You are on page 1of 1

Masaya na ako no’ng mga panahong wala ka,

Ayos na ako nang ‘di mo na ako ginulo pa,

Nakaahon na ako mula sa pagkakadapa,

Ang mga sugat ay unti-unti ng nawawala.

Pero heto ka nanaman, bumabalik,

Kunwari sa aki’y ikaw ay sabik.

Pinaalala ang mga sakit ng nakaraan,

Hindi ko na alam kung paano pa ito kakalimutan.

Huwag ka namang makasarili,

Hirap na akong intindihin ang iyong ugali.

Huwag manatili kung ika’y nawiwili,

At mang-iiwan kung may pagkakamali.

You might also like