You are on page 1of 7

Sa Pagitan ng mga Letra

Isang Malikhaing Portpolyo ng mga Orihinal na Sulating Akademiko


Na Iniharap sa
Kagawaran ng Filipino, Mataas na Paaralang Senior
Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga

Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangansa


Filipino 121 (Filipino sa Piling Larangan)
Unang Semester, Taong Panuruan 2018-2019

Ni:

Jonahue T. Potenciano

19 Oktubre 2018
KABANATA I

REPLEKSYON

Sa kabuoan ng oras na ginugol ng aming klase sa kurso ng Filipino para sa unang semester,
an gaming pinag-aralan ay ang paggawa ng mga akademikong aralin. At sa dami-dami ng mga
sulatin na aming pinag-aralan at ginawa, hindi maiiwasan na kami ay may makukuhang aral at sa
totoo lang, ang aral na nakuha ko ay isang bagay na hindi kailangang matalino ka upang malaman,
ngunit ito ay hindi ko napagtanto noon dahil wala akong pakealam. At ito unang aral na nakuha
ko sa aming kurso sa Filipino; Maging may pakealam.

Dati ay binabalewala ko lang ang mga akademikong sulatin ngunit natutuhan kong
pakealamin ito at subuking matutunan ang proseso at paggawa nito. Ngunit hindi lamang sa sulatin
maaring Isabuhay ang aral na ito. Noon, masasabi kong wala akong pakealam sa mga nangyayari
sa paligid ko kagaya ng estado ng lipunan, ssa pulitika, at sa mga bagay na hindi nakakasabik.
Ngunit noong napagtanto ko na marami akong binabalewalang mga bagay na mahalaga tulad ng
pagsulat ng mga akademikong sulatin. Na siyang kinakailangan hindi lamang sa paaralan at
kinakailangan din kahit ikaw ay nakapagtapos na dahil ang Panakip liham, at Resume, ay isa sa
mga pinakaimportenteng sulatin na kakailanganin mo kapag mag-aaplay ka sa isang trabaho. At
dahil dito, may isa pa akong aral na natutuhan; Ang maghanda para sa aking kinabukasan. Hindi
man bago ang aral na ito ngunit mas pina-igting ng kurso ang aking determinasyon na maghanda
para sa kinabukasan ko. Dahil kadalasan ako ay isang taong sumusunod lamang sa daloy at minsan
ang sinasabi ko sa sarili ko ay “Mangyari na kung mangyari”. Ngunit kung may pangarap ka, dapat
paghirapan mo. Ang akademikong sulatin ay hindi lamang isang simpleng paggawa ng isang tula
kung saan ang sinusunod mo ay ang damdamin mo. Ito ay may Sistema ay buong proseso sa
paggawa. At naniniwala ako na ang Sistema at proseso ay isang bagay na kinakailangan ko sa
buhay ko. Kung may nais akong makamit, dapat may plano ako at Sistema para makamit iyon. At
mahalaga na sundan ko ng mataimtim ang proseso upang maging matagumpay ako sa nais ko.

Ngunit sa kalagitnaan ng mga pormalidad na aking natutunan, mahalaga parin ang mga
oras na ginugol ko kasama ang aking mga kaklase at guro at mga aral na natutuhan ko sakanila.
Ang aral ng pagtutulungan, pakikinig at pag-intindi ay mga bagay na hindi lamang makakatulong
saiyo sa buhay, ito ay mga aral na gumagaga sa isang mabuting tao. At sa pagtatapos ng kurso ng
Filipinio, dadalhin ko ang mga aral na ito. Hanggang sa kinabukasan. At sisguraduhin kong
magsasanay ako sa pagsulat ng mga akademikong sulatin.
KABANATA II

KONKLUSYON

You might also like