You are on page 1of 84

"Break the Cassanova's Heart" Operation

Special Chapter
New Love

Setting: ?After Naomi got into an accident

***

Chapter 1

*Sana ako na lang*

[Jeanell's POV]

"I'm sorry"

Halos madurog ang puso ko ng marinig ko ang mga salitang yun na lumabas sa
bibig niya. Expected ko na naman na ganito ang mangyayari eh. After all
pagpapanggap lang naman lahat ang namamagitan saamin.

Masakit? Oo! Sh1t lang masakit talaga! Pero may karapatan ba akong mag
reklamo? May karapatan ba akong magalit? Una pa lang naman eh ako na ang nag
pumilit na mag panggap kami. Nakita ko kung paano siya umiyak at masaktan ng
pakawalan niya si Naomi. Nakita ko kung gaano niya minahal ang babaeng yun.
Kahit na pinakawalan na niya ito, natatakot parin siya na baka hindi maging
masaya si Naomi dahil sa kanya. Na baka makonsensya si Naomi sa pag iwan niya
kay Drew. Sabi ko sa kanya, magpanggap kaming dalawa na nagkakamabutihan na.
Nung una ayaw niyang pumayag kasi alam niya ang nararamdaman ko para sa
kanya. Ayaw niyang gamitin ako at gawing panakip butas. Hindi niya gustong
masaktan ako pero pinagpilitan ko parin hanggang sa napapayag ko siya.

Oo alam ko masasaktan ako pero ginawa ko yun dahil ayoko ng makitang mag-
alala pa si Drew.

Ang masokista ko ba?

Hindi, sadyang mahal ko lang talaga si Drew. Mahal na mahal.

"Jeanell, Im really really sorry i-it's just that—"

"—hindi mo ko kayang mahalin" pagtutuloy ko sa sinabi niya

"I'm really sorry" sabi saakin ni Drew sabay iwas ng tingin niya saakin.
It's been a week eversince naaksidente si Naomi. Alalang-alala sa kanya ang
lahat lalo na nung sinabi ng doctor na wala na siyang pag asang mabuhay.
Nakita ko nun sa mga mata ni Drew ang sakit ng marinig niya ang mga katagang
yun. After all mahal na mahal parin talaga niya si Naomi. Pero good thing at
naka recover na si Naomi ngayon. After that, kinausap na ako ni Drew at
sinabi niyang itigil na namin ang pag papanggap namin dahil masaya na ngayon
si Naomi at Stephen.

Sinabi din niya na bukod sa pagmamahal ng isang kapatid, wala na siyang ibang
pagmamahal na nararamdaman saakin.

Hinawakan ko ang kamay ni Drew at nginitian ko siya "you don't need to say
sorry Drew. Alam ko naman yun eh at isa pa wala kang kasalanan"

"Jeanell, salamat sa lahat ah? Ginawa mo ang lahat para saakin pero alam ko,
wala akong ibang binigay sayo kundi puro sakit… sorry talaga"

Hinampas ko ng mahina ang braso ni Drew at sinubukan kong pasiglahin ang


boses ko "sus ikaw talaga! Ang drama mo! wala nga lang yun isa pa hindi na ko
umaasa no! sayang beauty ko sayo eh! hahaha" I told him while faking a laugh.
"Jeanell.." nagulat ako ng biglang kunin ni Drew ang kamay ko at hinawakan
niya ito ng mahigpit "stop lying please.."

Napatulala na lang ako sa sinabi niya. Oo, kasinungalingan yung sinabi ko kay
Drew. Umaasa parin ako hanggang ngayon na mamamahalin niya rin ako eventhough
deep inside, alam kong hindi ko kayang palitan si Naomi sa puso niya.

Iniwas ko ang tingin k okay Drew "a-ano bang sinasabi mo.."

"Jeanell please, nahihirapan din kasi akong makita kang ganyan eh. Mahalaga
ka din saakin at inaatake ako ng konsensya kada iisipin ko na palagi kitang
nasasaktan."

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya "ano ang gusto mong gawin ko
Drew?"

Huminga siya ng malalim "Jeanell, mas maganda siguro kung iwasan mo na ko"

Halos hindi ako makapag salita dahil sa sinabi ni Drew. Ayaw mag sink in sa
utak ko ang mga sinabi niya. Iwasan ko siya? tama ba ang narinig ko?
Kahit nasasaktan ako, hindi ko nilayuan si Drew dahil sa isang simpleng
dahilan, masaya ako pag kasama ko siya. Nasasaktan ako pero as long as
nakakasama ko si Drew, kuntento na ako doon. Pero ngayon pinalalayo niya ako
sa kanya?

"ayoko.." ayan lang ang tanging lumabas sa bibig ko

"Jeanell, the more na didikit ka saakin, the more na masasaktan kita. Please
Jeanell, wag mo na pahirapan ang sarili mo ng dahil saakin!"

"hindi.. hindi! Ayoko Drew! Hindi ako lalayo sayo! Please susubukan kong
kalimutan ang nararamdaman ko sayo pero wag mo naman gawin to oh" hinawakan
ko ang braso ni Drew at tinitigan ko siya sa mata "Wag mo naman akong
palayuin sayo"

"gusto kong kalimutan mo na ang nararamdaman mo sakin Jeanell at alam kong


hindi ka makaka move-on pag palagi tayong magkasama" inalis ni Drew ang
pagkakahawak ko sa braso niya at tinalikuran niya na ako "I'm sorry Jeanell,
I'm really sorry.." matapos niya sabihin ang mga salitang yun, naglakad na
siya palayo saakin.
Ayun na ang huling beses kong nakausap si Drew. Matapos ang araw na yun,
hindi na niya ako pinansin. He treated me like a stranger. Araw araw, kada
may practice kami ng pep squad, nakikita ko si Drew sa court at lagi kong
naiisip, kahit anong gawing pag iwas saakin ni Drew, siya at siya parin
talaga ang mahal ko.

And I hate myself for that.

During those times, madalas ko na lang titigan si Drew mula sa malayo. Sa


totoo lang miss na miss ko na siya. Nung mga panahong iniiwasan niya ko, lagi
na lang nasa isip ko na kahit hindi na ko mahalin ni Drew pabalik basta
maging magkaibigan lang kami masaya na ko. Pero pati iyon nawala na saakin.

"mahal na mahal mo talaga no?" natauhan ako bigla ng marinig ko ang boses ni
Kryzel

Tinignan ko siya tapos nginitian ko "oo eh, sobra" bulong ko sa kanya.

After nung aksidente ni Naomi, medyo napalapit ako kay Kryzel at siya ang
kaisa-isang taong pinagsabihan ko ng tungkol saamin ni Drew. Gawa narin
siguro ng madalas ko siyang nakakasama sa pep squad kaya naman nagawa kong
magtiwala sa kanya.
"alam mo girl, ang gusto kong sabihin sayo, mag move on ka na pero alam ko
napaka daling sabihin ng salitang yun, pero mahirap gawin"

"siguro nga Kryzel, mahihirapan talaga akong mag move on. Sana may isang
tulad ni Rence din na dumating sa buhay ko no? Yung tipong gagawin ang lahat,
mawala lang lahat ng sakit dito sa puso ko at makapag move on na ko"

Inakbayan ako ni Kryzel "kung hindi man matauhan si Drew kung gaano siya
katanga para hindi ka mahalin eh alam ko naman na may lalaki din na dadating
na mas higit pa sa kanya. Kaya ikaw girl, tama na ang pagiging broken hearted
mo ok? Sayang naman ang ganda mo eh!"

Medyo natawa ako sa sinabi ni Kryzel. Siguro nga merong lalaking dadating
para mahalin ako ng katulad ng pagmamahal na binibigay ko kay Drew.

Pero sa ngayon, parang ayoko pang bitiwan ang nararamdaman ko sa kanya, kahit
nasasaktan na ako.

After ng practice namin ng pep squad, nagpalit agad ako ng damit at dumiretso
sa locker ko para kunin ang mga gamit ko. Pagdating ko sa locker ko, nagulat
ako ng makita ko si Drew at si Naomi na naguusap.
"sige na Drew ha? punta ka na!"

"h-ha? eh kasi eh…"

Magtatago sana ako sa may gilid ng corridors para hindi nila ako mapansin
kaso nagulat ako ng marinig ko na lang ang pangalan ko na tinatawag ni Naomi

"Jeanell!"

"o-oh, Naomi"

Dahil sa nakita na nila ako, lumapit narin ako sa kanila. I tried to look at
Drew pero iniiwas niya ang tingin niya saakin.

"Jeanell sama ka din saamin bukas ha? mag mo-movie marathon lang sa unit ni
Stephen. Wala namang pasok eh! dali na para makapag bonding tayo"
"h-ha? uhmm.."

"naku kayong dalawa wag na kayong mag dalawang isip!" bigla naman ngumiti ng
nakakaloko si Naomi "baka naman may date kayong dalawa?"

"hindi!" sabay na sabi namin ni Drew

"uhmm w-wala kaming date! Sure sama ako bukas!" sabi ni Drew kay Naomi

"ah ako din! Sama ko"

"ok set na yan ah! wala ng atrasan! After lunch kita-kita na lang sa unit ni
Stephen"

"sure" sagot sa kanya ni Drew


"ok bye bye! Ingat kayo pag uwi!" sabi ni Naomi then nag wave na siya at
naglakad palayo

"ah Naomi!" tawag ni Drew sa kanya kaya naman biglang napahinto si Naomi sa
paglalakad

"hmm?"

"i-ingat ka"

She smiled then nag wave ulit siya at tuluyan ng umalis.

Simple gesture lang ang ginawa ni Drew, pero alam niyo yung feeling na sa
simple gesture na yun, ramdam na ramdam mo kung gaano siya kamahal ni Drew?
Tokwa lang, ang sakit!
Tinalikuran ko na si Drew at naglakad ako papunta sa locker ko para kunin
yung gamit ko. Tutal naman eh iniiwasan niya ako at alam kong wala rin siyang
planong makipag usap saakin so what's the use na pansinin ko siya di ba?!

Tsk nakaakasar!

Teka bakit ba pakiramdam ko eh yamot na yamot ako?! Ano ba nangyayari saakin!

"Jeanell.."

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng banggitin ni Drew ang pangalan ko


kaya naman napalingon ako agad sa kanya

"b-bakit?"

"ok lang kahit di ka sumama. I'll just make an excuse for you"
"h-hindi! Sasama ako"

"pero Jeanell—"

"don't worry, I'm not gonna come because of you. Kaibigan ko narin naman sila
dib a? and besides, baka magtaka sila kung hindi tayo magkasama doon. After
all.." iniwas ko ang tingin ko sa kanya "hindi nila alam na nagpapanggap lang
tayo"

Nag madali akong kunin yung mga gamit sa locker ko at dali-dali ko rin itong
isara. Tinignan ko si Drew at tinapik ko siya sa braso "una na ako" after
that, kumaripas na ako ng takbo palayo sa kanya.

"nagpapanggap lang kami.."

Nagpapanggap na nagkakamabutihan na but in reality, ako lang ang nahulog, si


Drew? Patuloy parin niyang minamahal si Naomi.
Napatingin ako sa likod ko at nakita kong nakasandal si Drew sa may locker at
parang malalim ang iniisip.

Hay.

Buti pa si Naomi sinabihan niya na mag inggat, samantalang ako hindi.

(Stephen's unit)

"Ano iteeeeeeeeey?!" sigaw ni France pagkadating na pagka dating niya sa unit


ni Stephen "bastusan mga te?! Lahat kayo partner partner samantalang akey
forever alone?! Mag breaklalu nga kayo!"

Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi ni France. Hay kung alam lang niya na
hindi lang siya ang nagiisang forever alone dito.

"eh nasaan na ba kasi si Denny?" tanong ni Rence sa kanya


"waley akey paki kung saang lupalop ng mundonglalu nagsuot ang mapanghalay na
babaeng yun!" T___T

"sus! mamaya mainlove ka doon" sabi naman sa kanya ni Nico

"papa Nico, paano akey maiinlove sa kanya kung mukha mo ang palagi kong
nakikita?" sagot ni France kay Nico sabay yakap sa mga braso nito

"hoy Fransisco Juan lubayan mo nga ang asawa ko!!" tulak ni Yannie sa kanya
kaya naman nagtawanan na kaming lahat.

Maya-maya lang din, nag simula na kaming manuod ng movie. Ang napag tripan
nilang panuorin ay The Ring, yung Japanese version pa kaya naman nakakatakot
talaga. Sa totoo lang mahina ang sikmura ko sa mga horror films kaya naman
habang nanunuod kami eh takot na takot ako. Nakita kong yakap yakap ni Rence
si Kryzel habang yakap yakap naman ni Nico si Yannie. Sa kabilang side naman,
nakayakap si Stephen kay Naomi habang nakayakap si France kay Stephen.

Napatingin ako bigla kay Drew at nagulat akong nakatingin din siya saakin
kaya naman sabay naming iniwas ang tingin namin sa isa't isa.

Seryoso, sa panahong ito gusto kong sabihin kay Drew na payakap ako tutal
nagpapanggap naman kami. Tokwa kasi natatakot talaga ako T____T
Kumuha na lang ako ng isang unan sa sofa ni Stephen at niyakap ito hanggang
sa matapos ang movie.

Buti na lang yung next nilang pinanuod ay comedy T____T

After magkasawaan sa pag mo-movie marathon, napagisipan naman namin na


maglaro ng truth or dare. Pare-pareho din kasi kaming trap sa unit ni Stephen
dahil biglang buhos ng malakas na ulan.

Naglagay kami ng bote sa gitna then ini-spin naman ito ni France at sakto,
tumapat kay Naomi

"truth or dare?" tanong ni France kay Naomi

"dare"

"ayun oh! Magbigay ka ng isang sweet na message kay papa Stephen then after
that i-kiss mo siya! o yanlalu madali lang yan ah!"
Napatigin ako kay Drew bigla at nakita kong nakangiti lang siya.

"teka bat kailangan ng kiss? Magagalit si kuya Nico! Di ba kuya?" sabi ni


Naomi

"ok lang bunso basta si Stephen ang ikikiss mo!"

"oh ayun naman pala ati! Walang maarte!" pag kantyaw ni France sa kanya

"oo nga naman babes! Sus ilang beses narin naman tayo nag kiss eh!"

Hinampas ni Naomi si Stephen habang pulang pula naman ang mukha niya

"a-ayoko! Pass!"
"walang madaya ati! Gora ka na at ikiss si papa Stephen kung ayaw mong ako
ang mag kiss sa kanya!"

"oh babes narinig mo yun? payag ka bang maka share si France sa labi
ko?" ?sabi ni Stephen kay Naomi habang nagpapaawa epek

"heh! Atribidang bakla! Sige na eto na!" pumunta si Naomi sa harap ni Stephen
at hinawakan niya ang kamay nito "Stephen, pen-pen ko, babes ko. Alam mo ba
ang gwapo gwapo mo pero nakakaasar yang kagwapuhan mo!"

"o-oy babes! Sabi sweet message! Sweet ba yan?!" =__=

"makinig ka kasi muna di ba?!" nanahimik si Stephen at ipinagpatuloy na ni


Naomi ang sinasabi niya "nakakaasar yang kagwapuhan mo kasi kada titignan ko
ang mukha mo, lagi kong naiisip na, grabe pala akong pinagpala para biyayaan
ng gwapong boyfriend! Pero syempre bonus na lang yang kagwapuhan mo kasi ang
pinaka nagustuhan ko sayo ay yung pagmamahal mo saakin. Babes alam ko babaero
ka, pero ngayon, stick-to-one ka na. Kung sabagay pag nambabae ka pa ulit,
matitikman mo ang bangis ng flying kick ko at sisiguraduhin kong mababaog ka
pag sinipa kita below the belt. Pero alam ko naman na ako lang ang mahal mo
eh. Kaya babes, gusto kong sabihin sayo na ikaw lang din ang mahal ko. Kahit
pa balandrahan ako ng nag ggwapuhang mga lalaki ikaw parin ang pipiliin ko.
Kahit pa ligawan ako ni Kim Bum, hindi kita ipagpapalit doon, tutal
magkamukha naman kayo. Pero kahit pa kumulubot yang mukha mo, kahit pa
malaglag ang mga ngipin mo at kahit pa maging puti na ang buhok mo, ikaw
parin ang mamahalin ko because the moment I gave my heart to you is the
moment I swear to myself that you are the only guy I want to grow old with. I
love you Stephen" Naomi lean on Stephen then she gave him a quick kiss kaso
nung hihiwalay na si Naomi ay biglang hinila ito papalapit ni Stephen sa
kanya to deepen the kiss.

"I love you too babes" sabi ni Stephen matapos nilang mag kiss ni Naomi

Lahat nag hiyawan at kinantsawan yung dalawa. Napatingin ako kay Drew na
nakikikantsaw din sa kanila pero kitang kita ko sa mata nito ang sakit.

"ay ang tamis!" sabi ni Kryzel

"oo nga eh feeling ko kinagat ako ng langgam" dagdag naman ni Rence

Patuloy naman nilang inasar ng inasar sina Stephen at Naomi. Nagulat naman
ako ng biglang tumayo si Drew

"ay 6pm na pala? Naku kailangan ko ng mauna at may importante akong


gagawin" sabi ni Drew
"ay ganun? Paano yun malakas ang ulan" sabi ni Stephen sa kanya

"ok lang, may payong naman akong dala"

"ganun ba? Sige ingat ka Drew ha?" sabi naman ni Naomi

Nagpaalam na si Drew at lumabas na siya

"ah ako din una na. Sabayan ko na si Drew. Salamat sa time niyo" paalam ko sa
kanila at bago pa sila makapag react, nagmadali na akong lumabas ng unit ni
Stephen at hinabol ko si Drew.

Nakita kong naglalakad siya sa gitna ng ulan papunta sa park. Hindi na ako
nag dalawang isip pa at sinundan ko siya kahit na wala akong payong

"Drew! Sandali lang!" hinawakan ko yung braso niya "a-ayos ka lang ba?"
"iwan mo muna ko" he told me coldly

"p-pero.."

"please Jeanell! Iwan mo muna ko!"

"ayoko"

Humarap si Drew saakin at kahit umuulan, alam na alam kong may mga luha na
bumabagsak sa mata niya

"ano ba Jeanell? Bakit ba ayaw mo kong layuan?! Nasasaktan kita di ba?! Mahal
mo ko pero hindi ko kayang maibalik yung pagmamahal mo saakin! hayaan mo na
kong ganito! Kung patuloy kang mag-aalala saakin, patuloy ka lang
masasaktan!"
"hindi! Ayoko drew! Hindi! Hindi kita lalayuan! Wala naman kwenta ang
nararamdaman ko eh! Ok lang na masktan ako Drew! Gusto ko lang na nasa tabi
mo ko! gusto ko lang na kahit sa simpleng bagay napapangiti kita! Please
Drew, wag mo ialis saakin yun. Please? Bilang kaibigan" I took one step
closer to Drew "mag open ka ulit saakin. sabihin mo ulit yung mga hinanakit
mo. Share your pain to me, please? Wag mo ng solohin yan dahil mas nasasaktan
ako pag nakikita kitang ganyan"

Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Drew ang braso ko at hinatak niya
ako papalapit sa kanya atsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Jeanell, bakit ganun? Bakit ang sakit? Masaya na ang taong mahal ko. Di ba
dapat masaya narin ako? Pero bakit patuloy parin ako nasasaktan?"

Niyakap ko pabalik si Drew. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at hinayaan ko


siyang umiyak sa mga braso ko habang ako, patuloy din ang pagbagsak ng luha
ko.

Oo Drew alam ko masakit. Nararamdaman ko kung gaano ka nasasaktan. Kung pwede


lang na ilipat lahat ng sakit nay an sa puso ko para ako na lang ang
mahirapan at hindi na ikaw eh matagal ko ng ginawa. Pero eto ako, tanging
yakap lang ang kaya kong maibigay para sayo.

Kasi naman eh, sana kalimutan mo na si Naomi, sana saakin ka na tumingin,


sana ako na lang ang pansinin mo at sana ako na lang ang mahalin mo.
Drew, sana ako na lang.

***

Chapter 2

*I'll never go…"

[Jeanell's POV]

"here" inabutan ko si Drew ng face towel then ipinunas niya naman ito sa
mukha niya. Tumabi ako sa kanya at pinunasan ko narin ang basa kong buhok.

Medyo matagal kaming nakatayo sa gitna ng ulanan ni Drew kanina kaya naman
basang basa ang buo naming katawan. Medyo matagal kasi bago kumalma si Drew
kanina. Nakayakap lang siya saakin nun at umiiyak. Kahit hindi ko nakikita
ang mukha niya kanina, ramdam na ramdam ko kung gaano siya nasaktan.

Nung medyo kumalma na siya, naghanap kami ni Drew ng pwedeng masilungan at


saktong sakto nakakita kami ng tianggian dito at mura lang ang mga damit.

"buti na lang may nakita tayong tiangge dito at nakabili tayo ng


pampalit" sabi ni Drew saakin "pasensya ka na Jeanell ah? pati tuloy ikaw
nabasa din ng ulan"
"ano ka ba! Wala yun no! tsaka isa pa hindi naman kita kayang pabayaan eh"
sabi ko kay Drew sabay iwas ng tingin sa kanya

Nagulat naman ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko "salamat ah? Salamat
dahil lagi kang nandiyan sa tabi ko.."

"w-wala yun"

"alam mo sa totoo lang, sayo ko lang nasasabi lahat ng nararamdaman ko. Hindi
ko kasi magawang mag open sa iba dahil alam ko na ang sasabihin nila.
Malamang ang sasabihin nila, napaka tanga ko para patuloy parin mahalin si
Naomi at dapat mag move on na ko. Pero sa totoo lang, napaka daling sabihin
ng mga katagang yun pero pag ikaw na ang nasa ganitong sitwasyon, ang hirap
pala. Kung madali lang mag move on eh why not di ba? sino ba naman ang
gustong masaktan ng paulit ulit? Ang problema kasi, kung sobra mong minahal
ang isang tao, mahihirapan kang itapon ang nararamdaman mo sa kanya"

Napa buntong hininga ako sa sinabi ni Drew then nginitian ko siya "siguro
kaya hindi kita sinasabihan na mag move on ka kasi in some ways naiintindihan
kita. Ang salitang move-on ay napaka daling bitiwan pero para sa mga taong
sobrang nagmamahal, napaka hirap nitong gawin. Siguro nga kung madali lang
gawin yan wala ng tao ang nasasaktan dahil sa pagibig"

Tinignan ko si Drew na kasalukuyang naka tingin sa may langit habang


pinapanuod niya ang unti-unting pagtila ng ulan. Inilahad ko ang palad ko at
hinayaang mabasa ito ng mga patak ng ambon.

"alam mo Jeanell, minsan ang sarap maligo sa ulan habang umiiyak ka. Hindi
dahil natatago mo yung luha mo pero dahil minsan parang ang sarap ipatangay
sa ulan ang lahat ng nararamdaman mo" sabi niya saakin habang patuloy parin
niyang tinitignan ang langit

"pero minsan hindi yung ulan ang nakakapagpaalis saatin ng sakit kundi yung
taong dumating na may dalang payong at sinilungan ka"
Nakita kong medyo ngumiti si Drew dahil sa sinabi ko "mahanap ko pa kaya ang
taong mag aalis saakin ng sakit na to?"

Hindi ko sinagot ang tanong ni Dew but instead, tinignan ko lang siya.

Oo Drew, mahahanap mo pa basta matuto ka lang lumingon saakin.

Hay kaso mangyayari ba yun samantalang si Naomi parin ang mahal mo? Kung
pwede nga lang itulak ko si Naomi palabas diyan sa puso mo at ipagsiksikan
ang sarili ko ginawa ko na. Para pareho tayong masaya at wala ng nasasaktan.
Kaso hindi.

Kahit anong gawin ko hindi ko kayang tapatan si Naomi.

Bigla naman nag flashback sa isip ko yung mga sinabi saakin dati ni Naomi.

"Jeanell, kung merong tao ang makakapagpasaya sa kanya, tingin ko ikaw yun.
Please be there for him. Gawin mo ang mga bagay na hindi ko nagawa sa kanya.
Mahalin mo siya ha? and don't ever hurt him. Masyado ko na siyang nasaktan at
ayokong may manakit ulit sa kanya. Please?"

"N-naomi, p-paano ko gagawin kung ikaw ang mahal niya?"

"ako nga ang mahal niya but he told me na sayo siya masaya"
Parang bigla akong natauhan sa naalala ko. Saakin masaya si Drew? Napapasaya
ko ba talaga siya?

Siguro nga hindi ko kayang tapatan si Naomi sa puso niya pero meron parin
akong kayang gawin para pasayahin si Drew. Siguro kahit saglit lang kaya kong
alisin ang sakit na nararamdaman niya.

Bigla akong napatayo at hinila ko si Drew

"Ah J-jeanell---?"

"hay naku! Wag na tayong mag mukmok no! tara mag laro sa arcade?"

"h-ha?"

"dali na! treat ko"

"pero—"

"wala ng pero pero!" hinila ko si Drew patayo "tara na!!"

(Arcade)

"ang daya mo! bakit lagi kang panalo! Dinadaya mo ko!" pag aalboroto ko sa
kanya.
"hahahaha ang pandak mo kasi" pang aasar naman niya habang tina-tap niya ang
ulo ko

Naglalaro kasi kami ng basketball dito sa may arcade and laging pasok yung
shoot niya samantalang saakin laging sablay. Ang matalo pa naman manlilibre
ng dinner sa mcdo T___T

Nakalimutan ko atang varsity ng basketball ang kinalaban ko >__<

"wala akong pera" T___T

"huh? Wala madaya ka! A deal is a deal! Ililibre mo ako sa mcdo!"

"sige na nga!" sabi ko sa kanya ng masama ang loob. Umasa kasi talaga akong
mananalo ako sa kanya. Madaya T___T

"oh bat ganyan ang itsura mo? para kang nalugi!" sabi niya habang tatawa tawa

"tse!"

"hahaha ihanda mo na yang bulsa mo, ililibre mo ko ng one piece chicken with
rice, coke float, large fries, burger.. uhmm ano pa ba?"

Hinampas ko ng mahina ang braso niya "madaya ka kasi! Dinaya mo ko! hindi ka
fair! Napaka tangkad mo!" >___<

"eh basta ililibre mo ko!" sabi niya habang binebelatan niya ako
Sinimangutan ko siya. Tignan niyo tong isang to, hindi manlang magpaka gentle
man! He is so mean!

"Jeanell ang cute mo pag ganyan ang itsura mo! hahahahahahhahaha"

"mapang api ka!" sabi ko sa kanya sabay lakad palayo

"uy joke lang yun!" habol naman niya saakin tapos bigla niya akong hinatak
palapit sa kanya at niyakap ako

"D-drew.."

"joke lang yun. Hehehe ako na manlilibre sayo because I owe you something"

Halos mag blush naman ako sa kinatatayuan ko. Anak ng pating! Kanina nung
yakap yakap ko si Drew habang umiiyak siya, hindi ako nakaramdam ng kilig.
Pero bakit ngayon halos himatayin na ako?

Biglang humiwalay si Drew sa pagkakayakap saakin tapos hinawakan niya ang


kamay ko "tara laro pa tayo doon?"

"ah s-sige.."

Naglibot libot kami ni Drew sa loob ng arcade house habang hawak hawak niya
ang kamay ko. Sa totoo lang para akong matatae na ewan dahil sa nararamdaman
ko. Ang sarap kasi sa pakiramdam na hawak hawak niya ang kamay ko eh. Bakit
ba ganun? Hawak pa lang niya eh nagkakaganito na ko. Paano pa kaya kung
halikan niya ko?

Halos panlambutan ako ng tuhod sa thought na hinahalikan ako ni Drew kaya


naman napahawak ako bigla sa railings na nadaanan namin.

"oh Jeanell ayos ka lang ba?!" gulat na tanong ni Drew habang nakaalalay siya
saakin.

Anak ng tokwa Drew, wag mo kong hawakan kung ayaw mong mas panlambutan ako
dito >__<

"o-okay lang ako" sabi ko sa kanya "medyo na out balance lang"

"huh? Masama ba pakiramdam mo? gusto mo ba umupo muna?"

"naku hindi na. Ok lang talaga ako" tumayo ako ng maayos and napatingin naman
ako doon sa may basketball kung saan kami nag laro kanina ni Drew at napansin
kong madaming nagkukumpulang tao dito "oh Drew tignan mo oh" sabi ko kay Drew
habang tinuturo ko yung basketball "ano kaya pinagkakaguluhan nila?"

"tara tignan natin"

Lumapit kami ni Drew doon at nakita naman namin sa gitna na may isang crew
doon na naka mic at may hawak hawak siya na isang box na may lamang necklace.

"Para sa mga couples diyan, sali na po kayo! Paramihan lang po ng masho-shoot


na bola dito sa basketball ring. Doon po sa may pinaka maraming numbers na
nai-shoot ay maiiuuwi niyo po itong bagong bagong design na couples
necklace!"
Tinignan ko yung necklace na pinakita nung crew

"Drew ang ganda oh!"

"gusto mo?"

Napalingon ako bigla sa kanya "h-ha? p-pero.."

"friendship necklace nating dalawa"

"doon po sa mga sasali, punta na po kayo sa harap! First five lang po ang
tatanggapin namin" sabi nung crew sa harap

Bigla naman akong hinila ni Drew at dali-dali kaming pumunta sa harap.

"ok complete na ang pairs natin!" tumingin saamin yung crew "couples madali
katulad ng sinabi ko sa inyo, padamihan lang ng masho-shoot na bola sa ring
pero si boyfriend lang dapat ang mag sho-shoot! Bawal tulungan ni girlfriend.
So mga boyfriend, kailangan nating magpakita ng effort kay girlfriend para
mabigyan niyo siya nitong napaka gandang couples necklace! Girlfriend, bigyan
naman natin ng moral support si boyfriend para mas lalo silang ganahan!"

Napatingin ako kay Drew. Talagang sumali kami dito samantalang di naman kami
couple? Napatingin ako doon sa mga ibang contestants

"go baby kaya mo yan!" sabi nung babaeng katabi namin doon sa boyfriend niya
"sure baby! I'll get that necklace for you!" after that, bigla naman silang
nag kiss sa harapan ko.

"oh ang sweet nung contestants number 4 oh! Other couples gayahin niyo sila!
Give your partner a goodluck kiss!" sabi nung crew

Nagkatinginan naman kami bigla ni Drew at agad naming iniwas ang tingin namin
sa isa't isa. Ano ba ito, ang akward. T___T

Ginawa ko, nilahad ko na lang ang kamay ko kay Drew "good luck" sabi ko sa
kanya

Kinuha niya yung kamay ko at nginitian niya ako "thanks!"

"oh oh may isang couple na na-sh-shy dito oh!" lumapit saaming dalawa ni Drew
yung crew "isang good luck kiss naman diyan!"

Anak ng tokwang crew to oh! Hindi pa nagsisimula ang game eh pinahihirapan na


agad kaming dalawa ni Drew =__=

"kiss!" pag iinisist niya

"ah hehe naku k-kasi—"

Nagulat ako ng biglang umakbay saakin si Drew "hehe masyadong shy ang
girlfriend ko eh" sabi niya
Napatingin naman ako bigla sa kanya. Girlfriend? Bigla akong napangiti. Alam
ko namang sinabi lang yun ni Drew para makasali kami dito pero hindi ko
maiwasang hindi kiligin.

Girlfriend?

Parang ang sarap pakinggan.

"kung shy si girlfriend edi si boyfriend ang mag kiss!" sabi ni crew

Anak ng tokwa talagang crew na to oh! Pinapakilig ako!

Nginitian ko yung crew "hehehe shy din kasi si boy—"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko kasi bigla na lang akong hinalikan ni


Drew sa pisngi. After that, pumunta na siya sa may ring para maglalo.

Para tuloy huminto bigla ang mundo ko. Halos hindi mag sink in sa utak ko ang
nangyari. Napahawak na lang ako sa pisngi ko habang natulala ako. Nagstart na
ang game pero ayaw parin mag function ng maayos ang utak ko. Basta alam ko
lang eh nakaka rinig ako ng mga cheers habang ako ay nakatayo lang at
nakahawak sa pisngi ko.

Sinabi ni Drew na girlfriend niya ako at hinalikan pa niya ako sa


pisngi. Alam ko lahat ng ito pagpapanggap lang pero wala akong paki. Masaya
ako ngayon. Masayang masaya.
Hindi ko maialis ang kamay ko sa pisngi ko dahil ramdam na ramdam ko parin
ang mga labi ni Drew dito. Hindi na ko masyadong aware sa mga nangyayari
basta ang alam ko eh sa sobrang kakiligan ko, natulala na lang ako. The next
thing I knew is nakatayo na si Drew sa harapan ko habang hawak hawak yung box
na pinaglalagyan nung couples necklace

"Jeanell! Uy! We won! Tignan mo oh saatin na yung necklace!"

I was back to reality ng marinig ko ang boses ni Drew habang binabalandra na


niya sa harap ko yung necklace

"nanalo tayo? Nanalo tayo?! Talaga! Uwaaaaaaaaa!!" nagtatalon naman ako doon
na parang sira "panalo tayo!! Panalo tayo!!"

"grabe ngayon ka lang nag cheer saakin kung kelang tapos na yung game!
Nakatulala ka lang kanina! Ano bang nangyari sayo?"

Bigla naman akong namula sa tanong ni Drew "ah w-wala lang!" para ma-distract
siya, kinuha ko yung necklace "ang ganda naman nito! Kaso may naka engrave na
‘love' sa necklace. Paano natin to gagawing friendship necklace?"

"hmm bakit love ko naman ang best friend ko ah?" sabi niya saakin "ikaw ba?"

Nginitian ko siya "oo naman. Love kita" … yun nga lang hindi bilang best
friend.

Kinuha ni Drew yung necklace at sinuot niya saakin then sinuot din niya yung
isa pang necklace

"bawal hubarin kundi masisira ang friendship natin" sabi niya saakin
"oo naman!"

"tara laro pa tayo?"

Tumango lang ako then nagikot ikot pa kami sa arcade. Marami din kaming
nagawa ni Drew sa loob. Nung medyo napagod na kami, naupo lang kami sa isang
bench doon habang pinapanuod namin yung mga kumakanta.

"hay nakakapagod! But I really enjoyed a lot. Thank you Jeanell"

Napangiti naman ako sa sinabi ni Drew "I'm happy na kahit papaano eh nag
enjoy ka"

"sorry ha?"

Napalingon ako kay Drew "para saan?"

"kasi ang dami kong atraso sayo. Kahit na nahihirapan ka, hindi mo parin ako
iniwan. Kahit ilang beses kitang iniwasan noon, hindi mo parin ako inabanduna
at lagi kang nandiyan para pangitiin ako. Jeanell, bakit ba ang bait bait mo
saakin? bakit ba sa dinami-dami ng lalaki sa mundong to eh sa tangang tulad
ko pa ikaw nagkagusto?"

"kasi ikaw si Drew. Nakatatak na sa puso ko na ang lalaking mamahalin ko ay


si Drew at wala ng iba"
"i-I'm really sorry Jeanell.. kung hindi ko man maibalik sayo yun"

I punched him lightly "sabi ko naman sayo hindi ako umaasa eh ang kulit mo
lang! masaya na kong best friend mo no!"

Nginitian naman niya ako "thank you Jeanell" ibinalik naman ni Drew ang
tingin niya doon sa kumakanta "alam mo ba dati nagpunta din kami ni Naomi
dito? Kinantahan din niya ako diyan. Sorry ah? kada kasi pumupunta ako sa
lugar na to yun ang naalala ko"

Napatingin din ako sa kumakanta at hindi na ako nag dalawang isip pa, bigla
na lang ako tumayo

"ah Jeanell? Bakit?"

Tinignan ko si Drew "gusto ko na sa susunod na pupunta ka dito, ang maalala


mo na lang is yung mga ginawa nating dalawa. Na pag pumunta ka dito, hindi ka
na malulungkot" after kong sabihin yun, agad akong pumunta doon sa may stage.
Pumili lang ako ng kanta then nag hulog ako ng token doon sa karaoke.

Hindi ganung kaganda ang boses ko katulad ng kay Naomi. Pero sana, sapat na
ang nararamdaman ko para maikanta ko ng maayos itong kantang to para kay
Drew.

Umakyat na ako sa stage and kinuha ko yung mic. Narinig ko naman nag start na
yung intro ng kanta. Napatingin ako kay Drew at nakita kong seryoso siyang
nakatingin saakin.

"You always ask me


Those words i say
And telling me what it means to me
Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all i know"

Habang kumakanta ako, hindi ko rin inalis ang tingin ko kay Drew at siya din
naman, hindi niya iniwas ang tingin niya saakin. Siguro hindi ko man masabi
ng maayos ang nararamdaman ko, pero sana, sa pamamagitan ng kantang to ay
kahit papaano eh maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal.

"Come to me and hold me


And you will see
The love i give
For you still hold the key"

Yes, Drew still and will always be the one holding the key in my heart. Kaya
siguro naiintindihan ko si Drew kung bakit hirap na hirap siyang mag move on
kay Naomi kasi ako din ganoon. Kahit anong pilit ang gawin ko, hindi ko
magawang mag move on.

"Every single day


You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all i know"

Halos tumulo na ang luha ko dahil bigla ko na lang naramdaman kung gaano ko
kamahal si Drew. I love Drew so much to the point that it made me cry. I love
him so much to the point that I can feel the pain inside. Oo, ayoko ng
masaktan, pero mas ayokong tumigil sa pagmamahal sa kanya.
"I'll never go far away from you"

Kahit ipagtulakan niya ulit ako, kahit sabihin niyang ayaw na niya akong
masaktan ng dahil sa kanya at mas mabuti pang hindi na kami mag usap, hindi
parin ako aalis sa tabi niya. Kahit ilang beses kong makita kung paano siya
masaktan ng dahil kay Naomi, hindi ko siya iiwan.

"Even the sky will tell you


That i need you so"

Dahil mahal na mahal ko si Drew to the point na masaya na kong nasa tabi ko
siya. Yun lang naman ang tanging kailangan ko ngayon eh, ang malamang nasa
tabi ko lang si Drew.

"For this is all i know"

Tinitigan ko ulit si Drew at hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil bigla


na lang bumagsak ang luha sa mata ko.

"I'll never go far away from you…"

(the next day…)

"mukhang masaya ka ata ngayon ah?" pambungad na bati saakin ni Kryzel ng


magkita kami sa practice ng pep squad
"ok na ulit kami ni Drew eh" sabi ko sa kanya.

"buti naman!"

Napangiti na lang ako bigla. Naalala ko kasi mga nangyari kahapon sa arcade
house. After kong kumanta, wala namang sinabi saakin si Drew nun but instead
pinunasan niya lang ang luha sa mata ko at niyakap niya ko ng mahigpit. After
that, kumain lang din kami sa mcdo, syempre libre niya. Tapos inihatid na
niya ako nun sa bahay. Pero after kami maghiwalay nun, may sinabi siya saakin
na hindi ko inasahang sasabihin niya.

"Jeanell, promise, hindi na kita lalayuan"

After niyang sabihin yun, tumalikod na siya at sumakay ng jeep. Halos


lumundag naman ang puso ko ng dahil sa sinabi niya.

Yung salita pa lang na hindi niya na ko lalayuan, grabe ng nagpasaya saakin.

"Ms. Jeanell Montemayor" bigla akong natauhan ng may tumawag saakin at nakita
ko may isang lalaking nakatayo sa harap ko. Mukhang varsity din siya ng
basketball kaso parang ngayon ko lang siya nakita

"bakit?"

"mas maganda ka pala sa malapitan"


"h-huh?"

Nginitian ako nung lalaki tapos nilahad niya yung kamay niya "I'm Vin Lince,
bago akong varsity ng basketball team"

Nakipagkamay naman ako kahit na wi-weirduhan ako sa isang to "hehe nice


meeting you"

"anyways kaya ako sumali sa team kasi nabalitaan kong lagi nilang kasabay ng
practice ang pep squad at nasa pep squad kasi yung babaeng matagal ko ng
gusto. You want to know her name?" bago pa ako makapag react ay bigla na lang
lumapit saakin si vin at binulungan ako "it's Jeanell"

"a-anong--??"

"see you around Jeanell! By the way, starting today liligawan na kita!" nag
wave siya saakin tapos tumakbo na paalis while leaving me here with my mouth
hanging open.

OK?

May nag confess ba saakin ngayon ngayon lang?! if that so,

Ito na ata ang pinaka mabilis na confession na narinig ko.

***

Chapter 3

*Vin Lince *

[Jeanell's POV]

It's been two weeks.

Two weeks na simula ng may isang abnormal na lalaki na nagpakilala saakin at


nagtapat na gusto niya ako at ngayon ay nililigawan na niya ako kahit hindi
naman ako pumayag. Nung una sa sobrang yamot ko ay nasigawan ko siya na
itigil na niya ang ginagawa niya dahil una pa lang ay hindi ko siya
pinayagang manligaw. At ang sagot niya?

"hindi naman ako nagpaalam sayo na liligawan kita ah kaya wala akong paki
kung pumayag ka man o hindi kasi nasasaakin ang desisyon kung kelan ako dapat
tumigil" nakangiting paliwanag niya saakin

"at kelan ka ba titigil?!" pagalit kong sagot sa kanya

"Edi pag naging girlfriend na kita. Ay wait, ipagpapatuloy ko pala ang


panliligaw kahit girlfriend na kita. Siguro pag hindi na kita mahal tsaka ako
titigil"

Di ba nakakabadtrip? Napakalakas ng fighting spirit niya!! Araw, tanghali,


hapon, gabi ginugulo niya ako! Todo effort siyang magpapansin! Lagi niya
akong binibilhan ng breakfast sa umaga! Lagi niya akong sinasamahan mag lunch
sa tanghali! Lagi niya akong dinadalhan ng meryenda sa hapon at lagi niya
akong hinahatid paguwi!

Araw araw nakakatanggap ako ng rose sa locker ko galing sa kanya. Araw araw
nag tetext siya ng sweet na message saakin.

Araw araw pinapakita niya saakin kung gaano siya sa kaseryoso.

Oo naiinis ako! Sobrang inis na inis ako…

… sa sarili ko.

Kasi kada ginagawa ni Vin yun, iniisip ko na sana siya na lang si Drew.
Hanggang ngayon, mukhang Drew pa rin ako!

Bwisit naman na lalaki yan eh! parang linta kung makadikit sa puso ko! ang
hirap alisin! Kung meron nga lang sanang asin na dala si Vin edi sana
nilagyan na niya ng asin ang lintang nakadikit sa puso ko ng tuluyan ng
mamatay ito dito.
Hay.

Naalala ko nung panahong nalaman ni Drew na manliligaw si Vin saakin.

"wow! Edi maganda! Gwapo si Vin, maganda ka! Alam mo Jeanell bagay kayong
dalawa sa totoo lang. Why don't you give him a chance? Malay mo siya na ang
lalaking para sayo"

Matapos niyang sabihin yun saakin, huminga ako ng malalim at isinigaw ang mga
salitang to sa kanya:

"EH TANGA KA PALA EH!!! WALA NG IBANG LALAKING PARA SAAKIN KUNDI IKAW LANG!
BOBO KA BA HA?! PAANO KO SIYA MABIBIGYAN NG CHANCE KUNG IKAW LANG TONG LAMAN
NG BWISIT NA PUSO KO HA?!?! EH BAKIT BA IKAW! NAPAKA TANGA MO! BAT HINDI MO
MABIGYAN NG CHANCE ANG SARILI MO NA MAHALIN AKO HA?! TAPOS ANG KAPAL NG MUKHA
MO PARA SABIHIN SAAKIN NA BIGYAN KO SIYA NG CHANCE EH NI IKAW NGA HINDI MO
KAYANG GAWIN YUN SASARILI MO!!! BWISEEEEETTTT!!!"

Pero syempre sa isip ko lang lahat ng yun. In reality, binigyan ko lang si


Drew ng isang ngiti. Ngiting nagtatago ng sakit dahil sa mga sinabi niya.

Bakit ba kahit katiting na sign lang ng pagseselos ay di niya pinakita ah?


Hay nakakaasar naman eh.

Parang ipinamukha niya saakin na kahit katiting na nararamdaman lang ay wala


siya para saakin. As in wala, zero, ni tuldok wala!

"bakit kasi hindi mo na lang bigyan nga ng chance si Vin? Hindi naman siya
mahirap mahalin eh" sabi saakin ni Kryzel nung minsan kaming makapag-usap
dalawa.

Katulad ng ginawa ko kay Drew, nginitian ko lang siya.


‘Chance'

Napaka daling sabihin pero ang hirap gawin. Kung pwede nga lang na burahin si
Drew sa puso ko at ipinalit si Vin edi ginawa ko na.

Hay buhay.

"labing limang buntong hininga"

Bigla akong natauhan ng may nagsalita at nakita ko na nakaupo na sa harapan


ko si Vin habang titig na titig siya saakin at nakangiti!

"ay pusa!" halos mapatalon naman ako sa gulat dahil sa kanya. Paano ba naman
kasi, kanina pa ko nakanganga dito at hindi ko siya napansin sa harapan ko!

"hala di ako pusa!" lumipat siya sa tabi ko at naupo "gwapong nilalang lang!"

Tinulak ko siya "alam mo, ang yabang mo, ang taas ng self confidence mo, ang
hangin mo!"

"pero gwapo kaya naiinlove ka na saakin! siguro kaya tulala ka no kasi


iniisip mo ko?" pang-aasar niya saakin

Tinignan ko lang siya ng masama.

Tignan niyo tong lalaking to ubod ng yabang! Ni hindi manlang nagpaka


humble!! Paano ko siya magugustuhan eh complete opposite siya ni Drew?!
Si Drew humble, siya mayabang

Si Drew matino, siya mukhang siga

Si Drew romantic, siya paspasan

..Si Drew hindi ako mahal, siya mahal ako..

Ay tokwa! Saan naman nanggaling yung huli?! >__<

"natutulala ka na naman! Naga-gwapuhan ka talaga saakin!"

"heh! May iniisip lang ako!"

"sus wag mo na isipin yan" bigla niya akong hinatak "tara mag date"

"HUH? T-teka mag practice na kami ng sayaw tsaka may practice ka rin ngayon
di ba?"

"wala kaming practice! Basta sama ka na lang saakin!"


"pero teka--!!"

"Kryzel!!" sigaw ni Vin "pahiram muna sa kanya ah?"

Tinignan ko si Kryzel ng ‘wag-kang-papayag' look kaya lang nakita ko ng bigla


itong ngumiti ng malawak.

"sure! Ingatan mo lang siya ah?"

Anak ng---taksil kang kaibigan kryzel! I hate you T___T

"oo naman ako bahala sa kanya!"

After that, bigla na lang niya ako kinaladkad palabas ng gym.

"saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Vin

Huminto sa pagkaladkad saakin si Vin atsaka siya humarap saakin


"Jeanell, what is your phobia?"

"huh?"

"basta answer me!"

"ano ba uhmm.. I'm afraid of heights?" sabi ko sa kanya

"perfect!"

"na ano?"

"Basta!!" at tuluyan na niya ulit ako kinaladkad.

Dinala ako ni Vin sa isang park and tinignan ko yung signage sa unahan.

"The Adventure Park?"


Nginitian ako ni Vin "you'll see"

Nagpunta kami doon sa entrance nung park and nagbayad naman si Vin ng
entrance fee na 1000 para saaming dalawa.

"Vin ang mahal naman dito sa park na to!"

"hahaha makikita mo bakit mahal ang entrance fee dito"

"huh?"

Pumasok kami sa loob ng park at naglibot libot. Halos manlaki naman ang mata
ko dahil sa nakikita ko.

Kaliwa't kanan puro mga rappelling, zipline, rock climbing at may bungee
jumping pa akong nakikita.

"ano gusto mong unahin? Gusto mo mag rappelling?"

"ayoko!!! Ayoko!! Ayoko!! Never akong susubok sa mga yan! Ayoko!!"


"oh come on Jeanell! Sayang ang 500 na entrance ko para sayo oh"

"heh! Kakasabi ko lang kanina sayo na takot ako sa heights di ba?! ayoko!
Ayoko talaga!"

Pumunta sa harapan ko si Vin at hinawakan niya ako sa magkabilang braso "kaya


nga tayo nandito para i-conquer natin yung fear of heights mo eh"

"heh! Ayoko i-conquer to no kaya bahala ka na diyan! Uuwi na ko! bye


bye!" nag wave ako sa kanya at tumalikod kaya lang bigla naman niya ako
hinila babalik

"paano mo malalaman kung gaano kasarap ang isang bagay kung pangungunahan ka
ng takot at pag aalinlangan?" hinarap ako ni Vin at nakita ko na seryoso siya
"paano lalakas ang loob mo kung umpisa pa lang eh umaayaw ka na?"

"t-teka.. kasi.."

"trust me Jeanell, sa bawat gagawin natin, kasama mo ko dito. Di kita iiwan o


pababayaan. Hindi kita pababayaan, promise. Trust me ok?"

Halos mapanganga na lang ako kay Vin because he look so sincere at pakiramdam
ko parang hindi yung about sa pag ra-rappelling ang tinutukoy niya.

Parang sinasabi niya saakin na ipagkatiwala ko yung puso ko sa kanya and


he'll never hurt me.
"Jeanell? Please?"

Napangiti ako kay Vin "sige na nga! Basta sasamahan mo ko ah!"

Nakita ko din na ngumiti si Vin at kitang kita ko ang saya sa mukha niya
"yes! Oo naman! Hindi kita papabayaan promise!" kinuha niya ang kamay ko then
nag lakad kami papunta doon sa mga nag ra-rappelling.

Meron doon na isang parang tower then may sampung floors siya. Depende sayo
kung anong floor mo gusto mag simula. Syempre dahil medyo takot pa ko, doon
muna kami ni Vin pumunta sa pang third na floor.

Nung makaakyat na kami, pinapili naman kami doon ng crew kung anong klaseng
rappelling style yung gusto namin. Meron kasing iba't ibang klase ng style
and pinili ko yung pinaka basic lang kung saan patayo akong mag ra-rappell.
Si Vin naman gusto itry yung pa-eagle style kung saan para siyang nakadapa na
nag ra-rappell. Medyo nakakatakot at feeling ko pag ginawa ko yun ay malulula
ako.

Dahil sa aalalayan ako ni Vin, ginawa na muna namin yung basic na rappelling.
Sabay kaming ibababa nung crew sa may bintana nung tower kaso nakababa na si
Vin, ako naman pinangunahan ako ng takot.

"t-teka lang! teka lang! ayoko natatakot ako!"

"hindi po kayo mahuhulog ma'am! Kaya niyo yan!"


"a-ayoko!" sabi ko habang kapit na kapit ako sa harness ko.

"Jeanell! Bumaba ka promise mage-enjoy ka!" dinig kong sigaw ni Vin "trust
me ok?"

Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang mga mata ko atsaka ako nagpatihulog
sa may bintana. Naramdaman ko na lang na wala na akong inaapakan at tanging
lubid na lang ang umaalalay saakin para di ako mahulog. Dinilat ko yung mga
mata ko then tinry ko sipain yung pader nung tower para mas mapabilis ang
pagbaba ko.

"Jeanell, ok ka lang?" sigaw ni Vin saakin sa kabilang side

Nginitian ko si Vin "nakakaenjoy!"

I heared him laugh "sabi sayo eh"

Actually kahit natatakot ako, the moment na nagpatihulog ako, doon ko


naramdaman na ang sarap pala sa feeling na mag rappelling. Para kang
lumulutang na ewan. Akala ko lang nakakatakot pero in the end nakaka enjoy
pala.

Dahil sa nag enjoy ako, ginawa naman namin ni Vin yung eagle style then
umakyat pa kami ng isang floor hanggang sa makarating na kami doon sa pinaka
mataas na part. After naman ng rappelling, sinubukan naming ni Vin yung
zipline and sobra din akong nag enjoy doon. Yung park kasi na to is parang
pa-jungle style siya kaya naman sobrang ganda nung paligid habang nag zi-
zipline kami.

Bukod sa rappelling and zipline, pwede rin mag kayaking dito kaya naman nung
medyo napagod kami ni Vin, ayun naman ang tinry namin dalawa.
All in all, hindi ko alam na mage enjoy ako ng husto ngayon. Parang kanina
lang grabe ang takot ko sa heights, pero ngayon enjoy na enjoy ko na ang mga
activities na may kinalaman sa heights.

Nung medyo pagabi na, kumain kami ni Vin sa restaurant sa loob ng park.
Parang nasa tree house yung restaurant and ang ganda nung view.

"ayan dahil hindi ka na takot sa heights, pwede ka na mag pahagis ngayon pag
nagsasayaw kayo sa pep squad" sabi ni Vin saakin habang kumakain kami

Medyo natawa naman ako "bat mo alam na ayaw kong nagpapabuhat at nagpapahagis
pag may cheering competition kami ha?"

"ha? wala hula ko lang. ikaw kasi yung tipo ng magbubuhat eh kasi ang taba
mo! hahahahahahahahahhaa"

Tiginan ko siya ng masama

"de joke lang to naman!" bawi niya sa sinabi niya "syempre ako kaya number 1
stalker mo!"

Napangiti ako sa sinabi ni Vin "b-bakit mo ba ko nagustuhan?"

"dahil ikaw si Jeanell.."


"eeh seryoso nga"

Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Vin ang kamay ko "seryoso ako doon.
Nagustuhan kita dahil ikaw si Jeanell. Siguro hindi mo ako napapansin dati
pero maniwala ka, matagal na kitang napapansin. Nakikita ko kung ano ang
nagpapasaya sayo… at kung sino ang nagpapaiyak sayo Jeanell. Kada makikita
kitang umiiyak, gusto kitang yakapin. Jeanell, sana katulad ng ginawa natin
ngayon, sana, sana wag ka ng matakot na ibigay ang puso mo saakin dahil
pangako, hindi kita paiiyakin o sasaktan. Please Jeanell, pwede bang ako na
lang ang mahalin mo?"

Napatitig lang ako kay Vin dahil sa mga sinabi niya. Naramdaman ko ang
pamumuo ng luha ko dahil parang nadurog ang puso ko sa mga narinig ko.

"pwede bang ako na lang ang mahalin mo?"

Parang ganyang-ganyan din ang sinabi ko dati kay Drew. Paulit-ulit na sana
ako na lang ang mahalin mo, sana saakin ka na lang tumingin, sana ako na lang
ang pansinin mo. Pero wala, hindi ako napagbigyan. Hindi niya ako nagawang
mahalin samantalang ang lalaking nasa harap ko ngayon mahal ako.

"j-jeanell b-bat ka umiiyak? Nabigla ka ba? Sorry kung nabigla kita ah? sorry
talaga!"

Pinunasan ko yung luha sa pisngi ko at tinignan ko si Vin "s-si Drew ang


mahal ko"
Umiwas siya ng tingin saakin at kita ko ang sakit na naramdaman niya dahil sa
sinabi ko.

"p-pero pwede bang subukan kong mahalin ka? Pwede mo ba kong tulungan Vin?
Please turuan mo ang puso ko.."

Biglang napatingin saakin si Vin at nakita kong napalitan ng saya ang mukha
niya "J-jeanell, t-totoo ba to? Are you really giving me a chance?"

I smile at him then I nod

"promise ko gagawin ko ang lahat para ako na mahalin mo! papalitan ko kung
sino man ang nasa puso mo at pangako, hindi ka magsisisi dahil aalagaan kita!
Promise yan Jeanell! Promise ko yan sayo! And I'll never gonna break that
promise!"

Siguro nga tama na to. Ayoko ng maging miserable. Ayoko ng masaktan. Pipiliin
ko na ngayon ang tama at yun ay ang mag move on ako.

Mahal ko si Drew pero ayoko na masaktan.

Siguro nga tama narin na ibuhos ko ang attention ko sa taong totoong


nagmamahal saakin.

***

Chapter 4

*New heartbeat*

[Drew's POV]

"uy Drew alam mo ba na nag date ngayon si Jeanell at si Vin?" tanong saakin
ni Kryzel habang nakaupo siya sa bleachers at pinapanuod akong mag practice
ng basketball mag isa
"grabe feeling ko nagkakamabutihan na yung dalawa" pagpapatuloy niya habang
tuloy tuloy lang ako sa paglalaro ng basketball

"kasi naman itong si Vin, mabilis pumorma. Kung gusto niya ang isang tao,
hindi na siya nagpapaka indenial pa, wala ng dala-dalawang isip! Liligawan na
niya agad at gagawin ang lahat maipakita lang ang pagmamahal niya dito!" sabi
ni Kryzel saakin.

Dinedma ko parin siya at tuloy tuloy lang sa pag dribble ng bola. I attempted
to shoot the three points shot at pumasok yung bola sa ring!

"kita mo yun? pasok ang three points shot ko!" pagmamayabang ko kay Kryzel

Tumayo si Kryzel sa kinauupuan niya at lumapit saakin habang


nakasimangot "Mr. Drew Fernandez nakikinig ka ba saakin ha?!"

"huh?"

Bigla na lang napa-face palm si Kryzel "you're hopeless really! What I'm
trying to say is…" huminga siya ng malalim "HAHAYAAN MO NA LANG BA MAWALA
SAYO SI JEANELL HA?! HAHAYAAN MO NA LANG BA SIYANG MAPUNTA SA IBANG
LALAKI?!?!" sigaw ni Kryzel ng pagkalakas lakas na feeling ko eh dinig
hanggang sa labas ng university namin ang boses niya.

Napatakip naman ako bigla ng tenga dahil sa pag sigaw ni Kryzel "relax ka
lang! bat galit na galit ka saakin?!" =___=

"nakakaasar ka kasi!" lumapit si Kryzel saakin "tell me Drew, wala ka ba


talagang nararamdaman para kay Jeanell?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya then I heared her sigh

"hay naku Drew, kung ako sayo pagisipan mo maigi kung ano ba ang tinitibok ng
puso mo. Mamaya magsisi ka sa huli. O siya alis na ko. Nandiyan na si Rence
at inaantay ako. Bye bye"

Tinalikuran na ako ni Kryzel at tuloy tuloy siyang lumabas sa gym habang ako
naman ay naiwang mag isa doon.

I tried shooting a three points shot again but this time, sablay na ang tira
ko. Nahiga ako sa sahig.

"kung ako sayo pagisipan mo maigi kung ano ba ang tinitibok ng puso mo.
Mamaya magsisi ka sa huli"

Napa buntong hininga ako ng maalala ko yung sinabi sakin ni Kryzel.

Ano ba kasi talaga ang tinitibok ng puso ko? ano ba talaga? Pumikit ako at
naalala ko yung time na sinabi saakin ni Jeanell na nililigawan siya ni Vin.
Sa totoo lang parang kinabahan ako na ewan nung sinabi saakin ni Jeanell yun.
Hindi ko nga lang alam kung dahil natatakot akong mawala saakin ang
bestfriend ko o naiinsecure ako dahil baka magmahal na ng iba si Jeanell.
Pero naisip ko, ayoko namang magpaka selfish. Oo alam ko dadating din ang
araw na makakapag move on si Jeanell at makakahanap siya ng lalaking
magmamahal sa kanya but I didn't expect it to come this soon.

Hay siguro nga masaydo lang akong nasanay na ako ang mahal ni Jeanell at lagi
siyang nandiyan para saakin kaya siguro ako nagkakaganito.

Kung pipigilan ko si Jeanell, hindi ba masaydo akong magiging selfish? Ilang


beses ko ng nasaktan si Jeanell and it's about time na sumaya na siya. Isa pa
tingin ko naman hindi naman siya pababayaan ni Vin.

Well I guess? Hindi ko naman masaydong close si Vin at hindi ko alam kung
paano siya makitungo sa babaeng gusto niya. Pero kung ang pagbabasihan ko ay
yung paglalaro niya ng basketball…

Si Vin ay may pagka aggressive sa loob ng ring.

Aggressive?!

Biglang may naimagine ko kung ano ang ginagawa nila Vin ngayon.

~~~~~~~~~~~~~~~

"Jeanell, sumama ka saakin ngayong gabi sa bahay namin?"

"p-pero Vin hindi pa ko ready…"

"edi gagawin kitang ready!" sabay hatak kay Jeanell at dahang dahang
naglalapit ang mukha nila…

~~~~~~~~~~~~~~~~

Napatayo ako bigla sa imagination na yun! Bwisit naman! Bat ba ganun agad ang
pumasok sa isip ko >___<

Ano pa ba katangian ni Vin? Hmm, medyo mainitin din ang ulo niya bilang
manlalaro. Pag hindi niya nakukuha yung bola, madali siyang madistract dahil
sa init ng ulo niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~

"ayaw mong sumama saakin ha?!"

"w-wag Vin maawa ka! Wag!"

*sampal kay Jeanell* *sabunot kay Jeanell*


~~~~~~~~~~~~~~~~

Napailing naman ako. Ano ba tong imagination ko masyadong wild?!

Pero kahit aggressive at mainitin ang ulo niya, he value teamwork. He's a
good team player!

~~~~~~~~~~~~~~~~

"guys! Pagtulungan nating dalhin ang babaeng to sa bahay natin! Team work
tayo"

"oo pare tapos hati hati tayo ah?"

"syempre naman! Team work!"

*high five*

~~~~~~~~~~~~~~~~

BWISET! Lahat ba ng papasok sa isip ko puro masasamang bagay? Wala bang


maganda? Nakakainis!!! Tsaka bat ko ba kailangan ikumpara ang paglalaro ni
Vin ng basketball sa pakikitungo niya kay Jeanell! Malamang naman siguro ay
magkaibang bagay yun!!

Pero paano nga kung ganun talaga ang ginagawa ni Vin? Paano kung sinasaktan
nga niya si Jeanell? Paano.. paano kung pinagpaplanuhan na niyang gahasain
ang best friend ko?! O____O

WALANGYANG LALAKI YUN! MAKAKATIKIM SIYA SAAKIN!!!

Dali-dali akong tumayo at nagpalit ng damit. Madalian kong inayos yung mga
gamit ko at tumakbo ako papunta sa bahay nila Jeanell. Makita ko lang na
nakauwi na siya, makakahinga na ako ng maluwag.

Naku sana naman walang ginawang masama si Vin kay Jeanell. =___=

Nung makarating ako sa kanila, sakto nakita kong naglalakad narin si Vin at
Jeanell papunta sa bahay nila kaya naman bigla akong napatago sa gilid ng
poste.

"thank you Vin ah? talagang nag enjoy ako ngayong araw" sabi ni Jeanell kay
Vin

"ako din! Kung alam mo lang kung gaano mo ko napasaya ngayon"

Napasaya?! What exactly did they do?! =___=

Naramdaman ko naman na may kumikiskis na kung ano sa paa ko kaya napatingin


at dito ayun may nakita akong isang kuting.
"ngyawww" sabi nung kuting saakin

"shh!"

Tinignan ko ulit sina Vin

"uhmm gusto mo munang pumasok sa loob?" yaya ni Jeanell

"naku hindi na, medyo gumagabi narin eh!"

Hay buti naman at di pumayag!

"ngyaw ngyaww!" sabi nung kuting sa may paa ko habang kinakalmot kalmot yung
pantalon ko. Tinabing ko yung pusa. Bwisit, ang kulit kulit!! >__<

"Oh ganoon ba? Ingat ka pauwi Vin ah?"

"Sure! I'll text you pag nakauwi na ko"

"sige bye" nag wave na si Jeanell sa kanya at tumalikod pero bigla siyang
hinila ni Vin

"wait!"

Nagulat ako ng bigla niyang halikan si Jeanell sa pisngi

"thank you talaga Jeanell"

At talaga nga naman! Kailangan i-kiss na agad sa cheeks eh first date pa lang
nila yun?! aggressive nga talaga ang Vin na to! >___<

"ngyaaw.. ngyaaaaw.."

"O-ok lang y-yun. Salamat din" sabi ni Jeanell at halatang namumula siya. Wag
mong sabihing kinilig na siya dun? >__<

"ngyaaawwww ngyaaaw ngyaaaawww"

Tinignan ko yung dalawa at nakita kong paalis na si Vin

"ngyaaaaaaaw! Ngyaaaaaaaaawwww! Ngyaaaaaaww"

"Ay anak ng--!!!" tinignan ko yung kuting sa may paanan ko na kanina pa


nanggugulo saakin "wala akong pagkain kahit mag meow ka pa ng mag meow diyan?
Mamaya na lang ok? Babalikan kita dito basta wag ka lang maingay at wag mo na
muna ko istorbohin dito!! Busy ako!" >____<

"Drew?" napatigil ako bigla ng makita kong nasa harap ko na si Jeanell "anong
ginagawa mo dito? Tsaka sino kinakausap mo?"
"H-ha? ah eh.. hehehe w-wala napadaan lang ako"

Naku naman! Nahuli pa! tong pusang to kasi ang ingay ingay! >___<

"oh I see. May pupuntahan ka ba dito? Di ba sa kabilang way yung bahay mo?"

"h-ha?! a-ano eh uhmm ano kasi.. n-nag jojogging ako! Tama nag jojogging kasi
ako!" pagpapalusot ko sa kanya

"ng ganitong oras? Gumagabi na ah?"

"ay ganun? Hehe hindi ko napansin! Sige una na ko" pag papaalam ko sa kanya

"ok. Ingat ka! Bye bye" she waved at me tapos pumasok na siya sa loob ng
bahay nila

Yun lang yun?! Ni hindi manlang ako niyaya pumasok sa loob ng bahay nila para
painumin man lang oh ano! Samantalang yung Vin na yun niyaya niya?!
Napagpalit niya na ko ng ganung kabilis?!

Badtrip. Makauwi na nga lang. T___T

Napahinga ako ng malalim. I gave Jeanell's house one last look.

Pero sa itsura nila kanina, mukhang ang saya saya nila. Ok narin siguro si
Vin para kay Jeanell. Nakikita kong aalagaan at mamahalin niya to ng husto.
Hindi niya sasaktan si Jeanell at alam ko sasaya ito sa kanya.

Hindi katulad ko.

Kinabukasan maaga akong nakarating sa gym para mag practice. Wala pa yung
ibang ka team members ko. Malamang eh may mga klase pa yung mga yun. Nagpalit
ako ng sweat shirt then lumabas na ko para mag practice. Nagulat naman ako na
may tao na doon sa gym pagdating ko.

"Jeanell?"

"oh Drew, ikaw palang?" tanong niya saakin

"ah oo. Maaga kasi nag dismiss yung last subject class ko"

"oh I see. Ako din eh" nginitian ako ni Jeanell atsaka niya ko
nilapitan "ikaw talaga hindi ka marunong magtali ng sintas mo"
"h-ha?"

Yumuko si Jeanell at itinali niya yung sintas ng rubber shoes ko

"salamat Jeanell.."

Tumayo siya then nginitian niya ako "uhmm Drew, a-alam mo ba b-binigyan ko na
ng chance si Vin na manligaw saakin"

Napatingin ako sa kanya nung sinabi niya yun. Hindi ko alam kung bakit pero
nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko pero hindi ko ito pinahalata kay
Jeanell.

"g-ganun ba?" I fake a smile "edi maganda! Bagay naman kayo ni Vin eh!
sagutin mo na kaya siya" I told her half heartedly. Sa totoo lang gusto ko
talagang sabihin ang mga katagang yun kay Jeanell ng bukal sa puso pero bat
ganito? Bat hindi ko makuhang maging masaya para sa kanya? Bakit parang
nasasaktan ako sa thought baka ma-fall na rin siya kay Vin?

Bakit ba parang natatakot ako?

"naisip ko Drew siguro tama narin talaga para saakin si Vin. Mahal niya ako
at lagi niya akong inaalagaan. Alam ko magiging masaya ako sa kanya"

I nod "o-oo. Alam ko magiging masaya ka kay Vin.."

"sana ikaw din maging masaya na"

I just nod at her. Sa nararamdaman ko ngayon, parang ang layo pa bago ako
maging masaya ng totoo.

Maya-maya lang din ay nagsidatingan na ang mga ka-team members namin at


nagsimula narin ang practice. Dahil kasabay namin ang practice ng pep squad
ngayon, tig kalahati kami ng court. Medyo malapit narin kasi ang competition
ng pep squad pati narin ng basketball team kaya naman todo na ang pag pa-
practice namin.

Nag warm-up muna kami then after ten minutes ay nagsimula narin kami ng
practice game. At kung mangaasar nga naman, kalaban ko si Vin.

Nag jump ball ang magkabilang captain sa team namin at saktong sakto na
saamin napunta ang bola. Agad kong kinuha ito at nag dribble papalapit sa
ring kaya lang napatigil ako bigla sa nakita ko.

Sa kabilang court ay nag pa-practice ng pyramid ang mga pep-squad at si


Jeanell yung nasa pinaka tuktok.

"Drew! Concentrate on the game!" sigaw ng captain namin pero hindi ko ito
pinansin. Binitiwan ko ang bola at napatakbo papalapit kila Jeanell ng makita
konga na-o-out balance na siya at parang mahuhulog na.

"Jeanell!!!" narinig kong sigaw ni Vin.


Dali-dali akong tumakbo papunta kay Jeanell at saktong pagkahulog niya ay
bigla ko siyang nasalo. Pareho kaming napatumba sa sahig. Ako nasa ilalim
habang yakap yakap ko sa may dibdib ko si Jeanell na walang malay. Bigla
akong nakaramdam ng sakit sa may ankle ko.

"Drew!! Jeanell! Ayos lang kayo?!" sigaw ni Vin. Nagsilapitan din ang mga
members ng pep squad pati mga ka-team member ko.

"ok lang ako. Si Jeanell nawalan ng malay! Tulungan niyo siya!"

Agad agad binuhat ni Vin si Jeanell. Nagsilapitan naman saakin yung mga ka-
team member ko habang namimilipit ako sa sakit at nakahawak sa may ankle ko.

"na twist niya ata ang ankle niya gawa ng pagkakatumba nila! Dalhin na natin
to sa ospital" naramdaman ko na lang na binubuhat na ako ng mga kasamahan ko
at inihiga sa isang stretcher.

"may bone fracture ka sa may ankle mo and it'll take a month para
gumaling" sabi ng coach ko "hay, hindi ka muna makakapaglaro para sa
tournament natin. Malaking kawalan ka Drew alam mo ba yun?"

Hindi ko pinansin yung sinabi niya instead, sinubukan kong umayos ng


upo "kamusta po si Jeanell?"

"she's fine. Nawalan lang siya ng malay pero ni-galos wala siya"

Napangiti ako "I'm glad"

"mahal mo no?" diretsahang tanong ni coach saakin kaya

"h-ha?! hindi no! kaibigan ko lang yun at mahalaga siya saakin"

"Drew, kung hindi mo siya mahal edi sana ngayon nagmumukmok ka na dahil hindi
ka makakapag laro sa tournament. Importante tong game na to para sayo pero
malaman mo lang na ligtas si Jeanell eh ayos lang sayong hindi makapag laro"

Napayuko lang ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya "s-sorry dahil hindi po
ako makakapag laro"

"you don't sound resentful. Nararamdaman ko pang masaya ka dahil ligtas siya"
Hindi ko ulit siya sinagot at kinuha ko yung saklay ko "k-kakamustahin ko
lang si Jeanell"

Naglakad ako palabas ng room ko at para pumunta sa kabilang room kung saan
nandun si Jeanell. Papasok na sana ako sa loob ng makita kong kasama niya si
Vin at hawak-hawak nito ang kamay niya.

"Jeanell sure kang ok ka a? wala bang masakit sayo o ano? Ayos ka lang ba?"

"o-oo Vin ok lang ako. I-ikaw ba nag dala saakin dito?"

Vin nodded

Nakita ko namang ngumiti si Jeanell "salamat ha? salamt Vin sa pagligtas


saakin. siguro kung di mo ginawa yun, malamang eh nadisgrasya na ko"

Hinawakan ni Vin ang pisngi ni Jeanell "hindi ko naman talaga hahayaan na may
mangyari sayo eh. I'm glad ligtas ka…"

Napahinga ako ng malalim dahil sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung bakit
naiinis ako sa sarili ko. Kung di lang ako ta-tanga tanga edi sana ako rin
ang nagdala kay Jeanell sa ospital. Ako sana ang nagbabantay sa kanya at ako
rin ang pinasasalamatan niya.

Pero sa kabilang banda, naisip ko, ayos nadin siguro to. Ang mas mahalaga ay
ligtas si Jeanell. Ako man o si Vin ang nasa tabi niya, ang mahalaga, hindi
siya nasaktan.
Yun nga lang, meron parin parte saakin na parang nagseselos at hindi ko alam
kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Naalala ko bigla yung sinabi ni coach saakin

"Drew, kung hindi mo siya mahal edi sana ngayon nagmumukmok ka na dahil hindi
ka makakapag laro sa tournament. Importante tong game na to para sayo pero
malaman mo lang na ligtas si Jeanell eh ayos lang sayong hindi makapag laro"

Mahal? Pagmamahal na ba talaga tong nararamdaman ko para kay Jeanell? Nahulog


na ba talaga ko sa kanya?

Kung oo, isa lang ibig sabihin nito. Malas talaga ako sa pagibig.

Dahil kung kelang nahulog na ko sa taong matagal ng nasa tabi ko, ngayon pa
siya mawawala saakin..

***

Chapter 5.1
*man-to-man*

Chapter 5.1

*man-to-man*

Part 1

[Jeanell's POV]

"Jeanell!" tumakbo palapit saakin si Kryzel pagkadating na pagkadating ko sa


gym para sa practice namin ng pepsquad "how are you? Ayos ka na ba? Wala bang
naging damage sayo ang pagkakabagsak mo?"

Nginitian ko si Kryzel "ok lang ako. Wala ni galos. Thanks to Vin"

Tinignan ako ni Kryzel "Vin?!"


"huh? O-oo. Siya nag ligtas saakin di ba?"

"sinabi niya sayo na siya nagligtas sayo?"

"Oo sabi niya tsaka isa pa siya naman naabutan ko sa tabi ko"

Nagulat naman ako dahil biglang sumimangot si Kryzel.

"bakit hindi ba siya?" tanong ko sa kanya

"hmm sabi niya siya di ba" sagot naman ni Kryzel saakin.

Ok? Bakit para atang naiinis si Kryzel? Ano kaya meron?

Napalingon naman ako sa likuran niya at nakita ko na puro foam at mattress


yung sahig.

"teka, bakit puro ganyan yung nasa sahig?"

Kryzel shrugged "I don't know. Pagdating namin ganyan na yan eh. Siguro yung
taong naglagay niyan ay laking takot na mabagsak ka na naman" Kryzel told me
teasingly.

Nginitian ko si Kryzel "naku tumigil ka nga diyan!" tinignan ko yung mga foam
sa sahig at napangiti ako. Alam ko naman kung sino ang naglagay niyan eh
kahit hindi pa sabihin saakin.

"Hey Jeanell!"

Pareho kaming napalingon ni Kryzel sa tumawag saakin at nakita namin si Vin


na tumatakbo palapit saamin.

"have you rested well?" tanong niya saakin

I smile at him "oo naman, salamat ah"

"no worries. Alam mo naman na love kita eh!"

Medyo tinulak ko siya "tumigil ka nga diyan! Anyway, ikaw nag lagay nun
no" turo ko sa mga foams

Nginitian ako ni Vin "na-touch ka naman!"


"pasaway ka! Hindi naman namin magagamit yan dahil di kami makakapag practice
with that. But still thank you!"

"makita ko lang safe ka masaya na ko"

Nginitian ko ulit si Vin. Hay naku naman, ang sweet naman ng isang to saakin.
Wala siyang ibang ginawa kundi ang mag alala saakin. Lagi pa niya ako
inaalagaan. After ko mahulog, todo pag aalaga ang ginawa ni Vin saakin kahit
hindi naman ako nagalusan. Samantalang si Drew ni kamustahin ako hindi niya
ginawa. Oo alam ko naman na hindi niya ko mahal eh, pero as a best friend man
lang di ba? Baka pati friendship namin itinapon na niya :'(

Hay, siguro nga dapat ko ng ibaling lahat ng nararamdaman ko kay Vin. At


least siya mahal ako. Atsaka di naman siya mahirap mahalin eh.

Napatingin ako doon sa mga varsity ng basketball at doon ko lang napansin na


wala si Drew. Teka, usually lagi siyang maaga sa practice ah? tsaka kanina pa
nag start ang practice nila, bakit wala pa siya?

"uhmm Vin, nasaan si Drew?" tanong ko sa kanya

"ay wala si Drew, Jeanell! Di siya makakapag practice!" pag sagot naman ni
KRyzel sa tanong ko sabay tingin ng masama kay Vin

"bakit hinahanap mo pa si Drew, Jeanell?" tanong ni Vin sabay hawak sa kamay


ko "he doesn't deserve you. Minahal mo siya kaso hindi niya pinansin yun.
Binalewala niya lang lahat ang nararamdaman mo sa kanya. Please forget him
ok?"

"h-ha? ano ka ba Vin! I'm just asking. Don't give it a deeper meaning"

"I-I'm sorry. Ayoko lang na masaktan ka ulit Jeanell"

"hay naku bat ganun parang sumama yung ihip ng hangin?!" pag sabat naman ni
Kryzel "nangangamoy ampalaya! Uy jeanell, mag bihis ka na at maguumpisa na
practice natin. Doon muna ako ok?" after that tinalikuran na kami ni Kryzel
at naglakad palayo saamin.

"Errr bat parang badtrip ngayon si Kryzel?"

I shrug "I don't know. Sige Vin una na ko need ko na magpalit eh"
"ok, Ah, Jeanell!" napalingon ako sa kanya "I love you"

I just smile at him tapos naglakad na ko papunta sa locker room.

Sana sa susunod na sabihin ni Vin saakin yan, masagot ko na siya ng buong buo
at totoo.

Nagsimula na yung practice namin. This time medyo nagingat na kami sa mga pag
bubuhat. Good thing wala naman na disgrasya na. Nung break time, nagkumpulan
lang kami sa gilid at kumain ng mga pang meryenda namin. Naupo naman ako sa
tabi ni Kryzel nun.

"uy kanina ka pa tahimik ah" sabi ko sa kanya "nag away kayo ni Rence no?"

"naku hindi no! sobrang sweet kaya nun saakin ngayon"

"oh eh bat parang kanina pa nakasimangot yang mukha mo?"

Kryzel sighed "ewan ko pero nababadtrip talaga ko"

"hmm kanino naman?"

Nag buntong hininga si Kryzel then tumingin siya saakin "Jeanell, please
answer me truthfully. Tingin mo ba talaga na binalewala talaga ni Drew ang
nararamdaman mo para sa kanya?"

Iniwas ko ang tingin ko kay Kryzel "b-bat mo naman biglang naitanong saakin
yan?"

"Jeanell, hindi binalewala ni Drew ang nararamdaman mo sakanya. It's just


that he really cares for you kaya ayaw ka niyang masaktan. Oo maaring confuse
pa siya sa nararamdaman niya kay Naomi, pero never ka niyang binalewala.."

"K-kryzel--!"

"Naiintindihan ko si Drew because I've been there before. Nakikita ko ang


sarili ko sa kanya dahil lahat ng napagdadaanan niya ngayon, naranasan ko rin
bago maging kami ni Rence. Nandoon yung sakit dahil sa naidulot sa kanya ng
past niya. Nandoon din yung takot niya na mag mahal ulit. Maaring
nagpapakaduwag siya ngayon, but I totally understand him. Masakit kaya yung
umasang mahal ka ng taong mahal mo. Masakit kaya yung makita mong masaya sa
iba ang taong akala mo eh sayo na. Masakit Jeanell. Yun nga lang, mas masakit
yung kay Drew… dahil dalawang beses na niya tong nararanasan…"
Napatulala ako sa sinabi ni Kryzel "w-what do you mean"

Nginitian niya lang ako ng malungkot at tinapik ako sa balikat and instead na
sagutin niya ang tanong ko, eto ang sinabi niya "Drew's your bestfriend
right? Then try to understand him a little more…"

Hindi nakaimik dahil sa sinabi ni Kryzel saakin. Hindi ko alam kung bakit,
pero para akong nasaktan na ewan ng dahil sa sinabi niya.

Hay nakakapagod!

Pagakarating na pagkarating ko sa bahay, agad agad akong sumalampak sa kama


dahil ramdam na ramdam ko ang pagod dulot ng practice namin sa pepsquad.
Gumulong ako sa side ko at napatingin naman ako doon sa picture frame na nasa
study table ko. Doon sa picture frame ay nakalagay yung picture naming dalawa
ni Drew. Kinuha ko to at tinitigan. Bigla naman nag flashback sa isip ko yung
sinabi saakin ni Kryzel.

"Drew's your bestfriend right? Then try to understand him a little more…"

Drew's my best friend, pero inintindi ko nga ba siya? Oo alam ko nasasaktan


siya kay Naomi alam ko yun. Pero sa kabila ng yun lagi kong iniisip na bakit
hindi niya magawang iwan si Naomi? Bakit hinahayaan niya na patuloy siyang
mahirapan dahil kay Naomi? Bakit ganun? Bakit hindi niya kayang lumingon
saakin?

"Jeanell, hindi binalewala ni Drew ang nararamdaman mo sakanya. It's just


that he really cares for you kaya ayaw ka niyang masaktan. Oo maaring confuse
pa siya sa nararamdaman niya kay Naomi, pero never ka niyang binalewala.."

Parang isang matulis na patalim ang sumaksak saakin ng maalala ko ang sinabi
ni Kryzel saakin. Hindi niya binalewala ang nararamdaman ko? oo tama, hindi
niya binalewala. Ayaw niya kong gawing panakip butas. Ayaw ni Drew na mas
masaktan ako.

Ibig sabihin, mali yung ginagawa ko kay Vin?

Napahinga ako ng malalim habang nararamdaman kong may namumuong luha sa gilid
ng mata ko.

Hay bat ba napakahirap ng sitwasyon namin? Bakit ba nahantong lahat sa


ganito? Mas gugustuhin ko pa na magalit na lang si Drew saakin eh para mas
madali akong makakabitaw sa kanya.

Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko parin kung gaano ko siya kamahal. Pero
this time, gusto ko ng magpaka selfish.

Ayoko ng masaktan
***

Chapter 5.2
Man-to-man

[Drew's POV]

"So ikaw pala talaga ang naglalagay lahat ng yan" napalingon ako doon sa
nagsalita at nakita ko sa likod ko si Kryzel.

"nandyan ka na pala" sabi ko sa kanya

Lumapit si Kryzel saakin at tinignan niya yung hawak kong mga foams "talagang
alalang alala ka kay Jeanell no at nakuha mo pa talagang maglatag ng foam
dito"

I just smiled at her at ipinagpatuloy ko ang paglalagay nung mga foams sa


sahig. Medyo nahirapan din ako dahil isang arm lang ang nagagamit ko dahil
nga may bali yung kabila kong braso.

"Don't you know that Vin is taking all the credits?"

Napalingon ako sa kanya "what do you mean?"

"sinabi niya kay Jeanell na siya ang nagligtas sa kanya. Nung tinanong din
siya kung siya ba ang naglalagay ng mga foams dito, ni hindi man lang niya
itinanggi! Drew bat ba kasi ayaw mo na sabihin namin na ikaw ang nagligtas sa
kanya?!"

Napayuko ako. Sinabihan ko kasi lahat ng naka witness na wag na lang sabihin
na ako ang nagligtas kay Jeanell. Ayoko ng magkaroon pa ng dahilan para ma-
fall pa ulit saakin ang babaeng wala akong ibang ginawa kundi saktan. Ngayon
ko lang naramdaman kung gaano ako ka-walang kwenta at kung gaano ko hindi
deserve si Jeanell. She deserve someone better and that's Vin.

"Kryzel, mas maigi ng hindi alam ni Jeanell.."

"But why?! Para magkatuluyan na sila ni Vin?! Dati gusto ko siya para kay
Jeanell, but come to think of it, hanggang paglalandi lang kay Jeanell ang
effort na kaya niyang ipakita dito! "

Napa buntong hininga ako dahil sa sinabi saakin ni Kryzel "he can make her
happy"

"you can also just give yourself a chance! Drew, kung pagbabasihan ang lalim
ng pagmamahal, mas malalim ang iyo! Nung nahulog si Jeanell, sino ang sumalo
dito? Di ba ikaw? Si Vin hanggang sigaw lang ng pangalan niya pero ikaw
tumakbo ka papunta kay Jeanell at ayan ang naging kapalit!" tinuro niya yung
braso ko "I know how much you love basketball, pero ipinagpalit mo yun para
kay Jeanell. Alam mo ok na sana eh! Mahal mo na eh! Ang duwag mo lang!
kumilos ka nga! Mas lamang ka parin ng sampung paligo sa Vin na yan!" =__=
Medyo natawa ako sa reaction ni Kryzel kaya naman lumapit ako at ginulo ko
yung buhok niya

"ikaw talaga! Masyado ka lang bias kaya ganyan iniisip mo!" ^___^

"oh what the—stop that! I'm not a dog!" sabi ni Kryzel sabay pout "pero Drew
naman! Lahat na lang ng sabihin ko di mo sineseryoso eh! mahal mo ba si
Jeanell o hindi?!"

Yumuko ako at nag buntong hininga "oo inaamin ko, may nararamdaman na ko kay
Jeanell, kaso—"

"eh yun naman pala eh bakit hindi mo siya ligawan?!"

"Kryzel, kada magkasama si Vin at Jeanell, nakikita kong tumatawa si Jeanell.


Nakikita ko ang mga ngiti niya. Nakikita ko kung gaano siya kasaya. Alam mo
ba, kada kasama ko siya, madalas umiiyak siya. Lagi ko na lang nakikita sa
mukha niya yung painful expression. Pero iba pag kasama niya si Vin"

"pero ikaw ang mahal niya Drew. Bat hindi mo na lang ipagtapat yang
nararamdaman mo ngayon? Tell her you have a change of heart! Tell her na may
nararamdaman ka na para sa kanya. J-just tell her that! Sabihin mo sa kanya
na mahal na mahal mo siya at wag ka niyang ipagpapalit kay Vin! You're a man
Drew! Do everything para makuha mo ang babaeng mahal mo"

Nag buntong hininga ulit ako and I looked at Kryzel with a painful
expression "I did that before. Sinabi ko kay Naomi na wag niya na ituloy ang
contract, na iwan niya na lahat ito para maging kami na. Alam mo ba, umasa
ako nun na ako ang pipiliin niya dahil sinabi niya saakin na mahal niya ko.
But I'm wrong" huminga ako ng malalim just to restrain myself from crying
"alam kong alam mo ang pakiramdam ng umasa sa wala Kryzel. Masakit di ba?
Sobrang sakit. Sige ayos lang naman saakin na matawag na duwag o tanga o
kahit ano eh. But, I'm scared. I'm really scared. Ayoko ng maramdaman pa ang
ganung sakit. Si Vin ang makakapagpasaya kay Jeanell. I'm willing to let her
go just to see her smile.."

"Drew…" Kryzel taps my shoulder "I totally understand. Pero sabi nga nila,
things never happen the same way twice. Sige maiwan muna kita diyan at
magbibihis na ako" nginitian ako ni Kryzel then tumalikod na siya at naglakad
papunta sa girl's locker room.

Things never happens the same way twice?

Not really. Nasaktan na ako noon, nasasaktan parin ako ngayon at alam ko,
mararanasan ko paring masktan sa mga susunod pang araw.

Nung matapos ko ang paglalatag ng mga foams, lumabas na ako ng gym kaya lang
bigla ko namang nakasalubong si Vin na papasok pa lang.

"Drew"

I just nod at him as a sign of greeting. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis
ngayong nakita ko siya. Maybe because I'm jealous dahil sa ngayon, nasa kanya
na ang atensyon ni Jeanell.
I walk pass him pero nagulat ako ng tawagin niya ulit ako

"Drew, let's have a man-to-man talk"

Hinarap ko siya "why?" I asked him innocently

"alam kong alam mo kung bakit"

Tumalikod si Vin at naglakad palayo. Sumunod narin ako sa kanya. Siguro nga
it's about time na magusap kaming dalawa.

It's about time na ako mismo ang sisigurong hindi na masasaktan ang best
friend ko.

Nagpunta kami ni Vin sa rooftop kung saan kadalasang walang tao kaya naman
makakapagusap kami ng matino dito.

"hindi na ko magpapaligoy ligoy pa Drew.." diretsang sabi saakin ni Vin


pagkaakyat na pagkaakyat namin sa rooftop "mahal ko si Jeanell at hindi ko
siya kayang isuko. Gagawin ko ang lahat para mapalitan ka sa puso niya kaya
kung gusto mo si Jeanell at balak mo siyang agawin, sorry pero hindi magiging
madali yun dahil hindi ko siya bibitawan"

I smile a little "pag lumaban ako sayo at sinabi kong mahal ko si Jeanell,
I'm very sure na iiwan ka na niya dahil ako ang mahal niya hindi ikaw. Kaya
kahit anong pag laban pa ang gawin mo, wala kang magagawa. You're only
fighting in a lost battle"

I saw Vin clenched his fist. Aware akong nainis siya sa sinabi ko sa kanya.
Ganti na lang siguro yun sa ginawa niyang pag te-take credit sa mga ginawa ko
para kay Jeanell.

"but don't worry…" dugtong ko doon sa sinabi ko sa kanya "I'm not going to
fight anymore.."

Nakita ko ang gulat sa mukha niya ng sabihin ko yun "Huh?!"

"a-alam kong hindi na ako deserve ni Jeanell. Alam kong ilang beses ko na
siyang sinaktan at wala na akong karapatan para angkinin siya. K-kaya Vin,
alagaan mo siya ah? at gawin mo ang lahat para sumaya siya.."

Biglang ngumiti si Vin at nilapitan ako "ok then buti hindi nap ala ako
mahihirapan. Ayoko narin kasing kalabanin ka bro" he held out his
hand "makakaasa ka. Hindi ko sasaktan si Jeanell"

Tinignan ko ang kamay niya then inabot ko to at nakipag shake hands "salamat"

"pero Drew gusto ko sanang mag request sayo.."

"ano yun?"

"pwede bang layuan mo na muna si Jeanell? Kada lalapit ka sa kanya, alam kong
nasasaktan siya at mas lalong mahihirapan siyang maka move on. Di ba ayaw mo
naman ng nasasaktan si Jeanell? Please Drew nakikiusap ako, layuan mo na muna
siya hangga't maari"
Medyo natigilan ako sa sinabi ni Vin. Layuan si Jeanell? Kaya ko bay un? Oo
masakit sigurong makita na magkasama si Vin at Jeanell, pero kung pati
friendship namin puputulin ko, makakaya ko ba?

Magagawa ko bang layuan ang bestfriend ko? Ang taong nandiyan nung mga
panahong nasasaktan ako?

"hindi ko kaya…" bulong ko

"kayanin mo! Para kay Jeanell kayanin mo!"

Para kay Jeanell?

Napabuntong hininga ako.

Siguro nga tama si Vin. Ako ang dahilan kung bakit nasasaktan si Jeanell. Ako
ang dahilan kung bakit siya nahihirapan at umiiyak.

Ayoko ng maging dahilan pa ng sakit na nararamdaman niya.

Napatango na lang ako biglang sign ng pag sangayon ko sa kanya.

Hinawakan ni Vin ang magkabila kong braso "Salamat bro! salamat"

Bumaba na kami ni Vin matapos namin magusap. Dumiretso naman siya sa gym
habang ako naman ay dumaan muna sa locker ko para kunin yung mga gamit ko.
Nung maayos ko na ang mga gamit ko, plano ko na sanang umuwi ng makita ko si
Jeanell na naglalakad sa way ko. Bigla akong napatago sa gilid ng hallway.

"Jeanell! Kanina pa kita hinahanap" rinig kong sabi ni Vin at nakita ko naman
siya na patakbo papalapit kay Jeanell

"oh Vin, may naiwan lang kasi ako sa room namin. Pabalik na ko ng gym"

"I see, tara sabay na tayo bumalik?" Vin stretched his hand

At parang dinurog ang puso ko ng makita kong hawakan ni Jeanell ang kamay
nito habang masaya siyang nakangiti kay Vin.

Eto naman ang gusto ko dib a? Ang makitang masaya si Jeanell kahit nasasaktan
ako. Eto naman talaga ang tama eh. Kailangan ko siyang pakawalan para maging
masaya na siya…

Pero sa kabilang banda, hindi ko parin talaga maiwasang hindi masaktan.

***

Epilogue

[Jeanell's POV]
"Jeanell, dinalhan kita ng meryenda para may makakain ka pag nag break
kayo" inabot saakin ni Vin ang isang plastic bag "doughnut yung nandiyan at
ang favorite mong mogu mogu"

May practice kami ngayon sa pepsquad. Dahil sa available na yung isang gym,
hiwalay na ang practice ng basketball team pati narin ng pep squad. Every
practice, laging dumadaan dito si Vin para dalhan ako ng meryenda.

Kinuha ko yung pagkain na inabot niya saakin "ikaw talaga lagi kang nag
aabalang bilhan ako! Mamaya tumaba na ko ng tumaba kasi lagi mo na lang akong
pinapakain!" biro kong sabi sa kanya

"ok ng tumaba ka wag ka lang magkasakit" sabi naman ni Vin saakin.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Vin then he slightly pinched my


cheeks "balik na ko sa gym namin ah? baka katayin na ko ni coach! Mamaya ah
ihahatid kita sa inyo! Kita na lang tayo sa may locker!" paalam ni Vin saakin

"opo opo! Bumalik ka na doon baka mapagalitan ka pa ng coach mo!"

"yes master!" tumalikod na si Vin at tumakbo palabas ng gym pero bago siya
tuluyang makalabas lumingon ulit siya saakin "JEANELL!!! I LOVE YOUUU!" sigaw
niya ng pagkalakas lakas kaya naman pinagtinginan kami nung mga kasamahan ko
sa pep squad kasama narin ng ilang bystanders.

Bago pa ako makapag react, kumaripas na siya ng takbo paalis.

Napailing na lang ako kay Vin habang nakangiti.

"Jeanell ang sweet naman ng manliligaw mo! kung ako sayo sinasagot mo na yan"
sabi nung isa naming kasamahan sa pep squad

"oo nga! Tsaka grabe ka alagaan oh. For sure magiging perfect boyfriend siya
para sayo"

Nginitian ko lang sila then tinignan ko yung dala-dalang food saakin ni Vin.

I sighed.

Naalala ko dati kada break or pagkagaling sa practice sabay kaming nag me-
meryenda ni Drew sa 7-11. Minsan cup noodles, minsan yung mga instant kanin
at ulam na di-init sa microwave. Tapos ililibre niya ko ng mogu mogu or
slurpee.

Kamusta na kaya ang lalaking yun? It's been two weeks at hindi ko pa siya
nakikita. Ni makasalubong sa school wala. Ni text nga hindi nagpaparamdam eh.
Sa totoo lang miss na miss ko na siya. Hindi ko na alam ang nangyari sa
kanya.

Napailing ako bigla.

Bakit ba hanggang ngayon grabe parin ako mag-alala kay Drew? Nakakaasar na.
Dapat ibaling ko na lahat ng attention ko kay Vin dahil siya ang nandiyan
palagi sa tabi ko, siya ang nag aalaga saakin at siya ang nagmamahal saakin.

Not Drew
"Jeanell.."

Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Kryzel na papalapit

"oh Kryzel nag meryenda ka na ba? Gusto mo ng doughnut?" alok ko sa kanya

Naupo siya sa tabi ko then tinignan niya yung foods "dala ni Vin?" I nod "I
see, naku sayo na yan"

Natawa naman ako sa sinabi ni Kryzel. Hindi ko alam kung bakit pero
pakiramdam ko ang init talaga ng dugo niya kay Vin.

"wag ka mag alala babayaran ko to kay Vin kaya kumuha ka lang" sabi ko sa
kanya

"naku wag na! nagkakamabutihan na pala kayo. Sasagutin mo na siya?"

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya then I shrugged "siguro.."

"ibig sabihin nag aalinlangan ka parin?"

Hindi ko sinagot yung sinabi saakin ni Kryzel.

Nagaalinlangan? Sa totoo lang buo na talaga ang desisyon ko na sasagutin ko


si Vin, pero aaminin ko, deep in side, meron at meron parin talagang pag
aalinlangan.

"Jeanell, what if Drew told you na mahal ka na niya? Will you give him a
chance?"

Nagulat ako sa tanong ni Kryzel kaya naman napayuko ako at iniwas ko ang
tingin ko sa kanya "b-bat mo naman tinanong yan?"

"I just want to know.."

I sighed "I don't know Kryzel… hindi ko alam kung magiging masaya pa ako pag
nalaman ko yun. Maguguluhan ako lalo dahil ang naka set na sa isip ko ay kay
Vin ako sasaya.."

"pero sigurado ka bang kay Vin ka sasaya?"

Hindi ko sinagot si Kryzel instead ipinako ko lang ang tingin ko sa sahig.

She tapped my back "I know not all the times pakikinggan natin ang puso
natin, but sometimes, by listening to our heart, we find happiness.." sabi
niya saakin then nginitian niya ko "mag warm up lang ako para sa practice ah?
sunod ka na lang"

Pumunta na si Kryzel doon sa gitna ng gym habang ako naman naiwan doon.

Ano nga ba ang sinasabi ng puso ko? Oo alam kong si Drew parin ang mahal
nito, hanggang ngayon, si Drew parin ang tinitibok nito.
Kaya lang natatakot na kong masaktan…

Saglit lang ang practice namin sa pep squad dahil matagal pa naman ang
susunod naming laban. After ng practice, agad akong dumiretso sa dressing
room para magbihis. Medyo pagod narin kasi ako at isa pa baka inaantay na ko
ni Vin.

Nang makapagpalit ako ng damit, dumiretso na ako sa locker ko para kuhanin


ang mga gamit ko kaya lang napahinto ako ng makita ko si Drew na naglalagay
din ng mga gamit niya sa locker niya.

Tinitigan ko siya. Mukhang pagod na pagod siya pero parang hindi siya
umattend sa practice nila dahil naka school uniform pa siya. After two weeks
ngayon ko lang ulit siya nakita. Parang gusto ko siyang lapitan ngayon at
yakapin. Nakaramdam ako ng sobrang pagkamiss sa kanya.

Oh snap out of it Jeanell! Ni hindi ka nga niya kinamusta eh.

Plano ko na sanang tumalikod at umalis kaya lang napansin kong may injured
ang braso niya. Before I could stop myself, napasigaw na ko ng pangalan niya.

"D-drew!"

Nakita kong biglang napatingin saakin si Drew at gulat na gulat siya ng


makita niya ako.

"Jeanell—"

"anong nangyari diyan sa braso mo?! bakit may injured ka?!"

Iniwas niya ang tingin niya saakin "w-wala, na hulog kasi ako sa hagdan.."

"nahulog ka sa hagdan?! Drew bat di ka nagiingat! Alam mong malapit na ang


tournament niyo tsaka ka pa nainjured! Ang tagal mong inantay ang tournament
na to di ba?!" galit na galit kong sabi sa kanya "tsaka bat di mo manlang
sinabi saakin na ganyan ang lagay mo?" mangilid ngilid ang luha ko habang
tinatanong ko ang bagay na yun sa kanya.

Hindi naman ako sensitive na tao eh pero hindi ko alam bakit ako nasaktan sa
fact na hindi manlang ako sinabihan ni Drew about sa lagay niya. Alam kong
hindi naman niya ako girlfriend eh pero best friend niya ako! Among others
ako ang pinaka nakakaalam kung gaano kahalaga sa kanya ang dadating na
tournament.

Nakita kong yumuko si Drew "s-sorry kung di ako nagiingat" after niyang
sabihin yun, isinara niya ang locker niya at tumalikod na siya saakin at
naglakad palayo.
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, dali-dali kong hinabol si Drew at niyakap
ko siya from the back.

"Sorry Drew.. sorry sa sinabi ko. Alam ko namang nade-depress ka ngayon eh.
Sorry talaga"

Inalis ni Drew ang pagkakayakap ko sa waist niya at hinarap niya ako "ayos
lang, di naman ako galit. Sige Jeanell, una na muna ako sayo.."

Patalikod na ulit sana si Drew kaya lang bigla kong hinila ang braso niya

"may problema ba Drew?"

Iniwas niya ang tingin niya sakin "wala"

"then bakit ang cold mo saakin?! may nagawa ba akong mali?!"

He sighed "Jeanell, c-can we talk? May kailangan lang akong sabihin sayo" he
told me while looking uneasy.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa friendship namin at kung bakit kami
nagiiwasan ngayon. Pero siguro tama na magusap na kaming dalawa.

I nod "ok, let's talk. Madami din talaga akong dapat sabihin sayo"

Inayos ko lang saglit ang mga gamit ko then umalis na kami ni Drew. I just
texted Vin na umuna na akong umuwi dahil may kailangan akong gawin.

Sabi ni Drew doon na lang daw kami sa 7-11 mag usap para makapag meryenda
narin kami. Though wala naman talaga akong ganang kumain ngayon dahil sa mga
sasabihin ko kay Drew, pumayag narin ako kasi matagal ko nang di nakakasama
tong lalaking to mag meryenda.

Sakto namang pagdating namin sa 7-11 walang masyadong tao at talagang


magkakaroon kami ng "privacy"

"wait bibili lang ako ng makakain. Anong gusto mo?"

"uhmm wala. Ok lang ako."

"ok then I'll just buy you a slurpee and cup noodles, beef flavor" sabi niya
saakin

Napangiti naman ako. Kada kasi pupunta kami dito yun palagi ang binibili ko.

Tinignan ko lang si Drew habang nagtitingin ng pagkain doon at naramdaman ko


na naman na parang bumilis ang tibok ng puso ko. Mahal na mahal ko pa talaga
ang lalaking to. Kung sana nabigyan lang ng pagkakataon na maging kami, ako
na siguro ang magiging masayang babae sa buong mundo.

Yun nga lang, parang napaka layo na mangyari ng bagay na yun. Masyado ng
maraming nangyari. Masyado narin akong nasasaktan kaya siguro, dapat ko na
talagang pakawalan si Drew.

Mas magiging ok kung magkaibigan na lang kami.


Drew and me ate in silence. Nakakabingi yung katahimikan. Usually kasi kapag
magkasama kami, wala kaming ibang ginawa kundi magdaldalan ng magdaldalan ng
kung anu-anong bagay. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko na ang laki ng
pinagbago sa relasyon namin.

"u-uhmm Jeanell…"

Napatingin ako kay Drew at nakita kong nakatingin siya saakin ng seryoso

"sorry kung di ako nagparamdam sayo ng ilang araw ha? nagiisip isip kasi ako"

"ok lang yun, dahil doon nakapag isip narin ako.."

"Ah Jeanell--"

Pinutol ko yung sasabihin ni Drew "Sasagutin ko na si Vin"

Tinignan lang ako ni Drew nun at hindi siya umimik sa sinabi ko kaya naman
ipinagpatuloy ko ang pagsasalita

"Aaminin ko na i-ikaw parin hanggang ngayon pero Drew masaya ako kada kasama
ko si Vin kaya naman alam kong hindi ako mahihirapan na mahalin siya. At tama
ka, siguro hindi nga talaga tayo para sa isa't isa dahil alam kong hanggang
kapatid na lang talaga ang pag tingin mo saakin. But this time ayoko nang
masaktan. Gusto kong maranasang mahalin ng taong mahal ko kaya naman Drew,
sorry kung hihilingin ko sayo to pero sana, sana wag muna tayo magkita
hanggang sa mahulog na ako ng tuluyan kay Vin…"

Hindi ulit sumagot si Drew but instead nakayuko lang siya habang nilalaro
laro niya ang straw ng slurpee niya.

I sip my drink para mawala din ang awkwardness na nararamdaman ko.

"I-I see" Drew said after a while "n-naiintindihan ko. Actually yun din ang
sasabihin ko" inangat niya ang tingin niya then our eyes met "sana maging
happy ka na Jeanell" he told me while smiling.

He's wishing me to be happy. Pero bakit nung bitawan niya ang mga katagang
yun parang nadurog ang puso ko?

[Drew's POV]

"Sasagutin ko na si Vin"

Dire-diretso kong ininom yung isang bote ng beer ng maalala ko na naman ang
sinabi ni Jeanell.

Alam ko namang dadating talaga ang araw na magiging sila. Akala ko sa ilang
araw na pagiwas ko kay Jeanell, tanggap ko na yun. Pero hindi pala.
Nakalimutan ko na hindi parang computer ang puso na pwedeng mag delete ng
memory.

Masakit, sobra.
Nung mga panahong nag uusap kami ni Jeanell, dapat talaga ay aamin na ako sa
nararamdaman ko para sa kanya. Para atleast, kung kailangan man naming
maghiwalay ng landas, nasabi ko manlang ang tunay na nararamdaman ko. Pero
nung sinabi saakin ni Jeanell na sasagutin na niya si Vin at layuan ko na
siya, I decided na wag ko na lang ituloy ang pag amin. Ayoko ng makagulo pa
sa isip ni Jeanell.

All I want for her is to be happy.

Pero hindi ko ring maiwasang hindi masaktan.

"hay kaya ka naaagawan eh kasi lagi kang nagpapaka martyr"

Napalingon ako bigla doon sa nagsalita at nakita ko si Stephen sa tabi ko na


kasalukuyang umiinom ng juice na shake.

"nakakailang bote ka na ba ng beer?" tanong niya saakin "tignan mo ko shake


lang. Healthy living ako eh"

Hindi ko pinansin si Stephen at pinagpatuloy ko lang ang pag inom.

"uy bro alam mo ba may alam akong sikreto mo?" sabi na niya saakin but again,
di ko siya pinansin kaya pinagpatuloy lang niya ang pagsasalita niya.
Inakbayan ako ni Stephen "alam kong hindi naman talaga kayo ni Jeanell simula
pa lang"

Napalingon ako kay Stephen dahil sa sinabi "p-paanong--? Wait alam ba ni


Naomi?"

Nginitian niya ako then uminom siya ng shake niya atsaka niya ako sinagot "so
that's the reason. Kaya ba nagpanggap na kayo ni Jeanell is because of Nami?"

Hindi ko sinagot ang tanong ni Stephen

"if you're worried about Naomi, don't worry wala siyang alam. Pero tingin ko
mas dapat nag-aalala ka ngayon kay Jeanell. Naagaw ko na dati sayo si Nami,
ngayon hahayaan mo ulit maagawan ka ng babae? Buti sana kung kasing gwapo ko
yung unggoy na umaaligid kay Jeanell kaso hindi eh"

"wala kang alam" sabi ko sa kanya

"siguro wala nga akong alam sa kung anong nangyari, pero isa lang ang
masasabi ko, hindi mo kayang ipaglaban ang sarili mong kasiyahan"

"shut up!"

"forever ka ng hindi magkaka girlfriend kasi wala kang ibang ginawa kundi
ipaubaya ang mga babaeng minamahal mo sa ibang lalaki"

"I said shut up!!"

Tumayo si Stephen at tinapik ako sa braso "naalala mo dati nung nalaman ko


ang contract at nandito din ako sa bar na to at umiinom? Then dumating ka at
ginulo mo ang utak ko nun. Gantihan lang pare"
"what the hell--!!"

"pero lahat ng sinabi ko totoo. A simple advice, minsan kailangan natin mag
take ng risk para sumaya.."

Matapos sabihin ni Stephen yun, umalis na siya.

Napayuko ako habang nakasandal ang ulo ko sa magkabilang kamay ko. Sa totoo
lang tinamaan din naman talaga ako sa sinabi ni Stephen.

Lahat na lang ba ng babaeng mamahalin ko kailangan kong ipaubaya sa iba? Una


si Naomi, ngayon naman si Jeanell. Ano ba talagang problema bakit lagi na
lang napupunta sa iba ang mga babaeng mahal ko?

"siguro wala nga akong alam sa kung anong nangyari, pero isa lang ang
masasabi ko, hindi mo kayang ipaglaban ang sarili mong kasiyahan"

Napaangat ang ulo ko ng maalala ko ang sinabi ni Stephen.

Siguro nga napaka duwag ko. Wala akong ibang ginawa kundi magparaya. Ni hindi
ko manlang nasabi kay Jeanell kung gaano ko siya kamahal.

Binayaran ko lang yung ininom ko at lumabas na ako sa bar. Pauwi na sana ako
nun ng makita ko si Vin at Jeanell na magkasama.

Hawak hawak ni Vin ang kamay ni Jeanell at masaya silang naguusap dalawa.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naalala ko dati nung mga
panahong nakikita ko rin si Naomi at Stephen na magkasama. Masakit, but at
the same time, ayos narin kasi nakikita kong masayang masaya si Naomi.

Pero bakit ngayon hindi ko na maukhang maging masaya? Bakit puro sakit na
lang ang nararamdaman ko?

Paulit ulit sinasabi ng puso ko na sana ako na lang ang kinakausap ni


Jeanell, sana ako na lang ang kasama niya, sana ako na lang ang may hawak ng
kamay niya at sana, ako ang dahilan kung bakit masaya siya.

Pero hindi. Iba ang kasama niya.

"A simple advice, minsan kailangan natin mag take ng risk para sumaya.."

Siguro nga this time kailangan ko ng mag take ng risk. This time kailangan ko
ng sabihin kay Jeanell ang lahat kahit na hindi ako ang piliin niya.

Dahil this time, ayoko ng magpaka duwag.

[Jeanell's POV]
"Jeanell gusto mo bang kumain? Nagugutom ka na ba? Or pagod ka na ba? Gusto
mo magpahinga muna tayo?"

Hay buhay.

"Jeanell?" naramdaman kong may tumapik saakin kaya naman napalingon ako bigla
kay Vin

"h-ha? bakit?"

"kanina pa parang malalim ang iniisip mo diyan ah? sabi ko kung nagugutom ka
na ba?"

"ah hindi pa. Tara lakad lakad tayo" sabi ko kay Vin nagulat naman ako ng
biglang hawakan ni Vin ang kamay ko kaya napa atras ako bigla.

"oh s-sorry Jeanell, akala ko ok lang"

"ah hindi hindi, nagulat lang ako" kinuha ko yung kamay niya at hinawakan
ito "sorry"

He smile at me then we walk in silence.

It's been two weeks eversince makausap ko si Drew. Simula nun hindi ko na nga
talaga siya nakita. Putol na lahat ng communication naming dalawa. Ni-hindi
ko narin siya nakakasalubong manlang sa school.

Alam ko ginusto ko to pero sa totoo lang, ang hirap pala. Araw araw umaasa ko
na makasalubong manlang siya, kahit na makita ko man lang siya ng isang
beses. Pinilit kong alisin si Drew sa utak ko kaso wala, siya parin ang laman
nito.

At sa totoo lang, ayoko na. The more na minamahal ko si Drew, mas lalo lang
akong nasasaktan.

Napahinto ako bigla sa paglalakad.

"Jeanell, bakit?"

Tinignan ko si Vin then hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

"Vin m-may sasabihin ako sayo"

"hmm?"

"a-ahmm halos isang buwan ka narin nanliligaw saakin at nakita ko naman kung
gaano ka ka-sincere saakin. Nakita ko kung gaano mo ako pahalagahan at
alagan. Alam kong alam mo na h-hindi pa ako ganoong na f-fall sayo pero Vin I
want to—"

"Jeanell" naputol ang sasabihin ko ng banggitin niya ang pangalan ko "bago mo


ituloy yan may gusto muna akong aminin sayo"
"h-ha? ano?"

"hindi ako ang naglitas sayo nung nahulog ka, it's Drew"

"huh? What are you saying? Ikaw yung nakita kong nasa tabi ko!"

"ako yung nagdala sayo sa ospital, ako yung nagbantay sayo hanggang sa
magising ka pero si Drew ang sumalo sayo. Kaya hindi ka niya nabantayan is
because he got injured by saving you.."

Hindi ako nakaimik agad sa sinabi ni Vin then it hit me. Yung bali ni Drew sa
braso. Yung injury na yun. . . ako ang may gawa nun?

Ipinatong ni Vin ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko atsaka niya ako
tinignan maigi sa mata.

"Jeanell, alam ko kung ano yung sasabihin mo saakin pero bago yun, may gusto
pa akong ipaalam sayo. Drew loves you.."

Pagkasabing pagkasabi ni Vin nun, bigla na lang bumagsak ang luha sa mata ko.

"i-impossible.. impossible.. hindi niya ko mahal. P-paano nangyari yun!


please! Wag kang magbibiro ng ganyan!" umiling iling ako habang tinatakpan
ang mukha ko ng mga kamay ko "hindi niya ako mahal…"

"He loves you Jeanell. Alam ko napakatanga ko para ipaalam pa sayo ang mga
bagay na to pero ramdam na ramdam kong hindi ka magiging masaya saakin. Isa
pa, ayoko rin na maging panakip butas" hinawakan ni Vin ang kamay ko "come
with me"

Hinayaan ko lang na hilahin ako ni Vin. Wala akong idea kung saan kami
pupunta dahil hanggang ngayon, occupied parin talaga ang utak ko sa mga
sinabi niya.

Mahal ako ni Drew? Paano nangyari yun? halos hindi ko mapaniwalaan ang
nalaman ko. Parang napaka imposible.

"Jeanell! Vin!"

Natauhan naman ako ng makita ko si Kryzel na tumatakbo papalapit saamin. Doon


ko lang napansin na dinala ako ni Vin sa quadrangle ng university namin.

"Buti dumating kayo!" sabi ni Kryzel

"huh? Bakit?" takang taka na tanong ko naman sa kanya but instead na sagutin
niya ako, si Vin ang kinausap niya.
"salamat" sabi ni Kryzel kay Vin

"bayad ko na ang kasalanan ko ah?" sabi naman niya at tumalikod na siya


saamin

"Wait Vin saan ka pupunta?" habol ko sa kanya kaya lang tuloy tuloy siyang
naglakad palayo

"Jeanell come with me" sabi ni Kryzel at hinatak niya ako papalapit doon sa
stage

"anong meron kryzel?"

And again hindi niya ako sinagot, instead, ngumiti lang siya saakin.

"oh nandito na si Jeanell!"

Napatingin ako doon sa nagsalita at nakita ko sina Naomi na papalapit saakin.

"baklaaa!" tinapik ako ni France sa balikat "ang haba ng hair mo!"

"Fransisco Juan di pa nag i-istart, wag excited!"

"t-teka ano ba talagang nangyayari?!" sigaw ko sa kanila.

An tupa naman oh! Ano bang meron?! Sumasakit na ang ulo ko dito ha! Hindi pa
ko nakaka recover sa mga sinabi ni Vin dumadagdag pa tong sila Kryzel!

Ano ba kasing---

"hello"

Napalingon ako bigla sa stage ng marinig kong may nagsalita at halos malaglag
ang panga ko ng makita ko si Drew na nasa stage at may hawak na gitara.

"uhmm sorry kung naabala ko kayong lahat na pumunta dito. Sa totoo lang,
hindi ko nga alam bakit ko naisipang gawin ang bagay na ito. Siguro dahil
isang araw nagising na lang ako na pagod na akong magpaka duwag" nakita kong
naglabas ng panyo si Drew at pinunasan niya ang noo niya "sorry medyo
kinakabahan ako kasi unang beses ko lang gagawin ang bagay na to. Pero bago
ang lahat, may ikukwento muna ako. Meron akong bestfriend, lagi siyang
nandiyan nung mga panahon na sobrang nasasaktan ako. Hindi niya ako iniwan
nun kahit pinagtabuyan ko siya palayo. Sabi niya saakin mahal niya kasi ako.
Kaso ako hanggang kapatid lang ang tingin ko talaga sa kanya nun. Pero kahit
ganun, hindi niya ako iniwan. Kaya lang, lahat ng tao napapagod din lalo na
kung paulit-ulit silang nasasaktan. Isang araw nagising na lang ako na hindi
na ako ang may hawak ng kamay ng bestfriend ko. Nakita ko na lang na may
kasama na siyang iba. Nasaktan talaga ako nun. Akala ko nga dahil siguro
nasanay lang ako na nandiyan siya. Yun pala hindi" ibinaba ni Drew ang mga
tingin niya sa audience at nagulat ako ng mag meet ang tingin naming
dalawa "mahal ko na pala ang best friend ko. Mahal na mahal…" sabi ni Drew
habang nakatitig siya saakin "napaka tanga ko lang at hindi ko manlang maamin
amin sa kanya yun"

"w-what…" bulong kosa sarili ko "w-what is he saying.."

"napakalinaw na Jeanell, mahal ka niya. Mahal ka ni Drew" sabi ni Kryzel


saakin

At dahil sa sinabi ni Kryzel, napatakip na lang ako ng bibig habang


nangingilid ang luha ko.

"imposible…"

"Mahal kita Jeanell. Alam ko huli na ang lahat para aminin ko pa to sayo.
Alam ko na ilang beses ka naring nasaktan ng dahil saakin pero gusto ko, bago
mo manlang bitawan ang nararamdaman mo saakin, naamin kong mahal kita para
naman hindi narin ako magsisi"

Nakarinig ako ng malakas na hiyawan galing sa mga tao pero ni-isa sa mga
sinasabi nila ay wala akong naiintindihan. Para akong biglang nabingi at ang
tanging boses na lang na naririnig ko ay kay Drew

"imposible.." bulong ko ulit sa sarili ko

Drew started strumming his guitar at kumanta siya habang nakapako ang tingin
niya sa mga mata ko.

"This time, this place


Misused, mistakes
Too long, too late
Who was I to make you wait?"

"Jeanell, mukha ba talagang imposible na magustuhan ka niya? Tignan mo tong


ginagawa ni Drew, mukha ba talagang imposible?"

Napailing na lang ako habang pinipigilan ang mga luha sa mata ko.

"Just one chance


Just one breath
Just in case there's just one left
'Cause you know,
You know, you know"

Mahal ako ni Drew? Mahal ba talaga niya ako? Bakit niya sinasabi to ngayon
kung kelang ayoko na?

Bakit kung kelang nakapag decide akong bitawan siya atsaka siya lumalapit
ngayon?

"That I love you


I have loved you all along
And I miss you
Been far away too far too long"

Naramdaman kong may pumatak na luha sa mata ko. Oo nakakaasar talaga ang
lalaking to! Nakakayamot talaga siya! Matapos ng madaming luhang ibinuhos ko
dahil sa kanya tsaka niya gagawin to? Matapos akong mapagod tsaka niya
sasabihin ang mga bagay na to?

"I keep dreaming you'll be with me


And you'll never go
I'll stop breathing if
I don't see you anymore"

Pero kahit na iniyakan ko siya, kahit na nasaktan ako ng paulit ulit dahil sa
kanya, bakit ako nakakaramdam ng sobrang saya ngayon? Bakit pakiramdam ko
parang gusto ko siyang yakapin ngayon?

"On my knees, I'll ask for one


Last chance for one last dance
Cause with you, I'd withstand
All of hell to hold your hand"

Nakita kong napatingala si Drew then he blinked. Alam kong pinipigilan niya
na pumatak ang mga luha sa mata niya

"I'd give it all


I'd give for us
Give anything but I won't give up
'Cause you know,
You know, you know"
Nasasaktan siya dahil akala niya sasagutin ko na si Vin? Alam kong ang
selfish selfish ko, pero bakit ako natutuwa sa idea na yun?

"That I love you


I have loved you all along"

Mahal din kita Drew at kahit kelan hindi nagbago yun

"And I miss you


Been far away for far too long"

Kung alam mo lang na halos mabaliw ako nung mga panahong nilalayuan na natin
ang isa't isa.

"I keep dreaming you'll be with me


And you'll never go"

Huminto si Drew sa pag strum ng gitara then tinitigan niya ako

"I'll stop breathing if I don't see you anymore"

After he said those line, ibinaba niya ang gitara at tinalikuran niya kaming
lahat atsaka tumakbo palayo. Pero bago yun, I got a glimpsed on his face at
nakita kong may tumutulong mga luha dito.

"ay naku nag runaway yung papa!" rinig kong tili ni France

"ay anak ka naman ng--!! Drew Fernandez naman! Bat ka tumakbo!!" sigaw naman
ni Kryzel.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, agad agad akong tumakbo paakyat ng stage
at hinawakan yung mic na gamit gamit kanina ni Drew.

"DREW FERNANDEZ!!!" I shouted at the top of my lungs kaya naman lahat sila
napatakip ng tenga nila. Nakita kong napahinto din sa pag takbo si Drew at
napatingin siya saakin.

"a-ano…" ay anak naman ng tupa… ano nga ba sasabihin ko sa kanya? Na mahal ko


pa siya? na siya parin talaga ang makakapagpasaya saakin? na wala akong ibang
minahal kundi siya?

Na wala akong paki kung sinaktan niya ko dati basta ang alam ko mahal na
mahal ko parin siya?

Gusto kong ipagsigawan sa lahat ng tao yun pero naisip kong ituloy yung
kinakanta ni Drew kanina.

"I wanted
I wanted you to stay

'Cause I needed
I need to hear you say"

Nakita kong unti-unting lumapit si Drew sa stage habang hindi niya inaalis
ang mga mata niya saakin

"That I love you


I have loved you all along"

At kahit kailan di nagbago yun

"And I forgive you


For being away too far too long"

Kahit na nasaktan ako sayo, kahit na umiyak ako ng dahil sayo.. alam ko sayo
at sayo parin talaga ko babalik.

"So keep breathing


'Cause I'm not leaving you anymore"

At kahit kelan, di na talaga ako aalis sa tabi mo.

Bumaba ako ng stage at inabot ko ang kamay ko kay Drew

"Hold on to me and
Never let me go"

"J-jeanell…"

"baliw!" sigaw ko sa kanya "tatakbo ka agad ni hindi mo pa naririnig ang


reaction ko sa ginawa mo!"

"h-ha?"
"ang corny corny corny corny ng ginawa mo alam mo bay un? Ilang pelikula nab
a ang nakita mong gumawa ng ganitong eksena ha? isa pa kakanta ka pero hindi
mo tatapusin!"

Nakita ko naman ang naguguluhang expression sa mukha niya kasabay ng tawanan


ng mga tao dahil sa sinabi ko.

"s-sorry kung ang corny at ang jologs ng ginawa ko. Alam ko mas higit pa ang
mga ginawa ni Vin dito pero hindi ko naman talaga intended na sirain kayong
dalawa. Gusto ko lang na umamin sayo Jeanell. At ito lang ang naisip kong way
para maniwala ka sa sinasabi ko. But in the end masakit parin pala talaga na
malamang iba na ang gusto mo"

"hindi mo ba pinakinggan ang lyrics nung kinanta ko kanina?"

"h-ha?"

Bigla na namang tumulo ang luha sa mata ko at kinanta ko ulit yung lyrics na
kinanta ko kanina.

"I-I l-love you. I h-have lo-ve y-you all a-along…" hinawakan ko ang kamay ni
Drew at nakita kong tumulo narin ang luha sa kanya "A-and I forgive you, for
being away t-too f-far too l-long.." hinawakan ko ang pisngi niya at
pinunasan ko ang luha na tumutulo galing sa mga mata niya "S-so keep b-
breathing cause i-im not l-leaving you anymore"

Bigla akong hinila ni Drew papalpit sa kanya at niyakap niya ako ng


pagkahigpit higpit

"hold on to me and never let me go…"

"I love you, Jeanell…"

"h-hindi mo ba alam kung gaano ako kasaya marinig na sabihin mo ang salitang
yan?"

Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin atsaka pinunasan niya ang luha sa


pisngi ko "edi araw araw ko ng sasabihin sayo ang mga bagay na yan. Jeanell
mahal na mahal kita. Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan nung panahong
kasama mo si Vin. Napaka duwag ko kasi eh… pero this time ayoko na magpaka
duwag dahil gagawin ko ang lahat maging masaya lang ako…. Tayo.."
"i-inaasahan ko yan ah?"

He smiled at me habang pumapatak din ang luha sa mata niya

"I'll never let you go…"

And after he said those words, he gave me one sweet kiss.

End.

**

Mensahe ni majinbu:

Atlast natapos narin po ang BTCHO Special: New Love! Salamat po ng madami sa
pag babasa ng story ni Jeanell and ni Drew! Anyways, as promised dalawa ang
magiging special nito. Meron pang BTCHO Special: The Wedding ... Special
chapters naman po for Naomi and Stephen before ng "wedding" nila.. kung
nabitin man din kayo sa story ni Jeanell at Drew, don't worry, makikita niyo
kung paano sila as couples sa next btcho special.

Ayun lamang po. Salamat po ulit sa mga nagbasa.

Favor naman po kung may time kayo, kindly tweet to me your favorite part sa
BTCHO Special: New Love >> @iamAlyloony

Salamat po ulit! :)

You might also like