You are on page 1of 2

"Buwan ng Nutrisyon, Buwan ng Pagmomove-on"

Ni Rajan Ram Mamadra

Sabi ko sa'yo nun


"Beh, you are the APPLE of my eye."
Sagot mo naman sa akin
Na ako ang MARANG, LANGKA at DURIAN ng iyong buhay.
Wow ha? Yung lahat talaga ng may amoy?
Pakainin kaya kita ng PAKO?
Total mas napako ka naman dito sa mukha ko
Na bako-bako
At hindi sa mga pangako ko
Na kahit kailan walang napako.
Yung mukha ko na hindi gwapo
Pero kahit kailan hindi ka ginago.

Naalala mo ba yung pick-up line ko sa'yo?


"Beh, PATOLA ka ba? Patolan mo naman ako."
Na sinagot mo naman ng isa pang pick-up line
Ang tanong mo ay kung KAMOTE ako?
Mukha kase akong lamang lupa, sabi mo.

PAPAYA. Para sa tulad kong paulit-ulit na umasa.


SINGKAMAS. Para sa tulad kong ipinagpalit sa mas may itsura.
PATATAS. Para sa tulad kong hindi minahal nang patas.
MANGGA. Manggagamit ka!
UPO. Opo, pumayag akong mabalewala.
MALUNGGAY. Ginawa kase kita buhay.
LINGA, LUYA, SILING HABA. Pinakita ko naman sayo ang haba. Ang haba ng aking pasensya.
MANI. Gusto ko rin sanang makita ang iyong mani.. Maningning na ngiti habang sabay sana
nating hinihintay ang takipsilim na magkaakbay sa punong may lilim nang walang anumang lihim.

Kaso, para kang OKRA. Sa simula lang OK.


Para kang MUSTASA na ang ending ay ASA.
Talaga nga palang may mga bagay na TALONG.
Na umpisa pa lang talo na.

PAMINTANG DUROG bilang dinurog mo rin naman ang puso ko.


BAWANG to dati e.
Buo naman talaga, dinurog mo lang nang walang awa.
PEANUT ka, peanutibok mo ang puso ko.
Pero MUSHROOM ka.
Sumulpot sa buhay ko, pero bigla ring nawala.
AMPALAYA ka, na kahit anong pait mo
Ikaw pa rin ang sustansya ng puso ko.

Kaya nga kahit hindi ako kumain ng KALABASA


E ang linaw linaw ng mata ko.
Yung malayo ka pa lang
Ay tanaw na tanaw ko na ang iyong ganda.
Kaso malabo ka.

Sobrang labo mo.


Sobrang labo yung patuloy na nagmamahal ang kilo ng karne.
Pero buti pa nga yun, nagmamahal.
Pero hindi nasasaktan.
Subukan mo kayang kumain ng KALABASA?
Para luminaw rin ang iyong mata.
At makita mo ang kahalagahan ko.

Para makita mo
Na ang pag-ibig ko sa iyo
Ay parang prutas at gulay sa bahay kubo
Na hindi lang pampahaba ng buhay..
Kundi panghabang-buhay.

Pero siguro ito na ang panahon para magmove-on.


Naisip ko kase na itong pagmomove-on
Ay parang pagdadiet..
Na kailangan paghirapan para sa huli hindi ka masaktan.

Kase buti pa ang gulay, may lasa.


Ikaw laging paasa.
Buti pa ang prutas, makatas.
Ikaw walang lakas..
Walang lakas na lumaban.

Bago ka tapusin ang tulang ito


Ay itaga mo to sa bato
Habang kumakain ng KANGKONG na adobo
Na para akong SIBUYAS
Yung ikaw ang humiwa
Pero sa huli, ikaw rin ang luluha.

#SpokenPoetry

You might also like