You are on page 1of 2

Shena E.

Sabando Abril 4, 2019

GED0105/ SEC-44 M/TH (12:00 – 1:30)

WIKA AT POLITIKA

Ang unang akdang aking binasa ay pinamagatang “Ang Wikang Filipino ay Wika ng

Pagbabago: Ang Wikang Filipino sa Pamahalaan”, sinasabi rito na sa Wikang Filipino

binibigyang-tinig ang iba’t-ibang emosyon tulad ng kaligayahan, kapanglawan, kasuklaman, pag-

asa at pangarap ng ating mga kapwa Pilipino at nasabi rin na sa pamamagitan ng Wikang Filipino,

ang lahat ng Mamamayan ng bansa ay tunay na bukas tengang iniintindi ang mga isinisiwalat na

salita ng mga Namumuno sa Pamahalaan. Kailangan din na dapat lahat ng opisyal na transaksyon,

komunikasyon at korespondisya ay isinasagawa sa Wikang Filipino upang alam ng mga

Mamamayan ang nangyayari sa loob ng Gobyerno. Mahalaga din na Wikang Filipino ang

ginagamit sa Hudikatura upang maintindihan ng mga partido ay mga nangyayari at naging batayan

ng desisyon sa korte. Sa Pamahalaang Lokal naman, sinasabi na ito ang unang hanay ng Gobyerno

kung kaya’t mahalaga na mayroong maayos na pagkakaunawaan ang mga tao upang sila’y maayos

na makalahad kung ano ang kanilang saloobin at problema, sa kabilang panig naman ay para sila’y

maka bigay ng taos-puso nilang serbisyo at maaksyunan agad ang problemang kinakaharap.

Nasasaad din sa basahin ito na ang Pambansang Wika ay isang buhay at malayang

tigapagpalaganap ng ating pagkamakabayan.

“Ang Wikang Filipino Sa Politika at Batas” naman ang pamagat ng ikalawang babasahin,

nakasaad dito na ang wika ay isang instrumento upang mapukaw,magamit at baguhin ang isip ng

mga Mamamayan. Sinabi din dito na karamihan sa mga intelektuwal, sikat at matataas na tao ay

hindi sanay sa pag gamit ng Wikang Filipino at mayroong kakulangan sa mga aklat at tekstong
babasahin na nakasulat sa Wikang Filipino. Ayon sa rekomendasyon ng may akda, Sa Politika,

Wikang Filipino ang instrument, samantalang sa Batas ay Wikang Ingles ang gamit.

Sanaysay na may paksang – ‘Nasyonalisasyon ng Kultura, Pulitika at Ekonomya: Ang

Paglalakbay ng Wikang Filipino at Bansang Pilipinas Tungo sa Paglinang ng Adhikaing

Pilipinismo at Pagpapalaya” naman ang napagdesisyonan kong huling basahin. Nasabi naman sa

sanaysay na ito na hindi sapat ang pag-gamit lamang ng Wikang Filipino at kailangan gumawa ng

masinsinang mekanismo na magpapatibay sa adhikaing Pilipino at magpapalakas ng pundasyon

ng ating pagka-Pilipino upang magkaroon ng tuluyang pagkakaunawaan at pagbubuklod nga

bawat Mamamayan.

Makikita nga na malaki ang ginagampanan ng Wikang Filipino sa ating Politika at lalong

lalo na sa ating Bansa, dahil dito ay mayroon malinaw na daluyan ang bawat Mamamayan at mga

tiga Pamahala ng Bansa, mainam din na ang Wikang Pambansa ang ginagamit na opisyal na Wika

sa Gobyerno upang mulat at may kamalayan ang bawat mamamayan sa mga nangyayari sa ating

Pamahalaan.

You might also like