng bagay ay
naging de-kahon mula sa porma ng pagkakaayos sa panambahan, sa struktura at polisiyang
binigyan ng hangganan, maging sa paglinang ng sariling kakayahan ay nilimitahan. Matingkad
ang pagiging kasangkapan ng simbahan kung kaya’t ang lipunang kinamulatan ay siya din naging
anyo nito.

Sa mahabang panahon ng pag-aaral at pagkatuto, tila nakaligtaan ng tao ang orihinal na


pagkakalikha ng mundo. Nakalimutan natin na ang mga nasa kapaligiran natin ay mga hugis
bilog. Nagiging makahulugan din ang mga pagtitipon kung saan naka-bilog ang komunidad.
Kahit pa ang pagluluwal ng buhay ay masasaksihan mula sa isang bilog. At sa galak ng bawat
makakakita, papalibutan ng mga ito ang sanggol. Tila isang pagdiriwang pabilog ang nagaganap
para sa isang bagong buhay. Ilan lamang ito sa mga halimbawa kung paano umiiral ang mundo
bago pa man naging de-kahon nating tinignan na de-kahon ang lahat ng bagay.

Ang pagbabagong pagbibigay halaga sa mga bagay na malaya at pinilit ilagay sa kahon
upang magkaroon ng hangganan ay naging daan sa mga hindi makatarungang kaganapan. Ang
pagbibigay ng hangganan at limitasyon ay kinasangkapan ng iilang tao bilang batayan upang sa
kanilang uri at kapangyarihan umiral at mapatakbo ang lipunan.
Ang pagtanaw na ito sa lipunan ay bunga ng malawak, mahaba at malalim na pagka-
unawa sa kahalagahan ng Kristyanang Edukasyon sa paghuhubog ng pagkatao. Kung ang pag-
aaral at pagtuturo nito ay naka-ayon sa mga nasa pedestal lamang hindi magiging angkop at
kontekstual ang pagkatuto ng isang mag-aaral.

Ang karanasan ko sa simbahan na siyang naging malaking salik sa aking pagkahubog, ang
mga karanasan ko kasama ang masa, ang pagmumulat ng seminaryo at ang karanasan ko bilang
manggagawa ng simbahan ay siyang aking tungtungan sa pag-aaral na ito.

Hindi matatawaran ang mga teorya ng iba’t –ibang eksperto sa larangan ng Kristyanang
Edukasyon, wala din namang tutumbas sa aral na hatid ng karanasan/praktika, at hindi magiging
sapat ito kung paghihiwalayin ang dalawang konseptong itinakdang magkasama.

Ang teorya at praktika na siyang parehas na mahalaga sa pagka-unawa ng


pananampalataya, paniniwala at doktrina. Epektibo lamang kung tumutugon ang teorya at
praktika sa isa’t-isa. Isang nakahiwalay na bahagi ang tatalakay sa dalawang konseptong ito na
magpapatibay ng aking nais iambag sa pag-aaral ng teolohiya.

Ang aking pagka-unawa sa mga nakalimbag sa bibliya mula sa kasaysayan, gawa ng mga
propeta at mga alagad, tungkol sa Diyos, tungkol kay Hesus, at sa mga talinghaga ay madali kong
naunawaan sa pamamagitan ng mga Sunday School, Vacation Church School, Lingguhang
Panambahan, Confirmation Classes, Christmas at Summer Institutes. Sa maraming paraan ay
sinusubukan ng simbahan at manggagawa nito na maunawaan ang lahat ng ito sa antas na
makapaglago ng sariling spiritwal na pamumuhay.

Halimbawa, bagamat lagi nitong tinatalakay ang pag-ibig sa Diyos at kapwa ay hindi ko
lubos na maunawaan ang paliwanag sa isang abstrak na paraan. Tila sa ganitong esensya ng
pagpapaliwanag ay binibigyan ng hangganan ang pag-ibig. Ang pag-ibig na nakalaan lamang ang
babae sa lalaki, ang pag-ibig para lamang sa kapatid sa pananampalataya, ang pag-ibig para sa
kaparehas na pinanggalingang uri, ang pag-ibig sa iba’t-ibang kategorya. Ang pagsunod sa
ganitong uri ng pag-ibig ay nangangahulugang gantimpala sa langit.

Ang karanasan sa sining na pagtuturo nito ng simbahan ay nagiging sanhi ng pagiging


hiwalay nito sa tunay na kaganapan ng lipunan. Inihihiwalay tayo sa mas malawak pang bahagi
ng mundo at kasama sa mundo. Pinalalago ng ganitong paraan ang pagiging indibidwalismo ng
tao. Hindi nito naaabot ang kamulatang kumakalinga sa tunay na esensya ng pagiging Kristyano
o taga-sunod sa yapak ni Hesus.

Kaya naman ang paglubog sa mas malawak pang mundo ng misyon ng katulad ng
ginawa ni Hesus ang siyang naging hakbang upang ang mga abstrak na katuruan sa simbahan ay
maging konkreto. Nasaksihan ang tunay na kalagayan ng lipunang aking kinagagalawan at
nailapat ang mga kwento sa bibliya na nagbukas ng bagong kaunawaan sa kahulugan nito. Mas
naging makabuluhan ang pananampalataya, doktrina at paniniwala dahil sa mga konkretong
karanasan kasama ang masa. Lalo pa itong naging makabuluhan ng makasama ko ang mga
magsasaka at mga pamilya ng Lupang Ramos. Maglalaan ako ng isang bahagi ng pag-aaral na ito
tungkol sa kanilang komunidad.

Hindi ko rin makakalimutan ang aking karanasan sa NCCP-EM UP Diliman Church of the
Risen Lord bilang kanilang manggagawa ng isang taon. Ang pagbibigay ng maliit na kahalagahan
sa Kristyanang Edukasyon ang siyang nagbigay sa akin ng ideyang bigyan ito ng malaking espasyo
sa simbahan. Kaya kasabay nito ay pagbibigay nila ng malaking pagtingin sa halaga nito ng ugatin
ang problema sa mga kabataan, bata maging sa ibang grupo ng mga kababaihan, at kalalakihan
sa paglipas ng mga buwan. Ang pagkamulat ng kanilang mga isipan at puso sa pagbibigay ng
halaga sa Kristyanang Edukasyon ang nagbigay sa akin na isang malaking kasangkapan ang
larangan na ito sa paghuhubog ng mga kasapi ng simbahan na maging mulat sa tunay na
kalagayan ng lipunan at tumugon ayon sa pagkakatawag bilang mga taong simbahan.

Tunay nga na marami sa mga simbahan ang isinasawalang bahala ang aspeto na ito ng
simbahan. Ang mga programa at gawain ay hindi binigyan ng panahon para aralin kung kaya’t
nagiging kapos ang paghuhubog ng mga kasapi ng isang kongregasyon. Ngunit hindi natin
maitatanggi na dulot ito ng mahabang pananakop, ng makabagong panahon, at impluwensya ng
politika na umiiral sa loob ng simbahan.

Ang seminaryo (Union Theological Seminary) ang naging daan upang mas maunawaan
ko sa ibang lente ang bahagi ng Kristyanang Edukasyon sa kabuuang pag-aaral ng teolohiya. Ang
aking paglagi ng ilang taon sa seminaryo ang nagmulat sa akin ng isang sining ng pagtuturo na
hindi natatapos sa apat na sulok ng aming mga silid-aralan. Ang mga natutunan sa libro at
maraming babasahin ay naging makabuluhan sa mga pagtutunggali sa labas ng mga silid,
pakikisalamuha sa masa at pagtugon sa kanilang pangangailangan, at pakikisangkot sa mga
isyung panlipunan. Mula sa aming silid-aralan ay nagdadaos ng iba’t-ibang gawain sa
natatanging simbolo ng aming seminaryo – ang Salakot.

Sa Salakot nagaganap ang maraming talakayan ng iba’t –ibang paksa, mga pagpupulong,
mga presentasyon, at kasangkapan sa mga paraan ng panambahan na mga di pangkaraniwan
kung saan laging nag-iiwan ng mabibigat na hamon para sa aming mga hinuhubog bilang mga
mangagawa ng simbahan. Sa pabilog nitong hugis ay nagpapa-alala ng isang karanasan sa loob
ng silid kung saan ang mga bata ay nagtitipon pabilog. Isang kasanayan na tinatalakay sa unang
bahagi na naglaho ng magbago ang anyo ng sining ng pagtuturo.

Ang Salakot ang naging imahe ng isang mapanghamong konsepto para sa pagkakabuo
ng akademikong papel na ito. Ang Salakot ang aking kasangkapan sa pagtingin sa malawak na
perspektiba ng pagkaunawa sa gampanin ng Kristyanang Edukasyon sa loob at labas ng
simbahan. Ang partikular na detalye nito ay tatalakayin sa ibang bahagi ng akademikong papel
na ito.

Ang Salakot Chapel na simbolo ng isang malaya at payapang espasyo para sa mga
talakayan, sa pagpapahiwatig ng sariling opinyon at paniniwala, ang pagbibigay boses sa mga
nawalan, ang paninindigan sa karapatan pantao, at pagkiling sa higit na nangangailangan sa
Diyos ang naging daan upang maunawaan ko ang mga taong naka-salakot.

Mula sa Salakot Chapel patungo sa mga naka-salakot na nagpapagal na lumikha ng


pagkain, nag-aambag sa produksyon at nagtataguyod ng tunay na kalayaan at kasaganaan na
para sa lahat ang siyang magiging sentro ng akademikong papel na ito.

Isang mapagpalaya at nagpapalayang sining ng pagtuturo sa pamamagitan sa lente ng


Salakot Chapel at salakot ang magiging gabay para sa pag-aaral na ito.
B. Layunin

Mayroon sapat, mahuhusay, at mga komprehensibong materyales o kurikulum na


ginagamit ang bawat simbahan para sa pagtuturo ng ating mga paniniwala, doktrina, at
pananampalataya sa bawat grupo na naaayon sa edad.
C. Kahalagahan
D. Ang Hangganan
E. Balangkas ng Pag-aaral

You might also like