You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

BONFAL NATIONAL HIGH SCHOOL


Bayombong, Nueva Vizcaya

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Second Quarter Examinations
SY 2018 - 2019

Name: ________________________________________Section: _______________ Date: _______________

I. ISIP AT KILOS LOOB. Isulat sa patlang ang letra ng iyong sagot.


_________1. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
B. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
C. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
D. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang
tunay na tunguhin
_________2. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit.
Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging
sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw na nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon
na ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang pagkakamali.
C. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit
_________3. Ang mga sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:
A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
_________4. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. mag-isip C. magpasya
B. umunawa D. magtimbang ng esensya ng mga bagay
_________5. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________
A. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
C. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
_________6. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
B. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
C. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging malusog at makaramdam.
D. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
_________7. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang ________________.
A. kabutihan B. kaalaman C. katotohanan D. karunungan
_________8. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
__________9. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
B. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
C. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
D. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip
__________10. Ang tao ay may tungkuling _________________________, ang isip at kilos loob.
a. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
b. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
c. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
d. Wala sa nabanggit
1
II. ANG KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS NA BATAS MORAL.
A. Isulat sa patlang ang letra ng iyong sagot.
__________1. Lumaki si John LLyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip.
Nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tukso ng gumawa ng
masama. Dahil dito madalas siyang sumasangguni sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya
ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni
John Lloyd.
A. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya
B. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agamagam.
C. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa
tamang alituntunin
D. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa pagkilala sa mabuti at
masama.
__________2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
C. Makakamit ng tao ang kabanalan
D. Wala sa nabanggit
__________3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
__________4. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam
niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera.
Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
A. Tamang konsensya C. Maling konsensya
B. Purong konsensya D. Mabuting konsensya
__________5. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang
tinutukoy sa pangungusap?
A. Obhektibo C. Walang hanggan
B. Unibersal D. di nagbabago
__________6. Maaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
C. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay
D. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa pagkilala
ng tama.
_________7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
A. Mapalalaganap ang kabutihan
B. Makakamit ng tao ang tagumpay
C. Maabot ng tao ang kanyang kaganapan
D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
_________8. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng
pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:
A. Obhektibo C. walang hanggan
B. Unibersal D. di nagbabago
_________9. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:
A. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.
B. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan.
C. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o
nagawa nang di-maayos o mali.
D. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya
ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.

2
_________10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas
nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung
kaya lumalaki na ang negosyo na ito at marami ang natutulungan. Ang sitwasyon na ito ay nagpapatunay na:
A. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa
ng kilos.
B. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama.
C. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas nakararami.
D. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.

B. Isulat kung TAMA o MALI ang Uri ng Konsensyang ginamit ng tao sa mga sumusunod na pangyayari.

___________1. Pagtago ng sukli ng ina para may pang-kompyuter pagkatapos ng eskwela.


___________2. Pagbabalik ng sobrang sukli ng matandang tindera.
___________3. Pagkuha ng naiwang gamit ng kaklaseng at pagtago nito.
___________4. Pag-amin na ikaw ang totoong nakabasag ng paso.
___________5. Pagkopya sa katabi tuwing test dahil hindi ka nakapagaral.
___________6. Pagsisinungaling sa ama para maiwasang mapagalitan.
___________7. Pagdura sa nilulutong pagkain dahil gusto mong gumanti sa malupit na tagapagalaga.
___________8. Pagsuntok sa kaaway bilang ganti sa mga hindi magagandang sinasabi niya tungkol sayo.
___________9. Hindi pagbayad sa jeep dahil hindi naman napansin ng driver.
___________10. Pagkuha ng pagkain sa tindahan ng lola na hindi nagpapaalam.

III. KALAYAAN. Isulat ang A kung ang Gawain ay nagpapakita ng Kalayaan at B kung ito ay nagpapakita ng Kawalan
ng Kalayaan.
___________1. Paginom ng alak __________6. Pakikipagaway
___________2. Paggawa ng gawaing bahay __________7. Pag-aaral ng leksyon
___________3. Pakikipagrelasyon ng maaga __________8. Paninigarilyo
___________4. Bayanihan __________9. Pagtulong sa iba
___________5. Pagtakas sa paaralan tuwing oras ng pag-aaral __________10. Pagnanakaw

IV. DIGNIDAD. Hanapin ang salitang naiiba, kung walang naiibang salita, isulat ang E. Isulat sa patlang ang letra ng
sagot.
________________1. A. mapagmahal B. magalang C. mapagkunwari D. mapagpahalaga
________________2. A. pulubi B. maykapansanan C. estudyante D. ulila
________________3. A. pagmamahal B. kayamanan C. “power” D. impluwensiya
________________4. A. biyaya B. pagmamahal C. pagpapahalaga D. pagpapabaya
________________5. A. guro B. magnanakaw C. inhinyero D. negosyante
________________6. A. “pills” B. shabu C. marijuana D. rugby
________________7. A. magnanakaw B. mamamatay-tao C. “prostitute” D. “pusher”
________________8. A. dignidad B. dignus C. digu D. dignitas
________________9. A. Babaylan B. Yahweh C. Buddha D. Allah
________________10. A. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na
tumatanda na
B. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng
kanyang tulong
C. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba

Prepared by: Checked by:

GRADE 7 ESP TEACHERS PERLITA J. TAN, Ph D.


Head Teacher III

You might also like