Subject: FINAL NOTICE OF DISMISSAL [RE: PAG-ABANDONA NG TRABAHO]
Ito ay may kinalaman tungkol sa iyong hindi pagpasok sa trabaho mula
ika-4 ng Marso, 2019 hanggang ngayon.
Noong ika-4 ng April, 2019 nagpadala ako sa iyo ng “Notice to Explain”
upang bigyan ka ng pagkakataong magsumite ng sulat upang magpaliwanag kung bakit hindi ka dapat tanggalin sa trabaho. Bukod dito ay nauna na akong nagpadala ng dalawang “Return-to-Work Order” na nagaanyaya sa iyo na bumalik sa trabaho.
Subalit lahat ng ito ay hindi mo binigyan pansin sapagkat walang anumang
papel o komunikasyon galing sa iyo ang dumating sa amin.
Dahil sa iyong pagliban sa trabaho ng walang pahintulot sa loob ng higit
isang buwan sa kabila ng paulit-ulit na direktibang ikaw ay pumasok, napagpasyahan ko na ikaw ay ituring na nag-abandona ng iyong trabaho.
Matapos ng masusing pag-susuri, mayroong sapat na basehan upang ikaw
ay tanggalin dahil sa pag-abandona sa trabaho at sa paulit-ulit at matinding pagpapabaya sa trabaho.
Dahil dito, ikaw ay TINATANGGAL ko sa iyong trabaho sa epektibo 22 April