You are on page 1of 1

Enrico Manuel S.

Miras

G-11/St.Paul/HUMSS

Sa aking butihing guro at kapwa ko mag aaral, bumabati ako ng isang magandang araw
sa inyong lahat. Nais kung mag bigay ng talumpati tungkol sa Social Media. Lahat naman
siguro tayo ay alam ang Social Media? Ngunit bakit maraming kabataan ang nahuhumaling dito.
Sabi nga nila ang Social Media ay nagiging tambayan ng mga kabataan ngayong panahon na
ito. Marami sa atin na ginawagawa itong pampalipas oras. Maraming bagay ang nagiging
pampalipas oras natin, isa na dito ang sikat na Social Media na Facebook. Ito ang kadalasang
ginagamit ng mga kabataan bilang pampalipas oras. Sa pamamagitan nito ay mas napapadali
ang pakikipag komunikasyon natin sa ating pamilya, kaibigan, at iba pang mahahalagang tao sa
ating mga buhay. Hindi na nakakapagtaka na daming pwedeng gawin dito ay may mga bagay
na hindi na nating nagagawa tulad ng pag gawa ng mga takdang aralin at pagtulong sa gawaing
bahay. Hindi natin napapasin na malaki na ang masamang epekto ang nakukuha natin dito.
Katulad na lang sa mga kabataang nag lalaro ng online games, dahil sa sobrang
pagkahumaling ng mga kabataan ngayon ay naapektuhan na ang kanilang pag aaral. Kaya
hindi na nakakapagtataka na maraming mga kabataan ngayon ang bumababa ang mga grado
dahil epekto ng mga online games. Karamihan kase sa mga kabataan ay umaabot ng dis oras
ng gabi sa pag kukutingting ng kani kanilang Social Media accounts. Maraming kabataan ang
pumapasok ng puyat, na nakakaapekto ng sobra sa kanilang pag aaral. Sa pag gising nila sa
umaga ay cellphone agad ang unang hinahanaop para icheck ang kanila Facebook account.
Para icheck kung anon a ba ang nang yayari sa loob at labas ng bansa. May punto din naman,
ngunit may mga bagay din naman na hindi dapat lumibang ng husto. Kailangan alam din natin
ang mga limitasyon kung hanggang saan ang pag gamit ng Social Media. Sa kabila nito, meron
din naman na magagandang naidudulot ang Social Media sa pag aaral natin. Tulad ng Google,
kung saan ay napapadali natin mahanap ang kailangan nating hanapin tungkol sa mga pag
aaral sa paaralan. At pag kuha ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga tapik sa pag
aaral. Kaya mas kailangan natin na gamitin ito sa maayos at tamang pamamaraan. Gawin natin
itong daan upang mag karoon ng kabuluhan ang ilang oras na nasasayang sa pag gamit nito sa
kung ano ano lang. Itong pag kahilig nati sa Social Media ay may magandang patutunguhan,
dahil alam natin ang kahalagahan nito lalo na sa ating mga kabataan.

You might also like