You are on page 1of 143

ZERO INTEREST

Acknowledgement:

Special thanks to the following persons who helped and motivated me to pursue this story:

Maryjoy Generale, Maricon Apolonio, Joela Mae Doblen, Mhiwan Ignacio, Search Zelle Dayag,
Bryan Paul Baggayan, Rolando Viana. To my family, classmates, friends and most especially to
God. Cheongmal Kumawo!

Prologue

"Bakit siya pa? Dapat ikaw nalang..." Madiin kong wika. Nag-uumapaw ang poot sa buong
sistema ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya 'to. Galit ako sa nangyari...

And most of all, nasasaktan ako. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Sa sobrang sakit,
wala na akong lakas pa para umiyak.

"I-It's not my fault believe me..."

"It's not your fault?!" I exclaimed, marahas kong pinahid ang luhang nagbabadyang lumabas sa
aking mga mata. "Stop acting like you're innocent! Kung hindi dahil sa'yo hindi mangyayari lahat
ng 'to! At kung hindi ikaw ang dapat sisihin... Sino? Sabihin mo! Sino?!"

I glanced at him with my furious eyes. I waited for his answer but he didn't say anything. Lalo
lang akong nakaramdam ng galit. Napayukom ako ng kamao. I cleared my throat as I turned my
back at him.

"Hindi kita mapapatawad. Kinamumuhian kita... Kahit anong gawin mo, hindi mabubura sa isip
ko ang ginawa mo. Kahit sino pang iharap mo sa'king testigo, ikaw at ikaw parin ang sisisihin ko
sa nangyari. At kahit kailan..."

"Hinding hindi na ako magkakainterest sa taong katulad mo kahit bali-baligtarin mo pa ang


mundo. Get lost..."
Chapter 1

JOY

"Nak, kanina pa tayo hinihintay ng papa mo sa baba. Halika na..." aya ni Mama.

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang buong kwarto ko bago tumango. "Sige, po."

Humakbang na ako palapit sakan'ya dala ang mahahalagang gamit ko. Lilipat na kasi kami sa bago
naming bahay na si Mama mismo ang nagdesign. Gusto kong i-request na dito nalang kami pero
nahihiya ako lalo na't para sa'kin daw ang bahay na 'yon at pinagplanuhan talaga nila ni papa ang
pagpapagawa do'n. Last year pa 'yon pinagawa at kamakailan lang natapos kaya hindi ako
makatanggi. Iniisip ko palang kasi ang efforts ng mga magulang ko para sa'kin, nakokonsensya na
ako.

"Nak? Anong problema? Hindi ka ba masaya sa paglipat natin?" tanong ni Papa nang makababa
kami. Napansin niya sigurong malungkot ang ekspresyon ko.

Umiling ako. "Hindi pa, mamimiss ko lang po talaga 'tong bahay na 'to."

Inakbayan ako ni Mama na nakatayo sa tabi ko. "Huwag kang mag-alala, pwede ka namang
dumalaw-dalaw dito kahit anong oras mo gusto. Ayos ba 'yon?

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Ngumiti naman siya.

"Tara na sa labas," singit ni Papa.

Sabay-sabay kaming naglakad sa pintuan. Isang bagpack lang ang dala ko. Pinaiwan na kasi ni
Mama ang ibang gamit at damit ko, nakabili na daw kasi sila ni papa ng mga gagamitin ko do'n
kaya yung mga importante nalang ang kinuha ko. Okay narin siguro 'yon, atleast hindi ko na
kailangang magdala ng maraming gamit kapag pumasyal ako dito.

Nang makarating kami sa garahe, agad kong nakita ang matalik na kaibigan nila mama.

"Alis na kami." Tinapik ni papa ang balikat ni Tito Jared.


Tumango naman ito. "Huwag niyong kalimutang dalawin kami paminsan-minsan dito."

Ngumiti si Mama't Papa at tumango. "Siyempre naman kumpare, malakas kayo sa'min e," biro ni
Papa.

"Aasahan namin 'yan," sagot naman ni Tita Grace ng nakangiti.

Mag-asawa sila at kapitbahay namin sila dito sa village na tinitirhan namin. Hindi na nalalayo ang
loob ng magulang ko sakanila dahil narin sa mabubuti silang tao.

Nagpaalam narin ako. "Mauna na po kami tito, tita." Ngumiti sila sa'kin. Ginulo pa ni tito ang
buhok ko.

"Mag-ingat ka do'n. Aral ng mabuti. Okay?" Tumango na lamang ako bilang sagot.

Sumenyas si papa na mauna na ako sa loob ng sasakyan kaya pumunta na ako do'n. Makalipas ang
ilang saglit, umupo na si mama sa harapan at sumunod naman si papa na nasa sa driver's seat na
ngayon. Pinaandar niya na ang sasakyan. Kumaway pa sila tito't tita bago kami tuluyang makaalis.

I sighed. Sa totoo lang, hindi ko pa talaga nakikita ang kabuuan ng bago naming bahay. The last
time kasi na dinala nila ako do'n, hindi pa 'yon tapos kaya wala akong ideya kung anong itsura nito
ngayon. Basta ang alam ko lang, malawak ang lupang kinatitirikan ng bahay na 'yon at medyo
malayo sa kabahayan. I wonder if what it looks like now? I don't know. I'm clueless.

I yawned. Nakakaantok.

"Nak, you can sleep. Gigisingin na lang kita mamaya," suhestiyon ni Mama sa harapan.

Pumikit naman ako agad at hindi ko namalayang unti-unti na pala akong nilalamon ng antok.

Nagising ako sa mabanayad na tapik sa pisngi ko. Bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni
Mama. "We're here. Com'on."

Lumabas ako at pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Lumaki ng bahagya ang maliliit kong
mga mata.

"Ma? Pa? Is this our house?"

Natawa sila sa reaksyon ko. "Ikaw talaga. Ofcourse, kanino pa nga ba?"

"Pero... hindi naman po ganito ang nakita ko no'ng pumunta ako dito," takang sabi ko.

Inakbayan ako ni papa. "That was before, baby. Here's the key. Sige na... I-explore mo na ang
surprise namin sa'yo ng mama mo."

Nilagay niya ang susi sa palad ko. "Let's go."

Binuksan ko ang gate ng dahan-dahan. Amaze na amaze talaga ako sa pagkagawa ng landscapes.
Agaw atensyon rin ang mga makukulay na flowers na nakatanim sa paligid. Nakatatawag pansin
din ang dalawang fountain na nasa left and right, lalong naging fresh ang paligid dahil dito. Ang
sarap sa pakiramdam.

Nilibot ko rin ang loob ng bahay. Namangha nalang ako sa sobrang detailed ng pagkagawa, hindi
ko akalaing gano'n ka-artistic si Mama. I know she's an architect but I never knew that she's also a
good interior designer. Nagustuhan ko ng sobra ang pagkagawa niya sa kwarto ko. I'm very sure
na nag-effort talaga sila ni Papa.

"Ano,'nak? Did you like it?" Masiglang tanong ni Mama.

"Hindi po. I love it. I love it so much." Nakangiting sambit ko.

"It's really good to hear that from you."

Nakikita ko sa mga mata nila na masaya sila dahil napasaya nila ako. Lagi silang nasa trabaho
pero pinaparamdam naman nila sa'kin na mahal talaga nila ako kahit halos gabi nalang kami
magsama-sama minsan.

I hugged them both. "Thank you po."

"That's nothing. Basta para sa prinsesa namin," sabi ni mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"Before I forget... Joy? May boyfriend ka na ba?" tanong ni papa, out of the blue.

"Oo nga,'nak? I'm also curious. You're already third year college. It's too impossible na wala man
lang nagtangkang manligaw sa'yo?"

Napabitaw ako sa pagkakayakap sakanila. "Ano pong klaseng tanong 'yan? Siyempre po, wala
talaga. Sino naman pong magkakagusto sa'kin 'di ba?"

Tumikhim si Papa. "Meron nak. Ikaw lang talaga ang walang interest. Hindi ka naman namin
pagbabawalan ng mama mo kung sakali. May tiwala kasi kami sa'yo anak."

Nagkibit-balikat ako. "Alam ko naman 'yon pa, pero saka nalang. I'm not in a hurry naman po." I
said honestly.

Gusto kong sabihin sa kanila na wala nga akong matawag ni isang bestfriend sa school dahil iwas
sila sa'kin e, pero naisip ko rin na baka mag-alala sila kaya huwag nalang. Sana'y naman na akong
mag-isa since noon pa. Hindi ko rin alam kung bakit wala man lang nakikipag-kaibigan sa'kin.
Siguro dahil iniisip nilang snob at mahina ako sa sobrang tahimik ko. Pinangarap ko rin naman
magkaroon ng totoong kaibigan pero sadya sigurong hindi pa dumadating.

"Joy, parang ang lalim ng iniisip mo. Is there something wrong?" tanong sa'kin ni Papa.

I shrugged. "Wala po. Tara na po. Excited na po akong mameet ang mga bago nating kasama dito
sa bahay."

Napakamot ng ulo si mama. "Oo nga pala. I forgot. Let's go."

Chapter 2

JOY

Lunes na naman at alas syete ang start ng klase ko ngayon. Although lumapit ang bahay namin sa
University na pinapasukan ko, gumising parin ako ng maaga. Medyo nakakapanibago nga lang,
pero sa tingin ko naman, makakapag-adjust din ako agad.

Matapos akong maligo at makapagpalit ng uniform. Bumaba na ako mula sa kwarto at nagdiretso
sa kitchen. Nadatnan ko si Manang Lita do'n na naghuhugas ng pinggan kasama ni Ate Juliet na
abala rin sa pagpupunas ng mga pinggang nahugasan na.

"Good morning po," bati ko sa kanila. Mukhang hindi nila ako napansin kanina base sa reaksyong
natanggap ko.

"Naku! Good morning din iha. Sige, upo ka na diyan. Ipaghahanda ka na namin ng makakain,"
sabi niya habang pinupusan ang mga kamay.

I waved my hands. "Huwag na po kayong mag-abala manang. Busog pa po ako. Itatanong ko lang
po sana kung nakaalis na sila mama't papa?" tanong ko.

"'Kanina pa nakaalis si Sir. Si Ma'am naman ay tulog pa yata. Hindi ko napansin e, pasensya,"
sagot ni Ate Juliet.

Tumango ako. "Ayos lang ate, pakisabi nalang po mamaya na nauna na ako. Sige po, salamat."

"Sige iha, ingat ka. Magpahatid ka nalang kay Manong Ricardo."

"Sige po. Salamat."

Naglakad na ako palabas. Nakasalubong ko naman si Nanay Rosa na nag-aayos ng halaman sa


vase.

"Magandang umaga po nay. Nakita niyo po ba si Tatay Ricardo?" tanong ko.

Mag-asawa silang dalawa. Sila ang matagal na naming kasa-kasama mula pa noon kaya malaki
ang utang na loob ko sakanila dahil sila ang nag-aalaga sa'kin sa tuwing nasa trabaho sila mama't
papa.

"Ang aga mo naman yata 'nak. Magpapahatid ka na ba?"

"Opo nay," sagot ko.

Hindi siya nagsalita pero sinamahan niya ako sa garahe at hinatid na ako ni Tatay Ricardo.
Pinalalahanan niya pa ako na mag-ingat bago bumaba na lagi niya namang ginagawa.

I released a deep sigh. Aral na naman, wala na talaga akong ginawa kundi mag-aral. Kahit naman
kasi gustuhin kong magliwaliw paminsan-minsan, wala naman kasi akong kaibigan kaya diretso
bahay lang talaga ako. Siguro kong may award lang ang pagiging mabuting anak dito sa Eviden
University, ako na siguro ang makakakuha ng award na 'yon.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa hallway. Iilang estudyante palang ang nakikita
ko. Ang aga pa kasi kung tutuusin.

Nakayuko ako habang naglalakad. May nakabunggo tuloy ako, I mean siya ang bumunggo sa'kin.
Nagkalat tuloy ang mga librong hawak ko sa sahig. Nakapagtataka lang dahil ang lawak naman ng
hallway kung gusto niya talagang makadaan pero pinili niya paring banggain ako.

"Nextime, mag-ingat ka naman. Haharang-harang ka kasi dito sa hallway. Hindi mo tuloy ako
nakita. Kainis!" bulyaw sa'kin ng isang balinkinitang babae. Mabuti nalang walang masyadong
nakarinig.

"Sorry..." mahinang sambit ko. Hindi ko na siya pinatulan kasi alam ko naman kasing may
kasalanan talaga ako.

"Tsk! Whatever!" sabi niya at sinipa ang isang libro kong nasa sahig dahilan para mapalayo ito sa
aking kinatatayuan.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago ako lumuhod para pulutin ang mga libro kong
nagkalat. "Joy, masanay ka na. Lagi namang gan'yan 'di ba? Magtiis ka nalang," bulong ko sa
sarili.

Akmang tatayo na sana ako para pulutin ang isa pang libro na siyang sinipa ng babae kanina, pero
nagulat ako nang may nakita akong isang pares ng sapatos na nakatayo sa kinaluluhuran ko.
"Here's your book," sabi niya sabay lahad ng libro ko.
I glanced at him. Unti-unti akong tumayo at kinuha ito sakan'ya. "T-thank you..." utal kong wika.

"No worries," sambit niya at nauna na sa paglalakad.

Naiwan akong nakatayo rito pero lumakad narin ako matapos ang ilang minuto. Mahirap na, baka
may magalit na naman sa'kin.

I know him. He's my classmate for almost two years. Nagulat lang talaga ako dahil sa tinagal-tagal
naming magkaklase, ngayon lang kami nagkaimikan. Nagtaka pa ako, 'no? Ofcourse, sino ba
namang magtatangkang kausapin ang 'loner' na kagaya ko 'di ba?

Pero nafe-feel ko na iba talaga siya mula pa noon. Napakamisteryoso ng pagkatao niya, pero kahit
gano'n ang dami paring nagkakagusto sakan'ya. Kung sabagay, kahit kasi ang gulo ng buhok niya
minsan, gwapo parin siya at given na ang katalinuhan niya, lagi pa siyang nangunguna sa klase
kahit hindi naman siya nagdadala ng bag. Malay ko ba, nag-aaral naman ako ng mabuti pero hindi
ko parin siya matalo-talo interms of grades. He's always on top and I'm just next to him.

"Tigilan mo na nga 'yang pag-iisip mo, Joy. Masyado mong binibigdeal ang pagpansin niya sa'yo.
Ngayon lang 'yon dahil haharang-harang ka kasi sa daanan, duh?" sabi ng aking konsensya.
Napailing nalang ako. Tama nga naman. Hindi ko dapat binigbigdeal 'yon, dahil sigurado namang
hindi na 'yon mauulit.

I took a deep breath bago tinungo na ang classroom namin sa Accountancy building na medyo
malayo pa sa kinaroroonan ko ngayon.

Nang nasa tapat na ako ng room namin, huminto muna ako. "Always remember, prayer is the most
powerful weapon, Joy. Tiwala lang ang kailangan. Kaya mo 'to. Wala ka mang kaibigan na
mabilang sa ngayon, sapat ng may Diyos at pamilya kang masasandalan..." sabi ko sa sarili like I
always said.

Dumiretso na ako sa upuan ko ng walang pumapansin sa'kin.

Chapter 3

JOY

"That's all for today. See you next meeting..." paalam ng teacher namin sa accounting.

What a relief. Walang surprise quiz. Mabuti nalang. Iba pa naman siya kapag nagpa-quiz.

"Goodbye, Sir!" Pasigaw na tugon ng ibang classmates ko. Gan'yan sila ka-excited basta tapos na
ang subject na 'to kaya sanay na ako.
"What are you still waiting for? Let's go girls!" aya ni Trixie sa mga kaibigan niya or shall I say, sa
lahat ng girls sa room except for me. Sumunod naman ang mga 'to sakan'ya matapos silang mag-
retouch.

Ganito lagi ang eksena. Wala naman akong sakit na nakakahawa but I'm always excluded to their
group. Dalawang block nalang ang natitira sa'ming nagtatake-up ng course na 'to at iilan lang do'n
ang mga babae. Papalit-palit kami ng classmates every semester pero ni isang babae wala man
lang akong naging kaibigan sakanila. Why? It's just because I'm an outcast to them.

Hindi ko kasi nakasanayan ang hilig nila kaya siguro tinuturing nila akong abnormal. Ang saklap,
'no? Pero, anong magagawa ko? Alangan namang pilitin ko silang kaibiganin ako? Ni hindi nga
yata nila alam ang buong pangalan ko kahit na nag-eexcel naman ako sa class kahit papa'no.
Inshort, they are not really interested with me.

After few minutes, they are all gone. It's just me and my bag that was left behind. I managed to
fixed my things first before leaving the room.

Mag-isa na naman akong naglalakad. What's new about that? Anyway, naghahanap ako ng
pwedeng maupuan, free ko kasi ng three hours at mamaya pa ang lunch. Sa library sana pero feel
ko kasing magreview ngayon sa ilalim ng puno dahil gusto kong makalanghap ng fresh na hangin.

And there, may bench akong nakita sa 'di kalayuan. Mabilis akong tumungo do'n. May mga
estudyante akong nadatnan sa kabilang bench pero bilang lang naman sila at parang freshmen pa
kaya ayos narin, atleast hindi sila maingay at isa pa, solong-solo ko 'tong bench na inupuan ko.

Binuklat ko na ang libro ko sa Macroeconomics nang biglang magvibrate ang cellphone ko sa


bulsa. Kinuha ko 'yon at napakunot-noo ako sa nabasa.

Professor Joela Apolonio calling...

Agad kong pinindon ang accept call button. "Hello po, ma'am?"

["Good Morning, Miss Villare. It's good you answered it. May sasabihin sana ako sa 'yo."]

Nagtaka naman ako. "Ano po 'yon ma'am?"

["Since may klase na ako after five minutes. Please come here nalang, dito sa faculty room
mamayang tapos na ang class mo. Pwede ba?"]

Ang daming katanungan ngayon sa utak ko pero sumagot nalang ako. "Sige po, ma'am"

["I'll wait for you. Alright?"]


"Sure ma'am. Okay po."

["See you. Goodbye..."] and she hanged up already.

Napaisip naman ako. Ano kayang sasabihin ni ma'am? Napailing ako. Malalaman ko mamaya.

Tinago ko na ang cellphone ko sa bulsa at binuklat muli ang libro ko.

Makalipas ang isang oras siguro, nagsi-alisan na 'yong mga freshmen sa kabilang bench kaya ako
nalang mag-isa dito. Naisaulo ko na ang topic namin mamaya, kaya heto ako ngayon, nagsimula
na naman akong magdrawing sa bagong sketch pad ko. This serves as my past time ever since. Sa
totoo lang, ang dami ko ng sketches sa bahay. I want to be an architect like my mother but I
choose this course because I'm the only child in our family and I want to help my father in our
business.

Hindi nila ako pinilit na piliin ko 'tong kursong 'to, it's my own choice. Gusto ko kasi silang
matulungan kahit sa gano'ng paraan lang. Oo sa una parang nagsisi ako pero 'di naglaon
nagustuhan ko narin amg kursong 'to kaya wala ng masyadong conflict.

Nabalik lang ako sa ulirat nang may naramdaman akong umupo sa bench na inuupuan ko ngayon.

"It's you and you alone, again. Weird..." sabi niya sa nanghihinayang na boses.

I tried not to glance at him nor answer him. It was him based on his voice. For the second time
around, kinausap niya ako.

I heard him took a deep breath. "Miss Joy Villare, right?"

Napalingon ako sakan'ya. "How did you know my name?" gulat kong wika.

Nagkibit balikat lang siya. "We're classmate for almost two years. How could I fail to memorize
your name?"

Hindi na ako umimik. He's still with his mysterious aura. Nanginginig ang mga kamay kong
inayos ang mga gamit ko at inilagay sa bag. I don't even know the reason why.

Nagulat ako nang hawakan niya ang mga kamay ko. "You look so tense," alalang sambit niya.
"Natatakot ka ba sa'kin?"

First time na may taong nagtanong ng nararamdaman ko bukod sa pamilya ko.

"H-hindi naman. It's just that... Kasi ano..." Hindi ako makalingon sa'kanya.

Binitawan niya na ang mga kamay ko. Do'n ko lang napansin na kanina pa pala niya hawak ang
mga 'yon.

"Kasi ano? Hindi ka ba sanay na may taong lumalapit sa'yo? By the way, wala ka ba talagang
kaibigan?" tanong niya.

Napayuko ako sa tanong niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ayaw kong sabihin na totoo
ang mga sinabi niya baka kasi sabihin niyang maarte ako, na snob ako, na nakakaawa ako dahil
wala akong kaibigan.

Tumikhim siya at lumayo ng kaonti sa'kin. "Just... just forget about what I've said."

Agad naman akong tumayo at kinuha ang bagpack ko. Alam kong kabastusan ang gagawin ko
dahil kinakausap niya pa ako pero tinalikuran ko na siya.

Akmang maglalakad na sana ako palayo nang magsalita siya. "Aalis ka na?" Hindi ako sumagot.
Naramdaman ko siyang tumayo at lumakad papalapit sa'kin. Dahan-dahan ko siyang nilingon.

Nang makaharap na ako, pinatong niya ang kamay niya sa kanang balikat ko and I swear
kinalibutan talaga ako.

Yumuko na lamang ako. "Huwag kang matakot makipagkaibigan. I feel you, gan'yan din ako dati.
Malungkot 'di ba? Pero sana huwag kang makulong sa takot mo. Hindi ka naman mapapahiya.
Maniwala ka, maraming gustong makipagkaibigan sa'yo," seryosong wika niya.

Napa-angat ako ng tingin. Nagkatitigan kami pero agad ko ring iniwas ang tingin ko. "Imposible
yata 'yan. Kung marami talagang gustong makipagkaibigan sa'kin, hindi sana ako nag-iisa
ngayon..." bulong ko pero sapat na 'yon para marinig niya.

Tinanggal niya na ang kamay niya sa balikat ko. Nakapamulsa na siya ngayon.

"So, I'm a what? Hindi ako invisible man para sabihin mong nag-iisa ka..." makahulugang sabi
niya.

Humakbang siya ng ilang steps dahilan para malagpasan na niya ako at magkatalikod kami sa isa't
isa.

"Simula ngayon, ituring mo na akong kaibigan. Hindi ako nag-oofer ng friendship sa'yo dahil
kakumpentensya kita sa grades at kailangan kitang bantayan or what so ever. Huwag kang mag-
alala, hindi rin ako lumapit sa'yo dahil may balak ako. Alalahanin mo lang ang pangalan ko..."

Hindi ko alam kung bakit naisip niya ang mga bagay na 'yan? Grades? Simula't sapul alam ko
namang wala akong laban sa katalinuhan niya kahit na mag-aral pa ako maghapon. At balak?
Kahit naman napakamisteryoso niya, alam ko namang hindi siya gagawa ng ikakasira ng kanyang
kapwa. Nakapagtataka lang talaga na sa dami ng nagkakandarapa sakan'ya parang lang makausap
siya, ako pa talaga na walang muwang sa mundo ang napili niyang lapitan.

Ilang saglit kaming binalot ng katahimikan nang mapagdesisyunan kong igalaw ang mga paa ko,
pero bago pa ako makalayo, I managed to talk.

"Don't worry, kilalang kilala ka kaya napakaimposibleng hindi ko alam ang pangalan mo."

"...Avel Van Flaminiano," tuloy ko sa sinabi ko at tumakbo na ako paalis ng hindi lumilingon.

Chapter 4

JOY

Dahil sa kaiisip ko sa nangyari kanina, particularly sa sinabi ni Avel na magkaibigan na daw kami,
muntik ko na tuloy makalimutan na mag-uusap pa pala kami ni Miss Apolonio after my class. Buti
nalang talaga naalala ko pa bago pa ako dumiretso sa parking lot.

Nando'n na si Tatay Ricardo panigurado. Alam kasi nila ang schedule ko everyday kaya kahit
ayaw ko na sanang magpasundo at magtataxi nalang sana ako pauwi para magpahinga nalang si
tatay, wala akong magawa dahil nand'yan na siya agad kapag alam niyang pauwi na ako.

"Miss Villare? You're here! Halika, umupo ka dito," masiglang bungad ni Ma'am pagkapihit ko
palang sa doorknob ng faculty room.

It's good na kaming dalawa lang ang narito ngayon. Nakakahiya kasi kapag agaw eksena ako dito.
Hindi pa man din ako sanay sa atensyon.

Umupo ako sa upuang tinuro niya. "Salamat po."

Hindi matanggal-tanggal ang ngiti ni Miss Apolonio. Medyo naiilang tuloy ako. "M-ma'am? Ano
nga po pala ang pag-uusapan natin?" tanong ko. Bigla naman niyang binuksan ang drawer niya at
pagkatapos, nakita ko nalang na may nakapatong na isang sketch pad sa table niya which I can
easily determine that it's mine. Nagtaka lang ako kung bakit na sakan'ya 'yon where infact tinatago
ko 'yon ng husto. Ngayon alam ko na. Akala ko naiwan 'yon sa dati naming bahay kaya hindi ko
mahanap, 'yon pala naiwan ko sa school. Mabuti nalang si ma'am ang nakakuha.

"I know this is yours. It's almost one week na 'tong nasa akin. Nakita ko 'to na nakapatong sa table
mo no'n. I got it and I accidentally dropped it kaya nakita ko ang laman niyan and I'm surprised na
ang galing mo palang magdrawing. You can be a great artist..." puri ni ma'am sa'kin. She
appreciated me because of my talent.
I smiled a bit. "T-thank you po."

Ibinalik niya sa'kin 'yon. Hawak hawak niya na ngayon ang ballpen niya. "By the way, Miss
Villare... Naghahanap kasi kami ng kapalit ng dati naming editorial cartoonist... Since your'e also
brilliant. I think you're very qualified in that position and as one of the advisers of the school's
publication and I'm assigned of this stuff, I just wanna know if you're interested?"

Hindi ako nakasagot agad dahil sa pagkabigla. Nakangiti lang sa'kin si Miss Apolonio na animo'y
hinihintay ang isasagot ko. Napalunok ako ng laway.

"S-sigurado ba kayo ma'am? I think I'm not that good enough po kasi. Wala rin po akong
experience sa gan'yan e," sabi ko sa mahinang boses.

Bahagyang kumunot ang noo niya. "Really? Hindi man lang nagtangka ang mga teachers mong
kunin ka bilang isang journalist no'ng elementary at highschool mo?"

"Home schooling po kasi ako ma'am."

Ang mukha niya ay unti-unting napalitan ng panghihinayang. "Kaya pala. Now, I know..." sabi
niya habang tumatango. "But still, do you want to try it? Don't worry, I'll be there to guide you. If
you have some questions, I can also help you," tuloy niya.

Nag-isip ako saglit. Kaya ko kaya? I want to reject his offer due to some reasons pero nakakahiya
naman kasing tumanggi.

Nagbuga ako ng hangin bago napagdesisyunang sumagot. "I'm accepting your offer ma'am. I'll try
this time."

Napangiti naman ng malawak si ma'am sa sinabi ko. "That's a good decision, Miss Villare. You'll
never regret this."

Napangiti narin ako. Okay rin siguro ang naging desisyon ko para naman may pagkaabalahan ako,
tutal wala naman akong mapuntahan kapag free time, 'di tulad ng mga kaklase ko na may mga
sari-sariling tambayan at kaibigan. Atleast ngayon, may gagawin na ako at para narin may masabi
ako sa mga magulang ko.

Tuwang tuwa si ma'am at i-inform nalang daw niya ako kung kailan niya ako ipapakilala sa mga
miyembro ng school's publication.

Nagpaalam na ako matapos ang ilang minuto. Mabilis kong tinungo ang parking lot ng school at
agad kong nakita si Tatay Ricardo na nakangiting naghihintay sa'kin. Nagmano ako at sumakay na
sa likod ng dala niyang sasakyan.

"Bakit parang natagalan ka yata ngayon, 'nak?" tanong niya sa'kin nang paandarin niya na 'to.
"May pinuntahan lang po ako tay kaya medyo natagalan. Pasensya na po sa paghihintay,"
paumanhin ko.

"Wala 'yon. Basta ang mahalaga safe ka." Nginitian niya pa ako sa salamin. Ang alalahanin talaga
nilang mag-asawa. Feeling ko tuloy, ang swerte ko dahil itinurong nila ako na parang anak.

Medyo madilim na nang makauwi kami pero wala pa sila mama't papa. Nagdiretso nalang ako sa
kwarto at nagpalit. Humiga ako sa kama at hindi ko namamalayan na inaantok na pala ako.

Kinabukasan...

P.E class ko ngayon ng seven to nine o'clock. Tapos ko na sana 'to last semester pero dahil
nagkataon kasing nabuhay ang hika ko no'n kaya hindi na muna pinakuha sa'kin nila mama ang
subject na 'to. At dahil wala na akong nararamdaman, ngayon ko na in-enroll, mahirap na baka
hindi ako makagraduate dahil lang dito.

Badminton parin ang kinuha kong P.E class at practical test namin ngayon. Tapos na ako at
naipasa ko naman, bunutan kasi kung sino ang mauuna kaya heto nakaupo na ako ngayon kasama
ang tatlo ko pang classmates na sophomores.

Tumayo ako at lumapit kay Sir Esguerra dahil nauuhaw na talaga ako. Nagpaalam ako na kukunin
ko lang yung tubig ko na naiwan sa locker kanina dahil sa pagmamadali ko. Pumayag naman siya
basta huwag lang daw akong magtatagal. Malayo pa kasi ang cafeteria dito sa gym kung pupunta
pa ako do'n kaya nagdadala nalang ako ng tubig tuwing may P.E class ako.

Binilisan ko ang pagpunta doon at nang makainom na ako, agad din akong umalis. Hindi ko
maiwasang mapatingin sa mga katulad kong may P.E class ngayon. Yung iba ay may practical test
din yata base sa nakikita ko.

Napadaan din ako sa field. Natuon ang atensyon ko sa mga babaeng feeling ko mas bata sa'kin ng
isang taon. Naglalaro sila ng softball. Nasa ere ang bola at saktong may napadaan na babae sa
gawi nito kaya agad kong tinakbo ang pwesto niya na konti nalang ang distansya sa'kin dahil
matatamaan na siya at parang hindi niya iyon pansin.

Naitulak ko siya ng bahagya. Napapikit ako ng mariin nang maglanding ang bola ng softball sa
kanang braso ko. Gulat naman ang ekspresyon ng babae kanina habang tinitignan ako. Lumapit
ako sa kinaroroonan niya. "Ayos ka lang ba?" tanong ko.

"O-opo. Salamat po," utal niyang sagot at nagmadaling umalis.

Napahawak ako sa kanang braso ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sakit na
nararamdaman. Lumapit naman sa'kin ang mga babaeng naglalaro kanina. "Pasensya na po ate.
Pasensya na po talaga," alalang sabi nila.
"Ayos lang ako. Sige na, maglaro na ulit kayo." I managed to give them smile. Medyo nag-
alinlangan pa sila pero sumenyas ako na ayos na ako kaya bumalik narin sila pagkatapos.

Hawak-hawak ko ang braso kong natamaan ng bola pabalik sa gym. Ewan ko kung namalikta lang
ako pero parang nakita ko ang mata ni Avel na seryosong nakatitig sa'kin nang mapadaan ako sa
court ng lawn tennis.

Napailing ako. Imposible namang makita ko siya do'n, sa pagkakaalam ko, tapos na niya ang P.E
class niya last semester pa. Baka namamalikmata lang talaga ako.

Binilisan ko nalang ang paglalakad at baka mapagalitan pa ako kay Sir dahil natagalan ako.
Mamaya nalang siguro ako pupunta sa clinic, hindi pa naman masyadong namamaga.

Chapter 5

JOY

"You have thirty minutes to answer those problems and your time starts now..."

Agad kong sinimulan ang pagsagot sa hawak kong papel. Panay naman ang buntong hininga ng
mga classmates ko.

Napailing nalang ako. Mahirap talaga kapag surprise quiz sa accounting. Mabuti nalang may
naretain sa utak ko kahit papa'no pero hindi ako masyadong makapagconcentrate dahil sa kirot na
nararamdaman ko sa kanang balikat ko. Ito pa man din ang ginagamit ko sa pagsusulat.

Napadaing ako ng wala sa oras dahil nasagi ng classmate kong babae ang balikat ko nang
mapadaan siya sa pwesto ko. Late yata siya.

"Oops! Sorry! Ayos ka lang?" sabi niya na parang nang-aasar pa.

"Ayos lang..." sagot ko nalang.

"What's happening there? Any problem, Miss Villare and Miss Ramos?" baling sa'min ng
professor namin.

"Wala po, Sir. Nahulog lang po itong ballpen ko. Pasensya po," palusot ko.

Wala naman siyang sinabi. Ipinagpatuloy naman ng babae ang paglalakad sa likod.

Bahagyang tumigil ang klase sa pagsosolve nang biglang tumayo si Avel at ipinasa ang kanyang
hawak na papel at umalis na pagkatapos.
Halos limang minuto palang ang nakakalipas pero natapos niya agad. Kung tutuusin napakahirap
ng mga binigay ni Sir ngayon kumpara noon. Tansya ko nga, aabot ako ng isang oras kung wala
lang naretain sa utak ko, e.

I sighed and concentrate more. Three problems to go.

After twenty five minutes natapos ko rin but I'm not really sure kung tama nga ang mga sagot ko.

Nagpaalam ako kay Sir at lumabas na ng room. Naiwan naman ang mga classmates ko do'n
habang seryosong nagsosolve.

Naglakad ako papunta sa clinic. Hindi ko alam kung bakit pero nang malapit na ako; napatitig ako
sa lalaking kalalabas lang ng clinic. Ilang segundo ko rin siyang tinitigan hanggang sa napagtanto
kong si Avel pala. Nagmamadali siya at hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Nagkibit-balikat nalang ako. Siguro may emergency, mukha kasi siyang nag-aalala.

Pumasok ako sa loob ng clinic at agad naman akong pinaupo ng nurse.

"Namamaga na ng husto ang balikat mo. Tsktsk. Ano bang nangyari dito?" tanong niya sa'kin
habang tinitignan ng mabuti ang balikat ko.

"Natamaan po kasi ako ng bola ng softball kanina habang naglalakad ako sa field."

Umiling-iling siya."Gan'yan din ang dahilan ng pamangkin kong kalalabas kani-kanina lang dito
kaya binigyan ko siya ng gamot, ibibigay niya daw sa kaibigan niya. Naku! Hindi na ako dadaan
sa field. Mapanganib pala do'n. Well, nextime, mag-iingat ka na para hindi ka matamaan ng bola,"
bilin niya. Naglabas siya ng gamot sa drawer at binigay sa'kin. "Inumin mo'to mamaya. Huwag
mo munang masyadong igalaw-galaw 'yan at baka mas lalong mamaga. Mas mabuting ipahinga
mo na muna'yan."

"Sige po. Salamat," sambit ko bago ako lumabas ng clinic.

Habang naglalakad, tumawag ako sa bahay para makauwi na. Hindi naman ako naghintay ng
matagal dahil pagkaraan ng ilang minuto, nakarating na si Tatay Ricardo.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit parang namumutla ka yata?" tanong ni Tatay nang makasakay na
ako.

Napatingin ako sa salamin. "Wala po 'to. Huwag niyo nalang pong pansinin. Ginamitan po kasi
ako ng make-up ng kaibigan ko kanina kaya nagkaganito ang mukha ko," palusot ko.

"Gano'n ba? Akala ko may sakit ka na," alalang sabi niya.


I smiled to him. Mabuti nalang hindi niya nahalata na nagsisinungaling lang ako.

Hindi naman na siya nagtanong pagkatapos. Nagsimula na siya sa pagdri-drive.

Humarap naman ako sa bintana. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip tungkol sa sinabi ng nurse
kanina. Si Avel lang naman ang nakita kong lumabas ng clinic bago ako.

Posible kayang... posible kayang para sa'kin'yung kinuhang gamot ni Avel sa clinic? Pero kung
siya nga'yon, edi pamangkin siya ng nurse?

Napasapo ako ng batok. Ang feelingera ko naman. Kung tutuusin, ano namang pakialam niya
sa'kin?

Napailing nalang ako at pumikit. Napakaimposible talaga ng iniisip ko. Nag-aassume ako sa isang
sitwasyon which is no help at all lalong-lalo na't hindi naman niya ako kaibigan in the first place.

I'm just wondering kung bakit kitang-kita ang pag-aalala sa mukha niya kanina habang naglalakad
siya.

Well, siguro hindi ko na dapat alamin ang mga'yon dahil wala naman akong kinalaman do'n.

Chapter 6

JOY

"Oh? Iha? Tapos na klase mo?" bungad ni Manang Lita habang nagpupunas ng vase.

Nagmano ako sakan'ya. "Opo. Hanggang alas dos lang po kasi ang pasok ko ngayong araw.
Uhm... Sige po, pahinga lang po ako saglit sa kwarto," paalam ko.

"Sige, iha."

Dumiretso ako sa taas. Mabuti nalang hindi napansin ni manang na namumutla ako.

Binaba ko ang bag ko sa gilid ng kama bago nahiga. Napahawak ako sa noo ko. May sinat nga
yata ako.

Tumayo ako para kumuha ng tubig sa ref na nasa gilid ng kwarto ko. Medyo kumikirot pa ang
kanang balikat ko kaya lang hindi na kagaya kanina, pero ininom ko pa rin ang gamot na binigay
sa'kin.

Bumalik ako sa aking kama at humigang muli. Pinatong ko ang aking braso sa ulo ko at pinikit
ang aking mga mata. Hanggang sa hindi ko na namalayang unti-unti na akong nilamon ng antok.

Nagising ako ng mga bandang alas singko na ng hapon. Wala na akong maramdamang kirot sa
balikat ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang ginagalaw-galaw ito.

Tumayo ako at pumasok sa banyo. Naghugas ako ng mukha habang nakaharap sa salamin.
Pagkatapos kong punasan ang mukha ko gamit ang puting towel, pinusod ko naman ang buhok ko.

Lumabas ako roon at nagpalit naman ng damit. Simpleng jogging pants at gray shirt lang ang suot
ko.

Bumaba ako dala-dala ang DSLR na ginagamit ko kapag namamasyal. Sinabit ko'yon sa aking
leeg.

"Hapon na. Saan ka pupunta, Joy?" tanong ni Ate Juliet nang makita niya akong nagsusuot ng
rubber shoes sa sala.

"Magpapahangin lang po do'n sa park. Pakisabi nalang po mamaya kila mama kapag dumating na
sila."

"Sige, sasabihin ko mamaya. Huwag kang magpapagabi. Mag-ingat ka," paalala niya.

"Opo. Babalik po ako ng maaga," sabi ko saka nagpaalam na.

May park kasi sa village namin at kamakailan ko lang'yon nalaman kaya gusto kong puntahan.
No'ng bata pa kasi ako, gustung-gusto ko talagang pagmasdan ang paglubog ng araw habang
nakasakay sa swing ng mag-isa, kaya'yon; nakalakihan ko na.

Walang masyadong tao nang makarating ako do'n. Malapit nang lumubog ang araw. Umupo ako
sa isang bench habang pinagmamasdan ang dalawang grade school students na masayang
naghahabulan.

Kinuhanan ko sila ng litrato habang hinahabol ng batang lalaki ang kalaro niyang batang babae.
Napangiti ako, ang ganda ng kuha nila kahit medyo kusot-kusot na ang suot nilang damit. Ang
saya nila tignan. Ang cute nila.

"Aray!"

Natanggal ang tingin ko sa kuha kong litrato at napatingin ako sa gawi nila. Hawak-hawak na ng
batang babae ang tuhod niya habang umiiyak. Agad naman siyang nilapitan ng batang lalaki at
hinipan ang tuhod nito.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at akmang lalapit na sana ako sa kanila para tumulong pero
nagulat ako sa sinabi ng batang lalaki.
"Alam kong masakit'yan kaya huwag ka ng umiyak. Magkaibigan tayo'di ba? Kaya tutulungan
kita. Halika, umuwi na tayo," sabi nito. Pinatong niya ang braso ng batang babae sa balikat niya at
sabay silang naglakad paalis.

Ang babata pa nila kung tutuusin pero alam na nila ang meaning ng salitang kaibigan.

Somehow nakaramdam ako ng inggit sa batang babae. Mabuti pa siya may kaibigang handang
tumulong sakan'ya.

Napayuko ako at bigla nalang pumatak ang luha mula sa aking mata.

Ilang minuto rin akong nasa gano'ng posisyon nang may biglang tumabi sa kinatatayuan ko.

"Ang ganda ng paglubog ng araw ngayon, sayang naman kung hindi mo kukuhanan ng litrato,"
sabi ng pamilyar na boses.

Napatingala ako kaya aksidenteng nagkasalubong ang tingin namin pero agad din akong umiwas
ng tingin at nagpunas ng luha.

Nagkunwari akong umubo. "Ugh... oo nga," sabi ko at nagkunwaring kinakalikot ang hawak kong
DSLR.

Tumikhim siya. "Mahirap,'no?" tanong niya.

Napalingon ako sakan'ya nang may pagtataka. "Ang alin? Yung problems ba sa quiz kanina? Oo,
mahirap, hindi pa nga ako sure kung tama ba ako sa mga solutions ko e," sagot ko habang
nakatuon ang pansin sa pagkuha ng litrato.

Nakita ko siya sa peripheral vision ko na humarap sa'kin. "Ang magtago ng tunay na


nararamdaman," seryosong turan niya.

Hindi ako umimik. Ramdam ko ang titig niya sa'kin kaya tumalikod ako. "Sanay na ako."

"Sanay ka na? Pa'no naman yung mga taong hindi sanay sa nararamdaman mo? Titiisin mo nalang
ba na lagi ka nilang binabalewala kasi akala nila wala kang pakiramdam? Hahayaan mo nalang ba
na lagi ka nilang kinakawawa dahil akala nila wala kang laban? Hanggang kailan ka ba magtatago
ng tunay mong nararamdaman? Hanggang kailan mo sasarilihin ang lahat?"

Napapikit ako ng mariin bago sumagot. "Hanggang kaya ko pa."

Nagbuga siya ng hangin.


"Then... I'll wait for that sooner or later. Kapag hindi mo na kaya, lumapit ka lang sa'kin. I'll give
you more than a handkerchief to cry on. A broader shoulder to lean on and a longer hands for you
to hold on..."

Naramdaman ko ang paghakbang niya palayo matapos niyang sabihin'yon. I managed to face him.
"Why are you doing this?" I asked desperately.

Huminto siya sa kinaroroonan niya at lumingon sa'kin. "Because, I don't want to see a girl version
of me in the past. You deserve to have a friend and I will be glad If I will be the first. I think that
would be a enough reason for me to convince you," aniya.

"But... you don't have to. Masaya naman ako kahit wala akong kaibigan," bulong ko pero sapat na
para marinig niya.

"You know what? It's just like putting make up on your face. Kapag nasobrahan, pangit na ang
kalalabasan kaya minsan mas maganda nalang magpakatotoo. And besides, your name is Joy.
Make it suit to you..." he said as he walks away.

I was left stunned with what he said. Lalo lang akong nahiwagaan sakan'ya.

Chapter 7

JOY

"Then... I'll wait for that sooner or later. Kapag hindi mo na kaya, lumapit ka lang sa'kin. I'll give
you more than a handkerchief to cry on. A broader shoulder to lean on and a longer hands for you
to hold on..."

"Because, I don't want to see a girl version of me in the past. You deserve to have a friend and I
will be glad If I will be the first."

"You know what? It's just like putting make up on your face. Kapag nasobrahan, pangit na ang
kalalabasan kaya minsan mas maganda nalang magpakanatural. And besides, your name is Joy.
Make it suit to you..."

Napailing ako sa naalala. Paulit-ulit nalang rumerehistro sa isip ko ang mga katagang sinabi sa'kin
ni Avel. Hindi ko tuloy alam kung kaya ko siyang makita ngayon.

Anong ba kasing nangyayari? Hindi naman niya ako pinapansin dati. Wala rin kaming pakialam sa
isa't isa. Parang wala nga lang ang presensya ko sa room kung tutuusin.

Ang hirap talaga intindihin kahit saamg anggulo ko tignan. Para bang isang puzzle na ang hirap
mabuo. Para bang tax na ang hirap i-solve.
"Nak? Joy? Kanina pa kita tinatawag. Nandito na tayo. Ayaw mo bang bumaba?"

"Po?" kunot-noo kong turan.

"Sabi ko nandito na tayo sa EU," ulit ni Tatay Ricardo sa sinabi.

Napalingon ako sa paligid. "Ah! Oo nga, nandito na po pala talaga tayo. Sige po, mauna na ako.
Ingat po kayo sa pagdri-drive," paalam ko.

Napakamot ako ng ulo pagkababa ko ng sasakyan. Nasosobrahan na yata ako kaiisip ng mga
bagay-bagay.

Napatingin ako sa wrist watch ko. May fifteen minutes pa ako para marating ang building namin.

Natigilan silang lahat nang makapasok ako. Binati ako ng mga sampu sa classmates ko,
samantalang umirap naman sa'kin ang ibang classmates kong babae.

Nagulat ako sa inakto nila pero hindi ko pinahalata. Nagdiretso nalang ako sa upuan ko at tahimik
na binuklat ang hawak kong libro.

Nakapagtataka talaga. First time lang nangyari'to sa'kin. Dati-rati na akong nakatatanggap ng irap
at kung anu-ano pa, pero ngayon palang ako nakaranas ng may bumabati sa'kin pagdating ko sa
room.

"Gosh! All I thought introvert siya pero hindi pala. Ang galing niyang makipagsocialize. Pati
professor na-sales talk niya!" rinig kong sabi ng classmate kong babae sa harapan.

"Kaya nga! Naging part tuloy sila ng school publication. Kunwaring mahiyain, ang kapal naman
ng mukha!" sabat naman ng isa.

"Tsk! Ang amo ng mukha pero kabaligtaran naman sa ugali!" dagdag pa ng isa.

Hindi naman ako manhid para hindi ko alam kung sino ang pinag-uusapan nila.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Kung alam ko lang na ganito ang kalalabasan, sana hindi ko
na tinanggap yung offer ni Ma'am. Akala ko pa naman training field ko ang pagsali do'n pero hindi
pala. Lalo lang napalayo ang loob nila sa'kin.

"Oops! Mukhang may natatamaan na sa likod. Ibulong niyo lang kasi!" Trixie sarcastically said.

Nagtawanan sila dahil do'n. Napayuko nalang ako habang patuloy na pinapakinggan ang mga
paratang nila. Konti nalang talaga bibigay na ako. Konti nalang...

"As much as I know, this room is for learning purposes and not for non-sense businesses. You
always enter this school but seems like you're uneducated. Kung gan'yan sana kayo kabilis
sumagot ng mga problems baka mapabilib niyo pa ako."

Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa harapan. Ang seryoso ng mukha niya. Hindi ko mabasa
kung anong iniisip niya.

Katahimikan ang bumalot sa buong classroom at lahat ng atensyon ay nakatuon lang sakan'ya.
Namumula sa hiya ang grupo nila Trixie. Wala namang nagtangkang umimik. Parang wala naman
sakan'ya na pinagtitinginan siya.

Napalingon siya sa gawi ko at nagthumbs up na para bang tinatanong niya kung ayos lang ba ako.
Tumango na lamang ako bilang sagot at tinuon muli ang pansin sa librong hawak ko.

Natauhan lang ang lahat ng dumating ang professor namin.


She just discussed about our research soon at umalis din agad.

Isa-isang nagsilabasan ang mga classmates ko. Wala na kasi kaming pasok ngayong araw dahil
may urgent faculty meeting at mamayang alas dos pa daw 'yon matatapos.

Dumiretso ako sa locker room para kunin ang naiwan kong libro do'n. Pagkabukas ko, bigla
nalang may nalaglag na kulay brown na papel na parang lalagyan ng reseta.

Lumuhod ako para pulutin'yon at laking gulat ko nang makumpirma ang laman nito.

Gamot? Posible kayang? Posible kayang si Avel nga ang naglagay nito dito?

Tinago ko'yon sa bag ko at ni-lock na ang locker pagkatapos kong kuhanin ang librong babasahin
ko sa bahay.

Umuwi ako ng may agam-agam. Ang daming nangyari. Nakapapagod isipin. Napakahirap
intindihin.

Kinabukasan...

"Class! I have your papers here and I'm very disappointed sa result nito. How come there's only
two students again who passed my long quiz? Tell me... are you really serious to graduate with
this course because I think you're not. Kung ganito lang lagi ang resulta ng mga pinapagawa ko
sainyo, I'm not sure kung lahat kayo makakapasa sa screening this semester," sermon ni Sir
Ignacio sa lahat.

Tahimik lang ang klase. Kinakabahan rin ako baka isa ako sa mga hindi nakapasa. Hindi ko kasi
sure ang mga sagot ko.
"Mr. Flaminiano got a perfect score again as well as with Miss Villare."

Nagulat ako sa narinig. Seryoso? How come na perfect ko rin?

"We're busy in the faculty that's why I can't discussed with you today, but please be ready for the
next meeting. I might be giving you a lot of problem solvings. So please make some efforts," paala
niya bago umalis ng room.

Nagsilabasan na ang lahat kaya sumunod narin ako. Ang bigat ng bag ko ngayon. Iiwan ko nalang
siguro muna ang mga ibang gamit ko sa locker ko.

Nasa bungad palang ako ng locker room nang patidin ako ng isa sa kagrupo ni Trixie.

Napadaing ako nang mapagtanto kong naitama ang tuhod ko sa matulis na metal na nakalagay sa
gilid ng locker room pero pinilit ko parin inabot ang mga tumilapon kong mga gamit.

Tatayo na sana ako para pulutin pa ang iba pero binuhusan naman ako ng isa ng tubig. Basang-
basa tuloy ako.

"Serves you right. Nextime huwag ka ng pabida sa room, hindi mo bagay. Let's go girls!" aya ni
Trixie habang nagtatawanan silang tatlo.

Naiwan akong nakasalampak sa sahig. Pinilit kong tumayo pero after a while matutumba nalang
ako. Inulit ko'yon ng ilang beses pero laging gano'n ang kinalabasan. Hindi ako sanay masugatan
kaya nanginginig talaga ako habang tinatali yung sugat ko ng panyo.

Bakit ba kasi hindi ko kayang lumaban? Naiinis na talaga ako sa sarili ko. Tinakpan ko nalang ang
mukha ko gamit ang dalawang palad ko because of my frustration. Ang hirap ng walang magawa.
Hindi ko mapigilang umiyak.

Hindi na ako nag-abalang tumayo. Ang lamig ng pakiramdam ko pero wala na akong pakialam.

Nagulat nalang ako nang may biglang yumakap sa'kin. "Anong nangyari? Bakit mo hinayaang
gawin nila sa'yo'to?" galit na tanong niya.

Ang bigat ng paghinga niya halatang galing sa pagtakbo. Napahikbi ako.

"Sssh. Don't cry. Nandito na ako," sabi niya sa mahinang boses saka hinigpitan ang pagkakayakap
sa'kin.

We stayed in that position for almost five minutes bago niya niluwagan ang pagkakayakap at
hinarap ako. Pinunasan ko ang luha ko. Samantalang tinanggal niya naman ang suot niyang black
leather jacket at pinatong sa dalawang balikat ko.
"You need to change. Come..." wika niya saka nilahad ang kanyang kamay but I refused.

"I can manage. Thank you..."

Tumayo ako ng mag-isa at isa-isang pinulot ang mga gamit ko. Tahimik akong naglakad palayo
sakan'ya nang hindi lumilingon. Hindi ko pinahalatang sumasakit ang tuhod ko everytime na
hahakbang kahit anytime feeling ko matutumba talaga ako.

Nasa exit na ako ng locker room nang marinig ko ang yapag niya papunta sa kinaroroonan ko ans
believe me or not... ang sunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan.

Tila nagslow-motion ang mundo ko dahil sa ginawa niyang move.

"Ibaba mo ako. K-kaya kong maglakad," utal kong sabi.

"You can't kaya huwag kang magalaw kung ayaw mong matumba tayong dalawa," seryosong
turan niya.

Napapikit nalang ako. Buhat-buhat niya ako sa mga bisig niya at hindi ko alam kung anong dapat
kong gawin.

Chapter 8

JOY

"What happened to her? Bakit buhat-buhat mo siya?" bungad sa'min ng nurse nang makapasok
kami sa loob ng clinic.

Maingat akong binaba ni Avel sa kama.

"Kayo na po muna ang bahala sakan'ya tita. May aasikasuhin lang ako," paalam niya at mabilis na
tinahak ang pintuan.

Tita? Huwag nilang sabihing...

"Talaga nga naman yung batang'yon. Porke't magkamag-anak kami, inuutusan niya na ako?" sabay
iling ng nurse na nakaupo sa tabi ko bago tinuon ang kanyang pansin sa aking tuhod at tinanggal
ang tinali kong panyo do'n. "Medyo malalim ang sugat mo. Hindi ba't ikaw rin yung natamaan ng
bola last time?" tanong niya habang nililinisan ang sugat ko.

"Opo, ako nga po."


Napakagat ako ng pang-ibabang labi nang buhusan niya ng alcohol ang sugat ko. "So... does it
mean? Ikaw rin siguro yung pilit na hiningian sa'kin ng gamot ni Van no'ng nakaraan araw."
Tumingin siya ng diretso sa mata ko matapos niyang lagyan ng apat na band-aid yung sugat ko.

Napakunot-noo ako. "Po? Pinilit niya kayo?"

Inayos niya ang medicine kit na ginamit niya at nilagay ito sa cabinet. "Oo. Ayaw ko kasi siyang
bigyan. Muntik pa nga siyang lumabas ng campus para lang bumili pero naawa naman ako,
kaya'yon binigyan ko na. Nakatatawa nga e, para siyang bata that time," sabi niya habang
sinasariwa ang nangyari.

Nasagot nga ang tanong ko. Pero bakit? Bakit niya ginawa'yon? Nag-aalala yung mukha niya nang
makita ko siya. Ibig sabihin ba no'n? Nag-aalala siya sa'kin? At dahil ba nilagay niya yung gamot
sa locker ko dahil ayaw niyang malaman ko?

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo. Huwag kang mag-alala, nagulat rin ako kanina nang makita
kong buhat-buhat ka niya tapos suot-suot mo pa'yang jacket niya. Hindi ko alam na lalabas pala
ang kasweet-an ng pamangkin ko kapag nagka-girlfriend na." Umakto siya na parang kinikilig.
"Nga pala, I need to go. Hintayin mo nalang si Van mo dito. Kailangan kasi ako do'n sa College of
Allied Health and Sciences ngayon. Sige, bye..." and she winks at me.

Hindi na ako nakapagpaalam dahil nagmadali siyang lumabas.

Pero girlfriend? Saan nanggaling'yon? Hindi ba pwedeng matulungin lang yung tao kaya dinala
niya ako dito. And speaking of that 'buhat thing', nakakahiya talaga. Ang dami palang
estudyanteng nakakita sa'min kanina. Tapos sinuot pa sa'kin ni Avel yung jacket niya. Ano nalang
sasabihin nila? Nakakahiya naman kay Avel, nadamay pa siya dahil sa pinaggagawa ko pero mas
nakakahiya yung ginawa niyang pagyakap sa'kin tapos umiiyak pa ako.

Biglang bumukas yung pinto kaya napatingin ako do'n. Nilapag niya sa bench yung mga gamit
kong tumilapon kanina.

"Pasensya, medyo natagalan. May inayos pa kasi ako. Here... gamitin mo muna'tong P.E uniform
ko. Pagpasensyahan mo nalang kung medyo malaki sa'yo," offer ni Avel sa hawak niyang paper
bag.

Tinignan ko lang ito at hindi nagsalita.

"Sige na. Kunin mo na'to. Kung gusto mong gumamit ng CR pwede mong gamitin yung kay tita
sa dulo. Hintayin nalang kita sa labas. Sige na..." Ngumiti pa siya sa'kin bago nilapag ang paper
bag na hawak niya sa tabi ko.

Lumabas siya ng clinic at tumayo sa pinto.


I took a deep breath. Naglakad ako papuntang CR dala-dala yung paper bag. Naghugas ako ng
mukha at pinatuyo ang aking buhok habang ingat na ingat ko namang sinuot ang pinahiram sa'kin
ni Avel na jogging pants para hindi masagi yung sugat ko. Tinupi ko rin yung t-shirt niya gaya ng
ginawa ko sa jogging pants dahil medyo mahaba sa'kin.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Okay lang naman tignan sa'kin kahit medyo malaki.
Katamtaman naman ang katawan ni Avel pero sadyang matangkad kasi siya kaya nagmukha akong
hip-hop ng wala sa oras.

Inayos ko muna lahat ng pinagpalitan ko bago pinihit ang doorknob. Narinig yata ni Avel ang
pagbukas ko ng pinto kaya pumasok na rin siya sa loob.

Umupo ako sa kamang hinigaan ko kanina. Umupo rin siya sa tabi ko pero hindi siya umiimik.

"Uhm... Avel, salamat nga pala ulit and sorry din dahil naabala kita," mahinang sambit ko.

"Just don't mention it..."

"Pero kasi..."

"It's okay. Ano ba kasing nangyari kanina?" tanong niya habang nakatingin kaming pareho sa
puting kisame.

"H-hindi ko kasi tinitignan yung dinadaanan ko kaya'yon, nadapa ako." Pagsisinungaling ko.

Naramdaman kong tinuon niya ang kanyang paningin sa'kin. "Huwag mo na silang pagtakpan
dahil ako mismo ang nakarinig sa ginawa ng grupo nila Trixie sa'yo. I'm also done comfronting
them."

Napalingon ako sakan'ya ng wala sa oras. "You what?"

"I comfronted them kaya natagalan ako sa pagbalik dito. I also reported them to our dean kaya
hindi ka na nila guguluhin."

"Bakit mo ginawa'yon?" tanong ko.

Tumikhim siya. "To give them a warning. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon kailangan
mong pagbigyan ang ibang tao para saktan ka. Once can be considered as mistake or accident but
if they repeat it at the second time around, make sure to leave an impression for them not to do the
same act again. Sometimes you win, sometimes you learn as the saying goes," mahabang lintana
niya.

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Kaya imbes na magsalita pa sana ako, tinikom ko nalang ang
bibig ko at muling binalik ang paningin sa puting kisame.

Katahimikan ang bumalot sa paligid. Wala ni isa sa'min ang nagbalak magsalita. Ang tic-toc lang
ng wall clock ang maririnig sa buong silid.

"We're already friends, right?" Basag ni Avel sa katahimikan.

I turned my head to him. Nakangiti ito na siyang kinatindig ng balahibo ko sa katawan. Napakurap
pa ako baka sakaling namamalikmata lang ako pero lalo ko lang napagtanto na totoo ang lahat.

"We're officially friends, right?" ulit niya but this time, nakalahad na ang kanyang kanang kamay
sa'kin.

Natigilan ako saglit pero inabot ko rin naman'yon. "Y-yes, we're friends from now on..." and we
shake hands.

Sa dami ba naman ng atraso ko sakan'ya at naitulong niya sa'kin. Hindi naman na siguro tama
kapag ni-refuse ko pa ang pakikipagkaibigan na offer niya.

Chapter 9

JOY

"Joy? Joy, anak? Pasok na ako ha?" katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko.

Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo sa study table ko at tinanggal ang reading glass. I
manage to open the door for her before she can do it. I kissed her cheeks. "Anong oras ka
nakauwi, ma?" tanong ko.

She smiled at me. "Just thirty minutes ago. Sabay kaming umuwi ng papa mo."

Tumango ako at umupo sa kama, samantalang nilibot niya naman ang buong kwarto ko bago
tumayo sa tapat ng study table ko at binuklat ang librong ginamit ko kanina.

"Anak? Pumayat ka yata?" tanong ni Mama habang nakatingin parin sa hawak niyang libro.

"Po?"

"Sabi ko, pumayat ka yata. Sa'yo ba talaga 'yang damit na suot mo ngayon?" tanong ni Mama
habang nakatingin parin sa hawak niyang libro.

Nagulat ako sa sinabi niya. Lagot na. Hindi pala ako nakapagpalit. Damit parin ni Avel 'tong suot
ko.
Bakit ko ba nakalimutang magpalit? Ano ang irarason ko ngayon kay mama?

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Ma... ang totoo niyan sa kaibigan ko po talaga 'to.
Pinahiram niya sa'kin kanina," pikit-mata kong turan.

Hindi ko na sinabi ang buong detalye kung bakit suot-suot ko 'yon pero sana lang talaga hindi na
tanungin ni mama ang tungkol do'n.

Binaba niya na ang hawak niyang libro at tumingin sa'kin. Seryoso ang mukha niya no'ng una pero
unti-unti rin naman itong nagbago nang makalapit na siya sa kamang kinauupuan ko.

"Kaibigan ba talaga or... boyfriend? Ikaw anak ha, may hindi ka ba sinasabi sa'min ng papa mo?"

"Po? Ano naman pong klaseng tanong 'yan? Wala po, ma. Kaibigan ko lang po talaga si Avel,"
depensa ko sa sarili.

Napatakip nalang ako ng bibig nang marealize ko yung mga sinabi ko.

Unti-unting gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni mama. "So? Avel pala ang pangalan ng
binatang naghatid sa'yo dito kanina? Kailan pa kayo nagkakilala, Joy?" Excited na tanong niya at
tumabi na talaga sa'kin.

Napailing nalang ako sa reaksyon niya. "Mama naman. Two years na po kaming magka-klase pero
magkaibigan lang po talaga kami."

"Sayang naman kung gano'n. Bagay pa naman sana kayo," madamdamin niyang wika.

Nagtaka naman ako do'n. "Paano mo po nasabing bagay kami kung wala ka naman kanina, ma?"
takang tanong ko.

"Manang Lita and Ate Juliet told me and I also confirmed it when I checked the CCTV kanina.
Well, kami pala ng papa mo, and you know what? Bagay nga kayo," at humagikgik siya.

Napakamot nalang ako ng ulo. Nakalimutan kong may CCTV camera pala dito sa bahay. Mabuti
nalang hindi naabutan nila mama si Avel kundi ewan ko nalang. Nagmamadali pa naman yata siya,
mukhang may importanteng gagawin.

Tumawag ako kanina dito sa bahay pero inatake daw ng rayuma si Tatay Ricardo kaya hindi na
ako nagpasundo. Magtataxi na nga lang sana ako pauwi pero nagpumilit si Avel na ihatid nalang
daw ako. Hindi na ako nakatanggi dahil siya na mismo ang naglagay ng gamit ko sa kotse niya.
Kaya 'yon, napag-alaman ko ring sa kabilang village lang sila nakatira where in malapit lang
sa'min at ang boundary lang is yung park na pinasyalan ko no'ng nakaraang araw. Ang kaibahan
nga lang, sa tuwing napapadaan kami do'n ni tatay, 'di hamak na mas marami paring bahay ang
nakatirik do'n eventhough magkakalayo sila sa isa't isa. Unlike dito, bilang palang ang kabahayan.

Hinawakan ni mama ang dalawang balikat ko at pinaharap niya ako sakan'ya. "Kaibigan mo man
siya or what. Gusto namin siyang ma-meet ng papa mo in person, hmmn?" Nakangiting sambit
niya.

"Opo, ma."

Bumaba na kami pagkatapos at sabay-sabay na kumain ng dinner. Panay ang kantyaw nila sa'kin.
Maging sila Papa, Nanay Rosa at Tatay Ricardo nakisali rin.

Hinayaan ko nalang. Kung alam lang sana nila ang dahilan kung bakit magkasama kami. Sigurado
akong hindi gan'yan ang mga reaksyon nila.

Nakatayo ako sa tapat ng bintana dito sa sala. Ang gandang pagmasdan ng mga bituin kahit medyo
natatakpan sila ng ulap.

Napangiti ako.

Kukuhanan ko nalang siguro mamaya do'n sa rooftop para mas maganda ang view.

"By the way, Joy. Wala ka bang gagawing school stuff bukas?" tanong ni papa habang nagbabasa
ng magazine sa sofa.

Napatingin ako sakan'ya. "Wala na, pa. Patapos na po ako sa ginagawa ko. Bakit po?" tanong ko
pabalik.

"Then, you're free tomorrow night?"

Napakunot-noo ako. Tanong din kasi ang sinagot niya sa'kin. "Opo. Ano po bang meron bukas,
pa?"

Itinabi na ni papa ang binabasa niyang magazine at tinuon ang pansin sa'kin. He tapped the space
beside him asking me to sit there, kaya umupo ako do'n.

"Dinner with special friends. I hope you'll not refuse this time," nakangiting wika ni papa.

"O-okay po," kibit balikat kong tugon.

Medyo naguluhan naman ako do'n. Ang weird kasi ng ngiti ni papa. Kakaiba talaga as in. Para
bang may something.

At anong ibig sabihin niya do'n? Dinner with special friends? Sina Tita Grace at Tito Jared kaya
ang tinutukoy niya?

Kung gano'n nga, mukhang nakakaexcite nga iyon. Miss ko narin kasi sila e.

Chapter 10

AVEL

"Kuya, sige na. Tulungan mo na ako dito sa requirement ko sa Campus Journalism para matapos
na. Wala pa akong nagagawa, deadline na sa monday. Sige na kuya, please..." She said habang
hila-hila ang laylayan ng suot kong white v-neck shirt.

Kagigising ko palang tapos makikita ko nalang siya na nakatayo na sa pintuan ng kwarto ko.
Hindi na tuloy ako makababa sa hagdanan dahil sa kahihila niya ng damit ko. Almost ten minutes
narin kaming nandito pero hindi parin siya natitinag.

Nagulo ko nalang ang buhok ko out of my frustration. Ang kulit niya kasi. Sinabi na ngang may
aasikasuhin ang tao, e.

"Oo na. I'll help you with that requirement just let go of me, okay?" I hissed.

"Yehey! Ang bait mo talaga kuya! I love you na talaga!" She hugged me tightly. "Hintayin mo ako
sa sala kuya. Sa terrace tayo gagawa. Huwag kang aalis do'n. Kukunin ko lang yung gagamitin
natin sa kwarto ko, okay?" at kumaripas na siya ng takbo papunta sa kwarto niya.

Napailing nalang ako sa inasal niya. She's already 17 years old pero kung makaasta parang grade
school student. Pasalamat talaga siya, hindi ko siya matiis.

Bumaba ako sa hagdanan at nadatnan ko sila mommy at daddy sa sala.

"Good morning mom, dad," bati ko sakanila.

"Good morning son," bati nila pabalik.

"Don't forget what I've told you yesterday, alright?" nakangiting sambit ni mommy.

"Yes mom. Don't worry, I will not forget that," sagot ko.

"Ano 'yon mom? May sikreto ba kayong hindi sinasabi sa'kin?"

Napatingin kaming lahat sa kapatid kong kabababa galing sa taas, na sa dami ng dala niya, hindi
ko na alam kung gaano kakapal ba ang gagawin naming requirement na sinasabi niya.
"Huwag kang mag-alala, malalaman mo rin," sabi ko.

Tumabi siya sa'kin. "Pero kuya, ano ba kasi 'yon?"

"Let's finished that first," sabay turo sa hawak-hawak niya.

"Pero —"

"Halika na bago pa magbago ang isip ko," aya ko sakan'ya.

"Kuya naman, e!" sigaw niya.

Padabog siyang naglakad palabas ng pinto. Napakibit-balikat nalang kami nila mom and dad.
Sinundan ko nalang siya.

After three hours...

"Hoo! Natapos ko rin! Ako na ang highest dito for sure!" masayang sambit niya habang taas-taas
ang magazine na ginawa namin.

"Nextime, do it by yourself. Hindi naman sa lahat ng oras nandito ako para tulungan ka."

Inirapan niya lang ako at muling ibinalik ang atensyon sa yakap-yakap na niyang magazine.

Tumayo ako habang nag-iinat. Ginutom ako do'n. Hindi man lang kasi ako pinag-breakfast muna
ng kapatid ko kanina.

"Saan ka pupunta kuya? Hindi mo ba ako tutulungan sa paglipit ng mga 'to? Nakakahiya naman
kung ipapalinis ko pa kila Ate Margie 'to," reklamo niya.

Nilingon ko siya. "I have something to do. May pupuntahan ako. Ikaw na ang bahala diyan. I
know you can handle that. You're a good girl, right?" Nakangising sabi ko at naglakad na palayo.

Panay pa ang tawag niya sa pangalan ko do'n sa terrace pero hindi ko na siya nilingon.

Napatingin ako sa relo ko habang naglalakad papuntang garahe. Alas dose pasado na pala. I still
have six hours to prepare everything.

Pinaandar ko agad ang kotse ko nang makasakay ako do'n.

After twenty five minutes na pagdri-drive, nakarating rin ako sa La Avien Hotel.
"Good Afternoon, Sir!" Nakangiting bati sa'kin ng dalawang hotelier do'n.

"Good Afternoon rin. Tapos na ba lahat?" tanong ko habang palinga-linga sa private room na pina-
reserve nila mom.

"Almost done, Sir. Konting retouch nalang," sagot ng babaeng may maiksing buhok.

Tumango ako. "How about the food?"

"Nasabi ko na po lahat kay Chef David, Sir. Huwag na daw po kayong mag-alala," sabi naman ng
mahaba ang buhok.

"Alright. Nice job." Tinapik ko silang pareho sa balikat.

Nagkatinginan sila at tila namula pa ang pisngi nilang dalawa.

Napakamot nalang ako ng ulo. Nangyari?

"N-no worries, Sir. W-we're just doing our job," utal na sabi ng maiksi ang buhok.

Lumabas na ako do'n matapos kong i-check lahat. Sumakay ako ng elevator pababa.

Nang nasa parking lot na ako ng hotel, tumawag ako kila mommy at sinabing ayos na lahat. I don't
know why they let me handle this where infact I don't even know the reason behind these
preparations for tonight.

Napabuntong hininga ako bago pinaandar ang makina ng aking sasakyan.

Habang nagdri-drive, napapaisip talaga ako kung anong meron mamaya. Wala kasi talaga akong
kaalam-alam tungkol dito. Basta ang sabi lang ni mom, sasama daw kaming dalawa ng kapatid ko.

I guess, it's all about business again.

"Kuya!" Nakakabinging salubong sa'kin ng kapatid ko pagkarating ko.

"Ikaw talagang bata ka. Huminahon ka nga. Lagi ka nalang nakasigaw sa kuya mo!" Suway ni
Manang Bleselda sakan'ya na abalang nag-aayos ng mga vase.

Nagpout siya. "Sorry po," paumanhin niya. Tumingin siyang muli sa'kin. "Pero... bagay ba sa'kin
'tong biniling dress ni mommy? Ha? Kuya?" Puno ng pag-asa niyang tanong habang pinapakita
sa'kin ang isang color blue na dress.

Inakbayan ko siya. "Huwag ka ng umasa Vien Zyne Flaminiano. Hindi mo bagay," asar ko
sakan'ya at ginulo pa ang kanyang buhok.
Tinanggal niya ang pagkakaakbay ko sakan'ya ng marahas. "Nakakainis ka talaga kuya!" bulyaw
niya sa'kin at nauna ng umalis.

Wala sila mom and dad nang makapasok ako sa loob ng bahay.

Alas tres na pero hindi pa pala ako kumakain. 'Di bale na nga.

Kumuha nalang ako ng apple sa ref at hinugasan ito. Iyon ang kinain ko habang umaakyat
papuntang kwarto.

Sumalampak ako sa kama at pinikit ang aking mga mata.

Nagising ako ng bandang six pm na siguro. Tinungo ko agad ang CR sa kwarto ko at naligo.

Seven o'clock nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ko. Sinuot ko rin ang biniling suit ni mom
para sa'kin.

Lumabas ako ng kwarto at kinatok ang pinto ng kapatid ko.

"Vien, let's go. Nauna na sila mom and dad. We should be there before 8 pm," I said.

"Wait. Palabas na ako," sabi niya.

I glance at her from head to toe nang buksan niya ang pinto. "Anong tinitingin-tingin mo diyan,
kuya? Nabighani ka na naman sa beauty ko, 'no?" Aniya.

"Pwede na." I grinned.

Inukutan niya ako ng mata. "Sayang. Pupurihin pa naman sana kitang ang gwapo-gwapo mo
ngayon pero huwag na. Tara na nga," asar niyang turan at nauna ng bumaba mg hagdan.

Sumakay nalang siya bigla sa likod ng kotse ko at hindi ako pinansin.

"Sigurado ba kayong hindi ko na kayo ihahatid? Van?" Nag-aalalang tanong ni Manong Dante.

"Huwag po kayong mag-alala manong, kaya ko na po 'to. Saka magagabihan na po siguro kami
kaya magpahinga nalang po kayo."

"O'siya basta mag-ingat kayo."

Tumango ako bilang sagot bago pumasok sa kotse.

Pinaandar ko na ito at hanggang sa makarating kami sa hotel, hindi talaga ako kinibo ng kapatid
ko.

"Oh? Anong nangyari sa'yo Vien?" Alalang tanong ni mommy sa kapatid ko.

"Ito kasing si kuya, mommy," sabay turo sa'kin.

"Mom, I'm just kidding kanina. Naniwala naman kasi siya agad," depensa ko sa sarili.

Inirapan niya lang ako.

"You two, sit there," utos ni dad. Tinuro niya sa'min ang dalawang upuan sa tabi ni mommy. "They
will be here in five minutes," tuloy niya.

Lumapit kila mom ang isang staff ng hotel at bumulong.

"They're here." Nakangiting sambit ni mommy.

Totoo nga ang sinabi ni mommy dahil matapos niyang sabihin 'yon, bigla nalang silang tumayo at
sinalubong ang dalawang mag-asawa na parang pamilyar sa'kin. Hindi ko lang talaga maalala
kung saan ko sila nakita.

"Kumusta na? Matagal-tagal din tayong hindi nagkita pero maganda ka parin," masayang wika ng
babae kay mom.

"Ikaw talaga, nambola ka pa. Ito tuloy parin sa pagmamanage ng business."

Naghawakan pa sila ng kamay. Are they friends? All I thought this is a business meeting?

"Mamaya na kayo magkamustahan diyan. Halina kayo, Jane at June. Umupo muna kayo," aya ni
dad sa mga kaibigan nila.

"Jane, sila nga pala ang dalawang anak ko. This is Vien," pakilala ni mom sa kapatid ko. Nginitian
siya ni Vien. "And the boy beside her is Van, panganay ko," sabay turo sa'kin.

"Hello po. Nice to meet you," pormal na bati ko.

"Hello! I'm Jane and you can call me tita if you want." Nakangiti niyang sambit habang tinitignan
ako ng mabuti.

"Sige po, tita." Nakangiting tugon ko bago umiwas ng tingin.

Nakakahiya kasi yung paraan ng pagtingin niya. Para bang may gustong sabihin.

"Nga pala, June. Nasaan yung nag-iisang anak niyo? Kasama niyo ba siya?" tanong ni dad.
Nagkatinginan ang dalawang mag-asawa at saglit silang natigilan. Sakto namang may narinig
akong papasok sa room. Nakatingin silang lahat do'n except sa'min ng kapatid ko na abalang
inaayos ang damit niya.

"Siya na ba 'yan?"

"Yes. She's my daughter," kampanteng sagot ni Tito June.

"Sorry po kung medyo natagalan," paumanhin ng isang pamilyar na boses. "Good Evening po
pala," sabi niya pa.

Unti-unti ko siyang nilingon at nagulat ako nang mapagtanto kong siya nga 'yon.

She's smiling to everyone and she looks like an angel while doing that. She really transformed
tonight. Ngayon ko lang siya nakitang nagmake-up kahit light lang naman ito, tapos kinulot din
ang dulo ng mahaba niyang buhok. She's wearing white top and striped skirt na two inches above
her knee at parang napilitan lang siyang isuot 'yon base sa nakikita kong saglitang paghila niya
nito pababa every now and then.

I met her gaze and she was shocked when she look at me.

"Joy/Avel?"

Chapter 11

JOY

"Joy/Avel," tawag namin sa isa't isa.

Hindi ako makapaniwalang makikita ko siya dito. Dinner with friends? Oo, alam kong hindi sila
Tita Grace at Tito Jared ang makakadinner namin ngayon dahil sinabi ni mama kanina. Pero paano
nangyaring... paanong nangyaring magkaibigan ang magulang ko at magulang nila Avel?

"Avel talaga? Magkakilala kayo, kuya?" Interrupt sa'min ng katabi niyang cute na babae na
kahawig niya.

"Yes, Vien. Classmate kami and at the same time, kaibigan ko siya. She's Joy Villare," pakilala
sa'kin ni Avel.
Nilapitan ako ng babae at hinalikan sa pisngi. "Hello, Ate Joy! Ako po si Vien. Ang ganda-ganda
mo naman po," puri niya sa'kin habang hawak-hawak ang dalawang kamay ko. "Niligawan ka na
ba ni Kuya VAN, ate?" tanong niya pa while emphasizing the word 'Van'.

Namula ako dahil sa tanong niyang iyon pero imbes na sagutin ko 'yon, nginitian ko nalang siya.
Napatingin ako kay Avel at parang nagulat siya sa sinabi ng kapatid niya.

"Vien, ano ka ba naman. Mamaya ka na nga mangulit diyan," suway ng magandang babaeng
katapat ni mama. Tumingin ito sa'kin at ngumiti. "Joy, iha. Pagpasensyahan mo na 'yang si Vien.
Madaldal talaga 'yan. Come, join us," aya niya sa'kin.

"Okay lang po 'yon." I said while smiling.

Umupo ako sa tabi ni mama. Bumalik naman sa upuan si Vien ng nakapout. Ang cute niya talaga.

"Since, we're all here. Let's eat first," sabi ng mommy nila Avel.

Katapat ko si Vien samantalang nasa tabi naman nito si Avel.

Ang daming pagkain ang nakahain sa table. Sa itsura palang, mapaghahalataan na pinaghandaan
talaga. May background music pa sa loob ng room kung nasaan kami ngayon.

Tahimik naming sinimulan ang dinner. Honestly, hindi talaga ako mapakali sa pinasuot sa'kin ni
mama ngayon. Bukod kasi sa tumataas ito kapag gumagalaw ako ng kaonti, fit pa ito sa'kin tapos
pinatucked-in pa ni mama. Hindi ko nga alam kung bakit napilit niya akong isuot 'to e.

"Anak? Okay ka lang?" bulong ni mama sa tainga ko.

"Opo, ma," tipid kong sagot at palihim na binaba na naman ang skirt na suot ko.

Binaling ko ang atensyon ko sa harapan. Saglit akong natigilan nang makita kong hinubad ni Avel
ang suit niya at tumayo para ipatong ito sa lap ko.

Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko. "That's better," and he flashed a smile.

Hindi ako nakareact agad sa inakto niya. Katahimikan ang bumalot sa room. Gulat na gulat sila sa
nakita. Maging ako, hindi rin ako makapagsalita habang tinitignan ang ngiti sa kanyang mukha.

"Ehem! Dito ka nga, kuya. Matutunaw na si Ate Joy sa tingin mo e," basag sa katahimikan ni
Vien.

"Our son is such a gentleman. Right? Ey?" Nakangising wika ng daddy nila Avel.

"I think so, Vlad? Seeing him acting like that makes me feel a little bit jealous," kibit balikat na
sagot ni tita.

"J, do you still remember what we saw in the CCTV yesterday? Kanina ko lang napagtanto na siya
pala 'yon nang marinig ko ang pangalan niya. Is this fate? What do you think?" Kalbit naman ni
mama kay papa.

"Oh? Hindi ko alam na siya pala 'yon. Kaya pala parang pamilyar ang mukha niya. Well, lalo lang
nadagdagan ang kumpyansa kong bagay nga sila," nakakalokong sambit ni papa.

Lahat sila ay sabay-sabay na tumingin sa'ming pareho ni Avel. They're smiling as if there's no
tomorrow. Feeling ko tuloy umakyat na lahat ng dugo sa mukha ko.

"Mom, dad and you Vien, stop staring there. Will you?" asar na tono ni Avel.

"Ma, pa, kayo rin. Huwag niyong bigyan ng malisya 'yon. Magkaibigan lang po talaga kami ni
Avel," I said defensively.

"Okay. Sabi niyo, e." They said in unison pero halata namang hindi sila sang-ayon sa pinagsasabi
namin ni Avel.

Nagsimula na ulit sila sa pagkain na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

Napatingin ako kay Avel. Seryoso lang siyang nakatingin sa pagkain niya at hindi niya 'to
ginagalaw. Parang nag-iba pa ang timpla ng mukha niya. Mukhang badtrip yata siya. Ano kayang
iniisip niya?

Napabuntong hininga ako. Napasubo na naman siya nang dahil sa'kin. Ayaw naman kasi nilang
maniwala na magkaibigan lang kami. Feeling ko talaga kasalanan ko na naman.

I'm just wondering kung bakit naisipan niyang tanggalin ang suit niya at ipatong ito sa lap ko.
Nahalata niya kaya na hindi ako kumportable sa suot ko? Or baka naman hindi ko bagay kaya
naisipan niyang gawin 'yon? Or baka naman naiirita siya sa paghila ko nito pababa every now and
then kaya ginawa niya 'yon?

"Uhm... Ate, Joy? Ang gwapo ni kuya, 'no?" Biglang sabi ni Vien na siyang kinagulat ko.

"Ugh! H-ha?" Natatarantang sagot ko.

Naagaw namin ang atensyon ni Avel at salitan niya kaming tinignan ni Vien na para bang
nagtatanong. Tumingin siya sa'kin pero umiwas ako dahil hindi ako makatingin sakan'ya ng
diretso.

"What is it, Vien?" tanong niya sa kapatid.


"Wala kuya. Secret na namin 'yon ni Ate Joy baka kasi kiligin ka kapag sinabi ko," rinig kong
sagot niya kay Avel na parang nang-aasar.

Napayuko ako sa narinig. Shocks! Nakakahiya talaga. Hindi ko naman kasi namalayan na
napatitig na pala ako kay Avel and worse, nakita pa ng kapatid niya. Ano ba 'yan. Nakakahiya.
Curious lang naman kasi ako kung anong iniisip niya e. Kung bakit ang lalim ng iniisip niya.
Hindi ko naman alam na darating sa point na mapapatitig ako sa mukha niya.

Naku! Nakakahiya talaga 'yon, Joy. Nakakahiya talaga.

Chapter 12

JOY

Mabilis natapos ang weekend. And today is monday again pero hanggang ngayon hindi talaga ako
makapaniwalang kaibigan nila mama't papa ang parents nila Avel.

Hindi kasi kapanipaniwala pero nang ikwento ni mama kung bakit, do'n ko lang naintindihan
lahat. Magkaklase pala sila mama at Tito Vladimir no'ng college tapos gano'n din sila papa at Tita
Eyra. Mahabang kwento pero ang sabi lang ni mama, nagkatuluyan daw sila tito't tita sa tulong
nila ni papa. Namangha talaga ako sa ganda ng twist ng lovelife nila. Kung tutuusin pwede
namang si mama at Tito ang magkatuluyan kasi sila ang magkaklase pero hindi nangyari dahil
meant to be sila ni papa. Ang astig lang.

Pero seryoso, ang ackward ng dinner na 'yon. Ilang beses din akong pinamulahan ng mukha no'n.

Paano ba naman kasi. They keep on teasing me with Avel. Lalong lalo na ang parents ni Avel pati
narin ang kapatid niyang si Vien. Welcome na welcome daw ako sa pamilya nila kapag nagkataon.
Panay pa nga ang suway sakanila ni Avel pero parang wala silang naririnig. Tapos, paminsan
minsan ding nakikisabay sila mama't papa kaya hindi ko na talaga alam kung anong mukha ang
ihaharap ko kay Avel ngayong araw. Balak ko pa man din sanang ibalik 'tong suit niya. Ibabalik ko
na nga sana agad no'ng pauwi kami pero hindi ko na nagawa dahil pinangunahan ako ng hiya, saka
isa pa, baka kantyawan na naman kaming dalawa kaya hindi ko na itinuloy.

Isa ko pa sa nalaman ko kay Vien ay hindi pala nila tinatawag si Avel sa first name niya dahil sa
naiirita daw 'to at hindi din daw niya alam ang dahilan kung bakit. Hindi ko rin maintindihan. Ang
cool nga pakinggan ng first name niya e.

Napaaga yata ako sa pagpasok. Wala pa kasing tao sa room nang dumating ako.

Pinatong ko na muna ang ulo ko sa table at pumikit. Hindi ko ba alam kung bakit ang bigat-bigat
ng ulo ko ngayon. Kulang na naman siguro ako sa tulog kaya ganito.
Biglang bumukas ang pinto kaya nagulat ako at napaayos ng upo. Seryoso ang mukha niyang
pumasok. Hindi niya yata ako napansin dahil sa kausap niya sa cellphone. Buti nalang dahil hindi
ko talaga alam ang sasabihin ko.

Bumalik ako sa dating pwesto ko bago siya dumating at nagkunwaring walang nangyari.

"Vien, I'll buy you that later, just stop nagging there. Okay? I'm hanging up now. Bye..." rinig
kong sabi niya sa kabilang linya.

I heard him sighed. Ramdam kong naglalakad na siya patungo dito sa likod. Pigil hininga ako
nang padaan na siya sa tapat ko. Akala ko didiretso na siya sa kinauupuan niya pero bigla siyang
huminto at maingat na umupo sa tabi ko.

Kinapa niya ang noo ko na siyang kinagulat ko. "A-anong ginagawa mo?" Natatarantang tanong
ko.

"Akala ko kasi may sakit ka." Nagkatinginan kami. "You can let go of my hands already. I won't
hurt you anyway," tuloy niya.

Napabitaw naman ako agad sa kamay niya. "S-sorry," mahinang sambit ko.

Another kahihiyan na naman. Medyo mahigpit pa man din ang pagkahawak ko do'n dahil sa gulat.

"It's okay." Ngumiti siya sa'kin.

Tumayo na siya at nagtungo sa upuan niya. Sakto namang isa-isang dumating ang mga classmates
namin sa room at kasunod nito si Sir Ignacio.

Sa sobrang antok ko. Wala akong maalala sa mga ni-discussed ni Sir at hindi ko namalayan na
nakalabas narin pala siya pati ang mga classmates ko.

Inayos ko na muna ang gamit ko at nilagay ang mga iyon sa bagpack ko bago tumayo. Luminga-
linga ako sa room. Ako nalang talaga ang natitirang estudyante dito. Grabe siguro ang antok ko
kaya hindi ko na naramdaman pati ang pag-alis nila. Mabuti narin talaga at walang susunod na
gagamit ng room na 'to. Nakakahiya naman kung naabutan nila akong nandito mag-isa.

Akmang palabas na sana ako nang biglang humarang si Avel sa daanan ko at hinigit ako sa
kaliwang kamay.

Mabilis siyang naglalakad kung lakad ba ang tawag do'n sa sobrang bilis niya. Nakasunod lang
ako sakan'ya na wala paring alam sa nangyayari. Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nasa
hallway nang dumaan kami do'n pero wala lang sakan'ya. Kung ako lang ang nasa pwesto nila,
iisipin kong kinakaladkad ako ni Avel.
Huminto lang siya nang makapasok na kami sa isang air conditioned room which is sa
pagkakaalam ko, ito ang office ng miyembro ng debate society ng school.

Maingat niyang binitawan ang kaliwang kamay ko na hinigit niya kanina. Doon lang ako
nakaramdaman ng pagod. Napahawak ako sa dibdib ko.

Lumapit sa'kin si Avel na tila nag-aalala pero sumenyas ako sakan'ya. "I'm fine," sabi ko. "Bakit
pala tayo nandito?"

Napakamot siya ng ulo. Tinuro niya ang direksyon sa likod ko kaya lumingon ako do'n. Bahagya
akong natigilan nang maaninag ko ang dalawang lalaki at isang babae na nakaupo sa
magkakahiwalay na sofa. Kapwa silang nakangiti sa'kin. Ngumiti rin ako pabalik kahit medyo
naguguluhan parin.

Humarap ako kay Avel na may katanungan sa aking mga mata. "They are my friends," panimula
niya. "And I want you to meet them," dugtong niya pa.

Lumingon akong muli sa tatlo. Kapwa na silang nakatayo sa mga pwesto nila kanina. Bahagya
akong iginiya ni Avel papunta do'n.

"Hey, Van! Is she the girl that Vien is pertaining to?" tanong ng magandang babae na may
nakalolokong ngiti.

"Tss. It's not what you think," sagot niya rito. Tinuon niya na ang pansin sa'kin. "By the way, Joy,
she's Venny, one of my cousins," pakilala niya sa magandang babae.

"Too defensive, Van." Inirapan niya ito bago tumingin sa'kin. "Nice to meet you, Joy," sabay lahad
niya ng kanyang kanang kamay.

Inabot ko ito at nakipag-shakehands sakan'ya. "N-nice to meet you too," sambit ko.

Pinakilala rin sa'kin ni Avel ang dalawa pang lalaki na kasama ni Venny kanina na sina Breeze at
Axon.

Pagkatapos no'n ay hinila ako ni Venny sa tabi niya at pinaupo. Ang dami niyang kwento na puro
ngiti at tango lang ang nagiging tugon ko dahil hindi ako makarelate at hindi rin kasi ako sanay na
may kumakausap sa aking iba maliban kay Avel.

Abala naman sa paglalaro ng chess yung dalawa habang tahimik naman na pinapanood sila ni
Avel.

Biglang bumukas yung pinto kaya napalingon kaming lahat do'n. Pumasok ang isang lalaki na
may dalang gitara.
"Oh? Chill lang. Alam kong late ako pero gwapo parin naman," sabi niya saka tumawa.

Ang aliwalas ng mukha nito na para bang walang problema sa buhay. Ang amo pa ng mukha niya.

Binato siya ni Breeze ng throw pillow sa tabi niya. "Kapal mo dude! Mahiya ka naman kay Joy."
Napailing pa siya habang sinasabi 'yan.

"Tsk. Lalong humangin dito! Makakuha na nga lang ng meryenda," sarkastikong turan ni Venny.

"Samahan na kita," offer ni Axon kay Venny at sumunod na.

Tumayo rin si Breeze at sumama sa dalawa kaya tatatlo nalang kami dito.

Kibit balikat naman na pinulot ng lalaki yung throw pillow saka lumapit sa kinaroroonan namin.
Binaba niya ang nakasabit na gitara sa likod niya.

Tinapik niya sa balikat si Avel na nakaupo sa kabilang sofa bago umupo sa tabi ko kung saan
nakapwesto si Venny kanina. Lumayo ako ng kaonti sa sobrang lapit niya. Mas lalo akong nailang
ang mapagtanto kong seryosong nakatitig ito sa'kin kaya umiwas ako ng tingin.

Biglang tumawa yung lalaki kaya napatingin ako sakan'ya. Tumatawa siya habang hawak-hawak
ang tiyan niya. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa unti-unting humupa ang tawa niya.

"Ang cute mo," sabay pisil ng pisngi ko na siyang kinagulat ko.

Namula ako sa inakto niya pero tinago ko ito sa pamamagitan ng pagyuko.

"Well, it's nice to finally meet you in person, Joy Villare," makahulugang wika niya.

Napatingin ako sakan'ya. Paano niya nalaman ang buong pangalan ko?

"Naikwento kana sa'kin ni Van kaya huwag ka ng magtaka." Nakangiting wika niya.

Sumulyap ako kay Avel pero seryoso lang itong nakatingin sa lalaki.

"G-gano'n ba?" Mahinang bulalas ko.

Tumango ito. "Hmmn. Nga pala, I'm Zero... Zero Angeles," and he offered his right hand.

Unti-unti kong inabot ito na may kaonting pag-aalinlangan. "Nice to meet you, Z-zero..."

Chapter 13
JOY

Katulad ng pinsan ni Avel na si Venny, mahilig ding magkwento si Zero ng kung anu-anong bagay
kahit wala naman siyang masyadong nakukuhang response galing sa'kin. Pero kahit hindi ko
pinakita, masasabi kong ang gaan ng loob ko sakan'ya. Para bang wala siyang kinakahiya o
tinatago sa mga nakakasalamuha niya hindi katulad ko. Kung wala nga lang siguro kaming klase
ng eleven o'clock kahapon malamang nagkwento na siya maghapon.

"What's bothering you?" tanong ni Avel sa tabi ko.

Nagkasalubong kasi kami kanina nang palabas na ako sa locker room. Nalaman ko na may
practice pala siya every tuesday. Mabuti nalang nakita ko siya. Ibabalik ko na kasi yung P.E
uniform niya kaya heto, sabay kaming naglalakad ngayon.

"Hmm... Iniisip ko lang kung bakit ginusto mong maging kaibigan ang boring na katulad ko kung
gayong wala ka naman ng hahanapin sa mga kaibigan mo," sagot ko.

I look at him while still walking. He released a deep sigh habang nakatuon parin ang pansin sa
hallway.

"Everyone needs the feeling of belongingness. Yes, maybe my friends are already enough, but we
can never exclude the fact na minsan, nadadagdagan talaga sila." Tumingin siya sa'kin ng seryoso.
"Never consider yourself boring. Kasi kung boring ka kasama. Hindi ako magkakainterest
kilalanin ka."

Natahimik naman ako do'n sa sinabi niya. Hindi na kami nagkaimikan hanggang sa maihatid niya
ako sa loob ng gym. Saka lang siya nagsalita nang magpaalam na siya sa'kin.

Tinungo ko kung saan nakapwesto ang mga classmates ko sa P.E. Umupo ako sa likod nila. Wala
pa si Sir Esguerra kaya tuloy lang sila sa pagkwekwentuhan.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Avel.

"Never consider yourself boring. Kasi kung boring ka kasama. Hindi ako magkakainterest na
kilalanin ka."
Aaminin kong unti-unti ng nagbabago ang pakikitungo ko sa ibang tao dahil sakan'ya, kaya kahit
medyo question parin ang pakikipagkaibigan niya sa'kin, masaya ako naging kaibigan ko siya.
Sana magtagal ang pagkakaibigan namin at sana madagdagan pa ang gustong maging kaibigan
ako.

I'm in the midst of thinking when Sir Esguerra arrived. Halos thirty minutes niya lang kaming ni-
meet dahil tinapos niya lang yung mga hindi nakapagpractical test last week.

Habang naglalakad sa field hindi ko maiwasang lumingon-lingon sa paligid baka matamaan na


naman kasi ako ng bola. Natuon ang atensyon ko sa kumpulan ng estudyante sa lawn tennis court.
Medyo malayo pa ako pero rinig ko na ang kanya-kanyang tili ng mga estudyanteng naroon.

Narinig ko ang pangalan ni Avel sa mga tili nila kaya nacurious ako at dahil matangkad naman
ako, nasilip ko kung bakit sila naghihiyawan. Maging ako, hindi ko maiwasang humanga sa galing
ni Avel sa paglalaro ng lawn tennis. Dati na siyang usap-usapan dahil sa tindi niyang maglaro pero
hindi ko alam na totoo pala. Ngayon ko lang siyang nakitang maglaro ng lawn tennis pero
napabilib niya na ako. Magaling din yung kalaban niya pero hindi hamak na mas malakas parin
ang tili nila kapag si Avel na ang hahataw sa bola. Hindi na ako magtataka. Kahit kasi pawis na
pawis na siya at medyo magulo na ang buhok dahil sa paglalaro nangingibabaw parin ang
kagwapuhan at ang mysterious aura niya. Pati nga ang paggalaw ng adams apple niya
pinagkakaguluhan pa nila.

I exit myself. Dumadami na kasi ang nanonood kaya medyo naiipit na ako. Biglang sumakit ang
puson ko at sumasakit din kasi yung ulo ko which is kahapon ko pang iniinda kaya siguro mas
magandang ipahinga ko nalang muna ito. Puyat na naman kasi ako kagabi kaiisiip ng kung anu-
ano.

Dumiretso ako sa locker ko para kunin ang aking uniform do'n at makapagpalit na.

Napagdesisyunan kong pumasok sa library. Bilang lang ang estudyanteng narito. Humiram ako ng
libro at umupo sa gilid.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang bumaligtad ang sikmura ko. Patakbo akong lumabas ng
library at dumiretso sa CR malapit do'n. Binuksan ko ang isang cubicle and I vomit. Napapikit ako
habang nakaharap sa bowl. I flashed it. Naghugas ako ng kamay bago lumabas.

Napasandal ako sa pinto na hinang-hina. This is a girls comfort room at walang tao nang pumasok
ako dito kaya nagulat ako nang maaninag ko si Avel sa harapan ko na naka-PE uniform parin pero
may nakapatong na hoodie sa balikat niya.

"A-anong ginagawa mo dito? Paano ka napunta dito? 'Di ba nagpra—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang lumapit sa'kin at pinunasan ang pawis ko
sa noo gamit ang panyo na nilabas niya sa bulsa niya.

"Tapos na ang practice ko at ikaw ang ipinunta ko dito. Nakita kanina kaya sinundan kita. Ang
pale ng skin mo. Para kang naubusan ng dugo. Anong masakit sa'yo?"

"Ha?" lutang kong wika.

Hindi ko mahanap ang isasagot ko dahil sa mga titig niya.

"Wala 'to. Mauna na ako. Kukunin ko pa yung gamit ko sa library. Magbihis ka na rin, may klase
pa tayo mamaya," matamlay kong sabi saka ko siya nilagpasan.

Palabas na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Don't move. Stay where you at. You have blood stains at your back," halos pabulong niyang
wika.

Niningon ko siya pero seryoso lang ito. Sinilip ko ang palda ko at totoo nga. Napakagat ako ng
labi sa kahihiyan. I have a period and Avel saw it for shouting out loud.

Lumapit siya sa'kin at nagitla ako nang bigla niyang itinali sa bewang ko ang hoodie niyang
nakapatong sa balikat niya kanina. Lumaki ang dalawang mata ko at sobrang nag-init ang mukha
ko sa ginawa niyang 'yon. And or the first time, nakaramdam ako ng something weird na hindi ko
maipaliwanag.

"Dito ka lang. Babalikan kita. Kukunin ko lang yung mga gamit mong naiwan sa library, okay?"
Tumango lang ako sakan'ya. Nagmadali siyang umalis. Samantalang naiwan naman ako na lutang
parin sa pangyayari.

Chapter 14

JOY

"Uhm... Avel, susunod nalang ako sa'yo," mahinang sambit ko.

Kanina niya pa kasi hawak ang kaliwang kamay ko habang naglalakad kami. Buhat niya rin lahat
ng gamit ko na kinuha niya sa library kanina. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Basta
ang alam ko lang, lahat ng nadadadaanan naming estudyante ay may kanya-kanyang reaksyon.
May ibang kinikilig, ang iba naman ay nagulat sa nasaksihan pero mas marami paring naiinis
sa'kin. Oo, sa'kin lang dahil inaagaw ko daw si Avel sakanila ayon sa narinig kong bulungan nang
mapadaan kami.

Tumungo ako. Lalo lang humigpit ang pagkakahawak ni Avel sa kamay ko.

"Huwag mo nalang silang pansinin. M-magkaibigan tayo 'di ba? Ako ang bahala, just trust me,"
sabi niya.

Medyo napanatag ang loob ko dahil do'n. Tama ang sabi niya, kaibigan ko siya at hindi dapat ako
mangamba dahil alam kong ipagtatanggol niya ako katulad ng ginagawa niya parati.

Nagtaka ako nang marating namin ang parking lot ng school. Agad niyang binuksan ang
passenger's seat ng kotse niya at pinapasok ako. Pagkatapos no'n ay umikot naman siya at
sumakay din sa driver's seat.

Habang nilalagay niya sa likod ang mga gamit ko, doon lang ako nagtangkang ibuka ang aking
bibig.
"S-saan tayo pupunta?" Nag-aalinlangang tanong ko.

Instead of answering me, inayos niya ang seatbelt ko and then, pinaandar niya na ang kotse niya.

"A-avel? S-saan ba tayo pupunta? May klase pa tayo mamaya," ulit ko.

Nasa bungad na kami ng exit ng University nang magsalita siya.

"Don't worry about our class later. Nagpaalam na ako. At saka, kailangan mong magpalit at
magpahinga," sabi niya.

"Pero malayo pa ang bahay namin." Nakayukong sambit ko.

"Huwag mong isipin 'yon. Look at your face, you're so pale. Gan'yan ka ba talaga kapag may
period ka?" Diretsahang sabi niya.

"S-sometimes." Nahihiyang sagot ko.

Hindi ko alam na may lalaki palang open-minded interms of this girl thing. Kaya lang, ang
ackward talaga lalo na't si Avel ang kausap ko. Sobrang manly niya tignan at kahit kaibiga ko siya,
hindi parin talaga ako makapaniwalang nag-uusap kami tungkol sa ganito.

Nagpatuloy lang siya sa pagdri-drive at hindi na ako kinibo. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at
hinayaang pumikit ang aking mga mata.

Matapos ang ilang minuto, naramdaman kong huminto ang kotse ni Avel kaya unti-unti akong
dumilat. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang
mapagtanto kong hindi kami sa bahay dumiretso.

"Nasaan tayo?" kunot-noo kong tanong.


"Parking lot," tipid niyang sagot.

Bumaba siya ng kotse niya at pinagbuksan ako. Nilahad niya ang kanyang kanang kamay para
alalayan ako. Tinignan ko muna siya bago tinanggap ang kamay niya.

Sumakay kami ng elevator na kaming dalawa lang. Hindi na ako nag-abalang magtanong pa dahil
sumasakit na talaga ang puson ko. Inalalayan niya ako hanggang sa makalabas kami roon,
sinundan ko lang siya sa paglalakad hanggang sa huminto siya sa room 307. May pinagpipindot
siyang kung ano do'n at bigla nalang bumukas ang pinto.

Inaya niya akong pumasok pero nagawa ko pang magdalawang isip kahit ganito ang kalagayan ko
kaya umiling ako. Hindi pwede. Alam kong matinong tao si Avel at wala siyang gagawin sa'king
masama pero paano nalang kung may biglang dumating? Ano nalang sasabihin nila kapag
nadatnan nila kami sa loob na kaming dalawa lang?

"Ang dami mong iniisip. Huwag kang mag-alala, walang nagtatangkang dumalaw sa'kin dito kaya
halika na, para makapagpahinga ka na," he said calmly.

Bumuntong hininga ako bago pumasok kasabay naman no'n ang pagsarado ng pinto ng unit niya.

Agad niya akong iginiya sa isang room dito sa condo niya na puro gray and white lang nakikita
ko. Parang hindi lalaki ang nakatira dito dahil napakalinis at napakaayos nitong tignan.

Pinaupo niya ako sa kama. "Stay here for a while, I'll just buy something outside. I'll be back in
few minutes," sabi niya at lumabas na.

Nang magsarado ang pinto, tinanggal ko na ang hoodie niyang nakatali sa bewang ko at
nagpasalamat na hindi ko ito natagusan. Pinatong ko na muna 'yon sa kama at dumiretso sa CR na
nasa left side lang ng room kung saan dinala ako ni Avel.

Isinarado ko ang takip ng toilet bowl at umupo ako do'n. Namimilipit na ako sa sakit ng puson ko.
Pinagpapawisan rin ako ng malamig kahit hindi naman mainit. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e.
Hindi ko alam kung saan banda ang hahawakan ko sa sakit. Ang hirap talaga kapag inatake ng
dysmenorrhea.

Ilang minuto lang nang may narinig akong kalampag galing sa labas. Bigla siyang pumasok sa CR
na naiwan kong bukas kanina.

"Tsk. You're not okay at all," sabi niya sa nag-aalalang boses.

Hinawi niya ang mga buhok kong nakatakip sa mukha ko. Inabot niya ang suklay na nakapatong
sa salamin at naramdaman ko nalang na pinupusod niya na pala ako. Pinunasan niya rin ang butil
ng pawis ko sa noo. Nakaluhod siya sa harapan ko habang ginagawa 'yon kaya kitang kita ko ang
pag-aalala sa mukha niya.

Lumabas siya at pagkabalik niya ay may dala na siyang tatlong paperbag.

"P-para saan 'yan?" Hirap kong tanong.

Pinatong niya ang mga 'yon sa tabi ng salamin.

"Nandiyan na lahat ng gagamitin mo. Kaya mo na bang tumayo?"

Tumango ako.

"Then, just call me if you need something else. I'll wait you outside. Take your time," sabi niya
bago ni-lock ang pinto ng CR.
Tumayo ako nang medyo mahimasmasan na. Tinignan ko ang laman ng bawat paper bag at bigla
nalang akong namula sa mga nakita ko. Nandito nga lahat, as in lahat. At lalo lang akong namula
nang makita kong bagong bili lang lahat ng ito.

'Yon ba ang ginawa ni Avel nang magpaalam siyang lumabas kanina? G-ginawa niya ba talaga
'yon?

Pero bakit? I know, he's my friend but what he's doing for me is too much. Gano'n ba talaga siya
sa mga kaibigan niya? Kung gano'n nga siya, masasabi kong ang swerte ko dahil naging kaibigan
ko siya.

Chapter 15

JOY

Bukod sa dinala ako ni Avel sa condo niya, pinagpahinga at hinayaang gamitin ang kwarto niya,
pinagluto niya pa ako. All in all; hindi na kami pumasok at inalagaan niya ako ng maghapon. Saka
lang ako hinatid sa bahay no'ng talagang maayos na ang pakiramdam ko. Saktong nando'n pa sila
mama't papa sa bahay kaya todo na naman ang nakalolokong ngiti nila sa'kin.

Mabuti nalang talaga hindi nila inintriga si Avel dahil masyado na siyang naabala dahil sa'kin.
Hindi na nga siya nakapasok kahapon kababantay sa'kin kaya sobrang nagui-guilty talaga alo na
hindi ko man lang siya napasalamatan.

"What's up, Joy?" Narinig kong tawag sa'kin ng pamilyar na boses mula sa likod.

"Z-zero," sambit ko nang maaninag ko na ang mukha niya.

Bigla nalang niyang ginulo ang buhok ko. "Ako nga! At your service!" Masiglang sabi niya at
nagsalute pa sa'kin.

Sumabay siya sa'kin sa paglalakad.

"How are you?" Nakangiti paring tanong niya habang nakatingin sa'kin.

"Uhm... Ayos lang." Naiilang kong sagot bago tinuon ang pansin sa hallway.

"Ouch! Hindi mo man lang ba tatanungin kung kumusta ako? Wala na ba sa'yo ang pinagsamahan
natin? Kakalimutan mo na ang lahat dahil sa nail cutter na hiniram ko sa'yo?" Madramang wika
niya.
Ha? Nail cutter? Teka? Wala naman siyang hinihiram na nail cutter sa'kin, e. Naghiram ba siya?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko nang bigla nalang siyang huminto at namilipit sa katatawa
habang hawak-hawak ang tiyan niya. Kunot-noo ko siyang tinignan. What's happening?
Nakatatawa ba ang itsura ko nang pahiraman ko raw siya ng nail cutter? Pero wala talaga akong
maalalang pinahiraman ko siya kasi hindi naman ako nagdadala ng nail cutter sa school.

"Ang cute mo talaga. Hay nako! Joke lang, ikaw talaga. Paano naman ako hihiram ng nail cutter
sa'yo kung ni minsan hindi ka naman umimik no'ng ni-kwentuhan kita," he said smirking and
pinched my nose.

Napahawak ako sa ilong ko. Nakangiti parin siya sa'kin.

"Pasensya ka na. Hindi kasi ako sanay na may kumakausap sa'kin," halos pabulong kong tugon.

Bigla niya akong inakbayan. "Ano ka ba! Ayos lang basta ba ibigay mo sa'kin ang number mo,"
bulong niya sa seryosong tono.

Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan. Bahagya pa akong lumayo sakan'ya. Ang creepy kasi ng
pagkasabi niya.

Unti-unti siyang lumapit sa'kin hanggang sa two inches nalang ang layo ng mga mukha namin.
Hindi ako makaatras dahil nakahawak siya sa balikat ko. Matangkad pa siya kaya nakatingala ako
sakan'ya but I look away as I try to hold my breath. Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang
mas lalo pang lumapit ang mukha niya.

Napamulagat lang ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko and he lightly
pinched those.

And I saw him burst in laughters again. Ewan ko ba sarili ko. Parang ginagawa niya na akong
katatawanan dito pero ang gaan parin talaga ng loob ko sakan'ya. Kung si Avel, mysterious aura
ang meron siya. Si Zero naman ay may positive aura na nakapalibot sa katauhan niya.

I smiled at him and he suddenly stop laughing while looking at me. "Wow! Y-you're so pretty
when you smile," amuse niyang sabi.

Agad kong tinago ang mga ngiti ko.

"Uhm...M-mauna na ako."

Agad ko siyang nilagpasan at nauna na sa paglalakad. Hindi ko na siya nilingon kahit panay ang
tawag niya sa pangalan ko. Akala ko hindi niya na ako susundan pero nagkamali ako dahil bigla
niya nalang hinarangan ang daanan ko.
Sinubukan kong makalusot pero sadyang makulit siya kaya wala akong nagawa.

"Paadanin mo nalang ako, please. Baka malate tayo sa kanya-kanyang klase natin. Saka isa pa,
nakakaabala na tayo sa mga naglalakad dito," kalmado kong turan pero hindi siya natinag.

Sinilip niya saglit ang relo niya.

"Late? Sa pagkakaalam ko hindi nagsisimula ang klase nang wala ako," biro niya. "But kidding
aside. It's just six o'clock in the morning. How come that you'll be late on your class? At anong
sabi mo? Nakakaabala sa mga naglalakad. Ano 'yon? May nakikita ka ba na hindi ko nakikita sa
paligid?" He said while grinning.

I sighed.

Wala na. Suko na talaga ako.

"A-ano bang kailangan kong gawin para padaanin mo ako?"

"Wala naman. Hayaan mo lang akong ihatid ka sa room niyo at 'yon tapos ang usapan," kibit
balikat niyang sagot.

"H-hindi na. Kaya ko namang maglakad mag-isa. H-hindi mo na kailangang iha—"

"Hep! I insist. No more buts, please," putol niya sa sinabi ko.

Agad niyang kinuha ang mga libro kong bitbit ko kanina at nauna na sa paglalakad.

"T-teka... Zero hindi mo kailangang gawin 'to," tutol ko pero hindi niya ako pinansin.

Napabuntong hininga nalang ako bago siya sinundan sa paglalakad. May magagawa pa ba ako?

"Anong favorite color mo?" tanong niya nang magkasabay na kami sa paglalakad.

"Ha?"

"Ang sabi ko, anong paborito mong kulay?" Pag-uulit niya.

"White? Gray? Black?" Hindi ko siguradong sagot.

"Hindi ka pa sure. Ako naman red, green, blue and brown. Isama mo narin ang white para buo ang
mga brilyante ng encantadia." Matawa-tawang sambit niya.

Naguluhan naman ako do'n.


"Encantadia? Ano 'yon?"

"Hay nako! Hindi siguro uso manood sa'yo puro aral ka yata e." Pailing-iling pa siya niyan.

Hindi na ako sumagot sakan'ya. Ano bang alam ko sa pinagsasabi niya? Hindi naman ako mahilig
manood.

"Ano naman ang favorite food mo?" tanong niya na naman.

Sinasagot ko na naman siya. Sinundan niya na naman ito ng panibagong tanong. Pagkatapos kong
sagutin iyon, magtatanong na naman siya. Lahat ng favorite ko balak niya yatang itanong.

Seryoso, medyo nawiwirduhan na talaga ako sa mga pinagtatanong niya pero ayaw ko siyang
mapahiya kaya sinasagot ko parin.

"And now, what's your favorite number?"

Sana naman last na 'to. Hindi ko na kasi alam kung anong isasagot ko kapag medyo personal na
ang itatanong niya sa'kin.

"Seventeen," maikli kong sagot.

"B-but why seventeen?" Seryoso niya akong tinignan.

"I just like that number and I don't know why." Nakangiting pahayag ko.

Huminto siya at nakita kong sumeryoso ang mukha niya.

"W-why? Is there something wrong?" Nag-aalinlangang tanong ko dito.

"Wala naman. Umasa lang ako na baka gusto mo rin ng zero," mahinang sambit niya. "Anyway,
nandito na tayo. Pasok ka na, ito na mga libro mo." Maingat niyang binigay sa'kin ang mga libro
kong kinuha niya sa'kin kanina. "See you around, Joy," paalam niya bago umalis.

He also waved his hands. Nakatitig lang ako sa likod niya habang unti-unti na siyang naglalakad
palayo.

Something's really weird after he asked me about my favorite number. Favorite niya rin ba ang
number na seventeen at ayaw niyang may kaagaw siya dito kaya gano'n nalang ang reaksyon
niya? Parang may mali. Napaka-childish naman kung 'yon ang dahilan. Pero ano nga kaya?

"Wala naman. Umasa lang ako na baka gusto mo rin ng zero."


Posible kayang...
No, hindi 'yon mangyayari.

Napailing ako. Baka guni-guni ko lang 'yon.

Chapter 16

JOY

"Hello po, ma'am."

"Oh? Hi! You're here."

Tumayo pa si Miss Apolonio para salubungin ako. Nag-iisa na naman siya sa faculty ngayon just
like the last time I've gone here.

After kasi ng class namin kanina sakan'ya, sinabi niya sa'kin na may meeting daw ang staff ng
school publication ngayong araw. Gusto niya akong pumunta dahil balak niya na daw kasi na
pormal na ipakilala ako sa mga miyembro nito. Hindi ko nga alam kung ma-e-excite ba ako o
kakabahan lalo na't first time ko lang sa ganitong bagay at hindi ko rin sure kung matatapatan ko
ba ang mga expectations nila.

"Maya-maya lang magsisimula na ang meeting. Tapos na ba ang klase mo ngayong araw?"

"Opo. Katatapos lang."

Tumango-tango siya bago tumayo.

"Tara na. Sabay na tayong pumunta do'n. Okay lang ba sa'yo na medyo late ka na sa pag-uwi
mamaya?"

"Okay lang ma'am," sagot ko dito.

Nakapagpaalam na kasi ako kanina sa bahay through text. My only problem is that; I'm not really
comfortable. I think my monthly period has something to do with what I'm feeling right now. It's
good na first day lang talaga ako nagkaka-dysmenorrhea.

Sabay na kaming naglakad ni Miss Apolonio palabas ng faculty room. Bawat hakbang ko ay siya
ring paglakas ng kabog ng dibdib ko at mas lalo itong lumakas nang nasa tapat na kami ng office
nila. Biglang nanlamig ang dalawang kamay ko.

Hinawakan ni Miss Apolonio ang kamay ko kaya napalingon ako sakan'ya.


"Relax, Joy. Okay?" Nakangiting sambit nito.

Sinuklian ko siya ng isang tipid na ngiti. Huminga ako ng malalim. Pagkatapos no'n ay ang
pagpihit ni ma'am ng pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko at lumaki ng bahagya ang mga mata ko sa gulat nang may sumabog
na confetti pagkapasok na pagkapasok ko palang.

"Welcome to the family!" Sabay-sabay nilang pagbati at kapwa matamis na nakangiti sa'kin.

Napalingon ako kay Miss Apolonio nang hindi makapaniwala. Nag-thumbs up lang ito sa'kin.

Isa-isa silang lumapit sa kinaroroonan ko at nagpakilala. I'm still on the state of shock kaya hindi
ko natandaan lahat ng pangalan nila.

Akala ko ba may meeting? Ano 'to? Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari.

Pinaupo nila ako sa isang upuan na hinila nila at pinalibutan na tila in-e-examine ang buong
mukha ko.

"Ang bango ng buhok mo. Anong shampoo mo?"

"Ang tangos pa ng ilong. Nagpa-nose lift ka ba?

"Bagay sa'yo ang singkit na mata. Brown ba talaga ang kulay ng mata mo o contact lens lang
'yan?"

"Ang haba ng pilikmata mo? Nagfalse eyelashes ka ba?

"Ang ganda ng form ng lips mo. Kainggit. Pwede bang mahiram?"

"Matangkad na, slim pa. Anong sikreto mo?

"Bakit? Bakit ang cute mo?"

"Hindi kaya. Ang ganda niya."

Napangiwi nalang ako sa narinig kong mga komento. Nag-init ng husto ang mukha ko sa sunud-
sunod na tanong nila. Para bang nasa hot seat ako at hindi ko alam ang isasagot. Pinagsaklop ko
ang mga daliri ko. Nagdadasal na sana tigilan na nila ang pagtitig sa'kin dahil sobrang nahihiya na
talaga ako.

"Hello guys! I'm here! What's up there and every—"


Natigilan siya nang makita ako at gano'n rin ako. Paanong...

"Joy?" Lumapit siya sa'kin at lumuhod. Hinawakan sa magkabilang braso at tinignan mula ulo
hanghang paa. "Joy, ikaw nga! Inaano ka ng mga 'to," ismid niya sa mga kasamahan niya.

"Inaano agad, chief? Grabe 'to!"

"Kaya nga chief. Ang judgemental mo."

"Masama bang i-welcome ang bago nating kasama dito, chief?"

Napatayo siya at mukhang nagulat sa mga pinagsasabi ng mga kasamahan niya.

"Nagbibiro ba kayo? Sa gwapo kong 'to?"

Napabuntong hininga nalang silang lahat at napailing na animo'y sanay na sa sinasabi nito.
Tahimik naman akong nakaupo habang pinapanood ang mga reaksyon nila.

"She's our new editorial cartoonist, Zero. Huwag ka ngang OA diyan. Ayaw mo no'n? Magkakilala
na pala kayo," kampanteng sagot ni Miss Apolonio sakan'ya na nakaupo sa swivel chair sa harap.
Nagbabasa siya ng libro.

"Syempre, gusto ko! Pero siya talaga? As in?" Pag-uulit nito sabay turo sa'kin.

"OO NGA! KULIT!" Sabay-sabay na turan ng mga kasama niya.

"Aray naman. Gwapo ako, oo. Hindi ako bingi," sagot ni Zero sa mga 'to.

Muli niyang binalik ang atensyon sa'kin. Pailing-iling naman na nagpaalam ang mga kasamahan
niya kay Miss Apolonio bago kinuha ang mga gamit nila. Isa-isa rin silang kumaway sa'kin bago
lumabas ng pinto. Humila naman ng isang upuan si Zero at ni-pwesto 'yon sa harapan ko.

Wait lang? Wala talagang meeting? Lahat ng 'yon ay pakulo lang ni ma'am?

"Hindi talaga ako makapaniwalang nandito ka. Akalain mo 'yon?" Manghang sabi nito.

"Uhm... A-ako rin," tipid kong sagot.

He leaned his head on the long table beside us.

"Siguro....siguro," hindi niya maituloy-tuloy na sasabihin.

"S-siguro, what?"
"Siguro nakatadhanang mangyari 'to para magkakilala pa tayo at mapalitan ang favorite mong
number. What do you think?" Ngumiti siya ng pagkalawak-lawak habang ginagalaw taas-baba ang
kanyang kilay.

"S-siguro nga. Pwede rin," kibit balikat kong sagot.

Ano ba talagang mayroon sa favorite number ko at gusto niyang mapalitan? Ang weird kasi. Ano
nga ba talaga ang dahilan?

"Ma'am Jo!"

"Oh? Bakit, Zero? Makatawag ka naman sa pangalan ko. Problema mo?"

Napansin ko lang na napakaclose ng mga tao dito sa office na 'to. Para lang kasi silang
magkakaedad or magkakapatid kung mag-usap.

"Alis na po kami ni Joy. Hinahanap na daw kasi siya," aniya.

Aangal sana ako dahil hindi naman totoo 'yon pero kinindatan niya ako kaya hindi na ako umimik.

"Alright." Tumingin ito sa'kin. "Joy, mag-ingat ka diyan. Huwag kang maniwala kapag sinabi
niyang gwapo siya. Ay! Sabagay, hindi ka naman bulag para hindi makita ang ebidensya." She
smirked.

Para namang batang nagdabog si Zero palabas habang hila-hila ako.

Nagbibiro lang si ma'am. Hindi naman siya pangit. He has the looks just like Avel. Ang
pinagkaiba nga lang, maamo ang mukha ni Zero at lagi namang seryoso si Avel.

Teka... Am I comparing the both of them? And speaking of Avel? Nasaan kaya siya? Hindi ba siya
pumasok? Hindi ko siya nakita.

Chapter 17

JOY

"Anak? Gising na."

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Naaninag ko ang nakangiting mukha ni mama
habang banayad na hinahaplos ang buhok ko.

Bumangon ako habang kinukusot ang aking mga mata.

"Good morning, ma. Ang aga pa. Wala ka bang pasok ngayon?" I said in a low voice.
"I'm free today kaya pinaghanda kita ng breakfast mo," sabi nito.

Ngumiti ako. "Talaga ma?" Excited kong sabi.

Matagal-tagal na rin kasi akong hindi pinagluluto ni mama. Every free day niya lang kasi
nagagawa 'yon dahil maaga din kasi siyang pumapasok sa trabaho at nitong mga nakaraang linggo
naging busy siya kaya minsan hindi ko na siya naaabutan kapag umaga.

"Yes my dear pretty daughter. Nalaman ko kasing hindi ka masyadong kumakain ng breakfast mo
these past few days," she lightly pinched my nose. Napakamot naman ako ng ulo.

"O'siya. Sunod ka nalang sa baba. Okay?" aniya.

"Opo ma."

Pagkalabas niya sa kwarto ko ay tumayo narin ako at nagdiretso sa banyo. Matapos kong gawin
ang morning rituals ko ay bumaba na ako.

Nadatnan ko si mama do'n na naka-apron habang tuwang-tuwang nilalabas ang ni-bake niya sa
oven.

"Ang bango naman niyan ma. Ano 'yan? " sabi ko nang makaupo ako sa dining table.

"Cookies for my one and only baby. Aangal ka?" sabi niya habang nilalapag ito sa lamesa.

Napangiwi ako. "Parang... parang ang dami naman yata niyan ma kung para sa'kin lang."

"Of course bibigyan din natin sila manang pati narin ang papa mo pero siguro gagawan ko nalang
sila ulit mamaya. Para sainyo talaga 'to ni Van."

Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"Van? You mean kay Avel, ma?" kunot-noo kong tanong.

"Yap. Ayos ba?" She winked at me.

Tinanggal niya na ang apron niya matapos niyang ilagay sa lunchbox ang cookies na ni-bake niya.
Lumapit siya sa kinaroroonan ko at pinagsandok ng makakain.
"Ma? Nasaan sila papa? Sila tatay? Sila manang? Hindi ba sila sasabay sa'tin?" Sunud-sunod kong
tanong.

"Hindi pa sila gising," tipid na sagot nito. "Oh, heto. Kumain ka na habang mainit pa."

Akala ko sasabay din si mama sa'kin pero hindi pa daw siya gutom. Pinanood niya lang ako
habang kumakain. Ang dami niyang niluto. Ang sarap pa ng cookies niya. Siguro ang aga niyang
gumising para lang dito. Namiss ko talaga ang luto ni mama.

Hindi talaga ako tinigilan ni mama hanggang hindi ako nabubusog. Huhugasan ko pa nga sana ang
pinagkainan ko nang umangal siya. Siya nalang daw.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko upang makapagpalit. Saktong six thirty naman nang matapos
ako.

Nadatnan ko si papa sa sala na nagbabasa ng magazine habang umiinom ng kape.

"Good morning pa," bati ko.

Napalingon siya sa'kin. Binaba niya ang hawak niyang magazine.

"Oh? Good morning din, nak. Nakabihis ka na pala. Halika, ihahatid na kita," aniya saka tumayo
na sa kinauupuan niya.

"Talaga po?" Masayang sambit ko. "Wala ka bang pasok ngayon, pa?"

Umiling siya. "Off ko ngayong araw. Ano? Tara na?" Ngumiti siya sa'kin.

Lumapit ako sakan'ya. Inakbayan niya naman ako at sabay kaming pumunta sa garahe.

Palabas na kami ng gate nang humabol si mama. May binigay siya sa'king paper bag.

"Give it to Van, okay?" Nakangiting sambit nito.

"Sure ma," maikling sagot ko.


Pinaandar na ni papa ang kotse niya.

"Ingat kayo," paala pa ni mama habang kumakaway sa'min.

Agad naman akong naihatid ni papa dahil malapit lang naman ang EU sa bahay. I kissed his right
cheek bago bumaba.

"Just call me kapag pauwi ka na, alright?"

"Sige pa."

Kumaway pa siya bago umalis. Pumasok naman ako sa loob ng campus hawak-hawak ang paper
bag na binigay sa'kin ni mama.

Paano ko kaya ibibigay kay Avel 'to? Ang tanong, pumasok kaya siya?

Halos kalahati na ng klase ang nasa computer lab nang pumasok ako. Hindi nila ako napansin
dahil may kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. Umupo ako ng tahimik sa likod. Pinasadahan
ko ng tingin ang buong paligid. Isa-isang nagdatingan ang grupo nila Trixie at iba ko pang
classmates. Three minutes nalang ang natitira but still no sign of Avel.

Ano kayang nangyari sakan'ya? Three hours pa man din ang subject na 'to. Nasaan na kaya siya?
Hindi ba siya papasok ngayon?

Nabalik ako sa ulirat nang pumasok ang professor namin. Akmang magsasalita na sana siya nang
biglang naagaw ng atensyon niya ang taong kanina ko pa hinahanap.

"Good morning ma'am," mahinang bati nito.

Tinignan lang siya ni ma'am na tila ba nagtataka kung bakit nakasuot ito ng makapal na jacket.

"Good morning, Mr. Flaminiano. Nilalamig ka ba? Are you sick?" tanong nito.

Umiling ito pero kitang-kita naman sa mukha niya ang totoo niyang nararamdaman. Nag-utos si
ma'am ng classmate ko sa harapan para ihina ang air con sa buong room dahil halata talagang
nilalamig si Avel.
Kaya ba siya umabsent kahapon dahil nilagnat siya? Pero okay lang naman siya no'ng nakaraang
araw 'di ba? Tinulungan niya pa nga ako 'di ba?

Nakatingin lang kaming lahat kay Avel. Bakit gano'n? Kahit may sakit na siya at medyo lumalim
ang mga mata niya, hindi parin talaga mapipintasan ang mukha niya?

I shrugged with that thought. May sakit na nga yung tao, 'yon pa talaga ang naisip ko.

Ilang saglit lang ay naramdaman ko nalang na nakaupo na siya sa tabi ko. Hindi siya umimik pero
naririnig ko ang mabibigat niyang paghinga.

"Joy, can I hold your hand?"

Napalingon ako dito ng hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"I just need it right now. Please," he said in a husky and low voice.

Nag-jojoke ba siya? Pero hindi e. Wala akong makitang bahid ng pagbibiro sa mukha niya.

"Please..." ulit niya.

Nagsasalita si ma'am sa harapan pero parang wala na akong marinig bukod sa nagmamakaawang
boses ni Avel.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero naramdaman ko nalang na hawak-hawak na niya ang
kaliwang kamay ko at tinago ito sa ilalim ng table. Ang higpit na tila ba ayaw niyang pakawalan.
Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sakan'ya na gulat na gulat sa pangyayari.

"I said before that I'll give you a longer hands for you to hold on, right?" sabi niya. Huminga siya
ng malalim. "But then... hindi ako sigurado kung maaabot pa kita kapag iba na ang nasa tabi mo.
I'm uncertain if you'll accept my hand if someone is already holding it," halos pabulong niyang
wika.

Chapter 18
JOY

"But then... hindi ako sigurado kung maaabot pa kita kapag iba na ang nasa tabi mo. I'm uncertain
if you'll accept my hand if someone is already holding it."

Tuluyan na akong nawalan ng sasabihin dahil sa sinabi niyang iyan. Pinikit niya ang mga mata
niya at humalumbaba sa table. Hinayaan lang siya ni ma'am.

Lalo pang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Hindi tuloy ako makagalaw at makatingin ng
diretso sa harapan baka kasi biglaang tawagin ni ma'am ang pangalan ko. Hindi ko alam ang
gagawon ko.

Patapos na ang subject namin pero hawak parin ni Avel ang kamay ko. Hindi talaga siya bumitaw
dito kahit na nakatulog siya. Nakahihiya mang isipin pero hinayaan kong hawak niya ang kamay
ko sa mga oras na 'yon.

Dahan-dahan kong kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Niyugyog ko ng mahina ang
balikat niya nang makita kong lumalabas na isa-isa ang mga classmates ko sa computer lab.

"Avel?" Mahinang tapik ko sakan'ya.

Unti-unti niyang binuksan ang kan'yang mga mata.

"Uhm... tapos na ang klase. Gusto mo bang samahan kita sa clinic?"

Sumilay ang tipid na ngiti sa labi niya.

"Hindi na. Magaling na ako," aniya.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong mukha niya. Hindi ako sang-ayon kaya kinapa ko ang
kan'yang noo. "Ang init-init mo," sabi ko. "Tara na. Sasamahan kita sa clinic," aya ko sakan'ya
sabay tayo at kuha ng mga gamit ko.

"Hindi na. Ako nalang," mahinang sagot nito.

"Kaibigan kita, Avel. Kaya sasamahan kita," seryoso kong turan.

Tumayo siya pero halata parin ang matamlay niyang mga mata. Tinungo niya ang direksyon
palabas ng room nang hindi na lumilingon sa'kin.

May sinabi ba akong mali? Bakit bigla niya nalang akong hindi pinansin?
Sinundan ko na lamang siya hanggang sa makalabas kami.

Hindi kami nag-imikan hanggang sa makarating kami sa clinic. Nadatnan namin ang nurse na tita
niya do'n na abalang nagsusulat sa table niya.

"Oh? Van? Bakit nandito ka? Magaling ka na ba?" Alalang tanong niya sa pamangkin nang makita
niya ito.

Hindi nagsalita si Avel bagkus nagdiretso na ito sa kama at nahiga. Pinikit nito ang kanyang mga
mata. Nilapitan siya ng tita niya at kinapa sa noo.

"Aysus kang bata ka. Tumakas ka ba sa bahay niyo? Ang init-init mo. Bakit pumasok ka pa?"
Sunud-sunod nitong tanong.

Kumuha ito ng kumot sa maleta malapit sa table niya at ikinumot ito kay Avel.

Biglang nagring ang phone niya kaya sinagot niya ito. Lumayo siya ng kaonti. Nang matapos ang
tawag, tinuon niya naman ang pansin sa'kin.

"Joy, pwede mo ba siyang bantayan. May emergency kasi. I'll be right back later," wika niya.

Tumango ako. Nagmadali naman siyang umalis habang hawak ang car key niya.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Avel. Inayos ko ang kumot niya dahil halatang nilalamig talaga
siya. Hininaan ko rin yung air con.

"Avel?" tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?" sagot niya pero nakapikit parin.

"Gusto mo bang kumain? Ibibili kita."

"Huwag na. Dito ka lang. Huwag kang aalis."

Natahimik ako. Ano ba ang dapat kong sabihin? Bakit gano'n? There's something on his voice na
para bang ang weird sa pakiramdam.

"Uhm... S-sigurado ka ba? S-saglit lang naman ako."

"Akala ko ba sasamahan mo ako?" Paos niyang wika.

"Ha? S-sige."
Hindi na ako kumibo. Umupo nalang ako sa tabi niya habang nakatingin sa puting kisame.

Halos thirty minutes rin ang nakalipas na gano'n lang ang posisyon namin. Tahimik ang loob ng
clinic at tanging tic-toc lang ng wall clock ang naririnig.

Naramdaman kong gumalaw si Avel at bahagyang sumandal sa headboard ng kama pero nakapikit
parin siya.

"A-avel?" Basag ko sa katahimikan.

"Hmmn?" Nakapikit parin siya.

"Kumusta pakiramdam mo? Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko.

"I'm fine. Pinainom ako ni Vien ng gamot kaninang umaga."

"Sigurado ka ba? Hindi ka na ba mainit?"

Akmang kakapain ko na sana yung noo niya nang hawakan niya ang kamay ko.

"I'm just fine. Nag-aalala ka ba sa'kin?" Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.

"Ha? A-ano? S-syempre naman. K-kaibigan kita," I said stuttering.

Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. Ngumiti siya pero iba yung nakita ko sa mga mata
niya. Para bang lumungkot bigla o baka imahinasyon ko na naman.

Tumingin siya sa bintana sa right side niya kaya tumingin nalang din ako do'n. Huminga siya ng
malalim na tila ba humuhugot ng lakas.

"Anong gagawin mo kapag may isang bagay na napakahalaga at nagpapasaya sa'yo tapos
nagustuhan ng isang taong napakalapit sa'yo? Ipagdadamot mo ba? o ibibigay mo ito sakan'ya?"
tanong niya sa mahinang boses.

Napakunot-noo ako. Napaisip ako sa tanong niya.

"I'm not sure kung basta-basta ko nalang ibibigay. Hindi sa pinagdadamot or what, pero kasi...
yung point na napakahalaga at nagpapasaya ito sa'kin ay isang conflict. Kahit naman napakalapit
sa'kin ng taong 'yon kung hindi naman niya ito kayang pangalagaan, bakit ko ibibigay sakan'ya.
Sacrificing your own happiness for the sake of someone is a very tough decision," mahabang
lintana ko.
Lumingon siya sa'kin na tila ba naliwanagan sa mga sinabi ko. Nahiya naman ako bigla. Nasabi ko
ba talaga ang mga 'yon?

"Yeah. A very tough decision," he said. "But then...you made me feel better. Thank you," tuloy
niya pa.

Bumalik na siya sa pagkakahiga at muling pumikit. Umayos naman ako ng upo.

You made me feel better? Siguro nahihilo lang siya kaya niya nasabi 'yon. At saan banda siya
nagpapasalamat? Wala naman akong ginagawa. Nakaupo nga lang ako dito e.

I sighed. I look at him. Napakapeaceful ng mukha niya habang nakapikit. Tulog na ba siya?

Napangiti ako ng tipid. "Ako dapat ang magpasalamat sa'yo, Avel. Nang dahil sa'yo, hindi na zero
interest ang tingin ko sa sarili ko," bulong ko sa sarili.

Chapter 19

JOY

"Intramurals na natin next next week. Alam niyo naman na siguro ang mga part niyo do'n, right?"

Isa-isang nagtanguan ang mga members ng school publication kay Zero na chief editor pala.
Ipinagpatuloy niya ang pagdiscuss ng list of events sa harapan. Tahimik lang akong nakikinig dito
sa gilid. Gano'n pala talaga sila ka-busy kapag may events o okasyon sa school pero hindi ako
nagsisisi sa pagtanggap ng offer ni Miss Apolonio. Ang sarap kasi sa pakiramdam na isa na ako
sakanila. Isang priveledge kumbaga.

"By the way, our advisers here are all busy since next week na ang preliminary exams natin, kaya
kung may mga katanungan kayo sa'kin nalang. So, it's all settle now. Meeting adjourn." Pagtatapos
niya.

Inilalagay ko na sa bag ko yung notebook na ginamit ko sa pagte-take down notes. Nagmadali


namang lumabas ng office yung mga kasamahan namin kaya dadalawa nalang kaming naiwan ni
Zero dito. Siguro may klase pa sila.

"May klase ka pa ba?" tanong ni Zero habang tinatanggal ang saksakan ng projector na ginamit
niya kanina.

"Wala na."

Tumayo na ako matapos kong magligpit. Inilagay niya naman sa kabinet yung laptop pati narin
yung projector bago ni-locked iyon.
Lumapit ito sa'kin dala ang gitara niya. "Tara!"

Magsasalita pa sana ako pero agad niya akong inakbayan at kinaladkad palabas kaya wala na
akong nagawa kundi sumabay nalang sakan'ya.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Pero itong kasama ko ay walang
pakialam. Nakangiti lang ito na animo'y tuwang-tuwa talaga.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang mapagtanto kong palabas na kami ng gate ng school.

Tinanggal niya na ang pagkakaakbay sa'kin.

"Secret! Sumama ka nalang," aniya.

Aangal pa sana ako pero sa pangalawang pagkakataon hindi niya na naman ako hinayaang
magsalita dahil bigla nalang niyang hinawakan ang wrist ko at saka tumakbo.

Hindi ko alam kung saan kami nakarating sa layo ng tinakbo namin. Basta ang alam ko lang,
hingal na hingal ako ngayon habang nakahawak sa mga tuhod ko. Tinignan ko siya at gano'n din
ang itsura niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid nang mahimasmasan ako. Wala akong makita ni isang
tao dito bukod sa green na green na paligid. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa hindi ko na talaga
maiwasang mapangiti sa ganda ng ambiance ng lugar. Kitang-kita rin dito ang paglubog ng araw.
Napapikit ako habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa balat ko.

Naramdaman kong tumabi si Zero sa'kin. "I discovered this place since first year college. Dito ako
madalas tumambay kapag busy lahat ng mga kaibigan ko. Dito rin ako gumagawa ng articles
simula no'ng naging journalist ako." Paliwanag niya.

Minulat ko ang aking mga mata pero nakatingin parin ako sa paglubog ng araw.

"Ang ganda," maiking sabi ko ng nakangiti. "Dinala mo na ba ang mga kaibigan mo dito?" tanong
ko pa.

Tumingin ako sakan'ya. Umiling ito. "No, not yet. Si Van palang. Madalas siya ang kasama ko
dito. Masyado kasing busy yung iba sa kani-kanilang buhay," sambit niya ng nakapamulsa.

May inilabas siyang scarf sa bag niya at do'n niya ako pinaupo. Naalala ko tuloy si Avel. Kumusta
na kaya siya. Hindi kasi siya pumasok kanina.

"Anong iniisip mo diyan?" tanong niya nang makaupo narin siya sa tabi ko.

Tumikhim ako. "May... may alam ka ba kung bakit hindi pumasok si Avel ngayon?"
Mataman niya akong pinagmasdan. "Medyo okay na ang pakiramdam niya nang ihatid ko siya
kahapon. Nagpapahinga siya ngayon sa bahay nila. Binabantayan siya ni tita baka kasi tumakas na
naman. I just wonder kung saan galing yung cookies na 'yon. Ang weird niya para siyang bata,
ayaw niya akong bigyan. Alam mo 'yon, first time niyang magdamot sa'kin." Pailing-iling niyang
turan.

Hindi nalang ako umimik. Nagpaalam na kasi ako kahapon nang dumating yung tita niya dahil
tinawagan ako ni papa. So, siya pala ang naghatid kay Avel?

Natawa ako sa isip ko. Nagawa niya ba talaga 'yon? Hindi ko alam na may gano'ng side pala siya.

Bigla nalang ginulo ni Zero ang buhok ko. "Masyado ka namang na-s-space out sa kagwapuhan
ko," sabi niya saka tumawa. Tumigil ito. Matiim niya akong tinignan. "Siguro..."

Inayos ko ang buhok kong ginulo niya. "Siguro ano?" takang tanong ko.

"Siguro...crush mo ako, 'no?" sabi niya saka ngumiti ng nakaloloko.

Pinandilatan ko siya ng mata. "A-ano?"

Bahagya niya pang nilapit ang mukha niya. Lumayo ako ng kaonti. Akala ko kung anong gagawin
niya nang bigla niyang pitikin ang noo ko ng mahina.

"Joke lang. Ikaw talaga hindi mabiro. Malay mo... ako pala ang may crush sa'yo," sabi nito sabay
taas-baba ang kilay niya.

Umiwas ako ng tingin at hindi na kumibo. Bumalik naman siya sa dati niyang pwesto.

Lihim akong napahawak sa dibdib ko. Anong nangyayari? Bakit... bakit ang bilis ng tibok ng puso
ko?

Chapter 20

JOY

Napamulat ako nang may makapa akong mabalahibong bagay sa tabi ko. Napakurap ako ng ilang
beses nang maaninag ko ng mabuti kung ano ito. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba 'to? Anong?
Paano nangyaring may aso sa kama ko?

Dali-dali ko siyang binuhat at hinaplos ang medyo makapal niyang balahibo. "Ang cute mo
naman," puri ko dito kahit hindi niya naman ako naiintindihan.
Isa siyang mini shiba inu dog. Mini kasi maliit palang siya. Ganito rin kasi yung breed ng dati
kong asong namatay na. Sobrang iyak ko nga no'n e. Gusto ko nga sanang mag-alaga ulit no'n
pero pinagbawalan muna ako dahil sa asthma. Mahal na mahal ko kasi talaga ang mga aso.

Bigla nitong dinilaan ang pisngi ko kaya nakiliti ako. "Gusto mo bang ako nalang ang mag-alaga
sa'yo?" tanong ko dito. Tumahol lang ito na tila sumasang-ayon. Napangiti ako. "Hmmm. Okay,"
masayang sambit ko dito.

Muli kong hinaplos-haplos ang balahibo niya. Ngayon ko lang napansin na may nakasabit palang
dog tag sa leeg niya. "Breath," basa ko dito. "Wow. Ang ganda naman ng pangalan mo."
Nakangiting wika ko.

Bumaba ako mula sa kwarto habang buhat-buhat parin si Breath. Sabado ngayon kaya medyo late
na akong nagising. Hinanap ko agad sila mama't papa sa baba. Nakita ko silang nag-uusap sa sala
kaya tinungo ko 'yon. Tinawag ko silang dalawa.

"Wow naman. Mabait pala 'yang si Breath." Nakangiting sambit ni mama.

Umupo ako sa tabi nila ng nakangiti.

"Oo ma. Ang cute niya pa. Salamat po pala," sabi ko habang hinahaplos ang balahibo nito.

They both shrugged kaya kunot-noo ko silang tinignang dalawa.

"Bakit ma? pa? Hindi ba siya cute?" takang tanong ko.

Umiling si papa. "Hindi sa gano'n anak. Ang cute nga ni Breath, e. Pero kasi nak, hindi sa'min
galing ng mama mo 'yan kaya huwag kang magpasalamat sa'min. Sa nagbigay ka magpasalamat."
Paliwanag nito saka ginulo ang buhok ko.

Salitan kong silang tinignan ng may pagtataka. "Pa? Ma? Kung hindi galing sainyo. Kanino galing
si Breath?"

Tumawa lang sila pareho. "Secret!" Sabay nilang wika saka sila tumayo.
Iniwan nila akong dalawa sa sala na may malalawak na ngiti sa labi.

Bagsak ang balikat kong umakyat ulit sa kwarto. Binaba ko si Breath sa kama m.

Kung hindi sila mama't papa ang nagbigay kay Breath? Then, who?

Napapitlag ako nang biglang magring ang cellphone ko na nakapatong sa study table sa gilid ng
kwarto ko.

Binuhat ko si Breath at pumunta do'n.

I arched my brow nang makita ko kung sino ang tumatawag. Unregistered number siya kaya hindi
ko sinagot. Nagmisscall pa 'to ng ilang beses pero hindi ko talaga sinagot. Nakatitig lang ako sa
cellphone ko.

After a while huminto na 'to sa pagring. Itatago ko na sana 'yon sa drawer ko nang magvibrate
naman 'to.

From: +639*********

You're not answering my call. Are you busy?

'Yan ang nakapaloob na message nang buksan ko 'to. Galing rin 'to sa unregistered number na
tumawag kanina. Napakibit-balikat ako. Baka wrong send lang?

Akmang papatayin ko na sana yung cellphone ko nang magvibrate na naman. I opened it once
again.

From: +639*********

Don't be bothered. I named your dog after me.


Napaawang ang bibig ko after kong mabasa 'yon.

Binaba ko muna si Breath na aso ko at agad kong tinawagan ang number na 'yon but I failed.
Inulit ko ng ilang beses pero wala na talaga. Naka-off na ang cellphone niya.

Napakamot ako ng ulo. Tinago ko nalang yung cellphone sa drawer.

Umupo ako sa kama habang paikot-ikot naman sa loob ng kwarto si Breath.

Sino naman kaya yung Breath na 'yon? Pero wala naman akong kilalang Breath at the first place.

"Breath? Code name niya ba 'yon or what? Sino kaya siya?" Hindi ko mapigilang tanong sa sarili.

Napabuga ako ng hangin. Bakit ba hindi nalang sabihin nila mama kung sino nagbigay? Feeling
ko tuloy mababaliw na ako sa kaiisip dito.

Chapter 21

JOY

One week had passed. At sa one week na 'yon, si Zero lang ang laging kasama ko kapag free time.
During the preliminary exam ko lang kasi nakita si Avel at pagkatapos niya kasing magtake ng
exam sa bawat subject, umaalis na siya agad kaya hindi ko na siya nakakausap. Hindi ko
maintindihan pero parang lagi nalang siyang nagmamadali.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa tuwing kasama ko si Zero ay masaya ako. Lalo akong
napapalapit sakan'ya. Ang weird lang na sa tuwing ngumingiti siya sa'kin, para bang... para bang
natutunaw ako.

"Good morning, Joy of my world!" Masayang bati nito.

Hindi na ako nagulat kung sino 'yon. Pinagsabihan ko na siya ng ilang beses na hindi niya na ako
kailangang sunduin dito sa room pero sadyang makulit siya kaya wala na akong magawa.
Napilitan pa nga akong ibigay yung number ko sakan'ya para daw hindi niya na ako sunduin pero
inisahan niya lang pala ako.

"Wala ka bang gagawin ngayong araw, Zero?" tanong ko dito.


He shrugged. "Bukod sa i-plastar ang kagwapuhan ko sa buong University, I think wala na.
Bakit?" Nakapamulsa pa ito na tila confident talaga sa mga sinabi niya.

Napailing nalang ako. 'Yan na 'yan kasi ang sagot niya basta tinatanong ko siya.

Lumiko ako patungong locker room pero nakasunod parin siya.

"Don't tell me? Isa ka rin sa mga babaeng nagbubulag-bulagan sa kagwapuhan ko," he said
pouting.

Nakasandal siya sa pader habang inaayos ko naman ang gamit ko sa loob ng locker ko.

"You know that I'm not. Huwag kang mag-alala, gwapo ka naman talaga," I said smiling.

Nakita ko ang pagkagulat sa kan'yang mukha. Nakaturo pa siya sa'kin na parang hindi
makapaniwala sa nakita.

"Why?" Inosenteng tanong ko.

"Wala," sabi nito. "Ang ganda-ganda mo kasi kapag ngumingiti," seryosong tugon niya.

Napalunok ako ng ilang beses bago umiwas ng tingin. Natataranta akong isisinarado yung locker
ko.

Lumapit ito sa'kin at siya na mismo ang nagsara nito. Tumayo siya sa harap ko nang matapos
niyang i-lock yung locker.

Napasinghap ako nang bigla niyang hapitin ang bewang ko at tumingin ng diretso sa aking mga
mata. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakatakip sa aking mukha at inilagay ito sa
likod ng tainga ko.

My heart is beating so fast right now. I coudn't talk either lalo na no'ng lumapit pa ang mukha niya
sa mukha ko.

"A-anong g-gagawin m-mo?" utal kong wika nang mas lumapit pa yung mukha niya.

He grinned. Pigil hininga ako nang two inches nalang. I'm already in the midst of thinking to close
my eyes when he suddenly pinched my nose. "Silly but cute," and then he let go of me.

Napahinga ako ng maluwag. Pinaypayan ko ang aking mukha sa sobrang init na nararamdaman ko
do'n. Shocks! Akala ko katapusan ko na.

Napatingin ako sakan'ya nang bigla nalang siyang tumawa. He was laughing at the top of his
lungs. I can't help myself but to stare at his peaceful face. Tawa lang siya ng tawa.

Napangiwi ako habang pinapanood siya. Nakahawak siya sa tiyan niya habang namumula na ang
mukha niya sa katatawa.

Seriously? Kailan kaya siya titigil.

There was a long moment before he stopped. He suddenly grabbed my hand and headed for the
door.

"Ugh! Zero? Saan naman tayo pupunta?"

Ngumiti ito sa'kin. "Basta! You'll love me. Uhm... I mean you'll like this. Let's go!"

For the nth time wala na naman akong nagawa para umalma man lang dahil tuluyan niya akong
hinila palabas.

"Anong ginagawa natin dito? Wala naman tayong meeting ngayon ha?" I asked.

Ngumiti lang siya saka pinaupo sa swivel chair niya.

Oo, nandito kami ngayon sa office namin. Dito niya ako dinala. Mabuti nalang talaga hindi kami
lumabas ng campus this time. Kahit naman kasi intramurals na this week, nagdidiscuss parin ang
ibang professors namin.

"Relax ka lang, malalaman mo rin," aniya.

Binuksan niya yung malaking kabinet sa gilid at nilabas ang gitara niya do'n.

Kinakabahan tuloy ako. Kaming dalawa lang ang nandito at baka mamaya pumasok ang isa sa
mga advisers baka mapagalitan pa kami.

Sumalampak siya sa harapan ko na siyang kinagulat ko. Inayos niya ang gitara niya.

"Ano? Ready ka na ba?" Nakangiting tanong niya.

Tumango ako kahit wala naman akong kaalam-alam sa sinasabi niya.

After a while, he's already strumming his guitar.

Oh baby, I like you so much that you're driving me crazy


Just thinking about you makes me feel good, makes me feel good, makes me feel good, nananana~

Nagulat ako. Siya ang kauna-unahang gumawa nito sa'kin. Ang ganda ng boses niya.

This feeling, only you can make me have this feeling


I want to feel it till I die
Stay next to me, I can take care of you, I can take care of you.

I will always look at only you


Without knowing, I just start laughing
Oh baby baby baby baby
I want to shout out loudly~

Ano 'to? Bakit pakiramdam ko para sa'kin talaga ang kantang 'to?

I like you, I like everything about you


From your head to your toes
Even each of your small actions
I like it all, I like everything about you
If I'm with you, I'm happy
The more time passes, the more I like you
I need you
I pray that I can be with you every day
I can live happily with only you~

He's intently looking at my eyes na para bang pinapahiwatig nito na pakinggan ko lang ang kanta
niya.

Ay girl, if I'm with you, each day is so special


Stay with me forever and ever baby please
And girl, even if we're not meant to be
It's you without question
You know that I got you
You know that I love you
I'll always be with you baby

Ang bilis ng tibok ng puso ko at wala na akong marinig kundi ang boses niyang nagsusumamo.
Pero imposible namang magkagusto siya sa'kin. Kailan lang kami nagkakilala.

I like you, I like everything about you


From your head to your toes
Even each of your small actions
I like it all, I like everything about you
If I'm with you, I'm happy
The more time passes, the more I like you
I need you
I pray that I can be with you every day
I can live happily with only you~

I don't ever want to be apart


Even when I'm looking at you, I miss you
Always be by my side, my girl
I want you and I need you don't ever ever leave my side

He kept his eyes on me. He looked sincere. What should I do?

I like you, I like everything about you


From your head to your toes
Even each of your small actions
I like it all, I like everything about you
If I'm with you, I'm happy
The more time passes, the more I like you
I need you
I pray that I can be with you every day
I can live happily with only you~

Inalapag niya na sa sahig ang gitara niya. He stood up ang held my hands. "I like you, Joy. I like
everything about you," he said sincerely.

Nagbibiro lang siya 'di ba? Pero hindi e, wala akong makitang bahid ng pagbibiro sa mga mata
niya.

"Did I surprised you? Ikaw kasi. It's your fault. You make me feel like this. Don't worry, I'm not in
a hurry. I can wait as long as it's you that I'm waiting for."

I'm just staring at him. I can't find any word to describe what I'm feeling right now. Hindi ako
makapagsalita.

Chapter 22

JOY

Sinandal ko ang likod ko sa upuan dito sa library. Dito ako pumunta dahil wala palang P.E classes
ngayon dala narin ng preparations para sa Intrams sa parating na huwebes.

"I like you, Joy. I like everything about you."


"Did I surprised you? Ikaw kasi. It's your fault. You make me feel like this. Don't worry, I'm not in
a hurry. I can wait as long as it's you that I'm waiting for."

Naisip ko na naman 'yang mga katagang sinabi sa'kin ni Zero. Hindi ko talaga alam kung papaano
sasagot kahapon. Pasalamat nalang talaga ako dahil iniba niya agad ang usapan nang
maramdaman niya sigurong nabigla ako sa mga pinagsasabi niya.

Ang peaceful nga dito pero ang hirap paring mag-isip. Paano ko ba siya pakikitunguhan after ng
rebelasyon niya kahapon?

Napakagat ako ng pang-ibabang labi sa sobrang pag-iisip kung ano ang dapat na gawin.
Papansinin ko ba siya? Iiwasan? Tatakbuhan?

Napasapo ako ng batok. Sana nandito si Breath para may makausap man lang ako. And speaking
of Breath. Magdadalawang linggo na siya sa bahay ngayong week pero ayaw parin sabihin sa'kin
nila mama't papa kung sino ang nagbigay sakan'ya kahit anong pilit ko. I wonder why?

Nagitla ako nang biglang magvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Mukhang alam ko na kung sino.

From: Zero

Hello, Joy! See you later after your class this afternoon.

Note: Bawal tumanggi.

Nakatitig lang ako sa message niya. Magta-type na sana ako na hindi ako pwede nang
makareceive na naman ako ng message galing sakan'ya.

From: Zero

Kasama natin ang mga kaibigan ko. Huwag kang mag-alala, magde-date tayo ng tayong dalawa
lang kapag tayo na kahit araw-araw pa. Hahaha! Just kidding but it's true. You'll come, right?

P.S: You really need to go. It's for Van.

Umakyat lahat ng dugo ko mukha matapos kong basahin 'yon. A-ano raw? Date? Kapag kami na?
Anong ibig niyang ipahiwatig do'n?

Pero kahit gayumpaman, nagtype parin ako ng i-re-reply.

To: Zero

I'll come. Saan ba?


Wala pa yatang tatlong segundo nang magreply siya.

From: Zero

Debate Society Office. See you later :-)

Hindi na ako nagreply dahil wala na akong masabi. Tinago ko ang cellphone sa bulsa.

I sighed. It's for Van? Meaning para kay Avel. Ano naman kaya 'yon? Kahit ano pa 'yon, kailangan
kong pumunta. It's for Avel and he's my friend. I should go.

***

Lumabas na ang lahat ng classmates ko matapos ang last subject namin. Abala kong inaayos ang
mga gamit ko sa bag nang malaglag ang ballpen ko na nakapatong sa table. Tumayo na ako at
pupulutin na sana 'yon nang may pumulot nito. Napakurap ako ng ilang beses nang mapagtanto
kong si Avel 'yon.

"Long time no talk," maikling pahayag nito.

Lumapit siya sa'kin at ibinigay ang ballpen ko.

"T-thank you. How are you?" tanong ko nang makalapit na rin ako sakan'ya.

Ngumiti siya ng tipid. "I'm fine. I just missed this. Hindi ka ba na-bully no'ng wala ako sa tabi
mo?"

Umiling ako. "No."

"It's good to hear that from you. Let's go," aya niya.

Naglakad na kami pareho palabas ng room. Kinuha niya lahat ng librong buhat-buhat ko. Hindi na
ako naka-angal dahil sa pagkagulat.

Tahimik lang kaming nakatingin pareho sa dinadaanan namin hanggang sa marinig kong
tumikhim siya.

"Joy?"

Lumingon ako sakan'ya. "Bakit?"

"Can we stop walking for a while?" tanong niya.


"S-sure. Why?"

Malapit na kami sa Debate Society Office ng huminto kami sa paglalakad. Magkaharap na kami
ngayon dito sa ilalim ng puno. Luminga-linga ako sa paligid. Wala akong masyadong makitang
estudyante.

Tinignan ko si Avel. May kinapa siya sa bulsa niya. "Close your eyes and don't open it unless I
told you to do so," utos niya sa'kin pero kahit na nag-aalinlangan ginawa ko parin.

After a while, naramdaman ko nalang na hinablot niya ang kanang kamay ko na may pag-iingat.
"Now, open your eyes," sabi niya.

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Bahagyang lumaki ang mga ito nang makita ko ng
maayos ang nakasuot na sa'king bracelet. Isa siyang silver bracelet. Simple lang ang disenyo nito
pero ang nakaagaw talaga ng atensyon ko ay ang naka-engraved na pangalan ko sa parang buto ng
aso.

Ngumiti si Avel nang makita ang reaksyon ko. "I guess you like it. That's a relief," aniya.

Ngumiti ako pabalik sakan'ya. "Thank you so much, Avel. I really love it." Tumingin akong muli
sa bracelet na sinuot niya sa'kin. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Joy!"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Zero?" Mahinang bigkas ko.

Lumapit siya sa kinaroroonan namin. Tinapik niya ang balikat ni Avel na tanging tango lang
naman ang naging sagot nito.

Tumabi si Zero sa kaliwa ko at nasa kanan naman si Avel. Salitan ko silang tinignan. Nakangiti si
Zero, samantalang sumeryoso naman bigla si Avel.

Magsasalita na sana ako nang bigla akong akbayan ni Zero at naglakad. Nilingon ko si Avel
nakatingin sa direksyon naming dalawa. Nakatayo parin siya do'n. Bigla nalang siyang umiwas ng
tingin nang magtama ang mga mata namin. Tumingala siya at pumikit ng mariin.

Ano ba 'tong feeling na 'to? Gusto kong balikan si Avel but at the same time ayaw ko ring iwan si
Zero.

Chapter 23

JOY
Nanalo pala sa kagaganap na tournament ng lawn tennis si Avel kaya pala nagset ng celebration
ang mga kaibigan niya no'ng nakaraang araw. Wala man lang akong alam tungkol do'n. E 'di sana
nabati ko siya no'ng magkasabay kaming naglalakad no'n. Hindi ko na kasi nagawa dahil narin sa
lagi akong hinihila ni Zero. Kapag hindi siya, si Venny naman ang susunod. Hindi ko na talaga
nakausap si Avel dahil do'n. Parang ang lalim din kasi ng iniisip niya.

May kumalbit sa kanang ballikat ko kaya napalingon ako. Naka-cap siya pero agad ko siyang
nakilala.

"Keycee, ikaw pala."

Ngumiti ako at gano'n din siya.

"Ako nga, Joy. Ikaw lang mag-isa? Ano nga pala ang naka-assign sa'yong venue?" tanong niya.

Oo. Na-memorize ko na ang mga pangalan nila at talagang enjoy rin pala sila kasama.

"Wala pa sila e. Sa may gym kami. Kasama ko si Dianne," sagot ko.

"Mabuti pa kayo sa gym. Kami ng kasama ko sa field naka-assign. Mainit pa man din do'n tapos
'tong Annaise na 'to wala pa. Saan naman kaya nagsusuot ang babaeng 'yon, kanina pa tapos ang
lunch time pero wala pa pala siya dito," reklamo niya.

Sakto namang dumating si Annaise na may napakalawak na ngiti.

"Hello! I'm here!" Masiglang bati nito.

"Mabuti naman dumating ka na. Halika na nga para makahanap naman tayo ng malilim na
pwesto!" Kinuha niya na ang DSLR camera na gagamitin niya. "Joy, mauna na kami," paalam
nito.
"Sige, ingat kayo."

Tumango silang dalawa at sabay na umalis. Naiwan naman akong mag-isang nakaupo dito sa
office.

Maya-maya lang dumating narin si Dianne na halatang kagagaling sa pagtakbo. Hingal na hingal
kasi siya at tinukod ang mga kamay sa mga tuhod niya. Lumapit ako sakan'ya at ibinigay ang
hawak kong bottled water. Uminom siya at hinintay ko siya hanggang mahimasmasan.

"Uhm... Dianne? B-bakit parang pagod na pagod ka? Saan ka nanggaling?"

Bigla nalang nagdilim ang mukha niya. Nagsisi tuloy ako kung bakit nagtanong pa ako. Maliit
lang na babae si Dianne, pero mukhang totoo nga ang sinabi nila na nakatatakot siya kapag galit.

"Lagot siya sa'kin. Pinagod niya ako sa kahahabol! Nanggigigil talaga ako! Bubugbugin ko talaga
ang kabayong Bryan na 'yon kapag nakita ko siya!" Madiin niyang wika.

Nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. Idagdag mo pa na nanlilisik ang mga mata niya. I
wonder kung ano ang kasalanan ng Bryan na tinutukoy niya at gano'n na lamang ang galit niya.

Tinikom ko nalang ang bibig ko at nanahimik sa tabi niya. After five minutes, nag-iba narin sa
wakas ang ekspresyon ng mukha nito. Umaliwalas na ito kaya napahinga ako ng maluwag.

"Joy, sasamahan ko pala sila Keycee at Annaise sa field. Do'n na kasi ako ni-assign ni Chief
kanina lang. Nakalimutan kong sabihin sa'yo pagkadating ko dito, pasensya ka na," mahinahon
niyang pahayag.

"Ha? O'sige. Ayos lang sa'kin."


"Huwag kang mag-alala. Siya na daw bahala sa'yo." Ngumiti siya. "Paano ba 'yan? Mauna na ako
ha? Baka kasi mahirapan na ako sa paghahanap sa dalawa kapag nagtagal pa ako. Alam mo naman
ang mga 'yon?" Tinapik niya ang likod ko bago kumaripas ng takbo habang hawak-hawak ang
ballpen at notebook niya.

Napakamot ako ng ulo. Nasa field na iyong tatlo. Sila Ate Ria at Kuya AG naman ay nasa
auditorium. So, does it mean si—

"Hello my precious, Joy!"

Speaking.

Tumayo ako at humarap sakan'ya.

"H-hello din," kabado kong sagot.

I saw him walk towards my direction while grinning.

He stood infront of me and stared at me as if he's memorizing every detail of my face. I managed
to look away.

I heard him chuckled and then suddenly, I felt his right hand holding mine. Napatingala ako para
tignan siya. "Let's go," he said smiling.

Naglakad na kami palabas. Nagkalat ang mga estudyante sa paligid. Katatapos lang kasi ng cheer
and dance competition kanina and in just few minutes, magsisimula narin ang iba't ibang mga
events. Yumuko ako nang maramdaman ko ang mga matang nakatingin sa'min. Wala naman akong
naririnig na komento, siguro dahil sa presensya ng kasama ko.

"Uhm... M-mas mabuti siguro kung susunod nalang ako sa'yo, Zero. Kasi ano e, uhm... madami
kasing estudyanteng nakatingin sa'tin baka makasira sa image mo," sabi ko dito na halos pabulong
na.

"Do you think I still care about my image right now? No way, Joy. I will not let go of your hands.
Let us practice doing this on public. Okay?"

Ngumiti siya sa'kin. Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko at binilisan ang paglalakad.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa gym.

Saktong nag-a-assemble na ang players ng basketball nang makarating kami do'n. Hinila niya ako
at pinaupo sa tabi niya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at halos babaeng estudyante
ang narito dala-dala ang kani-kanilang banner and tarps. Hindi pa man opisyal na nagsisimula ang
laro pero ang lakas na ng hiyawan. Tinignan ko ang mga players ng bawat kupunan at do'n ko lang
narealize kung bakit.

Pinisil ni Zero ang kamay ko kaya napatingin ako sakan'ya. Seryoso niya akong tinignan.

"You can watch how they play, but please don't make me feel jealous," he said in a pleading tone.

"Ha? W-what are you talking about?" takang tanong ko.

"I'm pertaining to those players over there. Makuha na nila lahat ng atensyon ng babaeng nandito
basta huwag lang ikaw. Nagseselos ako," ulit niya.

Napalunok ako ng laway. Nakatingin kami sa isa't isa. I daon't know what to say.
Umalingawngaw ang malakas na pito sa loob ng gym hudyat na magsisimula na ang laro.
Lumakas pa lalo ang hiyawan. Nauna akong nag-iwas ng tingin at huminga ng maluwag. Narinig
ko naman siyang nagbuga ng hangin at hinawakan pa ng mahigpit ang kamay ko. Kinakabahan
naman ako na ewan.

"I maybe a happy go lucky guy but I'm serious with my feelings for you, Joy. I said I like you
right? But now that's not what I feel anymore." Pigil hininga akong naghihintay ng susunod
niyang sasabihin. Tumikhim siya. "I know it's too fast... but I couldn't help myself anymore rather
than to fall for you even more every second we're together."

"Z-zero..."

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. "I'm falling... I'm falling inlove with you, Joy."

Napaawang ang bibig ko at napakurap ng ilang beses. He just confessed and I couldn't think
straight. Pero parang kanina lang kami nagkilala kaya paano nangyari 'yon?

Nakatingin parin siya sa'kin. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko at wala na akong makita sa
paligid namin kundi siya lang.

This is all new to me but I'm not ignorant with this kind of feeling. I have read it a lot of times in
some novel books that I have.

Honestly, the day he said he likes me made my heart fluttered, but this... this is already beyond
that. I think... I know the answer already.

Chapter 24

JOY
Thirty minutes lang kaming ni-meet ni Sir Ignacio para ipakita lang ang grades namin. Pagkatapos
niyang umalis, agad namang pumunta ang mga classmates ko sa kani-kanilang grupo.

Nasa harapan ko ang grupo nila Trixie. Napatingin ako sa gawi nila nang bigla nalang siyang
magdabog. Nagulat ako dahil do'n pero agad ko ding tinuon ang pansin ko sa pagbabasa
pagkatapos.

"Kaasar naman!"

"Bakit? Ano bang grade mo sa accounting natin?"

"Hindi nga nakaabot. Nakakainis!"

"Bakit ikaw lang ba? Lucky 77 nga rin grade ko e."

"Ano ba 'yan. Buti ka pa. Ako nga 75 e. Paano ko sasabihin 'to kila mama?"

"Problema ko nga rin 'yan e. They're expecting too much from me tapos gan'to.''

"Kung bakit kasi ang hirap ng kinuha nating kurso."

"Yeah right. I think ma-s-screen-out na talaga ako this sem."

"Me too. Pero sabi ni Sir may dalawang naka-line of 9. Alam niyo ba kung sino ang mga 'yon?"

"Ofcourse, si Van na yung isa. And the other one is..."

Naramdaman kong tumingin ang grupo nila Trixie sa direksyon ko. Nagpatuloy na lamang ako sa
ginagawa ko at hindi pinahalata na na-co-conscious ako sa mga tingin nila.

"Tss. Whatever. Prelims palang. Makakabawi pa tayo. Tara na nga!" Narinig kong sambit ni
Trixie. Tumayo na sila isa-isa at do'n lang ako nakahinga ng maluwag.

Nagligpit narin ako ng gamit nang maglabasan na isa-isa ang mga classmates ko.

Akmang lalabas na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko. Natigilan ako nang makita
ko siya. Ang lamlam ng mga mata nito na tila ba napuyat nitong nakaraang araw.

"Can we talk?"

Tumango ako. May kailangan din kasi akong sasabihin.

Nauna siyang maglakad kaya sinundan ko nalang siya. Para siyang balisa base sa mga kinikilos
niya. Kanina ko pa siya napapansing gan'yan mula no'ng pumasok siya sa room. May problema ba
siya?

Sa kasusunod ko sakan'ya nakarating kami sa parking lot ng school. Binuksan niya ang passenger
seat ng kan'yang kotse at pinasakay ako do'n. Pagkatapos, umikot naman siya at sumakay sa driver
seat. Katahimikan ang bumalot sa'min waring pinakiraramdaman ang isa't isa. Sinilip ko siya.
Nakatitig lang ito sa manibela at tila ang lalim ng iniisip niya.

"A-avel? M-may problema ka ba?" Pagsisimula ko.

"W-what should I do?" Nakayuko nitong tanong sa mahinang boses.

"Avel..." tanging sambit ko. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot
dahil sa tono ng boses niya.
Tumingin ito sa harapan. "Sana no'ng una palang umamin na ako." Umiling siya. "Pero hindi ko
ginawa dahil masyado akong naging confident sa ginagawa ko para sakan'ya." Bumuntong hininga
siya at ngumiti ng malungkot.

Tumingin siya sa direksyon ko. "May sasabihin ka 'di ba?"

I was caught off guard. Paano niya nalamang may sasabihin ako?

"I know you have something to tell me. Spill it. I will listen."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago nagsalita.

"Uhm... K-kailangan ko ba talagang sabihin sa'yo 'to?"

"Why not? We're f-friends," matamlay na sabi nito.

"Avel... I think... I think I'm starting to fall for him." Napayuko ako matapos kong sabihin 'yon.

"Si Zero ba?"

Tumango ako. "Hmmm," tipid kong sagot.

Katahimikan ang bumalot sa'min. Tanging paghinga lang naming dalawa ang maririnig sa loob ng
kotse niya. Napalingon ako sakan'ya at nakapatong na ang ulo nito sa manibela habang sapo nito
ang batok niya. Panay rin ang paggalaw ng adam's apple niya.

"A-avel... I'm sorry kung sa'yo ko pa 'to sinasabi. Ikaw lang kasi ang pinakamalapit kong kaibigan.
I'm sorry."
Umiing siya. Bumangon siya at unti-unting hinawakan ang dalawang pisngi ko. Tumingin siya sa
mga mata ko. "Wala 'yon, Joy. Just don't say sorry. W-what are f-friends for, right?" Halos
pabulong na niyang wika.

"Avel..."

Unti-unti siyang bumitaw at umiwas ng tingin. "This is my first attempt ever, but how could it
turned-out like this?" Natawa siya ng mapakla. "Masakit pala talaga lalo na't... kaibigan ko pa
kayong dalawa."

Chapter 25

JOY

"This is my first attempt ever, but how could it turned-out like this?"

"Masakit pala talaga lalo na't... kaibigan ko pa kayong dalawa."

Matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yan ay umalis na siya at hanggang ngayon hindi ko
alam kung saan siya pumunta. Hindi na siya pumasok sa lahat ng klase namin kanina na siyang
pinagtakahan ng lahat. Iniwan niya ako sa loob ng kotse niya at hindi ko alam sa sarili ko kung
bakit hindi ko man lang siya sinundan kanina.

It's been thirty minutes narin nang makauwi na ako dito sa bahay. Nagpahintay pa ako kay Tatay
Ricardo kanina para i-check ang kotse ni Avel sa parking lot ng school pero wala na ito.

Hindi ako manhid. Alam kong nasaktan ko siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit nang
umamin ako tungkol sa nararamdaman ko kay Zero. Sana nalaman ko man lang noon pa. Ayaw
kong nagkakaganoon siya nang dahil lang sa'kin kasi masakit din para sa'kin ang makita siyang
nasasaktan dahil siya si Avel, ang kauna-unahang kaibigan ko. He's important to me. Pero
mababawi ko pa ba 'yon kung nangyari na? Ano ba ang dapat kong gawin?
Kanina pa ako nakaupo dito sa bermuda grass sa garden dito sa likod ng bahay dahil narin sa
kaiisip kung paano ko ba kakausapin si Avel bukas. Ang hirap. Ayaw ko ng ganito.

"Iha?" tawag sa'kin ni Nanay Rosa galing sa likod.

Napalingon ako sakan'ya. "Bakit po?"

"May problema ba? Kanina pa kita pinagmamasdan at parang balisa ka?"

"Wala po nay," sabi ko at tipid na ngumiti.

Ngumiti rin siya pabalik. Lumapit ito sa akin at umupo sa katabi kong bench. "Ngayon ka pa ba
magsisinungaling sa'kin, Joy? Kilala kita. Ano ba 'yon?"

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako dito. Kilala nga talaga ako ni Nanay Rosa pero kailangan
ko ba talagang sabihin sakan'ya?

Ngumiti siya. "Sige na. Makikinig ako."

Yumuko ako. "P-paano po malalaman na may gusto ang isang tao sa'yo?"

Bumuntong hininga 'to. "May dalawang kaparaanan para malaman 'yan. Una, kapag sinasabi niya
ng harap-harapan sa'yo. Ang pangalawa naman ay dinadaan sa gawa." Huminto ito saglit. "Iyan
nga ba ang gusto mo talagang itanong, o baka naman gusto mong malaman kung sino ang mas
gusto mo sakanilang dalawa?"

Napatingin ako sakan'ya at tinignan niya lang ako na parang sinasabing alam niya ang nangyayari.
"Tama ba ako, Joy?"
Nabigla ako sa biglaan niyang pagtanong. "P-po? H-hindi po, natanong ko lang po."

Umiling ito nang nakangiti parin. "Ikaw talaga. Hindi mo maitatago sa'kin lalo na't ganiyan ang
reaksyon mo."

Napayuko ako. "K-kasi po. Paano niyo po nalaman?"

"Joy, tinuring na kitang anak. Simula't sapul kasa-kasama mo na kami ng Tatay Ricardo mo mula
noong bata ka pa," aniya.

"A-ano pong gagawin ko?" tanong ko sa mahinang boses.

"Sa totoo lang, Joy. Wala akong karapatan pangunahan ka sa desisyon mo. Buhay mo 'yan anak
pero kung ako ang tatanungin mo...siguro mas magandang ikaw ang maghanap ng sagot mismo sa
tanong mo. Kasi anak, ikaw ang nakararamdam niyan e. Ikaw ang may karapatan kung sino ang
pipiliin mo sakanila kapag dumating na ang panahon na kailangan mo nang mamili. Sa ngayon,
timbangin mo muna."

Tumayo na ito sa kan'yang kinauupuan. "Basta tandaan mo lang Joy itong sasabihin ko. Hindi lang
sa pintig ng puso kapag kasama mo siya ang gawin mong basehan. Minsan, kailangan mo ring
alalahanin ang epekto ng isang tao sa'yo kapag nasasaktan mo siya."

Hinaplos pa ni Nanay Rosa ang buhok ko bago siya nagpaalam sa'kin. Naiwan akong mag-isa.

"Hindi lang sa pintig ng puso kapag kasama mo siya ang gawin mong basehan. Minsan, kailangan
mo ring alalahanin ang epekto ng isang tao sa'yo kapag nasasaktan mo siya."

Kung gano'n nga iyon. Hindi ko na alam kung sinong pipiliin ko.

Chapter 26

AVEL

"Kuya? What's the problem nga kasi? Kahapon ka pa gan'yan. You're so silent. Kausapin mo
naman ako!"
"Vien, I'm alright. Don't mind me."

"Hindi ka nga okay! Ano ba kasi 'yon?"

"Trust me, Vien. I'm alright."

Pumasok na ako sa kotse ko. Padabog naman siyang sumunod sa akin. Gusto niya kasing ako daw
ang maghatid sakan'ya pero alam ko ang balak niya, but still, I can't tell her my problem because
she might just laugh at me and she's too childish to bear with it.

"Kuya..." tawag niya sa pangalan ko sa kasagsagan ng aking pagdri-drive.

"Hmmn?"

Nakatingin siya sa labas ng bintana. "Kapatid mo ako," mahina ngunit madiin niyang turan.

"I know."

"Then, why you're not telling me your problem?"

I didn't answered her. I just continue driving and eyes on the road.

"Here we are," sambit ko nang marating na namin ang school niya pero nakatingin lang siya
sa'kin.

"Kuya...I'm just here," she said and then left.


I shook my head before I started to drive again.

Nang matapos kong i-park ang kotse ko ay bumaba rin ako agad. Wala pang masyadong
estudyante dahil maaga pa. Tahimik akong naglalakad sa hallway nang biglang magvibrate ang
cellphone ko sa bulsa. Huminto ako sa paglalakad.

I opened the text message.

From: Zero

"Bro? I have something to tell you. Can we talk later?"

I have a clue what he's going to tell me but I still managed to reply.

To: Zero

"Where?"

He immediately replied.

From: Zero

SDS Office. During your vacant time after your first subject.

After I read it, I already kept my phone in my pocket.

I released a deep sigh. I decided what to do and I think I should be responsible and ready for it.

I go directly to our room. I'm about to enter when I suddenly stopped when I saw her drawing
something in her sketchpad. She's the only person inside and I don't know why I stepped back and
rest my back on the concrete wall.

I swallowed and closed my eyes. I remember the first time I saw her and that was way back two
years ago. She's too silent, alone, and reads all the time that's why I don't have the guts to talk to
her or even ask her name before. But because she happened to be my classmate, I came up to
know her name.

Two years have passed and we're still classmates. They said she's introvert but she's not, for me,
she's a warm-hearted person in her own ways. They also said that she's weak but then, they're all
wrong because all I can see on her is a strong personality because she can excel in her own
without depending on others. She's too innocent that's why she never knew that I'm already
interested on her since before.

Until such time, I managed to take a move already. I don't know why I'm suddenly eager to know
more about her. Believe me, I'm so fortunate and glad when I became her first ever friend. But
now...should I still be happy? I must because I should, right? But how? Many things had already
changed.

I slowly opened my eyes and I saw my classmates walking near the room that's why I fixed
myself.

Pinauna ko muna silang pumasok saka ako sumunod. Nakatungo siya no'ng pumasok ako pero
nang malapit na ako sa kinauupuan niya ay bigla nalang siyang tumingala kaya nagkatinginan
kami sa mata. Mukha siyang nag-aalala base sa nakita ko sa mga mata niya. Ako ang unang
bumitaw at agad na umupo sa aking kinauupuan. Hindi nagtagal, dumating rin ang professor
namin.

Mabilis natapos ang unang klase namin nang hindi man lang ako nakinig.

When our prof says his goodbye and went out outside the room, I immediately followed him too.

Tinungo ko ang SDS office at pagkabukas ko ng pinto ay nandoon na si Zero. He's the only person
inside.

"What's up bro?" He said smiling.

"Just fine. Why did you made me came here?" I asked as I walked inside.

I sit on the sofa while waiting for his answer. I have a hint what he's going to tell me but I want to
be sure.

He sighed. "Can you help me?" He asked instead.

"For what?"
"You know what I mean," he said.

I just look at him and think for a few seconds. I'm used with this kind of situation. This is not the
first time he asked for a help but this time is so different. It's a battle between my heart and mind.
Honestly, I can't find any answer right now.

"You'll help me, right?" he asked once again.

I took a deep breath. "I will."

"Thank you bro!" He happily said.

In the end, I choose to help him. Not because I had no choice but because I don't think I can't ruin
our friendship just because of my selfishness.

She's my happiness but unfortunately, she also became my friend's happiness.

Chapter 27

AVEL

I should be happy right? But what's with this feeling? There's a part of me telling that I did the
wrong decision and at the same, I feel so pity with myself. What's wrong with me?

"Kuya..."

I didn't turned my back.

"Kuya, anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala sa rooftop."

Narinig ko ang yapag niya papunta sa kinatatayuan ko. Tumabi siya sa'kin.

Hindi kami nagsalita pareho. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan ang mga bituin sa
kalangitan at tanging paghinga lang naming dalawa ang maririnig.

"Kuya... I'm bothered," she started.

"Why?"

Gumalaw siya at humarap sa'kin pero hindi ako lumingon.

"Kuya naman e. Huwag ka namang gan'yan. Tumingin ka nga sa'kin! Ano ba talaga ang problema
mo?!" Inis niyang turan but I stay still.
Napayuko ako. "What should I do?" I said in a low tone.

She did not spoke up as if she's waiting for my next sentences.

I gulped. "Vien...I don't know what to do. My heart is aching right now..."

"K-kuya..."

"Nasasaktan ako Vien sa sarili kong desisyon. Pero may karapatan pa ba akong bawiin 'yon o
magreklamo man lang?"

"Kuya..."

I looked at her with pleading eyes. "Vien, tell me. What should I do? I fell inlove with her since
the day we met, but how come I realized this just now, kung kailan mahal narin siya ng kaibigan
ko. Kung kailan gusto na nila ang isa't isa."

Hindi siya nagsalita pero bigla nalang niya akong niyakap.

"Kuya, tama na. Huwag ka namang gan'yan. Hindi pa huli ang lahat. You still have the chance."

Nakayakap parin siya sa akin habang hinahagod ang likod ko.

"No, Vien. I already promised and I don't want to ruin everything."

She didn't say anything but suddenly, I heard her sobs.

"Why are you crying?" I asked.

"Ang selfish mo kasi. Bakit mo ba kasi sinasarili 'to. Magkapatid tayo e. You're stupid, kuya.
You're stupid," she whispered while still sobbing.

Niyakap ko siya pabalik at pinikit ng mariin ang aking mga mata. Alam ko nang mangyayari 'to
kapag nalaman niya. Masyado kasi siyang affected kapag tungkol sa'kin ang usapan. She's childish
but I cannot exclude the fact that she's really concern to the people around her. Mababaw lang ang
luha niya.

Patuloy lang siya sa pag-iyak. Hinagod ko ang buhok niya. "I know, Vien. I know. I'm sorry."

After a few minutes, she stopped. She faced me with her teary eyes.
"Don't be sorry with me. Patawarin mo 'yang sarili mo dahil hindi mo inalala ang sinayang mong
pagkakataon. Opportunity, isa 'yan sa mga bagay na hindi na maibabalik sa mundo, kuya. Alam
mo 'yon 'di ba? Ikaw ang nagturo sa'kin non pero bakit pinakawalan mo parin?"

I looked away. "Because it is the right thing to do."

"Right thing? Are you sure, kuya? You said to me that you're heart is aching right now. Then tell
me. Prove me that your right with your decision. Let me see that your happy with what you have
done."

"You don't understand at all, Vien. You don't know what's happening."

"Don't under-estimate me. Alam ko kuya. Alam kong si Kuya Zero ang tinutukoy mong kaibigan
at alam kong mahal mo si Ate Joy. Am I right?"

Humarap ako sakan'ya sa pagkagulat sa lahat ng mga sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. Her
words striked me.

"Magkapatid tayo at hindi mo maitatago sa'kin kuya. This is the first time you got interested and
concerned with a girl besides me and mom. So, how could I fail to recognize it?"

She sighed. "Kuya, hindi ko sinasabing isakripisyo mo ang pagkakaibigan niyo ni Kuya Zero at
alam ko ring matalino ka. Ang sa akin lang, gawin mo ang dinidikta sa'yo ng puso mo. Huwag
mong pagdamutan ang sarili mo. Alam kong mahirap kuya pero mas mahirap yung pinapanood
mo nalang silang dalawa na magkasama at wala ka ng magawa kundi magpanggap na masaya sa
harap nila. Naranasan ko na 'yan at matagal bago ako nakaget-over. Pero kung buo na ang
desisyon mong magparaya, labas na ako do'n." She held my right hand. "Sometimes, good is bad.
Basta kuya, I'm just here. Always remember that."

Chapter 28

JOY

"Joy, mauna na ako sa'yo. May klase pa kasi ako. Hintayin mo nalang siya dito. Papunta na daw
siya."

"Sige. Salamat, Ven."

Ngumiti ako sakan'ya na ginantihan niya rin ng isang matamis na ngiti.

"Naku, wala 'yon. See you nalang ha? Babye." Paalam niya saka mabilis na lumisan dito sa SDS
office.
Two days narin kasing ilag sa'kin si Avel simula no'ng umamin ako sakan'ya tungkol kay Zero
kaya pinakiusapan ko na si Venny. Hopefully talagang pumunta siya.

Agad akong napatayo sa sofa nang biglang bumukas ang pinto. Unti-unti kong pinasadahan ng
tingin kung sino yung pumasok. Nakangiti siya sa'kin kaya ngumiti nalang din ako pabalik.

"Hello, Joy of my world," aniya sa masiglang boses.

"H-hello din, Zero."

Umupo nalang ako ulit at lumapit naman siya sa'kin. I said, I'm starting to fall with Zero but
what's this? Hindi ko alam pero parang nakadama ako ng kaonting pagkadismaya nang malaman
kong hindi si Avel yung dumating.

"What's bothering you? Are you okay?" tanong nito nang makaupo sa tabi ko.

Umiling ako. "Nothing. I'm fine."

Hinawakan niya bigla ang dalawang pisngi ko at pinisil-pisil ito.

"Shero. Bwitaw! Isha—"

"Dalawa," tuloy nito saka ngumiti ng nakaloloko.

"Shero!" Reklamo ko.

Tinampal-tampal ko na ang mga kamay niya pero hindi parin siya bumibitaw. Lagi niya 'tong
ginagawa sa tuwing magkasama kami pero hindi parin ako masanay-sanay.

"Ang cute-cute mo!" Gigil niyang sabi saka tumawa.

"Shero ano bwa! Bwitaw na!"

"Pumayag ka munang makipagdate sa'kin mamayang gabi."

Natigilan ako do'n at gano'n din siya. Nakatingin ako sa mga mata niya. Unti-unti namang
nilubayan ng dalawang kamay niya ang pisngi ko.

"A-anong sinabi mo?" tanong ko.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at napatakip ako ng bibig dahil do'n.
Hinawakan niya ang kanang kamay ko.
"Let us date tonight, Joy," he said with his sincere eyes.

"But—"

"Please, Joy. I'm pleading. Pinaghandaan ko 'to. Pumayag ka na. Please..."

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. "O-okay. I'll go," I said.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap at kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto ng
SDS office. Niluwa nito si Avel na seryosong nakatingin sa'min gamit ang malamlam niyang mga
mata.

"Avel..." mahinang sambit ko pero wala man lang itong reaksyon.

Kumalas si Zero sa pagkakayakap sa'kin at napatingin sa bagong dating na si Avel. Tumayo siya
mula sa pagkakaluhod at ngumiti kay Avel.

"Hi bro!" Masayang bati nito. "Pasensya ka na sa eksenang nadatnan mo. Pumayag na kasi si Joy,"
sabay akbay sa'kin ng nakangisi. "Ano nga palang ipinunta mo dito bro?"

"I just went here to see Venny. But since, she's not around, maybe, I can talk to her later," he said
while looking at me. Umiwas siya ng tingin sa'kin at tinignan si Zero. "Gotta go."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad na siyang umalis. Gusto ko siyang sundan pero dahil
nandito si Zero hindi ko nagawa. Nalulungkot ako sa nangyayari. Kailan niya ba ako kakausapin?

***

"Nak? Are you ready? Your prince is waiting for you downstairs," katok ni mama sa pintuan ng
kwarto ko na halatang kinikilig pa.

Pinasuot niya ako ng isang black dress na medyo baloon sa baba pero two inches above the knee.
Siya narin mismo ang nag-ayos ng buhok at accessories ko sa katawan sa sobrang excitement
niya. Ewan ko ba kay mama kung bakit tuwang-tuwa pa siya sa pinaggagawa niya sa akin
samantalang alam niya naman na hindi ako nagsusuot ng mga ganito kung hindi tungkol sa
business ni papa.

"Oo ma. Pababa na po ako."


"Sige anak. Sumunod ka nalang."

Hindi ko alam kung bakit kanina pa ako kinakabahan. Siguro dahil ito yung first time na
mararanasan ko ang salitang 'date'. Pero sa tingin ko, ang presensya ni Avel sa baba ang tunay na
dahilan kung bakit ako kinakabahan. Kanina pa ako nagtataka kung bakit siya ang pumunta dito
para sunduin ako kung gayong kilala naman na nila papa't mama si Zero. Mas lalo tuloy akong
kinabahan kung paano ko ba siya kakausapin kung gayong ilag siya sa akin.

Palakas ng palakas ang kabog ng puso ko habang bumababa ng hagdan. Abot hanggang tainga ang
ngiti ni mama't papa sa akin. Napatingin ako sa gawi ni Avel na nakaupo sa kabilang sofa at
natigilan siya paghahaplos sa balahibo ni Breath na nakapatong sa lap niya. Napagtanto kong
nakatitig na pala ito sa akin na tila ba tinutunaw ako sa kaniyang mga tingin. Nagkasalubong ang
mga mata namin at bigla nalang itong umiwas.

Tumayo si mama para salubungin ako. "Ang ganda naman ng anak ko," sabi nito habang
hinahaplos ang dalawang braso ko.

Iginaya niya ako at pinaupo sa tabi nila ni papa.

Tumingin si papa kay Avel. "Iho, I'm letting you borrow my daughter tonight but please bring her
back here on time. Is that okay with you?"

Tumango siya. "Opo, tito. Makakaasa po kayo."

"Know your limitations. I trust you."

"Yes, tito."

Bumuntong hininga si papa bago tumayo at hinatid nila kami pareho ni Avel sa garahe.

"Tito, tita, mauna na po kami," paalam ni Avel ng makasakay na kami pareho sa kotse niya.

"Sige. Mag-ingat kayo," paalala ni papa.

"Enjoy your date," sabi naman ni mama.

Tumango lang si Avel bago tuluyang pinaandar ang makina ng sasakyan niya at nagdrive paalis.
Kung alam lang nila ang katotohanan, hindi ko alam kung papayag pa silang makipagdate ako.

It's almost five minutes na nang makaalis kami sa bahay pero wala parin siyang imik. Nakatutok
lang ang atensyon niya sa daan. Hindi ko na kaya ang tensyon sa loob ng kotse. Sobrang tahimik.
Nakabibingi.
Gusto kong magsalita o kamustahin man lang siya pero wala akong lakas ng loob para gawin 'yon.
Para bang may pumipigil sa bibig ko para hindi ako makapagsalita. Parang may bumabara sa
lalamunan ko. Ewan ko ba pero parang naiiyak ako sa sitwasyon namin ngayon. Malapit nga kami
sa isa't isa pero parang hindi naman kami magkakilala.

Tumingin ako sa labas ng bintana at kasabay no'n ang pagpatak ng luha ko. Pinunasan ko 'yon ng
bahagya pero sa hindi ko alam na kadahilanan ay dumaloy na talaga ang luha sa dalawang pisngi
ko kaya tinakpan ko na ang mukha ko at hindi ko na napigilang humagulgol.

Narinig ko ang marahas na pagtapak ni Avel sa brake dahilan para huminto ang kotse. Dali-dali
siyang bumaba at binuksan ang pinto ng passenger's seat kung saan ako nakaupo.

Lalo kong tinakpan ang mukha ko. Ayaw kong tumingin sakan'ya.

Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko nalang na hinila niya ako patayo at mahigpit niya akong
niyakap.

"I-I'm sorry for making you feel bad. Don't cry, please. Don't make it hard for me. Please, Joy. I'm
just doing this for you and Zero. This date is for the both of you and I don't like that you're crying
because of me. Please, concentrate to him. Please..."

Lalo akong naiyak sa mga sinabi niyang iyon. Nasasaktan ako sa mga sinabi niya at hindi ko alam
ang dahilan.

"There's no reason for you to hesitate any longer. You're falling to him, right? Then, let me see that
you really mean what you have said. Be happy, please. Be happy with him. I want to see your
smiles even if I'm not the reason behind those."

"A-avel..." mahinang tawag ko sa pangalan niya at niyakap siya pabalik.

"Don't be burdened and feel sorry towards me. I'm fine. I can handle myself and don't worry, I'm
just here for you. I can always catch you when the time comes."

Chapter 29

JOY

"Joy..."

Hindi ako lumingon dahil abala ako sa pag-aayos ng gamit ko. Katatapos lang kasi ang meeting
naming mga journalist at kailangan kong magtake-down notes ng important details dahil narin sa
nalalapit na paggawa namin ng school paper for this year. Sa totoo lang, medyo nangangapa pa
ako at hindi ko alam kung paano ba magsisimula.

"Bakit?" I said while putting my things inside my bag.

"Thank you," he uttered that made me stopped from what I'm doing and I looked at him. Kami
nalang pala ang naiwan dito sa office. Kung sabagay alas singko narin kasi at may klase pa ang
iba.

"For what?" I asked him curiously.

"For this. For giving me the chance kahit na alam kong —"

"Zero... pinag-usapan na natin 'to 'di ba? I'm giving you the chance because you deserve it and not
because you asked it from me, kaya please huwag mong isipin 'yon. Okay?" Ngumiti ako sakan'ya
para kahit papaano malaman niyang sincere ako sa naging desisyon ko.

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Thank you, Joy,"
mahinang sambit nito saka ngumiti.

Ngumiti nalang din ako at tumango. Nakatingin lang siya sa'kin at ilang segundo pa ang nakalipas
bago niya binitawan ang dalawang pisngi ko. Nag-ayos narin siya ng kaniyang gamit at
magkasabay kaming lumabas ng office.

It's been two weeks since no'ng maganap ang hinanda niyang date para sa aming dalawa pero
sariwa parin sa'kin lahat. Mula sa pag-amin niya hanggang sa huling pinag-usapan namin na
siyang nagdala sa sitwasyon namin ngayon. That night was full of surprises and realization.
Surprises that never happened in the past and... realization that made me feel guilty and conscious
at the same time. Realization that I must have known before.

I can never forget what happened during that night... that night when I found the real answer. That
night... where I found the truth that made me feel sorry for myself.

Nabalik ako sa ulirat nang bigla niyang guluhin ang buhok ko. Kinuha niya ang librong hawak ko.
"Akin na nga 'to. Kung anu-ano na naman 'yang iniisip mo. Pwede namang ako nalang," sabi nito
nang nakangisi.

"Ewan ko sa'yo," matawa-tawa kong tugon saka naunang maglakad.


Naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad kaya huminto ako. Tinignan ko siya at nakita kong
nakarehistro ang gulat sa mukha niya na tila ba may nasabi akong mali. Naconscious tuloy ako.

"B-bakit? M-may mali ba sa s-sinabi ko?" Nangangapa kong tanong.

Umiling ito at ngumiti. "Wala naman. Natutuwa lang ako sa way ng pagtreat mo sa'kin."

Naglakad na ito palapit sa'kin at nang makatapat ko na siya ay nagsalita ako. "A-ano ba yung t-
treatment ko sa'yo?"

"Nakaka-overwhelm." Pinisil niya ang ilong ko gamit ang kanang kamay niya at saka ako
nilagpasan na animo'y tuwang-tuwa pa sa ginawa niya. Sinundan ko na lamang siya habang
hawak-hawak ang ilong ko. Hindi naman masakit pero sigurado akong namumula ito kaya
tinakpan ko nalang gamit ang panyo ko.

"Ano ang nakaka-overwhelm do'n, Zero?" tanong ko nang maabutan ko siya.

Nakatingin siya sa hallway pero halata parin ang saya sa mata niya at hindi ko alam ang dahilan.

"Masaya lang ako dahil hindi ka na nahihiya sa'kin. Nakatutuwa lang na kaya mo nang
makipagsabayan sa trip ko. Na kayang-kaya mo na akong sabihan ng 'ewan ko sa'yo' na hindi mo
pa kailanman nasasabi sa akin kahit na lagi kitang inaasar noon. I'm happy for you, Joy. I hope na
maging palagay ka na talaga sa akin. Pwede ba 'yon?" He asked sincerely.

Napakamot ako ng ulo. Oo nga, 'no? Hindi ko man lang napansin na nasabi ko pala 'yon. "G-
gano'n ba? S-sige," acward akong ngumiti.

Sa dalawang linggo na laging si Zero ang kasama ko ay naging komportable na ako sakan'ya kaya
siguro natuto narin akong pakisamahan siya. Napakamasiyahin niyang tao at napakafriendly niya
pa. Medyo sutil nga lang pero nando'n parin yung bright side niya kapag kasama mo siya. Punong-
puno kasi siya ng happy virus kahit saan siya magpunta.

Ginulo niya naman ang buhok ko at tumawa. Napangiti nalang din ako saka nagpatuloy sa
paglalakad dito sa hallway.
Nakatingin ako sa baba habang naglalakad habang nasa harapan ko naman si Zero. Dire-diretso
lang ako sa paglalakad kaya sumalpok ako sa likod ni Zero nang huminto siya. Hinihimas-himas
ko ang noo ko at lumayo ng kaonti sakaniya. Tinignan ko ang dahilan kung bakit siya huminto.

Natigilan ako nang maaninag ko ang isang lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon. Nanigas ako
sa kinatatayuan ko nang tignan niya ako sa mata pero agad din niyang binaling ang tingin niya kay
Zero na tila gulat rin sa nakita.

"Kailan ka pa nakauwi bro?" tanong ni Zero nang makabawi sa pagkagulat.

"Just this morning," tipid nitong sagot.

Tumango si Zero. "How's your tournament in Japan?

Umiling siya. "I was qualified in the semi finals but I didn't made it for the finals that's why I'm
already here."

Kumunot ang noo niya sa narinig. "Paano nangyari 'yon? That's unbelievable. You have your gold
medal with you for two consecutive years. Paano nangyaring hindi mo na-i-uwi 'yon this year at
hindi ka pa nakapasok sa finals?"

Tama si Zero. He's been my classmate since first year college kaya alam ko ang mga achievements
niya. Nakapagtataka talagang hindi man lang siya nanalo ni bronze medal this year.

He glanced at me for a second before he looked at Zero with his deep stare. "I lose because I didn't
fight for it," makahulugang sabi nito.

Nagpaalam na siya kay Zero matapos niyang sabihin 'yon dahil kailangan niya daw mag-report sa
dean namin. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin nang maglakad siya sa gilid ko. Basta
nilagpasan niya nalang ako.

Hindi ako nagsalita hanggang sa makasakay ako sa kotse ni Zero. Siya kasi ang naghahatid sa akin
pauwi last week pa.

Nakatingin lang ako sa bintana kahit na sumakay narin siya. Hindi ko alam kung bakit mas
ginusto niya ring maging tahimik do'n sa kinauupuan niya. Hanggang sa narinig kong bumuntong
hininga siya.

"Ako yung kasama mo pero siya ang iniisip mo. Ang unfair lang, pero may karapatan ba akong
magreklamo? May karapatan ba akong mag-demand?" Natawa siya ng mapakla. "Nagsabi ka na
nga ng totoo sa'kin no'ng gabing 'yon pero nagpumilit parin ako. Pinagdasal kong ako nalang sana
ang nasa pwesto niya ngayon pero wala e. Ang sakit lang na wala akong magawa para baguhin
ang lahat. Masakit para sa akin na marealize mo ang totoong nararamdaman mo. Na hindi pala
ako... kundi siya. Pero mas masakit na makitang nagsasakripisyo yung kaibigan ko para ibigay ang
kasiyahan niya sa'kin. Alam mo 'yon?"

Huminga siya ng malalim nang humarap ako sakan'ya. "Joy, ang selfish man pakinggan pero
desperado na ako. Joy, pwede bang humingi kahit one month lang? Kahit one month lang na
magpanggap tayong dalawa na may tayo? Ayos lang sa'kin na siya ang isipin mo sa tuwing wala
ako sa tabi mo. Na kahit magpanggap ka lang na ako ang iniisip mo kapag nasa tabi mo ako. Basta
Joy, pumayag ka lang sa hiling ko. One month lang. Kahit isang buwan lang na magpanggap tayo,
Joy. Pangako... pagkatapos ng isang buwan na iyon, babalik na sa tunay na puwesto ang lahat."
Pumikit siya ng mariin at tila hirap sa paghinga. "Ibabalik na kita sa tunay na nagmamay-ari ng
puso mo."

Chapter 30

AVEL

"Van, seriously? Are you making some prank?"

It's already her fifth time asking me the same question and I don't know why she keeps on nagging
me, where infact, I'm not really making some prank here.

I look straight in her eyes. "I'm serious, Venny."


She became histerical again after what I have said. Hindi parin siya makapaniwalang natalo ako. I
can't blame them for expecting too much from me. Sa dalawang taon ba naman na nakakuha ako
ng gold medal sa tournament na sinasalihan ko, hindi ako magtatakang gan'yan ang reaksyon nila
ngayon. Kitang kita nila kung paano ako magpractice bago umalis ng bansa kaya hindi ko sila
masisisi kung masyado silang apektado na semi-finals lang ang inabot ko this year. I just can't tell
them the main reason why I lose.

Nang makaget-over na yata siya. Umupo siya sa sofa na katapat ko. She looked at me with her
serious face. "Van... tell me the truth. I can sense that you're hiding something from me. What is
it?" she asked bluntly.

"I'm not hiding something. You know that."

Napataas siya ng kanang kilay dahil sa sagot ko.

"Liar. I know there's something wrong with you," she crossed her arms. "Siya ba?"

"What are you talking about?"

"Huwag ka nang magmaang-maangan, Van. Sa akin ka pa ba magsisinungaling? Again... siya ba


ang dahilan?"

I looked down.

"Sinasabi ko na nga ba," she sighed. "Do you have any plan? Ano nang gagawin mo ngayon?"

"I don't know," I whispered.


"Gosh! Van. Paanong hindi mo alam?" Pinadyak niya ang mga paa niya na tila naiirita.

I sighed. "I can't do anything rather than to stay where I am right now. She's off limits."

Tinignan niya ako nang hindi makapaniwala. "You're unbelievable. So, gano'n nalang? Is that all
what you can say? Iyan lang ba ang gagawin mo dito? Ang manood? Para saan pa't pinatalo mo
yung laro mo para makauwi ka nang mas maaga dito sa Pilipinas?"

Halata sa mukha niya ang pagkadismaya nang tignan ko siya nang may halong pagkabigla.
Paanong...

"Huwag ka nang magtaka dahil obvious naman." She shooked her head. "Alam mo, Van, sana
maisip mo man lang na kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi ka matatakot
makipagsabayan kahit kaibigan mo pa yung makakabangga mo. Hindi lang naman kayo ang
nakararanas ng ganiyang sitwasyon dito sa mundo. Oo, nandoon na tayo, mahirap ang sitwasyon
niyo at wala akong karapatan para makialam. Pero hindi ba't higit na mas kilala mo si Zero at
kung talagang pinagkakatiwalaan mo siya, sasabihin mo ang tunay mong nararamdaman sakan'ya.
You have the responsibility to tell him the truth. Kaya nga kayo natawag na magkaibigan e, para
suportahan ang isa't isa. Hindi lang ang isa sainyong dalawa."

I remained silent while digesting all what she said.

"Van... narinig kong nag-uusap si Axon at Zero dito kahapon pero hindi ko pa nakukumpirma
kung totoo nga ang mga narinig ko. But I do believe that you still have the time. You have also the
right to fight for your first love. You have the right to be loved. Nasa sa'yo lang kung anong
gagawin mo. It's either you move right now, or stay here, and regret later. It's a matter of choice,
Van. A choice that you must have known before."

She slightly smiled and tapped my right shoulder before she went out of the office.
Her words echoed in my mind for how many times until I realized that she's right.

I let out a loud groan in my frustration. I must have chose to fight for her before. I must not let her
go. I must not let other person took her away from me.

I stand up immediately and left the room as fast as I could. I'm determined now. I need to find
them. I need to find her. I will tell her everything even if I'm not sure what's going to happen.
Kahit na hindi na ako, basta ang mahalaga maipakita ko, masabi ko, maiparamdam kong mahal ko
siya.

Para akong baliw na nililibot ang paningin sa paligid. Wala na akong pakialam sa mga
estudyanteng nakatingin sa akin ngayon. I don't need them. I need, Joy. That's all I need. That's all
I want.

Hinanap ko siya sa bawat sulok ng University. Sa room, sa locker, sa field, sa gym, sa library at
kung saan-saan pa pero wala siya. Hingal na hingal akong napahawak sa tuhod ko nang marating
ko ang lugar na ayaw ko sanang puntahan, ang lugar na kung saan nangyari ang pagtatapat ng
kaibigan ko sakaniya... sa office nila.

I'm so frustrated right now because I keep on knocking and no one tends to open the door for me,
but I shouldn't give up that easily. Kasalanan ko kung bakit mailap na siya sa paningin ko ngayon
kaya hindi dapat ako sumuko.

I was about to knock again when I saw the girl I was looking for standing infront of me wearing
her curious look.

"A-avel? A-anong kailangan mo? Ba—"


I didn't let her finished her words but rather hugged her tightly. My breathing is still ragged but I
don't care.

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Hindi niya rin ako niyakap pabalik pero lalo kong
hinigpitan ang yakap ko sakaniya. "I'm sorry, Joy. I'm sorry for ignoring you. For my cold
treatment. I'm sorry. I'm sorry, Joy."

Ilang minuto rin kaming nasa gano'ng posisyon nang itulak niya ako nang bahagya. Umiwas siya
ng tingin. "It's okay. I understand," sabi niya sa mababang tono.

"But—"

"Joy!" Someone called her name inside the office.

Suddenly, I saw Zero walking towards us. Napadako ang mga mata ni Joy sakaniya. Buhat-buhat
nito ang lahat ng gamit nilang dalawa. "Tara na," aya niya saka hinawakan ang kamay nito and
intertwined their fingers.

Hindi umangal si Joy. Tumango lang siya. Tinitignan ko lang silang dalawa. Nakaramdam ako ng
kutob kung bakit at ngayon palang nasasaktan na ako.

Nang humarap si Zero sa kinaroroonan ko ay agad na rumehistro ang gulat sakaniya pero agad
siyang nakabawi at ngumiti sa'kin. "Hi bro," bati niya. Tinaas niya ng bahagya ang magkahawak
na kamay nilang dalawa. "Thank you pala sa tulong mo bro. By the way...kami na," he said with a
smile plastered on his face.
I can't take my eyes on the two person infront of me. I should be happy for my friend's victory but
I couldn't speak. No one knows how much I feel right now. I tried to contain myself. I gulped
before the word came out from my mouth. "C-congrats...." I said with a sincere smile.

I'm happy for them, yes. But deep inside, my heart wants to burst out in pain and I don't know.... if
I can forgive myself for doing the things that I thought will be the best for us.

Chapter 31

JOY

"I'm sorry, Joy..." Paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Zero mula pa kanina.

Huminto ako sa paglalakad at tumikhim. "Okay lang ako. Ayos lang 'yon Zero. May usapan tayo
at kailangan kong tuparin 'yon, kaya huwag kang humingi ng tawad sa'kin," halos pabulong kong
turan.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad matapos kong sabihin 'yon. Hindi ko naman na siyang narinig
magsalita. Nanatili kaming tahimik pareho habang naglalakad.

Sa totoo lang, gusto kong maiyak nang makita ko si Avel sa harapan ko kanina. Gusto ko siyang
yakapin pabalik nang yakapin niya ako. Gusto kong sabihin sakan'ya ang tunay kong
nararamdaman pero pinigilan ko ang sarili kong gawin ang lahat ng iyon, dahil alam kong sa oras
na ginawa ko 'yon ay parang sinira ko narin ang pangako ko kay Zero. Ang usapan namin ni Zero.

Alam kong nagpapanggap lang kami ni Zero kaya nagulat talaga ako nang bigla niyang
pinagsaklop ang mga daliri namin at sabihin sa harapan ni Avel na kami na. Hindi ako nakatutol
dala narin ng gulat, pero nang makita ko ang reaksyon ni Avel at mata niyang nagsusumamo ay
parang gusto ko nang kumawala at sabihin ang totoo, but then, once again, pinigilan ko na naman
ang sarili ko. Ni hindi ko nagawang sundan o tignan man lang siya nang tumalikod siya sa amin at
umalis sa harapan naming dalawa ni Zero. Wala akong ginawa.

Hindi ko akalain na maiipit ako sa ganitong sitwasyon. Kung sana... nalaman ko lang ng mas
maaga ang halaga niya. Kung sana... narealize ko noon pa. Kung sana... nakita ko lang ng mas
malinaw ang mga efforts niya. Edi sana... hindi ko siya nasasaktan ngayon. Na siya ang
pinagtutuunan ko ng pansin. Na siya sana ang kasama ko ngayon.

"Are you thinking of him?" malungkot at mahinang tanong niya nang makapasok kami sa
sasakyan niya.

Tumango ako. "Hmmm."

Yumuko siya at isinandal ang ulo sa manibela. "A-ang swerte ni Van dahil mas nauna ka niyang
nakilala kaysa sa akin. Kung mas nakilala lang sana kita nang mas maaga. Posible kayang ako ang
nasa posisyon niya ngayon? Posible kayang ako ang iniisip mo? Posible kayang... ako ang mahal
mo at hindi siya?"

Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko. Hindi ako umimik. Alam kong nasasaktan ko siya
ngayon. Ramdam ko 'yon sa tono at hina ng boses niya kaya mas pinili kong itikom ang bibig ko
kaysa sabihin sakan'ya ang totoo na alam kong makakapagpasakit lang lalo ng damdamin niya.

Tumingin siya sa harapan at huminga ng malalim. "Masyado na akong selfish sa'yo at sa kaibigan
ko. Pero, Joy... pwede bang gawin nating memorable ang one month na 'yon? 'Yon bang ipakita
mo naman sa akin na masaya ka sa tuwing magkasama tayo. 'Yon bang wala kang pinagsisisihan
sa desisyon mong pumayag sa hiling ko. 'Yon bang... hindi tayo pagdududahan ng ibang tao na
nagpapanggap lang tayo." Tinignan niya ako nang diretso sa mata. "Pwede ba 'yon, Joy?"
Nagsusumamong tanong niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya napatango nalang ako kahit alam kong mahirap gawin
'yon lalo na't salungat ito sa nararamdaman ko.

Ngumiti siya pero halata parin ang lungkot sa mata niya. "Salamat..."

Saglit kaming binalot ng katahimikan bago niya pinaandar ang makina ng kotse niya. Walang
nagtangkang umimik sa'min hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Kinuha ko lahat ng
gamit ko at bumaba. Sinalubong kami ni mama.

"Good evening po," bati ni Zero kay mama.

Ngumiti si mama sakaniya. "Good evening rin, iho. Halika, pasok ka muna."
Tumingin sa'kin si Zero bago tinuon muli ang pansin kay mama. "Hindi na po tita. May gagawin
pa po kasi ako."

"Gano'n ba? Sayang naman. Naghanda pa man din ako ng dinner natin. Pero kung busy ka
ngayon, may nextime pa naman," muling ngumiti si mama at ni-tap ang balikat ni Zero.

"Salamat po tita. Mauna na po ako."

"Okay. Take care."

"Opo." Tumingin siya sa'kin. "Mauna na ako. Salamat sa time."

Tumango ako. "Salamat din sa paghatid. Ingat."

Pumasok na kami ni mama sa gate nang makaalis ang kotse ni Zero. Binaba ko muna lahat ng
gamit ko sa sofa at umupo doon. Binigyan naman ako ng tubig ni mama bago siya umupo sa tapat
ko. Nakatingin lang siya sa'kin na tila ba tinatansya niya ako.

Huminga siya nang malalim. "Van went here a few minutes ago and I asked him the real score
between you and Zero but he didn't spoke," she sighed once again as she was trying to release
some tension between us. "Nak... may nasabi sa'kin si manang rosa tungkol sa pag-uusap niyo. I
understand why you chose to hide it from me, sa aming dalawang ng papa mo dahil alam kong
may dahilan ka. Pero nak, wala kang dapat itago sa amin ng papa mo."

Nagitla ako sa tinuran ni mama pero agad rin akong tumayo at yumakap sakaniya. "Ma... sorry.
Sorry ma, kung hindi ko po nasabi sainyong dalawa ni papa. Nahihiya po kasi ako sainyo. Sorry
po talaga."

Hinaplos niya ang buhok ko bago niya ako iniharap sakaniya. Hinawakan niya ang dalawang
pisngi ko at ngumiti sa'kin. "It's alright, Joy. But now... I'll go straight to the point. May I know if
what's happening between the three of you? I want you to share to me every detail that I need to
know. I want an honest answer from my daughter."

Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Joy, I'm your mother. You can tell me everything." Pampagaan niya ng loob ko.

Hinawakan ko ang dalawang kamay ni mama. "Ma... walang kami ni Zero. Nagpapanggap lang
kami ma dahil nakiusap siya sa'kin at nangako din ako sakaniya. Ma, hindi ko kasi alam ang
sasabihin ko sakaniya that time kaya pumayag nalang ako. One month lang naman 'yon ma. Alam
ko pong mali ang ginawa ko dahil nagdesisyon ako nang wala sa oras. Hindi rin kasi ako sigurado
sa nararamdaman ko no'n ma at ngayon hindi ko po alam kung paano itatama ang kamaliang
nagawa ko. Ma, ang unfair ko na ba sakaniya? Ang unfair ko na po ba kay Avel? Kasi ma... s-siya
ang m-mahal ko pero pinapamukha ko sakaniyang si Zero ang gusto ko, na si Zero ang mahal ko."
Napayuko ako. "Ma... ang sama ko ba?"

Niyakap ako ni mama at ni-tap sa likod. "I can't say that you did the right thing and at the same
time I can't blame you for your abrupt decision. I know you were just pressured that time. Hindi
masama ang ginawa mo anak dahil inisip mo rin ang pinagsamahan niyo ni Zero. Ang kaso lang
nak, naging unfair kayo kay Avel at hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nalaman
niya ito."

Hinarap niya ako sakaniya at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko. "Joy, you've grown
up. Hindi ako makikialam sa desisyon mo dahil may tiwala ako sa'yo. Alam kong alam mo na ang
tama sa mali. May oras ka pa anak. May panahon ka pa para itama ang mali mo. Huwag niyo nang
hintayin ang isang buwan 'nak. Kapag kasi nagtagal pa 'yan lalo lang kayong nagiging unfair sa
isa't isa. Lalo niyo lang niloloko ang mga sarili niyo maging ang mga taong nakapalibot sainyo.
Lalo niyo lang pinapahirapan ang isa't isa."

Tama si mama. Hindi na dapat namin pinapatagal ito dahil pare-pareho lang naming niloloko ang
mga sarili namin at mga taong nakapalibot sa'min. Bukas na bukas kakausapin ko si Zero tungkol
dito. I'll try my best to correct what I have done.

Chapter 32

JOY

"Are they not in good terms already?"

"Yes, I think so. They are not together for how many days. Tapos nauna pa si Van kanina without
assisting her."

"Pansin ko nga rin. So, friendship over na ba?"


"Absolutely. Sino ba naman kasi makakatagal sa babaeng 'yan. So, boring."

Maaga kaming ni-dismiss ni Sir kaya siguro nandito pa ang grupo nila Trixie. Ang hindi ko lang
matanggap ay parang sinadya talaga nilang iparinig sa akin ang pinag-uusapan nila sa harapan.
Pero kahit gano'n pa man, nanatili lang akong tahimik sa pag-aayos ng mga gamit ko.

"Well, bagay lang sakan'ya 'yan. Masyadong umasa na kakaibiganin talaga siya ni Van. Like duh?
Anong nakita ni Van diyan? Nakakairita kaya siya."

"Tapos ano? Kay Zero Angeles naman siya lalapit ngayon? May bali-balita ngang they're dating
na daw e."

"Ano pang aasahan mo sa babaeng 'yan. Nasa loob ang kulo."

"Shut up na girls. Let's go out na nga lang baka mahawaan pa tayo ng kalandian niyan," sabay turo
sa akin ni Trixie.

Sabay-sabay nila akong tinignan na parang pinandidirihan ako bago isa-isang lumabas sa pinto ng
room.

Napaupo ako sa upuan ko sa panghihina ng tuhod ko sa mga narinig. Ilang beses kong kinalma
ang sarili ko sa pamamagitan ng paglabas ng malalalim na paghinga. Ayaw kong umiyak. Ayaw
kong ipakita sakanila na talunan na naman ako dahil hindi ko na naman naipangtanggol ang sarili
ko.

Oo, masakit na lagi nalang nila akong hinuhusgahan at pinagsasalitaan ng mga bagay na alam
kong hindi ko naman ginagawa. Hindi ako nakipag-away sa tana ng buhay ko pero hindi ko rin
maitatago na minsan talaga, sumusobra na sila.

Lagi nalang nila akong hinuhusgaan pero ni minsan hindi ko tinangkang magpaliwanag sakanila
dahil alam ko naman na hindi nila ako papakinggan. Sino ba naman ako 'di ba? Si Joy Villare lang
naman ako na walang ginawa kung hindi mag-aral. Si Joy Villare na akala nila manhid, na
tahimik, na akala nila walang pakialam sa mundo, na akala nila hindi marunong makipagkapwa-
tao, na hindi marunong masaktan, na akala nila nagpapaawa lagi sa ibang tao, na walang iniintindi
kung hindi ang sarili. Ako... na laging sumasalo lang sa kahit anong mga masasakit na salitang
natatanggap galing sakanila.
Pinikit ko ang aking mga mata ng ilang minuto para maibsan ng kaonti ang bigat dito sa dibdib ko.

Naisip ko lang na kung nagkaroon lang sana ako ng experience ng pakikipagkaibigan no'ng bata
pa ako. Kung naranasan ko lang sana ang makisalamuha no'ng nasa elementary o high school ako,
maaring hindi ganito ang nararanasan ko ngayon. Hindi siguro ako nababansagang introvert.

Hindi ko sinisisi sila mama't papa kung bakit mas pinili nila akong maghome schooling nalang
ako noong mga panahong 'yon. Sakitin kasi ako noon at konting pagod lang, inaatake na agad ako
ng asthma. Pero hindi ko na maibabalik ang mga iyon.

Nagpapasalamat parin ako dahil kung hindi nangyari ang mga iyon. Hindi ko makikila ang mga
taong totoo sa pakikitungo sa'kin ngayon. Ang mga taong handang tanggapin ako kahit sino pa
ako. Ang mga taong hindi ko ineexpect na darating sa buhay ko.

Muli akong naglabas ng malalim na hininga bago ko dinilat ang aking mga mata. Tumayo ako at
kinuha ang lahat ng gamit ko.

Laking gulat ko nang biglang lumantad sa harapan ko ang seryosong Avel nang makalabas ako ng
room. Nakasandal siya sa wall na malapit sa pinto at walang ni isang tao sa paligid. Hindi siya
nagsalita. Nakatutunaw ang mga titig niya na tila ba'y tumatagos sa buong pagkatao ko.

Hindi ako makagalaw. Parang nakalimutan ko naring huminga. Wala akong marinig kung hindi
ang malakas na tibok ng puso ko. Ni hindi ko maibuka ang bibig ko para sabihin ang gusto kong
sabihin sakan'ya.

Ilang minuto rin kaming nagkatitigan sa ganoong posisyon nang umayos siya ng tayo. Ngunit
kahit gayunpaman, hindi parin nagbabago ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"I heard everything."


Napakurap ako ng ilang beses sa lamig ng boses niya nang sambitin niya ang mga katagang iyon.

"S-sorry. Hindi ko sinasadyang madamay ang pang—"

"I don't care what they will tell about me. But you... why did you let them do that again. Bakit mo
hinayaang husgahan ka na naman nila. Why you did not explain yourself? For pete's sake, Joy.
Tumayo ka naman para sa sarili mo. Hindi ako laging nandito para ipagtanggol ka sa mga taong
humuhusga sa'yo. Matuto ka namang ipaglaban ang katwiran mo. Hindi ako laging nakasunod
sa'yo kaya matuto ka naman sa mga sinasabi ko kahit kaonti. Hindi ka na bata para itayo ka pa ng
iba kapag nadapa ka. Simula no'ng nakilala kita lagi nalang gan'yan. Alam mo bang napapagod rin
ako. I'm tired. I'm tired of you, Joy," may halong galit na wika nito na siyang nagpatindig ng
balahibo ko sa katawan.

Tagos sa puso lahat ng sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na gano'n kahina ang tingin niya sa
akin. Na pabigat na pala ako sakaniya.

Napayuko ako habang sinasariwa ang lahat. "Pasensya ka na kung lagi nalang akong ganito. Kung
hindi ko maipaglaban ang sarili ko. Kung bakit nandiyan ka nalang palagi para tulungan ako.
Kung hindi ko kayang tumayo para sa sarili ko. Kung hindi ko kayang ipaglaban ang katwiran ko.
Kung bakit hinahayaan ko silang husgahan ako. Kung bakit mahina ako. Pasensya ka na kung lagi
mo nalang akong pinagtatanggol mula sa kanila."

Hinarap ko siya at malungkot na ngumiti. "Pasensya ka na ha. Hindi kasi ako naturuan kung paano
i-explain ang sarili ko sa iba. Pasensya na kung bakit ang hina-hina ko sa paningin mo. Kung bakit
ang tingin mo parin sa'kin ay isang lampang bata. Hindi ko kasi alam na kailangan ko palang
ipaliwanag ang side ko para maniwala sila sa akin... para pakinggan nila ako. Akala ko kasi mas
magandang manahimik nalang kaysa patulan sila. Hayaan mo... hindi na ulit ako aasa sa iba.
Huwag ka naring mag-aksaya ng oras sa akin."

Pinilit kong humakbang kahit nanlalambot ang aking mga tuhod. Naglakad ako ng matiwasay
kahit ang bigat-bigat ngayon ng nararamdaman ko. Hindi ito ang gusto kong mangyari. Gusto
kong sabihin sakaniya ang totoong kwento sa aming dalawa ni Zero pero mahalaga pa ba 'yon? I
think it doesn't matter anymore.

Hindi pa ako nakalalayo nang may biglang humawak sa braso ko dahilan para mapahinto ako sa
paglalakad. Hindi ko siya nilingon dahil alam kong kapag ginawa ko 'yon baka tuluyan nang
lumabas ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I-i'm s-sorry, Joy. I didn't mean it. I'm really sorry," mahinang turan niya.

"Don't be sorry. Nagpakatotoo ka lang naman sa mga sinabi mo. Naiintidihan ko." Tinanggal ko
ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko.

"B-but that is not what I wanted to say. Nadala lang ako." Paliwanag niya sa mababang tono.

"Gano'n parin 'yon, Avel. Nadala ka man o hindi, galing parin sa puso mo 'yon, pero okay lang.
Ayos lang." Pumikit ako nang mariin bago muling humarap sakaniya. "Mauna na ako. Kanina pa
kasi ako hinihintay ni Zero. Magkikita kasi kami ngayon," pigil hininga kong sambit.

Hindi totoo na magkikita kami ni Zero pero 'yon ang lumabas sa bibig ko na labis kong
pinagsisihan dahil sa nakita kong lungkot sa mga mata niya bago ako tumalikod.

Naglakad akong muli at bago pa man ako makalayo ay may sinabi siyang hindi ko inaasahan. Na
kailanman hindi ko yata makakalimutan.

"Even you're the most boring person that keeps on hurting me every now and then. I may be tired
but I'll still chase you. I'll keep you. I'll stay with you, because I love you. I love you Joy Villare
for who you are. Put that in your mind and let it stay in your heart because from now on, I'm
getting what is really mine. Brace yourself because I'll make you love me instead of him even it
costs me everything."

Chapter 33

JOY

"Even you're the most boring person that keeps on hurting me every now and then. I may be tired
but I'll still chase you. I'll keep you. I'll stay with you, because I love you. I love you Joy Villare
for who you are. Put that in your mind and let it stay in your heart because from now on, I'm
getting what is really mine. Brace yourself because I'll make you love me instead of him even it
costs me everything."

My world suddenly stopped. I was literally shock that I can't even move my body to face him.

He loves me? Avel loves me? Did I heard it right? How come?

I placed my right hand on my heart. My heart beats faster than the usual. It is overwhelming and
unbelievable at the same time.

Maraming katanungan ang umiikot sa utak ko ngayon. Gusto kong matuwa sa pag-amin niya pero
hindi ko magawa.

Kasasabi niya lang na pagod na siya 'di ba? Tapos ano 'to? Bakit ngayon pa kung kailan ang
kumplikado na ng lahat?

"Say something, Joy. I want you to say something. Is it really him? Mahal mo ba talaga siya?" sabi
niya matapos ang ilang sandaling katahimikan.

Pumikit ako ng mariin. "A-ano bang klaseng t-tanong 'yan. Kailangan mo pa ban—"

"I want an honest answer, Joy. Again... Do you really love him?"

May diin sa bawat pagbigkas niya ng salita. Kumabog naman nang husto ang dibdib ko.
Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tanong niya. Kung handa ba akong aminin
sakan'ya ang totoo.

Humugot ako ng malalim na hininga. Nag-ipon ako nang lakas ng loob at unti-unting humarap
sakan'ya. Hindi ako kumibo at pinakiramdaman lang ang nakabibinging katahimikan na
bumabalot sa aming dalawa.

Lumapit siya sa akin hanggang sa dalawang dangkal nalang ang agwat namin sa isa't isa.

"Do you really love Zero? Answer me please..." tanong niya na para bang nagmamakaawa at
panay rin ang paggalaw ng adams apple niya na tila ba kinakabahan sa magiging sagot ko.

"No," ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.

"Then what? I don't understand." Nalilitong wika niya.

"Ofcourse, you'll not. You never knew what happened after you led me to him. Matapos mo akong
ipagtulakan sakaniya. Matapos kang mawala ng dalawang linggo."

Napakagat siya ng pang-ibabang labi niya. "I'm sorry. I just don't know what to do that time. Zero
asked me to help him and because he's a close friend, a brother to me rather... I don't have a choice
but to say yes even if I know I'll be sacrificing my first love... Even if I know, I'll be sacrificing
you..."

Napaawang ako sa sinabi niya. "A-avel..."

"Yes, Joy?"

"A-are you serious?"

Ngumiti siya. "Ofcourse, I am. How about you with your feelings with Zero?"

Lumunok ako ng laway at yumuko. "Sinabi ko na sa'yo ang sagot diyan. Ang totoo niyan..."
Huminto ako sa pagsasalita. "Ang totoo niyan nagpapanggap lang kami ni Zero dahil nakiusap
siya sa'kin. Lagi kaming magkasama pero wala talagang kami. Ayaw kong biguin si Zero dahil
mabuti siyang tao at isa pa, isang buwan lang ang hinihingi niya kaya pumayag ako sa gusto
niyang mangyari kahit na alam kong iba ang mahal ko at hindi siya 'yon."

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko. He also lifted up my chin to faced
him but I tend not to look in his eyes. "Joy, please look into my eyes. I want you to answer my
question honestly. Now, tell me... ako ba? Ako ba ang 'iba' na tinutukoy mo?"

Saglit akong natigilan nang tumititig siya sa mga mata ko na tila ba humihingi rin ng kasagutan.

"Joy, I love you. Would you mind if you'll love me too?"

Saglit akong natigilan at hindi ko alam kung bakit unti-unti akong tumango sa tanong niya. "Yes,
Avel. I... I love you too."

Umaliwalas ang mukha niya at bigla niya akong hinila palapit sakan'ya at niyakap.

"A-avel... you'll wait for that time, right? One month lang naman e."

"Don't worry, Joy. Kakausapin ko siya. Gagawa ako ng paraan."

Chapter 34
AVEL

"Good morning, kuya," tamad na bati sa'kin ni Vien na nagiinat pa habang pababa ng hagdanan.

"Good morning too. Napaaga ka yata ng gising ngayon mahal na prinsesa?" Nakangising tanong
ko.

Alas otso palang kasi at kadalasan nagigising na siya ng alas dyes o alas onse kapag weekends.

"Pwede ba kuya tigilan mo nga ako! Hindi na nga nakatulog nang maayos ang tao e! Kainis
talaga!" bulyaw niya habang padabog na naglakad papuntang kusina. "May araw din sa'kin ang
lintek na lalaking 'yon," rinig ko pang sabi niya bago tuluyang makalayo.

A smile formed in my lips as I heard her last sentences. That sounds really interesting. I wonder
who's the boy she's talking about. I salute him for making my sister really pissed off.

I headed my way to the garage.

"Manong Glen, kapag nagtanong si Vien kung nasaan ako pakisabi nalang po na may pinuntahan
lang ako saglit."

"Sige, iho. Makakaasa ka."

Tinahak ko na ang daan palabas ng village namin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing
naaalala ko ang kumpirmasyon na narinig ko galing sa bibig niya kahapon. I just can't really
imagine that she feels the same as me. Although, there are still conflicts, but then, I'll do my best
to fix those as soon as possible.

I glanced at the bouquet of purple roses beside me. I can't wait to see her.

After 30 minutes of continous driving. Atlast, I'm already infront of their house. I consumed my
five minutes inside my car to composed and calm myself before I decided to go out.

I stood infront of their gate. I released a deep sigh before I pressed the doorbell. Iniharap ko ang
mukha ko sa monitor at pagkaraan lang ng tatlong segundo ay bumukas ito.

Pumasok ako at automatikong sumarado ulit ang gate nila. Naglakad ako habang palinga-linga sa
paligid. The ambiance of their house is really peaceful and very natural just like her.
As I faced their main door, my heart beats faster and louder than the usual. This isn't me but
because of her, it turned out like this. Though, I'm not blaming her because I love what I'm
experiencing right now and I will never be afraid to feel any kind of emotion if she's the reason
behind those.

I was about to knock on the door when I heard two familar voices talking inside but it's not really
clear. I slightly opened the door without making any sound only to confirm my instincts.

"Tara na kasi. Sumama ka na sa'kin."

"May gagawin pa ako."

"Edi tulungan na kita. Wala naman akong gagawin ngayon."

"Hindi, huwag na. Kaya ko naman e. Saka isa pa, nakakahiya naman kung magpapatulong pa
ako."

"Mahihiya ka pa ba sa'kin, Joy? Boyfriend mo kaya ako."

"Tse! Manahimik ka nga diyan, Zero. Marinig ka nila manang at nanay sa labas. Lolokohin tayo
ng mga 'yon."

"Sus! Bakit? Ayaw mo no'n? Boto naman sila sa'kin kaya anong problema do'n?"

"Yabang nito. Ewan ko sa'yo!"

And the next thing I heard is their cheerful laughters. I slowly locked the door again and went
back inside my car.

I shouldn't demand attention from her because I'm the one who led her in this kind of situation and
I know they're just pretending. But... seeing them sharing laughters and so closed to each other
makes my heart skipped a beat.

Nakakainis lang kasi na kayang-kaya niyang makipagbiruan at makipagsabayan kay Zero na


parang ang tagal na nilang magkakilala. Samantalang ako, ni hindi ko man lang siya mapatawa
kagaya ng ginagawa ni Zero tulad nalang ng nakita ko kanina. Never ko pa siyang napatawa sa
mga oras na magkasama kami pero kay Zero, ibang-iba siya.

Siguro nga nagkulang ako sa expression of feelings at kulang sa lakas ng loob. I keep on fighting
myself to not compare myself to Zero but that's what happening right now.
Yes, Joy loves me. No doubts for that. Pero hindi ko parin maiwasang magselos kahit na alam
kong walang kami. Hindi ko maiwasang mainggit sa mga nagawa na ni Zero para sakan'ya. Kung
sana nagawa ko ring haranahin siya. Kung sana mas naging open lang ako at totoo sa feelings ko
para sakan'ya noong una palang. Siguro, hindi ganito ang sitwasyon namin ngayon.

Gusto kong makipagbiruan siya sa'kin. Gusto kong maranasan ang pagsusungit niya, ang
pagkabad-trip niya, ang mga kurot niya kapag maiinis siya, ang pagdabog niya sa harapan ko, ang
mga bugbog niya kapag maiirita siya, ang pagsigaw niya kapag galit na siya. Baliw na yata ako
pero gusto kong maranasan ang lahat ng 'yon sakaniya kahit na malabo yatang mangyari lahat ng
'yon dahil kilala ko siya at alam ko ang ugali niya.

Napangiti nalang ako ng mapait habang pinagmamasdan ang hawak kong bulaklak. "These
flowers maybe thrown away but my love for you will never fade." Lumingon ako sa bintana sa
tapat ng sala ng bahay nila kung saan nakikita ko ang kaniyang repleksyon. "I'll wait for the right
time for us just make sure that I still own your heart on that time, because if not... I'd rather forget
how to fall in love again."

Chapter 35

JOY

"Joy, hindi ko ba talaga makakasama sa'kin?"

Bilib na talaga ako sa pasensya niya. Halos one hour na din siyang nangungulit at pareho lang ang
natatanggap niyang response galing sa'kin pero nandito parin siya.

Umiling ako. "Sorry talaga, Zero. Hindi ko pa kasi tapos yung drafts at editorial cartoons na
ipapacheck ko kay Miss Apolonio sa lunes e."

Bumuntong hininga siya kasabay nang pagtayo niya sa sofa na kinauupuan niya. "Well,
palalampasin ko ang pag-reject mo sa'kin ngayon, but the nextime na aayain kitang mamasyal, I
won't accept a 'no' answer. You understand?" sabi niya nang nakataas pa ang kaliwang kilay
habang nakatingin sa'kin.

Napangiti nalang ako sa itsura niya. "Sige."


"Promise 'yan ha."

Tumango ako. "Oo na nga."

Hinatid ko na siya sa garahe dahil nando'n ang sasakyan niya.

"Alis na ako." Paalam niya.

"Okay. Ingat ka."

Pinaandar na niya ang makina ng kotse niya. Akmang tatalikod na sana ako nang tinawag niya ang
pangalan ko.

"Bakit?"

Instead na sagutin niya ako ay bumaba siya at may iniabot sa'king tatlong kulay silver na envelope
na ang bawat isa ay may nakaengraved na pangalan at 'yon ay ang pangalan naming tatlo nila
mama't papa. Nasa bandang gilid iyon at medyo maliit pero visible parin.

"Para saan 'to?" kunot-noo kong tanong nang mahawakan ko ito.

"Invitation. I guess?"

"Alam kong invitation pero anong meron?"

"Basahin mo nalang mamaya. Pinabibigay 'yan nila Tita Ey at Tito Vlad."

"You mean... ang mga magulang nila Vien at Avel?"

"Yep. They wanted to give that personally to you but since they're too busy, hindi na nila maharap,
kaya heto, I managed to do it for them."
"Ah. Gano'n ba? Pakisabi kila tita salamat," sagot ko nalang kahit medyo naguguluhan parin ako
kung ano ba talagang meron. Kasi 'di ba? Pwede namang si Avel nalang magbigay e.
Nakapagtataka.

"Be my date on that day," biglang sabi niya habang masinsinang tinititigan ako.

"Ha? A-anong date 'yang pinagsasabi mo?" takang tanong ko.

"Basta. Susunduin nalang kita. Malay mo 'yon na ang last na pagpapanggap natin kaya lulubusin
ko na. I hope you'll not reject my request this time?" Nakangiting sambit niya.

"O-okay," maikling sagot ko kahit hindi naman talaga ako sigurado.

"Sige. Aasahan ko 'yan. Goodbye, Joy."

At tuluyan na nga siyang umalis. Naglakad naman ako pabalik sa loob ng bahay. Umakyat ako sa
kwarto at umupo sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Breath. Sinimulan kong basahin
ang laman nito.

Napakagat nalang ako ng labi nang mabasa ko ang laman ng invitation kung saan nakaengrave
ang pangalan ko.

It's all about Avel's birthday party. At halos one week nalang before that day. Pero bakit hindi man
lang niya sinabi sa'kin? Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt. Wala man lang akong kaalam-
alam tungkol sa araw ng pagkapanganak niya. Tapos sa mismong birthday niya, si Zero pa ang ka-
date ko. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko. Kung pupunta pa ba ako o mas mabuting
huwag nalang siguro para atleast maging fair naman ako sakan'ya.

Napatingin ako sa wrist ko. Hinawakan ko ang bracelet na bigay niya sa'kin. Medyo matagal-tagal
narin no'ng binigay niya sa'kin 'to pero ni minsan hindi ko pa inaalis sa wrist ko. I never told him
that I love dogs but he searched for it.

Paano ko nalaman? Sinabi na ni mama na kay Avel galing si Breath. Nagsearch rin ako sa internet
at ang word na Avel means Breath in english. And the new number who texted me belongs to him
pero binura ko dahil akala ko wala lang 'yon. Nagsisisi tuloy ako ngayon. Sana maisipan niyang i-
text ulit ako para makapagpasalamat man lang ako sakaniya kahit through text or call lang.
Nakakalimutan ko kasing gawin 'yon sa tuwing magkasama kami.

Huminga ako ng malalim at hinaplos ang balahibo ni Breath na nakatulog parin. Bumaba ako at
lumabas ng bahay. Binisita ko ang mga gold fish na abalang lumalangoy sa falls. Buti pa sila
walang masyadong conflicts sa buhay. Samantalang ang mga taong kagaya ko, halos araw-araw
yatang dinaranas 'yon.

Naglakad pa ako hanggang sa nakalabas ako sa main gate ng bahay at akmang babalik rin sana
agad sa loob ng compound namin nang mapansin ko ang isang buoquet ng purple roses na na
nakapatong sa bench malapit sa basurahan.

Lumapit ako do'n at pinulot 'yon. Ang cute kasi ng kulay at ang ganda pa ng pagkaka-arrange. I
wonder kung para kanino 'to. Sayang lang kasi.

"Oh? Iha? Para sa'yo pala 'yan? Mabuti naman naibigay niya sa'yo?"

"P-po?" takang tanong ko.

"Iyang magagandang bulaklak na hawak mo ang tinutukoy ko. May nakita kasi akong isang binata
na kasing edad mo lang siguro na pumasok sa bahay niyo kanina tapos makaraan ang ilang
minuto, lumabas din siya na hawak parin 'yan. Akala ko hindi mo tinanggap. Buti nalang nagbago
isip mo. Ang lungkot kasi ng mukha niya pagkalabas ng gate niyo e."

"Ano po? S-sigurado po ba kayong pumasok siya sa bahay namin?" tanong ko ulit dahil hindi
naman kasi bumubukas ang gate namin ng kusa unless na-detect ng monitor ang identity mo.

"Oo sigurado ako. Schedule ko kasing maglinis sa phase na 'to ngayon kaya nakita ko talaga."

Medyo may edad na siya at hindi ko siya kilala pero mukhang hindi naman siya nagsisinungaling.

"G-gano'n po ba?"
"Oo, iha. Nakasakay nga siya sa kulay asul na kotse kanina e. Pang-model ang pangangatawan
niya, hindi siya payat pero hindi rin siya batak, yung sakto lang ba. Pero maipagmamalaki ang
itsura niya at mukha pa siyang disente tignan. Sa tansya ko nga, medyo mas matangkad lang siya
sa'yo ng isa't kalahating dangkal. Basta ang sigurado ko lang ay bagay kayo. Sige, maiwan na kita
diyan," sabi niya pa bago lumipat sa kabilang daan upang magwalis.

Natahimik ako habang pinagmamasdan mabuti ang bulaklak na hawak ko. Sa language ng mga
bulaklak. Ang purple rose ay nangangahulugan ng 'love at first sight'.

Ngayon, maliwanag na sa'kin ang lahat. Pumunta nga siya sa bahay namin at hindi ko namalayan
'yon dahil nando'n si Zero. Nag-effort na naman siya para lang ibigay ang bulaklak na 'to sa'kin.
Pero bakit? Bakit kailangan niyang umalis? Nakita niya ba kaming dalawa ni Zero? Narinig niya
ba ang usapan at tawanan namin? Kaya ba siya umalis ay dahil alam niyang nando'n si Zero at
ayaw niyang magkagulo? At dahil doon, mas pinili niyang iwan kaming dalawa ng kaibigan niya.
All in all... I made him disappointed again.

Agad akong tumakbo papasok sa bahay at nagbihis. Ni hindi ko na nagawang magpaalam pa bago
umalis. Bahala na. Kailangan kong maging honest at magpapaliwanag ako sakaniya. Hindi
pwedeng ipagsawalang bahala ko na naman siya.

No, not this time again.

Chapter 36

JOY

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa bench na kinauupuan ko. Hindi ko kasi alam kung saan na
ba dapat ako pumunta. I went on his condo unit kung saan niya ako dinala no'ng
nagkadysmenorrhea ako pero wala siya do'n. Pumunta rin ako sa EU baka sakaling nando'n siya
pero wala rin akong napala. Nagbaka-sakali din akong makikita ko siya dito sa park na malapit sa
village namin pero hindi ko siya nakita.
Nag-isip pa ako nang mabuti. Ilang beses akong lakad-balik sa tapat ng swing hanggang sa may
maalala ako. Napasapo ako ng batok. Bakit ngayon ko lang naalalang nasa kabilang village lang
pala ang bahay nila?

Agad akong pumara ng taxi at sinabi sa driver ang direksyon na 'yon. Tinawagan ko rin si Venny
at mabuti nalang sinagot niya agad.

["Joy napatawag ka?"] sagot ng kabilang linya.

"Uhm... Ven... ano... p-pwede mo bang i-send sa'kin ang address ng bahay nila Avel?"

Hindi ko na alintana kung nagmumukha na ba akong desperada ngayon. Basta ang alam ko lang
kailangan kong malaman kung nasaan siya.

["All I thought nakapunta ka na do'n? But, sure, I'll send you the address."]

"Thank you, Ven. Pasensya na sa abala."

["Naku, wala 'yon! Basta para sa pinsan ko. Go ako."] Sabi niya pa saka mahinhing humalakhak.

"S-sige. Salamat talaga. Bye."

["No worries. Bye!"]

Then, the call was ended. Wala pa sa sampung segundo nang makatanggap ako ng text galing kay
Venny na naglalaman ng address ng bahay nila Avel.
***

Nakailang tikhim na ako ngunit wala parin akong lakas ng loob pindutin ang door bell dito sa
tapat ng address na ni-send ni Ven. Gusto ko sanang silipin kung anong nangyayari sa loob ng
compound pero hindi ko makita dahil narin sa concrete wall nila na napalilibutan ng abstract
paintings.

Huminga ako ng malalim. "Kaya mo 'to, Joy."

Nag-ipon ako ng lakas ng loob at tumayo ng maayos. Saktong pipindutin ko na sana yung door
bell nang biglang bumukas ito. Kapwa kami nagulat nang makita namin ang isa't isa.

"Ate Joy?" Hindi makapaniwalang sambit nito.

"Ate Joy, totoo ba 'to? Ikaw ba talaga 'yan?" Kinusot niya pa ang dalawang mata niya.

Ngumiti ako. "A-ako nga, Vien."

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at tinitigang mabuti. "Ate Joy! Ikaw nga!"

Bigla niya akong niyakap. "Mabuti nakadalaw ka ate! I'm so happy talaga! Halika ate, pasok tayo
sa loob!" Hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinila na niya ako papasok sa bahay nila. Wala
tuloy akong nagawa dahil sa bilis ng pangyayari. Ni hindi ko man lang napasadahan ng tingin ang
dinaanan namin papasok.

Pinaupo niya ako agad sa kulay puti nilang sofa. "Diyan ka muna ate. Ikukuha lang kita ng
maiinom."

"Huwag na Vien. Oka—"


"Ssh. Don't worry ate. Wala akong balak lasunin ang magiging hipag ko," sabi niya nang may
nakalolokong ngiti sa kaniyang labi.

Uminit naman bigla ang mukha ko dahil do'n.

"Ayii! Namumula ka Ate Joy!"

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"Hayaan mo ate. Secret lang natin 'yon." Kinindatan niya pa ako bago umalis sa harapan ko.

Napailing ako. Grabe. Nakakahiya talaga.

Inilibot ko nalang ang aking paningin sa loob ng bahay nila. Wala akong ibang makitang kulay
bukod sa blue and white. Pati gamit nila halos gano'n lahat ng kulay. Napansin ko rin na ang laki
pala ng chandelier nila dito sa sala. Iyong kulang nalang kasing size na ng sala nila ang chandelier
nila. Fresh na fresh din yung mga bulaklak na nakahilera sa hagdan papunta sa second floor na
para bang pinapalitan talaga araw-araw.

Tumayo ako at sumilip sa labas ng bintana. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakita ko. Hindi
lang kasi sa labas ang may paintings pati rin pala sa loob. Idagdag mo pa ang miniature na talon sa
magkabilang side ng pathway nila na kung titignan ay parang totoo talaga dahil may bumabagsak
ditong tubig na nagfoform naman ng sapa. Nakaka-refresh talaga dahil halos kulay green lahat ang
nakapalibot sa bahay nila. Ang sarap sa mata.

"I'm here!"

Napalingon ako sa nagsalitang 'yon galing sa pinto. Ang kanina'y mukha kong nakangiti ay unti-
unting napalitan ng pagkabigla.

"Z...zero? A-anong ginagawa mo dito?"


"I should be the one who must be asking you that question, right? Akala ko ba may gagawin ka?"

Ang seryoso ng mukha niya at may bahid pa ng hinanakit ang tono ng boses niya. Hindi ako
makasagot. Naglakad siya papalapit sa kinaroroonan ko at hinawakan ang aking kamay.
Pagkatapos no'n ay iginiya niya ako sa likod ng bahay nila Vien.

Binitawan niya ang kamay ko nang marating namin ang garden nila. Dahan-dahan siyang humarap
sa'kin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"A-anong ginagawa mo, Zero?"

Ngumiti siya ngunit halata parin ang bahid ng lungkot sa mga mata niya. "Nakapagdesisyon na
ako."

"Ha?"

"Ibabalik na natin sa tamang pwesto ang lahat." Huminga siya ng malalim. "Ako na kaibigan mo
lang at siya... na nagmamay-ari ng tibok niyan," aniya saka tinuro ang puso ko.

"Zero, I'm sorry."

"No, Joy. You don't need to say sorry. I want to say thank you because you have given me the
chance to be with you kahit na fake lang ang lahat. And I think masyado ko lang sasaktan ang
sarili ko kapag hinintay ko pa na ikaw mismo ang lumayo sa'kin."

"Zero..."

"Just promise me that we'll be still friends. Hmmn?"

Tumango ako at pagkatapos no'n ay niyakap ko siya ng mahigpit. Pumikit ako at hindi ko na
napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa tuwa. "Thank you, Zero. Thank you for this."

Hindi siya nagsalita. Hinaplos niya lang ang buhok ko.

Pagkatapos ng ilang segundo ay bumitaw na ako. Ngumiti ako kahit na umaagos parin ang mga
luha sa aking magkabilang pisngi. Naglabas siya ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mga ito.
"Huwag ka ngang umiyak. Lalo kang gumaganda e. Sige ka baka magbago isip ko," sabi niya na
may ngiting nakaplaster sa mukha niya.

"Sira, nagawa mo pang mambiro," matawa-tawang turan ko.

"Atleast, mambiro lang hindi mambola," wika niya sabay kindat.

"Kahit kailan ka talaga," sagot ko nalang.

Hindi na siya sumagot bagkus hinawakan niya lang dalawang kamay ko. Napatingin tuloy ako
sakan'ya. "Joy... I just want to say I love you. Hindi ko alam kung kailan mawawala itong
nararamdaman kong 'to sa'yo at kung paano ito unti-unting maiwaksi sa puso ko. Alam kong
mahirap ang magiging sitwasyon ko pero nangangako akong hindi ako gagamit ng ibang tao para
maibsan ang lahat ng ito. I'll be honest towards my feelings no matter what happened."

Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Hindi ako
nakapagsalita nang lumapit pa ang mukha niya sa mukha ko.

Bahagyang lumaki ang mga mata ko nang halikan niya ang aking noo. At ang huli kong naalala ay
ang pagtalikod at mabilis na paglakad palayo ni Avel mula sa kinaroroonan namin.

Chapter 37

JOY

"Pasensya na Joy. Halos one week narin kasi siyang hindi pumupunta dito sa office e."
"Gano'n ba?" Tumikhim ako. "Uhm... Axon? May naiisip ka bang lugar kung saan ko siya
pwedeng makita?"

Umiling siya. "Pasensya na talaga, Joy. Wala talaga akong alam kung nasaan si Van ngayon."

"S-sige. Salamat."

Matamlay akong naglakad palabas ng Social Debate Office. Hindi ko naman siya masisisi kung
bakit gano'n ang kinikilos niya pero hindi ko rin pwedeng sisihin si Zero sa nangyari dahil alam ko
namang hindi niya sinasadyang mamis-interpret 'yon ni Avel.

Ano bang gagawin ko? One week na niya akong iniiwasan. Magkaklase nga kami pero sa tuwing
tatangkain ko namang kausapin siya after ng class namin, bigla nalang siyang nawawala na parang
bula. Kinuha ko na nga rin ang digits niya kay Zero para tawagan pero hindi niya sinasagot. Tapos
kapag uulitin ko ang pag-dial naka-off na ang cellphone niya. Hindi ko naman siya pwedeng
puntahan sa bahay nila dahil wala naman akong karapatan para gawin 'yon saka isa pa nakakahiya.

I sighed in my annoyance. It's his birthday tomorrow and I don't want us to be like this. Oo,
walang kami pero hindi rin kasi mai-aalis sa'kin ang malungkot. Kahit papaano naman kasi may
pinagsamahan rin kami 'di ba?

Napahinto ako sa paglalakad nang lumantad sa harapan ko ang hingal na hingal na si Venny.

"Ven, anong nangyari sa'yo?"

Nagulat ako nang hablutin niya ang kamay ko. "Malalaman mo rin mamaya. Sa ngayon, kailangan
mo munang sumama sa akin."

"Saan tayo pupun—"

Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita nang hilain niya ako at tinangay na parang tingting.

Pagkahinto namin sa pagtakbo ay napahawak ako sa dibdib ko habang patuloy na humuhugot ng


hininga. Hindi ako makapaniwalang lalabas pa kami ng University at dadalhin ako ni Venny sa
lugar kung saan ako dinala ni Zero noon.
"Sorry talaga, Joy. Wala na kasi kaming alam na paraan ni Breeze para maawat sila. Sorry talaga,
Joy. Ayos ka lang ba?" alalang sabi ni Venny habang hinahagod ang likod ko.

Sumenyas ako na ayos lang at tumayo. Magtatanong sana ako kung anong ibig sabihin ni Venny sa
sinabi niya nang marinig ko ang boses ni Breeze na tinatawag ang pangalan naming dalawa ni
Venny habang papalapit sa'min.

"Bakit mo sila iniwan do'n?!" bulyaw ni Ven kay Breeze nang makalapit ito sa amin.

"Ayaw nilang magpaawat. Wala na akong magawa."

"Hindi ko maintindihan. Bakit? Ano bang nangyayari?" Naguguluhan kong tanong sakanila.

Yumuko si Venny at huminga naman ng malalim si Breeze. "Joy... si Zero at Van."

"A-ano? Anong nangyari? Nasaan sila?" taranta kong tanong.

Tinuro lang niya sa'kin ang direksyon kung saan siya galing kanina at agad ko naman tinungo
'yon. Panay pa ang tawag nila sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon sakanila.

Napasinghap ako nang madatnan kong nakahawak si Zero sa kwelyo ni Avel at pareho silang
pawisan at hingal na hingal. Nakita ko ring may sugat sa pisngi si Zero samantang sa noo naman
si Avel.

"Alam mong mahalaga siya sa'kin pero pinakawalan ko parin siya para sa'yo. Tapos ano? Ibabalik
mo siya sa'kin? Sa tingin mo ba magiging ayos 'yon sa akin? Oo. Nagpakaselfish ako pero sana
naman sinabi mo sa'kin ang nararamdaman mo para no'ng una palang alam ko na kung saan ako
lulugar. Pero wala kang sinabi dahil hindi ka nagtiwala sa'kin. Ngayon, iniiwasan mo siya dahil
lang sa nakita mo? Umamin ka nga... Sino ba talaga siya sa'yo? Ha? Sino ba si Joy sa buhay mo na
basta-basta mo nalang ipinamimigay sa kaibigan mo?" Mahinahon ngunit madiing tanong ni Zero
kay Avel.

Natigilan ako sa paglalakad. Ramdam ko ang tensyon ngayon. Gusto kong pumagitna sakanilang
dalawa upang matapos na 'to pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Tinanggal ni Avel ang kamay ni Zero sa kwelyo at inaayos ang nakusot nitong damit. Tinignan
niya ng matiim si Zero. "She's not mine, so, why are you accusing me that I'm giving her away?
Making explanation every now and then is very tiring. I don't want to ruin our friendship just
because of her. Let's stop this. You can have her with all your might if that's what you want, just
don't bother me anymore. I'm disgusted."

Akmang dadambain na naman sana siya ng suntok ni Zero nang lumantad ako sa harapan nilang
dalawa. Kapwa sila nagulat sa pagdating ko.

"J-joy, k-kanina ka pa ba diyan?"

"Hmmn," tanging naisagot ko dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko.

"W-what did you heard?" Avel asked stuttering.

Ngumiti ako sakaniya kahit na alam kong salungat iyon sa nararamdaman ko ngayon. "You'll just
get tired if you listen to me. So, why bother? Right?"

Tinalikuran ko siya at akmang lalapitan si Zero nang bigla niyang hawakan ang braso ko dahilan
para mapatingin ako sakaniya. "Anything you want to say before we go?"

"J-joy it's not like that. Please, sumama ka sa'kin. Magpapaliwanag ako. Kaya ko lang naman
nasabi 'yon dahil—"

"Bakit ka pa magpapaliwanag? May kulang pa ba sa narinig ko? May sasabihin ka pa ba na hindi


mo nasabi kay Zero?" Hindi ko na nakontrol ang emosyon ko kaya hindi ko na namalayan na
umaagos na pala ang luha ko. "You know what? Masakit na kaya huwag mo nang dagdagan. Sa
loob ng isang linggo... Sa loob ng isang linggo para akong baliw kahahanap sa'yo. Pilit akong
gumagawa ako ng paraan para magpaliwanag at makausap ka pero ikaw itong lumalayo sa'kin.
Tapos ngayon, gusto mo akong magstay sa side ni Zero? Sige, pagbibigyan kita kahit alam mong
hindi 'yon ang gusto ko. Kahit na alam mong ikaw ang pipiliin ko. "

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at marahas na pinahid ang luhang umagos sa
aking pisngi. Lumapit ako kay Zero na halatang nag-aalala. Inalalayan ko siya at sabay kaming
naglakad palayo sa lugar na 'yon. Hindi niya kami sinundan kaya nakahinga ako ng kaonti.
"I'm sorry, Joy. Kung hindi dahil sa'kin, hindi kayo magkakaganito." Nakayukong pahayag niya.

"No. You did the right thing. Atleast ngayon, alam ko na."

"No, Joy. You need to talk to him. He's not used in this kind of situation. I know Van, he's expert in
hiding his real emotion. Give him a chance." Pakiusap niya sa'kin.

Umiling ako. "Huwag muna ngayon, Zero. Masyado pang magulo ang utak ko."

"But—"

"Let's not talk about it. Please..." I said with pleading eyes. Hindi naman na siya nagsalita pang
muli.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang humugot ng malalalim na hininga. Medyo ayos pa
ako kanina pero habang tumatagal lalong naninikip ang dibdib ko. Napatigil ako sa paglalakad at
napahawak nang mahigpit sa laylayan ng damit ko nang maramdaman kong hindi na talaga ako
makahinga. Nararamdaman ko rin na matutumba na ako anytime nang bigla akong saluhin ni Zero
sa mga bisig niya. Napapikit ako sa sobrang panghihina. "J-joy? A-anong nangyayari sa'yo? Joy!"

Nakarinig ako ng mga yapag ng mga paaang papunta sa kinaroroonan namin.

"Oh my gosh! Anong nangyari kay Joy?!"

"Hindi siya makahinga! Tawagan mo si Breeze! Sabihin mong ilabas niya ang kotse ko! Pupunta
kaming hospital! Bilisan mo!"

"No! I'll take her to the clinic! Nando'n si tita. Ako nang bahala sakaniya."

"Van, sigurado ka bang safe siya do'n?!"

"Why Zero? Do you think I'll just let her die like this? No way! Mas mabuting magalit nalang siya
sa'kin kaysa ganito. I don't like her seeing like this! I can't take it!" May halong inis at
pagkadismaya ang boses niya.

Natigilan silang lahat. Wala akong narinig ni anong ingay. Minulat ko ng kaonti ang aking mga
mata nang maramdaman kong may bumuhat sa'kin. Naaninag ko pa ang mukha niya at hindi ko
alam kung bakit bigla nalang tumulo ang luha ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Chapter 38

JOY

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse ni Zero. Hindi ako mapalagay at hindi ko alam
kung bakit.

Biglang nagvibrate ang cellphone na hawak ko. Tumingin muna ako kay Zero na seryoso sa
pagda-drive bago ko binuksan ang inbox.

From: +639*********

This night will never be special if you're not here. Please come... I have many things to tell you.
Joy, please...

Ito yung number na nagtetext sa'kin mula pa kaninang umaga pero hindi ko ni-rereplyan. He keeps
on calling my number every now and then pero hindi ko rin sinasagot. I know it's him but I
refused to save his number. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko after ng nangyari kahapon. Hindi
nga rin sana ako pupunta ngayon kung hindi lang ako sinundo ni Zero. Nando'n na kasi sila
mama't papa at nakakahiya naman kung hindi ako pupunta.

Mabuti nalang talaga maayos na pakiramdam ko ngayon. Masyado ko kasing pinag-aalala sila
mama't papa. Stress na sila sa trabaho at ayaw ko nang dagdagan 'yon.

My cellphone vibrates again.

From: +639*********

Joy, you have all the reasons to get mad at me, but please.... I'm really desperate to talk with you. I
wanna see you, Joy. I'll wait whatever it takes...

I sighed and closed my eyes.

"Nagtext na naman siya?" tanong ni Zero.

I looked at him. "Hmmn," I replied.

"Since, you're not answering his phone calls, why not just text him that you're now on your way
there?" Palinga-lingang wika niya.

Tumikhim ako. "There's no need for me to do that. Makikita ko rin naman siya mamaya."

"Okay? Sige. Ikaw bahala," kibit balikat niyang sambit.

Hindi na kami nagkaimikan pagkatapos no'n.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang huminto ang kotse ni Zero. Pinasadahan ko ng tingin ang
paligid at unti-unti kong nabasa ang nakalagay na La Avien Resort sa taas ng gate.

Lumapit yung apat na guard sa amin at agad rin kaming pinagbuksan ng gate nang makita nila si
Zero. Pinasok niya ang kotse niya sa loob at bigla nalang akong nakaramdam ng kaba. Marami
silang bisita base narin sa nakita kong mga sasakyan na nakaparada sa paligid. Maingay at
napapalibutan ng iba't ibang kulay ng lights ang mga puno. Bumaba si Zero nang maparada na
niya ang kotse niya. Binuksan niya ang pinto sa tapat ko at inalalayan akong bumaba. "Let's go,"
sabi niya saka ngumiti.

Naglakad kami ni Zero habang hawak-hawak niya parin ang kamay ko. Nakaformal attire kaming
pareho at pinasuot kasi ako ni mama ng stilleto kaya medyo hirap ako sa paglalakad.

"This way po ma'am, sir." Nakangiting salubong sa'min ng isang babaeng feeling ko mas matanda
lang sa'min ng kaonti.

Ngitian ko siya bago kami pumasok sa venue. Habang naglalakad kami ay inilibot ko ang
paningin ko. Lahat ng tao do'n ay nakatingin sa'min, hindi ko na tuloy masyadong naaninag ang
kagandahan ng venue dahil nakayuko ako. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Zero dahilan
para huminto siya sa paglalakad. Pinisil niya naman ang kamay ko. "Don't worry, inggit lang ang
mga 'yan, sa gwapo ba naman ng escort mo. Kaya sulitin mo na baka last na 'to," bulong niya
sa'kin saka ito kumindat.

"Kapal mo po," sabi ko nalang bago niya ako muling iginiya.

Pinaupo niya ako sa isang table sa gilid at hindi ko parin maiwasang mailang dahil panay ang
tingin sa'kin ng mga tao sa kabilang table.

Tumayo si Zero at nagpaalam saglit para hanapin daw sila Venny. Tatawagan ko sana si mama
para tanungin kung nasaan siya dahil napansin kong halos kasing edad lang yata namin ang narito.
Ang kaso, hindi ko na 'yon nagawa dahil may tumabi sa'king isang lalaking hindi ko kilala.
Lumayo ako ng kaonti dahil narin sa sobrang lapit niya. Ngumisi lang ito sa inasal ko. "You're so
gorgeous. Are you Zero's girlfriend? Oh... By the way, what's your name?" Nagsitaasan lahat ng
balahibo ko sa katawan nang ibulong niya ang mga salitang 'yon sa tainga ko.

Nanginginig ang tuhod kong lumayo sakan'ya pero patuloy parin siya sa paglapit. He was about to
touch my face when someone stopped him. "Don't you dare touch her, Kai. Ako ang makakalaban
mo," he said wearing his furious eyes.

"Okay?" taas kamay na sagot ng lalaki sakan'ya bago umalis.

Agad naman niya akong hinila palayo, hindi niya alintana ang mga matang nakatingin sa'min.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin hanggang sa nakarating kami sa parte ng resort nila na
walang tao. Binitawan niya ang kamay ko bago ako hinarap. Hindi kami nagsalita pareho.
Nakatingin lang kami sa isa't-isa hanggang sa lumapit siya sa'kin at nagulat nalang ako nang
yakapin niya ako ng mahigpit. "Thank you for coming, Joy. Your presence is the greatest gift I
received today. It does mean a lot to me. Thank you..."

Ramdam ko ang sinseridad sakan'ya pero hindi parin maialis sa'kin ang mga katagang sinambit
niya kahapon kaya hindi ko napigilang itulak siya ng bahagya.

"O-ofcourse, I'm still your friend. H-happy birthday. Wish you all the best. Uhm... sige balik na
ako do'n baka hinahanap na ako ni Zero." Tumalikod na ako at akmang lalakad na sana palayo
nang biglang siyang magsalita.

"Zero na naman? Anong akala mo sa'kin, Joy? Na hindi kita hinahanap oras-oras, minu-minuto?
Na hindi kita pinapahalagahan? Na wala akong pakialam sa'yo? Joy... lagi nalang si Zero ang
bukambibig mo. Paano naman ako? Ni minsan ba inisip mo rin ang nararamdaman ko sa tuwing
magkasama kayo? Sa tuwing binabanggit mo ang pangalan niya sa harapan ko? Masakit, Joy.
Nakakaselos. Nakakabaliw."

Pumikit ako nang mariin. "Alam mong kaibigan lang ang tingin ko kay Zero at hindi magbabago
'yon."

"Oo, sabihin nalang nating kaibigan ang tingin mo sakan'ya pero alam nating dalawa na hindi
kaibigan ang tingin niya sa'yo. Joy... you know what I feel towards you. Huwag mo namang
balewalain 'yon."

Hinarap ko siya sa sobrang pagkadismaya. "Tama na Avel. Huwag mo nang iparamdam na spesyal
ako kung hindi mo naman kayang pakatawanan. Huwag mo naring sabihing mahalaga ako sa'yo,
kung sa huli, i-gi-give up mo lang din ako. Ikaw mismo ang nagsabi na wala kang karapatan
sa'kin? Pinamigay mo nga ako kay Zero 'di ba? Please lang, Avel. Ginagawa ko ang best ko para
matupad ang mga sinabi mo at kahit papaano maging okay tayo, kaya sana huwag mong ibunton
kay Zero ang lahat ng sisi. Wala siyang kinalaman dito."

"I will show you what I've got. Ipapakita ko sa'yo kung paano ko pahalagahan ang mga taong
mahal ko."

"Don't just say it. Do it," halos pabulong kong wika.

"Don't try me, Joy." Tila naghahamon niyang turan.

Hindi ko na siya sinagot. Mabigat kong hinakbang ang aking mga paa palayo.

Saktong nakasalubong ko sila mama't papa na pasakay sa kotse kaya sumabay na ako sakanila.
They also kept on asking me why pero sinabi kong masama ang pakiramdam ko kaya hinayaan
nalang nila ako. While we're on our way, I send a message to Zero about what happened and he
said he understand it.

Pagkarating ko sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko at nagkulong.

Agad akong humiga sa kama at tahimik na umiyak. Hindi matigil sa pag-agos ang luha ko. At
nang mapagod na ako ay hindi ko na namamalayan na unti-unti na akong dinalaw ng antok.

Nagising lang ako sa paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ko na nakapatong sa study table.


Tumayo ako at agad na sinagot 'yong tawag na galing kay Venny kahit na medyo inaantok pa ako.

"Hello?" sagot ko pero tanging paghikbi lang ng kausap ko at nagsisigawang tao ang naririnig ko
sa background.

Bigla akong nataranta. "Ven? A-anong n-nangyayari? B-b-bakit ka umiiyak? B-bakit ang gulo-
gulo?" Nanginginig ang boses kong tanong.

Patuloy lang siya sa paghikbi. ["Joy.... S-si Z-zero... S-si Z-zero... W-wala na si Zero."]

Chapter 39
JOY

["Joy.... S-si Z-zero... S-si Z-zero... W-wala na si Zero."]

Bigla akong nanghina sa narinig at nabagsakan ang mga luha sa aking mga mata. "H-hindi t-totoo
'yan. Ven naman e. H-huwag ka n-namang magbiro ng gan'yan. H-hindi ako n-naniniwala. K-
kasama ko lang si Zero kanina. Pano'ng w-wala na s-siya?

Hindi siya sumagot bagkus humikbi lang siya do'n. Unti-unting nawala ang pag-asa kong buhay si
Zero nang marinig kong lumakas ang sigawan at iyakan sa background. ["J-joy... I'm sorry p-pero
w-wala na talaga si Zero."]

Hindi na ako nakapagsalita dahil tuluyan na akong napaupo sa sahig. Umiyak ako ng tahimik at
tinago ang mukha ko sa mga tuhod ko. Pumasok sila mama't papa sa kwarto ko pero hindi sila
nagsalita. Napahagulgol ako nang tuluyan nang yakapin ako ni mama. "M-ma? B-bakit gano'n?
Naging m-mabuti namang k-kaibigan sa'kin si Zero, e. B-bakit gano'n ma? H-hindi ko m-
matanggap na w-wala na siya."

Niyakap pa ako ng mahigpit ni mama. "Anak, nandito lang kami ng papa mo. Anak, pasensya na
ha? Pasensya na, wala kaming magawa para pagaanin ang loob mo. Pasensya na anak," mahinang
sambit niya.

Niyakap ko pabalik si mama habang patuloy parin ako sa pag-iyak. Ilang minuto lang kaming nasa
gano'ng posisyon nang mapagdesisyunan kong tumayo at lumabas ng kwarto. Nagulat si mama't
papa sa inasal ko. "Saan ka pupunta, Joy?" Pigil sa'kin ni papa.

"Pa, kailangan kong puntahan si Zero."

"Hating gabi na. Masyado nang delikado kung pupunta ka mag-isa," alalang saad ni mama.

"Ma, pa. Please, pumunta po tayo kay Zero. Please ma, pa. Hindi ako matatahimik hangga't hindi
ko napapatunayang totoo ang lahat." Halos lumuhod na ako para lang pumayag sila.
Ilang minuto rin ang lumipas nang pumayag sila. Pinagbihis muna nila ako nang damit dahil hindi
pa pala ako nakapagbihis kanina at pagkatapos no'n ay agad naming tinungo ang hospital na ni-
send sa'kin ni Ven.

Pagkarating namin do'n ay sinalubong ako ni Venny na parehas kong namumugto na ang mata sa
kaiiyak. Sinamahan niya ako hanggang sa marating namin ang room kung saan dinala si Zero.
Nadatnan ko ang dalawang mag-asawa na sa tingin ko ay mama't papa ni Zero na naghihinagpis sa
harapan ng anak nila na tinatakpan na ng doctor ng puting tela. Napatakip ako ng bibig at muli na
namang bumuhos ang luha ko nang mapagtanto kong si Zero nga 'yon. Niyakap ako ni Venny at
paulit-ulit na pinapatahan. "Ven, a-ano b-bang nangyari? H-hindi ko maintindihan kung b-bakit
nangyari 'to. S-sabihin mo naman s-sa'kin oh."

Pinaupo niya ako saka huminga ng malalim. Nakatingin lang siya sa sahig kagaya ko. "Nalasing
sila at tanging si Van lang ang matino sa kanila kaya siya ang naghatid sa kanilang lahat. Hindi ko
alam ang buong nangyari pero sa kanilang apat, si Van lang ang ligtas at walang masyadong galos.
Samantalang nasa emergency room naman ngayon si Axon at comatose naman si Breeze dahil sa
tindi ng pangyayari at hindi alam ng doctor kung kailan sila makakarecover. Hindi ko alam kung
bakit pero ang sabi sa'kin ni Van, nawalan daw ng brake ang kotseng ginamit nila at pagkatapos
no'n wala na siyang maalala," mahabang paliwanag niya pero walang ibang pumapasok sa isip ko
kung hindi ang salitang binitawan ni Avel kanina bago ako umalis.

"I will show you what I've got. Ipapakita ko sa'yo kung paano ko pahalagahan ang mga taong
mahal ko."

"Don't try me, Joy."

Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Nasaan siya ngayon?"

"Si Van ba? Halika, samahan na kita."

"No, Ven. Ako nalang. May pag-uusapan lang kami." Ngumiti ako kahit hindi naman dapat.
"O-okay," sagot niya bago sinabi sa'kin ang room na pupuntahan ko.

Nagmadali akong pumunta do'n. Kumatok ako bago pumasok. Nadatnan ko siyang nakahiga sa
kama habang nakaupo naman sa tabi niya si Vien. Sinenyasan niyang lumabas muna si Vien nang
makita niya ako. Pumayag naman si Vien at iniwan niya kaming dalawa sa kwarto.

"Y-you're here... I-I'm sorry for what happened. H-hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na wala
palang—"

Matalim ko siyang tinignan na siyang dahilan para matigilan siya sa pagsasalita. "Ganiyan ka ba
ka-selfish na isinakripisyo mo ang tatlo mong kaibigan para sa sarili mong interest?"

"J-joy..."

"Bakit siya pa? Dapat ikaw nalang..." Madiin kong wika. Nag-uumapaw ang poot sa buong
sistema ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya 'to. Galit ako sa nangyari...

And most of all, nasasaktan ako. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Sa sobrang sakit,
wala na akong lakas pa para umiyak.

"I-It's not my fault believe me..."

"It's not your fault?!" I exclaimed, marahas kong pinahid ang luhang nagbabadyang lumabas sa
aking mga mata. "Stop acting like you're innocent! Kung hindi dahil sa'yo hindi mangyayari lahat
ng 'to! At kung hindi ikaw ang dapat sisihin... Sino? Sabihin mo! Sino?!"

I glanced at him with my furious eyes. I waited for his answer but he didn't say anything. Lalo
lang akong nakaramdam ng galit. Napayukom ako ng kamao. I cleared my throat as I turned my
back at him.

"Hindi kita mapapatawad. Kinamumuhian kita... Kahit anong gawin mo, hindi mabubura sa isip
ko ang ginawa mo. Kahit sino pang iharap mo sa'king testigo, ikaw at ikaw parin ang sisisihin ko
sa nangyari. At kahit kailan..."
"Hinding hindi na ako magkakainterest sa taong katulad mo kahit bali-baligtarin mo pa ang
mundo. Get lost..."

Chapter 40

AVEL

"Hindi kita mapapatawad. Kinamumuhian kita... Kahit anong gawin mo, hindi mabubura sa isip
ko ang ginawa mo. Kahit sino pang iharap mo sa'king testigo, ikaw at ikaw parin ang sisisihin ko
sa nangyari. At kahit kailan..."

"Hinding hindi na ako magkakainterest sa taong katulad mo kahit bali-baligtarin mo pa ang


mundo. Get lost..."

One week had passed but I still feel so guilty and hurt at the same time everytime I remember
those words who came out from her mouth. They hate me, Zero's family, Axon's family, Breeze's
family and now, Joy hates me too.

I closed my eyes as I looked down. Today is Zero's burial and I don't know how to face everybody.
I don't know what to do. I just don't.

"Kuya... huwag mo na namang sisihin ang sarili mo sa nangyari sa mga kaibigan mo. It's not your
fault." Vien said as she sat beside me.

I remained silent as I try to contain myself. She caressed my back. "Kuya, bestfriend ka ni Kuya
Zero kaya kailangan mong pumunta kahit ayaw ka nilang makita. Kailangan mo siyang makita sa
huling pagkakataon."

I glanced at her. "Tara na," she said.

Hinila niya ako patayo at inayos ang buhok ko. "Ayan, cool ka na ulit. Cheer up kuya. Huwag
kang matakot harapin sila lalo na kung alam mong wala kang kasalanan. Alam ni Lord ang
totoong nangyari kaya huwag kang mag-alala, maaayos din ang lahat."

Tuluyan niya na akong hinila palabas matapos 'yon at hindi ko na siya pinigilan pa. Kahit papaano
napapagaan ng kapatid ko ang loob ko kahit na mas bata siya sa'kin. Lagi niya akong
tinutulungan, maybe not physically but emotionally.

Si Manong Dante ang nagdrive para sa'min dahil hanggang ngayon nanginginig parin ang kamay
ko sa tuwing hahawak ako ng manibela. Bumabalik kasi sa isipan ko ang lahat ng nangyari no'ng
gabing 'yon.

Napailing ako ng ilang beses nang biglang magflash na naman sa utak ko ang senaryong 'yon. Ang
senaryong 'yon na kung saan nag-aagaw buhay ang tatlo kong kaibigan. Ang senaryong 'yon na
kahit kailan hindi ko yata makalilimutan.

Hinawakan ng mahigpit ni Vien ang kamay ko. "Kuya, kaya mo ba? Nandito na tayo."

Nagpaalam si Vien para silipin ang nangyayari do'n.

Ilang minuto din akong nakapikit lang. Minulat ko lang ang mga mata ko nang kumatok si Vien sa
bintana. "Kuya, pasensya na. Sana inaya kita nang mas maaga. Hindi na natin naabutan ang
ceremony. Tapos na, naiburol na si Kuya Zero. Pero kuya... nando'n parin si Ate Joy. Gusto mo
bang samahan kita?" alalang sabi niya.

Bumaba ako sa sasakyan. "Ako na ang bahala, Vien. I'll just call you later."

"Pero kuya... handa ka bang harapin si Ate Joy?"

"Don't worry about me, Vien. I can manage," I said as I leave.

Napahinto ako sa paglalakad nang ilang metro nalang ang layo ko mula sa puntod ng kaonigan ko.
Napalunok ako ng ilang beses nang makita ko ang kaisa-isang babaeng minahal at mamahalin ko.
Umiiyak siya habang pinagmamasdan ang puntod ni Zero.

Naglakas loob akong loob lumapit doon. Dali-dali niyang pinunasan ang mga luha niya sa pisngi.
"Anong ginagawa mo dito?" Walang bahid ng emosyong tanong niya sa'kin..

Gustung-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong galit parin siya
sa'kin. Na ako parin ang sinisisi niya sa pangyayari kaya hindi nalang ako umimik.

Dahan-dahan kong pinatong ang dala kong puting bulaklak sa puntod ni Zero. Pumikit ako at
nagflashback sa'kin ang lahat ng pinagsamahan namin simula no'ng una kaming magkakilala. Sa
loob ng dalawang taon na 'yon, iilang beses ko lang siya nakitaan ng malungkot na mukha. Lagi
siyang masaya. Tapos ngayon... wala na siya. Bakit pa kasi nangyari ang aksidenteng 'yon?
Ngayon pang maayos na sana ang lahat sa aming tatlo.

"Pinagsisisihan mo na ba ang ginawa mo kaya ka nandito?"

Yumuko ako para itago ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Ang sakit lang. "Sana nga ako
nalang talaga ang may kasalanan kung bakit siya namatay para may karapatan akong magsisi sa
nagawa ko."

Hinarap ko siya kahit nanlalabo na ang paningin ko. "Alam mo, Joy... Isa ka sa mga taong
inasahan kong maniniwala at papanigan ang side ko. Isa ka sa mga taong inaasahan ko na
ipagtatanggol ako dahil sa pagkakaakalang kilala mo na ako. Pero hindi... dahil isa ka rin pala sa
mga taong ibubunton ang lahat ng sisi sa'kin. Naiintindihan kita. Alam ko ring masakit ang
nangyari pero sana man lang inisip mo rin na kaibigan ko rin si Zero, na minsan ko ring tinuring
na kapatid. Hindi lang kayo ang nasasaktan sa pagkamatay niya, maging ako rin. Alam kong
nagkamali ako pero hinding-hindi ko magagawa sakaniya 'yon. Hindi ko kayang pumatay ng tao.
Hindi ko kayang isakripisyo ang mga kaibigan ko para lang sa pansariling interest ko."

"You just did. So, don't act anymore as if you care. Just leave, I don't want to see you anymore,"
tagos sa puso niyang wika.

Pinilit kong ngumiti para itago ang sobra-sobrang sakit na pinaparanas niya sa'kin ngayon.
"Pansariling interest? Wala akong nakuha ni anong reward sa binibintang niyo sa'kin. I cared a lot,
Joy. I care more than you think. You just don't see my worth," I said as I passed by in her right
side. "Don't worry, you'll never see me again if that's what you want. At kung sakali namang
maglapit muli ang landas natin, hayaan mo, ako na mismo ang iiwas... ako na mismo ang lalayo."

Epilogue

JOY

After six months...

Maraming nangyari. Maraming nagbago. Maraming nawala.

Nagising si Axon after two months. Samantalang si Breeze naman ay under recovery parin
hanggang ngayon pero sinabi ng doktor na maaari na rin siyang lumabas ng hospital after ng ilang
observations.

Hindi mawala sa isip ko ang mga narinig ko mula sa bibig ni Axon nang minsang dumalaw ako
sakaniya. Hanggang ngayon tumatatak parin sa isip ko lahat ng mga sinabi niya. Ang mga sinabi
niyang katotohanan na pinagsisisihan kong hindi ko pinakinggan noon mula sa taong dapat
pinagkatiwalaan ko.
"Walang kasalanan si Van. Wala siyang kinalaman sa nangyari sa'min. Pinilit namin siyang ihatid
kami kahit na sinabi niyang doon nalang kami magstay."

"Hindi niya alam ang tungkol sa dare naming tatlo. Nadamay lang siya dahil pare-parehas kaming
lasing tatlo that time. Hindi siya ang dapat na sisihin sa aksidenteng 'yon kundi kami. Wala ng
iba."

"Joy? Okay ka lang?"

"Ha?"

"Sabi ko, okay ka lang? Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot."

"Uhm... sorry, may iniisip lang kasi ako."

Napailing si Dianne sa inasal ko. Pareho kasi kaming nasa office ngayon. "Alam mo... huwag
mong masyadong isipin 'yang mga problemang 'yan. Ma-s-stress ka lang. Lalo na ngayon, fourth
year na tayo."

Umalis siya sa harapan ko at hinarap ang mga documents na nasa harap ng table niya. Siya na kasi
ang pumalit kay Zero bilang Chief Editor simula nang mawala ito.

Nagbuga ako ng malalim na hininga. Fourth year na nga kami. Isang taon nalang, ga-graduate na
ako. Makakatulong na ako kila mama't papa.

Dapat masaya ako ngayon. Dapat may ngiti sa labi ko pero hindi ko magawa. Lalong lalo na't
nararamdaman kong may kulang. Wala na akong balita tungkol sakaniya. Hindi na siya nagpakita
pagkatapos ng burol ni Zero. Pagkatapos niyang sabihing hindi na siya magpapakita sa'kin kahit
kailan.

I tried searching his account but I can't find him. I always make a way to talk with Venny to ask
about him but she's always busy. I went also in their house but no one is there. I want to say sorry.
I want to correct all mistakes but I was never given the chance.

Kung sabagay, ako rin naman hindi ko siya pinakinggan noon. Ang dami kong sinabing masasakit
na salita sakaniya. Ako rin mismo ang nagtaboy sakaniya palayo. Ako ang may dahilan kung bakit
wala na siya ngayon sa tabi ko. Kaya lang, sobrang miss ko na talaga siya. Araw-araw kong
pinagsisisihan ang mga ginawa ko. Kailan ko ba siya ulit makikita?

Kinuha ko lahat ng gamit ko at nagpaalam kay Diane nang makareceive ako ng text galing kay
papa. Lumabas ako ng campus at agad na sumakay sa dalang kotse ni papa.

"How's your day?" tanong niya habang ikinakabit ko ang seatbelt ko.

"Ayos lang po, pa," tipid kong sagot.

Hindi na siya nagsalita pa bagkus tahimik lang niyang pinaandar ang makina ng kotse niya.

Pumikit nalang ako. How I missed those days. Sana mangyari pa ulit ang mga 'yon. Yung mga
panahong kasama ko pa sila. Yung mga panahong kumpleto pa kami. Yung mga panahong
pinapahalagahan niya pa ako. Yung mga panahong ipinaparamdam niya sa'king spesyal ako. Yung
mga panahong ipinagtatanggol niya ako. Yung mga panahong inaalagaan niya ako. Yung mga
panahong sinasabi niyang mahal niya ako.

Gusto kong maulit ang mga panahong iyon pero habang tumatagal lalo lang akong nawawalan ng
pag-asa. Those memories are already part of my past but I can't move forward. I just can't because
I'm already trapped with those.

Sana dumating pa yung araw na magkita ulit kami. Sana mapatawad niya ako. Sana... ako parin
ang mahal niya.

I know, I let him go and I want to slap my face because of that. Without him... Without Avel Van
Flaminiano, I feel so incomplete. I realized that all things had changed when he popped up in my
life. I learned a lot of things. And now that he's not already at my side, I need to face all the
consequences by myself. Pero ipinapangako ko sa sarili ko na hihintayin ko siya. Hihintayin ko
siya hanggang sa pagbabalik niya. At kapag nangyari 'yon... babawi ako. Kahit hindi na ako ang
tinitibok ng puso niya, mamahalin ko parin siya. Mamahalin ko parin siya hanggang sa mapagod
ako. Mamahalin ko siya kahit na Zero Interest na ang tingin niya sa'kin.

Till we meet again, Avel...

You might also like