You are on page 1of 3

PAGLISAN

I
Buha'y ng tao'y sadyang mahigawa
Tanging likha ng iisang Tagapagpala
Walang hihigit yaring isang OBRA MAESTRA
Sa misteryo nito'y ni walang makaunawa
II
"O kay sarap mabuhay" ang aking nasambitla
Mga magagandang alaala akin pang nagunita
Na hatid sa aki'y ngiting hanggang tainga
Nagsisilbing pag-asa sa tuwi't twina
III
Laging hinihiling wala nawang katapusan
Dahil aking nadarama'y walang kapantay
Pero kailangang tatagan ang aking kalooban
At tanggapin na lamang na lahat ay may hangganan
IV
Nagbago ang lahat sa isang iglap
At ang aking mundo'y natakpan ng ulap
Kung maaari nga lang aking babalikan
Ang bawat sandali't baguhin ang nakaraan
V
Ngunit walang makapagsasabi kung kailan tatagal
Sa buhay na ito na lahat ay pagal
Kaya't bawat sandali ay pahalagahan
Dahil di natin alam kung kailan siya LILISAN
Juan Gising!
I
Gumising ka! bumangon ka!Oh Juan
Imulat mo mga mata nang yong matunghayan
Mga nangyari sa ating Inang kalikasan
Dulot ng tao at kanilang kapabayaan
II
Juan,narinig mo na ba balitang pumainlanlang ?
'Sang mabagsik na bagyo'y sa bansa dumalaw
Kumitil ng buhay,naglimas ng ari-arian
Hindi ba napaghandaan ng pamahalaan?
III
Alaala ni Yolanda huwag mo ng balikan pa
Limutin ang nakaraan,kasalukuya'y harapin na
Ika'y gumuhit ng isa pang kasaysayan
Sandaigdiga'y bilib di awa ang ibibigay.
IV
Panibagong yugto magandang pagkakataon
Iligtas si Inay at muling iahon
Sa pagtutulungan ang isip ay ituon
Nang upang polusyon hindi siya malamon
KADAKILAAN NIYA
I
Mundong ito ang saksi nang ako'y isinilang
Hininga at buhay sa 'ki'y kanyang binigay
Ginabayan at iningatan Siya rin ang umalalay
Nagsilbi ring tanglaw sa panahong may lumbay
II
Kung dumating man sa buhay ang mga hilahil
Na nararamdamang di na kayang tiisin
At animo'y pait' sakit ang sasapitin
Kaya't minsa'y naisip buhay ay kitilin
III
Ngunit di mo itinulot,O Amang Mahal
Dahil banal Mong pag-ibig saki'y nangibabaw
Nagsilbi Kang ilaw sa madilim na daan
Itinuro ang direksyon na dapat patunguhan
IV
Sa Iyo'y nangangako na laging sumunod
Bagkus sa sala ko Ikaw ang nagpahinuhod
Kaya't kaming 'Yong hinirang ay magbuklod-buklod
Nang upang ikaw sa ami'y malugod

You might also like