You are on page 1of 2

#27 GASPAR BABYLENE M.

07-17-17

FIL56 BEEDIIIA

1-3 PM DAILY ROOM 306

HARANA SA BUKID

May mga kaugaliang Pilipino na dapat pagyamanin. Isa na rito ang paghaharana.

Hatinggabi na. Tahimik na sa bukid Pag-asa. Natutulog na ang mga magsasaka.


Natutulog na ang mga bata at matanda. Pati ang mga dalaga’t binata ay tulog na rin. Tapos na
ang larong juego de prenda, Tapos na rin ang paggawa ng pinipig.

Sina Mang Simon, Aling Talya, Aling Juana, at Dario ay nasa kabilang baryo pa. Sila ay
mamamanhikan sa mga magulang ni Perla. Kasama sina G. at Gng. Reyes.

“Bakit maraming dalang pagkain sina Mang Simon?” tanong ni Edgar.

“May salusalo roon sa pamanhikan. Habang nag-uusap ang mga magulang, sila ay
magkakainan,” paliwanag ni Cely.

“Ano ang pag-uusapan nila roon?” muling tanong ni Edgar.

“Kung kalian ikakasal sina Kuya Dario at Perla. Pag-uusapan din kung saan sila titira,
kung sinong magpapagawa ng bahay nila at iba pa,” sabi ni Cely.

“Ganoon ba? Doon yata sa bayan hindi ganoon ang palakad,” puna ni Ruben.

“Dito sa bukid ay marami pang kaugaliang sinusunod,” sabi uli ni Cely. “Mabuti ngayon,
hindi na humihingi ng kung anu-ano ang mga magulang. Noong araw, humihingi pa ng tatlong
kalabaw, dalawang baka, at pera ang mga magulang ng babae.”

“Mahirap palang manligaw ditto sa bukid,” sabi ni Ruben. “Marahil magtatagal doon sina
Tatay at Nanay. Mabuti pa matulog na tayo.”

Kaya, nang maghatinggabi, mahimbing na ang mga bata. Pagod sa pag-aawitan at sa


paglalaro.

Mahimbing na ang lahat. Malapit na ring lumubog ang buwan. Isang pangkat ng mga binata ang
dumating. May dala silang gitara, biyulin at banduria. Tumapat sila sa bahay na katabi nina
Mang Simon at tumugtog ng masiglang awit. Sinundan pa ito ng ibang mabilis na tugtog.

“Kuya, ano ba iyon?” tanong ni Edgar na biglang nagising.

“Narinig mo rin pala,” sagot ni Ruben. May naghaharana sa kapitbahay natin.


“Harana? Parang pista. Bakit gabing-gabi na?” Bumangon na rin sina Nena at Edna.
“Ano ba iyon? Ang sarap ng tulog ko, eh nanggigising.”

“Kung sabagay maganda naman ang mga tugtog. Lao na’t tahimik ang gabi.”

“Saan kaya galing ang mga naghaharana?” tanong ni Ruben. “Sino kaya ang
hinaharana?”

“Marahil ang mga binate ay galing sa ibang baryo. Hinaharana nila ang mga dalagang
tgumulong sa pag-aani,” sabi ni Cely. “Pakinnngan nating kung sino ang hinaharana.”

Nakinig ang mga bata. Sumilip sila sa bintana. Ngunit madilim ang paligid. Maya-maya ay
narinig nila ang awit.

Dungawin mo, hirang

Ang nananambitan

Kahit sulyap mo man lamang

Iyong idampulay

Buksan ang bintana

At kami’y dungawin

O, Nenita naming mahal

Kami ay tingnan.

“Narinig ba ninyo? Si Nenita pala ang hinaharana,” sabi ni Cely. “Si Nenita kasi ang
pinakamaganda rito sa aming nayon.”

“Ano ngayon ang gagawin ni Nenita?” tanong ni Edgar.

“Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Nenita,” mungkahi ni Cely.

Maya-maya ay may nagbukas ng bintana. May nagsindi ng ilawan sa tabi ng bintana.

“Ayan, maliwanag na! Makikita na ang mga binata. Makikita na rin natin si Nenita,” sabi
ni Cely.

“Magandang gabi po sa inyong lahat,” sabi ng mga binata. “Magandang gabi, Nenita.”

Di nagtagal at dumungaw na si Nenita. “Maganda nga pala siya. Mahaba ang buhok. Maputi
ang balat. Mapupungay ang mga mata. Tamang-tama sa kaniya ang awit na “Bituing Marikit.”

You might also like