You are on page 1of 13

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino II

Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon

Angeles University Foundation, Angeles City

I. LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng talakayan ay ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nailalahad ang pagkakaiba ng salitang may at mayroon sa wastong kalagayan;

Nakasusulat ng isang editoryal na may mga pangungusap gamit ang salitang may at
mayroon;

Naipapahayag ang kanilang mga pahayag o kasagutan gamit ang mga salitang may at
mayroon;

Nakabubuo ng isang repleksyon tungkol sa isang isyu na naayon sa paksang tinalakay


(salitang may at mayroon);

Naisasagawa ang takdang-aralin sa pamamagitan ng pagdudula at pag-aawit batay sa


tinalakay na paksa.

II. PAKSA: Ang wastong gamit ng may at mayroon.

III. KAGAMITAN:

Cartolina

Laptop

Projector

Larawan

Sipi ng Dula-dulaan

IV. PROSESO NG PAGKATUTO


GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

PAGGANYAK

Magandang Umaga! Magandang umaga din po!

Alam ba ninyo kung ano ang dula-dulaan?

Sino ang makapagbibigay ng kahulugan ng


dula-dulaan klas?

Sige nga, Wharren?


Ito po ay isang uri ng panitikan na ang
Tama! pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.

Sino pa ang may ibang kasagutan?

Yes, Heloiza, ibahagi mo ga ang iyong


nalalaman ukol sa dula-dulaan?
Ito rin po ay nahahati sa ilang yugto at ang
bawat yugto'y maraming tagpo.
Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan
ng mga tauhan.

Okay, tama ang inyong ibinigay na


kasagutan.

Ako’y may inihandang dula-dulaan na


kinapapalooban ng diyalogo ng mga iba’t-
ibang tauhan.
Ang bawat isa sa inyo ay aatasan kong
magbasa batay sa tauhang nakaatas sa
kanila. Pagkatapos ay may mga katanungan
akong ibibigay sa inyo. Opo, Ma’am.

PAGHAWI NG BALAKID

Bago natin basahin ang dula ay atin


munang bigyang linaw ang mga bagong
talasalitaan upang lalong maintindihan ang
mga ito. Malinaw ba iyon klas?
Opo, Ma’am.

Ann, basahin ang unang pangungusap.

Tumutugtog ang kampana.


Ang ibig sabihin ng kampana ay?
Ang ibig sabihin po ng salitang kampana ay
Tama! isang instrumentong lumiklikha ng tunog o
mas kilala sa katawagang “bell” sa ingles.

Jessica, pakibasa ang pangalawang


pangungusap. “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”

Ano ang ibig sabihin ng salitang kalsada?

Tama! Ang ibig sabihin po ng salitang kalsada ay ang


daanan ng mga sasakyan.

Glenda, pakibasa ang ikatlong


pangungusap.
“Mayroon akong puto at kutsinta.”
Ano ang ibig sabihin ng salitang kutsinta?
Ang ibig sabihin po ng salitang kutsinta ay
Tama! isang uri ng malagkit na puto.
Heloiza, pakibasa ang ikaapat na
pangungusap. “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.”

Ano ang ibig sabihin ng salitang kaawaan?

Tama! Ang ibig sabihin po ng salitang kaawaan ay


ang pagbibigay basbas o blessing sa isang tao.

Wharren, pakibasa ang ikalimang


pangungusap. “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto
ko.”
Ano ang ibig sabihin ng salitang salu-salu?
Ang ibig sabihin po ng salitang salu-salo ay
Tama!
marami o iba’t-iba.

Mark, pakibasa ang huling pangungusap.

Ano ang ibig sabihin ng salitang Noche Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa
Buena? Noche Buena.”

Tama!
Ang ibig sabihin po ng salitang Noche Buena ay
ang araw bago sumapit ang pasko.

Ngayon klas, maaari niyo ng basahin at


isadula ang ibinigay kong halimbawa ng
dula-dulaan batay sa iniatas kong tauhan.

Lolo at Lola- gagananap ay si Wharren

Ninang at Ninong- gaganap ay si Mark

Tatay at Nanay- gaganap ay si Heloiza

Mga Anak- gaganap ay sina Ann at Glenda

Tagapagsalaysay- gaganap ay si Jessica.

PASKO - Dula-dulaan
Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)

(Naghahanda ang mag-anak papunta sa


simbahan. Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: “Dalian ninyo mga anak.


Mayroon nang misa ngayon baka mahuli
tayo.”

Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko


makita ang sapatos ko.”

Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”

Anak 4: “Ako rin po.”

Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo


sa labas ng bahay, mga anak.”

Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa


kalsada at may dumaraang mabibilis na
sasakyan doon.”

(Lalakad ang mag-anak papuntang


simbahan.)

Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos
ang misa)

(May tindera at may tugtuging


pamasko.)

Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa


inyo, mga anak.”

Mga Anak: (Magmano) “Maligayang


Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.”

(May mararaanang mga tindera ang


mga bata paglabas ng simbahan.)

Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”

Tindera 1: “Mayroon akong puto at


kutsinta.”

Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng


puto.”

Anak 2: “Mayroon ba kayong suman?”

Tindera 2: “May tinda akong suman,


anak. Ilan ba ang gusto mo?”

Anak 2: “Dalawa po.”

Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako


kakain sapagkat mayroon silang
inihanda, Ate. Hindi pa naman ako
gutom.”

Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si


Lola, marasap pa!”

Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola.


Hinihintay nila tayo.”

Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina


Lolo at Lola.)

Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo


mga anak.”

Tilon

Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at
Lola)

Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po,


Lola.”

Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos,


mga anak.”

(Nanay at Tatay – magmamano rin)

Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)

Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po,


Ninang.”

Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng


Diyos.”

Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng


amoy ng luto ninyo!”

Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat


ng niluto ko.”

Lolo: “Halina na kayo, mga anak.


Nakahanda na ang mga pagkain natin
para sa Noche Buena.”

Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”

Anak 4: “Sabi ko na inyo eh,


maraming niluto si Lola, at mayroon
pang masarap na pagkain.”

(Matapos kumain - Hahaplusin ang


tiyan sa busog at magkukuwentuhan)

Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging


Pasko araw-araw para narito tayong lagi
kina Lolo at Lola.”

Magaling ang pagbabasa mga anak! Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po
kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa
inyo at Manigong Bagong Taon sa
lahat.”

Nanay at Tatay: “Maraning salamat po


sa handa ninyong mga pagkain. Busog
PAGLALAHAD na busog po kaming lahat.”

Okay ating babalikan ang dula klas. Buong Mag-anak: (Muling mag-
mamano kasabay ang pagpapaalam.)
Anong okasyon mayroon at ganoon na “Paalam na po.” “Mamasko pa po kami
lamang ang pagmamadali ng mag-anak? sa ibang kamag-anak natin pagkagising
sa umaga.”

Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa


daan.”
Yes, Ann?
Tilon
Tama!
Anong dahilan kung bakit kailangang mag-
ingat sa kanilang paglalakad ang mga bata?

Sige nga Wharren?

Mayroon pong misa kaya nagmamadali ang


Tama! mag-anak.

Pagkalabas nila sa simbahan, ano ang


kanilang nakita?

Sige nga Mark?

Dahil may dumaraang mabibilis na sasakyan doon.


Magaling!

Anong paninda mayroon ang tindera?

Ano ang iyong kasagutan Glenda?

May tindera at may tugtuging pamasko.


Tama! May mararaanang mga tindera ang mga bata
paglabas ng simbahan.

Ano pa ang hinahanap na pagkain ng


panganay na anak?

Yes, Heloiza?

Tama!

“Mayroon siyang puto at kutsinta.”


Ano naman ang isinagot ng tindera sa
kanya?
“Mayroon ba siyang tindang suman?”
Yes, Jessica?

Tama!

Ano ang dahilan kung bakit gusto niyang


kumain sa bahay ng kanyang Lolo’t Lola?

YES, Mark?

Tama!

“May tinda akong suman, anak. Ilan ba ang gusto


Ngayon klas, batay sa mga ibinigay ninyong mo?”
mga kasagutan na isinulat ko sa pisara ay
atin muna itong basahin muli. Malinaw ba
iyon klas?

Sapagkat mayroon silang inihanda.

HANAY A HANAY B

Ano ang napansin ninyo sa mga


pangungusap na binasa?
Sige Wharren?

1. Mayroon 1. Dahil may


pong misa dumaraang
kaya mabibilis na
nagmamadali sasakyan doon.
ang mag-anak.
2. May tindera at
Tama! may tugtuging
2. “Mayroon
pamasko.
siyang puto at May
kutsinta.” mararaanang
PAGHAHAMBING/PAGHALAW mga tindera
3. “Mayroon ba ang mga bata
Sa pagpapahayag ng inyong mga kasagutan siyang tindang paglabas ng
o pahayag ay gumamit kayo ng mga salita suman?”. simbahan.
na nagsisimula sa salitang may at Sapagkat
4. 3. “May tinda
mayroon. Hahatiin ko kayo sa dalawang mayroon akong suman,
pangkat upang suriin ang nakasulat sa silang anak. Ilan ba
bawat hanay Hanay A (GROUP 1) at Hanay inihanda. ang gusto mo?”
B (GROUP 2). At baway miyembro ng grupo
ay kinakailangang sumagot. Makinig
kayong mabuti.

Katanungan para sa unang grupo. Ano ang


napansin sa mga unang salita ng
pangungusap na nasa Hanay A?

Sagutin nyo nga (GROUP 1)?

Tama!
Batay po sa aking sariling pagpapahayag ng
aking kasagutan, ang nasa hanay A po ay
ginamitan ng salitang may samantalang ang
nasa hanay B ay ginamitan ng salitang
mayroon.

Ano naman ang mga salitang sinundan ng


mayroon?
Sagutin nyo nga (GROUP 1)?

Tama!

Anong bahagi ng pananalita ang mga ito?

Sagutin nyo nga (GROUP 1)? Opo, Ma’am.

Magaling!

Katanungan para sa ikalawang grupo. Ano


ang napansin sa mga unang salita ng
Ito po ay nagsisimula sa salitang mayroon.
pangungusap na nasa Hanay A?

Sagutin nyo nga (GROUP 2)?

Tama!

Ano naman ang mga salitang sinundan ng


mayroon?

Sagutin nyo nga (GROUP 2)?

Tama!

Ang mga salitang sinundan ng mayroon ay


pong, siyang, at silang.

Anong bahagi ng pananalita ang mga ito?


Sagutin nyo nga (GROUP 2)?

Ang salitang po ay isang kataga. Samantalang


mga salitang siya at sila ay panghalip na
Magaling!
panao.

PAGLALAHAT

Batay sa inyong mga kasagutan ano ang


wastong gamit ng salitang mayroon?

Yes, Wharren?
Ito po ay nagsisimula sa salitang may.

Tama!

Ano naman ang wastong gamit ng salitang


may? Ang mga salitang sinundan ng may ay
dumaraan, tindera, mararaanan, at tinda.
Yes, Jessica?

Tama!

Ang salitang dumaraan at mararaanan ay mga


pandiwa. Samantala ang mga salitang tindera
at tinda ay pangngalan
PAGGAMIT/ EBALWASYON

Upang lubos niyong maunawaan ang Ang mayroon ay ginagamit kung ang sumusunod
wastong gamit ng salitang may at na salita ay isang kataga, panghalip na panao
mayroon, kayo’y aatasang kung sumulat ng (personal pronoun) o pamatlig at pang-abay na
isang editoryal. Nasa inyo kung anong panlunan (adverb of place.
paksa ang inyong nais, kailangan lamang
ito ay naglalaman ng mga wastong
paggamit ng salitang may at mayroon.

TAKDANG-ARALIN

Sa isang buong papel, sumulat ng isang May ang ginagamit kung ang sumusunod na salita
repleksyon tungkol sa isyu na napanood ay pangngalan, pang-uri, pandiwa at pang-abay.
ninyo sa telebisyon o kaya’y internet gamit
ang wastong gamit ng salitang may at
mayroon. Itala kung anong petsa ninyo
napanood, ano ang paksa o isyu at ang
inyong reaksyon.

At sa susunod nating pagkikita ay


irepresenta ang isinagawang repleksyon sa
pamamagitan ng pagsasadula kalakip nito
ang paglalapat ng pagkilos, iba’t-ibang
emosyon at pagsasaawit dito.

You might also like