You are on page 1of 1

Sa taong laging gumagabay, umaalalay, at sumusubaybay sa lahat-lahat.

Isang salita: Salamat.

Nagsilbing mundo at tahanan kung saan nagsimula

Humulma ng pagkatao at nagbigay kasihayang naiiba

Kasiyahang nagpatibay at nagbigay ng pundasyon

Namulat, nagkaisip sa mundong puno ng emosyon

Sariliý natutong i-angkop at tumugon sa mga hamon

Katuwang kita sa lahat ng sakit na dinaranas

Mga hirap na nagpahina at wariý walang lunas

Ngunit nandyan ka sa tabi at pinakinggan bawat bigkas

Problema ay lumihis at tumungo sa tamang landas

Mga yakap moý nagpanatili ng tatag at lakas

Di maiiwasan sariliý mapupuno ng pangamba

Nanaig ang lungkot at aasaming muling lumigaya

Isang tawag moý tumigil ang pagpugto ng mga mata

Payo na muling nagpanatili ng lakas at suporta

“Iiyak mo sa una’t, ituloy ang laban”, iyong wika

Lumilipas mga araw sarilý walang katatagan

Mga boses na nagsasabing patuloy na pakinggan

Negatibo man o positibo ang kahaharapan,

Patuloy na kumilos at kumapit sa iyong nasimulan

Mga wika mong nagpapanatag at nagbibigay gaan

Asahang lahat ng hirap, magbibigay tibay at patunay

Para sa taong gumabay, umalalay, at sumubaybay

Para sa pinakamamahal na inay

Muli, salamat.

You might also like