You are on page 1of 1

Baking Soda: Mura At Mabisa Pa!

Payo ni Doc Willie Ong (Share and TAG a friend)


Ang ordinaryong baking soda na mabibili sa mga supermarkets ay mabisang solusyon para sa ating
problema sa balat, buhok at katawan.
Ang baking soda ay tinatawag na sodium bicarbonate. Isa itong alkaline substance na kumokontra
sa mga acidic na kemikal. Heto ang iilan lamang sa gamit nito:
1. Bilang toothpaste. Kung wala kayong pambili ng toothpaste, gumamit na lang ng baking soda bilang
toothpaste. Medyo maalat lang po. Puwede mo ring lagyan ng konting baking soda ang iyong toothpaste. Dahil
maganit ang texture ng baking soda, natatanggal nito ang dumi at napapaputi ang ngipin.
2. Bilang mouthwash. Para maging mabango ang iyong hininga, maghalo ng 1 kutsaritang baking soda sa
kalahating baso ng tubig. Imumog ito sa bibig na parang mouthwash.
3. Panlinis ng mga pustiso, retainers at mouth guards. Epektibong panlinis ng pustiso ang baking soda.
Subukan ito.
4. Gamot sa bungang araw at kagat ng insekto. Ayon sa tanyag na Mayo Clinic, mabisa ang baking soda para
sa mga kati-kati sa balat. Gumawa ng isang baking soda “cream” sa pamamagitan ng paghalo ng 3 kutsaritang
baking soda at 1 kutsaritang tubig. Ilagay itong cream sa apektadong balat. Habang natutuyo ang cream,
hinihigup nito ang “kamandag” ng insekto at mababawasan ang kati.
5. Para sa sunburn. Mabisa ang baking soda sa pag-alis ng kirot ng sunburn. Maghalo ng 2 kutsarang baking
soda at 2 basong tubig. Ilubog ang tuwalya dito at itapal sa iyong sunburn. Puwede ka ring maglublub sa isang
bathtub ng baking soda. Maghalo ng isang tasang baking soda sa mainit na tubig sa bathtub. Magbabad ng 20-
30 minutos.
6. Para sa buhok. Para manumbalik ang kintab ng iyong buhok, maglagay ng 1 kutsaritang baking soda sa 1
sachet ng shampoo. Ihalo ito at gamitin na parang regular na shampoo. Banlawan ang buhok maigi.
Isa pang tip: Kung ika’y nagmamadali at hindi pa nag-shampoo, maglagay ng konting baking soda sa iyong
buhok at suklayin ito. Puwede mong gamitan ng hair dryer para may “body” ang iyong buhok.
7. Panlinis ng mukha. Kung gusto mo ng panlinis ng mukha (parang facial), maglagay ng baking soda sa tubig
sa palanggana. Maghilamos dito para matanggal ang dead skin cells. Kikinis ang iyong mukha.
May isa pang natural na facial. Maghalo ng 2 kutsaritang oatmeal (piliin ang pino), 1 kutsaritang baking soda,
1 kutsaritang honey, at konting tubig para makagawa ng isang madikit na solusyon (parang paste). Itapal ito sa
mukha at hayaan ng 15 minutos. Maghilamos at tingnan ang iyong mukha sa salamin. Wow, gumanda ka na.
Mabibili ang baking soda sa supermarket.

You might also like