You are on page 1of 1

Ellen P.

Catle October 23, 2018

G11-STEM

KARAHASAN LABAN SA KATOTOHANAN

Walang habas na pagpatay. Walang pakundangang panggagahasa. Pagbebenta at


paggamit ng ilegal na droga. At mga karumaldumal na krimen na umiiral sa ating bansa.
Solusyon nga ba ang parusang kamatayan sa tumataas na kriminalidad? Tama bang pagkuha ng
kanilang buhay ang maging kapalit sa mga nagawa nilang kasalanan? Wala nga ba silang
karapatang magbago at ayusin ang kanilang buhay? Parusang kamatayan ba ang
makapagpababa ng kriminalidad sa ating bansa?

Death penalty o parusang kamatayan isa itong pambayad kasalanan noon na kumitil ng
hindi mabilang na napatunayang nagkasala sa ating batas.Isang kabayaran na ang hinihinging
kapalit ay ang sariling buhay.Matatandaan natin na ito ay ipinawalang bisa bilang isang parusa,
kasabay rin nito ang biglaang paglaki ng kriminalidad sa ating bansa. Kung ating iisipin ang
pagsasabatas nito ay makatutulong upang mapababa ang lebel ng kriminalidad sa ating bansa.

Ganoon pa man ang parusang kamatayan ay hindi kayang hadlangan ang mga tao mula
sa paggawa ng mga krimen. Ang mga tao ay papatay pa rin at magnanakaw kung ang mga sanhi
at ugat kung bakit ang mga krimeng ito ay hindi direktang natugunan tulad ng kakulangan sa
edukasyon, at katiwalian sa gobyerno. Sa madaling salita kahit kaylan hinding hindi magiging
sagot ang death penalty sa kriminalidad, ang dapat pagtuonan ng pansin ay ang kahirapan
,edukasyon,at ang pangungurakot sa ating gobyerno. Dahil kong ito ay mabibigyan ng atensyon
wala ng mga tao ang gagawa ng mga krimen,bakit ba sila nakakagawa ng krimen? Natural dahil
wala silang pera,wala silang pinag aralan,wala silang sapat na kaalaman para kumita ng
pera,dahil sa mababang edukasyon sa ating bansa.Kung lahat ng yan ay masosolusyonan ng
ating gobyerno hindi kaylangan pang ibalik ang death penalty.Dahil ang diyos ang nagbigay sa
atin ng buhay at siya lang din ang may karapatang bawiin ito.

You might also like